It was supposed to be just a night of a pleasurable mistake but when that night gave them an unexpected gift, Chyna and Hendrix will be wedded just for the sake of this gift. A wedding without any emotional connection, a story of a not-so-perfect married life, what will happen to the newly wedded and their blessing?
View MoreUmaga na ng makarating ang mga magulang ni Chyna sa hospital dahil hindi ma-contact nila Hendrix ang Ina nito kanina at mukhang galing pa ng trabaho, sumunod namang dumating ang mga magulang ni Hendrix na puno rin ng paga-alala ang mukha.Si Hanz naman ay kasa-kasama lang ni Hendrix sa kwarto ng asawa sa ospital at kapwa wala pang tulog parehas, balak nilang lakarin ang lahat ng dapat nilang lakarin kapag sigurado na sila kung sino ang magbabantay kay Chyna.Dumating rin si Nica kasama ang kaibigan ni Hendrix na si Lucas, agad na naiyak ang dalaga ng makapasok sa kwarto ni Chyna dahil halos mapuno ng takot ang puso niya ng magising siya dahil sa tawag ni Hanz sa kaniya.“Kami na muna ang magbabantay rito, gawin niyo na ang dapat niyong gawin,” s
Kakarating pa lang nila Hanz, Nica at Chyna sa mall ay may napansin na agad itong lalaking tila ba kanina pa nila nakakasalubong, hindi niya na sana ito pagtutuonan ng pansin ngunit ng makita niya na naman ito noong nagsusukat ng dress si Nica ay hindi na ito nawala sa isip niya kaya kahit nakaalis na sila doon ay tila ba lahat ng senses niya ay naka high alert at halos libutin ng paningin niya ang buong paligid habang naglalakad lang ang dalawang kaibigan sa harap niya.At tama nga siya dahil nakita niya na naman ito ng pumunta sila ng ice cream place kaya agad niya itong nilabas at hinanap ngunit paglabas niya ay kahit tinakbo niya ang paikot nang paligid ng ice ceam shop ay hindi niya ito nahanap kaya napagdesisyunan niya na lang na iuwi ang mga kaibigan.Hindi niya sinagot ang kahit na anong tanong ng mga dalaga dahil
“Bakit nandito ka na naman?” bungad na tanong ni Hendrix ng pumasok si Hanz sa pintuan nila, natawa naman ako habang inaayos ang neck tie ni Hendrix. “Hayaan mo na mahal, para may kasama rin ako dito sa bahay. Ang boring kaya mag-isa!” sabi ko naman kaya nilingon ako ni Hendrix at sumimangot pa. “Ikaw! Ayusin mo ha . . . magkasakit lang si Chy tatamaan ka sa’kin,” sabi pa ni Hendrix. “Luh, parang ako pa nga ata magkakasakit diyan. Napaka exotic ng pinaglilihian ng asawa mo hoy,” sagot naman ni Hanz. “Aalis na ko. Eat on time and don’t get too tired,” sabi ni Hendrix bago ako hinalikan. “Yuck!” rinig ko namang reklamo ni Hanz kaya natawa ako, umalis na rin naman si Hendrix dahil papasok pa siya sa opisina. “Ano plano natin today?” tanong naman ni Hanz noong kami na lang ang nasa sala. “Gawa tayong dessert? Pinapunta ko rin si Nica ngayon eh kaso si Allyson out of coverage noong tinawagan ko,” sabi ko naman, napansin ko namang napatigil siya pero ka agad na bumalik sa ayos. “Tara
Papasok ng bahay nila si Allyson, kakauwi niya lang galing sa university nila, magpapahinga lang siya saglit at aalis na ulit dahil meron silang girl’s date nila Chyna ngayon.Kakapasok niya lang ng biglang siyang may narinig na tumatawa mula sa kusina nila, hindi niya na sana ito papansinin dahil baka ang pinsan niya lang ito. Didiretso na sana siya ng akyat ngunit nang may marinig siyang pangalan na binanggit ng pinsan niya at talagang napatigil siya.“Of course! Itutuloy mo ‘yon, I already got his schedule so alam ko kung kailan siya wala sa bahay nila para sigurado na ‘yung babaeng ‘yon lang ang nandun sa kanila. Piliin mo ‘yung hindi masyado matapang ang amoy ha? Para hindi rin magtaka ‘yung neighbors nila if ever.”
Pagkasundo namin kay Nica ay si Allyson naman ang sinundo namin sa may kanila, hindi naman malayo ang bahay nila Allyson kila Nica kaya hindi naman nahirapan si Hendrix.“Grabe pala talaga kapag naglihi ang buntis ano?” komento ni Nica noong pauwi na kami sa bahay.“Sorry! Gusto ni baby ng brownies eh,” sagot ko naman.“Napansin ko lang, parang mas maganda ang aura mo ngayon kahit pa madaling araw na,” komento naman ni Allyson kaya inirapan ko siya sa rear view at sabay kami natawa.“Pwera biro ‘yon ah,” sabi pa niya kaya tumango na lang ako.“Oo nga Chy, mas maganda ka ngayon. Mukhang maganda epekto sa ‘yo ng pag-leave mo ah, mas healthy ka
“Oh Ma’am Chyna! Ako na ho diyan,” bungad ni Nay Mely nung nakita niya ako nagluluto dito sa kusina.“Ako na po Nay, dadalhin ko po ‘to kay Hendrix sa office,” sagot ko naman habang nagluluto pa rin.“Oh sige, ako na lang ang maga-ayos ng lalagyanan,” sabi ni Nanay kaya tumango na lang ako.Tinapos ko na ang pagluluto at nilagay ko na rin sa baunan ‘yung mga pagkain pero hindi ko muna tinakpan para hindi naman masyadong mainit. Nagbihis din muna ako at nag-ayos ng konti para hindi naman ako mukhang hampaslupa kapag nagpunta ako sa office niya.“Nay si Kuya Ruel po?” tanong ko pagkababa ko.“Nandiyan na iha, kakarati
Nagising ako ng maramdaman ko ang tama nang sinag ng araw sa mukha ko kaya napatalikod naman ako doon. Napamulat naman ako ng wala akong maramdaman sa tabi ko, mukhang bumangon na si Hendrix.Bigla naman ako napangiti ng maalala ang nangyari kagabi, grabe thank you Lord talaga. Bumangon na ko ng tuluyan at dumiretso sa banyo kahit na panty lang ang suot ko, nagbihis rin ako bago lumabas.“Good morning,” bati ko ng makalabas na ako sa kwarto, napalingon naman kaagad siya.“Good morning,” sabi niya at nginitian ako kaya napangiti rin ako pabalik.Umupo ako sa may dining table at pinanood siya magluto, wal
“Mahal curious lang ako,” panimula ko ng may maalala ako.“What is it about?” tanong niya at hinawi ang buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko.“Noong gabing ‘yon . . . ano talaga ang nangyari?” tanong ko naman.Nakita ko naman na tumingin siya sa taas na tila inaalala rin kung ano ba talaga ang nangyari at hindi nakatakas sa pansin ko ang pagpigil niya ng ngiti bago nagkamot ng ilong.“First and foremost I just want to apologize for taking advantage of you that night, it was unconsented but don’t get me wrong . . . I am apologizing for the act but I am not regretting anything, okay?” paalala niya naman at tinaasan ako ng dalawang kilay kaya tumango ako.
Naglalakad kami ngayon ni Hendrix papasok na ng airport dahil magbabakasyon kami sa isang probinsya sa Cebu. Buti na nga lang talaga at pwede pa ako makabyahe dahil pa limang buwan pa lang si baby."Why? Are you scared?" tanong niya noong hawakan niya ang kamay ko, napansin niya sigurong malamig at medyo pinagpapawisan ang palad ko, tumango lang ako sa kaniya at ngumiti naman siya."I'll hold your hand until we get there, okay?" Hinalikan niya ang kamay ko kaya ngumiti rin ako."First time ko kasing sasakay ng eroplano, mabilis lang naman ang byahe 'di ba?" tanong ko naman."45 minutes ang estimated time or baka mas maaga pa," sagot naman niya. "Tell me immediately if you feel something bad, okay?""Next m
“Opo Ma, sa isang araw na ho ako uuwi dahil bukas ay didiretso na ako ng pasok,” wika ko habang naglalakad na palabas ng locker room ng trabaho ko.“Oh sige, batiin mo na lang si Hanz para sa’kin,” sagot naman ni Mama, agad naman akong kumaway dahil nakita ko na si Hanz na hinihintay ako sa labas.“Ikaw na magsabi sa kaniya oh,” sabi ko at agad na iniabot kay Hanz ang telepono ko bago naglakad na patungo sa passenger seat.Nakita ko naman na tumatawa pa siya habang kausap ang nanay ko, sobrang close nila ni Mama na halos anak na rin ang turing sa kaniya nito. Pumasok na rin siya nang siguro ay ibinaba na ni Mama ang tawag.“Buti na lang talaga napapayag ka ni Tita na sumama ngayon,” sabi niya naman habang inaayos ang seatbelt niya.“Ewan ko sa ‘yo, kapag ako hindi nakapasok sa school bukas, sasakalin kita,” sabi ko na ikinatawa naman niya.“Regalo ko?” tanong niya kaya kinuha ko naman sa bag ko ang isang paper bag ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments