Home / Romance / Mr. Vilmora's Accidental Bride / 4 - Rumors and that red lipstick.

Share

4 - Rumors and that red lipstick.

Author: yoonsofi
last update Last Updated: 2022-04-18 17:16:04

Chyna’s POV

“Salamat po,” sabi ko bago bumaba ng sasakyan.

“Ingat po ma’am,” sabi naman ni Kuya kaya ngumiti ako.

Mabait ang nakuhang driver ni Tita, kung ituring niya ako ay parang anak kaya hindi lang rin driver ang turing ko sa kaniya. Ilang araw na rin mula ng magsimula siya sa paghatid at pagsundo sa akin.

Pagkababa ko ng sasakyan ay naglakad na ako papunta sa meeting place namin nila Nica pero napansin ko na parang tinitingnan ako ng mga nakakasabay kong studyante pero hindi ko na lang pinansin.

“Natapos mo ‘yung activity kay Sir Gamboa?” tanong ni Nica sa’kin pagkaupo namin sa loob ng classroom.

“Oo anong oras na nga ako nakatulog eh,” sabi ko naman sa kaniya.

“Chyna,” tawag sa’kin ni Bea kaya napatingin naman ako sa kaniya.

“Totoo may sugar daddy ka?” tanong nito kaya napataas naman ang kilay ko.

“Saan mo naman nakuha ‘yan?” tanong ni Nica.

“Ay kalat sa school ‘yon eh, kaya tinanong ko na. So totoo? Ang ganda nga nung sasakyan na panghatid sa kaniya,” sabi pa ni Bea at tumawa.

“Ano naman kung totoo?” tanong ko pabalik at ngumiti sa kaniya, natahimik naman siya at umalis na rin.

“Ang landi talaga, kala mo kagaganda,” bulong pa niya pero narinig ko naman kaya napatawa na lang ako ng mahina.

“Mukhang may hindi pa rin nakaka move on sa naging issue sa ex niya,” bulong naman ni Nica na mas nagpatawa sa’kin.

Sinubukan kasi ako ligawan ng ex ni Bea pagkatapos nila maghiwalay eh wala naman akong interes sa lalaki kaya ni-reject ko pero nagalit pa rin sa akin si Bea dahil masyado raw akong nagpi-feeling maganda.

Sanay na akong nagkakaroon ng issue kahit hindi naman talaga totoo, ewan ko ba sa mga tao, parang hobby nila ang manghusga ng tao, parang kailangan nila ng daily supply ng bagong chismis.

Ganoon lang ang nangyari sa mga klase ko, tinitingnan nila ako at bubulong pero hindi ko na pinansin dahil mawawala rin naman iyon, hindi naman maaapektuhan ng mga chismis na ‘yan ang grades ko kaya bahala sila sa buhay nila. ‘Wag lang mapikon si Veronica sa kanila, oo si Nica dahil kayang-kaya noon makipagbardagulan.

“Hanz tara na!” sigaw ko naman kay Hanz ng makita ko siya dahil kanina pa namin siya hinihintay ni Nica dito sa may entrance ng campus.

“Madaling madali ka ba girl?” tanong niya ng makalapit sa’kin.

“Dalian mo na!” malakas ko namang sabi.

“Oh sige na, mauuna na ako at sisimulan ko na ‘yung mga activity na pinagawa nung demonyo,” sabi naman ni Nica kaya napalo ko ang braso niya bago napalingon sa paligid.

“Bunganga mo Veronica!” saway ko naman sa kaniya.

“Ingat,” paalam lang ni Hanz at b****o naman ako kay Nica.

Nagpunta na kami ni Hanz sa mall dahil gusto ko bumili ng panibagong set ng ballpen at bibilhin ko na rin ‘yung architectural book na hindi ko mabili-bili dahil napakamahal talaga. 

Pagkarating namin sa mismong bookstore ay nilanghap ko ang hangin dahil sobrang gusto ko talaga ang amoy dito.

“Hoy umayos ka nga! Para kang sinasapian diyan,” sabi ni Hanz sa tabi ko at hinigit ako papunta sa tabi dahil nasa entrance pa rin kami.

“Ang bango dito,” komento ko at nagsimula na maglakad patungo sa mga school supplies.

“Don’t tell me sa libro mo ipaglilihi ang pamangkin ko?” tanong niya, kaagad ko naman siyang sinuntok sa braso at inirapan na lang.

Bumili ako ng isang set ng rotring pen dahil kailangang kailangan ko noon pati noong iba’t ibang size ng ruler, pati painting materials ay bumili na ako dahil sobrang arte nung prof ko sa major na dapat lahat ng plates namin ay may design. 

Nang madayo naman ako sa fictional books aisle ay talagang pinilit kong huwag lumingon dahil iniisip ko na hindi ko pera ang ginagastos ko at ayokong bumili ng hindi ko naman talaga kailangan.

“Dalian mo na, nagugutom na ko Chyna,” inis na sabi ni Hanz kaya binilisan ko na rin ang pagpili pa ng iba kong kailangan.

Nag-early dinner na kami sa mall dahil maga-alas sais na rin naman ng gabi. Sa fast food lang kami kumain habang nagu-usap tungkol sa mga bagay bagay.

“Buti hindi ka nakipag-away,” sabi niya ng maikwento ko ang tungkol sa nangyari kanina.

“Sanay na ko, halos taon taon ako may issue sa campus,” sagot ko naman bago uminom ng juice.

“Eh si Nica? Anong ginawa?” tanong niya.

“Wala naman, sinagot niya lang rin, buti nga at kalmado ang gaga noon,” sabi ko naman at sabay kami natawa ng mahina.

Huling beses na nagkaroon ako ng issue sa school ay muntikan talagang makipagsuntukan si Nica sa may corridor noong may tumawa sa akin habang naglalakad kami, buti na lang talaga ay napigilan ni Hanz dahil baka matanggal siya sa varsity team kapag nalaman na may nakaaway siya.

Hindi na rin naman kami nagtagal sa mall dahil gabi na at may mga kailangan pa akong gawin sa school. Hinatid lang ako ni Hanz sa bahay at tinulungan ako sa mga bitbit ko hanggang sa loob, pagkaalis niya ay naupo ako saglit sa sofa dahil nakaramdam ako ng kaunting hilo kaya pumikit ako sandali.

“Chyna, wake up.” Narinig ko pero bumaling na lang ako sa kabila dahil inaantok pa ako.

“Chyna, you have to sleep in your room.” Napakunot na ang noo ko dahil ayaw kong magmulat ng mata.

“Ayaw,” sagot ko na lang sa kung sino ang tumatawag sa’kin.

“Chyna,” may warning sa boses ng kung sino man ang gumigising sa akin kaya unti-unti ko ng iminulat ang mata ko, bumungad naman sa’kin ‘tong lalaking ‘to.

“Doon ka sa kwarto mo matulog para hindi ka mahirapan, bakit ba kasi natulog ka diyan?” tanong niya habang pinagmamasdan ako.

“Hindi ah, pumikit lang ako!” depensa ko naman sa sarili ko bago ko tiningnan ang wall clock, nandilat ang mata ko ng makita kong maga-alas diyes na ng gabi.

“Umakyat ka na at doon mo ituloy ang pagtulog mo,” sabi nito sa’kin bago tumalikod na at naglakad patungo sa hagdan.

“Hendrix,” tawag ko naman ng maalalang may sasabihin ako sa kaniya, lumingon naman siya at nagtaas ng dalawang kilay kaya napaiwas naman ako ng tingin bago nagsalita ulit.

“Ano . . . ginamit ko ‘yung card na binigay mo tapos ano- medyo ano- ano ‘yung-” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng marinig ko siyang tumawa.

“Puro ano lang ang naintindihan ko Chy,” sabi naman niya kaya napakamot ako sa tenga ko.

“Malaki ‘yung bill,” nahihiyang pagtapat ko, hindi ko kasi napansin na umabot ng halos fifteen thousand ‘yung bill ko kanina.

“I know. Akala ko nga ay nagshopping ka ng damit at bags o accessories, nagshopping ka lang pala ng ballpen. It’s fine, study hard,” sabi niya at tuluyan ng umakyat.

“Tang*na? Fifteen thousand ‘yung nagastos ko ‘it’s fine’?” bulong ko sa sarili ko, paggastos nga lang ng sobra sa isang libo ay parang sinasakitan na ako ng puso.

Umakyat na rin ako sa kwarto ko bitbit ang mga gamit ko, pinilit ko namang tapusin ang mga activity na kailangan ko ipasa bukas kaya medyo late na talaga ako nakatulog. 

Parang wala pang ilang oras mula ng ipikit ko ang mata ko ay nagising na lang ako dahil nasusuka ako kaya agad akong bumangon at dumiretso sa banyo para sumuka sa may bowl. 

Parang nawalan ng laman ang tiyan ko pagkatapos kong sumuka, hinugasan ko na ang mukha ko at bumalik sa kama ko pero ng makita kong limang minuto na lang ay magri-ring na ang alarm clock ko ay nag-ayos na lang ako ng kama ko at bumaba na sa sala.

“Good morning Nay Mely,” bati ko naman sa kasambahay namin na nakita kong naga-ayos na ng hapag kaya ay tumulong ako sa paga-ayos niya at ako na ang nagtimpla ng kape para kay Hendrix at iced choco naman para sa akin.

Mahilig naman talaga ako sa kape noon pero sabi ni Mama ay masama raw ang kape sa baby kaya pinilit ko ng limitahan ang sarili ko.

“Good morning,” bati naman ni Hendrix nang makarating sa dining table kaya tumango ako sa kaniya.

Nagsimula na kami mag-almusal, normal naman na tahimik kami sa hapag dahil wala naman kami kailangan pag-usapan. Nang matapos ako ay nagpaalam na ako sa kaniya para makapag-ayos na rin ako agad. 

Pagkababa ko sa sala ay nagsusuklay pa ako ng buhok, dumiretso naman ako sa kusina para kuhain sa freezer ang tubigan ko. 

Pabalik na ako sa sala ng marinig ko ang pagtunog ng door bell kaya ay dumiretso na ako sa front door para buksan ‘yon.

“Sino po sila?” tanong ko naman sa babaeng nakita ko.

“Are you his maid? Can you make me a coffee?” tanong niya at pumasok ng diretso kaya nagulat naman ako at napapikit-pikit pa.

“Miss excuse me, baka nasa maling bahay ho kayo,” sabi ko naman ng makabawi ako.

“This is Hendrix’ new house right?” tanong niya habang prenteng nakaupo sa sofa namin.

“Kim?” Napatingin naman ako kay Hendrix na nakababa na pala sa hagdan.

“Hi love, did you miss me?” tanong nito at lumapit kay Hendrix at umangkla sa braso nito kaya nailang naman ako kaya lumapit na lang ako sa kinalalagyan ng bag ko.

“Kim how did you know this house?” seryosong tanong naman ni Hendrix.

“I have my sources love,” sagot nito, nakita ko naman na tinanggal ni Hendrix ang hawak nito sa kaniya kaya napangiti ako, mukhang hindi sila in good terms ah.

“Kim, we literally broke up a year ago. Hindi tamang bigla ka pupunta sa bahay naming mag-asawa,” sabi ni Hendrix kaya napatalikod naman ako agad ng marinig ko ang word na asawa dahil ayoko madamay, may problematic past ata sila.

“What do you mean married? Ni hindi ka nga nagkaroon ng girlfriend after ko,” komento nung babae at tumawa pa pero nanatiling tahimik si Hendrix.

Buti na lang narinig ko na ang busina sa labas kaya agad ko kinuha ang bag ko para lumabas na, lalampas na sana ako sa kanila nang bigla may humawak sa palapulsuhan ko kaya napalingon naman ako, nakita kong itong babae ang nakahawak sa’kin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

“This is your . . . wife?” tanong niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya nailang naman ako, binawi ko naman ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

“Yes, so please just treat me as a business partner Kim,” sabi ni Hendrix.

“Alis na ko,” paalam ko at ngumiti pa ako ng pilit sa kanila bago naglakad na paalis, kaso bago pa ako makalabas ng front door ay may sinabi pa ‘yung babae.

“She’s not even that beautiful, why did you marry her?” tanong niya na nakapagpairap sa’kin.

Akala mo kung sinong maganda eh hindi naman bagay sa kaniya ang red lipstick niya, mukha pang tinurukan ang labi niya. What a great way to start a day.

Related chapters

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   5 - Falling for you?

    Nagpa-panic na ako ngayon dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nalimutan ko lang naman sa bahay ang drawing tube ko at dalawang plates ko ang nakalagay doon na ngayon na ang deadline.“Ayaw sumagot ni Hanz,” halos paiyak ko ng sabi kay Veronica habang nandito kami sa comfort room.“Kumalma ka, sasagot rin ‘yan okay? Or kung hindi mo makuha ‘yon ngayon ay makiusap ka na lang kila prof, ngayon lang naman nangyari sa ‘yo ‘yan eh,” sabi ni Nica at hinagod pa ang likod ko dahil konti na lang ay iiyak na talaga ako.Sa dalawang major ko ang plates na ‘yon kaya hindi ko alam paano ko ie-explain sa kanila na naiwan ko sa bahay ang gawa ko. Sinasabunutan ko ang sarili ko ng bigla naman mag-ring ang phone ko, dahil sa paga-akalang si Hanz ang tumawag ay agad ko na itong sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang caller ID.“Hello! Hanz! Kanina pa kita tinatawagan,” sabi ko habang hinihingal pa.“Chyna,” nandilat naman ang mata k

    Last Updated : 2022-04-20
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   6 - With the Vilmora family.

    Tinawagan ko na si Hendrix habang naglalakad kami palabas ng building, buti naman at nakisama si Nica at tumahimik kahit papaano pero hindi pa rin nawala ‘yung mapang asar niyang mukha.“Hello?” sagot ni Hendrix sa kabilang linya.“Bakit mo ako susunduin? Wala si Kuya Ruel?” tanong ko naman.“Sa bahay tayo magdi-dinner at naghanda sila Mommy, nandito na ako sa labas,” sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at binilisan ko na ang paglalakad habang humahabol naman si Nica sa’kin. Binaba ko na ang tawag at saktong paglabas ko ng lobby ay nakita ko agad siya kahit ang daming naglalakad palabas dahil naka park ang sasakyan niya sa tabi niya at nandun na rin si Hanz pero mukhang hindi sila nagu-usap.“Anong mayroon ngayon?” tanong ko naman pagkarating ko doon.“Trip lang ni Mommy maghanda, baka nag-experiment ulit ‘yon,” sagot ni Hanz kaya tumango na lang ako.“Una na ako, ingat kayo,” paalam ni Nica sa tabi ko kay

    Last Updated : 2022-04-23
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   7 - Is it bad to fall in love with my husband?

    Sa bawat araw na lumilipas ay ayoko mang aminin pero unti-unti na talaga akong kinikilig kay Hendrix. Alam kong walang meaning ang mga ginagawa niya, lahat ‘yon para lang sa anak namin pero hindi ko naman kasi kayang hindi pansinin kung gaano siya kabuting lalaki.Lord, sobrang gentleman nito, tulungan niyo po akong ‘wag mahulog kasi baka lumagapak ako sa lupa.“Good morning Nay,” bati ko kay Nanay pagkababa ko sa may dining area para kumuha ng tubig.Pabukas na sana ako ng pinto ng ref nang makita kong may note doon, binasa ko naman at napairap na lang ako at nagpigil ng ngiti. Lord sabi ko tulungan mo ko ‘wag mahulog eh.‘I bought you new vitamins, it is good for you and the baby. Drink it every morning.’ - HDelikado na ata ako, vitamins lang ‘yan pero ‘yung kilig ko akala mo ay nag-propose sa’kin

    Last Updated : 2022-04-27
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   8 - 'Good night, Mrs. Vilmora'

    Nagtutupi na ako ng mga dadalhin kong damit dahil kila Veronica ako matutulog ngayon dahil first day na ng midterm examination namin bukas. Palagi naman kami ganito dahil mas nakakapagreview ako ng maayos kapag may kasabay akong nagre-review.“Nanay Mely, si Kuya Ruel po?” tanong ko naman ng malakas pagkababa ko sa may sala at bitbit na ang mga damit ko, para akong maglalayas.“Ako na maghahatid sa ‘yo,” napalingon naman ako ng marinig ko ‘yon, nakita ko si Hendrix na naghuhubad ng coat niya.“Ha? ‘Wag na baka pagod ka rin, si Kuya na lang,” sabi ko naman.“Ako na. Para alam ko rin ang bahay ng bestfriend mo,” sabi pa niya at ibinaba lang ang bag niya sa may sofa at naglakad na palabas.Wala na rin naman ako nagawa kaya sumunod na ako sa kaniya palabas ng bahay. Hindi niya na pinasok ang sasakyan niya sa garahe siguro ay expected niyang ihahatid niya ako, nag-message kasi ako sa kaniya na kila Veronica ako matutulog dahil baka magalit siya kung hindi ako magsabi sa kaniya.“Bango,” ko

    Last Updated : 2022-05-11
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   9 - Misunderstanding

    Paakyat na sana ako ng makasalubong ko si Hendrix na mukhang nakaporma rin, tiningnan niya naman ako at kumunot kaagad ang noo niya.“Are you alright? Namumutla ka,” komento niya kaya umiling ako.“Pagod lang sa exam,” sabi ko naman at ngumiti ng tipid.“Magpahinga ka na, may pupuntahan-” hindi ko na siya pinatapos at tumalikod na ako.“Ingat kayo,” sabi ko at naglakad agad paakyat sa kwarto ko.Ayoko na marinig na magde-date sila nung babaeng ‘yon. Akala ko ba ex-girlfriend na? Bakit nandito? Ano ‘yon bonding ng mag-ex?Dumiretso ako ng higa sa kama ko at tumitig na lang si kisame, sila na ba ulit? Hindi sila bagay. Bigla naman nagtubig ang mata ko ng maisip ko ang possibility na baka magkabalikan sila, huminga ako ng malalim para hindi matuloy ang pagtulo ng luha ko.Tama si Nica, ako lang talaga nagbibigay ng malisya sa mga ginagawa niya. Bakit kasi pinalaki ka ng mga magulang mo bilang mabuting lalaki? Paano ko maiiwasang hindi mahulog sa ‘yo? Napaiyak na lang ako ng tuluyan nun

    Last Updated : 2022-05-14
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   10 - Hide and seek?

    Third Person’s POVIlang araw na mula noong nagsimulang dumistansya si Chyna sa asawa at unti-unti na ‘yon napapansin ni Hendrix ngunit wala naman siyang magawa dahil halos hindi na sila magkita ng dalaga sa mismong bahay nila. Tuwing umaga ay maaga na itong umaalis at sa gabi naman ay maaga na ito palaging natutulog.Kahit na si Chyna ang umiiwas ay hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot dahil sa ginagawa niya pero hindi niya naman matigilan dahil naaalala niya na baka nagkabalikan na si Hendrix at Kim dahil ilang beses na niya ito nakita sa bahay nila.“Oh ano na naman ang iiyakan natin today?” tanong ni Nica ng makita ang kaibigan na nakatulala sa meeting place nila.“Wala. Kalmado ako today,” sagot naman ni Chyna.“Sana talaga true!” malakas naman na sabi ni Nica.“Hayaan mo na siyang ganiyan at baka umiyak pa,” sabi rin ni Allyson kaya napasimangot na naman si Chyna sa mga kaibigan niya.“Pasok na,” bungad ni Hanz pagkarating niya at inabutan lang ng strawberry milk si Chyna.“

    Last Updated : 2022-05-23
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   11 - Confrontation and Confession?

    Naiwan namang tahimik ang dalawa sa sala at tangging tunog lang na nanggagaling sa telebisyon ang maririnig. Halos hindi pa rin makatingin si Chyna kay Hendrix habang si Hendrix naman ay nakatuon lang ang paningin sa kaniyang asawa. "Bakit ka pala nagpunta?" tanong naman ni Chyna para matapos ang katahimikan. "Nandito ka eh, susunduin lang sana kita kaso pinapasok ako ni Mama," sagot nito sa asawa at napansin naman ni Chyna ang tinawag nito sa kaniyang Ina pero pumikit na lang ito para iwaksi ito sa isip niya. Natahimik naman silang muli pagkatapos noon, magsasalita na sana ulit si Hendrix ngunit tinawag na sila ng Ginang para kumain kaya nagpunta na sila sa hapag at sabay-sabay kumain. "Kamusta ka naman Hendrix?" tanong ng Ina ni Chyna. "Okay lang naman ho, medyo busy lang sa trabaho," sagot nito bago uminom ng tubig. "Alagaan mo rin ang sarili mo ha, baka naman magkasakit ka niyan kakatrabaho," paalala naman nito. "Opo. Nililimitahan ko rin ang masyadong pagtatrabaho para naaa

    Last Updated : 2022-05-24
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   12 - We're a real couple now.

    Chyna’s POVHindi ko na alam anong mararamdaman ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakangiti pa ‘tong lalaking ‘to sa harap ko. Feeling ko hindi totoo ‘to, baka nagha-hallucinate na lang ako. “Matagal ko na napapansin na may gusto ka sa ’kin Chy, ‘yung mga ngiti mo noon na simple lang, umaabot na hanggang mata kapag kaharap mo ko. Minsan pa nga naririnig kita na tumitili sa kwarto mo, nakikita ko paano ka nabibigla kapag may ginagawa akong kakaiba para sa ’yo . . . oo Chy napapansin ko lahat. Paanong hindi ko mapapansin kung sa ‘yo lang din naman nakatuon ang atensyon ko?” tanong niya, unti-unti namuo ang luha sa mata ko, tang*na namang hormones ‘to, nagiging sobrang emotional akong tao kahit hindi naman.“Pero hindi mo naman ako gusto,” sabi ko at napaiyak na nga. Tinakpan ko ang mukha ko habang umiiyak naramdaman ko naman ‘yung kamay niya at tinanggal ang takip sa mata ko, hindi matigil ang pagtulo ng luha ko kaya kahit nakatingin na ako sa kaniya ay tumutulo pa rin ang

    Last Updated : 2022-05-27

Latest chapter

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   39 - The start of a bigger chaos.

    Umaga na ng makarating ang mga magulang ni Chyna sa hospital dahil hindi ma-contact nila Hendrix ang Ina nito kanina at mukhang galing pa ng trabaho, sumunod namang dumating ang mga magulang ni Hendrix na puno rin ng paga-alala ang mukha.Si Hanz naman ay kasa-kasama lang ni Hendrix sa kwarto ng asawa sa ospital at kapwa wala pang tulog parehas, balak nilang lakarin ang lahat ng dapat nilang lakarin kapag sigurado na sila kung sino ang magbabantay kay Chyna.Dumating rin si Nica kasama ang kaibigan ni Hendrix na si Lucas, agad na naiyak ang dalaga ng makapasok sa kwarto ni Chyna dahil halos mapuno ng takot ang puso niya ng magising siya dahil sa tawag ni Hanz sa kaniya.“Kami na muna ang magbabantay rito, gawin niyo na ang dapat niyong gawin,” s

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   38 - “Please breathe mahal!”

    Kakarating pa lang nila Hanz, Nica at Chyna sa mall ay may napansin na agad itong lalaking tila ba kanina pa nila nakakasalubong, hindi niya na sana ito pagtutuonan ng pansin ngunit ng makita niya na naman ito noong nagsusukat ng dress si Nica ay hindi na ito nawala sa isip niya kaya kahit nakaalis na sila doon ay tila ba lahat ng senses niya ay naka high alert at halos libutin ng paningin niya ang buong paligid habang naglalakad lang ang dalawang kaibigan sa harap niya.At tama nga siya dahil nakita niya na naman ito ng pumunta sila ng ice cream place kaya agad niya itong nilabas at hinanap ngunit paglabas niya ay kahit tinakbo niya ang paikot nang paligid ng ice ceam shop ay hindi niya ito nahanap kaya napagdesisyunan niya na lang na iuwi ang mga kaibigan.Hindi niya sinagot ang kahit na anong tanong ng mga dalaga dahil

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   37 - Hanz doing his duty.

    “Bakit nandito ka na naman?” bungad na tanong ni Hendrix ng pumasok si Hanz sa pintuan nila, natawa naman ako habang inaayos ang neck tie ni Hendrix. “Hayaan mo na mahal, para may kasama rin ako dito sa bahay. Ang boring kaya mag-isa!” sabi ko naman kaya nilingon ako ni Hendrix at sumimangot pa. “Ikaw! Ayusin mo ha . . . magkasakit lang si Chy tatamaan ka sa’kin,” sabi pa ni Hendrix. “Luh, parang ako pa nga ata magkakasakit diyan. Napaka exotic ng pinaglilihian ng asawa mo hoy,” sagot naman ni Hanz. “Aalis na ko. Eat on time and don’t get too tired,” sabi ni Hendrix bago ako hinalikan. “Yuck!” rinig ko namang reklamo ni Hanz kaya natawa ako, umalis na rin naman si Hendrix dahil papasok pa siya sa opisina. “Ano plano natin today?” tanong naman ni Hanz noong kami na lang ang nasa sala. “Gawa tayong dessert? Pinapunta ko rin si Nica ngayon eh kaso si Allyson out of coverage noong tinawagan ko,” sabi ko naman, napansin ko namang napatigil siya pero ka agad na bumalik sa ayos. “Tara

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   36 - The other side.

    Papasok ng bahay nila si Allyson, kakauwi niya lang galing sa university nila, magpapahinga lang siya saglit at aalis na ulit dahil meron silang girl’s date nila Chyna ngayon.Kakapasok niya lang ng biglang siyang may narinig na tumatawa mula sa kusina nila, hindi niya na sana ito papansinin dahil baka ang pinsan niya lang ito. Didiretso na sana siya ng akyat ngunit nang may marinig siyang pangalan na binanggit ng pinsan niya at talagang napatigil siya.“Of course! Itutuloy mo ‘yon, I already got his schedule so alam ko kung kailan siya wala sa bahay nila para sigurado na ‘yung babaeng ‘yon lang ang nandun sa kanila. Piliin mo ‘yung hindi masyado matapang ang amoy ha? Para hindi rin magtaka ‘yung neighbors nila if ever.”

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   35 - The friendship we have.

    Pagkasundo namin kay Nica ay si Allyson naman ang sinundo namin sa may kanila, hindi naman malayo ang bahay nila Allyson kila Nica kaya hindi naman nahirapan si Hendrix.“Grabe pala talaga kapag naglihi ang buntis ano?” komento ni Nica noong pauwi na kami sa bahay.“Sorry! Gusto ni baby ng brownies eh,” sagot ko naman.“Napansin ko lang, parang mas maganda ang aura mo ngayon kahit pa madaling araw na,” komento naman ni Allyson kaya inirapan ko siya sa rear view at sabay kami natawa.“Pwera biro ‘yon ah,” sabi pa niya kaya tumango na lang ako.“Oo nga Chy, mas maganda ka ngayon. Mukhang maganda epekto sa ‘yo ng pag-leave mo ah, mas healthy ka

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   34 - Trying to be a good wife and a good friend.

    “Oh Ma’am Chyna! Ako na ho diyan,” bungad ni Nay Mely nung nakita niya ako nagluluto dito sa kusina.“Ako na po Nay, dadalhin ko po ‘to kay Hendrix sa office,” sagot ko naman habang nagluluto pa rin.“Oh sige, ako na lang ang maga-ayos ng lalagyanan,” sabi ni Nanay kaya tumango na lang ako.Tinapos ko na ang pagluluto at nilagay ko na rin sa baunan ‘yung mga pagkain pero hindi ko muna tinakpan para hindi naman masyadong mainit. Nagbihis din muna ako at nag-ayos ng konti para hindi naman ako mukhang hampaslupa kapag nagpunta ako sa office niya.“Nay si Kuya Ruel po?” tanong ko pagkababa ko.“Nandiyan na iha, kakarati

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   33 - Honeymoon vacation.

    Nagising ako ng maramdaman ko ang tama nang sinag ng araw sa mukha ko kaya napatalikod naman ako doon. Napamulat naman ako ng wala akong maramdaman sa tabi ko, mukhang bumangon na si Hendrix.Bigla naman ako napangiti ng maalala ang nangyari kagabi, grabe thank you Lord talaga. Bumangon na ko ng tuluyan at dumiretso sa banyo kahit na panty lang ang suot ko, nagbihis rin ako bago lumabas.“Good morning,” bati ko ng makalabas na ako sa kwarto, napalingon naman kaagad siya.“Good morning,” sabi niya at nginitian ako kaya napangiti rin ako pabalik.Umupo ako sa may dining table at pinanood siya magluto, wal

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   32 - Where we started.

    “Mahal curious lang ako,” panimula ko ng may maalala ako.“What is it about?” tanong niya at hinawi ang buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko.“Noong gabing ‘yon . . . ano talaga ang nangyari?” tanong ko naman.Nakita ko naman na tumingin siya sa taas na tila inaalala rin kung ano ba talaga ang nangyari at hindi nakatakas sa pansin ko ang pagpigil niya ng ngiti bago nagkamot ng ilong.“First and foremost I just want to apologize for taking advantage of you that night, it was unconsented but don’t get me wrong . . . I am apologizing for the act but I am not regretting anything, okay?” paalala niya naman at tinaasan ako ng dalawang kilay kaya tumango ako.

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   31 - The Vacation.

    Naglalakad kami ngayon ni Hendrix papasok na ng airport dahil magbabakasyon kami sa isang probinsya sa Cebu. Buti na nga lang talaga at pwede pa ako makabyahe dahil pa limang buwan pa lang si baby."Why? Are you scared?" tanong niya noong hawakan niya ang kamay ko, napansin niya sigurong malamig at medyo pinagpapawisan ang palad ko, tumango lang ako sa kaniya at ngumiti naman siya."I'll hold your hand until we get there, okay?" Hinalikan niya ang kamay ko kaya ngumiti rin ako."First time ko kasing sasakay ng eroplano, mabilis lang naman ang byahe 'di ba?" tanong ko naman."45 minutes ang estimated time or baka mas maaga pa," sagot naman niya. "Tell me immediately if you feel something bad, okay?""Next m

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status