Share

3 - I do(n't)

Author: yoonsofi
last update Huling Na-update: 2022-02-11 23:41:59

Wala pang isang linggo ang naging preparasyon sa kasal ni Chyna at Hendrix, halos ang mga magulang lang nila ang nagkakausap tungkol dito dahil pareho may pasok si Chyna at Hendrix. At ngayon na ang araw ng kasal nila, isang garden wedding ang mangyayari at imbitado ang ilan sa mga business partners ng mga Vilmora at ang pamilya ni Chyna na hindi naman ganoon kalaki.

“Akala ko joke lang ‘yung ikakasal ka,” hindi pa rin makapaniwalang saad ni Veronica sa kaibigan.

“Kahit ako ay hindi ko rin naman ine-expect na ikakasal ako ng ganito kaaga at lalo na sa lalaking ni hindi ko man lang kilala,” sagot ni Chyna.

“Bakit feeling ko pinakinggan ni Lord ‘yung sinabi ko sa birthday ni Hanz medyo sumobra lang ‘yung nangyari,” sabi ni Veronica at naalala naman ni Chyna ang sinabi nito na sana raw ay magkaroon ito ng ka-make out sa birthday ni Hanz.

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Hanz ang kaibigang nakasuot na ng wedding dress at naghihintay na lang ng oras ng paglabas sa garden. Pinagmasdan niya kung gaano ka elegante at kaganda tingnan ang kaibigan, kaibigan niyang matagal niya ng palihim na iniibig na ngayon ay ikakasal na sa nakakatanda niyang kapatid.

Ilang araw na ring pilit tinatanggap ni Hanz ang sakit sa kaalamang hindi na mapipigil pa ang kasal kaya ay ininda niya na lang ito ng mag-isa dahil kahit ang kaibigan ay wala namang alam tungkol sa nararamdaman niya.

“Magsisimula na ho ang kasal,” bungad ng organizer na pumasok sa dressing room ni Chyna.

“Una na ako sa baba, mag-ingat ka sa pagbaba ng hagdanan ha,” paalala ni Hanz at nauna ng bumaba dahil siya ang best man ng kapatid kahit na nagkaroon sila ng away.

Nasa gitna na si Chyna at naglalakad katabi ang kaniyang Ina, at natatanaw na rin niya ang lalaking mapapangasawa niya. Hindi ito nakangiti pero hindi rin naman ito nakasimangot kaya hanggang makarating sila sa mismong harap ay tipid na ngiti lang ang nasa kaniyang labi.

Nagmano naman si Hendrix sa Ina ng dalaga upang magbigay galang dito bago inalok ang braso sa dalaga at sabay na naglakad palapit sa pari.

Nagsimula na ang seremonya ng kasal habang tahimik lang na nakikinig ang dalawa sa mga teksto ng pari tungkol sa paga-asawa at kasagraduhan ng kasal. Ni hindi man lang maramdaman ng ikakasal ang pagka espesyal ng araw na iyon dahil una sa lahat ay ikinasal sila na tanging pangalan lamang ng bawat isa ang alam nila.

Ang dapat na taimtim na wedding vows ay tila isa lang sanaysay na kinabisado ni Chyna at ganoon rin naman si Hendrix. Hanggang sa dumating na ang huling parte ng seremonya o ang unang halik bilang ‘seal’ ng kasal, na tahimik lang ang dalawa.

Unti unti iniangat ni Hendrix ang belo na nagtatakip sa dalaga, pinagmasdan niya ang kagandahan ng dalaga ngunit kapansin pansin rin dito na hindi ito masaya. Binigyan niya ng isang tipid na ngiti ang dalaga bago unti-unting lumapit para halikan ang dalaga na ngayon ay asawa na niyang matatawag, nagpalakpakan naman ang mga tao ng makita ang halik ng mag-asawa. 

Sa katabing hall naman ang venue ng reception kaya ay lumipat na lang ng pwesto ang mga bisita at ang mag-asawa. Nagkaroon pa ng programa doon kagaya ng isang normal at totoong kasal. Tahimik lang na kumakain na magkatabi ang mag-asawa habang pinapanood na maglaro ang iba nilang bisita.

“Bouquet throwing na po,” saad ng host kay Chyna kaya tumayo ito at tinulungan pa ni Hendrix sa kaniyang gown.

Agad namang naipon ang mga dalaga sa gitna nang makitang bouquet throwing na, nakita pa ni Chyna kung gaano kasaya si Veronica habang sumesenyas pa na sa parte niya ihagis ang bulaklak kaya mahina siyang napatawa at nailing sa tinuran ng kaibigan. 

Tumalikod na si Chyna at nagbilang ng tatlo bago hinagis palikod ang bulaklak na hawak ngunit saktong pagkatayo niya ulit ng ayos ay nakaramdam siya ng hilo kaya napakapit siya sa host na nasa malapit lang. Nakita naman agad iyon ni Hendrix kaya ito ay lumapit sa dalaga para itanong kung ayos lang ito.

“Are you alright?” bulong nito na tinanguan naman ni Chyna kahit may hilo pa rin ito, inakay na lang siya pabalik ni Hendrix sa upuan nila.

“Anak nahihilo ka ba? Gusto mo na bang umuwi?” tanong naman ng nanay ni Chyna dahil nakita niya rin ito.

“Medyo nahilo lang po Ma pero okay pa naman ako,” sabi nito at ngumiti pa para makalma ang Ina.

“Patapos na rin naman ang program, pwede na kayo umuwi,” singit pa ni Hanz kaya agad na sumama ang tingin ni Chyna rito.

Ayaw umuwi ni Chyna dahil ang uuwian na niya ngayon ay ang bahay na binili ng mga magulang ni Hendrix para sa kanilang dalawa at nandoon na ang mga gamit niya kahapon pa. Hinintay nga nilang matapos ang program at nang nagsimula ng mag-uwian ang mga bisita ay naghanda na rin umuwi ang bagong kasal dahil may kakaiba ng nararamdaman si Chyna at gusto ng magpahinga.

“Alagaan mo ang sarili mo ha! Hindi na lang ikaw ‘yan, dalawa na kayo,” paalala naman ni Isabella sa anak habang nakayakap pa ito.

“Opo. Lagi ho akong uuwi sa bahay,” sabi naman nito sa nanay.

“Kahit ‘wag na Chy, kasal ka na at may sarili na kayong tahanan. Bumisita ka paminsan-minsan pero ‘wag nang palagi dahil baka mapagod ka pa sa ganoon,” sagot naman nito sa anak.

“Alagaan mo ang mag-ina mo Hendrix, pag-aralan mo rin kung paano ang maging mabuting asawa,” payo ng tatay ni Hendrix at tinapik ang balikat niya na tinanguan niya na lang dahil ayaw niya ng makipagtalo rito.

“Tawagan mo ako kaagad kapag may ginawa sa ‘yong masama si Kuya, pupuntahan kita agad,” bulong naman ni Hanz sa kaibigan habang nakayakap ito sa kaniya, kinurot naman siya ni Chyna dahil doon.

“Sana all kasal na!” sabi naman ni Veronica na parang naiinggit pa sa kaibigang ikinasal.

Matapos magpaalam sa mga magulang ay sumakay na sila sa sasakyan nila at kumaway na sa mga magulang sa huling beses bago umalis sa lugar na iyon. Napahinga naman ng malalim ang dalaga ng makaalis na sila at inayos na lang ang seatbelt niya.

“I don’t know what you’re expecting when we get home,” panimula ni Hendrix.

“But we have different rooms so you don’t have to feel uncomfortable,” dagdag nito dahil napansin nito ang kamay ng dalaga na parang kinakabahan.

“Sorry. Hanggang ngayon kasi ay parang hindi ko pa natatanggap na kasal na ako,” sabi naman nito nang hindi tinitingnan ang asawa.

“I understand don’t worry you don’t have to treat me nicely if you’re uncomfortable,” saad ng binata habang nakatutok sa pagmamaneho.

“Curious lang ako. Paano ka . . . napapayag ng parents mo na pakasalan ako?” tanong ni Chyna.

“Well, it was a matter of me taking responsibility for what happened or them taking away my position,” sagot naman nito.

“Sorry,” sabi naman ng dalaga na nakapagpatawa ng mahina sa asawa.

“Nangyari na eh, andiyan na siya kaya ayaw man natin ay wala na tayong magagawa,” saad ni Hendrix na kahit nanghihinayang ay tinanggap na ang nangyari.

Natahimik na silang muli hanggang sa makarating sila sa bahay nilang mag-asawa, nauna ng pumasok si Chyna at patungo na sana sa kwarto niya ng tawagin siyang muli ng asawa, paglingon niya ay nakaupo na ito sa sofa.

“Bakit?” tanong nito habang naglalakad palapit sa sofa at naupo hindi kalayuan sa binata.

“I want to know the basic details about the mother of my child,” sabi naman ni Hendrix, hindi na lang pinansin ni Chyna ang naging description ng binata sa kaniya dahil totoo naman ito.

“Chyna Maureen Chavez full name ko baka hindi ka aware-” naputol ang sasabihin niya ng magsalita ang binata.

“Vilmora. You’re a Chavez-Vilmora now,” komento nito kaya napapikit na lang ang dalaga para hindi makita ang pag-irap niya dito.

“Okay . . . I am a 3rd year architecture student. I work in a coffee shop after school hours, I love drawing, painting and other art stuff. My birthday is on February 9 and I can’t eat spicy foods,” tuloy-tuloy na sabi lang ng dalaga sa asawa.

“You work? Already? Why?” tanong ni Hendrix at tumingin sa dalaga, nakataas naman ang kilay nito sa kaniya.

“Para sa tuition fee ko, hindi sapat ‘yung scholarship ko eh at saka hindi kasi ako ipinanganak na mayaman,” sagot na lang nito.

“You may stop working now. I’ll pay your tuition and everything you need academically, do not do things that may tire you too much okay?” paalala nito sa kaniya at tumayo na. “Good night.”

Naiwan naman na nakatunganga si Chyna sa living room ng tahanan nila at hindi makapaniwala sa sinabi ng binata. ‘Sugar Daddy ko na ba ‘to?’ isip isip niya na kaagad niya namang winaksi sa utak dahil kung anu ano pa ang naisip niya.

~~~~~

“Paalis ka na?” tanong ni Hendrix ng makitang naka ayos na ang dalaga ng bumaba mula sa kwarto nito.

“Ah oo, maaga klase ko ngayon eh,” sagot naman nito habang nagsusuklay pa ng basang buhok.

“Have breakfast first, ako na lang muna ang maghahatid sa ‘yo at mukhang wala pang nakukuhang driver sila Mommy para sa ‘yo,” sabi nito kaya agad naman na nanlaki ang mata nito sa narinig. ‘Driver? Ko?’

Tahimik lang na nag-almusal ng sabay ang dalawa, nagse-cellphone lang sila pareho dahil mukhang wala rin naman silang mapagu-usapan. Nang matapos na kumain si Chyna ay doon niya lang napansin na ang pormal ng suot ng binata, nakasuot ito ng polong kulay dark blue at coat na itim at naka bagsak naman ang buhok nitong itim na itim.

Naging tahimik lang rin ang byahe nila patungo sa campus ni Chyna habang may mahinang music ang nagpe-play mula sa radyo ng sasakyan ngunit napansin ni Chy ang pasimpleng pagsulyap sa kaniya ng binata kaya alam niyang may gusto ito tanungin.

“Ano ‘yon? Itanong mo na,” sabi nito na nakapagpalingon sa binata.

“Do you mind if I ask about your father?” tanong nito.

“Hindi ko siya kilala. Ang alam ko lang ay foreigner siya,” simpleng sagot ng dalaga na mukha namang normal lang sa kaniya ang ganoong usapan.

“That explains the gray eyes,” komento ni Hendrix at napatango.

Hanggang sa makarating na sila sa campus ay hindi na sila nag-usap pa. Tangkang bababa na sana si Chyna ng may biglang iabot sa kaniya si Hendrix.

“Ano ‘yan?” tanong nito.

“Card mo, 0101 ang passcode. Kumain ka ng maayos,” sabi lang nito kaya kinuha naman ni Chyna ang card at nagpaalam na.

‘Sugar Daddy na nga ata talaga.’ Iyon ang iniisip ni Chyna hanggang sa makapasok siya sa loob ng campus. Kaagad niya rin naman nakita ang mga kaibigan na naghihintay sa kaniya sa may bench.

“Kamusta buhay may asawa?” Pang asar naman kaagad ni Veronica sa kaniya.

“Ang aga pa para mang inis Nica, mamaya ka na,” sagot na lang ni Chyna.

“Hinatid ka ni Kuya?” tanong ni Hanz sa kaibigan kaya tumango naman ito.

“Buti naman hindi ka sinusungitan,” komento pa ni Hanz.

“Hindi naman. Maayos nga kami eh, normal lang. Halatang walang pakialam sa isa’t isa, parang boarding house lang ‘yung bahay namin,” sagot naman ni Chyna at tumawa ng biglang maisip ang lagay nila ng asawa.

“Bakit ano ba ine-expect mo? Wala naman kayong relasyon para maging sweet sa ‘yo ang asawa mo,” sabi ni Nica sa kaibigan na hindi na pinakinggan ni Chyna at naglakad na lang papasok.

Nagsimula ang klase ni Chyna na wala namang espesyal na nangyayari, normal discussions at short quizzes lang ang meron sa araw na iyon, nag-iwan lang ng gawain ang mga proffesor niya. Magdamag lang rin inaalala ni Chyna ang tungkol sa card na binigay sa kaniya ng binata, ‘pwede kaya ako bumili ng supplies ko gamit ‘to?’ isip isip niya habang kasama niyang kumakain sa cafeteria ang dalawang kaibigan.

“Hoy!”

“Pusa ka!” sigaw naman ni Chyna dahil sa gulat at hinampas ang braso ni Hanz na tumatawa sa naging reaksyon niya.

“Ano bang iniisip mo? Parang lumulutang ka ah,” komento pa nito pagkatapos tumawa.

“Ano kasi-” lumapit ito sa table nila kaya naman napalapit rin sa kaniya ang mga kaibigan. “Gusto ko gamitin ‘yung card na binigay ni Hendrix pangbili ng libro at mga ballpen na kailangan ko.”

“Tang- akala ko naman kung ano!” inis na sabi ni Nica sa kaibigan.

“Bakit ba? Eh sa ngayon lang ako nagka-card, cash ang sweldo ko sa coffee shop ‘di ba,” sabi naman naman ni Chyna.

“Oo pwede mo gamitin ‘yan kahit ano pa bilhin mo, gusto mo mag-shopping ka pa sa bookstore eh,” sabi naman ni hanz sa kaibigan na agad naman na nagpaliwanag sa mukha ni Chyna.

“Bwisit na mukha ‘yan, masyadong masaya ampot*,” komento ni Nica kaya napatawa naman silang tatlo.

‘Ganito pala ang feeling maging mayaman ano? Parang kaya ko bilhin lahat ng kailangan ko para sa mga plates ko’ isip isip ni Chyna habang naka ngiting tagumpay pa.

Kaugnay na kabanata

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   4 - Rumors and that red lipstick.

    Chyna’s POV“Salamat po,” sabi ko bago bumaba ng sasakyan.“Ingat po ma’am,” sabi naman ni Kuya kaya ngumiti ako.Mabait ang nakuhang driver ni Tita, kung ituring niya ako ay parang anak kaya hindi lang rin driver ang turing ko sa kaniya. Ilang araw na rin mula ng magsimula siya sa paghatid at pagsundo sa akin.Pagkababa ko ng sasakyan ay naglakad na ako papunta sa meeting place namin nila Nica pero napansin ko na parang tinitingnan ako ng mga nakakasabay kong studyante pero hindi ko na lang pinansin.“Natapos mo ‘yung activity kay Sir Gamboa?” tanong ni Nica sa’kin pagkaupo namin sa loob ng classroom.

    Huling Na-update : 2022-04-18
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   5 - Falling for you?

    Nagpa-panic na ako ngayon dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nalimutan ko lang naman sa bahay ang drawing tube ko at dalawang plates ko ang nakalagay doon na ngayon na ang deadline.“Ayaw sumagot ni Hanz,” halos paiyak ko ng sabi kay Veronica habang nandito kami sa comfort room.“Kumalma ka, sasagot rin ‘yan okay? Or kung hindi mo makuha ‘yon ngayon ay makiusap ka na lang kila prof, ngayon lang naman nangyari sa ‘yo ‘yan eh,” sabi ni Nica at hinagod pa ang likod ko dahil konti na lang ay iiyak na talaga ako.Sa dalawang major ko ang plates na ‘yon kaya hindi ko alam paano ko ie-explain sa kanila na naiwan ko sa bahay ang gawa ko. Sinasabunutan ko ang sarili ko ng bigla naman mag-ring ang phone ko, dahil sa paga-akalang si Hanz ang tumawag ay agad ko na itong sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang caller ID.“Hello! Hanz! Kanina pa kita tinatawagan,” sabi ko habang hinihingal pa.“Chyna,” nandilat naman ang mata k

    Huling Na-update : 2022-04-20
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   6 - With the Vilmora family.

    Tinawagan ko na si Hendrix habang naglalakad kami palabas ng building, buti naman at nakisama si Nica at tumahimik kahit papaano pero hindi pa rin nawala ‘yung mapang asar niyang mukha.“Hello?” sagot ni Hendrix sa kabilang linya.“Bakit mo ako susunduin? Wala si Kuya Ruel?” tanong ko naman.“Sa bahay tayo magdi-dinner at naghanda sila Mommy, nandito na ako sa labas,” sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at binilisan ko na ang paglalakad habang humahabol naman si Nica sa’kin. Binaba ko na ang tawag at saktong paglabas ko ng lobby ay nakita ko agad siya kahit ang daming naglalakad palabas dahil naka park ang sasakyan niya sa tabi niya at nandun na rin si Hanz pero mukhang hindi sila nagu-usap.“Anong mayroon ngayon?” tanong ko naman pagkarating ko doon.“Trip lang ni Mommy maghanda, baka nag-experiment ulit ‘yon,” sagot ni Hanz kaya tumango na lang ako.“Una na ako, ingat kayo,” paalam ni Nica sa tabi ko kay

    Huling Na-update : 2022-04-23
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   7 - Is it bad to fall in love with my husband?

    Sa bawat araw na lumilipas ay ayoko mang aminin pero unti-unti na talaga akong kinikilig kay Hendrix. Alam kong walang meaning ang mga ginagawa niya, lahat ‘yon para lang sa anak namin pero hindi ko naman kasi kayang hindi pansinin kung gaano siya kabuting lalaki.Lord, sobrang gentleman nito, tulungan niyo po akong ‘wag mahulog kasi baka lumagapak ako sa lupa.“Good morning Nay,” bati ko kay Nanay pagkababa ko sa may dining area para kumuha ng tubig.Pabukas na sana ako ng pinto ng ref nang makita kong may note doon, binasa ko naman at napairap na lang ako at nagpigil ng ngiti. Lord sabi ko tulungan mo ko ‘wag mahulog eh.‘I bought you new vitamins, it is good for you and the baby. Drink it every morning.’ - HDelikado na ata ako, vitamins lang ‘yan pero ‘yung kilig ko akala mo ay nag-propose sa’kin

    Huling Na-update : 2022-04-27
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   8 - 'Good night, Mrs. Vilmora'

    Nagtutupi na ako ng mga dadalhin kong damit dahil kila Veronica ako matutulog ngayon dahil first day na ng midterm examination namin bukas. Palagi naman kami ganito dahil mas nakakapagreview ako ng maayos kapag may kasabay akong nagre-review.“Nanay Mely, si Kuya Ruel po?” tanong ko naman ng malakas pagkababa ko sa may sala at bitbit na ang mga damit ko, para akong maglalayas.“Ako na maghahatid sa ‘yo,” napalingon naman ako ng marinig ko ‘yon, nakita ko si Hendrix na naghuhubad ng coat niya.“Ha? ‘Wag na baka pagod ka rin, si Kuya na lang,” sabi ko naman.“Ako na. Para alam ko rin ang bahay ng bestfriend mo,” sabi pa niya at ibinaba lang ang bag niya sa may sofa at naglakad na palabas.Wala na rin naman ako nagawa kaya sumunod na ako sa kaniya palabas ng bahay. Hindi niya na pinasok ang sasakyan niya sa garahe siguro ay expected niyang ihahatid niya ako, nag-message kasi ako sa kaniya na kila Veronica ako matutulog dahil baka magalit siya kung hindi ako magsabi sa kaniya.“Bango,” ko

    Huling Na-update : 2022-05-11
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   9 - Misunderstanding

    Paakyat na sana ako ng makasalubong ko si Hendrix na mukhang nakaporma rin, tiningnan niya naman ako at kumunot kaagad ang noo niya.“Are you alright? Namumutla ka,” komento niya kaya umiling ako.“Pagod lang sa exam,” sabi ko naman at ngumiti ng tipid.“Magpahinga ka na, may pupuntahan-” hindi ko na siya pinatapos at tumalikod na ako.“Ingat kayo,” sabi ko at naglakad agad paakyat sa kwarto ko.Ayoko na marinig na magde-date sila nung babaeng ‘yon. Akala ko ba ex-girlfriend na? Bakit nandito? Ano ‘yon bonding ng mag-ex?Dumiretso ako ng higa sa kama ko at tumitig na lang si kisame, sila na ba ulit? Hindi sila bagay. Bigla naman nagtubig ang mata ko ng maisip ko ang possibility na baka magkabalikan sila, huminga ako ng malalim para hindi matuloy ang pagtulo ng luha ko.Tama si Nica, ako lang talaga nagbibigay ng malisya sa mga ginagawa niya. Bakit kasi pinalaki ka ng mga magulang mo bilang mabuting lalaki? Paano ko maiiwasang hindi mahulog sa ‘yo? Napaiyak na lang ako ng tuluyan nun

    Huling Na-update : 2022-05-14
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   10 - Hide and seek?

    Third Person’s POVIlang araw na mula noong nagsimulang dumistansya si Chyna sa asawa at unti-unti na ‘yon napapansin ni Hendrix ngunit wala naman siyang magawa dahil halos hindi na sila magkita ng dalaga sa mismong bahay nila. Tuwing umaga ay maaga na itong umaalis at sa gabi naman ay maaga na ito palaging natutulog.Kahit na si Chyna ang umiiwas ay hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot dahil sa ginagawa niya pero hindi niya naman matigilan dahil naaalala niya na baka nagkabalikan na si Hendrix at Kim dahil ilang beses na niya ito nakita sa bahay nila.“Oh ano na naman ang iiyakan natin today?” tanong ni Nica ng makita ang kaibigan na nakatulala sa meeting place nila.“Wala. Kalmado ako today,” sagot naman ni Chyna.“Sana talaga true!” malakas naman na sabi ni Nica.“Hayaan mo na siyang ganiyan at baka umiyak pa,” sabi rin ni Allyson kaya napasimangot na naman si Chyna sa mga kaibigan niya.“Pasok na,” bungad ni Hanz pagkarating niya at inabutan lang ng strawberry milk si Chyna.“

    Huling Na-update : 2022-05-23
  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   11 - Confrontation and Confession?

    Naiwan namang tahimik ang dalawa sa sala at tangging tunog lang na nanggagaling sa telebisyon ang maririnig. Halos hindi pa rin makatingin si Chyna kay Hendrix habang si Hendrix naman ay nakatuon lang ang paningin sa kaniyang asawa. "Bakit ka pala nagpunta?" tanong naman ni Chyna para matapos ang katahimikan. "Nandito ka eh, susunduin lang sana kita kaso pinapasok ako ni Mama," sagot nito sa asawa at napansin naman ni Chyna ang tinawag nito sa kaniyang Ina pero pumikit na lang ito para iwaksi ito sa isip niya. Natahimik naman silang muli pagkatapos noon, magsasalita na sana ulit si Hendrix ngunit tinawag na sila ng Ginang para kumain kaya nagpunta na sila sa hapag at sabay-sabay kumain. "Kamusta ka naman Hendrix?" tanong ng Ina ni Chyna. "Okay lang naman ho, medyo busy lang sa trabaho," sagot nito bago uminom ng tubig. "Alagaan mo rin ang sarili mo ha, baka naman magkasakit ka niyan kakatrabaho," paalala naman nito. "Opo. Nililimitahan ko rin ang masyadong pagtatrabaho para naaa

    Huling Na-update : 2022-05-24

Pinakabagong kabanata

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   39 - The start of a bigger chaos.

    Umaga na ng makarating ang mga magulang ni Chyna sa hospital dahil hindi ma-contact nila Hendrix ang Ina nito kanina at mukhang galing pa ng trabaho, sumunod namang dumating ang mga magulang ni Hendrix na puno rin ng paga-alala ang mukha.Si Hanz naman ay kasa-kasama lang ni Hendrix sa kwarto ng asawa sa ospital at kapwa wala pang tulog parehas, balak nilang lakarin ang lahat ng dapat nilang lakarin kapag sigurado na sila kung sino ang magbabantay kay Chyna.Dumating rin si Nica kasama ang kaibigan ni Hendrix na si Lucas, agad na naiyak ang dalaga ng makapasok sa kwarto ni Chyna dahil halos mapuno ng takot ang puso niya ng magising siya dahil sa tawag ni Hanz sa kaniya.“Kami na muna ang magbabantay rito, gawin niyo na ang dapat niyong gawin,” s

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   38 - “Please breathe mahal!”

    Kakarating pa lang nila Hanz, Nica at Chyna sa mall ay may napansin na agad itong lalaking tila ba kanina pa nila nakakasalubong, hindi niya na sana ito pagtutuonan ng pansin ngunit ng makita niya na naman ito noong nagsusukat ng dress si Nica ay hindi na ito nawala sa isip niya kaya kahit nakaalis na sila doon ay tila ba lahat ng senses niya ay naka high alert at halos libutin ng paningin niya ang buong paligid habang naglalakad lang ang dalawang kaibigan sa harap niya.At tama nga siya dahil nakita niya na naman ito ng pumunta sila ng ice cream place kaya agad niya itong nilabas at hinanap ngunit paglabas niya ay kahit tinakbo niya ang paikot nang paligid ng ice ceam shop ay hindi niya ito nahanap kaya napagdesisyunan niya na lang na iuwi ang mga kaibigan.Hindi niya sinagot ang kahit na anong tanong ng mga dalaga dahil

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   37 - Hanz doing his duty.

    “Bakit nandito ka na naman?” bungad na tanong ni Hendrix ng pumasok si Hanz sa pintuan nila, natawa naman ako habang inaayos ang neck tie ni Hendrix. “Hayaan mo na mahal, para may kasama rin ako dito sa bahay. Ang boring kaya mag-isa!” sabi ko naman kaya nilingon ako ni Hendrix at sumimangot pa. “Ikaw! Ayusin mo ha . . . magkasakit lang si Chy tatamaan ka sa’kin,” sabi pa ni Hendrix. “Luh, parang ako pa nga ata magkakasakit diyan. Napaka exotic ng pinaglilihian ng asawa mo hoy,” sagot naman ni Hanz. “Aalis na ko. Eat on time and don’t get too tired,” sabi ni Hendrix bago ako hinalikan. “Yuck!” rinig ko namang reklamo ni Hanz kaya natawa ako, umalis na rin naman si Hendrix dahil papasok pa siya sa opisina. “Ano plano natin today?” tanong naman ni Hanz noong kami na lang ang nasa sala. “Gawa tayong dessert? Pinapunta ko rin si Nica ngayon eh kaso si Allyson out of coverage noong tinawagan ko,” sabi ko naman, napansin ko namang napatigil siya pero ka agad na bumalik sa ayos. “Tara

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   36 - The other side.

    Papasok ng bahay nila si Allyson, kakauwi niya lang galing sa university nila, magpapahinga lang siya saglit at aalis na ulit dahil meron silang girl’s date nila Chyna ngayon.Kakapasok niya lang ng biglang siyang may narinig na tumatawa mula sa kusina nila, hindi niya na sana ito papansinin dahil baka ang pinsan niya lang ito. Didiretso na sana siya ng akyat ngunit nang may marinig siyang pangalan na binanggit ng pinsan niya at talagang napatigil siya.“Of course! Itutuloy mo ‘yon, I already got his schedule so alam ko kung kailan siya wala sa bahay nila para sigurado na ‘yung babaeng ‘yon lang ang nandun sa kanila. Piliin mo ‘yung hindi masyado matapang ang amoy ha? Para hindi rin magtaka ‘yung neighbors nila if ever.”

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   35 - The friendship we have.

    Pagkasundo namin kay Nica ay si Allyson naman ang sinundo namin sa may kanila, hindi naman malayo ang bahay nila Allyson kila Nica kaya hindi naman nahirapan si Hendrix.“Grabe pala talaga kapag naglihi ang buntis ano?” komento ni Nica noong pauwi na kami sa bahay.“Sorry! Gusto ni baby ng brownies eh,” sagot ko naman.“Napansin ko lang, parang mas maganda ang aura mo ngayon kahit pa madaling araw na,” komento naman ni Allyson kaya inirapan ko siya sa rear view at sabay kami natawa.“Pwera biro ‘yon ah,” sabi pa niya kaya tumango na lang ako.“Oo nga Chy, mas maganda ka ngayon. Mukhang maganda epekto sa ‘yo ng pag-leave mo ah, mas healthy ka

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   34 - Trying to be a good wife and a good friend.

    “Oh Ma’am Chyna! Ako na ho diyan,” bungad ni Nay Mely nung nakita niya ako nagluluto dito sa kusina.“Ako na po Nay, dadalhin ko po ‘to kay Hendrix sa office,” sagot ko naman habang nagluluto pa rin.“Oh sige, ako na lang ang maga-ayos ng lalagyanan,” sabi ni Nanay kaya tumango na lang ako.Tinapos ko na ang pagluluto at nilagay ko na rin sa baunan ‘yung mga pagkain pero hindi ko muna tinakpan para hindi naman masyadong mainit. Nagbihis din muna ako at nag-ayos ng konti para hindi naman ako mukhang hampaslupa kapag nagpunta ako sa office niya.“Nay si Kuya Ruel po?” tanong ko pagkababa ko.“Nandiyan na iha, kakarati

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   33 - Honeymoon vacation.

    Nagising ako ng maramdaman ko ang tama nang sinag ng araw sa mukha ko kaya napatalikod naman ako doon. Napamulat naman ako ng wala akong maramdaman sa tabi ko, mukhang bumangon na si Hendrix.Bigla naman ako napangiti ng maalala ang nangyari kagabi, grabe thank you Lord talaga. Bumangon na ko ng tuluyan at dumiretso sa banyo kahit na panty lang ang suot ko, nagbihis rin ako bago lumabas.“Good morning,” bati ko ng makalabas na ako sa kwarto, napalingon naman kaagad siya.“Good morning,” sabi niya at nginitian ako kaya napangiti rin ako pabalik.Umupo ako sa may dining table at pinanood siya magluto, wal

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   32 - Where we started.

    “Mahal curious lang ako,” panimula ko ng may maalala ako.“What is it about?” tanong niya at hinawi ang buhok ko at inilagay sa likod ng tenga ko.“Noong gabing ‘yon . . . ano talaga ang nangyari?” tanong ko naman.Nakita ko naman na tumingin siya sa taas na tila inaalala rin kung ano ba talaga ang nangyari at hindi nakatakas sa pansin ko ang pagpigil niya ng ngiti bago nagkamot ng ilong.“First and foremost I just want to apologize for taking advantage of you that night, it was unconsented but don’t get me wrong . . . I am apologizing for the act but I am not regretting anything, okay?” paalala niya naman at tinaasan ako ng dalawang kilay kaya tumango ako.

  • Mr. Vilmora's Accidental Bride   31 - The Vacation.

    Naglalakad kami ngayon ni Hendrix papasok na ng airport dahil magbabakasyon kami sa isang probinsya sa Cebu. Buti na nga lang talaga at pwede pa ako makabyahe dahil pa limang buwan pa lang si baby."Why? Are you scared?" tanong niya noong hawakan niya ang kamay ko, napansin niya sigurong malamig at medyo pinagpapawisan ang palad ko, tumango lang ako sa kaniya at ngumiti naman siya."I'll hold your hand until we get there, okay?" Hinalikan niya ang kamay ko kaya ngumiti rin ako."First time ko kasing sasakay ng eroplano, mabilis lang naman ang byahe 'di ba?" tanong ko naman."45 minutes ang estimated time or baka mas maaga pa," sagot naman niya. "Tell me immediately if you feel something bad, okay?""Next m

DMCA.com Protection Status