Home / Romance / The Witness / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: yourlin
last update Huling Na-update: 2021-08-13 16:16:35

"Thank God, you're now awake." Rinig ko ang boses ni Atty. Cha pero malabo pa rin siya sa paningin ko. Napangiti ako nang makita ko na siya nang malinaw pero nanghihina pa rin ako. "How are you? Baka mahina ka pa kasi maraming nawalang dugo sa'yo. But don't worry, you'll live." Sabi niya pa habang nakaupo sa upuan na nasa tabi ng hospital bed ko. "Ba't hindi mo sinabi, Luna? Kung hindi dahil sa kaibigan mo, hindi ko pa malalaman ang lahat." Sumeryoso na siya. Matanda na si Atty. Cha. Kaedad lang siya ng magulang ko. Alam kong sanay siyang maraming kaaway pero iba ang pamilya ni Marcus kaya ayoko siyang madamay rito.

Wala naman akong kaibigan. Anong sinasabi niya? "Kaibigan?" Mahinang sambit ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Inabutan ako ni Atty. Cha ng tubig. Nakita ko rin sa relo niya na alas-otso na kaya napatingin ako sa bintana. Gabi na pala.

"'Yung Sol. He saved you." Aniya. Napangiti ako nang maalala ko 'yung mukha ni Sol nang buhatin niya ako. Nag-aalala siya. Maliban kay Ma'am Nel at Atty. Cha, siya lang iyong nakita kong nag-alala sa'kin nang ganun. Twice niya na akong niligtas. Ang laki na ng utang ko sa kanya. Pero hindi ako p'wedeng maattach sa kanya.

"Atty. Cha, can you hire a bodyguard for him? Binugbog niya si Marcus. Baka balikan siya."

Huminga siya nang malalim at napangiti. "Luna, nahuli na si Marcus. Sisimulan agad ang trial niya. Ang daming kasong isinampa sa kanya. Habang buhay na siyang makukulong."

Ang bata niya pa para makulong nang ganun katagal. Pero kasalanan niya naman kasi. Naaawa ako sa kanya kahit na hindi naman dapat.

"Atty. Cha, baka balikan kami ng magulang ni Marcus." Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa'min ni Sol. Buti sana kung ako lang, pero madadamay siya.

"Hindi mangyayari iyon, Luna. Ako ang bahala. Isa pa, hindi sang-ayon ang magulang niya sa mga ginawa niya. Huwag kang mag-alala., maghahire ako ng guard para sa'yo at kay Sol kaya magpahinga ka muna."

Dapat ba akong mapanatag dahil sa sinabi niya? Bakit kinakabahan pa rin ako? Hindi ako mapakali. Feeling ko, hindi pa tapos ang lahat. Pero hindi! Hindi ako p'wedeng mabuhay sa takot. Kailangan kong ayusin ang buhay ko.

Sinubukan kong matulog nang umalis si Atty. Cha. Babalikan niya na lang daw ako bukas first thing in the morning. Busy kasi siya ngayon. Kaso hindi ako makatulog hanggang sa dumating si Sol. Sinubukan kong maupo pero sumasakit ang sugat ko sa tiyan na malapit sa tagiliran. "Sol, anong ginagawa mo rito? Late na ah." Kunot-noong tanong ko.

"I know. Just checking on you." Walang emosyong sabi niya at nakatayo lang siya sa gilid ng kama ko habang nakatingin sa mukha ko. Mukha siyang antok na antok na. "Marcus is in jail. But you have to be ready in case you go to court as witness. But I think, that's not necessary anymore. You have strong evidences."

"Pero 'di 'yun sapat, 'di ba. Para lumakas ang ebidensya, kailangan kong magsalita. Don't worry, kaya ko 'yun." Matapang na sabi ko kaya napangisi siya. Naupo siya sa upuan at nakatingin lang siya sa'kin. Kanina pa siya nakatingin at mukhang malalim ang iniisip niya. "May sasabihin ka pa?" I asked instead.

Napalunok siya at umiling. "Just get well ASAP, Luna. You have to end this one."

Ngumiti ako at tumango. "Salamat."

Kumunot ang noo niya. "For?"

"Para sa lahat. Twice mo na akong niligtas. Ang bait mo pala." Natawa siya nang bahagya at magsasalita na sana pero inunahan ko siya. "Maliban lang dun sa ayaw mo akong mamatay kasi nasa kotse mo ako. Ang selfish mo dun. Ang hirap kayang magpigil ng antok."

"Yea right." Nakangiting sabi niya.

Oo, nakakatakot siyang tumingin pero mabait pala siya. I mean, ang tapang niya para iligtas ako. P'wede niya na akong iwan that time e. Pero nanatili siya. Sana lahat ng tao, kagaya niya. Tumutulong kahit hirap ang sitwasyon.

"Ang duwag ko dun sa part na hindi agad ako nagsumbong." Sambit ko.

"But you did. And I saw Marcus that he has his scars after the rape incident. Who did that? According to him, he got into fight but that's not included to rape incident."

"Ha?" gulat na tanong ko. Anong pinagsasasabi ni Marcus? "Ako kaya may gawa nun. Pinaghahampas ko siya ng tubo. Akala ko nga, patay na siya e kaya ginising ko 'yung babae kaso patay na pala. Then ayun, nagising si Marcus. Ako naman ang hinabol niya ng tubo." K'wento ko sa kanya at gusto kong ipagmayabang ang ginawa ko. Pakiramdam ko, ang tapang ko dun.

"Wow! You're not that coward, Luna. You fought him to save her. That's bravery." Nakangiting sabi niya na medyo kinagulat ko.

"Wow ha! Coming from you? Parang nag-iba ang ihip ng hangin." Natatawang sabi ko.

"Not yet. Just end this one. And I'll believe in you."

"Tss! Labo mo."

On going na ang trial ni Marcus. Nakalabas na rin ako sa ospital kasi gumagaling na ang sugat ko. Wala namang damage sa internal organs ko. Sadyang muntik lang akong maubusan ng dugo. Pero nakakabawi na ako. Medyo nahihilo ng kaunti pero kaya ko na.

Nasa korte kami ngayon at kasalukuyang pinagkik'wento si Marcus ng mga kasinungalingan niya.

"That time, I was in a car racing. I'm with with my friends. They know that I was there. You can ask them if you want." Aniya.

"So are you telling us that you're not the man on the video and picture?" Kalmadong tanong ng prosecutor.

"Oo."

"But this is your voice."

"Hindi. Nag-iiba ang boses ko kapag nakarecord."

"Kung gayon, hinihiling ng prosecutor na irecord ang boses ng defendant para patunayang mali ang hawak naming ebidensya."

Nakita kong kinabahan si Marcus kaya napangisi ako sa loob-loob ko. Nirecord nila ang boses ni Marcus at magkasing-tunong lang ito. Namutla siya sa takot. Ba't kasi kailangan niya pang magsinungaling? Pinapahirapan niya lang ang sarili niya.

"May nakuha rin kaming tubo na may dugo at nagmatch ito sa dugo ng defendant. Bakit may dugo mo ito? Bakit mo rin sinaksak si Luna Monticello? Dahil ba siya ang nakakita sa mga ginawa mo?"

Dahil dun, hindi na nakapagsalita si Marcus. Nag-object din ang abogado ni Marcus dahil hiwalay na kaso na ang nabanggit ng Prosecutor. Hay naku! Akala ko pa naman, itatago ni Marcus ang mga evidence. Saan kaya nila iyon nakuha?

"Nais kong magsalita ang witness."

Naramdaman kong tinapik ako ni Atty. Cha na kanina ko pa katabi. Tumayo na ako at naupo sa harap ng mga tao, sa harap ng magulang ni Marcus at nung babaeng biktima. Pare-pareho silang emotional.

"Ilahad mo ang iyong mga nalalaman."

Tumango ako at napatingin kay Marcus na ang talim ng tingin sa'kin. Lalo akong nagagalit sa kanya. Gusto ko siyang saktan! Gusto kong manakit ng hayop! Ang sakit ng pagkakasaksak niya sa'kin ha!

"Gabi na po noon at nakarinig ako ng sigawan, boses ng isang lalaki at babae sa likod ng abandunadong gusali. Natakot ako kasi mukhang may nangyayaring hindi maganda at hindi naman ako nagkamali nang makita ko si Marcus na nirirape ang babae. Basta ang alam ko, may kailangan akong tulungan. Nakakita po ako ng tubo kaya iyon ang ginamit ko para hampasin si Marcus at mailigtas ang babae. Bago 'yun ay kinunan ko sila ng picture bilang ibedensya sa kung ano man ang p'wedeng mangyari pagkatapos. At sa takot ko nang lumusob ako, hindi ko na po nabilang kung ilang hampas iyon. Tumigil lang ako kasi nanginginig na po ang mga kamay ko sa takot. Isa pa, akala ko, wala na pong malay noon si Marcus. Nilapitan ko 'yung babae para gisingin pero huli na po ako. Wala na siyang buhay. Then nagkamalay na naman si Marcus. Kinuha niya po iyong tubo na pinanghampas ko sa kanya at hinabol ako para hampasin. Sa takot ko, tumakbo ako nang tumakbo."

Natigilan ako sa pagsasalita. Babanggitin ko ba si Sol? Baka ma-question din siya rito. Baka pag-initan siya ng pamilya ni Marcus. Ayoko!

"Nakatago po ako. Hinanap ako ni Marcus pero 'di niya ako nakita. Dahil dun, sumigaw na lang siya at iyon na po ang nasa video. Hindi siya kita kasi madilim. Pero boses niya po iyon. At siya rin po ang nasa picture na kinunan ko."

Mukha lang akong matapang habang nagsasalita pero ang totoo, kabadong-kabado na ako. Gusto kong himatayin, lamunin ng lupa o maglaho na parang bula kasi gusto ko nang matapos ang pagsasalita ko at makaalis na sa mga matang mapanuri. Pero masaya rin ako kasi natapos ko kahit pa nalaman nilang ako ang may pinakamababang grades sa klase namin. Kailangan kasi nilang malaman kung bakit ako nandun nang araw na iyon.

Kahit na pinilit nila akong balikan ko ang mga alaalang bangungot para sa'kin, nagawa ko pa ring matapos. At dahil dun, masaya ako. Nakulong na si Marcus sa kasong illegal drugs, kidnapping, murder, rape at attempted murder. Oo, kidnapping dahil kinidnap niya that time ang girlfriend niya at attempted murder dahil pinagtangkaan niya ako.

Nalaman namin na kaya niya iyon ginawa dahil alam niyang makikipagbreak na sa kanya ang girlfriend niya at hindi niya matanggap na may iba na pala itong nagugustuhan. Pero hindi iyon sapat na rason para gahasain niya ang babaeng mahal niya. Though hindi niya planong patayin ang babae, makukulong pa rin siya ng reclusion perpetua. Isa pa, nakadrugs siya that time.

"Hindi pa rin ako mapalagay." Bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa study table ko at nakahawak sa dibdib ko. Parang may hindi pa rin tama. Pero kailangan ko nang bumalik sa dati kong buhay, 'yung hindi natatakot kay Marcus at sa pamilya niya. Gosh!

Inubob ko ang noo ko sa mesa at pumikit. I need to calm down! May exam bukas at kailangan kong makabawi sa grades ko. B'wisit na ranking 'yan! Pinahiya ako! Nalaman pa ni Atty. Cha na lowest ako sa klase. Nakakaloka!

Kinaumagahan ay lumabas na ako sa unit ko para pumasok sa klase. Hindi naman ako nangangamba na baka kung anu-ano ang tanungin sa'kin ng classmates ko about sa case kasi nakablock sa media ang kaso. Hindi rin nila alam na witness ako dun at hindi nakita sa TV ang mukha ko. Salamat sa Diyos.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Sol na naglalakad palapit sa'kin. He looks serious. Nandito kami sa lobby ng condo.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked. Nakabihis rin siya ng school uniform niya.

"Going to school... with you. Let's go." Hinawakan niya ang wrist ko pero agad ko rin itong inagaw sa kanya. Pinagmasdan ko ang paligid. Wala namang nakatingin sa'min na kahina-hinala kaya nakahinga ako nang maluwag. Hindi kasi ako mapalagay. Wala na kaming bantay ni Sol kasi tapos na ang kaso. Nakakulong na siya. Pero paano kung may kakampi siya na inutusan niyang tapusin ako? Marami pa naman siyang kaibigan.

"'Di naman na kailangan e. Tapos na ang kontrata natin." I said. Gusto ko siyang umiwas na sa'kin kasi ayokong madamay pa siya rito. Ako na lang sana. Ako na lang ang haharap nito mag-isa. Nag-enroll na rin ako sa taekwando para matutong lumaban pero self-defense lang naman ang kailangan ko. Hindi pa ako nagsisimula. Saturday and Sunday kasi iyon.

"Then?" Takang tanong niya. "You almost die, Luna, because I forced you to report that crime. I don't---"

"Look, Mister Amorsolo Xavier Dela Cuesta, I'm not your responsibility anymore. We're done. Thanks for thinking about my safety pero tapos na. Balik na tayo sa dating buhay natin. Isipin mo na lang, 'di tayo magkakilala." Mahinahong sabi ko habang seryosong nakatingin sa mga mata niya. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Nauna na akong lumabas. Sasakay akong bus tutal maaga pa at nagcocommute lang naman talaga ako. Hindi kasi ako marunong magdrive kaya hindi ko nagagamit 'yung mga sasakyan ng pamilya ko. Naiwan na 'yun sa bahay. Tsaka mas okay na ang magcommute kasi nakakabawas ng traffic. Sa totoo lang, private vehicles lang naman ang nakakapagpalala ng traffic. Come to think of it, isa o dalawang tao sa isang kotse o van. Sa bus, 40 plus. 'Yung 20 na sasakyan na nasa kalsada, kapag pinasakay ang dalawang taong nasa loob nun sa isang bus, luluwag ang kalsada. Kaso wala e, mayayaman ang mga tao rito, lahat may-ari ng sasakyan. Nagcocontribute din sila ng air pollution.

Kung hindi lang sobra ang init dito, bibili ako ng bike e. Kaso nakakapaso sa balat ang init. Sayang, malapit lang naman kasi ang school ko.

"I'll bring you to school, okay?" Ani Sol na bigla na namang hinawakan ang wrist ko kaya napatingin ako sa kanya. Nandito na kami sa labas ng condo. "You said that I saved you twice. You're in depth, Luna. So let me do what I want as your payment." Seryosong sabi niya at dahil sa mga titig niya, napatango na lang ako nang bahagya at hinila niya na ako papasok sa kotse niya.

Namalayan ko na lang na tumatakbo na ang sasakyan niya. "Ba't mo ba kasi 'to ginagawa? Crush mo 'ko, 'no?" I said with my blank face pero natawa siya nang bahagya kaya napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada habang nagdadrive. "Ano nga!?" tanong ko pa. Ang tanda niya na tapos magkakagusto siya sa high school student. Ayos din to ha!

"It was just my conscience. I don't want you to die because if you did, I'll think that that is my fault. Because I forced you to report."

"Sus! Sabi na ngang huwag e." Mahinang sabi ko at tumingin na lang sa labas ng bintana. Ang aga pa pero active na ang mga tao. Parang lahat, busy. Parang lahat, may hinahabol na oras. Gustong mabuhay. "Kung wala sigurong sumigaw that time, baka ako ang natagpuang patay dun. Cause of death, suicide." Mahinang sabi ko. Akala ko, 'di maririnig ni Sol.

"What do you mean? Because of that grade?" He asked. Huminga ako nang malalim at umiling.

"Narinig mo naman 'yung statement ko sa korte. Nawala ang mga magulang ko, mag-isa na lang ako. Ang baba ng grades ko. Hindi ako sanay na mababa ang grades ko. Feeling ko, gumuho ang mundo ko. Parang wala na akong pakinabang that time. Gusto ko nang tapusin lahat. Kaso ayun, sumigaw 'yung babae. Nilabanan ko 'yung lalaki. Naisip ko, kung mamamatay ako that time, okay lang. Kasi namatay akong lumalaban. May nailitas ako. Pero 'di ko siya nailigtas. At naramdaman kong takot pala akong mamatay. Gusto ko ng second chance. But this time, gusto kong magsimula ulit mag-isa." pero hindi naman na ako takot mamatay. Bahala na.

Pero ayokong makipagkaibigan hangga't hindi ko nasisiguradong ligtas na ako. Baka kasi madamay ang magiging kaibigan ko.

Sa dami ng sinabi ko, 'di ko namalayan na nandito na kami sa school. Tumingin ako kay Sol na malayo ang tingin. "Sol." Tawag ko dahilan para mapatingin siya sa'kin. "Last na 'to ha. Kalimutan mo na lahat. Kung mamamatay ako, okay lang. Isipin mo na lang na tapos na ang misyon ko sa mundo kaya ganun. Nagpapasalamat ako na niligtas mo ako nang dalawang beses. Kung 'di ka naman dumating noong una, mamamatay pa rin ako. Basta paglabas ko rito sa kotse, hindi na ulit tayo magkakilala. Please?"

Ayokong madamay ka pa. Laban ko lang 'to. Sariling laban ko na ulit ito. At ayokong isipin mo na responsibilidad mo ako. Baka kasi dumating sa punto na kaya ka pa nananatili sa tabi ko ay dahil iyon ang iniisip mo. Ayoko ng ganun.

"Can't we be friends?" He asked. Natigilan ako. Gusto ko siyang maging kaibigan. Gustong-gusto! Kaso alam ko naman na iisipin niyang responsibilidad pa rin ako. Natutuwa ako kasi gusto niya rin.

Umiling ako at ngumiti nang tipid. "Huwag na, Sol. Ayoko rin mapasok sa mundo mo. Ang daming nakakakilala sa'yo. Ah hindi! Sikat ka sa school at ayoko ng exposure. Iyon lang. Babye na!" Nagmadali akong buksan ang pinto pero hinila niya ang kaliwang braso ko kaya napalingon ulit ako sa kanya. Shit! Ang lapit niya sa'kin. Baka marinig niya ang tibok ng puso ko.

"If we met in different situation, is it possible that we can be friends?" He asked. Sa kaba ko at dahil nalulunod ako sa mga titig niya, napatango na lang ako dahilan para mapangiti siya at tumango nang marahan. "Okay then, Miss Luna Almira Monticello. Take care." Binitawan niya na ako kaya mabilis akong lumabas at naglakad palayo. Napahawak ako sa dibdib ko. Pakiramdaman ko, tumakbo ako dahil sa lakas at bilis ng heartbeat ko. Ano ba 'to? Naku, Luna, huwag kang lilingon ha! Diretso lang ang lakad.

Nakarating ako sa classroom nang maaga. Nagkik'wentuhan pa ang classmates ko at kakaunti pa lang kami rito. Tinanong nila ako kung ba't ako absent ng tatlong araw pero 'di ko na sila sinagot pa. Sabi ko, emergency. Sabi ni Atty. Cha, teachers ko lang ang nakakaalam ng totoong nangyari sa'kin para maexcuse ako sa klase.

Natapos lang ang katahimikan ko nang tumabi sa'kin si Bliss. Siya lang at wala pa ang mga kabarkada niya. "Kamusta, Luna? Ba't ka nawala nitong mga nakaraang araw?"

"Emergency. Don't mind me." Tipid na sabi ko habang nagbabasa ng law book. Malapit ko na kasing mamemorize ang acad books ko kaya naisipan kong magbasa ng iba. Sa mga nangyayari sa'kin, batas yata ang dapat kong matutunan.

"Grabeng emergency naman 'yun. Sige na, sabihin mo na. Saan ka ba galing?"

Alam kong hindi niya ako titigilan kaya tiningnan ko na siya. Sa sobrang seryoso ng mga mata ko ngayon, napaatras siya nang bahagya at nabigla sa'kin. Nakita kong medyo natakot siya. Gusto kong matawa pero pinilit kong pigilan. Mas okay na 'tong takot siya para tigilan niya na ako. "Bliss, disturbance ka na sa'kin. Ayokong magshare ng mga nangyayari sa'kin. Hindi rin ako celebrity para pag-usapan niyo. Tigilan mo na ako kung ayaw mong ipaguidance kita. Magkakarecord ka, sige ka." Pananakot ko kaya tinarayan niya ako.

"Grabe ka naman. Concern lang e." Inis na sabi niya at umalis na sa tabi ko. Nakahinga na ako ng maluwag at bumalik sa pagbabasa. Concern? 'Di ko 'yun kailangan ngayon. Mas concern ako sa mga taong mapapalapit sa'kin.

Hindi ko pa nga sigurado kung aksidente talaga ang pagkakamatay ng mga magulang ko, dadagdag pa 'tong kay Marcus. Paano kung may pumatay sa parents ko? Babalikan nila ako?

Kahit absent ako ng ilang araw, mabilis akong nakahabol sa klase at sa exam. Kampante ako na hindi na ako ang lowest sa ranking namin. Nang lunch na, pumunta ako sa office ni Ma'am Nel at kinausap siya.

"Ma'am, nandito po ako para magsuggest sa inyo na huwag na kayong gumawa pa ng buong ranking ng klase." Pakiusap ko na kinakunot ng noo niya. Palibhasa hindi niya alam ang feeling ng nasa bottom.

"Bakit naman? Sa takbo ng grades mo ngayon, tiwala ako na wala ka na sa bottom o sa lowest. Ayaw mo bang malaman kung ika-ilan ka?"

"Ma'am, alam ko po ang objective niyo kung ba't kayo naglagay ng ranking ng buong klase. Gusto niyong mamotivate ang lowest at mag-aral nang mabuti para umangat. Pero hindi po ba, discrimination iyon? Hindi lahat ng estudyante, namomotivate mag-aral nang mabuti. Ang iba, sa sobrang kahihiyan, naiisip nilang magsuicide. 'Yung grades po ng students, confidential. Isa po ako sa lowest nung una at alam ko ang pakiramdam nun. Kahit pa ako ang manguna ngayon sa klase, mas gugustuhin kong huwag magyabang. Ayokong maramdaman nila 'yung naramdaman ko noon."

Dahil sa lowest rank ko, nagkagulo ang buhay ko. Kung hindi ako natuluyan, sino ang matutuluyan ngayon? Isa sa mga kaklase ko? Ayoko nun!

Nandito na ako sa cafeteria at kumakain ulit mag-isa. Imbis na kumain sa labas, nakontento na ako rito. Mas ligtas dito kaysa sa labas. Nagsoot na lang ako ng earphones para hindi ko marinig ang ingay ng mga estudyante sa paligid ko.

Habang kumakain, naramdaman kong may umupo sa harapan ko at nakita ko si Sol na may dalang tray ng pagkain niya. Napataas ang kilay ko nang tingnan niya ako pero seryoso pa rin siya. Tinangggal ko ang soot kong earphones. "Anong ginagawa mo?" I asked.

Nilibot niya ang paningin niya kaya ginawa ko rin iyon. Nagsisitinginan pa rin sila sa'min. "There's no vacant table here. And I guess, I can sit here." Seryosong sabi niya kaya mas lalong tumaas ang kilay ko. Parang hindi siya 'yung Sol na kausap ko kanina sa kotse niya. Tsaka, anong walang vacant? Marami kaya!

"Sol, 'di ka naman kumakain dito e." Kunot-noong sabi ko. Sabi niya, hindi siya rito kumakain. Maliban sa maingay, nakakaagaw siya ng atensyon tulad ngayon. Nagsisitinginan sa'min ang mga estudyante. Bakit ba siya sikat?

Napangisi siya at pinatong ang mga braso sa table. Bahagya siyang napalapit sa'kin kaya sumandal ako sa upuan ko para makalayo ako. Maliit lang kasi ang table na ito. Pang-dalawahan lang ito e. Dapat nga, pang-isahan lang.

"You know me? What's your name?" He asked na lalong kinakunot ng noo ko.

"May amnesia ka ba o nababaliw ka na? Anong trip 'to?" Inis na sabi ko.

Napangisi siya at tumango nang mabagal. "Sorry Miss but this is the first time that we met. I'm Sol." Inabot niya sa'kin ang kanang kamay niya. "Can we be friends?"

"If we met in different situation, is it possible that we can be friends?" – Sol

What!? Nababaliw na ba siya? Gusto niyang magsimula kami sa umpisa? He's crazy! But I said that it's possible that we can be friends. Shems!

Natawa na lang ako at napailing. "Baliw ka!" Nakipagshake hands na lang ako sa kanya kaya napangiti na siya. "I'm Luna." I said.

To be continued...

Kaugnay na kabanata

  • The Witness   Chapter 3

    "Alam mo, konti na lang, iisipin ko nang may gusto ka sa'kin." Natatawang sabi ko at hindi pa rin kami tapos kumain. May crush siguro to sa'kin. Pero ang dami namang ibang babae dito na kaedad niya at mas maganda pa sa'kin. Bakit ba ako ang kinukulit nito?"Assuming." Bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sisipain ko sana ang paa niyang nasa ilalim ng mesa pero mabilis niyang napigilan ang legs ko gamit ang legs niya. Ba't ko ba kasi 'to kinakalaban? Black belter 'to e. "You're just different from others. You're brave. I like a person who's brave." Aniya at nagpatuloy na lang sa pagkain."So you like me?" Nakangising sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ano? Sabi mo you like a person who's brave. I'm brave.""I like you as a person." Paglilinaw niya pero mas nilawakan ko ang ngiti ko kaya mas naasar siya. "Seems like it's the other way around. You like

    Huling Na-update : 2021-08-13
  • The Witness   Chapter 4

    "I'm sick. Mag-enjoy ka na lang." Sabi ko kay Sol na kausap ko ngayon sa phone. Tumawag siya para itanong kung pupunta ako mamaya sa ball. Nagpalusot na lang ako na may sakit ako para naman hindi niya malaman na kaya hindi ako aattend dahil wala akong kasama. Nakakaawa naman ako. Maliban sa kanya, wala na akong kaibigan.Inaalok ako nina Bliss na sumama sa kanila pero ayoko talaga. Baka mapalapit ako sa kanila. Once na sumama ako ngayon, for sure, sunod-sunod na 'yan. Kaya hindi p'wede. Niyaya naman ako ni Leo pero alam ko naman na hindi siya seryoso roon. Masyado lang siyang friendly kaya niyayaya niya lahat. Kaya siguro nanalo siyang SSG President. Matalino at magaling na leader din naman siya."Sick!? I'll be there." Ani Sol kaya mabilis akong napatayo dahilan para makaramdam ako ng pagkahilo kaya naupo ako sa upuan. Kanina pa kasi ako nagpapakain sa ampon kong kuting."Huwag na, Sol. Mag-enjoy ka na lang. Kwentuhan mo

    Huling Na-update : 2021-08-13
  • The Witness   Chapter 5

    Kinaumagahan din ay tanghali na akong nagising. Pagtingin ko sa phone ko, lowbatt na. Hindi ko alam kung bakit pero 'di ko naman 'to ginamit kahapon. Nang makapagcharge ako, bumungad sa'kin ang texts and missed calls ni Sol. Gusto niyang mag-usap kami. Dahil ayokong patagalin ang lahat at kaibigan ko naman siya, pumayag na ako. Isa pa, may iaabot ulit ako sa kanya. Kainis kasi e. Nagdadrama ako kahapon kasama si Leo nang lumapit sa'kin 'yung Alanis para ipaabot kay Sol 'yung letter. Mukhang hindi niya rin kasi nahalata na malungkot ako.Kaya lunch time ngayon at kaharap ko siya rito sa table sa isang resto. Ang pormal namin. Wala pa ring nagsasalita kahit na nandito na ang order namin. Nagugutom na ako. Hindi pa ako nagbibreakfast kasi tinanghali na ako ng gising."Kain muna tayo." Mahinahong sabi ko at tumango naman siya. Dahil gutom ako ay sunod-sunod lang ang pagsubo ko hanggang sa mabulunan ako. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni

    Huling Na-update : 2021-08-16
  • The Witness   Chapter 6

    Sa bahay ako nagcelebrate ng Pasko at tulad ng inaasahan, masaya ako na medyo malungkot. Pero lamang ang saya dahil masaya naman talagang kasama sina Nanay Anne at Ate Kiss. Kasama rin namin si Kuya Teddy. Namiss ko talaga sila. After noche buena, napag-usapan namin ang tungkol sa parents ko."Naniniwala po ba kayong aksidente iyon?" mahinahong tanong ko. Hindi sila nakasagot. Parang nag-alala sila sa 'kin dahil sa mga tinatanong ko. Iniisip kasi nila, hindi ko matanggap ang pagkawala nila kaya naghahanap ako ng masisisi. Pero hindi lang talaga ako mapalagay. Hindi ako naniniwala na aksidente iyon. Kung aksidente man, siguradong may ibang taong gumawa ng aksidente na iyon."Hindi matutuwa ang magulang mo kung mabubuhay ka nang hindi mapayapa," mahinahong sabi naman ni Ate Kiss. "Alam mo ba kung ano ang natutunan ko sa kanila? Iyon ay huwag magpatali sa nakaraan. Tayo ang gagawa ng kasalukuyan natin." Ngumiti siya pero hindi ko magawang ngu

    Huling Na-update : 2021-08-17
  • The Witness   Chapter 7

    "Ba't ka nakablack?" inis na tanong ni Bliss kaya napatingin ako sa T-shirt kong black na nakatuck-in sa high-waisted pants ko. "Ano ba 'yan! KJ naman nito," reklamo niya pa at umalis na sa harapan ko. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang mga tinatapos ko pang gawain dito sa SSG office.May color coding kami ngayong buong week ng Valentine's month. Syempre, pula sa mga happily inlove. Itim sa mga single but not available. Ako 'yun. Si Bliss, naka-pink. Ibig sabihin, single and ready to mingle. Nakita ko si Leo, nakawhite siya. Ibig sabihin, single and happy while waiting. Ibig sabihin, may hinihintay siyang specific person. Nang tinanong namin siya kung sino, hindi siya sumagot. Pinabalik niya lang kami lahat sa trabaho namin. Parang iritable siya. Dahil yata sa ginawa ko noong Friday. Ginawa ko lang naman 'yun para hindi isipin nung lalaki na mahalaga sa'kin si Leo. For sure, mapapahamak si Leo kung patuloy siyang lalapit sa 'kin. Alam kong kaya niya

    Huling Na-update : 2021-08-19
  • The Witness   Chapter 8

    "How's school, Almira?" nakangiting tanong sa'kin ni Atty. Calisto, asawa ni Atty. Cha. He's nice, pero nakakatakot pareho ang awra nila ni Atty. Cha. Bibihira ko lang din siyang makausap. 'Di kami close pero alam kong mabait siyang tao."So far, ayos naman po," nakangiting sagot ko. Oo, mabait siya pero 'di talaga ako komportable sa kanya. Nakakatakot talaga siya.Nandito kami sa isang resto for dinner kasama si Atty. Cha. Kasama rin namin si Nixon na anak nila. He's a 10 year old kid na ngayon ay busy sa binabasa niya sa ipad niya. Nerd din ang isang 'to, e. 'Di masyadong nagsasalita. Kapag kinakausap ko noon, tango at iling lang siya. Kaya ayaw ko nang kausapin ngayon. Nagmumukha akong tanga."Cal, nasa labas na siya," Atty. Cha intervened then Atty. Calisto nodded as he stood up and leave us, Atty. Cha and Nix, alone. Nakahinga rin ako nang maluwag. Hay salamat! Hindi ko sila tinatawag na Atty. Valencia kasi malilito a

    Huling Na-update : 2021-08-19
  • The Witness   Chapter 9

    "'Yung totoo, ayaw mo ba?" nag-aalalang tanong ko kay Leo na kasayaw ko na ngayon at kanina pa siya tahimik na nakatingin sa mukha ko. Mukha nga siyang naglalakad kanina sa ulap habang ginigiya ko siya papunta sa gitna ng ball room para magsayaw. Oo, ako na ang desperada. E sa crush ko siya. Isa pa, si Bliss nga, niyaya rin si Drei, ba't ako mahihiya? Come on, 21st century na tayo.Ayoko na rin gawin 'yung goal ko na maging first dance ang first love ko. Siya na lang sa first kiss ko. P'wede naman 'yun."Of course, gusto," mahinang sabi niya pero mas nagtaka lang ako sa sinabi niya. Kasi nanginginig ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko. "I want this. I want you, Luna," mahinang sabi niya.Napabuntong-hininga ako at inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko at nilagay iyon sa likod ko kaya mas napalapit siya sa'kin na kinagulat niya na naman. Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay niya.She

    Huling Na-update : 2021-08-29
  • The Witness   Chapter 10

    Nagsimula na ang 18 roses at ang unang sinayaw ko ay si Atty. Calisto. Pero gusto niya, tawagin ko siyang papa. Ganun din si Atty. Cha. Pero hindi talaga ako sanay. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan. Pero ngayong 18 na ako, p'wede na akong bumukod sa kanila nang tuluyan. Naibigay ko na rin sa kanila ang dapat kong ibigay pero hindi pa rin nila ako papabayaan. Tinuturuan na rin ako ni Atty. Cha kung paano ko papalaguin ang mga iniwan sa'kin ng parents ko kaya sa ngayon, p'wede na akong makialam sa stocks ko at investments. Mas mapaglalaruan ko na 'yun.Si Nixon ang second rose ko. Medyo matangkad na siya pero kailangan ko pa ring yumuko nang bahagya. Haha ang cute niya. Hindi niya raw maimagine na magiging magkapatid kami. 13 na rin siya."Who's you 18th?" kunot-noong tanong ni Sol na kasayaw ko ngayon. Siya ang 17th ko. Hindi niya alam na may gusto rin sa'kin si Leo kaya wala siyang alam na parang MU kami ng kinaiinisan niya. Naiinis siy

    Huling Na-update : 2021-08-29

Pinakabagong kabanata

  • The Witness   Epilogue

    "Nagtitipid ka siguro 'no! Anong kinain mo? Pahingi nga,” biro ni Amy kay Bliss kaya napasimangot si Bliss at tinarayan si Amy. "Ang ingay mo. Lunurin kaya kita?" inis na sabi ni Bliss. "Be thankful, I'm going to celebrate kahit natrauma ako sa last last birthday ko,” dagdag niya. "Happy birthday!" sigaw ko na lang para hindi sila mag-away-away. Mas lumakas naman ang pamusic ng DJ kaya mas tinodo pa namin ang sayawan dito sa gilid ng pool nina Bliss. May banda rin na tutugtog. Birthday niya ngayon at napagdesisyunan niyang sa bahay na lang nila magcelebrate. Poolparty naman at invited kaming lahat na kaibigan ni Bliss. Nandito ako, si Amy, Andrei, Leo, Sol, Ate Jaida, Alanis, David and Ron. May iba pa na hindi ko kilala. Kakaunti lang kami kaya nabobored si Bliss. "Ang ingay ni Luna. Parang ang laki ng pinagbago mo,” reklamo ni Bliss kaya natawa ako. "'Di ako nagbago. Ganito talaga ako noon. Ito talaga ang totoong Luna Almira. Tanggapi

  • The Witness   Chapter 63

    "Bakit feeling ko, magiging si Mrs. Dela Cuesta ako na Nanay mo kapag kasal na tayo?" tawa ko kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.Ayaw niyang Mrs. Dela Cuesta ang tawag ko sa Mom niya pero doon na ako nasanay. Isa pa, karibal ko ang Nanay niya."She wants you to call her Mom, so just do it, Love,” nakangiting sabi niya kaya 'di na lang ako kumibo.Kaagaw ko siya palagi kay Sol. Gusto niya, siya ang nag-aalaga lagi kay Sol noong nasa ospital pa ito pero bigla nilang sinukuan kaya hindi nawawala ang hinanakit ko sa kanila. Gusto kong maging mabait sa kanila pero kapag naaalala ko 'yung nangyari noon, hindi ko maiwasang mainis sa kanila. At hindi iyon alam ni Sol.Wala na rin akong balak ipaalam sa kanya na muntik na siyang sukuan ng magulang niya. Baka lalo pang tumindi ang tampo niya sa mga ito. Though naiintindihan ko naman sila na ayaw lang nilang mahirapan pa lalo si Sol kasi mag-iisang taon na itong comatose. Nagkataon lang na hind

  • The Witness   Chapter 62

    "Are you sure, kaya mo na?" tanong ko kay Sol habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.Inagahan ko talaga ang pag-aayos ng gamit ko para matulungan siya rito. Ayoko siyang nahihirapan lalo pa't ilang buwan pa lang siyang nakakalabas sa ospital. Masasabi kong mabilis naman siya nakarecover pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya araw-araw ko siyang dinadalaw rito sa bahay nila at sinasamahan magbilad at magjogging sa labas. Oo, nandito na siya sa bahay ng parents niya.Ayos naman na sila. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-hinanakit sa nanay at tatay niya. Mabait naman sila pero ewan! Kaagaw ko sila kay Sol lalo na ang nanay niya."Yeah, stop worrying. I can do this,” nakangiting sabi ni Sol pero umiling lang ako at tinulungan ko pa rin siya.Nandito kami sa room niya kasi kailangan niya nang mag-empake. Magtatanan kami. Charot! Pupunta kami kina Tori. Ang tagal na nun nangungulit, e, at isasama rin namin si Atty. I

  • The Witness   Chapter 61

    Ang huling naaalala ko, umiiyak ako nun at halos hindi na ako makahinga dahil noon ko lang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Noon lang ako umiyak hanggang sa mapagod na ang katawa ko at mawalan na lang ako ng malay tao.Nagising ako na nasa ibang k'warto pero nasa ospital pa rin. Sa takot ko na baka tinuloy nila ang binabalak nila kay Sol, mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto niya. Bawat hakbang ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan. Natatakot ako na baka wala na siya.Baka hindi ko na siya makita ulit.Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakahiga pa sa kama niya. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya. Niyakap ko siya habang tumutulo ang luha ko. Sa wakas, nakakaiyak na ako."Huwag kang mag-alala, ilalaban kita. Magiging matatag ako para sa ‘yo,” sabi ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang magsalita si Atty. Cha na bigla na lang pumasok sa pinto."Do you want to visit a doctor? 'Di ba, matagal mo nang pl

  • The Witness   Chapter 60

    Nang makarating kami sa unit ko, agad kaming nagtungo sa kusina para kumain."Namimiss ko na ang bayan namin. Doon kasi, kapag birthday, parang pyestahan. Imbitado mga kapitbahay,” k'wento ni Tori kaya natuwa naman si Atty. Ivan."Punta naman tayo dun,” ani Atty. Ivan kaya napatingin sa ‘kin si Tori."Oo, Luna. Dalawin naman natin sila. Miss na miss ka na ni Ella, e,” natatawang sabi niya pero hindi ako natawa. Ang hirap tumawa ngayon. Kahit pagkain namin ngayon, mukhang masarap pero hindi ko malasahan. Kahit tubig, mapait. Pakiramdam ko, namamanhid na ako. "Sorry,” mahinang sabi ni Tori nang hindi ako kumibo."Luna, umiyak ka na ba? Kahit isang beses man lang?" nag-aalalang tanong ni Atty. Ivan na inilingan ko lang. Napabuntong-hininga sila pareho. "Nood tayong movie? 'Yung drama?""Oy totoo. Maganda raw 'yung scarlet heart,” sabi naman ni Tori."Movie, hindi series. Anong oras tayo matatapos niyan? Baka

  • The Witness   Chapter 59

    Ipinagpatuloy nila ang pagkik'wento. "Binalikan namin si Marcus. Ang plano, gagawin lang namin siyang high at bubugbugin pagkatapos ng car racing nila. Pero bigla na lang siyang nawala. Iyon pala, pinuntahan niya ang girlfriend niya na balak na talagang makipaghiwalay sa kanya. And that was the time that you saw him commiting his crime. Hinanap ni Sol kung nasaan si Marcus kasi alam niyang may gagawin 'tong masama sa girlfriend niya. Sol tried to save her from Marcus but he saw you there, shouting for help. Kaya ikaw ang niligtas niya."Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagsinungaling sa ‘kin noon si Sol. Sabi niya, napadaan lang siya nang marinig niya akong sumisigaw. Hindi pala..."I thought, you didn't do anything against the law. Pinainom niyo siya ng drugs,” sabi ko na inilingan nila."We didn't. Iba ang naglagay nun,” matapang na sabi ni Ron."Paano ako maniniwala? Baka nagsisinungaling na naman kayo,” sabi ko.

  • The Witness   Chapter 58

    "Well, Why don't you ask him instead?" natatawang sabi niya sabay turo mula sa likod ko and then I saw Atty. Ivan there."Hi, Adira, Tori!" nakangiting bati niya sa 'min."Your friend was asking me why you talked about her a lot,” nakangiting sabi pa ni Lance Villaflor habang nakangisi sa ‘kin at mukhang alam niya na kung bakit bigla kaming nagkita noon sa firm. "Excuse me,” ani Lance at pinasunod niya sa kanya si Sol. Sinenyasan pa ako ni Sol na huwag sumunod sa kanila.Ano kayang mangyayari ngayon? Ang alam ko, ngayon mahuhuli si Lance. Anong pinaplano ni Sol?"Oh I'm sorry, Adira. Sinabi ko kasi kay Mr. Villaflor na may gusto ka sa kanya tutal aalis naman na siya,” sabi ni Atty. Ivan."Okay lang. Umuwi na kayo. May kailangan lang akong gawin,” sabi ko pa at tiningnan ko nang taimtim si Tori. Sana maintindihan niya ako. "Umuwi na kayo. Please! Alam niya na,” mahinang sabi ko sahilan para kabahan siya at hinawak

  • The Witness   Chapter 57

    "Luna?" gulat na tanong niya nang makita ako pero agad ding nabaling ang tingin niya kay Leo. Agad niya itong nilapitan. "What happened?" Bigla niya akong hinarap at naluluha siya. "Akala ko patay ka na,” sabi niya pa. Hindi ako kumibo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko alam kung sasabihin ko nang ako si Luna tutal alam naman na ni Marcus na buhay ako. Nadamay pa si Leo. "Anong nangyari sa kanya? Palagi mo na lang siyang pinapahamak!" galit na sabi niya at bigla niya na lang akong sinampal. Doon na ako napaluha. Kasi ang sakit ng sinabi niya.Totoo kasi, e.Totoong palagi kong pinapahamak ang mga taong nakapaligid sa ‘kin."Arielle?" sambit ni Leo kaya nabaling sa kanya ang tingin namin.Kakagising niya lang. Namumula rin ang mga mata niya at may nagbabadyang luha sa mga ito. Nang mapatingin siya sa ‘kin, napangiti na lang siya at tuluyan nang umiyak. 'Yung iyak na parang sobrang sakit ng nasa loob niya pero wala siyang magawa. Hindi ko mai

  • The Witness   Chapter 56

    Nagk'wentuhan pa kami ni Alanis ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at tinanong niya rin kung anong nangyari sa ‘kin. Dahil wala na akong balak magsekreto pa, sinabi ko na sa kanya lahat-lahat pero nakiusap ako na huwag niya munang sasabihin sa iba dahil may pinaplano kami ni Ate Jaida at Sol. Hindi nga siya makapaniwala sa mga pinagdadaanan ko, e.Kahit naman ako, hindi makapaniwala.Baka nga ako lang talaga ang nagpapakomplikado ng buhay ko. Baka nga wala naman talagang pumatay sa magulang ko. Baka aksidente lang talaga lahat. Masyado ko lang dinibdib kaya umabot ako sa puntong papunta na sa pagkapariwara ang buhay ko at nasaksihan ko ang krimen ni Marcus.Baka nga ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko. Kailangan ko lang sigurong matanggap ang mga nangyayari sa ‘kin. Kasi sabi ni Ate Kiss, hindi tayo p'wedeng magpatali sa nakaraan. Hindi matutuwa sina Mama at Papa kung ganito kagulo ang buhay ko.Life is a choice. You cho

DMCA.com Protection Status