Share

Chapter 1

Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa taong minsan ko lang nakita pero tama siya; hindi ako patatahimikin ng konsensya ko. Kailangan kong magsumbong.

Nandito ako sa coffee shop sa baba ng condo at kasama ko siya. Magkatitigan lang kami, binabasa bawat galaw, bawat tingin. Baka may kahina-hinala sa kanya. Kailangan kong malaman. Buhay ko ang nakasalalay rito. Nakakapagtaka lang kasi na nakita ko siya sa lugar na 'yun. Sure ba siyang 'di siya kasamahan ng rapist?

"Pangalan mo?" Tanong ko at hindi ko pinuputol ang tingin ko sa kanya.

"Sol." Walang emosyong sagot niya.

"Full name." Sabi ko pa. Kinuha ko ang maliit na notebook ko at naghandang magsulat kaya napangisi siya at napailing. Humigop muna siya sa kape niya at muling tumingin sa'kin. Kanina ko pa siya tinititigan kaya hindi ko na makakalimutan ang mukha niya. Subukan niya lang na may gawin sa'kin, ipapablotter ko siya. Medyo kulot ang buhok niyang itim, tama lang ang haba nito. Pormal. Medyo makapal ang kilay niya, walang emosyon ang mga mata. Parang ang dilim. May maliit siyang nunal sa bandang kanan, gilid ng mata niya. Matangos ang ilong, mapanga, at pulang-pula ang mga labi. Parang hindi naninigarilyo. Sakto lang din sa mukha niya ang kapal o nipis ng mga labi niya. Moreno siya pero ang ganda ng kulay. Kitang-kita ko ang Adam's apple niya. Shems! Umiwas ako ng tingin at saka uminom ng kape.

"Why are you interrogating me?" Seryosong tanong niya.

"Kasi 'di ko alam kung mapagkakatiwalaan ka. Buhay ko ang nakasalalay rito, Mister! So just answer my question! Name?" Seryosong sabi ko rin. Inaamin ko na nakakaintimidate siyang tumingin pero hindi ako p'wedeng magpahalata. Mas tatakutin niya ako kapag nakita niyang natatakot ako.

"Amorsolo Xavier Dela Cuesta. Call me Sol." Walang kagana-gana niyang sagot at uminom na naman ng kape.

Napangisi ako at nagsulat. "Amorsolo. Ang tanda naman." Natatawang sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Okay, age?"

"20."

"Matanda na nga." Bulong ko pa habang nagsusulat. Pikon na pikon na siya sa'kin. Pinagpatuloy ko lang ang pagtatanong. Address niya, school, course dahil 2nd year college na siya. Architecture pala ang course niya at same university pala kami. Pero 'di ko siya nakikita kasi nasa college na siya. Ako, high school pa lang. Alright!

"Gagawa ako ng kontrata na nagsasabing poprotektahan mo ako habang hindi pa nahuhuli ang rapist. Ibig sabihin---" Hindi ko natapos ang pagpapaliwanag ko kasi nagsalita na siya.

"Kontrata? Seriously, Miss Monticello?" Natatawang sabi niya kaya tumango ako.

"Yes, Mister Amorsolo---"

"Sol."

"Okay, Mister Sol---"

"Sol! Just Sol!" Inis na sabi niya.

Napangisi na lang ako at tumango. Pikon 'to! "Sige na, Sol. Basta may kontrata na nagsasabing poprotektahan mo ako, ibig sabihin, babantayan mo ako sa oras na wala ako sa loob ng school. Kapag nasa loob, okay lang. Kapag tinawagan kita, sasagot ka. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"This case will be fast, Miss Monticello. Just so you know, that murder and rape case are all over the news. They're looking for the criminal. And I can't point him out because I didn't saw him commiting the crime and I don't have evidences." Paliwanag niya na kinakunot ng noo ko. Nasa balita na iyon?

Inabutan niya ako ng cellphone at pinanood sa'kin ang balita tungkol sa babaeng natagpuang walang buhay sa likod ng abandunadong gusali, walang saplot at ginahasa ayon sa autopsy report nito. Hinihingi ng pamilya ang hustisiyang nararapat para sa anak nila. Higit isang linggo na palang pinaghahahanap ang kriminal.

Napahawak ako sa dibdib ko nang makita ko ang Mama niyang umiiyak at halos mahimatay na. Inaalalayan siya ng iba niyang anak at asawa. Pinakita sa video ang burol ng babae. Habang tinitingnan ko ang mga tao sa burol, nabitawan ko ang cellphone at nasalo ito ng palda ko. Hindi maaari! Bakit siya nandun sa burol?

"Why? What happened?" Alalang tanong ni Sol. Tumabi siya sa'kin at kinuha niya ang phone sa palda ko at pinanood niya ulit ang video. Takang-taka siya sa kung ano ba ang nakita ko. Hindi ako makapagsalita! Pakiramdaman ko, bumalik ako sa sitwasyon ko noong nasa likod ako ng abandoned building. Naiiyak na naman ako at nanginginig ang mga kamay ko. "Miss Monticello, what did you saw?" Mahinang tanong niya pa at hinawakan ang mga kamay kong nanginginig para patigilin ito. Napatingin ako sa kanya. Nagtutubig na naman ang mga mata ko.

"'Y-'yung rapist. Siya 'yun! Bakit siya umiiyak sa video? Baliw ba siya?" Nanggigigil na sabi ko na lalo niyang pinagtaka. Binigay niya ulit sa'kin ang phone para ituro ko sa kanya ang rapist. At kahit siya, hindi makapagsalita.

"Are you sure? Based on reports, that's her boyfriend." Bulong niya sa'kin.

Ano? Boyfriend? Nirape niya ang girlfriend niya! Anong klaseng nilalang ba siya? Ang sama-sama niya! At nakikipag-iyakan siya kasama ang pamilya ng biktima niya. Ang lakas ng sikmura niya. Hindi ko siya kinakaya! Nakakagigil!

"Magrereport na ako. Haharap ako sa korte bilang witness!"

Kailangan kong maging matapang para sa pamilya ng babaeng iyon. Humingi siya sa'kin ng tulong. Tumulong ako pero nabigo ako. Hindi ko siya nailigtas. Pero ngayon, may chance na matulungan ko siya para sa justice na nararapat para sa kanya. Baka nga binuhay ako ni Lord para rito. Baka kaya pa ako nandito kasi may pakinabang pa ako.

Nang gabing iyon, sinamahan ako ni Sol na magreport sa mga police. Nang gabi ring iyon, nagpunta ang mga police sa bahay ng suspect dala ang warrant of arrest pero hindi nila ito naabutan. Nakatakas si Marcus Ibasco; ang rapist. Hindi rin alam ng mga magulang nito kung nasaan ang anak nila at kahit sila, nag-aalala na rin.

"Miss Montecillo, ayan ka na naman. Tulala." Puna ni Ma'am Nel kaya napabalik ako sa ulirat. Doon ko lang namalayan na ako na lang pala ang tao rito sa classroom. Si Ma'am Nel ang adviser ng klase namin at medyo mahigpit talaga siya.

"Sorry po, Ma'am." Sabi ko. Nagligpit na ako ng mga gamit ko pero natigilan ako nang maupo siya sa tabi ko. Huminga siya nang malalim at halata kong nag-aalala siya sa mga kinikilos ko.

"Luna, alam kong matalino ka. Nakita ko ang grades mo noong mga nakaraang taon. Outstanding. Oo, naulila ka noong bakasyon kaya bumaba ang grades mo. Pero bumawi ka rin. Kahit madalas kang tulala sa klase, kapag tinanong kita, o ng kahit sinong teacher mo, nakakasagot ka naman. Tumataas na ang grades mo. Pero tulala ka talaga. May iniisip ka ba? Ano bang bumabagabag sa'yo?" Mahinahong tanong niya at naiiyak na naman ako. Ayokong may nagpapakita ng pag-aalala sa'kin. Lalo akong naiiyak. Ayokong kaawaan nila ako. Ang sakit kasi. Pakiramdam ko, hindi ko kayang magpatuloy sa buhay mag-isa. Miss na miss ko na sina Mama at Papa.

"Ma'am, salamat po sa pag-intindi. Pero hindi pa po ako handang mag-open up." Tumayo na ako at naglakad na palabas. Kailangan kong makaalis para hindi tumuloy ang luha ko.

Kailangan ko ring magpanggap na okay lang, na parang hindi nangyayari ang mga bagay-bagay. Nang sa gayon, mas madali sa'kin na kalimutan ang lahat. Kapag hindi ko kasi kinik'wento sa iba, parang hindi rin totoo ang mga nangyayari sa'kin. Pakiramdam ko, normal ang lahat sa paligid ko at masamang bangungot lang ang nangyari.

Mag-isa ako ngayon sa cafeteria, kumakain ng lunch. Wala kasi akong kaibigan dito dahil transferred student ako at nilalayo ko sa iba ang sarili ko. Baka kasi madamay lang sila sa gulo ng buhay ko. Ayoko na rin kumain sa labas kasi delekado kahit na nasanay akong sa labas kumakain. Ayoko rin makipagkaibigan kasi delekado pa ang lagay ko.

"Look who's here!"

"Oy tingnan niyo! Ba't siya nandito?"

"Hala! Hindi naman siya kumakain sa caf e."

Nakakarinig na naman ako ng mga bulungan. Ako na naman ba ang pinag-uusapan nila? Bobo pa rin ba ang tingin nila sa'kin? O baka bangag kasi palagi akong lutang sa klase? Kapag mag-isa ako, puro aral na lang ang inaatupag ko. Kapag nag-aaral kasi ako, nawawala ang iniisip ko tungkol sa mundo. Tungkol sa mga nangyayari sa'kin.

"So you're here."

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Sol na nakaupo sa tapat ko. Wala siyang dalang tray ng pagkain niya. Bag lang ang dala niya at T-square. Napatingin ako sa mga taong nakapaligid sa'min at nagbubulungan sila habang nakatingin sa'min. Binalik ko ang atensyon ko sa pagkain.

"Umalis ka na. Hindi ka ba nahihiya? Nadadamay ka sa mga tingin nila sa'kin." Tugon ko.

"What!?" Takang tanong niya kaya napatingin siya saglit sa mga tao dahilan para lumakas ang bulungan. "Don't mind them. They know you?"

Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy lang sa pagkain. "Alis na. Mamaya pa uwi ko. Don't worry, sa labas ka lang naman magbabantay, hindi sa loob." mataray na sabi ko pa.

Natawa siya nang bahagya. "You're crazy. They're not---" Natigil siya sa pagsasalita nang may bigla na lang dumating na babae.

"Hi Sol. What brought you here?" Tanong ng maarteng babae na nakahawak pa sa balikat ni Sol. College student siya. Halata e. "And who's she?" Umiwas ako nang tingnan niya ako. Anong pakialam niya kung sino ako? Girlfriend ba 'to ni Sol?

"Leave us." Utos ni Sol sa babae. Napapadyak 'yung babae at saka umalis. Napangisi na lang ako at napailing. Nakarinig na naman ako ng bulungan tungkol kay Sol at tungkol sa'kin na hindi nila kilala. Sino raw ba ako? Ba't ako kinakausap ni Sol? First time daw ni Sol dito sa caf. Oh okay!? Si Sol pala ang pinag-uusapan, hindi ako. Ang assuming ko lang talaga.

Dahil hindi pa ako tapos kumain, kinuha ko ang mga pagkain ko at tumayo para umalis pero hinawakan ni Sol ang wrist ko kaya napatingin ako sa kanya. "Bitaw! Pinag-uusapan ka ng mga estudyante. Madadamay ako."

"Then? Just sit there! I have something to tell you about Marcus." Aniya kaya huminga ako nang malalim at naupo ulit. Kapag naririnig ko ang pangalan ng rapist na 'yun, kinikilabutan talaga ako.

"Nahanap na siya?" I asked but he shook his head. Gosh! Saan ba 'yun nagtatago?

Lumipat sa tabi ko si Sol para makalapit sa'kin nang husto at saka bumulong. "Don't worry, your identity as witness is confidential and as of now, anonymous. You won't see yourself on TV. They won't know who you are until you speak in court as witness. But you have to take good care of yourself and be vigilant. Marcus knew that you saw him so he has an idea about you." Lumayo na siya sa'kin kaya nakahinga na ako nang maluwag. 'Yung tingin kasi sa'kin ng mga estudyante, patalim nang patalim. May gusto ba sila kay Sol? B'wisit! Mukhang gulo na naman ang dala sa'kin ng lalaking 'to. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay e.

"Sol..." Sambit ko at huminga na naman nang malalim. Tiningnan ko siya sa mga mata. Wala siyang emosyon. Ano bang nagustuhan nila rito? "P'wede mo naman itong itawag. May contact ka sa'kin. 'Di ba?"

"Yes, but you're not answering, Miss Monticello." Mataray niyang sabi na kinakunot ng noo ko. Hinanap ko sa bag ang phone ko pero hindi ko makita. Gosh! Naiwan ko sa condo. Baka tumawag si Atty. Cha.

"Naiwan sa condo." Mahinang sabi ko kaya napailing siya.

"I thought something bad happened on you but nah! After class, 5pm wait for me in front of your building." Tugon niya at mabilis na umalis ng cafeteria. May ilang estudyanteng pinagmasdan siyang makalabas. May iilan naman na lalapit sana sa'kin pero sinamaan ko sila ng tingin dahilan para umatras sila. Aawayin ba nila ako? Jusko, huwag ngayon! Ang dami ko pang iniisip. Gusto kong magpakabait pero dadami ang makikipagkaibigan sa'kin at hindi iyon p'wede kaya nagpapakataray ako ngayon. Mapapahamak sila. Baka gamitin sila ni Marcus laban sa'kin.

In-stalk ko si Marcus sa social media at nalaman kong mayaman ang pamilya niya. Negosyante ang Mama niya at lawyer ang Papa niya. For sure, mag-aabogado rin si Marcus pero kapag nahuli siya at nahatulan sa salang murder and rape, habang buhay na siya sa kulungan. Masisira rin ang image ng magulang niya at iyon ang hindi nila hahayaan. Lagot ako. Pinaghahahanap siya ng mga pulis pero pinagtatakpan siya ng mga magulang niya. Hindi raw nila alam. Nagbabait-baitan din ang magulang niya. Ew! Maniniwala ba ako? Matindi ang ebidensyang hawak ko kaya hindi sila makakatakas sa batas. Pati na rin ang dugo sa tubo na pinalo ko sa kanya, kapag nagmatch iyon sa dugo niya once na mahuli siya, makukulong na talaga siya. Masisira ang future niya. Sisirain ko siya dahil sa ginawa niya. Wala na akong pakialam kung mamatay ako rito. Nasimulan ko na e. Ang magagawa ko na lang, mapagbayad siya sa ginawa niyang kasalanan. Tatapusin ko 'to.

Nang magsimula ang klase ko sa hapon, hindi naman ako tinigilan ng iba kong kaklaseng babae, bakla at lalaki about Sol. Paano ko raw iyon nakilala? Hay naku! Wala kasi silang alam sa totoong nangyayari. At wala rin akong sasabihin. Ayokong pati si Sol, malagay rin ang buhay sa panganib. Mas mabuti nang isipin ni Marcus na ako lang ang nakakaalam at hindi si Sol.

"Ba't ba ayaw mong makipagkaibigan sa'min? Mababait naman kami. Hindi ka namin binubully. Magiging sikat ka pa." Sabi na naman ni Bliss kasama ang tatlo niyang barkada so bale apat silang nangungulit sa'kin ngayon dito sa loob ng classroom. Nagsiuwian na ang iba naming kaklase at naghihintay pa rin ako kay Sol.

Hindi ako kumikibo sa mga sinasabi nila. Nagbabasa lang ako ng libro. Malapit ko na nga itong mamemorize e. Ayoko lang silang pansinin kasi si Bliss lang ang kilala ko sa kanila. Sikat kasi siya. Ewan kung bakit. Matalino rin naman siya. Medyo mataray nga lang.

"Luna." Tawag sa'kin ng kaklase kong babae kaya napatingin kaming lima sa kanya. May tinuro siya sa pinto at nakita ko si Sol na bored na bored na ang mukha. Napabuntong-hininga na lang ako at mabilis na lumapit sa kanya.

"Ang tagal mo. Sasabog na ako sa inis sa mga 'yun ha." Inis na sabi ko habang naglalakad nang mabilis at siya naman ay nakasunod mula sa likod. Natigilan lang ako nang hilahin niya ako papunta sa kabilang daan. Nakita ko roon ang kotse niyang itim. Sabi ko nga, dito ang daan.

Ilang beses na rin akong nakasakay sa kotse niya. Hanggang ngayon kasi, hindi pa nahahanap si Marcus kaya hatid-sundo niya ako. Ayoko mang sabihin pero napapalapit na ako kay Sol. Hindi 'to p'wede.

"Dadaan ako sa grocery. Wala na akong pagkain sa condo." Sabi ko at tumango naman siya. Ang kalmado niya ngayon. "Wala ka bang pinagkakaabalahan?" Tanong ko pa.

"I'm busy. I'm an architecture student, remember?" Sagot niya kaya napatango ako nang bahagya.

"E girlfriend?"

"Don't have time for that."

"E may time ka nga sa'kin." nakataas kilay na sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin pero agad ding umiwas kasi baka mabangga kami. "Felt like you're a responsibility because you're a coward."

"Excuse me? 'Di ako duwag! Natatakot lang! Tingin mo ba, kung 'di mo 'ko binabantayan, buhay pa ako ngayon? Pinilit mo akong magsumbong, dapat lang na bantayan mo ako! Hindi ko naman ginustong makita 'yun e." Nakakainis talaga ang Amorsolo na 'to!

"So what were you doing there?" Takang tanong niya.

Natigilan ako sa tanong niya. Sasagutin ko ba? Baka malaman niyang umiyak ako dun kasi nasa hulihan ako ng rank namin sa klase. Hindi pwede! Nakakahiya iyon!

"Basta! E ikaw, anong ginagawa mo dun?"

"I saw you running and shouting for help. So I stopped driving to help you." Sagot niya dahilan para hindi ako makakibo. Ang bait niya naman pala talaga. Alam niyang mapanganib pero dumating pa rin siya. Tinulungan niya pa rin ako. At kaya niya ako pinilit magsumbong kasi gusto niya ulit makatulong sa babaeng biktima. Tinulungan niya ako that time pero nagawa ko pa rin siyang sipain sa private part niya imbis na mag-thank you. Ang sama ko at ang bait niya. Aist!

Nakakahiya ka talaga, Luna! Kung hindi siya dumating, for sure, patay ka na rin ngayon. At siguradong isa ka na rin sa nasa balita. Estudyanteng natagpuang patay matapos niyang malaman na siya ang pinakabobo sa klase niya. Mamamatay akong walang dignidad! Shems!

"Gosh!" Huminga ako ako nang malalim at napayuko dahil sa mga naiisip ko. Nandito na kami ni Sol sa mall at naggogrocery. Kanina ko pa iniisip kung ano ang mangyayari sa'kin kung hindi dumating si Sol nang gabing iyon. Ang tapang niya, niligtas niya ako.

"Luna, are you going to buy what?" Ani Sol na siyang nagtutulak ng cart. Ang gentleman niya rin. Hindi na rin Miss Montecillo ang tawag niya sa'kin. Masyadong pormal. Inagaw ko sa kanya ang cart na pinagtaka niya naman.

"Ako na. Hintayin mo na lang ako sa kotse mo. Safe naman dito kasi may guard at CCTV. Tsaka, wanted siya. Kapag pumunta siya rito, 'di na siya makakatakas pa." Sabi ko gamit ang maotoridad kong boses. Hindi niya ako p'wedeng makitaan ng kahinaan o takot. Baka sabihin niya pa, duwag ako.

Nagtaka siya sa mga sinabi ko pero tumango pa rin siya nang bahagya. "You're weird but okay." Pumayag siya kahit takang-taka siya sa mga kinikilos ko. Lol! Nang makaalis siya, nakahinga na ako nang maluwag. Nakokonsensya ako kay Sol. Masyado siyang mabait na tao para madamay sa gulong ito. Hindi ko na dapat siya pinakiusapan na bantayan ako. Dapat, naging matapang na lang ako at nagsumbong agad sa police. Dapat, hindi na siya madamay pa.

Mabilis kong tinapos ang pamimili ko at nilagay ulit sa cart ang mga pinamili ko. Tinulak ko ito hanggang sa makarating ako sa parking sa basement. Nagmamadali na ako kasi gusto ko nang sabihan si Sol na aalisin ko na ang kontrata. Ayoko na siyang idamay pa. Magrerequest na lang ako kay Atty. Cha ng bodyguard kahit pa malaman niyang naging witness ako ng murder and rape case dahil ang drama ko kaya tumakbo ako para umiyak. Ar kaya ako nakarating sa building na 'yun dahil mababa ang grades ko.

Walang masyadong tao rito sa parking pero ang daming kotse. Maliwanag naman dahil sa mga ilaw. Dumiretso ako sa kinaroroonan ng kotse ni Sol pero habang naglalakad ako, hindi ako mapakali. Parang may nakatingin sa'kin. Ginala ko ang tingin ko pero wala namang tao. Then I saw Sol na naglalakad papalapit sa'kin. Napangiti ako at nawala ang takot ko nang makita siya. Alam kong kaya niya akong mailigtas. Black belter siya sa taekwando, nag-aaral talaga siya ng martial arts. Pero sabi niya, hindi lang siya lumaban nang iligtas niya ako kasi hindi niya alam kung ano ba ang nangyayari sa'kin that time.

"Kaya ko nam---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may isang lalaking biglang lumabas sa katabi kong kotse. I saw him, he's wearing black cap and he look murderous!

"Shit!" Sigaw ni Sol at mabilis na tumakbo palapit sa'kin. Tatakbo na rin sana ako palayo pero huli na. Naabutan niya ako at naramdaman ko na lang na may tumusok sa tiyan ko. Ang sakit! Pakiramdam ko, malapit na akong mamanhid.

Nahihilo na ako at nanghihina. Siguro dahil sa dami ng dugong nawawala sa'kin ngayon. Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko. Namalayan ko na lang na inangat ni Sol ang katawan ko at mukha siyang nag-aalala. Buti naman, ligtas siya. Nakahandusay naman sa sahig si Marcus at walang malay. May nagsidatingan na ring mga tao.

"L-last na 'to ha." Nauutal na sabi ko. Nalasahan ko ang dugo ko. Shems! Nasuka rin pala ako ng dugo.

"Hold on! Don't sleep! Just look at me, okay?" He worriedly said at dali-dali akong pinasok sa kotse niya.

He's worried? Bakit? Ayaw niya ba nito? Nahuli na si Marcus. P'wede niya na akong iwan. "It's okay, S-Sol. If I die tonight, I will be h-happy. I did it." Nakangiting sabi ko. Siguradong makukulong na si Marcus. Masaya na ako kasi nagawa ko na ang misyon ko sa buhay. Hindi naman na ako takot mamatay.

"No, Luna! Don't fucking sleep! I don't want someone to die inside of my car!" Sigaw niya habang mabilis na nagmamaneho.

'Yun lang pala ang inaalala niya. Psh! Selfish!

Gusto ko pa sanang magsalita kasi naiinis na naman ako sa kanya pero nagdilim na ang paningin ko. Ang bilis naman matapos ng k'wento.

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status