"Napakabobo talaga."
"Hay buti na lang, hindi ako last. Nakakahiya."
"Grabe naman si Ma'am, dapat 'di niya nilagay buong rank."
"Too much. Nakakahiya naman 'to."
"Ano bang nangyayari sa kanya? Bobo ba talaga 'yun?"
"Ba't siya nasa top section?"
Iilan lang 'yan sa mga naririnig ko mula sa bibig ng mga kaklase ko. First grading ng 10th grade level namin at nilabas ni Ma'am Nel ang buong rank ng klase namin. Ako ang last sa ranking at nakakahiya. Inaamin ko naman na tatanga-tanga ako pero sobra naman yata 'to. Pakiramdam ko, wala na akong mukhang ihaharap sa Monday. 'Di ko na kayang mag-aral!
Dahil sa kahihiyan na natatamasa ko, tumakbo ako palabas ng classroom habang pinipigilang umiyak. Ayokong umiyak! Hindi ako mahina!
Nagsitinginan sila sa'kin at may ibang naaawa pero 'di ko kailangan ng awa nila. Ang kailangan ko lang naman, makakaintindi sa nararamdaman ko. Pero wala e! Hinusgahan na nila ako bago nila ako intindihin - bago nila intindihin ang sitwasyon ko kaya naging ganito ang grades ko.
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa makalabas na ako sa school. Hindi ko iniintindi ang mga taong nakakabangga ko, ang mga taong nagsisitinginan kapag napapadaan ako, ang mga mata nilang mapanghusga. Ayoko silang intindihin dahil hindi naman nila ako maiintindihan! Wala sila sa posisyon ko kaya wala silang mauunawaan!
Ang sakit!
Ano bang ginawa ko para mangyari ang mga 'to sa'kin?
Masama ba akong tao?
"TULLOOOOONNGGG! TUL - AH!"
"TUMIGIL KA SABI!"
Sa gulat ko sa aking narinig ay agad kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakaubob ko sa mga tuhod ko. F*cksh*t! Sino ang nagsisigawan? Babae at lalaki ang mga boses na narinig ko e.
Nandito ako sa - hindi ko alam. Basta may building na giba na at nakasansal ako sa pader nito. Sa tapat ko ay maraming damong matataas at mukhang hindi na tinatabas. Madilim na rin ang paligid. Street light sa malayong kalsada na lang ang nakikita kong maliwanag. Mukhang ang tagal ko na ritong umiiyak kasi inabot na ako ng gabi.
"P-please huwag! T-tama na! 'Di k-ko na kaya!" Sambit pa ng babae na mukhang hirap na hirap na. Sa takot ko ay hindi ko alam ang gagawin ko. May nangyayari sa kanyang masama base sa boses niya. Kinakabahan ako pero gusto ko siyang tulungan!
Tumayo ako at huminga nang malalim dahil kinakabahan ako. Nagsimula akong maghanap kung saan nanggagaling ang boses. Nang may makita akong tubo, agad ko itong kinuha at naghanda sa pagsugod if ever makita ko ang kalaban. Shit talaga! Kung mamamatay lang naman ako, mas maganda na ang ganito. May nailigtas pa ako. Hindi iyong magsusuicide ako.
"God, help!" Bulong ko habang patuloy lang sa paglalakad at naririnig ko pa rin na dumadaing iyong babae dahil sa hirap.
Nang makita ko na sila, nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nirirape ng isang lalaki ang isang babaeng wala ng saplot at hinang-hina na siya. Tang ina! Nanghihina ako - Hindi! Kailangan ko siyang iligtas! Pero kailangan kong maging matalino. Ayoko nang maging bobo!
Kinuha ko ang phone ko at kinunan sila ng picture. Malabo pero ibedensiya ito in case na may mangyari sa aming masama.
Humakbang ako nang maingat mula sa likod ng lalaki para hindi niya ako makita. Sobrang layo ko pa sa kanila. Kailangan kong makalapit! Kahit madilim ay nakita kong nakita ako ng babae. Inaabot niya sa'kin ang kanang kamay niya. Parang humihingi siya ng tulong. Duguan na rin ang ulo niya. May mga pasa ang braso at legs niya.
"T-tulong." Nanghihina niyang sabi. Napalunok ako sa kaba at tumango. Busy ang lalaki kaya hindi niya ako napansin na lumapit sa kanya. Mabilis ko siyang hinampas ng tubo mula sa likod niya dahilan para mapahiga siya sa lupa at mamilipit sa sakit. Hinampas ko pa siya ng isa, dalawa. Hanggang sa sobrang nanghihina na ako dahil nanginginig na ang buong katawan ko. Natatakot ako! Nang mapansin kong hindi na makakilos ang lalaki na sa tingin ko ay nasa around 25 years old na, nilapitan ko na ang babae at pilit na pinasoot sa kanya ang uniform niya. Galing pala siya sa ibang university at college student.
"Miss, Miss, gising! Ligtas ka na!" Pati boses ko, nanginginig dahil sa kaba. Ano ba namang buhay ito! Kanina ko pa siya ginigising pero ayaw niyang magising. Tinapat ko ang tenga ko sa dibdib niya, hindi ko marinig ang tibok ng puso niya. Pinakiramdaman ko ang pulso ng leeg at wrist niya pero wala akong marinig. Fuck shit! Murder and rape ang krimen! Mukhang napatay ko pa ang lalaki. Hindi naman siguro ako makukulong kasi minor ako plus niligtas ko lang ang babae.
Ayokong makulong! Bata pa ako!
"Pakialamera." Mahina ang boses nito kaya agad akong napalingon sa lalaking pinaghahampas ko kanina ng tubo. Hirap na hirap siyang bumangon pero nagawa niya pa rin. Kinuha niya rin ang tubo na ginamit ko kanina at ang sama ng tingin niya sa'kin. Duguan na siya. Hala! Inano ko ba siya!?
"AAAHHHH!" Sumigaw ako nang sumigaw habang tumatakbo nang mabilis kasi papatayin niya ako! Ayoko pang mamatay! Mauna siya! "Tulong! Tulong!" Hinihingal na ako kakatakbo. Hindi ko na kayang sumigaw pa. Nauubusan na ako ng hangin sa katawan pero kailangan kong tumakbo para makaligtas.
Pero halos mahimatay ako nang may nagtakip ng bibig ko at hinila ako papunta sa gitna ng nagtatangkarang mga damo. "Shut up if you want to live." Bulong nito sa tainga ko. Huwaw! Inglesero si Kuya! Nagpumiglas ako para makatakas pero natigilan ako nang makarinig ako ng tubo na parang hinihila. Ang sakit sa tainga ng tunog nito habang kumikiskis ito sa mga batong nandito sa likod ng abandunadong building.
Ibig sabihin, hindi rapist ang lalaking nasa likod ko na nakayakap sa bewang ko at nakatakip ang kamay sa bibig ko? Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko e.
Pilit kong tinanggal ang kamay ng lalaki sa bibig ko at kinuha ko ang phone ko. Kailangan kong tumawag ng pulis. Pero nang magsalita ang rapist, camera ang binuksan ko at nirecord ko lahat ng statement niya.
"Hoy bata! Wherever you are, you're dead if you speak about this. And if you're hiding, don't you ever show yourself in front of me. Dahil hindi lang ikaw ang babalikan ko, pati ang mga taong mahahalaga sa iyo. Remember that! But if you will just shut your mouth forever, and conceal what you saw, then I will never bother you too."
Ilang minuto pa akong nanatili sa gitna ng nagtatangkarang mga damo at hindi makahinga nang maayos hanggang sa wala na ang rapist na iyon. Napabuntong-hininga na lang ako at niyakap ang mga tuhod ko. Umiiyak na naman ako. Bakit ba ang gulo ng buhay ko? Ayoko na!
"You're now safe. Stop crying." Wika ng lalaking nasa likuran ko at parang wala lang sa kanya na umiiyak ako at muntik na akong mamatay. 'Yung boses niya, ang lamig e.
Inis akong napatingin sa kanya at mabilis na pinunasan ang mga luha. 'Di ko siya makita nang maayos kasi madilim. "Ba't parang wala lang sa'yo? Parang hindi ka man lang natakot." Inis na sabi ko.
"Shut up! Let's report this to the police." Tugon niya. Tumayo na siya at naglakad na paalis. Hindi ako makakilos. Anong gagawin niya? Magrereport sa police? Paano kung bago mahuli ang lalaking 'yun e nabalikan niya na ako? Pati mahahalagang tao sa buhay ko? Paano ako!? Gugulo na naman ang buhay ko! Ayoko na! Dito na magtatapos lahat ng gulong nangyari ngayong gabi! Itatago na lang 'to!
Hinabol ko iyong lalaki hanggang sa makarating kami sa kalsada at may mga street lights na rito. May mga sasakyan na ring dumadaan. "Huwag!" Sambit ko nang mahawakan ko ang wrist niya. Natigilan naman siya pero hindi niya ako nilingon. Ang tangkad niya. Feeling ko, nasa 6 feet siya or more. At mukhang hindi ko siya kaedad. Nakalong sleeve siyang light blue e at hindi pang estudyante ang damit niya. "Please, huwag! Nakita niya ako! Paano kung balikan niya ako bago pa siya mahuli ng mga police? Isipin mo naman ako. Ako 'yung buhay, oh! 'Yung babae, patay na. Wala nang mawawala sa kanya. Sa'kin, marami pa." Umiiyak na sabi ko at hindi ko pa rin siya binibitawan.
Hinarap niya ako kaya napalunok ako sa kaba dahilan para mabitawan ko siya. Ang gwapo niya pala? Ah hindi! Ipapahamak niya ako. Hindi ako p'wedeng magpalinlang sa mukha niya.
"Yea she's dead. She lost everything already. Why don't you give her the justice she needs? He must do the consequences because of what he did. Let's go! You have the evidences! You're the witness!" Aniya at hinila ako papunta sa kung saan. Nakita kong may kotseng nakapark mula sa malayo. Sa kanya yata 'yun. E anong ginagawa niya rito nang mag-isa? Kasamahan ba siya ng rapist? Hala! Katapusan ko na kapag sumama ako sa kanya! Hindi ako magpapauto!
"Ayoko!" Gigil na sabi ko sabay pwersahang hinila ang kamay ko na hawak niya. Tinuhod ko ang kaibigan niya down there at muli akong tumakbo nang tumakbo dahil alam kong hahabulin niya ako kapag nakabawi siya ng lakas niya. Ayoko pang mamatay! Lord, aayusin ko na ang buhay ko. Buhayin Mo lang ako!
•••
"Miss Monticello! Tulala ka na naman!" Sigaw ni Ma'am Nel kaya halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko pero tumigil din sila nang sawayin sila ni Ma'am Nel. "Ano ba talaga ang problema mo? Paano ka namin maiintindihan kung hindi mo sasabihin?" Inis na sabi niya pero pilit niyang kinakalmahan.
"Sorry, Ma'am. Kinulang lang po sa tulog." Mahinang sabi ko sabay yuko. Inintindi niya naman ako at bumalik na sa pagtuturo. Hindi niya na ako tinawag ulit sa klase pero pinilit kong makinig kasi nangako ako kay Lord na aayusin ko na ang buhay ko.
Ilang araw na ang nakalilipas matapos ang rape incident na iyon at hindi pa rin ako makatulog nang maayos. Palagi akong binabangungot. Sumisigaw 'yung babae, hinahabol ako ng rapist, hinahabol ako nung lalaking Inglesero. Mamamatay yata ako kapag natulog ako. Kaya ang ginagawa ko, nag-aaral na lang ako kahit madaling-araw na para lang mawala sila sa isip ko. Nakakatulog ako kapag sobrang pagod na ako. Ayoko nang mag-isip! Hindi ako natatahimik!
"Nakakatuwa ka naman! Palagi ka nang highest sa quizzes natin. Kaya mo naman pala e." Wika ni Bliss na sinasabayan ako ngayong maglakad papalabas ng eskwelahan. Uwian na namin e. Isa pa, ayoko nang gumala. Diretso uwi agad ako pagkagaling ko sa school. Gusto ko na rin maghire ng bodyguard para may magbantay sa'kin. Next time, magrerequest ako kay Atty. Cha.
"Sama ka sa'min, Luna. Kakain lang naman tayo. Tsaka may bagong bukas na bar diyan sa---" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Dalawa na silang nangungulit sa'kin ngayon e. Siguradong kukumbinsihin lang nila akong pagayahin ko sila sa quizzes at tulungan sa recitation. Mga manggagamit. Ganyan sila, 'di ba?
"Ayoko." Walang emosyong sabi ko habang nakataas ang isang kilay. "Isa pa, minor kayo. Umuwi na kayo." I suggested. Baka mapahamak lang din sila tulad nung babaeng nakita ko. Ayoko nang makabalita ng gano'ng krimen.
"P'wede naman i-fake ang edad e. Tsaka may kasama kaming 19 na. So matutulun---"
"Basta ayoko!" Inunahan ko na silang maglakad at narinig ko silang nagbubulungan kung ano raw ba ang nangyayari sa'kin. Bigla raw akong nagbago.
Nagbago? Hindi ako nagbago. Ganito na talaga ako noon. Hindi lang nila ako kilala kaya nila nasasabing nagbago ako.
Bagong lipat lang ako sa school na ito. Ito kasi ang pinakamalapit sa condo ko. 'Yung condo, malapit sa office ni Atty. Cha. Gusto kong malapit ako sa kanya para madali ko siyang mapupuntahan.
Siya na lang kasi ang guardian ko. Kaibigan siya ng magulang ko at family lawyer namin siya. Ngayong wala na ang parents ko dahil naaksidente raw at namatay, siya na ang kumupkop sa'kin. Mga kamag-anak ko? Parehong walang kapatid sina Mama at Papa. Ang mga pinsan naman nila, manggagamit. Sa dami ng iniwan sa'kin ng parents ko, for sure, gagamitin lang nila iyon. Sus! Nilapitan lang nila ako noon nang mawala ang parents ko. Doon ko lang sila nakilala. Pinag-aagawan pa nila ako kung kanino mapupunta ang custody ko. E si Atty. Cha, kilala ko na siya simula bata pa lang ako kaya para ko na siyang Nanay. Pero ayoko naman dumipende sa kanya palagi kaya sabi ko, mabubuhay akong mag-isa sa condo ko. Ilang buwan pa lang akong ulila pero nahihirapan na ako. Ang dami nang kapalpakang nangyayari sa'kin. Ang hirap talaga. Namimiss ko na sila.
"Tawagan ko ba?" Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako papunta sa condo unit ko. Nag-dadalawang-isip ako kung magrerequest ako ng bodyguard kay Atty. Cha. Syempre magtatanong siya kung para saan. Kapag sinabi kong gusto ko lang, ang arte naman yata ng dating ko nun. Hindi ko kasi p'wedeng sabihin sa kanya na may nagbanta sa'kin. Baka pati siya, madamay pa. Siya na lang ang meron ako. Ayoko siyang mawala.
"Huwag na nga lang!" Huminga ako nang malalim at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa matigilan ako kasi may nakasalubong akong tao na ayoko nang makita. 'Yung lalaking Inglesero na mukhang kakampi ng rapist! "Oh no!" He saw me at nagulat din siya sa'kin!
Tumalikod agad ako at tumakbo papunta sa elevator. Dali-dali kong pinipindot 'yung button para magsara agad ang pinto pero bwisit na 'yan! Ang tagal magsara! Sira ba 'to!? Nakita kong pinasok nung lalaki ang braso niya sa pinto pero pindot lang ako nang pindot. Umaaray na rin siya! Shuta talaga! Tumigil na lang ako at nakapasok na siya. Tinakpan ko ang mukha ko at tumalikod sa kanya. Nagsara na rin ang pinto.
"Got yah! You're making this hard, Miss." Seryosong sabi niya pero naiimagine kong nakangisi siya nang nakakaloko kaya hinarap ko siya habang nakachin up.
"'Yun na naman ba? Wala kang mapapala sa'kin!" Inis na sabi ko sa kanya at sisipain ko sana siya sa ano niya pero mabilis niyang nahawakan ang binti ko. "Bitawan mo nga ako!"
"No! Not unless you report that to the police. Miss, I have my conscience! How about you!?" Seryosong sabi niya pero nakikita ko sa mga mata niya na nagagalit na siya. Nakakatakot ang mga mata niya. Oo, gwapo siya pero nakakatakot siyang tumingin.
"Meron! Pero natatakot ako. Nakita niya ako! Papatayin niya ako. Ikaw na lang magsumbong!" Bulyaw ko. Baka sinusubukan niya lang ako kung magsusumbong ako.
"No. You're the witness! You have the evidences!"
"Ikaw na lang magbigay!"
"No! You have to tell them the details! That'll be voidable if I am the one who will stand for that." Inis na inis na siya at humihigpit na ang pagkakahawak niya sa binti ko. Sinusubukan niya talaga ako ha!
"Ayoko nga e! Ba't ba ang dami mong alam?" Sigaw ko sa kanya at naiiyak na talaga ako. Ramdam kong namamasa na ang mga mata ko. Naaalala ko na naman ang mga nangyari nang gabing iyon. 'Yung babae, 'yung rapist. Para silang bangungot sa'kin. "Ayoko pang mamatay." Tuluyan na akong naiyak kaya binitawan niya na ang binti ko. Napaupo ako sa sahig habang nakaubob ang mukha ko sa mga tuhod ko. "Gusto ko pang ayusin ang buhay ko!" Iyak ako nang iyak hanggang sa nagbukas na ang pinto ng elevator. May mga nagsipasok nang ibang tao pero 'di ko pa rin inaangat ang ulo ko. Ayokong umalis! Ayokong magsumbong. Papatayin niya ako!
Naririnig kong nagbubulungan ang mga tao tungkol sa'kin kaya napaangat ang tingin ko. Nakatingin nga sila sa'kin at pati na rin ang lalaking kanina pa nangungulit sa'kin. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at tumayo agad para makalabas na sa elevator. Sinundan naman ako nung lalaki kaya hinarap ko siya at sumigaw. "Ayoko nga! Ano bang mahirap intindihin dun!?" Inis na sigaw ko dahilan para magsitinginan sa'kin ang mga tao. Pero siya, kalmado lang siya. Nakapamulsa pa siya habang diretsong nakatingin sa mga mata kong patuloy lang na lumuluha. Natatakot kasi ako! Ayokong matulad doon sa babae.
"Can you sleep peaceful at night, Miss?" He asked na kinakunot ng noo ko. "You saved her yet you forgot about her?" Tanong niya pa.
Hindi agad ako nakapagsalita. Natulala lang ako sa kanya hanggang sa magawa kong umiling bilang sagot. "N-natatakot ako. A-ayoko pang mamatay."
Huminga siya nang malalim at humakbang papalapit sa'kin hanggang sa nakatingala na ako sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya na nag-aalala rin siya. Hindi ito mapakali habang nakatingin sa mga mata ko.
"You can't sleep with a good night because of your conscience. That is because you're a good person. You're just scared." Mahinahong sabi niya. Nakita kong ngumiti nang bahagya ang mga mata niya pero hindi ang labi niya. "I'll protect you."
To be continued...
Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa taong minsan ko lang nakita pero tama siya; hindi ako patatahimikin ng konsensya ko. Kailangan kong magsumbong.Nandito ako sa coffee shop sa baba ng condo at kasama ko siya. Magkatitigan lang kami, binabasa bawat galaw, bawat tingin. Baka may kahina-hinala sa kanya. Kailangan kong malaman. Buhay ko ang nakasalalay rito. Nakakapagtaka lang kasi na nakita ko siya sa lugar na 'yun. Sure ba siyang 'di siya kasamahan ng rapist?"Pangalan mo?" Tanong ko at hindi ko pinuputol ang tingin ko sa kanya."Sol." Walang emosyong sagot niya."Full name." Sabi ko pa. Kinuha ko ang maliit na notebook ko at naghandang magsulat kaya napangisi siya at napailing. Humigop muna siya sa kape niya at muling tumingin sa'kin. Kanina ko pa siya tinititigan kaya hindi ko na makakalimutan ang mukha niya. Subukan niya lang na may gawin sa'kin, ipapablotter ko siy
"Thank God, you're now awake." Rinig ko ang boses ni Atty. Cha pero malabo pa rin siya sa paningin ko. Napangiti ako nang makita ko na siya nang malinaw pero nanghihina pa rin ako. "How are you? Baka mahina ka pa kasi maraming nawalang dugo sa'yo. But don't worry, you'll live." Sabi niya pa habang nakaupo sa upuan na nasa tabi ng hospital bed ko. "Ba't hindi mo sinabi, Luna? Kung hindi dahil sa kaibigan mo, hindi ko pa malalaman ang lahat." Sumeryoso na siya. Matanda na si Atty. Cha. Kaedad lang siya ng magulang ko. Alam kong sanay siyang maraming kaaway pero iba ang pamilya ni Marcus kaya ayoko siyang madamay rito.Wala naman akong kaibigan. Anong sinasabi niya? "Kaibigan?" Mahinang sambit ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Inabutan ako ni Atty. Cha ng tubig. Nakita ko rin sa relo niya na alas-otso na kaya napatingin ako sa bintana. Gabi na pala."'Yung Sol. He saved you." Aniya. Napangiti ako nang
"Alam mo, konti na lang, iisipin ko nang may gusto ka sa'kin." Natatawang sabi ko at hindi pa rin kami tapos kumain. May crush siguro to sa'kin. Pero ang dami namang ibang babae dito na kaedad niya at mas maganda pa sa'kin. Bakit ba ako ang kinukulit nito?"Assuming." Bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sisipain ko sana ang paa niyang nasa ilalim ng mesa pero mabilis niyang napigilan ang legs ko gamit ang legs niya. Ba't ko ba kasi 'to kinakalaban? Black belter 'to e. "You're just different from others. You're brave. I like a person who's brave." Aniya at nagpatuloy na lang sa pagkain."So you like me?" Nakangising sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ano? Sabi mo you like a person who's brave. I'm brave.""I like you as a person." Paglilinaw niya pero mas nilawakan ko ang ngiti ko kaya mas naasar siya. "Seems like it's the other way around. You like
"I'm sick. Mag-enjoy ka na lang." Sabi ko kay Sol na kausap ko ngayon sa phone. Tumawag siya para itanong kung pupunta ako mamaya sa ball. Nagpalusot na lang ako na may sakit ako para naman hindi niya malaman na kaya hindi ako aattend dahil wala akong kasama. Nakakaawa naman ako. Maliban sa kanya, wala na akong kaibigan.Inaalok ako nina Bliss na sumama sa kanila pero ayoko talaga. Baka mapalapit ako sa kanila. Once na sumama ako ngayon, for sure, sunod-sunod na 'yan. Kaya hindi p'wede. Niyaya naman ako ni Leo pero alam ko naman na hindi siya seryoso roon. Masyado lang siyang friendly kaya niyayaya niya lahat. Kaya siguro nanalo siyang SSG President. Matalino at magaling na leader din naman siya."Sick!? I'll be there." Ani Sol kaya mabilis akong napatayo dahilan para makaramdam ako ng pagkahilo kaya naupo ako sa upuan. Kanina pa kasi ako nagpapakain sa ampon kong kuting."Huwag na, Sol. Mag-enjoy ka na lang. Kwentuhan mo
Kinaumagahan din ay tanghali na akong nagising. Pagtingin ko sa phone ko, lowbatt na. Hindi ko alam kung bakit pero 'di ko naman 'to ginamit kahapon. Nang makapagcharge ako, bumungad sa'kin ang texts and missed calls ni Sol. Gusto niyang mag-usap kami. Dahil ayokong patagalin ang lahat at kaibigan ko naman siya, pumayag na ako. Isa pa, may iaabot ulit ako sa kanya. Kainis kasi e. Nagdadrama ako kahapon kasama si Leo nang lumapit sa'kin 'yung Alanis para ipaabot kay Sol 'yung letter. Mukhang hindi niya rin kasi nahalata na malungkot ako.Kaya lunch time ngayon at kaharap ko siya rito sa table sa isang resto. Ang pormal namin. Wala pa ring nagsasalita kahit na nandito na ang order namin. Nagugutom na ako. Hindi pa ako nagbibreakfast kasi tinanghali na ako ng gising."Kain muna tayo." Mahinahong sabi ko at tumango naman siya. Dahil gutom ako ay sunod-sunod lang ang pagsubo ko hanggang sa mabulunan ako. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni
Sa bahay ako nagcelebrate ng Pasko at tulad ng inaasahan, masaya ako na medyo malungkot. Pero lamang ang saya dahil masaya naman talagang kasama sina Nanay Anne at Ate Kiss. Kasama rin namin si Kuya Teddy. Namiss ko talaga sila. After noche buena, napag-usapan namin ang tungkol sa parents ko."Naniniwala po ba kayong aksidente iyon?" mahinahong tanong ko. Hindi sila nakasagot. Parang nag-alala sila sa 'kin dahil sa mga tinatanong ko. Iniisip kasi nila, hindi ko matanggap ang pagkawala nila kaya naghahanap ako ng masisisi. Pero hindi lang talaga ako mapalagay. Hindi ako naniniwala na aksidente iyon. Kung aksidente man, siguradong may ibang taong gumawa ng aksidente na iyon."Hindi matutuwa ang magulang mo kung mabubuhay ka nang hindi mapayapa," mahinahong sabi naman ni Ate Kiss. "Alam mo ba kung ano ang natutunan ko sa kanila? Iyon ay huwag magpatali sa nakaraan. Tayo ang gagawa ng kasalukuyan natin." Ngumiti siya pero hindi ko magawang ngu
"Ba't ka nakablack?" inis na tanong ni Bliss kaya napatingin ako sa T-shirt kong black na nakatuck-in sa high-waisted pants ko. "Ano ba 'yan! KJ naman nito," reklamo niya pa at umalis na sa harapan ko. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang mga tinatapos ko pang gawain dito sa SSG office.May color coding kami ngayong buong week ng Valentine's month. Syempre, pula sa mga happily inlove. Itim sa mga single but not available. Ako 'yun. Si Bliss, naka-pink. Ibig sabihin, single and ready to mingle. Nakita ko si Leo, nakawhite siya. Ibig sabihin, single and happy while waiting. Ibig sabihin, may hinihintay siyang specific person. Nang tinanong namin siya kung sino, hindi siya sumagot. Pinabalik niya lang kami lahat sa trabaho namin. Parang iritable siya. Dahil yata sa ginawa ko noong Friday. Ginawa ko lang naman 'yun para hindi isipin nung lalaki na mahalaga sa'kin si Leo. For sure, mapapahamak si Leo kung patuloy siyang lalapit sa 'kin. Alam kong kaya niya
"How's school, Almira?" nakangiting tanong sa'kin ni Atty. Calisto, asawa ni Atty. Cha. He's nice, pero nakakatakot pareho ang awra nila ni Atty. Cha. Bibihira ko lang din siyang makausap. 'Di kami close pero alam kong mabait siyang tao."So far, ayos naman po," nakangiting sagot ko. Oo, mabait siya pero 'di talaga ako komportable sa kanya. Nakakatakot talaga siya.Nandito kami sa isang resto for dinner kasama si Atty. Cha. Kasama rin namin si Nixon na anak nila. He's a 10 year old kid na ngayon ay busy sa binabasa niya sa ipad niya. Nerd din ang isang 'to, e. 'Di masyadong nagsasalita. Kapag kinakausap ko noon, tango at iling lang siya. Kaya ayaw ko nang kausapin ngayon. Nagmumukha akong tanga."Cal, nasa labas na siya," Atty. Cha intervened then Atty. Calisto nodded as he stood up and leave us, Atty. Cha and Nix, alone. Nakahinga rin ako nang maluwag. Hay salamat! Hindi ko sila tinatawag na Atty. Valencia kasi malilito a