Jandie Mendoza is just a simple citizen, but who would have thought that her quiet life would be so disturbed? Pumunta s'yang ospital upang magpacheck up sa irregular niyang regla ngunit sinong mag-aakala na pagkatapos ng ilang linggo ay magsusuka ito sa kadahilanan na nagdadalang tao siya. Sa muli niyang pagbalik sa ospital ay napag-alaman n'ya na maling doktor ang pumasok sa silid na inu-ukupa niya noon at aksidenteng nai-inject sa kanya ang semilya ng isang bilyonaryo. Mas lalo pa nga siyang nalugmok nang nakilala niya ang lalaking nagmamay-ari ng semilya na itinurok sa kanya; Achetbir Villa Forca—ang dati niyang nobyo. Paano niya haharapin ang lahat ng larong ibinigay sa kanya ng tadhana?
View More"Hijo!" my grandmother exclaimed as she entered my office.Kunot-noo ko naman s'yang tiningnan dahil ito ang unang beses na tila nagmamadali s'ya sa kaniyang kilos.Naglakad s'ya patungo sa 'king tabi at hinawakan ang braso ko. "Sumama ka sa 'kin, may kailangan tayong puntahan," aniya habang pilit akong itinatayo."La, I still have some paper works to do," I said calmly.Namewang naman s'ya at sinamaan ako ng tingin. "Ako pa rin ang boss dito, Achetbir. Baka gusto mong tanggalan kita ng mana." Pagbabanta n'ya sa akin.Napahilot ako sa sintido ko at malalim na huminga. "Where are we going?" I asked while fixing my table."Basta! I need to do this before my flight to Singapore," pahina n'yang wika.My brows furrowed again. "Alin?" pang-uusisa ko."Arggh! Can't you just stop asking and move quickly?" asik niya.&n
"Ang liit niya," naluluha kong usal habang nakatingin sa anak namin ni Achetbir.Narito ako ngayon kasama ang aking ina at kapatid sa labas ng NICU, pinagmamasdan ang munti kong sanggol na lumalaban sa loob. Naka incubator s'ya at may maliliit na wire na nakadikit sa kanyang katawan. Kailangan s'yang obserbahan at bantayan sapagkat hindi pa gano'n kaayos ang kanyang baga.Naramdaman ko ang marahan na paghaplos ni inay sa 'king balikat, nakaupo ako sa wheelchair habang nakatayo siya likuran ko."Tibayan mo ang loob mo anak, magiging maayos din ang lahat," pagpapalubag loob n'ya sa 'kin.Nakagat ko ang aking ibabang labi at mabagal na iniangat ang aking kamay sa salamin na humaharang sa 'min ng anak ko."Hindi ko alam kung sino ba ang da
"You're believing her?" paghihisterikal ng pamilyar na boses."Mom, let me handle this. Kahit ngayon lang, hayaan niyo muna kami ni Jandie," pagod na wika ni Achetbir.Marahan kong binuksan ang aking mata. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang nagising sa ospital pero ito na 'ata ang pinaka nakakatakot na gising ko."Ate..."Mabagal kong ibinaling sa pinanggalingan ng boses ang aking paningin at natagpuan ang nanay ko na nakaupo sa gilid ng aking hinihigaan habang nakatayo si Blair sa kaniyang likuran. Tila may isang anghel na dumaan sa silid dahil sa biglang pagbalot ng katahimikan. Pare-parehong nakikiramdam sa bawat galaw ng isa't isa.Inangat ko ang aking kamay papunta sa tiyan ko at nanghihinang napapikit nang naramdaman ang kanipisan n'yon."A-Ang anak ko..." Garalgal kong wika at mabagal na iminulat ang aking mata upang tingnan silang lahat. "Nas
"Hey," a soft voice spoke as I felt a gentle touch on my face.Marahan kong iminulat ang aking mata at natagpuan ang maamong mukha ni Achetbir. I roamed my eyes and found myself laying down on my bed. Mabilis akong bumangon at nahihiyang tumingin sa kaniya."Sorry, Sir. Pinahirapan ko pa kayo sa pagbubuhat sa 'kin," ani ko habang palihim na nilalaro ang aking daliri sa kamay."It's okay. Paalis na rin ako, ginising lang kita dahil baka hindi ka pa kumakain. I already prepared your food on the kitchen," he said softly.Magkahalong gulat, pagtataka, saya at pait ang aking naramdaman ng sandaling 'yon. "S-Salamat po," iyon nalang ang aking nasabi dahil sa kawalan ng salita at kalituhan sa kaniyang ginagawa.I know he's doing all of this to clean his conscience, but I can't help it to feel overwhelmed by the way he cares for me, for ou
"Fix your things, we'll be going somewhere." Utos ni Patriza nang nakarating ako sa kaniyang harapan.Hindi ako nakakilos sa gulat at pagtataka."Huwag kang mag-alala, sasabihin ko sa mapapangasawa ko na kasama kita kaya bilisan mo nang kumilos," dagdag niya sa iritadong tono.Wala na akong nagawa pa kun'di ang pumasok ng opisina at kuhanin ang aking bag. Sumunod ako sa paglalakad ni Patriza hanggang sa tuluyan kaming nakalabas ng gusali. Sumakay kami sa nakaabang n'yang sasakyan, gustuhin ko man na tanungin s'ya kung saan ang aming tungo ay sinarili ko na lamang 'yon.Napaayos ako mula sa 'king pagkakaupo nang natanawan ang pamilyar na daan patungo sa bahay nina Achetbir. Mabibilang ko sa 'king kamay kung ilang beses lamang ako nakarating doon ngunit gano'n nalang katalas ang memorya ko upang makabisa ang nadadaanan namin.Nagsimu
"Where's my table?" nagtataka kong tanong sa dalawa kong kaibigan nang wala akong nadatnan na gamit sa 'king pwesto.It's been two days since we got back here in Manila. Ngayong araw ako magsisimulang muli sa pagtratrabaho.Am I fired?"Nako, kahapon pa pinalipat ni Sir sa loob ng opisina niya," tugon ni Serah.Umawang ang aking bibig sa narinig."Nagkaayos na ba kayo?" pang-uusisa ni Feya.Mabagal naman akong umiling bilang sagot."Hala? Ano kaya'ng trip niya ngayon?" naniningkit na bulaslas ni Serah."Hindi kaya nalaman n'ya na tinutulungan niyo ako kaya pinalipat niya 'yong table ko sa loob para masigurado na ako ang tumatapos sa lahat ng trabaho?"Sabay na napatakip ang dalawa sa kanilang bibig at bahagyang nanlalaki ang mata.
"I-Inay," nauutal kong sambit."Tinatanong kita, Jandie," aniya.Naramdaman ko ang paghaplos ni Achetbir sa 'king braso na tila ipinaparamdam sa 'kin ang kaniyang suporta sa pamamagitan n'yon."Sa kwarto nalang po tayo mag-usap, inay."Umangat naman ang kaniyang isang kilay sa pagtataka. "Bakit pupunta pa tayo sa kwarto? Mas magandang pag-usapan natin 'to mismo habang magkakaharap tayo ng ama ng ipinagbubuntis mo," seryosong sabi ng aking ina.Nahigit ko ang aking hininga kasabay nang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nangangatal akong tumuwid sa pagkakatayo at tumikhim upang makapagsalita."H-Hindi po s'ya ang ama..." Pagsisinungaling ko.Gustuhin ko man na aminin kay inay ang lahat ay hindi ko 'yon magagawa sapagkat kasama rin namin si Achetbir. Nanlaki ang mata ni inay at bahagyang umawang ang kanyang bibig."Kung
(WARNING: SLIGHT SPG AHEAD, OO SLIGHT LANG 'WAG DEMANDING)"Hindi n'yo naman po ako kailangang samahan, Sir. Baka po kailanganin kayo sa kumpanya," bulong ko kay Achetbir nang nakaupo na kami sa loob ng sasakyan.Magkatabi kami sa dulong upuan ng van na nirentahan niya samantalang nasa unahan naman namin ang aking ina at kapatid."Stop it, Miss Mendoza. I already have my decision," mariing wika niya.Napabuntong hininga nalang ako at wala nang nagawa pa."Naku! Hijo, salamat talaga ng marami sa pag-aasikaso sa 'kin, napakalaking abala na nang idinulot ko sa 'yo," saad ni inay sa unahan habang nakasalip sa 'ming direksyon.Tipid na ngumiti si Achetbir at umiling ng kaunti. "Okay lang po, masaya po ako na nakatutulong sa inyo," aniya.Napanguso ako at napatingin na lamang sa labas ng sa
"Ate." Sinalubong ako ni Blair ng yakap nang nakapasok ako sa silid na inuukupa nila."Kumusta si Inay? Anong sabi ng doktor?" tanong ko 'tsaka tumingin sa aking ina na mahimbing na natutulog sa hospital bed."Tulad pa rin ng dati, ate. Kailangang bantayan ang kaniyang pagkain pati mga maintenance na gamot," aniya."Wala bang komplikasyon dahil sa atake niya?" Umupo ako sa upuan na nasa gilid ni Inay at maingat na hinawakan ang kaniyang kamay."Awa naman ng Diyos ay wala," tugon niya.Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon."I'll just talk to the doctor." Kinuha ni Achetbir sa aking atensyon.I looked at him and nodded. "Thank you, Sir," sinsero kong wika.Tinanguan niya lang din ako bago tumingin sa aking kapatid at namamaalam na yumuko."Siya
Miss MendozaA cold voice echoed in the speaker.Napahinga ako nang malalim at marahan na napailing."Naku! Girl, yatap ka na naman kay Sir," natatakot na sambit ni Serah, katrabaho ko sa opisina."Ano na namang report ang ginawa mong mali na babae ka? Araw-araw ka nalang tinawag ni Sir para sermunan," dagdag na sabi naman ng isa ko pang katrabaho na si Feya.Napangiwi nalang ako sa kanila at saka tumayo upang saglit na ayusin ang aking pwesto. "Hindi na kayo nasanay sa isang 'yon. Isang maling galaw at tambak na sermon ang aabutin mo," tugon ko."Jusko! Napakagwapo nga, ang sungit naman." Si Serah habang naiiling.Miss MendozaMuling pagtunog ng kanyang boses sa speaker, bakas na ang kainisan sa kanyang tono nang sabihin niya 'yon kaya naman nagmadali na akong kumilos....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments