Share

Chapter 2

Author: bitchymee06
last update Last Updated: 2021-08-01 06:56:30

"Goodmorning Ma'am," pakinig kong bati ng mga empleyado sa unahan dahilan para mapaangat ang paningin namin ng mga kasama ko.

Achetbir's grandmother is walking towards our table. Agad kaming tumayo nang nakalapit s'ya sa amin at bahagyang yumuko.

"Goodmorning Ma'am," magkakasabay na sabi namin nina Serah at Feya at inangat ang paningin sa kanya.

Ngumiti ang ginang at saka sinenyasan ang dalawa kong kasama na umupo.

"Busy ba ang aking apo, hija?" maamong tanong niya sa 'kin.

"Ahmm. Hindi po masyado, Madam," magalang na tugon ko.

Nagawa pa nga akong ipatawag para lang makipagtalik. Iniwasan kong mapangiwi dahil doon.

"Okay. Thankyou." Tipis s'yang ngumiti 'tsaka tumalikod upang maglakad patungo sa opisina ni Achetbir.

Marahan akong yumuko at nagpakawala ng hininga. Achetbir's grandmother is kind. Pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan kapag nagkakaharap kaming dalawa. Pakiramdam ko'y anumang oras ay pupwede kaming mahuli ni Achetbir.

"Ang bait talaga ni Madam ano?" chika ni Feya.

Napangiti ako at tumango bilang pagsang-ayon.

"Feeling ko nga paboritong-paborito ka niya, Jandie," wika naman ni Serah.

My lips twitched because of that. "Bakit naman? Paano mo nasabi?" tanong ko at pinagpapatas ang mga papeles na nasa desk ko sa dapat nilang kalagyan.

"Hala siya. Hindi mo pansin 'te? Palaging nagniningning ang mga mata niya sa tuwing kausap ka," eksahiradang tugon ni Serah.

I rolled my eyes and looked at her. "Guni-guni mo lang iyon," sambit ko kahit ang totoo ay napansin ko rin 'yon.

Kaya naman gano'n nalang ang takot ko na mahuli kami ni Achetbir dahil baka magbago ang pakikitungo ng ginang sa akin.

"Tss! Pero kung anong ikinabait ng turing sayo ng lola ni Sir gano'n naman kahigpit galing sa nanay niya. Grabe, iniisip ko palang siya naninindig na balahibo ko." Si Feya habang hinahaplos ang braso niya.

Sabay kaming tumawa ni Serah.

Achetbir's mother is kinda intimidating. Sa tingin palang na ibibigay niya sa 'yo ay tila nagsasabi na ayaw niya ng maling kilos sa kanyang harapan. Malamig at walang emosyon din s'ya kung magsalita, bagay na namana ni Achetbir sa t'wing ibang tao ang kaharap niya.

"Oh, Miss Patriza is also here," untag ni Serah habang nakatingin sa unahan.

Sabay kaming tumingin ni Feya roon. Nasa harapan siya ng pintuan ng opisina ni Achetbir at astang papasok.

"Napakaganda talaga ni Miss ano?" naroon ang pagkamangha nang itanong 'yon ni Feya.

"Yeah, bagay na bagay talaga sila ni Sir. What do you think Jands?" Serah asked for my opinion.

Mapait akong ngumiti at ibinalik sa trabaho ang aking atensyon nang nakita ko ang pagpasok ni Miss Patriza sa opisina ni Achetbir.

"Yeah."

Isa si Patriza sa matunog na nali-link sa kanya. Madalas kasi s'yang yayain ng nanay ni Achetbir sa mga family gatherings nila. Isa pa ay talaga namang bagay silang dalawa, isang maganda at isang gwapo, isang mayaman at isa ring mayaman.

Bagay na wala ako.

Hindi ako pangit ngunit hindi rin naman sobrang ganda. But Patriza is the total opposite of me, she's indeed perfect. Hindi kataka-taka na isa s'yang sikat na modelo ng sarili niyang clothing brands.

Nagpatuloy sa pagkukwentuhan ang dalawa kong kasama tungkol kay Achetbir at Patriza. Ako naman ay piniling hindi makisali sa pagchichikahan nila at panaka-nakang tumitingin sa pintuan upang bantayan ang paglabas ng nasa loob.

Halos trenta minutos ang lumipas at naunang lumabas ang lola ni Achetbir. Tulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing nagagawi rito sa kumpanya ay dumidiretyo siya sa 'kin pagkakalabas sa opisina ni Achetbir.

Mabilis akong tumayo at nagbigay galang sa ginang ng nasa harapan ko na siya.

"Stop treating me like this, hija. Masyado mo namang pinapamukha sa 'kin ang estado ko." Pagbibiro niya.

Napangiti ako sa kanya. Somehow, I am comfortable at her presence. Maybe because she's really good to me.

"Pasensya na po, Madam." Tipid akong yumuko bilang paumanhin.

Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at ikinawit ang kanyang kamay sa braso ko, mukhang hindi lang ako pati na rin ang mga kasamahan ko base sa mahihina nilang singhap.

"Bakit hindi tayo magkape? Sa tingin mo, hija, hindi ba magandang ideya?" puno ng galak na tanong niya sa 'kin.

Napakurap ako ng ilang beses at hindi alam ang gagawin. She'l's my boss grandmather, no let me rephrase it, she's my boyfriend's grandmother, how the hell can I declined her?

"N-Nakakahiya naman po, Madam, pero k-kung gusto niyo po talaga sige po," nauutal kong tugon.

"Great! Let's go!" nagagalak niyang sigaw 'tsaka ako kinalikad.

Napalingon ako sa aking mga kaibigan na naka okay sign para sa 'kin. Marahan akong napailing at isinenyas ang lamesa ko. Agad namang tumango ang dalawa.

"Hindi naman siguro magagalit ang apo ko kung kinidnap ko saglit ang sekretarya niya," kibit-balikat na sabi ng ginang dahilan para bumalik ang atensyon ko rito.

"Hehe. Hindi naman po siguro ako hahanapin ni Achet—Sir," alanganin kong sagot.

May bisita siya sa loob kaya imposibleng tawagin niya ako. Tulad ng mga nangyayari noon paniguradong hapon na naman lalabas si Patriza mula sa opisina niya.

I once asked Achetbir what Patriza does all day in his office. Sabi niya sa 'kin ay nanunuod lang ng tv ang babae at panaka-naka siyang kinakausap dahil pinapakita talaga nitong busy siya upang hindi gambalahin. He also made sure to me that there's no monkey business happening in his office . Naniniwala naman ako at nagtitiwala sa kanya.

Ilang minuto ang lumipas at narating namin ang gustong cafe na puntahan ng lola ni Achetbir. Itsura palang ng lugar at alam kong mamahalin 'to.

"What do you want, hija?" nakangiti niyang tanong sa 'kin nang nakaupo kaming dalawa.

"Kung ano nalang po ang sa inyo, Madam," magalang kong sagot.

Ngumiwi siya sa 'kin na parang hindi gusto ang narinig.

"Call me, Lola."

My jaw dropped automatically.

"Po?" pagpapaulit ko sa kaniyang sinabi.

"Masyado namang pormal ang Madam, you're working as my grandson's secretary for almost three years. Hindi kana iba sa 'kin," she explained.

Alanganin akong tumawa at linunok ang sarili kong laway. Pakiramdam ko ay bigla akong pinagpawisan at maiihi sa kaba.

"Come on, say it," she said excitedly.

Napahinga ako nang malalim at pilit na ngumiti sa ginang.

"Lola," I mumbled.

I felt butterflies in my stomach after I said that. Ganoon pala ang pakiramdam na matawag na lola ang lola ng partner mo. Cringe, but indeed a good feeling.

Tila nagningning ang kanyang mata pagkatapos niyon. Bakas ang sobrang kaligayahan sa mukha niya kaya naman wala akong nagawa kun'di ang muli siyang tawagin sa gusto nito.

"Lola," I repeated. This time more comfortable than earlier.

Parang bata naman s'yang pumalakpak sa tuwa. "That's it, apo. Perfect!" she exclaimed.

I caught off guard. Napaubo ako kahit pa wala akong iniinom na kahit ano.

Mabilis na tumawag ng waiter ang ginang at nagpadala ng tubig sa 'ming pwesto. Agad ko 'tong iniinom nang inilapag iyon ng waiter sa lamesa.

"Are you okay, hija?" nakangiwing tanong niya habang pinanunuod ako.

"O-Okay lang po," tugon ko at huminga nang malalim.

Grabe namang matuwa ang lola mo Achetbir. Nakakamatay.

Dumating na ang order ni Lola pagkatapos ng ilang sandali. We have our random talks as we drink our coffees. Napag-usapan namin ang kapatid ko na pinaaaral ko sa aming probinsya ganoon na rin si Achetbir bilang boss. Madaldal si Lola at madaling makagaanan ng loob kaya naman kumportable akong nagkukwento sa kanya ng tungkol sa 'kin, maliban na nga lang sa relasyon namin ng apo niya.

After drinking our coffees, Lola sent me again to the office. We bid our goodbye's at the parking lot. Nagpasalamat ako sa kaniya at muling pumasok sa kumpanya.

Ang pagbalik ko ng opisina ay siya namang paglabas ni Patriza at Achetbir sa office. Bahagya pang umangat ang kilay ni Achetbir nang nakita na kapapasok ko palang sa department namin.

Yumuko upang magbigay galang 'tsaka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa table ko.

"Ano girl, anong lasa ng kape? Hindi ka man lang nagtake out ha," bungad na wika sa 'kin ni Serah.

Mabilis ko siyang tinapik sa braso dahil nakita ko ang paninitig ni Achetbir sa direksyon ko. Napansin naman siguro 'yon ng mga kasama ko kaya dali-dali silang bumalik sa kanilang mga gawain na animo'y masisipag na empleyado.

I bit my lower lip and lowered down my eyes because of the cold stare that he's giving. Malamang sa malamang ay ibang bagay ang tumatakbo sa isip n'ya.

Lola mo ang kumuha sa 'kin hindi iba lalaki. Nakangusong untag ko sa aking isip.

Natigilan ako sa mahihinang singhap ng mga empleyado na tila nakakita o nakarinig ng kung ano kasabay nang pagsipa sa 'kin ni Serah at nguso sa unahan.

And I was rooted in my place the moment my eyes laid at his direction.

Patriza was clinging on his neck while their lips are connected to each other.

You fvcking need to explain this, Achetbir.

Related chapters

  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 3

    Tahimik akong nagtrabaho sa mga oras na nagdaan hanggang sa dumating na nga ang uwian. Napansin nina Serah at Feya ang aking pananahimik ngunit hindi na rin nagtanong pa marahil ay inakala nilang tutok lang talaga ako sa 'king trabaho. Madalas kasi ay talagang hindi ko sila kinikibo kapag seryoso akong nag-aasikaso ng iba't ibang papeles para kay Achetbir."Diretyo uwi kana?" tanong ni Feya sa 'kin.Tipid akong ngumiti at tumango bago isinakbit ang aking bag."Dadaan kami ni Serah sa bar para magliwaliw saglit bago umuwi, sama ka?" Pagyayaya niya sa 'kin."Naku! Next time nalang, pagod din kasi ako. Mas gusto kong matulog agad ngayon," mahinahon na paliwanag ko."Sure ka ba talaga na wala kang boyfriend, Jands?" nakangiwing tanong ni Serah.Natigilan ako at bahagyang kinabahan.Nahahalata na ba kami?"Bakit mo naman n

    Last Updated : 2021-08-01
  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 4

    Kunot-noo akong pumasok sa 'ming departamento dahil sa maiingay na bulungan ng mga empleyado. Malamang sa malamang ay tungkol sa paghalik ni Patriza kay Achetbir kahapon ang kanilang pinag-uusapan ngayon."Nabalitaan mo ba?" agad na salubong na tanong sa 'kin ni Serah kasabay nang paglapit ng upuan nila sa pwesto ko.Hindi ko maiwasan na iangat ang kaliwang kilay ko dahil sa kanilang mga kilos.Hindi pa ba sila nananawang pag-usapan ang dalawa?"Wala akong panahon d'yan, Serah. Marami akong reports na gagawin ngayon," nakangiwing sagot ko.Mahina niya akong binatukan kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Nakuha naman agad nang naglalakad na si Achetbir ang aming atensyon. Mas malamig ang kanyang ekspresyon kaysa sa normal niyang pinapakita araw-araw, bagay na ipinagtataka ko. Ang kaninang maiingay na bulungan ng empleyado ay biglang tumahimik sa isang iglap.Anong

    Last Updated : 2021-08-01
  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 5

    Oras na ng uwian ngunit hindi pa rin ako nag-aayos ng aking lamesa."Uyy, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Serah. Kanina pa nila ako sinusubukang kausapin ngunit hindi ko sila pinagtutuunan ng atensyon. Hilaw akong ngumiti at tumango bago muling napatitig sa pintuan ng opisina ni Achetbir.Mula kanina ay hindi pa s'ya lumalabas roon, ni hindi ko rin napansin kung nagpahatid ba siya ng tanghalian sa loob. Nakaalis na ang kaniyang ina at si Patriza ilang minuto pagkatapos kong lumabas noong umaga. Iniwanan pa nila ako nang matalim na tingin 'tsaka tuluyang naglakad paalis.Malungkot na tumingin sa akin si Feya. "Minura ka na naman ba?" sabay haplos sa likod ko.Marahan akong umiling at tiningnan sila."Okay lang ako. Medyo nagdamdam lang ako sa ginawang pagmumur

    Last Updated : 2021-08-01
  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 6

    (WARNING: MATURED CONTENT! OH BET KA NAPANGITI? HALA KIRE!)I blinked several times and swallowed hard."What now, Jandie? The time is running." Bakas na ang pagkaubos ng kanyang pasensya habang tamad na nakatingin sa akin.Mariin akong pumikit at huminga nang malalim. Sinalubong ko ang kanyang mga mata.If this is your punishment because I hurt you, then I'll gladly accept it.Pinusod ko nang maayos ang buhok ko at mabagal na inalis ang tipay ng aking pang-ibabaw na damit. Hindi ko tinanggal ang paningin ko kay Achetbir habang hunuhubad ko 'to. Muling siyang umayos sa pagkakaupo at ibinalik sa pagkakakrus ang kanyang braso.Nang tuluyan nang naaalis ang pang-ibabaw ko ay isinunod ko namang tanggalin ang aking bra dahilan para kumawala ang may kalusugan kong dibdib. Achetbir's jaw clenched as he stared at my upper body. Mabagal n'yang nilaro ang kanyang labi

    Last Updated : 2021-08-01
  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 7

    MendozaPagtawag ng isang malamig na boses mula sa speaker. Nagpakawala ako nang malalim na hininga at inayos ang aking lamesa."Grabe ha, napapansin ko nitong mga nakaraan, trip na trip kang pahirapan ng boss natin," may panggigil na sabi ni Serah.Pilit akong ngumiti sa kanya. "Ganyan talaga ang life minsan masarap madalas puro hirap." Pagsusumubok kong magbiro.Napangiwi siya habang naiiling naman si Feya sa kanyang tabi."Hanga rin ako sa tatag mo, kung ako 'yan lilipat na ako sa ibang kumpanya," aniya.I stood up from my seat and forced a smile again. "Wala naman kasi akong mataas na pinag-aralan kaya wala rin akong makikitang trabaho na malaki magpasahod katulad nito," mapait kong usal at namaalam na tumingin.Naglakad ako patungo sa opisina ni Achetbir, kumatok muna ako ng tatlong beses 'tsaka marahang binuksan ang pinto. Nakita ko

    Last Updated : 2021-08-01
  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 8

    Tulala akong naglakad patungo sa 'king pwesto at pabagsak na umupo."Uy, ayos ka lang?" tanong ni Serah.Marahan akong lumingon sa kanya at napalunok kasabay nang pamumuo ng aking luha. "H-Hindi ko alam," garalgal kong sagot.Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha, si Feya naman ay napalingon din sa aking gawi sa gitna ng kanyang pagta-type sa kompyuter. Mabilis na tumayo ang dalawa 'tsaka ako mahigpit na niyakap."Nandito lang kami, Jandie," bulong ni Serah.Naramdaman ko ang paghagod ni Feya sa aking likod dahilan para pumatak ang mga luha kong pinipigilan mula pa kanina. Tahimik akong napahikbi kasabay nang pag-alala sa nakaraan nami

    Last Updated : 2021-08-01
  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 9

    "Jands. Uy, Jandie."Nagising ako sa marahang pagtapik sa aking balikat. I opened my eyes slowly and saw Serah curiously looking at me."Okay ka lang?" may pag-aalala niyang tanong.Nangunot naman ang aking noo 'tsaka unti-unting pumasok sa aking isip ang lahat. Napabalikwas ako ng bangon at tumingin sa aking relong pambisig."Fvck!" mahinang pagmumura ko nang nakita na malapit nang mag-uwian."This past few weeks palagi ka nalang inaabot ng antok dito sa opisina. Nagpupuyat ka ba?" kuryosong tanong ni Feya.Mabilis kong inayos ang mga natitirang papeles sa aking lamesa at binuhay ang aking PC upang i-encode 'yon."Hindi ko rin alam kahit ako naninibago sa sarili ko, hindi naman ako nagpupuyat," sagot ko habang nanatili ang tingin sa aking kompyuter."Baka naman bumababa ang dugo mo kaya ka nagiging antukin," sambit n

    Last Updated : 2021-08-01
  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 10

    Puting silid ang una kong nakita sandaling iminulat ko ang aking mga mata. Sa amoy palang ng paligid ay nasisiguro kong ospital ang lugar na 'to."Hey," someone spoke beside me.Marahan kong ibinaling ang aking paningin sa kanyang direksyon. "Caster," namamaos kong sambit.Matipid niya akong nginitian bagamat bakas ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "How are you feeling? May gusto ka bang kainin?" magkasunod na tanong niya.Umiling ako 'tsaka sinubukang bumangon mula sa pagkakahiga. Agad naman s'yang tumayo at inalalayan ako sa aking pagkilos. Isinandal ko ang aking katawan sa headboard ng hospital bed at saglit na pinasadahan ng tingin ang sarili ko."Anong nangyari?" usisa ko at inangat ang kamay kong may nakatusok na s'wero."You passed out last night because of too much fatigue and stress," he started exp

    Last Updated : 2021-08-01

Latest chapter

  • Hiding The Billionaire's Heir   Last Chapter

    "Hijo!" my grandmother exclaimed as she entered my office.Kunot-noo ko naman s'yang tiningnan dahil ito ang unang beses na tila nagmamadali s'ya sa kaniyang kilos.Naglakad s'ya patungo sa 'king tabi at hinawakan ang braso ko. "Sumama ka sa 'kin, may kailangan tayong puntahan," aniya habang pilit akong itinatayo."La, I still have some paper works to do," I said calmly.Namewang naman s'ya at sinamaan ako ng tingin. "Ako pa rin ang boss dito, Achetbir. Baka gusto mong tanggalan kita ng mana." Pagbabanta n'ya sa akin.Napahilot ako sa sintido ko at malalim na huminga. "Where are we going?" I asked while fixing my table."Basta! I need to do this before my flight to Singapore," pahina n'yang wika.My brows furrowed again. "Alin?" pang-uusisa ko."Arggh! Can't you just stop asking and move quickly?" asik niya.&n

  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 24

    "Ang liit niya," naluluha kong usal habang nakatingin sa anak namin ni Achetbir.Narito ako ngayon kasama ang aking ina at kapatid sa labas ng NICU, pinagmamasdan ang munti kong sanggol na lumalaban sa loob. Naka incubator s'ya at may maliliit na wire na nakadikit sa kanyang katawan. Kailangan s'yang obserbahan at bantayan sapagkat hindi pa gano'n kaayos ang kanyang baga.Naramdaman ko ang marahan na paghaplos ni inay sa 'king balikat, nakaupo ako sa wheelchair habang nakatayo siya likuran ko."Tibayan mo ang loob mo anak, magiging maayos din ang lahat," pagpapalubag loob n'ya sa 'kin.Nakagat ko ang aking ibabang labi at mabagal na iniangat ang aking kamay sa salamin na humaharang sa 'min ng anak ko."Hindi ko alam kung sino ba ang da

  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 23

    "You're believing her?" paghihisterikal ng pamilyar na boses."Mom, let me handle this. Kahit ngayon lang, hayaan niyo muna kami ni Jandie," pagod na wika ni Achetbir.Marahan kong binuksan ang aking mata. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko nang nagising sa ospital pero ito na 'ata ang pinaka nakakatakot na gising ko."Ate..."Mabagal kong ibinaling sa pinanggalingan ng boses ang aking paningin at natagpuan ang nanay ko na nakaupo sa gilid ng aking hinihigaan habang nakatayo si Blair sa kaniyang likuran. Tila may isang anghel na dumaan sa silid dahil sa biglang pagbalot ng katahimikan. Pare-parehong nakikiramdam sa bawat galaw ng isa't isa.Inangat ko ang aking kamay papunta sa tiyan ko at nanghihinang napapikit nang naramdaman ang kanipisan n'yon."A-Ang anak ko..." Garalgal kong wika at mabagal na iminulat ang aking mata upang tingnan silang lahat. "Nas

  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 22

    "Hey," a soft voice spoke as I felt a gentle touch on my face.Marahan kong iminulat ang aking mata at natagpuan ang maamong mukha ni Achetbir. I roamed my eyes and found myself laying down on my bed. Mabilis akong bumangon at nahihiyang tumingin sa kaniya."Sorry, Sir. Pinahirapan ko pa kayo sa pagbubuhat sa 'kin," ani ko habang palihim na nilalaro ang aking daliri sa kamay."It's okay. Paalis na rin ako, ginising lang kita dahil baka hindi ka pa kumakain. I already prepared your food on the kitchen," he said softly.Magkahalong gulat, pagtataka, saya at pait ang aking naramdaman ng sandaling 'yon. "S-Salamat po," iyon nalang ang aking nasabi dahil sa kawalan ng salita at kalituhan sa kaniyang ginagawa.I know he's doing all of this to clean his conscience, but I can't help it to feel overwhelmed by the way he cares for me, for ou

  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 21

    "Fix your things, we'll be going somewhere." Utos ni Patriza nang nakarating ako sa kaniyang harapan.Hindi ako nakakilos sa gulat at pagtataka."Huwag kang mag-alala, sasabihin ko sa mapapangasawa ko na kasama kita kaya bilisan mo nang kumilos," dagdag niya sa iritadong tono.Wala na akong nagawa pa kun'di ang pumasok ng opisina at kuhanin ang aking bag. Sumunod ako sa paglalakad ni Patriza hanggang sa tuluyan kaming nakalabas ng gusali. Sumakay kami sa nakaabang n'yang sasakyan, gustuhin ko man na tanungin s'ya kung saan ang aming tungo ay sinarili ko na lamang 'yon.Napaayos ako mula sa 'king pagkakaupo nang natanawan ang pamilyar na daan patungo sa bahay nina Achetbir. Mabibilang ko sa 'king kamay kung ilang beses lamang ako nakarating doon ngunit gano'n nalang katalas ang memorya ko upang makabisa ang nadadaanan namin.Nagsimu

  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 20

    "Where's my table?" nagtataka kong tanong sa dalawa kong kaibigan nang wala akong nadatnan na gamit sa 'king pwesto.It's been two days since we got back here in Manila. Ngayong araw ako magsisimulang muli sa pagtratrabaho.Am I fired?"Nako, kahapon pa pinalipat ni Sir sa loob ng opisina niya," tugon ni Serah.Umawang ang aking bibig sa narinig."Nagkaayos na ba kayo?" pang-uusisa ni Feya.Mabagal naman akong umiling bilang sagot."Hala? Ano kaya'ng trip niya ngayon?" naniningkit na bulaslas ni Serah."Hindi kaya nalaman n'ya na tinutulungan niyo ako kaya pinalipat niya 'yong table ko sa loob para masigurado na ako ang tumatapos sa lahat ng trabaho?"Sabay na napatakip ang dalawa sa kanilang bibig at bahagyang nanlalaki ang mata.

  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 19

    "I-Inay," nauutal kong sambit."Tinatanong kita, Jandie," aniya.Naramdaman ko ang paghaplos ni Achetbir sa 'king braso na tila ipinaparamdam sa 'kin ang kaniyang suporta sa pamamagitan n'yon."Sa kwarto nalang po tayo mag-usap, inay."Umangat naman ang kaniyang isang kilay sa pagtataka. "Bakit pupunta pa tayo sa kwarto? Mas magandang pag-usapan natin 'to mismo habang magkakaharap tayo ng ama ng ipinagbubuntis mo," seryosong sabi ng aking ina.Nahigit ko ang aking hininga kasabay nang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nangangatal akong tumuwid sa pagkakatayo at tumikhim upang makapagsalita."H-Hindi po s'ya ang ama..." Pagsisinungaling ko.Gustuhin ko man na aminin kay inay ang lahat ay hindi ko 'yon magagawa sapagkat kasama rin namin si Achetbir. Nanlaki ang mata ni inay at bahagyang umawang ang kanyang bibig."Kung

  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 18

    (WARNING: SLIGHT SPG AHEAD, OO SLIGHT LANG 'WAG DEMANDING)"Hindi n'yo naman po ako kailangang samahan, Sir. Baka po kailanganin kayo sa kumpanya," bulong ko kay Achetbir nang nakaupo na kami sa loob ng sasakyan.Magkatabi kami sa dulong upuan ng van na nirentahan niya samantalang nasa unahan naman namin ang aking ina at kapatid."Stop it, Miss Mendoza. I already have my decision," mariing wika niya.Napabuntong hininga nalang ako at wala nang nagawa pa."Naku! Hijo, salamat talaga ng marami sa pag-aasikaso sa 'kin, napakalaking abala na nang idinulot ko sa 'yo," saad ni inay sa unahan habang nakasalip sa 'ming direksyon.Tipid na ngumiti si Achetbir at umiling ng kaunti. "Okay lang po, masaya po ako na nakatutulong sa inyo," aniya.Napanguso ako at napatingin na lamang sa labas ng sa

  • Hiding The Billionaire's Heir   Chapter 17

    "Ate." Sinalubong ako ni Blair ng yakap nang nakapasok ako sa silid na inuukupa nila."Kumusta si Inay? Anong sabi ng doktor?" tanong ko 'tsaka tumingin sa aking ina na mahimbing na natutulog sa hospital bed."Tulad pa rin ng dati, ate. Kailangang bantayan ang kaniyang pagkain pati mga maintenance na gamot," aniya."Wala bang komplikasyon dahil sa atake niya?" Umupo ako sa upuan na nasa gilid ni Inay at maingat na hinawakan ang kaniyang kamay."Awa naman ng Diyos ay wala," tugon niya.Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon."I'll just talk to the doctor." Kinuha ni Achetbir sa aking atensyon.I looked at him and nodded. "Thank you, Sir," sinsero kong wika.Tinanguan niya lang din ako bago tumingin sa aking kapatid at namamaalam na yumuko."Siya

DMCA.com Protection Status