Isang CEO Pala Ang Forever Ko

Isang CEO Pala Ang Forever Ko

last updateLast Updated : 2022-11-12
By:   eZymSeXy_05  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
86Chapters
12.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Buong akala ni Samantha ay malalagay na sa tahimik ang kanyang buhay sa oras na ikasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya. Subalit hindi niya inaasahan'g sa araw ng kanyang kasal ay ipapahiya at iiwan lang pala siya ng kanyang nobyo sa mismong harap ng altar. Hindi naging madali para sa kanya ang pangyayaring iyon. Ngunit kailangan niya pa rin'g magpatuloy sa buhay. Mabuti na lamang at naisipan niyang mag-apply bilang sekretarya sa kompanyang pag-aari ng isang guwapo ngunit broken hearted at single dad na CEO. Kaagad siyang natanggap at sa bawat araw na lumilipas ay may mga sikreto siyang nadiskubre mula sa CEO, patungkol sa relasyon nila ng dati niyang nobyo. Subalit hindi naging hadlang iyon sa kanilang dalawa. Sa katunayan ay naging magkaibigan pa nga sila ngunit hindi niya inaasahan'g darating sa puntong higit pa pala sa isang kaibigan ang mararamdaman nila sa bawat isa. Nakahanda na kaya siyang maging step mom sa spoilded brat daughter ng CEO? Paano kung bumalik pang muli ang dati niyang nobyo? Tatanggapin niya pa kaya ito o mananatili na lamang itong parte ng nakaraan?

View More

Latest chapter

Free Preview

Naudlot Na Kasal

NANGINGINIG ang aking mga tuhod habang nakatayo ako at tinatanaw ang papalayong bulto ng lalaking nangako saakin ng walang hanggang na pag-ibig.Kaya't wala sa sariling hinayaan ko lang na pumatak ang masasaganang luha sa aking pisngi hanggang sa tuluyan nang lumabo ang aking paningin at hindi ko na nga maaninag pa si Jordan."Hoy, Samantha! Babalatan ko talaga ng buhay ang Jordan na ‘yon kapag nagkita ulit ang landas namin!" Gigil na sambit ng matalik kong kaibigan na si Nicole. Siya rin sana ang maid of honor ko."Aba, isipin mo huh...grabe ang kahihiyan na idinulot niya sa'yo! At saka sayang din ang ginastos niya. Ang bongga pa naman sana nito'ng simbahan oh. Akalain mo 'yon dito ka dapat ikakasal sa pinakamaganda at pinakamalaking simbahan sa Makati. Tapos bigla lang mauudlot." Patuloy pa rin sa pagdaldal si Nicole at wala man lang itong pakialam sa paligid kahit pa nga pinagtitinginan na siya ng mga tao. "Ang tanga talaga niyan ni Jordan! Ni-hindi man lang siya nanghinayang sa an...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
ayeshalyssel
Nice story! Highly recommended...
2022-06-05 08:13:43
1
86 Chapters
Naudlot Na Kasal
NANGINGINIG ang aking mga tuhod habang nakatayo ako at tinatanaw ang papalayong bulto ng lalaking nangako saakin ng walang hanggang na pag-ibig.Kaya't wala sa sariling hinayaan ko lang na pumatak ang masasaganang luha sa aking pisngi hanggang sa tuluyan nang lumabo ang aking paningin at hindi ko na nga maaninag pa si Jordan."Hoy, Samantha! Babalatan ko talaga ng buhay ang Jordan na ‘yon kapag nagkita ulit ang landas namin!" Gigil na sambit ng matalik kong kaibigan na si Nicole. Siya rin sana ang maid of honor ko."Aba, isipin mo huh...grabe ang kahihiyan na idinulot niya sa'yo! At saka sayang din ang ginastos niya. Ang bongga pa naman sana nito'ng simbahan oh. Akalain mo 'yon dito ka dapat ikakasal sa pinakamaganda at pinakamalaking simbahan sa Makati. Tapos bigla lang mauudlot." Patuloy pa rin sa pagdaldal si Nicole at wala man lang itong pakialam sa paligid kahit pa nga pinagtitinginan na siya ng mga tao. "Ang tanga talaga niyan ni Jordan! Ni-hindi man lang siya nanghinayang sa an
last updateLast Updated : 2022-05-09
Read more
Pagkapahiya
"NASAAN na ba si Francis? Oorder pa tayo ng isang bucket eh!" ani Nicole na humahaba na ang leeg kakatanaw sa kaibigan namin’g bakla na siyang may ari ng bar na ito.“Hoy, tama na! Nakadalawang bucket na tayo oh, baka hindi na tayo makauwi." protesta ko."Girl, kailan ka pa tumanggi sa alak? Huwag ka nga'ng pakimerot diyan at baka sabunutan kita!" maarteng wika ni Nicole. “Grabe ka naman saakin, Iniisip ko lang naman ang kalagayan natin eh uuwi pa tayo.” Nakairap kong saad."Hoy Sam, huwag ka nga'ng duwag diyan! Ano tayo teenager? Hello...we're both twenty five years old na. Kayang-kaya na natin'g umuwi ng lasing. At saka, nandiyan naman si Sir Pogi. For sure, ihahatid tayo niyan." Napatingin ako sa kabilang mesa kung saan ay nakaturo ang kamay ni Nicole.Laking gulat ko pa ng magkasulubong ang tingin namin ni Iñigo. Bahagya akong napalunok dahil pakiwari ko ay matutunaw na ako sa malalagkit niyang titig saakin.Kumindat pa ito kaya naman ako na mismo ang unang umiwas. Itinuon ko na l
last updateLast Updated : 2022-05-09
Read more
Hinala
ISANG linggo na pala ang matulin'g lumipas buhat ng iwanan at ipahiya ako ni Jordan. Isang linggo na rin akong parang wala sa sarili. Minsan nga'y naisipan ko na rin ang magpatiwakal na lang nang sa gayo'n ay makasama ko na rin ang aking mga magulang at para hindi na rin ako mahirapan ng ganito. Mabuti na lang at nariyan sina Nicole at Lesley na matiyagang umaalalay at talaga'ng ginagawa ang lahat para lang mapasaya ako.Isang umaga ay nagising ako dahil sa matinding pag-iingay ng aking mga kaibigan."Ano ba 'yan, natutulog pa 'yong tao eh!" Reklamo ko habang tinatakpan ng unan ang magkabila kong tainga."Hoy, bumangon ka na diyan!" Magkapanabay pa nilang sambit.Si Nicole ay umandar na naman ang kakulitan. Pilit nitong hinihila ang mga unan na nakatakip sa aking tainga. Maging ang kumot na nakabalot sa aking binti ay inalis na rin nito kaya't napilitan tuloy akong bumangon."Babangon naman pala eh! Kailangan pa talagang pilitin!"natatawang reklamo nito."Ang ingay niyo naman! Ba't ba
last updateLast Updated : 2022-05-09
Read more
Masaklap na Katotohanan
KANINA pa kami palakad-lakad ni Nicole. Sa katunayan ay masakit na ang aking binti at paa dahil sa kakahabol sa kanya. Ang laki kasi ng hakbang nito kumpara saakin kaya naman halos tumakbo na ako para lang makasabay ako sa paglalakad niya."Ano ba? Saan ba talaga tayo pupunta?" Naiinis na tanong ko sa kanya.Sa halip na sumagot ay bigla na lang itong huminto at pansamantalang hinilot ang kanyang sentido.Buong akala ko ay kung ano na ang nangyari dito kaya naman puno ng pag-aalalang nilapitan ko ito."Okay ka lang ba Nics?''tinapik ko pa ito sa balikat."Oo, may iniisip lang ako." Aniya na patuloy pa rin sa ginagawa. "Alam ko dito banda 'yon eh! Nasa'n na ba 'yon?" dagdag pa nito."Hoy, Nicole, umayos ka huh! Anong kalokohan na naman 'to? Ano ba talaga ang hinahanap natin? Masakit na ang paa ko sa paglalakad oh." Reklamo ko dahilan upang mapilitan itong sumagot."Sandali na lang. Iniisip ko pa kasi kung saan banda 'yong building na 'yon.""Tsk...hindi kita ma-gets Nicole!" gigil kong s
last updateLast Updated : 2022-05-09
Read more
Pagkalito at Panghihinayang
NAKAUWI na ako sa bahay ngunit, tila wala pa rin ako sa sariling katinuan."Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Iñigo. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang mapagtanto kong hindi pa pala ako bumababa sa kotse niya."Uhm...so-sorry."Hinging paumanhin ko. Kapagkuwa'y dali-dali akong bumaba ng sasakyan. "Nawala sa isip ko na-"''It's okay. Alam ko naman'g hindi ka pa masyadong nakaka-get over sa mga nalaman mo kanina.""Sa-salamat ulit sir. Kung hindi dahil sa'yo ay paniguradong hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya sa kung ano nga ba ang totoong dahilan ng-" Muli ay hindi niya na naman ako pinatapos sa aking sasabihin." Sige na. Pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na para hindi ka nagkakaganyan. Tawagan mo na lang ako bukas huh, incase na hindi ka pa ready na pumasok sa office. Don't worry, maiintindihan naman kita." Aniya na sinundan pa ng sunud-sunod na pagkaway at ang kaninang ngiti niya sa labi ay hindi pa rin nabubura hanggang ngayon. Kaya't kahit paano ay napilitan rin akong
last updateLast Updated : 2022-05-19
Read more
Invitation Card
MAAGA akong gumising kinabukasan. Ako na rin ang nagluto ng almusal namin ni Nicole at ipinagtimpla ko na rin siya ng kape. Para makabawi ako sa matinding pag-uusap namin kagabi. Kaya naman, ang lapad ng ngiti nito nang makita'ng wala na siyang ibang gagawin kundi ang umupo na lang at isubo ang pagkain."Wow, friendship, naninibago ako sa'yo! Mukha yatang maganda ang resulta ng first day of work mo kahapon ah!'' Ani Nicole."Tsk...nagkakamali ka! Sa totoo lang ay mala-impiyerno. At saka, bumabawi lang ako sa mga nasabi ko kagabi. Alam kong nainis ka sa'kin." Nakairap kong tugon. Kapagkuwa'y umupo na ako sa katapat niyang silya at nagsimula na rin akong kumain."Sus, wala 'yon! Sanay na 'ko sa kadramahan at pagiging martyr mo sa buhay!" nakairap niyang sambit. "Hmm...alam mo, naninibago talaga ako sa'yo kasi sa lahat ng nakaranas ng mala-impiyernong buhay sa work place eh, ikaw lang ang nakita kong nakangiti." Dagdag pa niya na bigla ng inilihis amg pagdadrama ko."Eh kasi nga, akala k
last updateLast Updated : 2022-05-19
Read more
Coffee and Cake
TULALA ako habang nakasandal saaking kotse. Hindi ko na kasi alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Sa totoo lang ay galit ako kina Lesley at Jordan lalo na kapag naaalala ko ang ginawa nilang panloloko sa'kin. Tapos heto na naman at dumagdag pa ang kasal nila na hindi puwedeng ipaalam sa'kin. Nakakalungkot naman isipin na parang habangbuhay yata ang balak nilang panloloko sa'kin.Naikuyom ko na lamang ang aking mga kamay. Gusto ko silang suntukin at pag-untogin ang mga ulo. Ngunit kapag nariyan naman na sila sa harapan ko ay tila nawawala ang lahat ng galit ko. Naiisip ko pa rin ang maraming taon na pinagsamahan namin. Ang friendship namin ni Lesley at ang pagmamahal sa'kin ni Jordan. Naisip ko rin na mas marami naman ang kabutihan na ginawa nila para saakin kumpara sa panloloko nilang ginawa. Kaya lang paano naman ang love life ko? Paano na ang pinapangarap kong pamilya?Bumalik lamang ako sa tamang huwisyo nang may biglang dumating na isa pang kotse at maya-maya lang ay may bumaba n
last updateLast Updated : 2022-05-19
Read more
Makeover
MARAMING beses na akong humikab simula pagdating ko dito sa kompanya. Pa'no kasi ay madaling araw na kami natulog ni Nicole dahil sa kakaisip ng puwede namin'g gawin sa kasal nina Lesley at Jordan.Nakadalawang tasa na rin ako ng kape pero pakiramdam ko ay hinihila talaga ako ng higaan.Napagdesisyunan kong umidlip muna saglit habang wala pa si Mr. President. Ngunit, hindi sinasadyang napasarap na ang tulog ko.Naalimpungatan lamang ako ng maramdaman kong may nag-alis ng salamin sa aking mga mata.Dahan-dahan akong nagmulat at gayo'n na lamang ang aking pagkagulat matapos kong mapagsino ang lalaking naririto ngayon sa aking harapan.Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata para lang masigurado na totoo nga ang aking nakikita."Siya talaga eh!" bigla ay naibulalas ko."Oh, ba't parang hindi ka yata makapaniwala na ako ang naririto ngayon sa harapan mo? Bakit, may inaasahan ka bang bisita na darating ngayon?" Sunud-sunod niyang tanong saakin.Bigla akong natawa sa mga sinabi niya. Muntik n
last updateLast Updated : 2022-05-19
Read more
Pagpapanggap
NAPABUNTONGHININGA na lamang ako matapos patayin ni Iñigo ang tawag ko. Kapagkuwa'y hindi ko namalayan na bigla na pala akong napasimangot."Oh, anong nangyari sa'yo, Sam? Kahit yata si Leonardo Da Vinci ay hindi kayang maipinta 'yang pagmumukha mo eh!" sita sa'kin ni Nicole."Tsk...eh kasi naman si Sir Iñigo!" nakangusong tugon ko."Sus, ang ganda-ganda mo kaya, tapos sisirain mo lang dahil diyan sa pagbusangot mo."Dagdag pa ng kaibigan ko. "Tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin." Giit pa nito na talagang pilit akong iniharap sa malaking salamin na naroon sa sala. "Sa tingin mo, may mag-aakala pa ba na broken hearted ka? Aba'y mukha ng naka-moved on 'yan eh.""Oo na! Sige na! Salamat na rin sa libreng pa-make over niyo sa'kin ni Sir Iñigo." Naiinis na sambit ko na sinundan ko pa ng sunud-sunod na pag-irap."Kay Iñigo ka mag-thank you. Siya nakaisip ng ideya na 'yan at siya rin ang gumastos ng lahat." Ani Nicole habang magkakrus ang mga braso."Eh, kaya nga ako nakasimangot dito k
last updateLast Updated : 2022-05-25
Read more
Ruined Plan
HINDI ko namalayan na may tumutulo na pa 'lang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang paglalakad ni Lesley sa aisle. Buong akala ko ay hindi na ako maaapektuhan kapag nakita ko ang gan'tong eksena, ngunit heto at pakiwari ko ay may nakatarak na kutsilyo sa aking dibdib. Halos hindi ako makahinga lalo na ngayon'g nagsisimula na ang seremonya ng pari."Are you okay?" anang tinig ni Iñigo na hindi ko namalayan'g nakalapit na pala saakin."Sam, okay ka lang ba?" dagdag rin ni Nicole.Tinanguan ko lang sila. Pagkatapos ay wala sa sariling naglakad ako papalapit sa ikinakasal. Batid kong nakatingin na saakin ang lahat ng tao na naroon sa loob ng simbahan. Subalit balewala lamang 'yon saakin. Dinig kong tinatawag ako nina Nicole at Iñigo ngunit, hindi ko sila pinag-aksayahan ng panahon na lingunin.Tanging ang nasa isip ko lamang nang mga sandaling iyon ay makaganti sa pagkapahiya'ng aking natamo sa mismong araw ng aking kasal. At eksaktong paghinto ko sa harapan nila ay siya naman'g
last updateLast Updated : 2022-05-25
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status