Home / Romance / Isang CEO Pala Ang Forever Ko / Masaklap na Katotohanan

Share

Masaklap na Katotohanan

Author: eZymSeXy_05
last update Last Updated: 2022-05-09 18:13:05

KANINA pa kami palakad-lakad ni Nicole. Sa katunayan ay masakit na ang aking binti at paa dahil sa kakahabol sa kanya. Ang laki kasi ng hakbang nito kumpara saakin kaya naman halos tumakbo na ako para lang makasabay ako sa paglalakad niya.

"Ano ba? Saan ba talaga tayo pupunta?" Naiinis na tanong ko sa kanya.

Sa halip na sumagot ay bigla na lang itong huminto at pansamantalang hinilot ang kanyang sentido.

Buong akala ko ay kung ano na ang nangyari dito kaya naman puno ng pag-aalalang nilapitan ko ito.

"Okay ka lang ba Nics?''tinapik ko pa ito sa balikat.

"Oo, may iniisip lang ako." Aniya na patuloy pa rin sa ginagawa. "Alam ko dito banda 'yon eh! Nasa'n na ba 'yon?" dagdag pa nito.

"Hoy, Nicole, umayos ka huh! Anong kalokohan na naman 'to? Ano ba talaga ang hinahanap natin? Masakit na ang paa ko sa paglalakad oh." Reklamo ko dahilan upang mapilitan itong sumagot.

"Sandali na lang. Iniisip ko pa kasi kung saan banda 'yong building na 'yon."

"Tsk...hindi kita ma-gets Nicole!" gigil kong sambit. "Wala nga akong ideya kung ano ba talaga ang hinahanap natin eh." Patuloy na pagrereklamo ko.

"Manahimik ka nga lang diyan!" aniya na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

Maya-maya pa ay nagpatiuna ito sa paglalakad. Hinayaan ko muna ito. Sinundan ko lang ng tingin ngunit kalauna'y tinawag rin ako.

"Halika na! Nakita ko na 'yong hinahanap natin." Nakangiting bulalas nito. Kapagkuwa'y bumalik at halos kaladkarin na ako nito.

Huminto kami sa isang mataas na building. Tiningala ko iyon at binasa ang nakasulat.

"Iñigo's Arts and Trends Corporation"

"Anong gagawin natin dito? Don't tell me na may balak kang bumili ng furnitures?" Kunot noong usisa ko.

"Mag-aapply." Tipid niyang tugon.

"Huh? Nics naman... baka nakakalimutan mong fashion designer itong kaibigan mo at hindi interior designer." Nakangiwing sambit ko.

"Feelingera ka din pala Sam eh." Pang-aasar nito saakin. "Sinabi ko lang naman na mag-aapply ka. Wala naman akong sinabi'ng posisyon ah. At saka, don't tell me na hindi mo kilala ang may-ari nito?''

''To be honest, hindi ko talaga kilala." Seryosong sagot ko.

"Tsk... sino pa nga ba eh 'di si sir pogi!" napatakip ako sa aking bibig matapos kong mapagtanto na pangalan nga pala ni Iñigo ang nakasulat sa building.

"Eh, malay ko ba na siya 'yon." Nakairap kong tugon. "Akala ko kasi ay isa lang ang company niya." Palusot ko pa.

"Bakit, hindi ba puwedeng magkaroon ng branch at pangalan niya naman ang ilagay?"

"Alam mo, minsan napapaisip ako kung bakit ganyan ka sa'kin? Parang mas kinakampihan mo pa kasi ang lalaking 'yon eh. Madalas mo rin siyang ipagtanggol sa mga negatibong sinasabi ko laban sa kanya." Nakangusong reklamo ko.

"Bakit kasi galit na galit ka do'n sa tao, hindi naman siya ang ex mo?"

"Kasi kaibigan siya ni Jordan. Ayokong mapalapit sa kanya dahil sa tuwing makikita ko siya, syempre hindi maiiwasan'g si Jordan pa rin ang maalala ko at baka nga masingit pa lagi sa usapan ang pangalan ng mokong na 'yon." Pangangatwiran ko pa.

"Hoy! Huwag kang magpaka-immature diyan! Iñigo is looking for a secretary at sa tingin ko ay puwede ng pansamantalang trabaho mo 'yon. "

"Nics, baka naman may iba pang kompanya na-"

"Huwag ka ng magreklamo. Nagkausap na kami ni Sir Iñigo at pumayag na siya. Tanggap ka na kahit hindi ka pa nag-aapply. Ipasa mo na lang 'tong requirements mo para fair sa ibang applicants."

Gusto ko sana'ng magtampo kay Nicole dahil pinangunahan niya na naman ang desisyon ko, pero naisip ko na may punto naman siya. Hindi ko dapat na idamay si Sir Iñigo dahil lang sa galit ko kay Jordan.

Isang malalalim na buntong hininga ang agad kung pinakawalan bago ako pumayag na sumama kay Nicole sa loob ng opisina ni Sir Iñigo.

"Hey, Samantha!"

Eksaktong paghakbang namin ay saka naman may biglang tumawag sa pangalan ko.

Dahan-dahan akong napalingon at gayo'n na lamang ang lakas ng pagkabog nitong aking dibdib matapos kong mapagsino ang lalaking tumawag sa pangalan ko.

"Uy, ikaw pala 'yan Sir Iñigo!" Si Nicole ang unang bumati sa kanya kaya naman napilitan akong ngitian na lamang ito.

Hindi ako mapakali sa aming kinatatayuan lalo pa't parang gusto ko ng kastiguhin ang traydor kong puso dahil habang papalapit si Sir Iñigo ay mas lalo lamang bumibilis ang pintig nito.

"Hoy, ano ba? Kumalma ka naman oh!" pagkausap ko sa aking sarili.

"Hoy, Sam sinong kausap mo?" kunot noong tanong ni Nicole. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid. ''Imposible naman'g si sir pogi kasi hindi pa naman siya tuluyan'ng nakakalapit sa'tin." Giit pa nito. Kaya't imbes na sagutin ko ang kanyang tanong ay minabuti ko na lang ang manahimik.

"Ang aga niyo naman yata'ng pumunta." Ani Iñigo nang tuluyan'g makalapit sa'min.

"Actually, kanina pa nga kami eh. Nahirapan akong maghanap ng company mo. Nakalimutan ko na kasi kung sa'n banda eh." Si Nicole pa rin ang nakikipag-usap kay Iñigo. Habang tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

"Oh, sorry to hear that. Ihinatid ko pa kasi si daddy kaya medyo na-late ako. Uhm...tara na, sa loob na lang tayo mag-usap." Ani Iñigo matapos niya kaming balingan.

"Naku, hindi na ako sasama sa loob. Tutal, nandiyan ka naman na, eh, baka puwede ko ng iwanan sa'yo si Sam." Maarteng wika ng kaibigan ko. Kinindatan pa ako nito na para bang sinasadya talaga'ng magkaroon kami ng moment ni Iñigo. Inirapan ko ito kaya naman palihim nitong kinurot ang aking tagiliran.

"Ah, gano'n ba... eh sige. Wala naman'g problema sa'kin. Ewan ko lang kay Samantha, pansin ko kasi ay kanina pa itong walang kibo." Napakamot pa ito sa kanyang batok kaya't napilitan akong sang-ayunan na lang ang kanilang kagustuhan.

"A-ayos lang naman sa'kin." nauutal kong tugon.

" 'Yon naman pala eh! So, ano...iwanan ko na kayo huh? Magkita na lang tayo sa bahay Sam. Baka kasi ma-late ako ng uwi kaya hindi na kita madadaanan dito." Dagdag pa ni Nicole. Tinanguan ko na lang din ito para huwag ng humaba pa ang aming usapan.

Nang tuluyan ng makaalis si Nicole ay sumama na rin ako kay Iñigo. Iginiya niya ako papasok sa kanyang opisina. Ipinaghila ng upuan at pagkatapos ay masinsinan namin'g pinag-usapan ang tungkol sa magiging trabaho ko.

Madali naman kami'ng nagkasundo sa lahat including the salary. Kaya naman, agad rin akong nagpaalam sa kanya.

Balak ko na sana'ng buksan ang pinto ng kanyang opisina ngunit, biglang naudlot 'yon nang muli siyang magsalita.

"Would you mind if i ask you something , before you leave in my office?" pormal niyang tanong saakin.

"Hmm...sure." Pumihit ako paharap sa kanya upang mas lalo kong mapakinggan ang kanyang sasabihin.

"Sam, i know this is a very personal question and it's up to you kung sasagutin mo o hindi. Pangako, irerespeto ko kung ano man ang maging reaksiyon mo."

''Thank you sir. Sige na, magtanong ka na para makauwi na rin ako." Pilit ang ngiti'ng ipinamalas ko sa kanya.

"Ipinagtapat na ba sa'yo ni Jordan ang totoong dahilan ng pag-atras niya sa kasal ninyo?"

Hindi kaagad ako nakapag-react. Hindi ko kasi inasahan na gano'n ang magiging tanong niya saakin. Sandali akong napaisip kung sasagutin ko ba o hindi iyon. Subalit, kalauna'y naisip kong wala naman mawawala sa'kin kung sasagutin ko ang tanong niya.

"Sorry, okay lang naman kung hindi mo sagutin ang tanong ko Sam." muli niyang sambit.

"No, it's okay. You don't need to apologize kasi sasagutin naman kita." Bumalik ako sa upuan'g naroon sa tapat niya. Muli kong inilapag ang aking bag at lakas loob akong nakipag-usap sa kanya.

"Actually, hindi eh. After kasi no'ng wedding day namin ay hindi pa siya nagpapakita ulit saakin. Kahit nga text, chat or call man lang ay wala rin eh." Bahagya akong napalunok bago ko ipinagpatuloy ang pagkukuwento.

"Pero, okay na rin siguro 'yon para hindi na ako mahirapan na kalimutan siya di'ba?"Medyo gumagaralgal na rin ang aking tinig kaya't pansamantala akong huminto. Pakiramdam ko kasi, ano man'g oras ay tutulo na naman ang mga luha ko dahil muli lang nanumbalik ang kirot sa aking dibdib.

Kaagad 'yon na napansin ni Iñigo kaya't inabutan niya ako ng panyo at hindi ko inaasahan ang sunod niya pa'ng ginawa.

Ginagap niya ang aking kamay at hinayaan ko lamang iyon.

"I'm sorry. Alam kong wala ako sa lugar para magsabi sa'yo ng totoong dahilan, pero...hindi ko kasi kayang magsinungaling sa'yo lalo pa't nakikita ko sa mga mata mo na nahihirapan ka pa rin."

"W-what do you mean?" nakayukong tanong ko sa kanya.

"Halos isang linggo ko 'tong pinag-isipan eh. Simula no'ng gabing hinatid kita sa appartment niyo ay hindi na ako makatulog ng maayos sa gabi. Lalo kapag naalala ko ang hitsura mo during that night. Oo nga't ipinapakita at sinasabi mong okay ka lang, pero ramdam ko ang bigat ng iyong kalooban." Unti-unti akong nag-angat ng tingin at pilit kong sinalubong ang kanyang mga titig.

"Anong nalalaman mo Sir Iñigo?" bigla ay naibulalas ko.

"Alam kong mahihirapan kang paniwalaan ang sasabihin ko, pero...nakahanda akong patunayan ito sa'yo."

"Sir, please lang, sabihin mo na sa'kin. Pangako, hindi ako magagalit sa'yo. Nakahanda akong makinig at nakahanda akong masaktan ulit. Ang mahalaga sa'kin ay matapos na ito at magkaroon na ako ng peace of mind." Giit ko.

Ramdam kong sinsero ang pagdamay niya saakin. Lalo na ng maramdaman kong pisilin niya ang aking mga kamay. Higit sa lahat ay walang pag-aalinlangan na pinahiran niya rin ang mga luhang namamalisbis ngayon sa aking pisngi.

Marahan niya rin'g inalis ang aking salamin sa mata. Maging ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa aking pisngi ay maingat niyang inilagay sa likod ng aking tainga.

"Sige na, iiyak mo muna ang lahat ng bigat na iyong nararamdaman. Kapag magaan na ang iyong pakiramdam ay saka lang ako magsisimulang magkuwento sa'yo." Aniya na mababakas pa rin sa kanyang mga mata ang senseridad at pag-aalala.

"Isa ka pa eh! Para ka rin'g si Nicole!" Natatawang bulalas ko.

''Huh bakit?" puno ng pagtatakang usisa nito.

"Eh kasi naman, imbes na magkuwento ka na ay kung anu-ano pang pasakalye ang ginagawa mo at sinasabi. 'Yong luha ko dapat talaga ay naka-reserve 'yon sa ibubulgar mong issue eh. Kaso wala na, inubos ko na sa kadramahan ko." Natawa na lang din ito matapos marinig ang aking mga sinabi.

"Sige na nga, sisimulan ko ng magkuwento." Biglang lumungkot ang mukha nito. Kinabahan tuloy ako dahil pakiramdam ko ay napakabigat ng dahilan na 'yon kaya't hindi niya kaagad masabi sa'kin.

"Uhm...Sam, ilang taon mo na bang kaibigan si Lesley?"

"Huh? Six years na. Bakit?" puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Gano'n din si Nicole di'ba?" muli niyang tanong saakin.

"Oo, sabay-sabay kaming nanirahan sa apartment na 'yon. After graduation sa college ay kami na talaga ang magkakasama hanggang sa pare-pareho kaming sinuwerte at nabigyan ng oportunidad na maging isang ganap na fashion designer." Masiglang pahayag ko na sinundan niya lang ng pagtango.

"Pero si Nicole ang pinaka-close mo sa kanila, right?"

"Mmm...ba't napunta sa kanila ang topic?"

"Kasi, si Lesley ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal niyo ni Jordan."

"What?" Mapakla pa akong napangiti. "Are you kidding me, sir?" Bigla akong napatayo at buong tapang na hinila ko ang kanyang kurbata na para bang sa gano'ng paraan ay masisindak ko si Iñigo.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Nagbibiro ka lang di'ba?" gigil kong tanong sa kanya.

"Sam, totoo ang sinabi ko. Naalala mo ba no'ng gabing birthday ni Jordan? Hindi ba't sabay silang nawala ni Lesley? Akala pa nga natin ay may pinuntahan sila. Tapos nagboluntaryo akong sisilipin ko sa kuwarto si Jordan dahil baka kako naroon lang ito at-" Bigla itong natigilan kaya't mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kurbata.

"At ano?" hindi ko napigilan ang aking sarili. Binulyawan ko siya ngunit kaagad rin akong nahimasmasan ng makita kong nasasaktan na siya sa aking ginagawa.

Kaagad ko siyang pinakawalan at buong pusong humingi ng paumanhin.

"I'm sorry sir. I just carried away." Napayuko ako at naiilang na hinaplos ko ang kanyang leeg. "Again, i'm sorry."

"It's okay Sam." Anang paos na tinig ni Iñigo at muli itong nagpatuloy sa pagkukuwento.

"Nang gabing 'yon ay naabutan ko silang nagtatalik. Ngunit nagsawalang kibo na lang ako. Sinabi ko sainyo na mahimbing ng natutulog si Jordan sa kuwarto at nagsinungaling ako. Sinabi kong hindi ko nakita si Lesley."

Natulos ako sa aking kinatatayuan matapos kong marinig ang sinabi ni Iñigo. Saka ko lang din naalala na ilang beses ko ng nakitan'g nagduduwal sa lababo si Lesley. Binalewala ko naman 'yon dahil inisip ko na baka may nakain lang itong masama sa tiyan niya. Ngunit ngayon ay napagtanto ko na ang lahat.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
missXmaam
kagigil naman si Lesley at Jordan...‍♀️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Pagkalito at Panghihinayang

    NAKAUWI na ako sa bahay ngunit, tila wala pa rin ako sa sariling katinuan."Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Iñigo. Bigla akong nakaramdam ng hiya nang mapagtanto kong hindi pa pala ako bumababa sa kotse niya."Uhm...so-sorry."Hinging paumanhin ko. Kapagkuwa'y dali-dali akong bumaba ng sasakyan. "Nawala sa isip ko na-"''It's okay. Alam ko naman'g hindi ka pa masyadong nakaka-get over sa mga nalaman mo kanina.""Sa-salamat ulit sir. Kung hindi dahil sa'yo ay paniguradong hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya sa kung ano nga ba ang totoong dahilan ng-" Muli ay hindi niya na naman ako pinatapos sa aking sasabihin." Sige na. Pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na para hindi ka nagkakaganyan. Tawagan mo na lang ako bukas huh, incase na hindi ka pa ready na pumasok sa office. Don't worry, maiintindihan naman kita." Aniya na sinundan pa ng sunud-sunod na pagkaway at ang kaninang ngiti niya sa labi ay hindi pa rin nabubura hanggang ngayon. Kaya't kahit paano ay napilitan rin akong

    Last Updated : 2022-05-19
  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Invitation Card

    MAAGA akong gumising kinabukasan. Ako na rin ang nagluto ng almusal namin ni Nicole at ipinagtimpla ko na rin siya ng kape. Para makabawi ako sa matinding pag-uusap namin kagabi. Kaya naman, ang lapad ng ngiti nito nang makita'ng wala na siyang ibang gagawin kundi ang umupo na lang at isubo ang pagkain."Wow, friendship, naninibago ako sa'yo! Mukha yatang maganda ang resulta ng first day of work mo kahapon ah!'' Ani Nicole."Tsk...nagkakamali ka! Sa totoo lang ay mala-impiyerno. At saka, bumabawi lang ako sa mga nasabi ko kagabi. Alam kong nainis ka sa'kin." Nakairap kong tugon. Kapagkuwa'y umupo na ako sa katapat niyang silya at nagsimula na rin akong kumain."Sus, wala 'yon! Sanay na 'ko sa kadramahan at pagiging martyr mo sa buhay!" nakairap niyang sambit. "Hmm...alam mo, naninibago talaga ako sa'yo kasi sa lahat ng nakaranas ng mala-impiyernong buhay sa work place eh, ikaw lang ang nakita kong nakangiti." Dagdag pa niya na bigla ng inilihis amg pagdadrama ko."Eh kasi nga, akala k

    Last Updated : 2022-05-19
  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Coffee and Cake

    TULALA ako habang nakasandal saaking kotse. Hindi ko na kasi alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Sa totoo lang ay galit ako kina Lesley at Jordan lalo na kapag naaalala ko ang ginawa nilang panloloko sa'kin. Tapos heto na naman at dumagdag pa ang kasal nila na hindi puwedeng ipaalam sa'kin. Nakakalungkot naman isipin na parang habangbuhay yata ang balak nilang panloloko sa'kin.Naikuyom ko na lamang ang aking mga kamay. Gusto ko silang suntukin at pag-untogin ang mga ulo. Ngunit kapag nariyan naman na sila sa harapan ko ay tila nawawala ang lahat ng galit ko. Naiisip ko pa rin ang maraming taon na pinagsamahan namin. Ang friendship namin ni Lesley at ang pagmamahal sa'kin ni Jordan. Naisip ko rin na mas marami naman ang kabutihan na ginawa nila para saakin kumpara sa panloloko nilang ginawa. Kaya lang paano naman ang love life ko? Paano na ang pinapangarap kong pamilya?Bumalik lamang ako sa tamang huwisyo nang may biglang dumating na isa pang kotse at maya-maya lang ay may bumaba n

    Last Updated : 2022-05-19
  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Makeover

    MARAMING beses na akong humikab simula pagdating ko dito sa kompanya. Pa'no kasi ay madaling araw na kami natulog ni Nicole dahil sa kakaisip ng puwede namin'g gawin sa kasal nina Lesley at Jordan.Nakadalawang tasa na rin ako ng kape pero pakiramdam ko ay hinihila talaga ako ng higaan.Napagdesisyunan kong umidlip muna saglit habang wala pa si Mr. President. Ngunit, hindi sinasadyang napasarap na ang tulog ko.Naalimpungatan lamang ako ng maramdaman kong may nag-alis ng salamin sa aking mga mata.Dahan-dahan akong nagmulat at gayo'n na lamang ang aking pagkagulat matapos kong mapagsino ang lalaking naririto ngayon sa aking harapan.Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata para lang masigurado na totoo nga ang aking nakikita."Siya talaga eh!" bigla ay naibulalas ko."Oh, ba't parang hindi ka yata makapaniwala na ako ang naririto ngayon sa harapan mo? Bakit, may inaasahan ka bang bisita na darating ngayon?" Sunud-sunod niyang tanong saakin.Bigla akong natawa sa mga sinabi niya. Muntik n

    Last Updated : 2022-05-19
  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Pagpapanggap

    NAPABUNTONGHININGA na lamang ako matapos patayin ni Iñigo ang tawag ko. Kapagkuwa'y hindi ko namalayan na bigla na pala akong napasimangot."Oh, anong nangyari sa'yo, Sam? Kahit yata si Leonardo Da Vinci ay hindi kayang maipinta 'yang pagmumukha mo eh!" sita sa'kin ni Nicole."Tsk...eh kasi naman si Sir Iñigo!" nakangusong tugon ko."Sus, ang ganda-ganda mo kaya, tapos sisirain mo lang dahil diyan sa pagbusangot mo."Dagdag pa ng kaibigan ko. "Tingnan mo nga 'yang sarili mo sa salamin." Giit pa nito na talagang pilit akong iniharap sa malaking salamin na naroon sa sala. "Sa tingin mo, may mag-aakala pa ba na broken hearted ka? Aba'y mukha ng naka-moved on 'yan eh.""Oo na! Sige na! Salamat na rin sa libreng pa-make over niyo sa'kin ni Sir Iñigo." Naiinis na sambit ko na sinundan ko pa ng sunud-sunod na pag-irap."Kay Iñigo ka mag-thank you. Siya nakaisip ng ideya na 'yan at siya rin ang gumastos ng lahat." Ani Nicole habang magkakrus ang mga braso."Eh, kaya nga ako nakasimangot dito k

    Last Updated : 2022-05-25
  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Ruined Plan

    HINDI ko namalayan na may tumutulo na pa 'lang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang paglalakad ni Lesley sa aisle. Buong akala ko ay hindi na ako maaapektuhan kapag nakita ko ang gan'tong eksena, ngunit heto at pakiwari ko ay may nakatarak na kutsilyo sa aking dibdib. Halos hindi ako makahinga lalo na ngayon'g nagsisimula na ang seremonya ng pari."Are you okay?" anang tinig ni Iñigo na hindi ko namalayan'g nakalapit na pala saakin."Sam, okay ka lang ba?" dagdag rin ni Nicole.Tinanguan ko lang sila. Pagkatapos ay wala sa sariling naglakad ako papalapit sa ikinakasal. Batid kong nakatingin na saakin ang lahat ng tao na naroon sa loob ng simbahan. Subalit balewala lamang 'yon saakin. Dinig kong tinatawag ako nina Nicole at Iñigo ngunit, hindi ko sila pinag-aksayahan ng panahon na lingunin.Tanging ang nasa isip ko lamang nang mga sandaling iyon ay makaganti sa pagkapahiya'ng aking natamo sa mismong araw ng aking kasal. At eksaktong paghinto ko sa harapan nila ay siya naman'g

    Last Updated : 2022-05-25
  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Contact Lens

    TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Kung hindi pa ako nakarinig ng sunud-sunod na pag busina ng sasakyan, marahil ay mahimbing pa rin ang akong tulog.Dali-dali akong lumabas ng kuwarto at sinilip ko muna sa bintana kung sino nga ba ang may kagagawan ng ingay na 'yon. Sisigawan ko sana ito dahil akala ko ay si Nicole na naman at balak akong asarin. Subalit, nagulat ako ng kotse pala ni Iñigo ang naroon sa labas ng bahay. Hinila ko kaagad ang tuwalyang nakahanger at pagkatapos ay hinubad ko rin ang suot ko sa paa. Nakakahiya kasi na makita niyang hindi pa ako nagbibihis simula kahapon. Kapagkuwa'y tinungo ko na ang pintuan at pinagbuksan ko siya."Naku, sir...pasensiya na, tinanghali ako ng gising. Buwisit kasi 'tong si Nicole eh, hindi man lang ako ginising bago siya umalis." Nakangusong pahayag ko."Pasok ka sir!" nilakihan ko ang bukas ng pinto para lang makapasok siya. "Nah, it's okay. Actually, kakaalis lang din ni Nicole. Nagkasalubong pa nga kami sa may gate eh.""Ah, ga

    Last Updated : 2022-05-25
  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Stranded

    NANG mga sumunod na araw, pakiwari ko ay ang lamig ng pakikitungo sa'kin ni Sir Iñigo. Nagdadalawang isip naman akong magtanong sa kanya kasi baka mapahiya lang ako. Dalawang araw na rin na hindi niya ako sinusundo sa bahay kaya naman napilitan na rin akong dalhin ang aking kotse."Sam, pakitimpla mo nga ako ng kape bago ka bumalik sa table mo." Ani Sir Iñigo isang umaga na nagdala ako ng mga dokumeto. Ang pormal niyang makipag-usap sa'kin kaya naman hindi ko talaga maiwasan ang manibago."Okay sir." Tipid kong tugon.Matapos kong ilapag sa harapan niya ang tasa ng kape ay nagmadali na rin akong lumabas ng office niya.Maya-maya ay binalikan ko rin siya dahil biglang nag-send ng invitation through email ang isa sa mga staff ng Amara's Art Gallery."Uhm...excuse me sir, nag-send po kasi ng invitation ang-""Ignore it!"kaagad niyang naibulalas."Sir, akala ko po dadalo tayo sa art exhibit nila.""Hindi na! Nagbago na ang isip ko. Tutal wala naman akong mahagilap na matinong furniture des

    Last Updated : 2022-05-26

Latest chapter

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   FINALE

    BUONG akala ko ay makakalabas agad ako kinabukasan. Subalit laking gulat ko nang magsulputan sa hospital sina Nicole at Mr. President."Hoy, frenny! Ano ang nangyari sa'yo? Diyis ko, pinag-alala mo ako ng husto!" Anang kaibigan ko na halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakayakap nito saakin."Okay na ako. Huwag ka ng masyadong OA diyan! Salamat sa pagdalaw. Actually, kahapon pa dapat ako laabas kaso ayaw naman ni Iñigo.""Hmm...mabuti na rin 'yon para naman mabantayan at maalagaan ka niya rito lahit isang gabi lang Kumusta si baby?""Okay din siya. Eh ikaw, medyo halata na 'yang tiyan mo ah.""Yup, at nagpa-ultrasound na din kami ni Dylan. Mag-gender reveal kami sa sunday. Kailangan nandoon ka ah.""Oo naman! Hindi pwedeng mawala ako do'n." nakangiting pahayag ko.Maya-maya pa ay ang presidente naman ang sunod na lumapit saakin. Si Iñigonay nasa labas. Aasiksuhin niya daw muna ang mga hospital bills ko.Naawa na rin ako sa kanya. Wala siyang maayos na tulog kaga

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Hospital

    PAGDILAT ko ng aking mga mata ay nasa hospital na ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong makita at makausap na tao. Kaya kahit nanghihina pa ako ay nagpumilit akong bumangon. Subalit bago pa man ako tuluyan'g makabangon ay biglang bumukas ang pintp ng ward.Namilog ang aking mga mata nang mapagsino ko ang pumasok. It was Jordan. Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay muli akong nahiga."How are you, Sam?" nag-aalala'ng tanong niya saakin."Why are you here, Jordan?" sa halip na sumagot ay tinanong ko rin siya."Vacation." maikli niyang tugon."Ikaw ba ang nagdala saakin sa hospital?""Yeah.""Huh? Paano nangyari 'yon? Bakit hindi si Iñigo ang nagdala sa'kin?""That was supposed to be my question to you, Sam." mariin niyang sambit.Napabuntonghininga muna ako bago ko siya nagawang sagutin. "He's busy.""Busy?" balik tanong niya at pagkatapos ay pagak na natawa. "In this kind of situation ay busy siya? Sam, paano kung tuluyan nga kayong mapahamak ng bata na na

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Pakikipag-Ayos

    KINABUKASAN ay tinotoo nga ni Iñigo ang galit niy saakin.Maaga daw itong umalis sabi ni Ellie. Dadaan daw ito sa school niya para kausapin mismo ang kanyang teacher. Bigla akong nakaramdam ng lungkot at hindi ko maiwasan'g kausapin ang aking sarili. "Napagod na ba si Iñigo sa ugali ko?"Naihilamos ko na lamang ang aking mga palad at muli akong bumalik sa tabi ni Ellie."Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay na ako tita mommy. Pwede na nga po akong pumasok sa school eh." nakangiti niyang sagot saakin."Masaya ako na okay ka na. Pero, kailangan muna natin na kausapin nag dad mo kung papayag na ba siyang pumasok ka sa school.""Okay po.""Iwanan na muna kita ah. Puntahan ko lang si Sammuel.""Sige po tita mommy."Nang makalabas ako ng silid ay bigla akong nakaramdam ng bahagyang pagkahilo. Kaya naman dahan-dahan akong nangapa ng pwede kong makapitan at gayo'n na lamang ang pagkagulat ko nang mismong ang balikat ng presidente ang nahawakan ko."Hey, are you okay, Sam?" Aniya na puno ng pag-

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Acting Like A Child

    LINGGO ngayon kaya't sinadya kong gumising ng maaga. Araw ng pamamalengke ni Aling Flor kaya naman, sasamahan ko na lang siya nang sa gayo'n ay hindi ko makita ang pagmumukha ni Iñigo." Nay!" tawag ko sa matanda nang hindi gad ito nakita sa kusina."Oh, bakit? May problema ba?" aniya na galing pala sa silid niya."Punta ka na ba ng palengke 'nay?""Oo.""Tara na po, sasamahan na kita.""Huh? Eh, wala ba kayong lakad ngayon ni Iñigo?""Wala po." determinadong sagot ko."Who told you that?"Gulat kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Iñigo 'yon. Nakasuot pa ng pantulog at halatang kakagising lang."Uhm, ako. Narinig mo naman di'ba?" pamimilosopo ko rito."Naku, mukhang iba na naman ang ihip ng hangin dito. Mabuti pa siguro ay mag-isa na lang akong magtungo sa palengke." Anang matanda."Sasama ako 'nay!" patuloy na pagpupumilit ko."Just stay here, Sam." maawtoridad na pahayag ni Iñigo.Nakasimangot na tinalikuran ko si Iñigo. Pumunta ako sa sala at walang imik na naupo

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Good News

    NANG makalabas na ng silid si Iñigo ay dahan-dahan rin akong lumabas at maingat akong lumipat sa silid ni Ellie.Nakabenda pa rin ang kanan nitong paa. Kaya naman naroon lang ito sa kanyang kama. Nakaupo at doon na rin mismo kumakain."Tita mommy!" sigaw niya na agad ko rin'g sinenyasan na tumahimik.Nilapitan ko ito at umupo ako sa tabi niya. "How are you, baby?""I'm not okay tita mommy." malungkot niyang tugon. "Gusto ko ng alisin 'tong benda ng paa ko."Ba't ikaw lang mag-isa ang kumakain. Bakit hindi ka man lang inalalayan ng dad mong kumain?"Nakagat pa nito ang pang-ibabang labi bago sinagot ang katanungan ko."As I told you before, tita mommy...my dad is so damn strict. He won't tolerate you to -""Nasobrahan naman siya ng pagka-strict. Dapat man lang sama sinubuan ka niya o kaya naman inalalayan kang lumabas patungo sa hapag kainan.""That's impossible! Sabihin pa no'n sa'yo...you're not a disable person. So you better do it with your own.""Ang harsh naman ng da

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Truth or Lies

    PAGDATING sa hospital ay nakita ko agad si Iñigo. Patakbong nilapitan ko ito at mahigpit kong niyakap."How's Ellie?" nag-aalalang tanong ko sa kanya."She's okay now. Sorry hindi na ako akapagpaalam sa'yo kanina.""It's okay. Ang mahalaga okay na si Ellie. Uhm, hindi pa ba siya pwedeng dalawin?""Makakalabas na siya ngayon. Hintayin na lang natin 'yong doctor." Aniya ngayon ay nakangiti na."Mabuti naman. Halika, maupo na muna tayo." Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko papunta sa may waiting area. Nagpatianod naman ito at maya-maya lang ay bigla na naman'g naging malungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha."Hey, what's wrong?""Wala. May naisip lang ako." aniya na sinundan ng isang malalim na buntonghininga."Hmm, ano 'yon? Magkuwento ka. Makikinig ako.""Uhm, actually...tungkol 'to sa'yo eh. Naisip agad kita kanina habang dinadala si Ellie sa emergency room.""Huh? But why?" gulat kong tanong sa kanya."Sam, alam ko na ngayong kung ano ang pakiramdam na makitang nakahi

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Family Day

    KINABUKASAN ay sinadya kong huwag sumabay sa kanila ng pag-aalmusal. Ayokong makasabay si Iñigo lalo pa't naaalala ko ang nangyari kagabi.Nanatili lang akong nakahiga sa kama habang nakatakip ng unan ang aking mukha. Kapagkuwa'y may kumatok. Ngabingi-bingihan ako. Ngunit hindi ko inaasahan na si Iñigo pala iyon.Naramdaman kong binuksan niya ang pinto at naglakad palapit sa'kin."Baby, mag-aalmusal na." Aniya habang pilit na hinihila ang unan na naroon sa aking mukha."Ano ba, Iñigo! Mauna na kayong kumain." reklamo ko."Tss, galit ka pa rin ba?""Lumabas ka na nga lang!""Hmm...galit ka pa rin nga. Akala ko pa naman okay na tayo. Tumugon ka na sa halik ko kagabi, kaya't inakala ko na okay na tayo." naging malungkot na naman ang tinig nito.Ibinato ko sa kanya ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Nakakainis ka! Ba't pinaalala mo pa ang halik na 'yon? Kaya nga ayaw ko lumabas dahil do'n eh."Nakangisi na lumapit ito saakin."Kaya pala eh. Gusto mo bang ulitin natin 'yon at-""S

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Acting

    BIGLA na naman akong nakaramdam ng inis, matapos magtago nina Iñigo at Ellie. Kaya naman nakasimangot na umupo ako at walang pakundangan na sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain na nakahain sa mesa. At batid kong si Iñigo ang may kagagawan no'n.Malapit na akong matapos ng magsilabasan sila. At tama nga ang hinala ko,nagtago nga sila at kasabwat pa nila si Nicole."Baby, ba't nauna ka ng kumain?" sita saakin ni Iñigo. "That was supposed to be a surprise for-""Surprise niyo 'yang mukha niyo!" naiinis na singhal ko sa kanya.Naiinis na binalingan ko si Ellie. Kanina pa ito ngumingisi habang pinagmamasdan niya ang pag-irap na ginagawa ko."Ellie, sabayan mo 'yang ama mo at 'yang Tita Nicole mo! Nawalan na ako ng gana'ng kumain.""Hala, tita mommy naman! Makikipagbati na nga sa'yo si dad ngayon eh." reklamo nito."Mag-aayos na ako ng gamit. Kailangan ko ng makahanap ng malilipatan." giit ko pa dahilan upang mawindang sina Nicole at Iñigo."Frenny, umayos ka nga! Nandito si Iñig

  • Isang CEO Pala Ang Forever Ko   Sulat

    KINABUKASAN ay napabalikwas ako sa higaan ng manuot sa ilong ko ang mabango'ng amoy ng pagkain. Kaya naman bumangon ako at sinundan kung saan nagmumula ang amoy na 'yon.Dinala ako ng aking mga paa sa kusina. At halos himatayin ako sa tumambad saakin.Napatakip ako sa aking bibig. Pakiwari ko ay nakadikit na rin ang aking mga paa sa pinto ng kusina pagkakita ko sa hubad na likuran ng lalaking abala sa pagluluto.Kahit nakatalikod ito ay hindi ako pwedeng magkamali kung sino nga bang Poncio Pilato iyon."Hindi ka pa rin ba tapos na titigan ang aking likuran? Halika, pwede kang lumipat sa harapan para mas lalo mong maaninag ang maganda kong katawan." Puno ng sarkasmo ang kanyang tinig habang binabanggit ang mga katagang iyon. Ilang segundo rin na hindi ako nakakibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Kaya't napilitan itong humarap at lapitan ako."I-Iñigo?" sa wakas ay garalgal ang tinig na naibulalas ko."Mmm...ba't gulat na gulat ka yata? Ayaw mo bang ipagluto

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status