I'm His Personal Maid

I'm His Personal Maid

last updateLast Updated : 2023-01-31
By:   Totoy  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
76Chapters
10.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Isang simpleng probinsyana lamang si Anna Marie Castillo, namumuhay sa isang simpleng lugar, simpleng probinsiya. Pero kahit ganoon, masaya siya sa buhay na mayroon siya kasama ang kaniyang pamilya. Mahirap lang sila at trabahador lang ng pamilya Bautista ang kanyang ama, samantalang ang kanyang ina naman ay nag-e-extra lamang. Ang tahimik niyang buhay sa probinsiya ay magugulo sa pagdating ng anak ng mga Bautista na si Kevyn, isang mayabang at antipatikong lalaki. Ano kaya ang kahihinatnan nila kung sa unang pagtatagpo pa lang nila ay hindi na naging maganda iyon? Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang siya ang magbabantay sa binata habang nasa probinsya ito? Babalik pa kaya ang katahimikan niya sa probinsiya o lalo lang iyong gugulo?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

"ANO'NG ginagawa mo dito, bata?" nagtataka kong tanong nang madatnan ko ang isang lalaki sa lugar na iyon sa parang sa bukid.Naiinip kasi ako sa bahay kaya naisipan kong pumunta sa lugar kung saan nakakaramdam ako ng ginhawa, sa bukid kung saan may sariwang hangin, magandang tanawin na animo'y nagbibigay ng kapayapaan sa akin.Makikita sa lugar ang malawak na lupain na pag-aari ng mayamang pamilya sa probinsya ng Sta. Cruz.Nakasilong ang batang lalaking iyon sa ilalim ng malaking puno, kung saan naging lugar ko sa tuwing nalulungkot ako. Tanaw kasi mula roon ang malawak na lupaing iyon at ang isang malaking bahay na pag-aari ng mayamang pamilya sa bayan namin. Kapag nandoon ka, talagang mapapanatag ka at mawawala ang lungkot mo dahil sa pagtanggap sayo ng kalikasan."Sa tingin mo hindi ka bata?" masungit na balik ng batang iyon na noon ko lang nakita roon na bahagya lang akong tinapunan ng tingin. Napairap naman ako sa naging sagot niya. "Hindi ba obvious? Pinagmamasdan ang paligid,...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Cristine May Perez
highly recommended story
2023-02-04 09:07:01
1
user avatar
senyora_athena
...️...️...️...️...️
2022-12-20 05:49:25
2
user avatar
Crizea Ley Morales
Highly recommended basahin nyo na
2022-12-16 00:17:44
2
user avatar
Jonel Buban
Highly recommended!
2022-11-12 13:58:42
2
user avatar
Docky
Ang ganda nitoooo
2022-10-29 00:15:04
2
user avatar
Totoy
Hello, suportahan din po sana ninyo ang IHPM sa GoodNovel. salamat po.
2022-10-25 17:50:33
1
76 Chapters
Prologue
"ANO'NG ginagawa mo dito, bata?" nagtataka kong tanong nang madatnan ko ang isang lalaki sa lugar na iyon sa parang sa bukid.Naiinip kasi ako sa bahay kaya naisipan kong pumunta sa lugar kung saan nakakaramdam ako ng ginhawa, sa bukid kung saan may sariwang hangin, magandang tanawin na animo'y nagbibigay ng kapayapaan sa akin.Makikita sa lugar ang malawak na lupain na pag-aari ng mayamang pamilya sa probinsya ng Sta. Cruz.Nakasilong ang batang lalaking iyon sa ilalim ng malaking puno, kung saan naging lugar ko sa tuwing nalulungkot ako. Tanaw kasi mula roon ang malawak na lupaing iyon at ang isang malaking bahay na pag-aari ng mayamang pamilya sa bayan namin. Kapag nandoon ka, talagang mapapanatag ka at mawawala ang lungkot mo dahil sa pagtanggap sayo ng kalikasan."Sa tingin mo hindi ka bata?" masungit na balik ng batang iyon na noon ko lang nakita roon na bahagya lang akong tinapunan ng tingin. Napairap naman ako sa naging sagot niya. "Hindi ba obvious? Pinagmamasdan ang paligid,
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more
Kabanata 1
"ANNA MARIE, tanghali na!"Tilaok ng mga manok, huni ng mga ibon, at malimit boses ni Mama ang araw-araw na gumigising sa akin. Tila nga iyon na ang nagsisilbing alarm clock naming magkakapatid dahil sa lakas niyon. Nakasanayan na rin naman namin iyon."Gising na po ako, 'Ma," balik kong sigaw, saka humikab kasabay ng pag-inat. Napakamot pa ako sa ulo ko habang nakasimangot dahil gusto pang ipikit ng mga mata ko.Kahit namumungay pa ang mga mata ko, napilitan na akong lumabas ng kwarto bago pa si Mama ang pumunta roon para pilitin akong ibangon."Ate, para kang mangkukulam," salubong sa akin ng kapatid kong si Melanie na natatawa sa hitsura ko. Hindi pa kasi ako nanunuklay at nangamot pa ako sa magulo kong buhok.Nginusuan ko lang siya at nilampasan. Wala kasi ako sa mood makipagsagutan sa kaniya. Isa pa 'di pa ako nagsisipilyo, eh.Naghahanda na si Mama ng simpleng almusal ng matapos akong maghilamos at mag-toothbrush. Nanuklay na rin ako para hindi ako magmukhang mangkukulam sa hara
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more
Kabanata 2
MAINGAY, mainit, at hindi kaaya-ayang amoy ang bumabalot sa kapaligiran na kinaroroonan ko na sa paglipas ng bawat araw ay nakasanayan ko na rin. Ganito naman talaga maide-describe ang palengke na nagsisilbing mall para sa amin na nasa maliit na bayan at hindi sibilisado."Magkano 'to, Ale?" tanong ng matandang babae habang nakatingin sa pangbatang mga damit.Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya ng Ale sa akin. "Ah, alin po?" magalang ko pa ring tanong sa kaniya kahit gusto kong sabihin sa kaniya na bata pa ako para tawaging Ale.Lumingon siya sa akin at nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya. Marahil ngayon lang niya nakitang hindi naman pala karapat-dapat na tawaging Ale ang tinderang gaya ko."Pasensiya ka na Ineng, hindi kita nakita akala ko kasi ikaw pa rin 'yong dating tindera dito," paliwanag ng babae.Nginitian ko siya para ipahiwatig na okay lang sa akin. Naiintindihan ko naman dahil hindi naman talaga ako regular sa tindahan na ito ni Ate Mich. Weekend lang ak
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more
Kabanata 3
"MANO po," salubong ko kay Mama at Papa na kadarating lang galing sa trabaho. Nagsipagmano rin ang dalawa ko pang kapatid."Kumusta ang mga kapatid mo?" tanong ni Mama nang makaupo siya sa sofa na gawa sa kawayan. Tuwing umuuwi si Mama 'yon ang laging tanong niya. Kung hindi ba nagpasaway ang mga kapatid ko o kung may ginawa ba silang kasalanan."Okay naman sila, 'Ma. Tumulong po sila sa akin dito sa bahay. Hindi po sila nagpasaway," sagot ko. Tiningnan ko pa ang dalawa kong kapatid na nakaupo sa mahabang sofa. "Mag-merienda na po muna kayo." Naghanda kasi ako ng merienda na nilagang saging na kahit hindi na bago sa amin, paborito pa rin ng lahat."Okay lang kami, anak," ani mama."Sigurado po ako pagod at gutom na kayo kaya po mag-merienda na muna kayo," pangungulit ko at sa huli'y kumain din silang dalawa."A, siyanga pala," bulalas ni Mama na parang may nalimutan at ngayon lang naalala.Tiningnan ko siya na nagtataka."Dumating kasi 'yong anak ni Donya Melissa, hiniling niya sa ak
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more
Kabanata 4
BAHAGYANG napaawang ang bibig ko nang sa wakas ay narating din ng tricycle na sinasakyan ko ang mansyon na pagtatrabahuhan ko simula sa araw na ito. Kinakabahan man ako pero kailangan ko itong gawin.Hindi ko maalis ang tingin ko sa napakagandang bahay sa harap ko. Mataas ang gate ng mansyon na may pakurabang mga disenyo. Kulay itim iyon at sa loob ay kitang-kita ang mataas at malaking mansyon. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganoon kaganda at kalaking bahay.Bumaba ako ng tricycle habang ang aking mga mata ay napako na sa magandang bahay na nasa harap ko. Tinulungan ako ni Manong tricycle driver na ibaba ang bag na dala ko. Malaki iyon na puno ng mga gamit ko na parang doon na talaga ako titira.Bumaling ako sa driver. "Salamat po, manong." Sabay nginitian ko siya.Tumango siya. Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa magarbong bahay na pagtatrabahuhan ko. Nasa labas pa lang ako pero sobrang namangha na ako sa mala-palasyong hitsura ng bahay. Nakapagpaganda pa sa tan
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more
Kabanata 5
DAHAN-DAHAN akong bumaba ng hagdan patungo sa sala para pag-usapan namin ni Donya Melissa ang magiging trabaho ko rito at kung magkano ang magiging sweldo ko. Hanggang ngayon, mangha pa rin ako sa mga nakikita ko.Nadatnan kong nakaupo si Donya Melissa sa isahang sofa habang umiinom ng kape. Napaka-elegante niyang gumalaw. Simula sa pagdampot niya sa tasa hanggang sa pag-inom niyon.Napakaganda ng mukha niya at napakaaliwas niyon. Kaya naman nababawasan ang kaba ko at napapatag ang aking loob. Napakabait ng mukha niya. Hindi ko man lang iyon makitaan ng kahit kaunting pagka-suplada."Magandang tanghali po, Donya Melissa," bungad ko sa kaniya nang tuluyan akong makalapit sa kinaroroonan niya."Have a sit," aniya at tinuro pa ang isang sofa na katapat niya.Ngumiti muli ako sa kaniya bago umupo sa tinurong sofa.Uminom muna siya ng kape bago matamang tumingin sa akin."Natutuwa ako dahil pumayag ka sa alok ko na magtrabaho rito," panimula niya habang hindi pa rin maalis ang matamis niyan
last updateLast Updated : 2022-09-29
Read more
Kabanata 6
NGAYON pa lang parang alam ko na ang kahahantungan ng buhay ko sa mansyong ito. Siguradong hindi magiging madali ang lahat para sa akin lalo na't alam kong hindi ko naman makakasundo ang pagsisilbihan ko.Sa maikling panahon na nakasama ko si Kevyn hindi na iyon naging madali. Hindi iyon naging maganda at sigurado akong magpapatuloy iyon. Ayaw niya sa akin at nagbanta siyang hindi niya hahayaang maging madali ang lahat sa akin att ngayon pa lang nararamdaman ko na iyon.Kumatok ako sa pinto ng silid ni Kevyn nang marating ko iyon. Dala ko ang tray na pinaglalagyan ng breakfast niya. Alas-diyes na nang umaga pero nakahilata pa rin ang lalaki. Hindi niya alam na lahat ng nasa mansyon gising na at nagawa na ang mga dapat gawin habang siya nakahilata pa rin.Kumatok muli ako dahil sa unang katok ko ay hindi bumukas ang pinto. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin iyon bumukas. Sunod-sunod na katok na ang ginawa ko pero wala pa ring nagbubukas niyon.Napapikit ako nang mariin para pig
last updateLast Updated : 2022-10-24
Read more
Kabanata 7
"ATE CLARA, tulungan na po kita."Lumingon sa akin si Ate Clara at agad na ngumiti. Isa si Ate Clara sa mga katulong sa bahay. Matanda siya sa akin ng mahigit pitong taon. Medyo matagal na rin siyang nanunungkulan sa pamilya Bautista.Dahil sa tapos naman na ako sa aking trabaho sa taas, naisipan kong bumaba para tumulong sa gawain dito sa baba kahit wala iyon sa responsibilidad ko. Medyo naiinip ako kapag walang ginagawa at nakatunganga lang."Hindi na, Mara, kaya ko na 'to," pagtanggi niya. "Nasaan ang alaga mo?" Habang patuloy siya sa pagwawalis sa hardin.Napakamot ako sa noo. Lahat kasi silang tatlo, laging tinatanong sa akin si Kevyn sa tuwing bumababa ako. "Nand'on po sa taas, nagkakape."Ako na lang ang dumidistansiya sa kaniya. Pakiramdam ko kasi kapag magkalapit kami parang nagbabanta ang world war III."Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo rito?" "Hindi naman po. Sanay na rin naman po kasi ako sa mga gawaing bahay.""E, sanay ka rin bang mag-alaga ng isang katulad ni Sir
last updateLast Updated : 2022-10-25
Read more
Kabanata 8
KATULAD ng inaasahan ko, hindi naging madali ang mga araw sa loob ng mansyon. Tila ba ang oras ay bahagya lamang gumagalaw o baka dahil sadyang naiinip lang ako. Sa pananatili ko dito, naging magaan naman ang lahat, maliban kay Kevyn na halos oras-oras akong inaasar at sinusungitan. Hobby na nga ata niya iyon"Are you ready?"Kunot nooo akong lumingon kay Kevyn na kasalukuyang nagkakape sa terrace habang ako ay naglilinis doon."Ready saan, Sir?""Remember weekend tomorrow. Bring me anywhere. Anywhere you want. Bahala ka."Napaisip ako at doon lumitaw ang naging pag-uusap naming dalawa sa hardin. Gusto niyang ipasyal ko siya sa Poblacion."Bakit akong bahala, Sir? Malay ko ba kung saan niyo gustong pumunta," masungit kong sabi."Malay ko ba sa mga lugar dito. Remember, I'm not living here."Napanguso ako. Kung sa bagay, hindi nga pala niya kabisado ang lugar na ito."Kung diyan ko na lang kaya kayo dalhin sa hardin, Sir malapit pa," suhestiyon ko. Ngumiti pa ako na tila nakaisip ng ma
last updateLast Updated : 2022-10-25
Read more
Kabanata 9 (Part 1)
NASAAN na ba ang mokong na 'yon? Kanina pa akong nandito sa labas ng mansyon at nag-hihintay sa kaniya. Hindi talaga marunong magpahalaga sa oras ng iba ang lalaking 'yon, napaka-self-centered na tao.Pero kahit pa paano naman ay tinupad niya ang sinabing seven o'clock ay gigising na siya. Halatang excited din sa magiging lakad naming dalawa, 'yon nga lang, napakabagal niyang kumilos."Bakit kunot na kunot na naman 'yang noo mo?" bungad ni Kevyn ng makalabas siya ng mansyon. Pinagmasdan ko ang suot niya. Nakasuot siya ng short at printed na t-shirt. Kahit ganoon ang suot niya, lumitaw pa rin ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Paano naman po kasi, kanina mo pa akong pinauna dito sa labas para hintayin ka, pero ang tagal-tagal mo. Dinaig mo pa ang dalaga kung magbihis," inis kong sabi sa pasermong tono. Sino ba namang hindi kukunot ang noo kung katulad ni Kevyn ang makakasama mo araw-araw? Pakiramdam ko nga tumanda na agad ako ng limang taon simula nang makasama ko ang lalak
last updateLast Updated : 2022-10-25
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status