Share

Kabanata 6

Author: Totoy
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

NGAYON pa lang parang alam ko na ang kahahantungan ng buhay ko sa mansyong ito. Siguradong hindi magiging madali ang lahat para sa akin lalo na't alam kong hindi ko naman makakasundo ang pagsisilbihan ko.

Sa maikling panahon na nakasama ko si Kevyn hindi na iyon naging madali. Hindi iyon naging maganda at sigurado akong magpapatuloy iyon. Ayaw niya sa akin at nagbanta siyang hindi niya hahayaang maging madali ang lahat sa akin att ngayon pa lang nararamdaman ko na iyon.

Kumatok ako sa pinto ng silid ni Kevyn nang marating ko iyon. Dala ko ang tray na pinaglalagyan ng breakfast niya. Alas-diyes na nang umaga pero nakahilata pa rin ang lalaki. Hindi niya alam na lahat ng nasa mansyon gising na at nagawa na ang mga dapat gawin habang siya nakahilata pa rin.

Kumatok muli ako dahil sa unang katok ko ay hindi bumukas ang pinto. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin iyon bumukas. Sunod-sunod na katok na ang ginawa ko pero wala pa ring nagbubukas niyon.

Napapikit ako nang mariin para pig
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 7

    "ATE CLARA, tulungan na po kita."Lumingon sa akin si Ate Clara at agad na ngumiti. Isa si Ate Clara sa mga katulong sa bahay. Matanda siya sa akin ng mahigit pitong taon. Medyo matagal na rin siyang nanunungkulan sa pamilya Bautista.Dahil sa tapos naman na ako sa aking trabaho sa taas, naisipan kong bumaba para tumulong sa gawain dito sa baba kahit wala iyon sa responsibilidad ko. Medyo naiinip ako kapag walang ginagawa at nakatunganga lang."Hindi na, Mara, kaya ko na 'to," pagtanggi niya. "Nasaan ang alaga mo?" Habang patuloy siya sa pagwawalis sa hardin.Napakamot ako sa noo. Lahat kasi silang tatlo, laging tinatanong sa akin si Kevyn sa tuwing bumababa ako. "Nand'on po sa taas, nagkakape."Ako na lang ang dumidistansiya sa kaniya. Pakiramdam ko kasi kapag magkalapit kami parang nagbabanta ang world war III."Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo rito?" "Hindi naman po. Sanay na rin naman po kasi ako sa mga gawaing bahay.""E, sanay ka rin bang mag-alaga ng isang katulad ni Sir

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 8

    KATULAD ng inaasahan ko, hindi naging madali ang mga araw sa loob ng mansyon. Tila ba ang oras ay bahagya lamang gumagalaw o baka dahil sadyang naiinip lang ako. Sa pananatili ko dito, naging magaan naman ang lahat, maliban kay Kevyn na halos oras-oras akong inaasar at sinusungitan. Hobby na nga ata niya iyon"Are you ready?"Kunot nooo akong lumingon kay Kevyn na kasalukuyang nagkakape sa terrace habang ako ay naglilinis doon."Ready saan, Sir?""Remember weekend tomorrow. Bring me anywhere. Anywhere you want. Bahala ka."Napaisip ako at doon lumitaw ang naging pag-uusap naming dalawa sa hardin. Gusto niyang ipasyal ko siya sa Poblacion."Bakit akong bahala, Sir? Malay ko ba kung saan niyo gustong pumunta," masungit kong sabi."Malay ko ba sa mga lugar dito. Remember, I'm not living here."Napanguso ako. Kung sa bagay, hindi nga pala niya kabisado ang lugar na ito."Kung diyan ko na lang kaya kayo dalhin sa hardin, Sir malapit pa," suhestiyon ko. Ngumiti pa ako na tila nakaisip ng ma

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 9 (Part 1)

    NASAAN na ba ang mokong na 'yon? Kanina pa akong nandito sa labas ng mansyon at nag-hihintay sa kaniya. Hindi talaga marunong magpahalaga sa oras ng iba ang lalaking 'yon, napaka-self-centered na tao.Pero kahit pa paano naman ay tinupad niya ang sinabing seven o'clock ay gigising na siya. Halatang excited din sa magiging lakad naming dalawa, 'yon nga lang, napakabagal niyang kumilos."Bakit kunot na kunot na naman 'yang noo mo?" bungad ni Kevyn ng makalabas siya ng mansyon. Pinagmasdan ko ang suot niya. Nakasuot siya ng short at printed na t-shirt. Kahit ganoon ang suot niya, lumitaw pa rin ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Paano naman po kasi, kanina mo pa akong pinauna dito sa labas para hintayin ka, pero ang tagal-tagal mo. Dinaig mo pa ang dalaga kung magbihis," inis kong sabi sa pasermong tono. Sino ba namang hindi kukunot ang noo kung katulad ni Kevyn ang makakasama mo araw-araw? Pakiramdam ko nga tumanda na agad ako ng limang taon simula nang makasama ko ang lalak

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 9 (Part 2)

    Naamoy ko ang mabangong hininga niya kasabay ng pabangong gamit niya na nanunuot sa ilong ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit 'di ako makagalaw. Naestatwa ako sa malapitan niyang presensiya. Parang bahagyang huminto ang pagtibok ng puso ko.Kusang pumikit ang mga mata ko nang makita ko ang dahan-dahan paglapit ng mukha niya. Kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit tila sumasang-ayon ako sa iniisip kong gagawin niya."Bakla pala, huh?" Nagmulat ako dahil sa sinabi niya. Bumungad ang nakangisi nitong mukha bago tumalikod at nag-martsa palayo.Lumitaw ang sandamakmak na hiya sa akin dahil sa nagpadala ako sa sitwasyon pero parang nadismaya rin ako na hindi iyon natuloy.Napapikit ako nang mariin, saka eksaheradang pumadyak sa lupa. Ang tanga ko dahil naging marupok ako sa simpleng aksyon ng mokong na iyon. Nakalimutan ko kung ano'ng kaya niyang gawin.Inis na tiningnan ko siya habang naglalakad siya palayo. Nginusuan ko pa siya dahil sa sobrang inis. Pinilig ko ang ulo ko par

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 10

    "ARAY!" sigaw ko ng biglang may malakas na pwersang tumama sa kanang bahagi ng mukha ko. Para akong sinuntok ng sobrang lakas dahil sa lakas ng impact niyon. Bahagya pa akong napaatras. Parang naalog ang ulo ko dahil sa malakas na pagtama ng bagay na iyon sa akin.Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit ng mukha ko dahil sa tumama roon. Gusto kong maiyak dahil sa sakit. Sinapo ko iyon."Are you okay, Mara?" narinig kong tanong ni Kevyn na ikinainis ko dahil halata namang hindi talaga siya concern.Marahas kong inalis ang kamay ko sa aking mukha at inis na humarap sa kaniya. "Sa tingin mo pagkatapos kong matamaan ng bolang ligaw na 'yon, okay lang ako?" inis kong tugon. Ngumiti ang mokong na lalong nakapagpadagdag sa inis ko. "Nagagawa mo pa talagang ngumiti, natamaan na nga ako ng bola, oh!""Ano kasing iniisip mo at hindi mo nakita 'yong bola?" natatawa pa rin niyang tanong.Ikaw. Kung pwede ko lang sanang isatinig iyon, sinabi ko na sa kaniya at sinisi siya sa nangyari. "Kasalanan mo

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 11

    MABILIS AKONG naglakad palayo kay Kevyn. Akala ko'y magtutuloy-tuloy na ang pagiging mabait nito sa akin pero nagkamali ako dahil sa maikling panahon, biglang bumalik ang dating Kevyn na kinaiinisan ko, na masungit at mayabang."Siya nga pala, Mara thank you for bringing me here. Gumaan ang pakiramdam ko."Sobrang natuwa na nga ako sa sinabi niyang iyon. Akala ko'y magpapatuloy na ang ganoong ugali ni Kevyn, na magiging malumanay na siya magsalita at magiging mabait sa akin, pero mukhang mali ako."Why don't you just admit it, Mara?" mayabang na habol niya sa akin. "Aminin mo na kasi. I know you stared at me secretly."Napapikit ako ng mariin at napahinto sa paglalakad. Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan palayo sa Blue Beach. Bakit kasi lagi na lang akong napapatitig sa mukha ng mokong na ito? Iyan tuloy, nahuli na naman niya ako na nakatitig sa kaniya habang nakatingin siya sa mga bato sa dagat. Paano kasi'y nagulat ako sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko iyon inaasahan, a

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 12

    "HINDI NA po kailangan, magta-tricycle na lang po ako papunta sa amin," agad kong tanggi ng alukin ako ni Donya Melissa na ipapahatid na lang raw niya ako sa anak niya na si Kevyn na ayaw kong mangyari dahil sisirain lang niya ang araw ko na dapat masaya ako."Sige na Mara, para mabilis kang makarating sa inyo.""Hindi na po–""No buts and excuses, Mara. Whether you like it or not, ihahatid ka ni Kevyn sa inyo." Saglit akong napayuko at palihim na sumimangot. Nag-angat ako ng tingin at pilit na ngumiti dahil kahit ano'ng sabihin ko, mukhang hindi naman papayag si Donya. Pero kapag naiisip ko na si Kevyn ang driver, parang mas gusto ko na lang na mag-tricycle.Hindi ko maunawaan ang lalaking iyon. Kahapon ay okay naman kami, 'tas kanina, sinusungitan na naman niya ako. Hindi ko maunawaan ang ugali niya. Para bang seasons na pabago-bago.Akala ko pa'y tuloy-tuloy na ang pagbabago niya dahil may ilang mga bagay na siyang naibahagi sa akin. Pero ewan ba kung bakit biglang tila pasan na ni

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 13

    "OMG! Na-miss kita, Mara. Kumusta ka na?" bungad agad ni Maica sa akin nang makapasok siya sa bahay. Agad siyang pumunta roon nang malamang umuwi ako. Sinalubong ko siya at mahigpit niya akong niyakap."Na-miss din kita, Maica." Nagtatalon pa kaming dalawa habang magkayakap. "Okay lang naman ako, ikaw, Maica? Bukod sa lalo kang tumaba ano pang balita sa 'yo?" pagbibiro ko."Grabi ka sa akin, Mara. Kasalanan ko bang masarap kumain?"Humiwalay kami sa pagkakayap at kapwa tinitigan mula ulo hanggang paa ang bawat isa. Halatang nanabik kami sa isa't isa dahil sa mga tinginan namin na parang isang taong hindi nagkita."Kung sabagay, masarap nga namang kumain. 'Yong nga lang, ikaw hindi ka marunong mag-diet," natatawa kong sabi.Ngumuso si Maica bago umupo sa kawayang sofa. "Basta food is life, ganoon." Ginalaw-galaw pa niya ang ulo. "Pero bago ang lahat, ano'ng balita? Virgin ka pa ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Maica. Hininaan lang niya ang huling mga salita pero rinig

Latest chapter

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 5

    Mara's POV"HANDA ka na ba, my loves?" tanong ko habang inaayos ko ang suot ni Kevyn na tuxedo. Ito ang araw na hinihintay niya para makakuha ng investors sa kompanya para maibangon iyon mula sa malaking pagkalugi. May presentation si Kevyn sa harap ng maraming investors at kailangan niyang ma-convince ang mga ito na mag-invets sa project nila ni Nicko.Ngumiti si Kevyn. "I'm ready, my loves. Nandito ka kaya alam kong kaya ko, you're my strength at wala akong hindi kayang gawin dahil sa iyo," seryosong aniya.Inayos ko ang necktie niya at ngumiti. "Basta kailangan mong galingan, ok? Naniniwala naman ako sa iyo na kaya mo dahil magaling at mahusay ka, alam naming lahat 'yan." Pinagpag ko pa ang balikat niya. "Palagi mong ginagawa ang best mo para sa iba at sa pagkakataong ito, gawin mo ito para sa sarili mo."Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha habang nakangiti pa rin. "Kung may babaeng investors, for sure na makukuha mo na agad sila dahil napakagwapo mo," pagbibiro ko pa.Ngumuso siya

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 4

    Mara's POVNAGULAT na lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko habang nagluluto ako nang almusal. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Kevyn sa Manila dahil sumama ako roon dahil may kailangan siyang tapusin sa kompanya."Hmm! Ang bango naman niyan, my loves," ani Kevyn.Natawa ako sa ginawa niya. "Sino'ng mabango, ako o 'yong pagkain?""Syempre...'yong pagkain," sabi niya.Sumimangot ako. "Aww! Hindi ka kakain ng umagahan—""Joke! I'm just kidding, Mara ikaw ang mabango for me, syempre." Napaigtad na lang ako nang bigla niyang paghahalikan ang leeg ko. Nakiliti ako kaya kumiling ako sa kanan at kaliwa. Hindi ko na rin napigilan ang mapatawa dahil sa ginagawa niya."Kevyn, ano ba?! T-tama na, nakikiliti ako," saway ko sa kaniya. "S-saka nagluluto ako," dahilan ko. Pilit akong lumalayo sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas dumikit ako sa kaniya."I just can't help myself but to kiss you, my loves," aniya nang huminto siya sa ginagawa. Kapagkuwa'

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 3

    Maica's POV"MARA?!" gulat kong sigaw nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich kasama si Kevyn. "Kevyn!" aniko. Mabilis kong tinakbo si Mara at niyakap siya ng mahigpit. Na-miss ko siya dahil ilang linggo rin siya nawala nang sumama siya sa Maynila para samahan doon si Kevyn. "OMG! Ikaw na ba 'yan? Parang Tatlong linggo lang nang pumunta kang Maynila, ah, bakit bigla kang gumanda?" puna ko habang sinusuri siya.Natawa si Kevyn at Mara. "Sira, ano'ng gumanda ka riyan, eh, dati pa naman akong maganda," confident niyang turan. "Hindi ba, Kevyn?" Naghanap pa siya ng kakampi.Kumibitbalikat lang si Kevyn at kunyaring tumitingin sa mga paninda.Natawa ako. "Pati nobyo mo ayaw nang maniwala sa iyo." Sumimangot si Mara. "Ayaw lang niyang aminin na nagandahan siya sa akin nang makita niya ako noon. Siya nga 'tong unang na-in love sa akin, eh," patuloy ni Mara.Tiningnan ko si Kevyn habang nakapamulsa ito. Sumilay ang ngiti sa labi nito at talaga namang gwapo ito, iyon nga lang naunahan ako

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 2

    Maica's POV"SERYOSO ka na ba talaga, Oscar, liligawan mo ako?" seryosong tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi. Katulad nga ng sinabi niya, palagi niya akong sinusundo sa trabaho dahil nag-aalala siya kapag umuuwi ako ng gabi.Kumunot ang noo niya. "Bakit sa tingin mo naglalaro lang ako? Kilala mo ako, Maica at alam mong hindi ako marunong maglaro," balik nito.Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang yumuko. Alam ko naman na hindi marunong maglaro si Oscar, palagi itong seryoso sa lahat ng bagay kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na kung ano'ng pagmamahal ang mayroon siya sa akin.Bumuga ako ng hangin. "Alam ko 'yon, Oscar kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na baka akala mo lang mahal mo ako dahil nasaktan ka kay Mara," pagtatapat niya.Huminto si Oscar at hinarap ako. "Iyon ba ang iniisip mo? Maica, makinig ka, ok? Tama ka, nasaktan ako kay Mara dahil minahal ko siya pero alam ko ang ginagawa ko at nararamdaman ko para sa iyo. Hindi kita ginagamit bi

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 1

    (Maica and Oscar Story)Maica's POV"OH! Ano'ng ginagawa mo rito, Oscar?" nagtataka kong tanong nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich habang may bitbit itong plastik na ulam ata ang laman. Bumili ba siya ng ulam?Napakamot sa noo si Oscar at bahagya siyang yumuko. "Uhm!""Anong uhm?" kunot-noo kong tanong."Uhm!" ulit niya at inabot sa akin ang hawak nito. "Binilhan na kita ng pagkain dahil pasado ala-una ng hapon pero hindi ka pa rin kumakain," nahihiya niyang sabi na hindi makatingin sa akin.Natigilan ako at tiningnan siya. Kumunot pa lalo ang aking noo. Ano'ng nakain nito ni Oscar para bilhan niya ako ng pagkain? Kanina pa ba siyang nandito at alam niyang hindi pa ako kumakain?"T-teka nga, Oscar paano mo nalamang hindi pa ako kumakain, huh?" usisa niya.Saglit na napatingin siya sa akin pero kapagkuwa'y tila naguluhan na siya kung saan babaling. Hindi na siya makatingin sa akin. "Ahm! K-kasi ano...ahm! N-namili kasi ako kanina at napatambay diyan sa labasan kaya alam kong h

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 64

    Kabanata 63Kevyn's POVTAHIMIK AKONG nakaupo sa swiver chair sa opisina ko habang nilalaro sa aking daliri ang isang lapis. Ilang linggo na ako dito sa Maynila at sobrang nami-miss ko na si Mara. Sana mapatawad niya ako at muling bigyan ng pagkakataon. Totoo lahat ng sinabi ko sa kaniya. Hinalikan ako ni Jenicka dahil nakita niya si Mara na parating. Nagalit ako kay Jenicka at muntik ko na siyang saktan. Si Mommy naman, hindi nakialam dahil kasalanan ko daw at ayusin ko daw 'tong mag-isa. Mahal na mahal ko si Mara at masakit sa akin na mawala siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman 'to.Pero malapit ko na siyang makitang muli. Babalik ako at muling hihingi ng tawad. Akala ko kaya ko siyang iwan at hayaan na lang pero hindi ko kaya. Mahirap at labis akong nasasaktan. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Siya ang nasa isip ko habang binabangon ang kompanyang para sa kinabukasan naming dalawa. Gagawin ko ang lahat para muli ko siyang makuha."Kevyn, pumayag

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 63

    DALAWANG LINGGO na ang lumipas simula ng tuluyan akong iwan ni Kevyn. Sa dalawang linggong 'yon, umasa akong makikita ko siya sa harap ng bahay na nakangiti. Na maririnig ko siyang kumakatok. Umaasa akong pagbukas ko ng pinto, mabubungaran ko ang gwapo niyang mukha na nanabik sa akin. Pero umasa lang ako at hindi 'yon nangyari. Halos araw-araw akong umiiyak at parang hindi nauubos ang mga luha ko.Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na tanda kung kailan ako huling lumabas ng silid kong ito. Palagi lang akong nandito. Para akong may sakit na inaalagaan na lang. Wala kasi akong ganang gumalaw at tumayo. Masyado pang masakit. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si Kevyn at hindi na babalik pa."Ate, kailangan mong lumabas, may naghahanap sa'yo."Napalingon ako kay Melay. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Para ring mahalaga ang taong naghahanap sa akin dahil bakas ang gulat sa mukha niya. Agad akong napatayo. Baka si Kevyn ang nandiyan. Baka babalikan na niy

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 62

    NAGISING AKO mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pumikit muli ako kasabay nang aking pag-inat. Bumungad sa akin ang madilim na paligid. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang bigat ng pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Bumaba ako ng katre at sinuot ang tsinelas. Nadatnan ko sila Mama na kasalukuyang nag-aayos ng hapag."Mabuti naman at nagising ka na. Hali ka na't kumain," ani Mama ng makita akong papalit sa hapag."Okay ka lang ba, anak? Sabi ng mga kapatid mo umuwi ka daw na umiiyak kanina. May nangyari ba?" usisa naman ni Papa. Biglang naalala ko ang tagpo namin ni Kevyn sa bukid kanina, kung saan tinapos niya ang lahat. Kung saan hinayaan ko siyang umalis kahit ayaw ko.Yumuko ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nandiyan na naman ang labis na sakit at lungkot. "Ma, Pa, akala ko magiging masaya na ako kapag tinigilan na ako ni Kevyn. Akala ko magiging okay na ako, pero hindi. Mas lalo akong nasasaktan." Hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala. Gusto ko ring

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 61

    TAHIMIK kong pinagmamasdan ang berdeng bundok kung nasaan ako. Yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko na animo'y niyayakap ako niyon at nagbibigay sa akin ng comfort. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto na rin ako sa parang na ito. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Baka mabaliw lang din ako sa bahay kung mananatili na lang ako roon.Bumaling ako kay Happy Tree. Dito sa lugar na 'to nag-umpisa ang lahat. Dito ko siya unang nakita. Sobrang sungit niya no'n. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga tagpo namin noon. Dito rin niya inamin na mahal niya ako at mahal ko siya. Maraming alaalang nabuo sa lugar na ito na alam kong nakaukit na sa puso at isip ko. Aminin ko man o hindi, nami-miss ko si Kevyn at gusto ko pa rin siyang makita. Hindi ko magawang kalimutan siya at hindi ko rin magawang alisin sa isip ko ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Sobrang hirap niyang kalimutan."Mara!"Napailing ako. Bakit ba naririnig ko na naman

DMCA.com Protection Status