"ARAY!" sigaw ko ng biglang may malakas na pwersang tumama sa kanang bahagi ng mukha ko. Para akong sinuntok ng sobrang lakas dahil sa lakas ng impact niyon. Bahagya pa akong napaatras. Parang naalog ang ulo ko dahil sa malakas na pagtama ng bagay na iyon sa akin.Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit ng mukha ko dahil sa tumama roon. Gusto kong maiyak dahil sa sakit. Sinapo ko iyon."Are you okay, Mara?" narinig kong tanong ni Kevyn na ikinainis ko dahil halata namang hindi talaga siya concern.Marahas kong inalis ang kamay ko sa aking mukha at inis na humarap sa kaniya. "Sa tingin mo pagkatapos kong matamaan ng bolang ligaw na 'yon, okay lang ako?" inis kong tugon. Ngumiti ang mokong na lalong nakapagpadagdag sa inis ko. "Nagagawa mo pa talagang ngumiti, natamaan na nga ako ng bola, oh!""Ano kasing iniisip mo at hindi mo nakita 'yong bola?" natatawa pa rin niyang tanong.Ikaw. Kung pwede ko lang sanang isatinig iyon, sinabi ko na sa kaniya at sinisi siya sa nangyari. "Kasalanan mo
MABILIS AKONG naglakad palayo kay Kevyn. Akala ko'y magtutuloy-tuloy na ang pagiging mabait nito sa akin pero nagkamali ako dahil sa maikling panahon, biglang bumalik ang dating Kevyn na kinaiinisan ko, na masungit at mayabang."Siya nga pala, Mara thank you for bringing me here. Gumaan ang pakiramdam ko."Sobrang natuwa na nga ako sa sinabi niyang iyon. Akala ko'y magpapatuloy na ang ganoong ugali ni Kevyn, na magiging malumanay na siya magsalita at magiging mabait sa akin, pero mukhang mali ako."Why don't you just admit it, Mara?" mayabang na habol niya sa akin. "Aminin mo na kasi. I know you stared at me secretly."Napapikit ako ng mariin at napahinto sa paglalakad. Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan palayo sa Blue Beach. Bakit kasi lagi na lang akong napapatitig sa mukha ng mokong na ito? Iyan tuloy, nahuli na naman niya ako na nakatitig sa kaniya habang nakatingin siya sa mga bato sa dagat. Paano kasi'y nagulat ako sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko iyon inaasahan, a
"HINDI NA po kailangan, magta-tricycle na lang po ako papunta sa amin," agad kong tanggi ng alukin ako ni Donya Melissa na ipapahatid na lang raw niya ako sa anak niya na si Kevyn na ayaw kong mangyari dahil sisirain lang niya ang araw ko na dapat masaya ako."Sige na Mara, para mabilis kang makarating sa inyo.""Hindi na po–""No buts and excuses, Mara. Whether you like it or not, ihahatid ka ni Kevyn sa inyo." Saglit akong napayuko at palihim na sumimangot. Nag-angat ako ng tingin at pilit na ngumiti dahil kahit ano'ng sabihin ko, mukhang hindi naman papayag si Donya. Pero kapag naiisip ko na si Kevyn ang driver, parang mas gusto ko na lang na mag-tricycle.Hindi ko maunawaan ang lalaking iyon. Kahapon ay okay naman kami, 'tas kanina, sinusungitan na naman niya ako. Hindi ko maunawaan ang ugali niya. Para bang seasons na pabago-bago.Akala ko pa'y tuloy-tuloy na ang pagbabago niya dahil may ilang mga bagay na siyang naibahagi sa akin. Pero ewan ba kung bakit biglang tila pasan na ni
"OMG! Na-miss kita, Mara. Kumusta ka na?" bungad agad ni Maica sa akin nang makapasok siya sa bahay. Agad siyang pumunta roon nang malamang umuwi ako. Sinalubong ko siya at mahigpit niya akong niyakap."Na-miss din kita, Maica." Nagtatalon pa kaming dalawa habang magkayakap. "Okay lang naman ako, ikaw, Maica? Bukod sa lalo kang tumaba ano pang balita sa 'yo?" pagbibiro ko."Grabi ka sa akin, Mara. Kasalanan ko bang masarap kumain?"Humiwalay kami sa pagkakayap at kapwa tinitigan mula ulo hanggang paa ang bawat isa. Halatang nanabik kami sa isa't isa dahil sa mga tinginan namin na parang isang taong hindi nagkita."Kung sabagay, masarap nga namang kumain. 'Yong nga lang, ikaw hindi ka marunong mag-diet," natatawa kong sabi.Ngumuso si Maica bago umupo sa kawayang sofa. "Basta food is life, ganoon." Ginalaw-galaw pa niya ang ulo. "Pero bago ang lahat, ano'ng balita? Virgin ka pa ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Maica. Hininaan lang niya ang huling mga salita pero rinig
NAKUSOT KO ang aking mga mata ng tumama roon ang sikat ng araw. Uminat ako at nagmulat ng tuluyan nang mapagtantong umaga na. Nanliliit pa ang mga mata ko pero kapagkuwa'y ngumiti ako ng masilayan ang sarili kong silid. Mas masarap pa rin ang naging tulog ko kahit wala ako sa malambot at malaking kama. Napagtanto kong wala nang mas hihigit pa sa himbing ng tulog ko kapag narito ako, kapag malapit ako sa pamilya ko. Nanatili ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang walang pagbabagong silid namin ni Melanie. Naroon pa rin ang ilang mga larawan, maliit na table, at dalawang cabinet. Hindi magara pero mas komportable ako sa silid na ito."Nandito na ang sundo mo." Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ni Mama. Napakunot noo ako. Sundo ko? Ibig bang sabihin pinasundo ako ni Donya Melissa? Mabilis akong bumaba ng katre at lumabas ng silid.Nakalimutan kong ngayong araw nga pala ang balik ko sa mansyon dahil sa masyadong pananabik ko sa bahay at sa pamilya ko."Pakisabi po, 'Ma
"SIR KEVYN," sigaw ko kasabay ng pagkatatok sa pintuan ng silid niya. Gusto ko ng gumamit ng mega mic para sakaling magising na siya sa mahimbing na pagkakatulog. Ilang beses na ba akong kumatok? Napairap na lang ako sa kawalan at napabuga ng hangin."Sir Kevyn, nandito na po 'yong breakfast niyo," muli kong sabi, umaasang sa pagkakataong iyong ay magbubukas na ang pinto ngunit hindi pa rin iyon nangyari. Napapikit ako ng mariin. "Kahit kailan talaga ang lalaking 'yon, wala–""May sinasabi ka ba, Mara?"Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bumukas ang pinto at nagsalita si Kevyn pero hindi dahil doon kung 'di dahil sa nakikita ko ngayon sa aking harap. Naka-topless lang siya, messy hair at may butil ng mga tubig sa kaniyang katawan indikasyon na kaliligo lang nito. Kulang na lang ay maibagsak ko ang hawak kong tray dahil sa nakikita ko. Nakakatuyo ng lalamunan."Gotcha! You staring at me again, Mara," aniya. Nakahalukipkip siya habang nakatingin lang sa akin. "Akala ko ba'y walang da
PUMIKIT ako ng bahagya at kinusot ang aking mga mata. Medyo nakaramdam kasi ako ng uhaw at kailangan kong mapunan iyon. Madilim ang palaigid at sa tantiya ko'y halos alas-dose na ng hatinggabi. Bumaba ako ng kama. Sinuot ko ang tsinelas at tinungo ang pinto. Pinihit ko 'yon para buksan, saka lumabas ng silid ko kahit bahagyang madilim sa labas. Napahikab pa ako bago pumihit at naglakad patungo sa hagdan. Nang makarating ako sa kusina, madilim doon at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw, hindi sapat para maliwanagan ang buong bahagi ng kusina.Naglakad ako patungo sa switch ng ilaw, madilim ang bahagi iyon. Hindi pa man ako nakakarating, napahinto ako ng may mga yabag akong narinig. Utay-utay akong nakadama ng takot sa kung sino iyon. Nakiramdam ako. Mayamaya pa'y nawala ang mga yabag. Halos hindi ako makagalaw, natatakot ako. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at dahan-dahang humakbang palapit sa switch. Pero nang malapit na ako roon, narinig ko ang yapag palapit sa ak
"GOOD MORNING, Ate Mil," masigla kong bati sa kaniya nang madatnan ko siya sa kusina habang naglilinis doon.Tumigil siya sa ginagawa. "Good morning, Mara bakit parang ang sigla ng hitsura mo ngayon? Mukhang ang ganda nang gising mo, ah?" nakangiti niyang komento.Napangiti ako sa kaniya. Lumabi ako. "Hindi naman po, Ate Mil," tanggi ko. Hindi ko nga alam kung bakit pagmulat ng mga mata ko, nakaramdam ako ng sigla at pagkapayapa."Nanaginip ka ba ng maganda, Mara?" Bumaling naman ako kay Ate Clara na sinusuri ako. "Wala naman po," sabi ko."Linggo kasi bukas, Ate Clara kaya syempre excited si Mara na umuwi sa kanila," sabat naman ni Andrea na nasa tabi ni Ate Clara, may hawak na bimpo.Biglang lalong nabuhay ang sistema ko sa narinig ko. Sa totoo lang kasi, hindi ko alam na linggo na bukas. "Linggo na ba bukas?" hindi makapaniwalang tanong ko.Tumingin lang sila sa aking tatlo na nagtataka. Nagtinginan pa ang mga ito."Good morning."Nawala ang pokus namin sa isa't isa nang marinig n
Mara's POV"HANDA ka na ba, my loves?" tanong ko habang inaayos ko ang suot ni Kevyn na tuxedo. Ito ang araw na hinihintay niya para makakuha ng investors sa kompanya para maibangon iyon mula sa malaking pagkalugi. May presentation si Kevyn sa harap ng maraming investors at kailangan niyang ma-convince ang mga ito na mag-invets sa project nila ni Nicko.Ngumiti si Kevyn. "I'm ready, my loves. Nandito ka kaya alam kong kaya ko, you're my strength at wala akong hindi kayang gawin dahil sa iyo," seryosong aniya.Inayos ko ang necktie niya at ngumiti. "Basta kailangan mong galingan, ok? Naniniwala naman ako sa iyo na kaya mo dahil magaling at mahusay ka, alam naming lahat 'yan." Pinagpag ko pa ang balikat niya. "Palagi mong ginagawa ang best mo para sa iba at sa pagkakataong ito, gawin mo ito para sa sarili mo."Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha habang nakangiti pa rin. "Kung may babaeng investors, for sure na makukuha mo na agad sila dahil napakagwapo mo," pagbibiro ko pa.Ngumuso siya
Mara's POVNAGULAT na lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko habang nagluluto ako nang almusal. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Kevyn sa Manila dahil sumama ako roon dahil may kailangan siyang tapusin sa kompanya."Hmm! Ang bango naman niyan, my loves," ani Kevyn.Natawa ako sa ginawa niya. "Sino'ng mabango, ako o 'yong pagkain?""Syempre...'yong pagkain," sabi niya.Sumimangot ako. "Aww! Hindi ka kakain ng umagahan—""Joke! I'm just kidding, Mara ikaw ang mabango for me, syempre." Napaigtad na lang ako nang bigla niyang paghahalikan ang leeg ko. Nakiliti ako kaya kumiling ako sa kanan at kaliwa. Hindi ko na rin napigilan ang mapatawa dahil sa ginagawa niya."Kevyn, ano ba?! T-tama na, nakikiliti ako," saway ko sa kaniya. "S-saka nagluluto ako," dahilan ko. Pilit akong lumalayo sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas dumikit ako sa kaniya."I just can't help myself but to kiss you, my loves," aniya nang huminto siya sa ginagawa. Kapagkuwa'
Maica's POV"MARA?!" gulat kong sigaw nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich kasama si Kevyn. "Kevyn!" aniko. Mabilis kong tinakbo si Mara at niyakap siya ng mahigpit. Na-miss ko siya dahil ilang linggo rin siya nawala nang sumama siya sa Maynila para samahan doon si Kevyn. "OMG! Ikaw na ba 'yan? Parang Tatlong linggo lang nang pumunta kang Maynila, ah, bakit bigla kang gumanda?" puna ko habang sinusuri siya.Natawa si Kevyn at Mara. "Sira, ano'ng gumanda ka riyan, eh, dati pa naman akong maganda," confident niyang turan. "Hindi ba, Kevyn?" Naghanap pa siya ng kakampi.Kumibitbalikat lang si Kevyn at kunyaring tumitingin sa mga paninda.Natawa ako. "Pati nobyo mo ayaw nang maniwala sa iyo." Sumimangot si Mara. "Ayaw lang niyang aminin na nagandahan siya sa akin nang makita niya ako noon. Siya nga 'tong unang na-in love sa akin, eh," patuloy ni Mara.Tiningnan ko si Kevyn habang nakapamulsa ito. Sumilay ang ngiti sa labi nito at talaga namang gwapo ito, iyon nga lang naunahan ako
Maica's POV"SERYOSO ka na ba talaga, Oscar, liligawan mo ako?" seryosong tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi. Katulad nga ng sinabi niya, palagi niya akong sinusundo sa trabaho dahil nag-aalala siya kapag umuuwi ako ng gabi.Kumunot ang noo niya. "Bakit sa tingin mo naglalaro lang ako? Kilala mo ako, Maica at alam mong hindi ako marunong maglaro," balik nito.Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang yumuko. Alam ko naman na hindi marunong maglaro si Oscar, palagi itong seryoso sa lahat ng bagay kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na kung ano'ng pagmamahal ang mayroon siya sa akin.Bumuga ako ng hangin. "Alam ko 'yon, Oscar kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na baka akala mo lang mahal mo ako dahil nasaktan ka kay Mara," pagtatapat niya.Huminto si Oscar at hinarap ako. "Iyon ba ang iniisip mo? Maica, makinig ka, ok? Tama ka, nasaktan ako kay Mara dahil minahal ko siya pero alam ko ang ginagawa ko at nararamdaman ko para sa iyo. Hindi kita ginagamit bi
(Maica and Oscar Story)Maica's POV"OH! Ano'ng ginagawa mo rito, Oscar?" nagtataka kong tanong nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich habang may bitbit itong plastik na ulam ata ang laman. Bumili ba siya ng ulam?Napakamot sa noo si Oscar at bahagya siyang yumuko. "Uhm!""Anong uhm?" kunot-noo kong tanong."Uhm!" ulit niya at inabot sa akin ang hawak nito. "Binilhan na kita ng pagkain dahil pasado ala-una ng hapon pero hindi ka pa rin kumakain," nahihiya niyang sabi na hindi makatingin sa akin.Natigilan ako at tiningnan siya. Kumunot pa lalo ang aking noo. Ano'ng nakain nito ni Oscar para bilhan niya ako ng pagkain? Kanina pa ba siyang nandito at alam niyang hindi pa ako kumakain?"T-teka nga, Oscar paano mo nalamang hindi pa ako kumakain, huh?" usisa niya.Saglit na napatingin siya sa akin pero kapagkuwa'y tila naguluhan na siya kung saan babaling. Hindi na siya makatingin sa akin. "Ahm! K-kasi ano...ahm! N-namili kasi ako kanina at napatambay diyan sa labasan kaya alam kong h
Kabanata 63Kevyn's POVTAHIMIK AKONG nakaupo sa swiver chair sa opisina ko habang nilalaro sa aking daliri ang isang lapis. Ilang linggo na ako dito sa Maynila at sobrang nami-miss ko na si Mara. Sana mapatawad niya ako at muling bigyan ng pagkakataon. Totoo lahat ng sinabi ko sa kaniya. Hinalikan ako ni Jenicka dahil nakita niya si Mara na parating. Nagalit ako kay Jenicka at muntik ko na siyang saktan. Si Mommy naman, hindi nakialam dahil kasalanan ko daw at ayusin ko daw 'tong mag-isa. Mahal na mahal ko si Mara at masakit sa akin na mawala siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman 'to.Pero malapit ko na siyang makitang muli. Babalik ako at muling hihingi ng tawad. Akala ko kaya ko siyang iwan at hayaan na lang pero hindi ko kaya. Mahirap at labis akong nasasaktan. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Siya ang nasa isip ko habang binabangon ang kompanyang para sa kinabukasan naming dalawa. Gagawin ko ang lahat para muli ko siyang makuha."Kevyn, pumayag
DALAWANG LINGGO na ang lumipas simula ng tuluyan akong iwan ni Kevyn. Sa dalawang linggong 'yon, umasa akong makikita ko siya sa harap ng bahay na nakangiti. Na maririnig ko siyang kumakatok. Umaasa akong pagbukas ko ng pinto, mabubungaran ko ang gwapo niyang mukha na nanabik sa akin. Pero umasa lang ako at hindi 'yon nangyari. Halos araw-araw akong umiiyak at parang hindi nauubos ang mga luha ko.Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na tanda kung kailan ako huling lumabas ng silid kong ito. Palagi lang akong nandito. Para akong may sakit na inaalagaan na lang. Wala kasi akong ganang gumalaw at tumayo. Masyado pang masakit. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si Kevyn at hindi na babalik pa."Ate, kailangan mong lumabas, may naghahanap sa'yo."Napalingon ako kay Melay. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Para ring mahalaga ang taong naghahanap sa akin dahil bakas ang gulat sa mukha niya. Agad akong napatayo. Baka si Kevyn ang nandiyan. Baka babalikan na niy
NAGISING AKO mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pumikit muli ako kasabay nang aking pag-inat. Bumungad sa akin ang madilim na paligid. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang bigat ng pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Bumaba ako ng katre at sinuot ang tsinelas. Nadatnan ko sila Mama na kasalukuyang nag-aayos ng hapag."Mabuti naman at nagising ka na. Hali ka na't kumain," ani Mama ng makita akong papalit sa hapag."Okay ka lang ba, anak? Sabi ng mga kapatid mo umuwi ka daw na umiiyak kanina. May nangyari ba?" usisa naman ni Papa. Biglang naalala ko ang tagpo namin ni Kevyn sa bukid kanina, kung saan tinapos niya ang lahat. Kung saan hinayaan ko siyang umalis kahit ayaw ko.Yumuko ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nandiyan na naman ang labis na sakit at lungkot. "Ma, Pa, akala ko magiging masaya na ako kapag tinigilan na ako ni Kevyn. Akala ko magiging okay na ako, pero hindi. Mas lalo akong nasasaktan." Hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala. Gusto ko ring
TAHIMIK kong pinagmamasdan ang berdeng bundok kung nasaan ako. Yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko na animo'y niyayakap ako niyon at nagbibigay sa akin ng comfort. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto na rin ako sa parang na ito. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Baka mabaliw lang din ako sa bahay kung mananatili na lang ako roon.Bumaling ako kay Happy Tree. Dito sa lugar na 'to nag-umpisa ang lahat. Dito ko siya unang nakita. Sobrang sungit niya no'n. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga tagpo namin noon. Dito rin niya inamin na mahal niya ako at mahal ko siya. Maraming alaalang nabuo sa lugar na ito na alam kong nakaukit na sa puso at isip ko. Aminin ko man o hindi, nami-miss ko si Kevyn at gusto ko pa rin siyang makita. Hindi ko magawang kalimutan siya at hindi ko rin magawang alisin sa isip ko ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Sobrang hirap niyang kalimutan."Mara!"Napailing ako. Bakit ba naririnig ko na naman