Share

Kabanata 17

Author: Totoy
last update Huling Na-update: 2022-10-26 17:40:45

"GOOD MORNING, Ate Mil," masigla kong bati sa kaniya nang madatnan ko siya sa kusina habang naglilinis doon.

Tumigil siya sa ginagawa. "Good morning, Mara bakit parang ang sigla ng hitsura mo ngayon? Mukhang ang ganda nang gising mo, ah?" nakangiti niyang komento.

Napangiti ako sa kaniya. Lumabi ako. "Hindi naman po, Ate Mil," tanggi ko. Hindi ko nga alam kung bakit pagmulat ng mga mata ko, nakaramdam ako ng sigla at pagkapayapa.

"Nanaginip ka ba ng maganda, Mara?"

Bumaling naman ako kay Ate Clara na sinusuri ako. "Wala naman po," sabi ko.

"Linggo kasi bukas, Ate Clara kaya syempre excited si Mara na umuwi sa kanila," sabat naman ni Andrea na nasa tabi ni Ate Clara, may hawak na bimpo.

Biglang lalong nabuhay ang sistema ko sa narinig ko. Sa totoo lang kasi, hindi ko alam na linggo na bukas. "Linggo na ba bukas?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumingin lang sila sa aking tatlo na nagtataka. Nagtinginan pa ang mga ito.

"Good morning."

Nawala ang pokus namin sa isa't isa nang marinig n
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 18

    DAHIL LINGGO nandito ako ngayon sa bahay para umuwi katulad nang napag-usapan namin ni Donya Melissa. Katulad noong una ,si Kevyn ang naghatid sa akin patungo rito kahit parang labag naman iyon sa loob niya, marahil napilitan lang siya kasi nga utos iyon ng Donya Hindi ko na siya hinayaang pumasok pa sa bahay dahil baka hindi na siya pauwiin ni Melay."Ate naman eh, dapat pinatuloy mo na si Kevyn dito," reklamo ni Melay habang parang batang nagpapadyak. Paano kasi'y gustong-gusto niyang papasukin ko si Kevyn sa loob ng bahay, para daw makausap man lang niya."Melay, para kang sira. Nakakahiya do'n sa tao, naabala ko pa nga siya kasi hindi naman siya obligadong ihatid ako," paliwanag ko at bumaling kay Mama at Papa na nakatayo sa likod ko."Ma, Pa, nababaliw na 'tong anak n'yo. Parang sira!" sumbong ko sa kanila at muling bumaling kay Melay na busangot na busangot ang mukha."Melay, tama na 'yang kadramahan mong 'yan," saway ni Mama at pinanliitan ng mata si Melay."Tsaka, baka busy '

    Huling Na-update : 2022-10-27
  • I'm His Personal Maid    Kabanata 19

    KATULAD ng usapan, lunes ng umaga ay agad akong sinundo pero hindi ko naman inasahang si Kevyn ang susundo sa akin. Nakakapagtaka pero malamang, utos iyon ng Donya.Tahimik akong bumaba sa kotse niya ng marating namin ang mansyon. Nakakarindi na nga ang katahimikan naming dalawa, simula pa ng sunduin niya ako. Ayaw niyang magsalita kaya hindi rin ako nagsalita dahil alam kong hindi naman niya gustong makipag-usap sa akin.Iniwan ko na siya at naglakad na ako papasok ng mansyon. Tutal, magpaparada pa naman siya ng kotse niya, saka hindi naman kami ok para hintayin ko pa siya.Pagbukas ng main door ay tumambad sa akin si Donya Melissa. Ang lawak nang ngiti nito habang nakatingin sa akin."Hello po, Donya Melissa, kumusta po?" agad kong bati at ngumiti."Maigi naman at napaaga ka ata ngayon o baka si Kevyn ang napaaga ata ngayon?" May pagkapilya sa tanong na iyon nang Donya.Alangan na lang akong ngumiti at lumingon sa kinaroroonan ni Kevyn."Hindi ko rin po alam," sabi ko.Tiningnan lan

    Huling Na-update : 2022-10-27
  • I'm His Personal Maid    Kabanata 20

    "WOW!" reaction ko nang tumambad sa akin ang farm na pag-aari ng pamilya ni Kevyn.Katulad nga ng sinabi niya, pumunta kami dito sa farm dahil gusto niya, marahil gusto niyang mamasyal dahil hindi namans siya lumaki rito. Napakaaga nga niyang nagising kanina dahil siguro, excited din siyang makita ang lugar."Ang sarap sa mata ng paligid," manghang sabi ko habang nililibot ang paningin sa kabuoan ng farm na kinaroroonan namin. Malawak ang lugar at kitang-kita doon ang hile-lilerang puno ng lansones at sa kabila ay puno naman ng mga rambutan. Nakakaaliw pagmasdan ang organisadong pagkakatanim niyon. Hitik na hitik rin sa bunga ang bawat punong nakatanim doon. Nasa ilalim ng mga puno ang maramimg trabahador ng mga Bautista at marahil isa doon ang Papa ko at si Oscar."Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito sa farm." Lumingon ako kay Kevyn, seryoso lang nitong pinagmamasdan ang malawak na lugar. I was thirteen when the last time na makatapak ako dito at ngayon na lang ulit naulit iyon."

    Huling Na-update : 2022-10-27
  • I'm His Personal Maid    Kabanata 21

    "OH, Sir, nandito pala kayo? Ang aga n'yo atang magising?" bungad ko kay Kevyn nang dumating siya sa kusina na halatang kagigising lang.Seryoso niya lang akong tiningnan at umiwas ng tingin. "Maagang nagmulat ang mata ko, eh, kaya napaaga ako ng gising."Alangan akong ngumiti sa kaniya at umiwas ng tingin. "Sir, s-sorry po wala pang breakfast. Wala pa po kasing stock na pagkain sa ref., eh! Namamalengke pa lang po sila Ate Mil," pagtatapat ko na kinakabahan dahil baka magalit siya."Okay lang 'di naman ako nagugutom." Tatalikod na sana siya para tumungo sa refrigerator pero pumihit ulit siya paharap sa akin. "Hindi ba't sabi ko, 'wag mo na akong i-po!"Napaangat ako ng tingin kay Kevyn ulo. Biglang pumostora ang alangang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang sinabi niya no'ng nasa farm kami."Sorry po—" natutup ko ang bibig ko dahil sa muling pagbigkas ko ng 'po'."Nakakadalawa ka na Mara," sabi niya at pumostorang nag-iisip. "Dahil sinuway mo ako..." mas lalo akong kinabahan sa pwede

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • I'm His Personal Maid    Kabanata 22

    KEVYN'S POV"BRO, kamusta? Ilang araw ka ring 'di nagpakita ah," bungad ni Jerick— Isa sa mga naging kaibigan ko rito sa Poblacion. Anak siya ni Patty Louis, ang mayor nang lugar na ito. Nagkakilala kami sa isang maliit na bar na nasa bayan ng Poblacion.Umupo ako sa sofa na katapat niya at bahagyang ngumiti. Ipinatong ko ang dalawang siko ko sa tuhod ko."Busy lang nang konti," sabi ko at sumimangot kasabay ng pagkibit-balikat ko."Kamusta na? Darating sila Ynez mamaya," sabi nito.Darating din pala si Ynez at I'm sure kasama na naman niya ang mga kaibigan niya. Masyado silang magaslaw at hindi ko sila gusto.Alam kong pinsan ni Ynez si Mara, ngunit hindi halata dahil napakalaki ng pinagkaiba nilang dalawa. Hindi ko maintindihan si Ynez, napakagaslaw niya habang si Mara, simple at hindi ito magaslaw."I'm doing great," maikling sagot ko at lumingon sa paligid. Malaki ang bahay nila Jerick, halatang lahat ng kagamitan doon ay lubhang mahal at hindi naman na nakakapagtaka iyon."Oh! Ke

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • I'm His Personal Maid    Kabanata 23 (Part 1)

    Mara's POV"NANDITO NA pala kayo," bungad ko kay Kevyn nang nakapasok na ito sa mansyon. Simula kaninang umaga pa kasi itong wala at hindi ko naman alam kong saan siya nagpunta.Bahagya lang niya akong tiningnan at naglakad patungo sa salas. Sumunod ako sa kaniya. Hinubad niya ang jacket na suot at inabot niya iyon sa akin habang naglalakad. Kinuha ko iyon at isinampay sa braso ko."May problema ba?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ko kasi parang may problema siya dahil ang tahimik niya.Umupo siya sa sofa habang nakatayo lang ako sa tabi niya."Coffee?" alok ko habang sinisipat ang itsura ni Kevyn. Nahihirapan pa rin ako na hindi mag-po at tawagin siyang Sir. Ang hirap. Amo ko kasi siya at nararapat lang na tawagin ko siya ng ganoon pero ayaw naman niya at natatakot akong suwayin siya."No, thanks," malamig nitong sabi habang nakadwi-kwatro. "Mara!" usal nito sa pangalan ko habang nakatingin sa akin "Po?" agad kong pakli at huli na para bawiin ko ang sinabi ko pero

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • I'm His Personal Maid    Kabanata 23 (Part 2)

    Party ni Jerick? Seryoso ba siya, isasama niya ako doon? Anak ng Mayor si Jerick at siguradong mayayaman lang ang imbitado at hindi ako bagay sa ganoong mga party."Ahm...a-ano kasi..." Kumamot ako sa batok ko, saka alangang tumingin sa kaniya. "Hindi pa kasi ako nakakapunta sa kahit na anong party, eh. Hindi ako sanay, saka 'di ako bagay sa gano'ng klase nang party," nahihiya kong sabi at binigyan ko siya nang alangang ngiti. "Iba na lang ang isama mo kasi hindi bagay sa isang katulad ko ang pumunta roon bilang kasama mo." Bakas ang lungkot doon."Hay! Ano ka ba Mara, okay lang 'yon. Kasama mo naman ako kaya 'wag kang mag-alala, akong bahala sa 'yo." Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.Napasimangot na lang ako at kumamot uli sa batok ko. "K-kasi ano...b-baka mapahiya ka lang do'n Sir, nang dahil sa akin," giit ko habang kunot ang aking noo."Alam kong hindi ako mapapahiya do'n dahil sa 'yo. Alam ko namang disente ka kumilos at hindi ka gagawa nang bagay na ikapapahiya ko." Para

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • I'm His Personal Maid    Kabanata 24

    Kevyn's POVILANG MINUTO na akong nag-hihintay dito sa salas sa paglabas ni Mara mula sa kwarto niya. Medyo nakadama ako ng inip dahil kanina pa siyang nandoon. Ayos lang ba siya?Ano kaya ang magiging itsura niya?Iniisip ko pa lang ang magiging ayos niya, natatawa na ako. Sigurado akong maiilang siya dahil sa make-up at sa magiging suot niya. Halata naman kasi sa itsura niya na hindi siya sanay sa ganoong mga transformation. Nailing siya dahil napangiti na pala siya sa kakaisip sa magiging kilos ni Mara.Dahil alam ni Mommy na isasama ko si Mara sa party, siya na ang nag-asikaso ng lahat. Siya na ang kumuha ng mag-me-make-up kay Mara at naghanap ng masusuot niya. Mukha anak nito si Mara kung makapaghanda.Kiniskis ko ang dalawang palad ko tsaka tumingin sa hagdan. Nagbabakasakali na nandoon na si Mara. Hindi ko maiwasang ma-excite sa kung anong itsura niya mamaya. Hindi na ako mapakali sa inuupuan ko.Noong inaya ko siyang sumama sa akin sa party, may kakaiba akong naramdaman. Lalo

    Huling Na-update : 2022-11-03

Pinakabagong kabanata

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 5

    Mara's POV"HANDA ka na ba, my loves?" tanong ko habang inaayos ko ang suot ni Kevyn na tuxedo. Ito ang araw na hinihintay niya para makakuha ng investors sa kompanya para maibangon iyon mula sa malaking pagkalugi. May presentation si Kevyn sa harap ng maraming investors at kailangan niyang ma-convince ang mga ito na mag-invets sa project nila ni Nicko.Ngumiti si Kevyn. "I'm ready, my loves. Nandito ka kaya alam kong kaya ko, you're my strength at wala akong hindi kayang gawin dahil sa iyo," seryosong aniya.Inayos ko ang necktie niya at ngumiti. "Basta kailangan mong galingan, ok? Naniniwala naman ako sa iyo na kaya mo dahil magaling at mahusay ka, alam naming lahat 'yan." Pinagpag ko pa ang balikat niya. "Palagi mong ginagawa ang best mo para sa iba at sa pagkakataong ito, gawin mo ito para sa sarili mo."Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha habang nakangiti pa rin. "Kung may babaeng investors, for sure na makukuha mo na agad sila dahil napakagwapo mo," pagbibiro ko pa.Ngumuso siya

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 4

    Mara's POVNAGULAT na lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko habang nagluluto ako nang almusal. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Kevyn sa Manila dahil sumama ako roon dahil may kailangan siyang tapusin sa kompanya."Hmm! Ang bango naman niyan, my loves," ani Kevyn.Natawa ako sa ginawa niya. "Sino'ng mabango, ako o 'yong pagkain?""Syempre...'yong pagkain," sabi niya.Sumimangot ako. "Aww! Hindi ka kakain ng umagahan—""Joke! I'm just kidding, Mara ikaw ang mabango for me, syempre." Napaigtad na lang ako nang bigla niyang paghahalikan ang leeg ko. Nakiliti ako kaya kumiling ako sa kanan at kaliwa. Hindi ko na rin napigilan ang mapatawa dahil sa ginagawa niya."Kevyn, ano ba?! T-tama na, nakikiliti ako," saway ko sa kaniya. "S-saka nagluluto ako," dahilan ko. Pilit akong lumalayo sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas dumikit ako sa kaniya."I just can't help myself but to kiss you, my loves," aniya nang huminto siya sa ginagawa. Kapagkuwa'

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 3

    Maica's POV"MARA?!" gulat kong sigaw nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich kasama si Kevyn. "Kevyn!" aniko. Mabilis kong tinakbo si Mara at niyakap siya ng mahigpit. Na-miss ko siya dahil ilang linggo rin siya nawala nang sumama siya sa Maynila para samahan doon si Kevyn. "OMG! Ikaw na ba 'yan? Parang Tatlong linggo lang nang pumunta kang Maynila, ah, bakit bigla kang gumanda?" puna ko habang sinusuri siya.Natawa si Kevyn at Mara. "Sira, ano'ng gumanda ka riyan, eh, dati pa naman akong maganda," confident niyang turan. "Hindi ba, Kevyn?" Naghanap pa siya ng kakampi.Kumibitbalikat lang si Kevyn at kunyaring tumitingin sa mga paninda.Natawa ako. "Pati nobyo mo ayaw nang maniwala sa iyo." Sumimangot si Mara. "Ayaw lang niyang aminin na nagandahan siya sa akin nang makita niya ako noon. Siya nga 'tong unang na-in love sa akin, eh," patuloy ni Mara.Tiningnan ko si Kevyn habang nakapamulsa ito. Sumilay ang ngiti sa labi nito at talaga namang gwapo ito, iyon nga lang naunahan ako

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 2

    Maica's POV"SERYOSO ka na ba talaga, Oscar, liligawan mo ako?" seryosong tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi. Katulad nga ng sinabi niya, palagi niya akong sinusundo sa trabaho dahil nag-aalala siya kapag umuuwi ako ng gabi.Kumunot ang noo niya. "Bakit sa tingin mo naglalaro lang ako? Kilala mo ako, Maica at alam mong hindi ako marunong maglaro," balik nito.Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang yumuko. Alam ko naman na hindi marunong maglaro si Oscar, palagi itong seryoso sa lahat ng bagay kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na kung ano'ng pagmamahal ang mayroon siya sa akin.Bumuga ako ng hangin. "Alam ko 'yon, Oscar kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na baka akala mo lang mahal mo ako dahil nasaktan ka kay Mara," pagtatapat niya.Huminto si Oscar at hinarap ako. "Iyon ba ang iniisip mo? Maica, makinig ka, ok? Tama ka, nasaktan ako kay Mara dahil minahal ko siya pero alam ko ang ginagawa ko at nararamdaman ko para sa iyo. Hindi kita ginagamit bi

  • I'm His Personal Maid    Special Chapter 1

    (Maica and Oscar Story)Maica's POV"OH! Ano'ng ginagawa mo rito, Oscar?" nagtataka kong tanong nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich habang may bitbit itong plastik na ulam ata ang laman. Bumili ba siya ng ulam?Napakamot sa noo si Oscar at bahagya siyang yumuko. "Uhm!""Anong uhm?" kunot-noo kong tanong."Uhm!" ulit niya at inabot sa akin ang hawak nito. "Binilhan na kita ng pagkain dahil pasado ala-una ng hapon pero hindi ka pa rin kumakain," nahihiya niyang sabi na hindi makatingin sa akin.Natigilan ako at tiningnan siya. Kumunot pa lalo ang aking noo. Ano'ng nakain nito ni Oscar para bilhan niya ako ng pagkain? Kanina pa ba siyang nandito at alam niyang hindi pa ako kumakain?"T-teka nga, Oscar paano mo nalamang hindi pa ako kumakain, huh?" usisa niya.Saglit na napatingin siya sa akin pero kapagkuwa'y tila naguluhan na siya kung saan babaling. Hindi na siya makatingin sa akin. "Ahm! K-kasi ano...ahm! N-namili kasi ako kanina at napatambay diyan sa labasan kaya alam kong h

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 64

    Kabanata 63Kevyn's POVTAHIMIK AKONG nakaupo sa swiver chair sa opisina ko habang nilalaro sa aking daliri ang isang lapis. Ilang linggo na ako dito sa Maynila at sobrang nami-miss ko na si Mara. Sana mapatawad niya ako at muling bigyan ng pagkakataon. Totoo lahat ng sinabi ko sa kaniya. Hinalikan ako ni Jenicka dahil nakita niya si Mara na parating. Nagalit ako kay Jenicka at muntik ko na siyang saktan. Si Mommy naman, hindi nakialam dahil kasalanan ko daw at ayusin ko daw 'tong mag-isa. Mahal na mahal ko si Mara at masakit sa akin na mawala siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman 'to.Pero malapit ko na siyang makitang muli. Babalik ako at muling hihingi ng tawad. Akala ko kaya ko siyang iwan at hayaan na lang pero hindi ko kaya. Mahirap at labis akong nasasaktan. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Siya ang nasa isip ko habang binabangon ang kompanyang para sa kinabukasan naming dalawa. Gagawin ko ang lahat para muli ko siyang makuha."Kevyn, pumayag

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 63

    DALAWANG LINGGO na ang lumipas simula ng tuluyan akong iwan ni Kevyn. Sa dalawang linggong 'yon, umasa akong makikita ko siya sa harap ng bahay na nakangiti. Na maririnig ko siyang kumakatok. Umaasa akong pagbukas ko ng pinto, mabubungaran ko ang gwapo niyang mukha na nanabik sa akin. Pero umasa lang ako at hindi 'yon nangyari. Halos araw-araw akong umiiyak at parang hindi nauubos ang mga luha ko.Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na tanda kung kailan ako huling lumabas ng silid kong ito. Palagi lang akong nandito. Para akong may sakit na inaalagaan na lang. Wala kasi akong ganang gumalaw at tumayo. Masyado pang masakit. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si Kevyn at hindi na babalik pa."Ate, kailangan mong lumabas, may naghahanap sa'yo."Napalingon ako kay Melay. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Para ring mahalaga ang taong naghahanap sa akin dahil bakas ang gulat sa mukha niya. Agad akong napatayo. Baka si Kevyn ang nandiyan. Baka babalikan na niy

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 62

    NAGISING AKO mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pumikit muli ako kasabay nang aking pag-inat. Bumungad sa akin ang madilim na paligid. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang bigat ng pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Bumaba ako ng katre at sinuot ang tsinelas. Nadatnan ko sila Mama na kasalukuyang nag-aayos ng hapag."Mabuti naman at nagising ka na. Hali ka na't kumain," ani Mama ng makita akong papalit sa hapag."Okay ka lang ba, anak? Sabi ng mga kapatid mo umuwi ka daw na umiiyak kanina. May nangyari ba?" usisa naman ni Papa. Biglang naalala ko ang tagpo namin ni Kevyn sa bukid kanina, kung saan tinapos niya ang lahat. Kung saan hinayaan ko siyang umalis kahit ayaw ko.Yumuko ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nandiyan na naman ang labis na sakit at lungkot. "Ma, Pa, akala ko magiging masaya na ako kapag tinigilan na ako ni Kevyn. Akala ko magiging okay na ako, pero hindi. Mas lalo akong nasasaktan." Hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala. Gusto ko ring

  • I'm His Personal Maid    Kabanata 61

    TAHIMIK kong pinagmamasdan ang berdeng bundok kung nasaan ako. Yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko na animo'y niyayakap ako niyon at nagbibigay sa akin ng comfort. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto na rin ako sa parang na ito. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Baka mabaliw lang din ako sa bahay kung mananatili na lang ako roon.Bumaling ako kay Happy Tree. Dito sa lugar na 'to nag-umpisa ang lahat. Dito ko siya unang nakita. Sobrang sungit niya no'n. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga tagpo namin noon. Dito rin niya inamin na mahal niya ako at mahal ko siya. Maraming alaalang nabuo sa lugar na ito na alam kong nakaukit na sa puso at isip ko. Aminin ko man o hindi, nami-miss ko si Kevyn at gusto ko pa rin siyang makita. Hindi ko magawang kalimutan siya at hindi ko rin magawang alisin sa isip ko ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Sobrang hirap niyang kalimutan."Mara!"Napailing ako. Bakit ba naririnig ko na naman

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status