MAINGAY, mainit, at hindi kaaya-ayang amoy ang bumabalot sa kapaligiran na kinaroroonan ko na sa paglipas ng bawat araw ay nakasanayan ko na rin. Ganito naman talaga maide-describe ang palengke na nagsisilbing mall para sa amin na nasa maliit na bayan at hindi sibilisado.
"Magkano 'to, Ale?" tanong ng matandang babae habang nakatingin sa pangbatang mga damit.
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya ng Ale sa akin. "Ah, alin po?" magalang ko pa ring tanong sa kaniya kahit gusto kong sabihin sa kaniya na bata pa ako para tawaging Ale.
Lumingon siya sa akin at nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya. Marahil ngayon lang niya nakitang hindi naman pala karapat-dapat na tawaging Ale ang tinderang gaya ko.
"Pasensiya ka na Ineng, hindi kita nakita akala ko kasi ikaw pa rin 'yong dating tindera dito," paliwanag ng babae.
Nginitian ko siya para ipahiwatig na okay lang sa akin. Naiintindihan ko naman dahil hindi naman talaga ako regular sa tindahan na ito ni Ate Mich. Weekend lang ako kaya madalang akong makasalamuha ng ibang mga customers.
Bale sideline ko lang ang pagtitindera upang kahit pa paano ay makatulong sa pinansiyal na pangangailangan ng pamilya namin. Maraming nag-aalok sa akin na subukan ko raw magtrabaho sa Maynila dahil siguradong malaki ang magiging sahod ko roon pero hindi ako pumayag. Isa pa, hindi rin pabor doon sila Mama at Papa. Kat'wiran nila, kaya pa naman nila kaming pakainin.
"Magkano 'to Ine–"
"Mara na lang po, 'Nay," putol ko sa sasabihin niya. Ayaw kong tawagin akong Ineng dahil dalaga na ako para roon. Twenty-Three years old na ako at hindi na akma ang tawag na iyon para sa akin.
Tiningnan ko ang mga damit na gusto niya para ikompirma ang presyo niyon. "Fifty pesos po 'yan, 'Nay."
Kumuha siya ng dalawang damit na pang-baby at dalawang short. Kinuha ko iyon at isinilid sa plastik. Iniabot niya ang bayad na five hundred pesos at sinuklian ko iyon.
"Salamat po, 'Nay," magiliw kong saad at ngumiti siya bago ako tinalikuran.
"Ale ka na pala ngayon?" Sinundan iyon ng pagtawa.
Napalingon ako at nakita ko si Maica na tumatawa. Narinig pala niya ang sinabi ng matandang babaeng sa akin.
Inirapan ko siya at tiningnan ng masama. "Akala mo ako lang, hindi ba't tinawag ka na rin minsan na manang ng isang customer?" balik ko sa kaniya na natatawa dahil totoo iyon.
Napaseryoso siya. "Naalala mo pa 'yon? Nakakainis ka!" aniya at nilapitan ako.
Matagal ko ng kaibigan si Maica. Medyo mataba siya pero may maputi at makinis na balat na hindi mo mapagkakamalang laking probinsiya siya.
Natawa ako. "Hindi ko kaya makakalimutan 'yon. Ang saya kaya no'n."
"Anong masaya ka riyan?" Inisnaban niya ako at humalukipkip pa siya.
–
LAYLAY ang balikat ko nang umupo sa bakanteng upuan na naroon sa gilid ng tindahan. Pinunasan ko ang pawis na nasa noo ko gamit ang kamay ko. Nakakapagod ding magsalita ng magsalita at magbigay ng magbigay ng iba't ibang items sa mga mamimili lalo na't maraming customers.
Tanghali na, kaya naman medyo humupa na ang mga costumers na bumibili at ang iba ay tamang tanong lang naman.
"Maica, ikaw muna dito. Bibili lang ako ng burger diyan sa kabilang kalsada. Damay na rin kita," saad ko at ngumiti sa kanya. Lumawak naman ang pagkakangiti niya nang marinig na idadamay ko siya sa pagbili. "Hindi ko sinabing libre Maica, idadamay lang kita sa pagbili," natatawa kong sabi at inilahad ang aking kamay.
Napawi ang kaninang masayang ngiti ni Maica at napalitan ng pagkadismya. "Kuripot ka talaga Mara kahit kailan," nakasimangot na wika niya habang dumudukot ng pera sa bulsa niya. Nang madukot niya ang pera ay inilagay niya iyon sa palad ko.
"Aba! Tinitipid ko nga ang sarili ko, tapos ililibre pa kita?"
Nakasimangot na tumingin sa akin si Maica. "Sige, sige."
"Ilang burger?" tanong ko. Sigurado ako hindi lang isa ang bibilhin niya. Hobby na niya ang pagkain at masaya siya roon.
"Tatlo...tsaka isang soft drink."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Kaya ka tumataba, eh, ang takaw mo," usal ko at tinikwasan siya ng nguso.
"Pakialam mo, masarap kumain, eh." Sabay nag-pout pa siya.
Inikutan ko na lang siya ng mga mata at naglakad na patungo sa kabilang kalsada kung saan naroon ang isang burger house.
"Ate, apat na burger nga po, saka dalawang soft drinks," sabi ko nang makarating sa maliit na burger house na pag-aari ni aling Asing.
"Dami naman ng binibili mo, Mara," nakangiting komento ni aling Asing.
"Hindi naman po akin lahat 'yan," tanggi ko naman, saka ngumiti.
Kilala na ako ni aling Asing dahil palagi akong bumibili ng burger sa kaniya. Paborito ko kasi ang burger niya.
Ilang saglit pa akong naghintay at natapos na rin niyang ihanda ang burger. Iniabot ko ang bayad.
"Salamat, Mara," ani aling Asing at iniabot sa akin ang sukli.
Ngumiti ako at naglakad na. Ngunit nang nasa gitna na ako ng kalsada, napahinto ako dahil sa malakas na businang narinig ko na halos ikabingi ko. Nabitawan ko ang dala kong pagkain kasabay ng pagsigaw ko. Mariin akong napapikit dahil alam kong malapit na sa akin ang sasakyang bumusina.
Ramdam ko ang paninigas ng aking buong katawan. Hinihintay ko na lang na tumama sa katawan ko ang sasakyan pero wala akong naramdaman na bumangga sa akin.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakaawang ang aking bibig dahil sa gulat at kaba.
"A-anong n-nangyri?" kinakabahan kong tanong. Nanginginig ang mga tuhod ko na tila bibigay na dahil sa pagsalakay ng boltaheng kaba sa akin.
Napapitlag ako ng marinig muli ang pagbusena ng kotse. Iniangat ko ang aking tingin at tumambad sa akin ang itim na kotse na sa tingin ko'y may tatlong dangkal na lang ang layo sa akin. Hindi pa rin ako makaalis sa pagkakagulat. Sino ba naman ang hindi magugulat ng todo sa ganitong eksena?
"Thanks God!" tanging nasambit ko dahil sa napagtanto kong hindi pa ako patay at hindi naman ako nabangga. Napangiti pa ako dahil sa relief na aking nadama. Pero agad din iyong napawi nang maalala ko ang kotseng nasa harap ko na muntik nang bumangga sa akin.
Muling bumusina ang kotse. Huminga ako ng malalim. Hindi ko iyon pinansin, galit na tinungo ko ang gilid ng magarang kotse. "Hoy, buksan mo 'to," galit kong sabi habang kinakatok ang bintana ng kotse.
Dahan-dahan iyong bumukas at tumambad sa akin ang isang anghel, este isang gwapong lalaki. Naka-shade siya pero agad naagaw ang atensyon ko ng matangos at mapulang labi niya.
Mara, may kasalanan siya sa'yo, agad na pagtutol ng bahagi ng utak ko.
Pinilig ko ang aking ulo at tiningnan ng masama ang lalaking nasa harap ko. "I-ikaw, hindi ka ba marunong tumingin sa kalsadang dinaraanan mo? May Pa-shade-shades ka pa kasing nalalaman. Paano kong nabangga mo ako? Paano na ang pamilya ko? Marami akong mahal sa buhay at malulungkot ang mga 'yon kapag namatay ako. Marunong ka ba talagang magmaneho? O pinagpa-practice-san mo lang ang kalyeng ito?" sunod-sunod bulyaw ko sa lalaking nasa loob ng kotse.
Nakahawak ang isa niyang kamay sa manobela habang ang isa ay nakapatong sa bintana ng kotse.
"Nasayang tuloy 'yong binili kong pagkain. Ano? Tutunganga ka na lang? Hindi ka ba magso-sorry?" Hinampas ko pa ang kotse niya ng isa kong kamay.
Iginalaw niya ang isang kamay para gamiting pangtanggal sa suot na salamin. Napalunok ako ng makita ang kabuuan ng mukha ng lalaking nasa kotse. Siya na yata ang pinakagwapong lalaking nakita ko sa tanang buhay ko. Hindi ko man aminin pero namangha ako sa halos perpekto niyang mukha.
"H-hindi ka man lang ba magso-sorry?" sabi ko uli at agad bumawi ng tingin sa kaniya. Sinaway ko ang sarili ko.
Mara, gwapo lang siya pero muntik kana niyang patayin.
Pilit kong kinakalma ang aking sarili dahil sa kakaibang dating ng lalaki iyon sa akin.
"Hindi," matigas niyang sabi at tinitigan lang ako na parang nagsasabing 'bakit ako magso-sorry?'
"Aba! Hoy lalaki...i-ikaw 'tong may kasalanan tapos ikaw pa 'tong mayabang," bulalas ko. Nawala ang pagkamangha ko sa gwapo niyang mukha. Wala akong pakialam kung mag-iskandalo ako dito sa kalsada basta ipaglalaban ko ang panig ko.
Ngumisi lang siya na ikinabwesit ko. Para bang kahit anong sabihin ko hindi siya magso-sorry. Lalong kumulo ang dugo ko nang isarado niya ang bintana ng kotse. Marahan niya iyong pinaandar.
Kinagat ko ang labi ko dahil sa sobrang inis. Pakiramdam ko umakyat na sa utak ko ang lahat ng dugo ko.
Mabilis kong hinubad ang pares ng tsinelas ko at agad iyong binato sa kotseng papalayo. Magkasunod na tumama iyon sa likod ng magarang kotse ng antipatikong lalaki.
"Nakakainis!" Matalim na binalingan ko ang lugar kung saan dumaan ang kotse ng lalaki. Bumuga ako ng hangin.
Padabog akong naglakad palapit sa tsinelas ko at nang makuha ko iyon ay agad kong sinuot.
Napagtanto kong nasa akin pala ang atensyon ng maraming tao na naroon. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginawa ko. Yumuko na lang ako at umalis na roon. Naabala rin pati ang ibang mga sasakyan na dumadaan.
"Bwesit talaga! Siya pa ang matapang. E, siya nga 'tong muntik na akong mapatay!"
Lumapit sa akin si Maica. "Sayang 'yong burger ko," sabay pout ni Maica.
Burger pa talaga ang inuna nitong si Maica hindi man lang ako kumustahin kung okay lang ba ako.
"Tsk! Burger pa talaga inalala mo, 'no?"
"Hindi na kasi kita kailangang tanungin kung okay ka dahil alam ko na ang sagot doon. Tingnan mo nga 'yang mukha mo, kahit magaling na magpipinta 'di na maipipinta 'yan." Tumawa ang loka. "Pero sino kaya 'yon? Halatang mamahalin ang kotse niya. Siguro bago lang siya sa Poblacion."
"Hindi ako interesado sa kaniya o kung saang planeta siya nagmula. Ang kapal niyang hindi man lang mag-sorry sa ginawa niya. Porket gwapo siya hindi na siya magso-sorry, ganoon?"
"Ibig sabihin gwapo siya?" manghang tanong ni Maica na gumuhit agad ang pagka-interesado sa mukha.
Hindi ko sinagot si Maica. Tinungo ko ang upuan na nasa gilid. Nawala tuloy ang gutom ko dahil sa bwesit na lalaking 'yon.
"Ha!" Napalingon ako kay Ate Mitch. Ginaya pa ang tono ng pagsigaw ko. "Tapang mo kanina, ah. Probinsyanang-probinsyana ang dati mo," nakangiti pa niyang dagdag.
"Akala ko talaga, katapusan na ng buhay ko, ate Mich," pagsusumbong ko sa kaniya.
"Tingin-tingin din kasi minsan sa magkabilang dulo ng kalsada," aniya.
Napasimangot na lang ako at hindi na nagsalita pa.
–
"HEY, MARA!"
Lumingon ako nang marinig ko ang maarteng boses na iyon. At hindi nga ako nagkamali, nakita ko ang pigura ni Ynez. Ang pinsan kong ubod ng ganda't puti. Kapatid ni Papa ang Mama niya kaya naman pinsang-buo ko siya. Kababata ko rin si Ynez at sobrang close namin...dati.
"Bakit?" Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na nililipad ng hangin.
"Pwede sumabay?" Bitbit niya ang mamahaling bag, nakasuot ng dress, at naka-heels pa. Marahil nagliwaliw na naman siya kasama ang mga itinuturing niyang mga kauri niya.
"Oo naman," pagsang-ayon ko.
"Thank you, my dear cousin." Matamis pa siyang ngumiti sa akin.
"Tapos na ba ang trabaho mo sa palengke?" mayamaya'y tanong niya
Malamang kasi pauwi na ako, ngali-ngali ko sanang isagot sa kaniya. Hindi ko pa rin maalis at mapigilan ang inis at galit na nararamdaman ko sa kaniya. Nagsimula lang naman iyon noong umalis siya patungong Maynila at tila nakalimot na.
"Oo, ikaw saan ka galing?" balik kong tanong. Ang bagal-bagal maglakad ni Ynez. Isang taon lang siyang nawala sa probinsya pero kung umasta parang hindi siya lumaki sa bukid na ito.
"Kila bessy Rachelle at Caila," proud na proud niyang banggit sa mga kaibigan.
Tumango lang ako.
"Mara, nabalitaan mo na?" mayamaya'y tanong niya.
"Ang alin?" kunot-noo kong tanong na hindi man lang lumingon sa kanya.
"Darating daw ang anak na lalaki ni Donya Melissa," sambit niya na halata ang pagka-excited. Tila kinilig pa.
Kilala sa buong bayan si Donya Melissa dahil ito ang nagmamay-ari ng malaking lupain sa buong Quezon at ang ilan doon ay ang sinasaka nila Papa at ng pamilya ni Oscar.
"Bakit? Anong meron sa anak ni Donya Melissa?" inosente kong tanong. Hindi nagpakita ng interes.
"KJ mo, Mara. Galing Maynila ang anak ni Donya Melissa and I'm pretty sure he's super handsome," aniya na halata ang pagkakilig dahil sa isiping gwapo ang anak ng mga Bautista.
"Okay, sabi mo, eh," tanging sambit ko. Wari ko'y nakasimangot na naman si Ynez sa likod ko dahil sa naging reaksiyon ko sa balita niya. E, hindi talaga ako interesado eh.
"MANO po," salubong ko kay Mama at Papa na kadarating lang galing sa trabaho. Nagsipagmano rin ang dalawa ko pang kapatid."Kumusta ang mga kapatid mo?" tanong ni Mama nang makaupo siya sa sofa na gawa sa kawayan. Tuwing umuuwi si Mama 'yon ang laging tanong niya. Kung hindi ba nagpasaway ang mga kapatid ko o kung may ginawa ba silang kasalanan."Okay naman sila, 'Ma. Tumulong po sila sa akin dito sa bahay. Hindi po sila nagpasaway," sagot ko. Tiningnan ko pa ang dalawa kong kapatid na nakaupo sa mahabang sofa. "Mag-merienda na po muna kayo." Naghanda kasi ako ng merienda na nilagang saging na kahit hindi na bago sa amin, paborito pa rin ng lahat."Okay lang kami, anak," ani mama."Sigurado po ako pagod at gutom na kayo kaya po mag-merienda na muna kayo," pangungulit ko at sa huli'y kumain din silang dalawa."A, siyanga pala," bulalas ni Mama na parang may nalimutan at ngayon lang naalala.Tiningnan ko siya na nagtataka."Dumating kasi 'yong anak ni Donya Melissa, hiniling niya sa ak
BAHAGYANG napaawang ang bibig ko nang sa wakas ay narating din ng tricycle na sinasakyan ko ang mansyon na pagtatrabahuhan ko simula sa araw na ito. Kinakabahan man ako pero kailangan ko itong gawin.Hindi ko maalis ang tingin ko sa napakagandang bahay sa harap ko. Mataas ang gate ng mansyon na may pakurabang mga disenyo. Kulay itim iyon at sa loob ay kitang-kita ang mataas at malaking mansyon. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganoon kaganda at kalaking bahay.Bumaba ako ng tricycle habang ang aking mga mata ay napako na sa magandang bahay na nasa harap ko. Tinulungan ako ni Manong tricycle driver na ibaba ang bag na dala ko. Malaki iyon na puno ng mga gamit ko na parang doon na talaga ako titira.Bumaling ako sa driver. "Salamat po, manong." Sabay nginitian ko siya.Tumango siya. Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa magarbong bahay na pagtatrabahuhan ko. Nasa labas pa lang ako pero sobrang namangha na ako sa mala-palasyong hitsura ng bahay. Nakapagpaganda pa sa tan
DAHAN-DAHAN akong bumaba ng hagdan patungo sa sala para pag-usapan namin ni Donya Melissa ang magiging trabaho ko rito at kung magkano ang magiging sweldo ko. Hanggang ngayon, mangha pa rin ako sa mga nakikita ko.Nadatnan kong nakaupo si Donya Melissa sa isahang sofa habang umiinom ng kape. Napaka-elegante niyang gumalaw. Simula sa pagdampot niya sa tasa hanggang sa pag-inom niyon.Napakaganda ng mukha niya at napakaaliwas niyon. Kaya naman nababawasan ang kaba ko at napapatag ang aking loob. Napakabait ng mukha niya. Hindi ko man lang iyon makitaan ng kahit kaunting pagka-suplada."Magandang tanghali po, Donya Melissa," bungad ko sa kaniya nang tuluyan akong makalapit sa kinaroroonan niya."Have a sit," aniya at tinuro pa ang isang sofa na katapat niya.Ngumiti muli ako sa kaniya bago umupo sa tinurong sofa.Uminom muna siya ng kape bago matamang tumingin sa akin."Natutuwa ako dahil pumayag ka sa alok ko na magtrabaho rito," panimula niya habang hindi pa rin maalis ang matamis niyan
NGAYON pa lang parang alam ko na ang kahahantungan ng buhay ko sa mansyong ito. Siguradong hindi magiging madali ang lahat para sa akin lalo na't alam kong hindi ko naman makakasundo ang pagsisilbihan ko.Sa maikling panahon na nakasama ko si Kevyn hindi na iyon naging madali. Hindi iyon naging maganda at sigurado akong magpapatuloy iyon. Ayaw niya sa akin at nagbanta siyang hindi niya hahayaang maging madali ang lahat sa akin att ngayon pa lang nararamdaman ko na iyon.Kumatok ako sa pinto ng silid ni Kevyn nang marating ko iyon. Dala ko ang tray na pinaglalagyan ng breakfast niya. Alas-diyes na nang umaga pero nakahilata pa rin ang lalaki. Hindi niya alam na lahat ng nasa mansyon gising na at nagawa na ang mga dapat gawin habang siya nakahilata pa rin.Kumatok muli ako dahil sa unang katok ko ay hindi bumukas ang pinto. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin iyon bumukas. Sunod-sunod na katok na ang ginawa ko pero wala pa ring nagbubukas niyon.Napapikit ako nang mariin para pig
"ATE CLARA, tulungan na po kita."Lumingon sa akin si Ate Clara at agad na ngumiti. Isa si Ate Clara sa mga katulong sa bahay. Matanda siya sa akin ng mahigit pitong taon. Medyo matagal na rin siyang nanunungkulan sa pamilya Bautista.Dahil sa tapos naman na ako sa aking trabaho sa taas, naisipan kong bumaba para tumulong sa gawain dito sa baba kahit wala iyon sa responsibilidad ko. Medyo naiinip ako kapag walang ginagawa at nakatunganga lang."Hindi na, Mara, kaya ko na 'to," pagtanggi niya. "Nasaan ang alaga mo?" Habang patuloy siya sa pagwawalis sa hardin.Napakamot ako sa noo. Lahat kasi silang tatlo, laging tinatanong sa akin si Kevyn sa tuwing bumababa ako. "Nand'on po sa taas, nagkakape."Ako na lang ang dumidistansiya sa kaniya. Pakiramdam ko kasi kapag magkalapit kami parang nagbabanta ang world war III."Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho mo rito?" "Hindi naman po. Sanay na rin naman po kasi ako sa mga gawaing bahay.""E, sanay ka rin bang mag-alaga ng isang katulad ni Sir
KATULAD ng inaasahan ko, hindi naging madali ang mga araw sa loob ng mansyon. Tila ba ang oras ay bahagya lamang gumagalaw o baka dahil sadyang naiinip lang ako. Sa pananatili ko dito, naging magaan naman ang lahat, maliban kay Kevyn na halos oras-oras akong inaasar at sinusungitan. Hobby na nga ata niya iyon"Are you ready?"Kunot nooo akong lumingon kay Kevyn na kasalukuyang nagkakape sa terrace habang ako ay naglilinis doon."Ready saan, Sir?""Remember weekend tomorrow. Bring me anywhere. Anywhere you want. Bahala ka."Napaisip ako at doon lumitaw ang naging pag-uusap naming dalawa sa hardin. Gusto niyang ipasyal ko siya sa Poblacion."Bakit akong bahala, Sir? Malay ko ba kung saan niyo gustong pumunta," masungit kong sabi."Malay ko ba sa mga lugar dito. Remember, I'm not living here."Napanguso ako. Kung sa bagay, hindi nga pala niya kabisado ang lugar na ito."Kung diyan ko na lang kaya kayo dalhin sa hardin, Sir malapit pa," suhestiyon ko. Ngumiti pa ako na tila nakaisip ng ma
NASAAN na ba ang mokong na 'yon? Kanina pa akong nandito sa labas ng mansyon at nag-hihintay sa kaniya. Hindi talaga marunong magpahalaga sa oras ng iba ang lalaking 'yon, napaka-self-centered na tao.Pero kahit pa paano naman ay tinupad niya ang sinabing seven o'clock ay gigising na siya. Halatang excited din sa magiging lakad naming dalawa, 'yon nga lang, napakabagal niyang kumilos."Bakit kunot na kunot na naman 'yang noo mo?" bungad ni Kevyn ng makalabas siya ng mansyon. Pinagmasdan ko ang suot niya. Nakasuot siya ng short at printed na t-shirt. Kahit ganoon ang suot niya, lumitaw pa rin ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. "Paano naman po kasi, kanina mo pa akong pinauna dito sa labas para hintayin ka, pero ang tagal-tagal mo. Dinaig mo pa ang dalaga kung magbihis," inis kong sabi sa pasermong tono. Sino ba namang hindi kukunot ang noo kung katulad ni Kevyn ang makakasama mo araw-araw? Pakiramdam ko nga tumanda na agad ako ng limang taon simula nang makasama ko ang lalak
Naamoy ko ang mabangong hininga niya kasabay ng pabangong gamit niya na nanunuot sa ilong ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit 'di ako makagalaw. Naestatwa ako sa malapitan niyang presensiya. Parang bahagyang huminto ang pagtibok ng puso ko.Kusang pumikit ang mga mata ko nang makita ko ang dahan-dahan paglapit ng mukha niya. Kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit tila sumasang-ayon ako sa iniisip kong gagawin niya."Bakla pala, huh?" Nagmulat ako dahil sa sinabi niya. Bumungad ang nakangisi nitong mukha bago tumalikod at nag-martsa palayo.Lumitaw ang sandamakmak na hiya sa akin dahil sa nagpadala ako sa sitwasyon pero parang nadismaya rin ako na hindi iyon natuloy.Napapikit ako nang mariin, saka eksaheradang pumadyak sa lupa. Ang tanga ko dahil naging marupok ako sa simpleng aksyon ng mokong na iyon. Nakalimutan ko kung ano'ng kaya niyang gawin.Inis na tiningnan ko siya habang naglalakad siya palayo. Nginusuan ko pa siya dahil sa sobrang inis. Pinilig ko ang ulo ko par
Mara's POV"HANDA ka na ba, my loves?" tanong ko habang inaayos ko ang suot ni Kevyn na tuxedo. Ito ang araw na hinihintay niya para makakuha ng investors sa kompanya para maibangon iyon mula sa malaking pagkalugi. May presentation si Kevyn sa harap ng maraming investors at kailangan niyang ma-convince ang mga ito na mag-invets sa project nila ni Nicko.Ngumiti si Kevyn. "I'm ready, my loves. Nandito ka kaya alam kong kaya ko, you're my strength at wala akong hindi kayang gawin dahil sa iyo," seryosong aniya.Inayos ko ang necktie niya at ngumiti. "Basta kailangan mong galingan, ok? Naniniwala naman ako sa iyo na kaya mo dahil magaling at mahusay ka, alam naming lahat 'yan." Pinagpag ko pa ang balikat niya. "Palagi mong ginagawa ang best mo para sa iba at sa pagkakataong ito, gawin mo ito para sa sarili mo."Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha habang nakangiti pa rin. "Kung may babaeng investors, for sure na makukuha mo na agad sila dahil napakagwapo mo," pagbibiro ko pa.Ngumuso siya
Mara's POVNAGULAT na lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa likod ko habang nagluluto ako nang almusal. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Kevyn sa Manila dahil sumama ako roon dahil may kailangan siyang tapusin sa kompanya."Hmm! Ang bango naman niyan, my loves," ani Kevyn.Natawa ako sa ginawa niya. "Sino'ng mabango, ako o 'yong pagkain?""Syempre...'yong pagkain," sabi niya.Sumimangot ako. "Aww! Hindi ka kakain ng umagahan—""Joke! I'm just kidding, Mara ikaw ang mabango for me, syempre." Napaigtad na lang ako nang bigla niyang paghahalikan ang leeg ko. Nakiliti ako kaya kumiling ako sa kanan at kaliwa. Hindi ko na rin napigilan ang mapatawa dahil sa ginagawa niya."Kevyn, ano ba?! T-tama na, nakikiliti ako," saway ko sa kaniya. "S-saka nagluluto ako," dahilan ko. Pilit akong lumalayo sa kaniya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas dumikit ako sa kaniya."I just can't help myself but to kiss you, my loves," aniya nang huminto siya sa ginagawa. Kapagkuwa'
Maica's POV"MARA?!" gulat kong sigaw nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich kasama si Kevyn. "Kevyn!" aniko. Mabilis kong tinakbo si Mara at niyakap siya ng mahigpit. Na-miss ko siya dahil ilang linggo rin siya nawala nang sumama siya sa Maynila para samahan doon si Kevyn. "OMG! Ikaw na ba 'yan? Parang Tatlong linggo lang nang pumunta kang Maynila, ah, bakit bigla kang gumanda?" puna ko habang sinusuri siya.Natawa si Kevyn at Mara. "Sira, ano'ng gumanda ka riyan, eh, dati pa naman akong maganda," confident niyang turan. "Hindi ba, Kevyn?" Naghanap pa siya ng kakampi.Kumibitbalikat lang si Kevyn at kunyaring tumitingin sa mga paninda.Natawa ako. "Pati nobyo mo ayaw nang maniwala sa iyo." Sumimangot si Mara. "Ayaw lang niyang aminin na nagandahan siya sa akin nang makita niya ako noon. Siya nga 'tong unang na-in love sa akin, eh," patuloy ni Mara.Tiningnan ko si Kevyn habang nakapamulsa ito. Sumilay ang ngiti sa labi nito at talaga namang gwapo ito, iyon nga lang naunahan ako
Maica's POV"SERYOSO ka na ba talaga, Oscar, liligawan mo ako?" seryosong tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami pauwi. Katulad nga ng sinabi niya, palagi niya akong sinusundo sa trabaho dahil nag-aalala siya kapag umuuwi ako ng gabi.Kumunot ang noo niya. "Bakit sa tingin mo naglalaro lang ako? Kilala mo ako, Maica at alam mong hindi ako marunong maglaro," balik nito.Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang yumuko. Alam ko naman na hindi marunong maglaro si Oscar, palagi itong seryoso sa lahat ng bagay kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na kung ano'ng pagmamahal ang mayroon siya sa akin.Bumuga ako ng hangin. "Alam ko 'yon, Oscar kaya lang hindi ko maiwasang hindi mag-isip na baka akala mo lang mahal mo ako dahil nasaktan ka kay Mara," pagtatapat niya.Huminto si Oscar at hinarap ako. "Iyon ba ang iniisip mo? Maica, makinig ka, ok? Tama ka, nasaktan ako kay Mara dahil minahal ko siya pero alam ko ang ginagawa ko at nararamdaman ko para sa iyo. Hindi kita ginagamit bi
(Maica and Oscar Story)Maica's POV"OH! Ano'ng ginagawa mo rito, Oscar?" nagtataka kong tanong nang makita ko siya sa tindahan ni Ate Mich habang may bitbit itong plastik na ulam ata ang laman. Bumili ba siya ng ulam?Napakamot sa noo si Oscar at bahagya siyang yumuko. "Uhm!""Anong uhm?" kunot-noo kong tanong."Uhm!" ulit niya at inabot sa akin ang hawak nito. "Binilhan na kita ng pagkain dahil pasado ala-una ng hapon pero hindi ka pa rin kumakain," nahihiya niyang sabi na hindi makatingin sa akin.Natigilan ako at tiningnan siya. Kumunot pa lalo ang aking noo. Ano'ng nakain nito ni Oscar para bilhan niya ako ng pagkain? Kanina pa ba siyang nandito at alam niyang hindi pa ako kumakain?"T-teka nga, Oscar paano mo nalamang hindi pa ako kumakain, huh?" usisa niya.Saglit na napatingin siya sa akin pero kapagkuwa'y tila naguluhan na siya kung saan babaling. Hindi na siya makatingin sa akin. "Ahm! K-kasi ano...ahm! N-namili kasi ako kanina at napatambay diyan sa labasan kaya alam kong h
Kabanata 63Kevyn's POVTAHIMIK AKONG nakaupo sa swiver chair sa opisina ko habang nilalaro sa aking daliri ang isang lapis. Ilang linggo na ako dito sa Maynila at sobrang nami-miss ko na si Mara. Sana mapatawad niya ako at muling bigyan ng pagkakataon. Totoo lahat ng sinabi ko sa kaniya. Hinalikan ako ni Jenicka dahil nakita niya si Mara na parating. Nagalit ako kay Jenicka at muntik ko na siyang saktan. Si Mommy naman, hindi nakialam dahil kasalanan ko daw at ayusin ko daw 'tong mag-isa. Mahal na mahal ko si Mara at masakit sa akin na mawala siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kasalanan ko rin naman 'to.Pero malapit ko na siyang makitang muli. Babalik ako at muling hihingi ng tawad. Akala ko kaya ko siyang iwan at hayaan na lang pero hindi ko kaya. Mahirap at labis akong nasasaktan. Walang araw na hindi ko siya naiisip. Siya ang nasa isip ko habang binabangon ang kompanyang para sa kinabukasan naming dalawa. Gagawin ko ang lahat para muli ko siyang makuha."Kevyn, pumayag
DALAWANG LINGGO na ang lumipas simula ng tuluyan akong iwan ni Kevyn. Sa dalawang linggong 'yon, umasa akong makikita ko siya sa harap ng bahay na nakangiti. Na maririnig ko siyang kumakatok. Umaasa akong pagbukas ko ng pinto, mabubungaran ko ang gwapo niyang mukha na nanabik sa akin. Pero umasa lang ako at hindi 'yon nangyari. Halos araw-araw akong umiiyak at parang hindi nauubos ang mga luha ko.Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na tanda kung kailan ako huling lumabas ng silid kong ito. Palagi lang akong nandito. Para akong may sakit na inaalagaan na lang. Wala kasi akong ganang gumalaw at tumayo. Masyado pang masakit. Hindi ko pa kayang tanggapin na wala na si Kevyn at hindi na babalik pa."Ate, kailangan mong lumabas, may naghahanap sa'yo."Napalingon ako kay Melay. Malungkot siyang nakatingin sa akin. Para ring mahalaga ang taong naghahanap sa akin dahil bakas ang gulat sa mukha niya. Agad akong napatayo. Baka si Kevyn ang nandiyan. Baka babalikan na niy
NAGISING AKO mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pumikit muli ako kasabay nang aking pag-inat. Bumungad sa akin ang madilim na paligid. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang bigat ng pakiramdam ko at para akong lalagnatin. Bumaba ako ng katre at sinuot ang tsinelas. Nadatnan ko sila Mama na kasalukuyang nag-aayos ng hapag."Mabuti naman at nagising ka na. Hali ka na't kumain," ani Mama ng makita akong papalit sa hapag."Okay ka lang ba, anak? Sabi ng mga kapatid mo umuwi ka daw na umiiyak kanina. May nangyari ba?" usisa naman ni Papa. Biglang naalala ko ang tagpo namin ni Kevyn sa bukid kanina, kung saan tinapos niya ang lahat. Kung saan hinayaan ko siyang umalis kahit ayaw ko.Yumuko ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil nandiyan na naman ang labis na sakit at lungkot. "Ma, Pa, akala ko magiging masaya na ako kapag tinigilan na ako ni Kevyn. Akala ko magiging okay na ako, pero hindi. Mas lalo akong nasasaktan." Hindi ko na napigilan ang luhang gustong kumawala. Gusto ko ring
TAHIMIK kong pinagmamasdan ang berdeng bundok kung nasaan ako. Yakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hanging dumadampi sa balat ko na animo'y niyayakap ako niyon at nagbibigay sa akin ng comfort. Huminga ako ng malalim. Ilang minuto na rin ako sa parang na ito. Gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin. Baka mabaliw lang din ako sa bahay kung mananatili na lang ako roon.Bumaling ako kay Happy Tree. Dito sa lugar na 'to nag-umpisa ang lahat. Dito ko siya unang nakita. Sobrang sungit niya no'n. Napangiti na lang ako nang maalala ang mga tagpo namin noon. Dito rin niya inamin na mahal niya ako at mahal ko siya. Maraming alaalang nabuo sa lugar na ito na alam kong nakaukit na sa puso at isip ko. Aminin ko man o hindi, nami-miss ko si Kevyn at gusto ko pa rin siyang makita. Hindi ko magawang kalimutan siya at hindi ko rin magawang alisin sa isip ko ang lahat ng masasayang alaala naming dalawa. Sobrang hirap niyang kalimutan."Mara!"Napailing ako. Bakit ba naririnig ko na naman