Miss Mendoza A cold voice echoed in the speaker. Napahinga ako nang malalim at marahan na napailing. "Naku! Girl, yatap ka na naman kay Sir," natatakot na sambit ni Serah, katrabaho ko sa opisina. "Ano na namang report ang ginawa mong mali na babae ka? Araw-araw ka nalang tinawag ni Sir para sermunan," dagdag na sabi naman ng isa ko pang katrabaho na si Feya. Napangiwi nalang ako sa kanila at saka tumayo upang saglit na ayusin ang aking pwesto. "Hindi na kayo nasanay sa isang 'yon. Isang maling galaw at tambak na sermon ang aabutin mo," tugon ko. "Jusko! Napakagwapo nga, ang sungit naman." Si Serah habang naiiling. Miss Mendoza Muling pagtunog ng kanyang boses sa speaker, bakas na ang kainisan sa kanyang tono nang sabihin niya 'yon kaya naman nagmadali na akong kumilos.
Last Updated : 2021-08-01 Read more