Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man

last updateHuling Na-update : 2021-07-26
By:   natatangingdilag  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
3Mga Kabanata
2.2Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Nang lumuhod ang lalaki, magmakaawa, at yakapin ang kanyang binti'y 'di pa rin natinag si Kennedy. "Ken, please, handa akong gawin ang lahat-lahat mapasa 'kin ka lang muli," pagsusumamo ni Chord. Isang hakbang palayo mula sa lalaking dati niyang minahal ay agad na nagbadyang tumulo ang mainit at nag-uunahang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata. Nag-aalab. Lumalago. Ayaw paawat. Ilan lang ito sa mga salitang makakapaglarawan sa pag-ibig ni Kennedy kay Chord. Animo'y isa itong bomba na kapag hinayaan lamang hanggang sa pumatak sa partikular na oras, ito'y sasabog at hindi na mapipigilan pa. Ngunit hindi maipagkakaila na kahit kaila'y hindi mawawala ang mga problema't hamon na maaaring tumupok sa alab ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao. "Napakahirap mong abutin, Chord," wika ni Kennedy, nanginginig ang boses. "Walang-wala sa kalingkingan ng estado mo ang estado ng buhay ko." Namatay si Romeo dahil kay Juliet. Namatay si Jack dahil kay Rose. Hindi nagkatuluyan sina Peter Pan at Wendy. Sina Chord at Kennedy kaya gano'n din? Mailalaban ba nila ang pag-iibigang pilit sinusubok ng panahon, paniniwala, at tadhana?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata 1

Sa sandaling ipinanganak ako rito sa mundo, ang hinuha ko’y hindi isang propesyonal na doktor ang nag-asikaso sa akin nang iluwal ako ng aking ina. Sa sandaling tumapak ako sa lupa, ang hinuha ko’y hindi pa umabot sa bente pesos ang presyo ng saplot ko sa paa. Sa sandaling humawak ako ng laruang manika, ang hinuha ko’y munting regalo lamang iyon sa akin ng isang kabaranggay. Sa sandaling makakita ako ng lobo sa unang pagkakataon, siguro’y manghang pinagmasdan ko lamang iyon na tila ba kahit kaila’y hindi ako makakabili ng ganoong bagay.“Pero, sir, hindi ba ho ang sabi ninyo noong nakaraang buwan, dadagdagan ninyo iyong sahod ko kapag nag-extend ako ng isang oras tuwing shift ko rito sa trabaho?” nakayukong tanong ko kay Sir Rocky, ang may-ari ng full-service restawran na aking pinagtatrabahuhan, labis na kinakabahan.&ldq...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
3 Kabanata
Kabanata 1
Sa sandaling ipinanganak ako rito sa mundo, ang hinuha ko’y hindi isang propesyonal na doktor ang nag-asikaso sa akin nang iluwal ako ng aking ina. Sa sandaling tumapak ako sa lupa, ang hinuha ko’y hindi pa umabot sa bente pesos ang presyo ng saplot ko sa paa. Sa sandaling humawak ako ng laruang manika, ang hinuha ko’y munting regalo lamang iyon sa akin ng isang kabaranggay. Sa sandaling makakita ako ng lobo sa unang pagkakataon, siguro’y manghang pinagmasdan ko lamang iyon na tila ba kahit kaila’y hindi ako makakabili ng ganoong bagay.  “Pero, sir, hindi ba ho ang sabi ninyo noong nakaraang buwan, dadagdagan ninyo iyong sahod ko kapag nag-extend ako ng isang oras tuwing shift ko rito sa trabaho?” nakayukong tanong ko kay Sir Rocky, ang may-ari ng full-service restawran na aking pinagtatrabahuhan, labis na kinakabahan. &ldq
last updateHuling Na-update : 2021-07-16
Magbasa pa
Kabanata 2
One of the young highest-paid models in the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland, Chord Sebastian Harris, bids farewell to the country and flies back to his motherland, the Philippines, after staying in the UK for a year and a half.  Chord’s upcoming projects remain unrevealed. As expected to his fans all over the globe, they have been demanding some updates for quite a long time now. However, he had been silent since he flied off to the UK. His name created a massive noise again just right after her theater actress girlfriend, Elizabeth Escareal, posted a silhouette picture on one of her social media accounts with the caption “Who’s gonna return home?” According to his fans’ speculation, it seems like Chord is gearing up for a huge project here in the Philippines.   Sabado ng umaga.
last updateHuling Na-update : 2021-07-16
Magbasa pa
Kabanata 3
"Kailangan ko ng anim na libo!”  Nang gabi ng Lunes, inasahan ko agad na inaabangan ako ng aking tiyahin sa labas ng bahay namin. Hindi nga ako nagkamali dahil nang makauwi ako nang saktong alas onse y medya’y nadatnan ko ang taas-kilay na si Tita Liwayway roon sa pinto, nakatayo’t may hawak na dilaw na abaniko.  Lumapit ako sa kanya at magmamano sana nang palisin niya ang kamay ko.  “Anim na libo,” pag-uulit niya, binalewala ang pagmamano ko.  “P-Po?” Napahalakhak siya sabay ayos ng pagkakatayo. “P-Po?” panggagaya niya sa akin. “Anong po ka riyan?! Maayos ang usapan natin no’ng Biyernes!” 
last updateHuling Na-update : 2021-07-26
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status