Share

Kabanata 2

last update Last Updated: 2021-07-16 22:33:36

One of the young highest-paid models in the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland, Chord Sebastian Harris, bids farewell to the country and flies back to his motherland, the Philippines, after staying in the UK for a year and a half. 

Chord’s upcoming projects remain unrevealed. As expected to his fans all over the globe, they have been demanding some updates for quite a long time now. However, he had been silent since he flied off to the UK. His name created a massive noise again just right after her theater actress girlfriend, Elizabeth Escareal, posted a silhouette picture on one of her social media accounts with the caption “Who’s gonna return home?” According to his fans’ speculation, it seems like Chord is gearing up for a huge project here in the Philippines.  

 

Sabado ng umaga.

 

Isang maliit na ngiti ang tumakas sa aking labi matapos basahin ang isang artikulo na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga netizen sa F******k. Mabuti na lang at ibinigay sa akin ni Kuya Lukas, ang panganay na anak ng aking tiyahin, iyong pinaglumaan niyang cellphone. Ayon sa kanya, natagpuan niya na lang daw akong walang malay sa lapag dito sa kuwarto ko. Siya raw ang naghiga sa akin sa kama at naglagay ng basang bimpo sa noo. Dadalhin niya na raw sana ako sa malapit na osiptal nang bigla ay gumalaw daw ako.

 

Inalis ko ang puting bimpo na nakapatong sa aking noo. Hinipo ko ang aking leeg at noo at agad nakahinga nang maluwag nang mapansing hindi na ako masyadong mainit. 

 

“Ken.” 

 

Napatingin ako sa pintuan nang marinig iyon at dali-daling umupo sa gilid ng aking kama nang mamataan si Kuya Lukas na nakasandal pala roon sa pinto.

 

“Kuya, napabalik ka po...”

 

Bago ako nilapitan ay nagpalinga-linga muna siya sa paligid. Nang siguro ay hindi niya nakita ang kanyang ina at kapatid ay saka siya lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at hinipo ang aking noo at leeg. Pagkatapos no’n ay tinitigan niya ako nang ilang segundo. Upang mabawasan ang pagkailang na bigla kong naramdaman ay nginusuan ko siya at saka bahagyang tumawa. 

 

Magsasalita na sana ako nang bigla ay pitikin niya ang noo ko.

 

“Aray naman!”

 

“Saan ka ba galing kagabi?” seryosong aniya. May kaunting inis na mahihimigan sa kanyang boses. “Hindi ko pala naitanong sa ‘yo ‘to kanina noong pinuntahan kita.”

 

“Trabaho po,” tugon ko.

 

“Trabaho o sa bahay ng nobyo mo?”

 

“Trabaho po, kuya,” natatawang ulit ko. “Para namang may nobyo ako, ano.”

 

“Mabuti naman.” Tumango siya at hinipong muli ang noo ko sa pangalawang pagkakataon. “Anong nararamdaman mo?”

 

“Ayos na po ako.” 

 

Dalawang beses siyang tumango at pagkatapos ay napabuntong-hininga. Napatingin ako sa kamay kong nakapatong sa aking hita nang hawakan niya iyon sabay sabing, “Pasensya na, Ken, kung hindi kita nakukumusta madalas. Alam mo naman iyong si mama at Lucky. Hindi ko naman masuway si mama dahil iba ‘yon kung magalit. Pero hayaan mo, makakaasa ka sa akin tuwing wala o may pinagkakaabalahan ‘yong dalawa na ‘yon. Magsabi ka lang sa akin, ha.” Pinisil niya ang kamay ko bago bumitaw at tumayo. “Magpahinga ka lang muna riyan—"

 

“’Yong nag-a-asal prinsesa riyan, oh! Baka gustong magsaing at magluto na rito!”

 

Agad akong napabalikwas at muntikan pa akong matumba nang marinig iyong sigaw ng tiyahin ko. Inalalayan ako ni Kuya Lukas hanggang sa paglabas ng kuwarto. Mabuti na lang at hindi pa kami nakikita nina tita at Lucky. 

 

“Kaya mo na bang gumawa ng gawaing bahay?” bulong ni Kuya Lukas.

 

Sunod-sunod akong tumango at pagkayari’y ngumiti. 

 

“Dapat nga ay nagpapahinga ka muna sa ngayon. Kung wala lang talaga si mama, naku, ipinagluto na sana kita ng paborito mong beep pares. Wala pa naman akong masyadong ginagawa ngayon.” Lumapit siya sa aking tainga sabay bulong ng, “Takas tayo, gusto mo?”

 

“Sira ka, kuya. Gusto mo bang malagay ang buhay mo sa peligro?”

 

Tumawa siya sabay gulo sa aking buhok. Napailing na lamang siya at pagkatapos ay naghiwalay na kaming dalawa. Sakto namang nakasalubong ko si Lucky habang pababa ako sa hagdan. Isang irap ang iginawad niya sa akin bago ako nilagpasan. 

 

Halos ako lahat ang gumawa ng gawaing bahay. Mula sa pagluluto, pag-uurong, hanggang sa paglilinis ng CR namin. Akala ko’y iyon lamang ang ipapagawa sa akin ng tiyahin ko nang bigla ay utusan niya rin akong maglampaso ng sala at kusina matapos kong linisin ang CR. 

 

“Anong magpapahinga?! Walang pahinga-pahinga rito! Kumilos ka nang kumilos! Maglinis nang maglinis hanggang sa matuwa naman ako sa ‘yo!” bulyaw ni tita matapos kong tanungin kung maaari ba akong magpahinga muna bago simulan ang paglalampaso. 

 

Tumango ako at sinimulan nang maglinis muli kahit unti-unti na akong nakararamdam ng matinding pagod. Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalampaso ay may narinig akong nagsasagutan na boses mula roon sa kusina. 

 

“Mabibinat ‘yang si Ken, mama! Huwag niyo na munang pagtrabahuhin rito sa bahay kahit ngayon lang!” giit ni Kuya Lukas na hindi na napigiling lumapit sa ina.    

 

“Hayaan mo akong iutos ang gusto kong iutos, Lukas. Huwag kang mangialam,” may diing tugon naman ni tita.

 

Napabuntong-hininga na lamang ako at sinikap tapusin ang ginagawa ko nang mabilisan. Matapos ang ilan pang minuto ay at saka lamang ako natapos. Sakto namang umupo si Lucky sa isa sa mga sofa rito sa sala at binuksan ang telebisyon. 

 

Nakapatong ang kamay sa dulo ng stick ng lampaso at ang baba’y nakapatong naman doon sa kamay, bigla ay napaayos ako nang tayo nang mabanggit ang pangalan ng lalaking matagal ko nang hinahangaan.

 

Ramdam ko ang kasabikan sa loob ko at kasabay nito ay ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. Nais sumilay ng malaking ngiti sa aking labi ngunit pilit ko itong pinigilan dahil alam kong may masasabi itong kasama ko sa oras na makita ako sa ganoong kalagayan. 

 

Chord Sebastian Harris.

 

Ang lalaking kahit kaila’y hindi ko akalaing hahangaan ko nang sobra. Ang lalaking tinitingala’t pinapangarap din ng iba. Marahil ay katulad lamang ako ng mga tipikal na babaeng humahanga, nagkakagusto, at ‘di kalaunan’y nagmamahal. Pero itong nararamdaman ko para kay Chord? Iba. Nag-a-alab. Lumalago. Ayaw paawat. 

 

Wala sa sariling nabitawan ko ang hawak kong lampaso nang ipakita sa screen ng TV ang mukhang napakatagal ko nang hindi nasisilayan. Napatingin sa gawi ko si Lucky, at kahit hindi ako nakatingin sa kanya’y ramdam ko ang inis niyang mga matang nakapukol sa akin ngayon. Itinuon ko na lamang ang atensyon sa TV at hindi na siya pinansin.

 

Ramdam na ramdam ko ang biglang pag-init ng aking mga pisngi nang ipakita sa screen si Chord.

 

Hinawakan ko ang aking leeg at napakunot-noo nang mapansing mainit din ito.

 

Teka. 

 

Pati’y leeg ko?

 

Hindi ko na iyon pinansin at tinuon na lamang ang mata’t atensyon doon sa screen.

 

Kapansin-pansin ang pagbabago ng hitsura ni Chord. Sa murang edad ay pansing maskulado na ang kanyang katawan at iba na ang hubog ng mukha. Mula sa pagiging binatilyo’y matipuno na siya ngayon at mas na-depina pa ang kanyang perpektong panga at matangos na ilong. Hindi ko rin maiwasang mapatitig sa kulay asul niyang mga mata na animo’y dagat na napakalinis, napakalinaw, at napakalalim. 

 

“When are we going to see a sneak peek of your plans for this year, Chord? Your fans are expecting a lot,” tanong ng isang news reporter.

 

Malakas na hiyawan ang maririnig sa paligid kung nasaan sina Chord ngayon. Kararating lang niya at mukhang nasa Ninoy Aquino International Airport pa sila. Live on Philippine Television ang ulat at halos puro si Chord ang laman ng entertainment headlines. Nahinto saglit ang live broadcast at bumalik muna sa studio nang may ilang mga babae ang bigla-bigla na lang sumulpot mula kung saan at lumapit sa kinaroroonan ni Chord. Agad namang umaksyon ang ilang staff at pagkatapos no’y balik-studio muna kung saan nagbigay agad ng eksplenasyon ang isang news anchor. 

 

Nang maayos ay bumalik na muli roon sa NAIA at nagbigay ng ilang impormasyon si Chord sa kanyang mga plano. 

 

“I’d been in the UK for the past 18 months. Wasn’t planning to stay for that long but due to projects, home remodeling and renovation abroad, and unexpected cirsumstances, I needed to prolong my stay. Now I’m back and open for new projects here in the Philippines.” 

 

Malakas na hiyawan na naman ang sumakop sa lugar matapos sabihin iyon ni Chord. Tama ang espekulasyon ng fans, may mga proyekto siya rito sa bansa. Natawa ako nang hindi na rin napigilan ng news reporter ang kanyang sarili sa pagsigaw. 

 

Gustong-gusto ko na ring sumigaw at magtata-talon ngunit ‘di ko magawa. Mamaya na lang sa kuwarto ko kung saan wala nang makakakita sa akin. 

 

“We heard that your closest friends surprised you by fetching you here at the airport. Are you guys going to catch up right after this interview?” muli ay tanong ng news reporter. 

 

Isang ngiti ni Chord ay agad-agad na naghuramentado ang puso ko. Napatingin ako kay Lucky nang mapansing kinikilig din ito. 

 

“Well, yeah,” aniya nang may ngiti sa labi. “I was quite surprised a while ago and I really did not expect to see them here. Elizabeth and my mom was the only persons I thought would come. But then I was caught off guard by someone who hugged me from behind after my mom and I hugged each other. It was Noah. Right after that, my other friends went out of the van one by one. I couldn’t be more happier.” Marahan siyang tumawa, dahilan ng biglaang pag-init muli ng aking mga pisngi. “Uh, I think we’re going to an exclusive restaurant after this.” Tumango siya at pagkatapos ay ngumiting muli. 

 

Isang ngiti pa, malalagutan na ako ng hininga.

 

“That sounds good!” masayang ani ng reporter. “Last question. Are you going to continue your studies here in the country? And if you do so, what schooling method will you choose?”

 

Isang hagod sa buhok ang ginawa ni Chord bago siya tumango’t sumagot. “Yes, I’ll continue my studies here. I was homeschooled when I was in the UK. Well, I enjoyed it but I have no interest to carry on this educational method because I believe that it is not a good fit for an outgoing person like me,” aniya sabay tawang muli. “I am planning to continue my studies at the Harris University.”

 

Impit na tili ang aking pinakawalan nang makapasok sa kuwarto. Magtatatalon na sana ako sa kama nang bigla ay makaramdam ako ng pagsakit ng aking ulo. Teka, mukhang lalagnatin akong muli, ah! 

 

Pighati!

 

Lunes ng umaga. Pinilit kong maagang gumising upang maaga ring makapasok. Nang nasa daan na’y hindi ko mapigilan ang sarili sa pagngiti lalo na nang madaanan ang dalawa sa mga billboards ni Chord dito sa Maharlika Highway. Nang makababa sa campus ay madapa-dapa pa ako habang papasok sa gate. Halos maihi rin ako sa kilig at kabang nararamdaman habang pinagmamasdan iyong malaking statue malapit sa field namin na may nakalagay na ‘Harris University.’ Apleyido lang pero ang lakas ng epekto sa akin. Lahat talaga ng konektado kay Chord ay nagbibigay sa akin ng kakaibang feeling. 

 

Napatingin ako sa paligid at hindi na masyadong nagtaka nang makitang marami nang estudyante, kahit mahigit isang oras pa bago magsimula ang mga klase. Ang karamiha’y aligaga at halatang hinihintay rin ang pagdating ni Chord. 

 

Habang naghihintay ay nagtungo muna ako sa cafeteria, hindi upang bumili kundi tumabay at maghintay lamang. Kailangan ko munang magtipid sa ngayon dahil mamaya pa ibibigay iyong suweldo namin na sa buong akala ko’y madadagdagan naman kahit papaano. 

 

Sa buong cafeteria, ako lang ang nabubukod-tanging nag-i-isa sa lamesa. ‘Yong ibang lamesa’y halos mapuno na ng mga estudyante. May magkakaibigan, groupmates, sports team, at kung anu-ano pa. Wala naman akong reklamo dahil mas ayos naman sa ‘kin ang ganito. Sa totoo lang, mas komportable ako tuwing nag-iisa. Hindi naman sa lumalayo ako sa mga tao, pero mas payapa kasi tuwing ang sarili mo lang ang kasama mo. 

 

Isang sigaw mula sa dulo ng cafeteria ang nagpabalik sa wisyo ko. Napatingin ako sa pangalawang lamesa malapit dito sa puwesto ko nang may isang babaeng nabilaukan at halos mabasa ang kanyang buong pantaas na uniporme nang lumabas mula sa kanyang bibig at ilong ang tubig na tila kaiinom niya lamang. 

 

“Tissue, tissue!” sigaw ng isa sa mga kasama niya sa lamesa.

 

Isang malakas na ugong ng kotse naman ang kumuha ng buong atensyon ko. Agad akong napatayo nang makilala ang tunog na iyon.

 

Aston Martin V12 Vantage S. Isa sa mga kotse ni Chord.

 

Bago ako lumabas ay napabaling ako sa cafeteria at nanlaki ang aking mga mata nang ma-realize kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante kanina. Nandito na pala si Chord. 

 

Nandito na si Chord.

 

Nandito na si Chord! 

 

Kumaripas ako ng takbo patungong parking lot at halos mayakap ko ang sahig nang may ilang mga estudyante ang bumunggo sa akin. 

 

“Sorry!”

 

Ngumiti ako sa nagsabi no’n.

 

Pinagpatuloy ko ang pagtakbo pero bahagya itong naudlot nang may narinig akong nagsisigawan sa gilid ko. 

 

“Ano?! Ba’t nakikipag-break ka agad sa ‘kin?!” dinig kong sigaw ng isang lalaki sa gawing kanan ko. 

 

“It’s not you, it’s me!” sigaw naman pabalik ng isang babae.

 

“Anong it’s not you, it’s me ka riyan! Alam ko naman ‘yang Chord lang na ‘yan ang dahilan, Delilah!”

 

Hindi ko na pinansin pa iyon at tinuon na lamang ang atensyon doon sa lalaking kabababa lang ng kotseng Aston Martin. 

 

Kaba. Kilig. Saya. Pagkasabik. Ilan lang iyan sa halu-halong emosyon na ngayon ay aking nararamdaman. Kung nakikita ko lang ang hitsura ko ngayon, siguro’y mahihimatay na ako sa katatawa o ‘di kaya’y hiya. Iba na talaga ‘tong epekto ni Chord sa akin. Mukhang kailangan ko nang magpatingin bago pa ito mas lumala nang lumala. Biro lang! Malala na kung malala. Walang makakapigil sa akin. 

 

Napahawak ako sa dibdib ko, kung saan halos lumabas na ang puso kong napakatindi ng pagkabog, nang masilayan ko na ang lalaking kay tagal kong hindi nakita. Labing-walong buwan. Labing-walong buwan ko siyang hinintay. 

 

“Chord! Oh, my gosh! Chord!” malakas na sigaw ng babaeng nasa tabi ko. Mabuti na lang talaga at napagtagumpayan kong makapunta sa pinakaharap.

 

Hindi matinag sa pagsigaw at pagtili ang mga kababaihan sa paligid. Hindi na ako nagtaka nang may ilang kalalakihan din ang nakikisabay. 

 

Ilang segundo matapos makababa ni Chord sa kanyang kotse ay sinundan siya ni Noah, Akihiko, at Huxley na ilan sa mga matatalik niyang kaibigan. Si Noah ay may dala ring kotse, samantalang ‘yong dalawa nama’y motorsiklo.

 

“You know the drill, mga dude,” natatawang wika ni Noah sabay siko sa mga kaibigan maliban kay Chord. Pagkatapos no’n ay kumaway-kaway siya na animo’y nasa kanya ang spotlight. 

 

“Teka, teka. Mukhang talo sa pustahan si Chord!” ani naman ni Aki na half-Japanese. Tila may naging usapan sila bago pa man makapasok rito sa campus.

 

“Nice one,” komento ni Hux, ang pinakamatino’t tahimik sa grupo. “Surrender your cards, bro.”

 

Napasinghap ako nang bigla ay maglabas ng black card si Chord sabay itsa no’n sa mga kaibigan. Nagtalo naman ang tatlo at sa huli’y si Noah ang nakakuha. Kita ang gulat at tuwa sa mukha ng tatlo, samantalang si Chord ay walang karea-reaksyon.

 

Nang dagsa na ang tao rito sa parking lot ay saka umaksyon ang tatlo sa pagharang kay Chord. Mayroon ding ilang bodyguards na lumapit. 

 

Nagtaka ako kung bakit hindi pa rin sila umaalis sa puwesto nila hanggang sa lumabas sa front seat ng kotse ni Chord si Elizabeth Escareal, ang kanyang girlfriend. Para bang may bumara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan ang napakaganda at balingkinitang nobya ni Chord na animo’y isa ring model. Hindi siya rito nag-aaral. Sa tingin ko’y ihahatid niya lamang ang boyfriend niya. 

 

“Sorry, love, I fixed my smudged lipstick pa,” mahinhing ani Elizabeth. 

 

Agad namang dumalo si Chord sa kanya. Abot tainga ang ngiti ng kanyang girlfriend nang bigla ay ipulupot niya ang kanyang kamay sa maliit na baywang nito. Sabay-sabay namang nagsinghapan ang mga babae sa paligid, kasama na ako, at ang ilan namang lalaki’y napasipol. 

 

Muling umaksyon ang mga guard at ilang staff dito sa campus nang magtungo na sina Chord, kasama ang kanyang nobya at mga kaibigan, sa kanilang patutunguhan. Mukhang sa isa sa mga administrative and non-academic offices sila pupunta. 

 

Biglang binalot ng matinding selos ang sistema ko habang pinagmamasdan sina Chord at Elizabeth na masayang naghuhuntahan habang naglalakad. 

 

That was the very first time I realized Chord was indeed unreachable and out of my league. 

 

Was. 

 

Napapitlag ako nang bigla ay may humapit sa aking baywang. Isang halik ang natanggap ko sa aking buhok at isang marahang bulong naman sa aking kanang tainga.

 

“What are you thinking about?”

 

“The past,” I answered, smiling. “Who would have thought I’d get you?”

Related chapters

  • Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man   Kabanata 3

    "Kailangan ko ng anim na libo!”Nang gabi ng Lunes, inasahan ko agad na inaabangan ako ng aking tiyahin sa labas ng bahay namin. Hindi nga ako nagkamali dahil nang makauwi ako nang saktong alas onse y medya’y nadatnan ko ang taas-kilay na si Tita Liwayway roon sa pinto, nakatayo’t may hawak na dilaw na abaniko.Lumapit ako sa kanya at magmamano sana nang palisin niya ang kamay ko.“Anim na libo,” pag-uulit niya, binalewala ang pagmamano ko.“P-Po?”Napahalakhak siya sabay ayos ng pagkakatayo. “P-Po?” panggagaya niya sa akin. “Anong po ka riyan?! Maayos ang usapan natin no’ng Biyernes!”

    Last Updated : 2021-07-26
  • Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man   Kabanata 1

    Sa sandaling ipinanganak ako rito sa mundo, ang hinuha ko’y hindi isang propesyonal na doktor ang nag-asikaso sa akin nang iluwal ako ng aking ina. Sa sandaling tumapak ako sa lupa, ang hinuha ko’y hindi pa umabot sa bente pesos ang presyo ng saplot ko sa paa. Sa sandaling humawak ako ng laruang manika, ang hinuha ko’y munting regalo lamang iyon sa akin ng isang kabaranggay. Sa sandaling makakita ako ng lobo sa unang pagkakataon, siguro’y manghang pinagmasdan ko lamang iyon na tila ba kahit kaila’y hindi ako makakabili ng ganoong bagay.“Pero, sir, hindi ba ho ang sabi ninyo noong nakaraang buwan, dadagdagan ninyo iyong sahod ko kapag nag-extend ako ng isang oras tuwing shift ko rito sa trabaho?” nakayukong tanong ko kay Sir Rocky, ang may-ari ng full-service restawran na aking pinagtatrabahuhan, labis na kinakabahan.&ldq

    Last Updated : 2021-07-16

Latest chapter

  • Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man   Kabanata 3

    "Kailangan ko ng anim na libo!”Nang gabi ng Lunes, inasahan ko agad na inaabangan ako ng aking tiyahin sa labas ng bahay namin. Hindi nga ako nagkamali dahil nang makauwi ako nang saktong alas onse y medya’y nadatnan ko ang taas-kilay na si Tita Liwayway roon sa pinto, nakatayo’t may hawak na dilaw na abaniko.Lumapit ako sa kanya at magmamano sana nang palisin niya ang kamay ko.“Anim na libo,” pag-uulit niya, binalewala ang pagmamano ko.“P-Po?”Napahalakhak siya sabay ayos ng pagkakatayo. “P-Po?” panggagaya niya sa akin. “Anong po ka riyan?! Maayos ang usapan natin no’ng Biyernes!”

  • Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man   Kabanata 2

    One of the young highest-paid models in the United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland, Chord Sebastian Harris, bids farewell to the country and flies back to his motherland, the Philippines, after staying in the UK for a year and a half.Chord’s upcoming projects remain unrevealed. As expected to his fans all over the globe, they have been demanding some updates for quite a long time now. However, he had been silent since he flied off to the UK. His name created a massive noise again just right after her theater actress girlfriend, Elizabeth Escareal, posted a silhouette picture on one of her social media accounts with the caption “Who’s gonna return home?” According to his fans’ speculation, it seems like Chord is gearing up for a huge project here in the Philippines.Sabado ng umaga.

  • Pursuing Mr. Chord Sebastian, The Unreachable Man   Kabanata 1

    Sa sandaling ipinanganak ako rito sa mundo, ang hinuha ko’y hindi isang propesyonal na doktor ang nag-asikaso sa akin nang iluwal ako ng aking ina. Sa sandaling tumapak ako sa lupa, ang hinuha ko’y hindi pa umabot sa bente pesos ang presyo ng saplot ko sa paa. Sa sandaling humawak ako ng laruang manika, ang hinuha ko’y munting regalo lamang iyon sa akin ng isang kabaranggay. Sa sandaling makakita ako ng lobo sa unang pagkakataon, siguro’y manghang pinagmasdan ko lamang iyon na tila ba kahit kaila’y hindi ako makakabili ng ganoong bagay.“Pero, sir, hindi ba ho ang sabi ninyo noong nakaraang buwan, dadagdagan ninyo iyong sahod ko kapag nag-extend ako ng isang oras tuwing shift ko rito sa trabaho?” nakayukong tanong ko kay Sir Rocky, ang may-ari ng full-service restawran na aking pinagtatrabahuhan, labis na kinakabahan.&ldq

DMCA.com Protection Status