Sa sandaling ipinanganak ako rito sa mundo, ang hinuha ko’y hindi isang propesyonal na doktor ang nag-asikaso sa akin nang iluwal ako ng aking ina. Sa sandaling tumapak ako sa lupa, ang hinuha ko’y hindi pa umabot sa bente pesos ang presyo ng saplot ko sa paa. Sa sandaling humawak ako ng laruang manika, ang hinuha ko’y munting regalo lamang iyon sa akin ng isang kabaranggay. Sa sandaling makakita ako ng lobo sa unang pagkakataon, siguro’y manghang pinagmasdan ko lamang iyon na tila ba kahit kaila’y hindi ako makakabili ng ganoong bagay. “Pero, sir, hindi ba ho ang sabi ninyo noong nakaraang buwan, dadagdagan ninyo iyong sahod ko kapag nag-extend ako ng isang oras tuwing shift ko rito sa trabaho?” nakayukong tanong ko kay Sir Rocky, ang may-ari ng full-service restawran na aking pinagtatrabahuhan, labis na kinakabahan. &ldq
Read more