All Chapters of The Witness: Chapter 1 - Chapter 10

65 Chapters

Prologue

"Napakabobo talaga." "Hay buti na lang, hindi ako last. Nakakahiya." "Grabe naman si Ma'am, dapat 'di niya nilagay buong rank." "Too much. Nakakahiya naman 'to." "Ano bang nangyayari sa kanya? Bobo ba talaga 'yun?" "Ba't siya nasa top section?" Iilan lang 'yan sa mga naririnig ko mula sa bibig ng mga kaklase ko. First grading ng 10th grade level namin at nilabas ni Ma'am Nel ang buong rank ng klase namin. Ako ang last sa ranking at nakakahiya. Inaamin ko naman na tatanga-tanga ako pero sobra naman yata 'to. Pakiramdam ko, wala na akong mukhang ihaharap sa Monday. 'Di ko na kayang mag-aral! Dahil sa kahihiyan na natatamasa ko, tumakbo ako palabas ng classroom habang pinipigilang umiyak. Ayokong umiyak! Hindi ako mahina! Nagsitinginan sila sa'kin at may ibang naaawa pero 'di ko ka
Read more

Chapter 1

Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa taong minsan ko lang nakita pero tama siya; hindi ako patatahimikin ng konsensya ko. Kailangan kong magsumbong.Nandito ako sa coffee shop sa baba ng condo at kasama ko siya. Magkatitigan lang kami, binabasa bawat galaw, bawat tingin. Baka may kahina-hinala sa kanya. Kailangan kong malaman. Buhay ko ang nakasalalay rito. Nakakapagtaka lang kasi na nakita ko siya sa lugar na 'yun. Sure ba siyang 'di siya kasamahan ng rapist?"Pangalan mo?" Tanong ko at hindi ko pinuputol ang tingin ko sa kanya."Sol." Walang emosyong sagot niya."Full name." Sabi ko pa. Kinuha ko ang maliit na notebook ko at naghandang magsulat kaya napangisi siya at napailing. Humigop muna siya sa kape niya at muling tumingin sa'kin. Kanina ko pa siya tinititigan kaya hindi ko na makakalimutan ang mukha niya. Subukan niya lang na may gawin sa'kin, ipapablotter ko siy
Read more

Chapter 2

"Thank God, you're now awake." Rinig ko ang boses ni Atty. Cha pero malabo pa rin siya sa paningin ko. Napangiti ako nang makita ko na siya nang malinaw pero nanghihina pa rin ako. "How are you? Baka mahina ka pa kasi maraming nawalang dugo sa'yo. But don't worry, you'll live." Sabi niya pa habang nakaupo sa upuan na nasa tabi ng hospital bed ko. "Ba't hindi mo sinabi, Luna? Kung hindi dahil sa kaibigan mo, hindi ko pa malalaman ang lahat." Sumeryoso na siya. Matanda na si Atty. Cha. Kaedad lang siya ng magulang ko. Alam kong sanay siyang maraming kaaway pero iba ang pamilya ni Marcus kaya ayoko siyang madamay rito.Wala naman akong kaibigan. Anong sinasabi niya? "Kaibigan?" Mahinang sambit ko. Nanunuyo ang lalamunan ko. Inabutan ako ni Atty. Cha ng tubig. Nakita ko rin sa relo niya na alas-otso na kaya napatingin ako sa bintana. Gabi na pala."'Yung Sol. He saved you." Aniya. Napangiti ako nang
Read more

Chapter 3

"Alam mo, konti na lang, iisipin ko nang may gusto ka sa'kin." Natatawang sabi ko at hindi pa rin kami tapos kumain. May crush siguro to sa'kin. Pero ang dami namang ibang babae dito na kaedad niya at mas maganda pa sa'kin. Bakit ba ako ang kinukulit nito?"Assuming." Bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sisipain ko sana ang paa niyang nasa ilalim ng mesa pero mabilis niyang napigilan ang legs ko gamit ang legs niya. Ba't ko ba kasi 'to kinakalaban? Black belter 'to e. "You're just different from others. You're brave. I like a person who's brave." Aniya at nagpatuloy na lang sa pagkain."So you like me?" Nakangising sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. "Ano? Sabi mo you like a person who's brave. I'm brave.""I like you as a person." Paglilinaw niya pero mas nilawakan ko ang ngiti ko kaya mas naasar siya. "Seems like it's the other way around. You like
Read more

Chapter 4

"I'm sick. Mag-enjoy ka na lang." Sabi ko kay Sol na kausap ko ngayon sa phone. Tumawag siya para itanong kung pupunta ako mamaya sa ball. Nagpalusot na lang ako na may sakit ako para naman hindi niya malaman na kaya hindi ako aattend dahil wala akong kasama. Nakakaawa naman ako. Maliban sa kanya, wala na akong kaibigan.Inaalok ako nina Bliss na sumama sa kanila pero ayoko talaga. Baka mapalapit ako sa kanila. Once na sumama ako ngayon, for sure, sunod-sunod na 'yan. Kaya hindi p'wede. Niyaya naman ako ni Leo pero alam ko naman na hindi siya seryoso roon. Masyado lang siyang friendly kaya niyayaya niya lahat. Kaya siguro nanalo siyang SSG President. Matalino at magaling na leader din naman siya."Sick!? I'll be there." Ani Sol kaya mabilis akong napatayo dahilan para makaramdam ako ng pagkahilo kaya naupo ako sa upuan. Kanina pa kasi ako nagpapakain sa ampon kong kuting."Huwag na, Sol. Mag-enjoy ka na lang. Kwentuhan mo
Read more

Chapter 5

Kinaumagahan din ay tanghali na akong nagising. Pagtingin ko sa phone ko, lowbatt na. Hindi ko alam kung bakit pero 'di ko naman 'to ginamit kahapon. Nang makapagcharge ako, bumungad sa'kin ang texts and missed calls ni Sol. Gusto niyang mag-usap kami. Dahil ayokong patagalin ang lahat at kaibigan ko naman siya, pumayag na ako. Isa pa, may iaabot ulit ako sa kanya. Kainis kasi e. Nagdadrama ako kahapon kasama si Leo nang lumapit sa'kin 'yung Alanis para ipaabot kay Sol 'yung letter. Mukhang hindi niya rin kasi nahalata na malungkot ako.Kaya lunch time ngayon at kaharap ko siya rito sa table sa isang resto. Ang pormal namin. Wala pa ring nagsasalita kahit na nandito na ang order namin. Nagugutom na ako. Hindi pa ako nagbibreakfast kasi tinanghali na ako ng gising."Kain muna tayo." Mahinahong sabi ko at tumango naman siya. Dahil gutom ako ay sunod-sunod lang ang pagsubo ko hanggang sa mabulunan ako. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni
Read more

Chapter 6

Sa bahay ako nagcelebrate ng Pasko at tulad ng inaasahan, masaya ako na medyo malungkot. Pero lamang ang saya dahil masaya naman talagang kasama sina Nanay Anne at Ate Kiss. Kasama rin namin si Kuya Teddy. Namiss ko talaga sila. After noche buena, napag-usapan namin ang tungkol sa parents ko."Naniniwala po ba kayong aksidente iyon?" mahinahong tanong ko. Hindi sila nakasagot. Parang nag-alala sila sa 'kin dahil sa mga tinatanong ko. Iniisip kasi nila, hindi ko matanggap ang pagkawala nila kaya naghahanap ako ng masisisi. Pero hindi lang talaga ako mapalagay. Hindi ako naniniwala na aksidente iyon. Kung aksidente man, siguradong may ibang taong gumawa ng aksidente na iyon."Hindi matutuwa ang magulang mo kung mabubuhay ka nang hindi mapayapa," mahinahong sabi naman ni Ate Kiss. "Alam mo ba kung ano ang natutunan ko sa kanila? Iyon ay huwag magpatali sa nakaraan. Tayo ang gagawa ng kasalukuyan natin." Ngumiti siya pero hindi ko magawang ngu
Read more

Chapter 7

"Ba't ka nakablack?" inis na tanong ni Bliss kaya napatingin ako sa T-shirt kong black na nakatuck-in sa high-waisted pants ko. "Ano ba 'yan! KJ naman nito," reklamo niya pa at umalis na sa harapan ko. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang mga tinatapos ko pang gawain dito sa SSG office.May color coding kami ngayong buong week ng Valentine's month. Syempre, pula sa mga happily inlove. Itim sa mga single but not available. Ako 'yun. Si Bliss, naka-pink. Ibig sabihin, single and ready to mingle. Nakita ko si Leo, nakawhite siya. Ibig sabihin, single and happy while waiting. Ibig sabihin, may hinihintay siyang specific person. Nang tinanong namin siya kung sino, hindi siya sumagot. Pinabalik niya lang kami lahat sa trabaho namin. Parang iritable siya. Dahil yata sa ginawa ko noong Friday. Ginawa ko lang naman 'yun para hindi isipin nung lalaki na mahalaga sa'kin si Leo. For sure, mapapahamak si Leo kung patuloy siyang lalapit sa 'kin. Alam kong kaya niya
Read more

Chapter 8

"How's school, Almira?" nakangiting tanong sa'kin ni Atty. Calisto, asawa ni Atty. Cha. He's nice, pero nakakatakot pareho ang awra nila ni Atty. Cha. Bibihira ko lang din siyang makausap. 'Di kami close pero alam kong mabait siyang tao."So far, ayos naman po," nakangiting sagot ko. Oo, mabait siya pero 'di talaga ako komportable sa kanya. Nakakatakot talaga siya.Nandito kami sa isang resto for dinner kasama si Atty. Cha. Kasama rin namin si Nixon na anak nila. He's a 10 year old kid na ngayon ay busy sa binabasa niya sa ipad niya. Nerd din ang isang 'to, e. 'Di masyadong nagsasalita. Kapag kinakausap ko noon, tango at iling lang siya. Kaya ayaw ko nang kausapin ngayon. Nagmumukha akong tanga."Cal, nasa labas na siya," Atty. Cha intervened then Atty. Calisto nodded as he stood up and leave us, Atty. Cha and Nix, alone. Nakahinga rin ako nang maluwag. Hay salamat! Hindi ko sila tinatawag na Atty. Valencia kasi malilito a
Read more

Chapter 9

"'Yung totoo, ayaw mo ba?" nag-aalalang tanong ko kay Leo na kasayaw ko na ngayon at kanina pa siya tahimik na nakatingin sa mukha ko. Mukha nga siyang naglalakad kanina sa ulap habang ginigiya ko siya papunta sa gitna ng ball room para magsayaw. Oo, ako na ang desperada. E sa crush ko siya. Isa pa, si Bliss nga, niyaya rin si Drei, ba't ako mahihiya? Come on, 21st century na tayo.Ayoko na rin gawin 'yung goal ko na maging first dance ang first love ko. Siya na lang sa first kiss ko. P'wede naman 'yun. "Of course, gusto," mahinang sabi niya pero mas nagtaka lang ako sa sinabi niya. Kasi nanginginig ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko. "I want this. I want you, Luna," mahinang sabi niya.Napabuntong-hininga ako at inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko at nilagay iyon sa likod ko kaya mas napalapit siya sa'kin na kinagulat niya na naman. Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay niya.She
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status