All Chapters of The Witness: Chapter 31 - Chapter 40

65 Chapters

Chapter 30

"Kung gusto mo mag-aral, gagawan ko ng paraan. Basta mag-aaral ka nang mabuti?" tanong ko pa kaya napangiti siya at tumango. Matalino si Tonyo at ayokong masayang ang talino niya. Bata pa siya. Malayo pa ang mararating niya. "Anong gusto mong maging?""Doctor po, Ate Tala!" excited niyang sabi kaya natawa ako nang bahagya. Ang mahal naman ng course niya haha pero sige, why not? Si Ate Kiss nga, pinag-aral nina Mama at Papa, ano ba naman 'yung dagdagan ko ang scholar nila? Si Tonyo lang naman. Si Ella kasi, parang sasayangin niya lang. Siya 'yung tipo na magbubulakbol. Wala siyang hilig mag-aral. Hindi siya nagsisikap. Hindi siya madiskarte. Iyon ang napansin ko sa kanya."Naku, Tala! Isipin mo muna ang sarili mo. Huwag mo kaming alalahanin dito,” ani Aling Oryang kaya ngumiti ako at umiling."Ayos lang po,” sabi ko. Nagpaalam na ako sa kanila kasi nandito na si Sol. Nang pasakay na ako sa kotse niya, humabol naman si Tori. Pagkababa niya sa kotse ng
Read more

Chapter 31

Nandito ako sa sasakyan ni Sol at papunta kami ngayon kay Leo. Hindi ko alam kung nasaan siya pero sabi ni Sol, alam niya raw. Hapon na rin at kahit summer ngayon, umuulan pa rin."'Di ka pa graduate nang magsimula 'yung project mo sa province. Anong nangyari?" tanong ko. Nakapagtataka lang. Ngayon lang siya grumaduate at mag-aapprenticeship pa siya bago siya mag-board exam. So hindi pa talaga siya ganap na Architect.Napangiti siya at napailing, "they liked my plan. Simple and appropriate for their clinic,” aniya kaya napangiti ako at napatango. Sa college kasi namin, maraming nagkakagusto sa plan ng archi student. Kapag gusto ang sa ‘yo, p'wedeng mabili. Kaya nagkakapera agad sila kahit estudyante pa lang. Pero kung hindi ka naman magaling, wala rin."Wow! Congrats to that. Pero ba't ang tagal matapos?" Inabot siya ng ilang buwan doon, e. Ang liit lang naman ng project. Aside from that, he don't need to stay their everyday. He could visit the site
Read more

Chapter 32

"A-ang sarap kasi ng spaghetti,” pagsisinungaling ko na lang sabay iwas ng tingin sa kanya at nagpunas na ng luha. "Grabe, wala kasi nito sa 'min. Ang sarap talaga,” natatawang sabi ko habang sumusubo kaya natawa rin siya nang bahagya."If you want more, meron pa dun. P'wede mo rin dalhan ang pamilya mo,” sabi niya kaya tumango ulit ako. "You know what, you look familiar. Have we seen each other before?" he asked at muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.Shems! Naaalala niya ba ako? Pero pamilyar lang naman. Ganyan din naman ako dati. Hanggang pamilyar lang."Oo. Sa parking lot dati. 'Yung nabungguan mo?" sabi ko kaya napaisip siya kung kailan iyon. Then his lips parted while he's nodding with amusement on his face."That curly hair girl! Yea! I remember you. 'Di ba, may nangyari sa ‘yo pero tinulak mo lang ako noong tutulungan kita?" natatawang sabi niya kaya natawa rin ako. Hindi ko alam that time na siya pala ang boyfriend ko
Read more

Chapter 33

"Stop threatening me, Sol. I'll do this so they won't recognized me," kunot-noong sabi ko. Pinigilan niya pa ako nang pinigilan pero hindi ako nagpapigil. Muntik niya na nga akong buhatin paalis sa lugar na 'yun pero binalaan ko siya na sisigaw ako ng kidnap. Mabubugbog talaga siya rito. Ha!Medyo masakit ang ginawa sa ‘kin sa loob pero nang makita ko naman ang result, natuwa naman ako. Bagay naman pala sa ‘kin. Nakangiti akong lumabas pero nakabusangot si Sol nang makita ko."Bagay ba?" tanong ko habang pinapakita ang pinatattoo kong nunal sa kaliwang bahagi, lower part ng pisngi ko. Maliit lang naman pero at least, may differences na kami ni Luna. Si Luna, straight hair at walang spot sa mukha. Ako meron."No!" masungit na sagot niya at naglakad na palayo sa ‘kin habang nakapamulsa.Napabuntong-hininga na lang ako at napailing bago siya sinundan sa kotse niya. Nandun na rin ang mga pinamili namin, e. Tinext na ako ni Atty. Cha kung saa
Read more

Chapter 34

Lumipas ang mga araw ko at nakokompleto ko na ang mga gamit ko sa bahay. Ang unang binili ko, laptop, papers and pen. Kasi kailangan ko nang masimulan ang paghahanap kay Marcus. Si Atty. Ibasco ang makakapagturo sa ‘kin kung nasaan ang kapatid niya kaya siya ang uunahin kong imbistigahan. Isusunod ko ang parents nila.May kakaunti na rin akong gamit dito na pinadadala ni Atty. Cha gaya ng mga gamit sa pagkain, sa banyo at mga ibang basic need such as higaan ko at kumot ko. Hindi pa nakokompleto. Ayoko kasing bumili nang bumili ng mga gamit kasi baka hindi naman ako magtagal dito.Pero gusto ko nang makabili ng sofa. Hindi ako makahiga sa upuan ko rito na gawa sa bamboo, e.Mula sa pagkakadapa ko sa kama ko, kinuha ko ang laptop ko at naghanap ng couch online. Papadeliver ko na lang. Nakapag-order ako ng light brown na couch na medyo malaki. P'wede ko nang kama, e. Nagustuhan ko kasi p'wede ko nang gawin sa sala ang mga gagawin ko nang hindi umaakyat sa k'w
Read more

Chapter 35

"Hindi niya man lang maramdaman na may mahal siyang iba. O baka ganun lang ako kadaling mapalitan kasi 'di niya naman ako kilala. Nakakatawa," natatawang sabi ko. "Mahal niya lang ako kapag naaalala niya ako. Akala ko, hindi makakalimutan ng puso ang nakalimutan ng utak. Siguro... nasa utak niya lang talaga ako. Wala sa puso." Natawa na naman ako pero iyak pa rin ako nang iyak. "Masyado kasi akong naniniwala sa true love, e. Dapat, maniwala ako na love is a choice. That I can choose to forget him and unlove him not the way on how I loved him."Naramdaman ko na lang na niyakap ako nang marahan ni Sol mula sa likod. Hindi niya 'yun p'wedeng higpitan kasi may bali pa ako sa braso. "I'll help you to forget him," bulong niya.Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin dun. Pinabitaw ko siya sa pagkakayakap niya sa ‘kin mula sa likod at hinarap ko siya. Umiiyak pa rin ako pero hindi na humihikbi.Kitang-kita ko sa mga mata niya '
Read more

Chapter 36

Napangiti siya at tumango nang bahagya, "that's my girl,” he said and started the engine.Bumyahe na kami papunta sa Laguna. Para walang makakilala sa 'min na maaaring tauhan ni Marcus o Atty. Ibasco, nagdisguise ulit kami. Medyo initiman ko ang mukha ko. Hindi ko na sinoot ang wig ko na binili namin ni Sol nung nagpatattoo ako kasi bago na ang hairstyle ko. Gagamitin ko 'yun next time. Nakamaong jacket kami at pants na black and white shoes. Nakasoot din kami ng sombrero at sunglasses."I'll be second year this year. What's your advice?" I asked. Hindi ko na magiging kaklase si Bliss kasi third year na siya sa pasukan."Work hard and study hard,” nakangiting sagot niya so I frown. 'Yan na ang advice niya sa ‘kin dati, e. "And time management. You have to maintain your high grades for scholarship. You can do that,” sabi niya pa kaya tumango ako at bumuntong-hininga.Kailangan ko palang taasan ang grades ko para hindi magtaka ang mg
Read more

Chapter 37

Kinaumagahan, madilim pa ay bumyahe na ako papunta sa Batangas. Alam kong may hindi sinasabi si Aling Julie sa ‘kin at iyon ang importanteng dapat kong malaman. Kaya niya tinatago kasi mahalaga.Umaga na ako nakarating sa bahay nila. Nakita ko siyang nagwawalis sa bakuran nila kaya nilapitan ko siya. "Ikaw na naman?" tanong niya na mukhang nagulat sa ‘kin.Bahagya akong ngumiti, "sorry po. Kailangan ko lang talagang gawin 'to. Kapag natapos ko po 'to, mapapawalang-sala ang asawa niyo. Malilinis ang pangalan niya." Lilinisin ko ang pangalan ni Mang Jose pero hindi ako p'wedeng maglantad para sa kaso niya kasi inaayos ko pa ang kaso ni Marcus. Kung nakakaalala lang si Leo, siya ang p'wedeng magsabi na mali ang paratang ng Prosecutor kay Mang Jose. Kaso hindi mapapatunayan ni Leo na si Marcus ang bumangga sa'min kasi malabo ang mga mata niya nun. Nahulog ang salamin niya, e.Pumasok kami sa bahay ni Aling Julie at doon na naman kami nag-usap. "Nasabi ko
Read more

Chapter 38

Napabuntong-hininga na lang ako at umalis na sa lugar na iyon. Babalik na lang ako sa ibang araw. Makukumbinsi ko rin siya.Bumalik na ako sa Maynila dahil kikitain ko pa si Tori. Hindi ko na alam kung nasaan siya, e. Hapon na ako nakarating sa Maynila at dahil gutom na ako, nakipagkita na lang ako sa hindi sikat na resto. Dumating ako na nandun na siya at nabigla pa siya nang makita ako. Hindi pa naman siya nakakapag-order kaya dinala ko siya sa hindi matao at hindi madaling makitang pwesto."Ayos ka lang? Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa e,” puna niya nang nakaupo na kami. Nag-order na rin kami dahil gutom na talaga ako. Hindi pa ako naglalunch."Sorry Tori, ang dami ko lang talagang inaasikaso. Oo nga pala, nakahanap ka na ng eskwelahan?" I asked at lalo siyang napangiti at tumango. "Saan?""Sa totoo lang, matagal na akong nakahanap. Nakapag-entrance exam na nga ako at nakapasa naman. Sa St. Jude university,” sagot niya kaya napan
Read more

Chapter 39

"I will love you again... just like on how I loved you before Leo came,” sabi ko habang nakangiti kaya napangiti rin siya at hinalikan ako sa noo. After that, I hug him. "I think you deserve to know that you're my first love,” sabi ko pa at mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa ‘kin. Baka marinig niya na ang heartbeat ko. Ang gaan pala sa pakiramdam kapag nasasabi mo ang nasa loob mo. "And they said that first love never dies. I want to know that,” dagdag ko at bumitaw na ako sa pagkakayakap niya. Napatingala ako sa mukha niya na ngayon ay taimtim lang talagang nakatingin sa ‘kin. Alam ko ang ginagawa ko. Sigurado na ako sa gagawin ko. Babawi talaga ako sa kanya. Kahit man lang pagmamahal ko, maibigay ko sa kanya. Ayoko nang saktan ang taong 'to.I reached for his lips and kissed him passionately and he kissed me back, too, while caressing my right arm. Nakikiliti ako sa paraan ng paghawak niya. Natigil lang kami nang tumawag si Tori kaya na
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status