Capturing The Bachelor

Capturing The Bachelor

last updateHuling Na-update : 2021-09-03
By:  Rina  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
9 Mga Ratings. 9 Rebyu
79Mga Kabanata
9.1Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

A beautiful memory is treasured at the snap of a camera. Ang miserableng buhay ni Kaileen ay nagbago nang mahagip ng lente ng kan'yang camera ang gwapong mukha ni Zid. Zid offered her to join a group that exposes the illicit acts of powerful individuals. Nahulog ang loob niya sa lalaki at ganoon din ito para sa kan'ya. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana para kay Kaileen, kung kailan masaya na siya ay saka naman maisisiwalat ang tunay niyang pagkatao. But it didn't stop there; she was going to break the organization's secret rule, putting her life at risk. Is there love strong enough to make everything better? Or will Zid let the organization to take Kai's life?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Prologue

"Kaunti na lang, makakaalis na din ako."Maingat kong ibinalik sa aking shoulder bag ang deposit slip mula sa banko bago nagsimulang maglakad. Nakangiti kong tinahak ang Plaza Rizal kung saan maraming mga kabataan ang nakaupo sa mga benches na naroon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit.Ano kaya ang pakiramdam nang gumala kasama ang barkada tuwing Sabado't Linggo?Nang kasing edad nila ako ay pagtratrabaho sa palengke ang inaatupag ko tuwing walang klase. Hindi ko naranasan ang pribilehiyo na mayroon ang mga kabataang nasa paligid ko. Ang swerte nila dahil may magulang sila.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga upang iwaksi ang malungkot na ala-alang sumasagi sa isipan ko. Binilisan ko ang paglalakad hanggang makarating ako sa Masaysay street, ang lugar kung saan madalas magpunta ang mga sikat na personalidad.Napatigil ako sa tapat ng isang shop kung saan makikita mula sa labas ang iba't ibang uri ng camera na naka-displa

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-05-25 13:18:53
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-05-19 00:17:57
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-05-18 23:51:17
1
user avatar
Lenny Vidal
Hi. Miss Rena napakaganda ng iyong kwento kinilig ako sobra.........
2021-11-03 14:18:56
2
user avatar
Fatima Lhar
wow! you're story is perfect! this is just what I needed, i can't wait for the next chapters! love it 💕
2021-07-14 15:29:12
3
user avatar
Rina
Hi! I hope you'll love my first signed story here. Kai & Zid wants to know your thoughts ❤️
2021-07-04 11:12:05
2
user avatar
Fhars Francisco
hi ms. Rina, superrrrr ganda ng bawat chapters , hope to read it 'til ends. I can't wait ..💕🥰😍
2021-07-03 19:09:14
2
user avatar
KENitics
I badly want to unlock it
2021-07-03 10:01:59
1
user avatar
Miranda Jean
Ang ganda po ng story 🥰 Nakakaexcite ang mga susunod na chapters
2021-07-03 09:56:39
2
79 Kabanata

Prologue

"Kaunti na lang, makakaalis na din ako."Maingat kong ibinalik sa aking shoulder bag ang deposit slip mula sa banko bago nagsimulang maglakad. Nakangiti kong tinahak ang Plaza Rizal kung saan maraming mga kabataan ang nakaupo sa mga benches na naroon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit.Ano kaya ang pakiramdam nang gumala kasama ang barkada tuwing Sabado't Linggo? Nang kasing edad nila ako ay pagtratrabaho sa palengke ang inaatupag ko tuwing walang klase. Hindi ko naranasan ang pribilehiyo na mayroon ang mga kabataang nasa paligid ko. Ang swerte nila dahil may magulang sila.Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga upang iwaksi ang malungkot na ala-alang sumasagi sa isipan ko. Binilisan ko ang paglalakad hanggang makarating ako sa Masaysay street, ang lugar kung saan madalas magpunta ang mga sikat na personalidad. Napatigil ako sa tapat ng isang shop kung saan makikita mula sa labas ang iba't ibang uri ng camera na naka-displa
Magbasa pa

Chapter 1

Minu-minuto ko na sigurong tinitingnan ang dummy account ko sa IG para makita kung nag-reply na ba sina Chloe at Tristan, ngunit hanggang ngayon ay wala pa din."Huy bruha ka!" tili ni Fredo na bigla na lamang sumulpot mula sa likod ko at mahinang hinila ang buhok ko na kaagad din namang dumulas sa kanyang daliri dahil sa ikli nito.Andito ako ngayon sa karinderia ni Aling Berna at kumakain ng pananghalian. Sinamaan ko siya ng tingin at bahagyang inayos ang aking buhok. Umupo siya harap ko at mataray akong pinasadahan ng tingin."Gaga ka talaga! Alam mo bang ikakaltas sa sweldo ko ang kinain mo kahapon. Kaloka! Sana man lang binayaran mo 'yong kinain mo bago ka tumakas," litanya niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil natulala ako sa labi niyang ubod ng pula. Ilang patong kaya ng lipstick ang ginawa niya? Dumukot ako ng pera sa aking bulsa at iniabot sa kan'ya."Para sa'yo pambili mo ng pink na lipstick. Hindi
Magbasa pa

Chapter 2

"Huh? Ano ba'ng sinasabi mo? Anong video? Saka sino ka ba?" Pinilit kong huwag mautal at tinapangan ang boses upang hindi niya makitang natatakot ako.Nakakakilabot ang kan'yang presensya. Dumagdag pa na hindi maalis sa isip ko ang nakakatakot na eksena na nababasa ko sa mga nobela, baka ganoon din ang sapitin ko."Really? Then what is this?" Ipinakita niya sa akin ang cellphone ko kung nasaan ang usapan namin ni Chloe. Hindi pa ako nakakapag-reply doon nang kumatok sila.Kaagad akong lumapit sa kan'ya at hinablot ang aking cellphone. Bakit ba kasi parang nahihipnotismo ako sa paraan ng pagtitig niya? Hindi ko tuloy namalayan na nakuha niya na ang cellphone ko."Bakit ba nakikialam ka? Lumabas ka na nga! Kung hindi ay tatawag ako ng pulis. Sasabihin kong trespassing ka tapos hina-harass mo ako," buong tapang na sabi ko.Napangisi lamang si Zid at prenteng umupo sa aking kama. Itinukod pa niya ang dalawang kamay sa likod.Bakit b
Magbasa pa

Chapter 3

Kinuha ko kaagad ang perang ipinadala ng kampo ni Chloe. Bukas ay sisimulan ko nang asikasuhin ang pagkuha ng flight patungong New York. Hindi ko pa sigurado kung magtatagal ako doon pero bahala na. Tumayo ako at iniharang ang mesa at upuan sa pinto ng aking kwarto. Tinabingan ko din ng makapal na kumot ang bintana. Mahirap na baka bigla na lamang akong pasukin ng Zid na iyon.Sabi pa naman niya kanina bago umalis, he will keep an eye on me. Hindi ba't iyon ang ginagamit na linya ng mga kontrabidang lalaki sa pelikula? Kaya't kailangan kong magdoble ingat.Binuksan ko ang aking laptop at binura ang video ng ChloTan. Binura ko na din ang dummy account ko sa  IG.  Ni-reformat ko din ang aking cellphone at tinapon ang ilang wigs at bagay na ginagamit ko sa pag-disguise. Mahirap na baka kinabukasan paggising ko ay marami nang parak sa labas ng kwarto ko. Mas mabuti nang wala silang ebidensya na makukuha laban sa akin.Nagsimula na din akong ma
Magbasa pa

Chapter 4

Dahan-dahan kong tinungo ang pinto at nagdarasal na sana'y hindi iyon nakakandado sa labas.Nagsisimula na namang lamunin ng mga karumaldumal na eksena ang isipan ko. Paano kung na-kidnap ako? Tapos tinurukan nila ako ng drugs kaya wala akong maalala.Baka 'yong puting van na nangunguha ng bata at mga magagandang dalaga ang nagdala sa'kin dito. Ibig sabihin, kukunin nila ang ilang internal organs ko pagkatapos ay ibebenta. O 'di kaya'y puputulan nila ako ng paa o kamay at araw-araw na ihahatid sa mga kalsada upang mamalimos.Nakahinga ako ng maluwag nang mabuksan ko ang pinto ngunit andoon pa din ang malakas na kabog ng dibdib ko.Sumilip ako at nang mapagtantong walang tao ay nakatingkayad akong lumabas.Isang katapat na kwarto ang bumungad sa'kin.Kung nakidnap ako, dapat si Tere ay nandito din dahil magkasama kaming natulog kagabi sa waiting shed. Baka nasa loob siya ng kwartong ito.Lumapit ako at inilapat ang tainga
Magbasa pa

Chapter 5

Si Zid ay parang terror na guro sa paaralan. 'Yong tipong isang sabi at tingin niya lang ay hindi na makakapalag ang mga estudyante at susundin na siya, katulad ngayon.Hindi dapat ang isasagot ko nang inaya niya akong mag-usap, pero andito ako ngayon sa kan'yang harapan sa likod ng bahay. Mataman siyang nakatitig sa aking mukha at nakakunot pa ang noo. Pakiramdam ko tuloy ay may one-on-one recitation kami. Hindi pa naman ako nakapag-review. Ano ba ang coverage?Umiwas ako ng tingin sa kan'ya bago pa man ako matulala sa pungay ng kan'yang mga mata."Gusto mo na ba'ng umuwi?" mahinahon niyang tanong.Nagulat ako kaya napatingin ako sa mukha niya upang makita kung pinagtritripan niya ba ulit ako. Tumango ako kahit nagdadalawang isip kung totoong seryoso ba talaga siya. Baka naman nakonsyensya siya sa ginawa niya sa'kin kanina kaya papauwiin niya na lang ako."Okay. I'll send you to your place," nakangiti niyang sabi.
Magbasa pa

Chapter 6

Sa pagkakaalam ko ay kay Zid lang ako may atraso pero bakit maging si Sylvester ay masamang tingin ang ipinupukol sa'kin?"Akala ko si Blue na ang pinakamagaling mong makakaribal kay Heaven, I didn't expect na maging sa isang babae ay magseselos ka ng ganito," sabi ni Ivan kay Sylvester. Si Blue naman ay abala sa kan'yang laptop.Nasa hapag kainan kami ngayon at hinihintay na maluto ang ulam. Abala sa kusina si Manang Delia at Heaven. Si Ivan, Sylvester at Blue ang kasama ko ngayon sa lamesa. Wala si Knight at umalis naman si Zid na siyang ipinagpasalamat ko."Valid ang jealousy mo kung tomboy talaga si Kai," patuloy na kantiyaw ni Ivan.Bumaling siya sa'kin at nagtanong. "No offense Kai, are you a bi? Type mo ba si Heaven?" Naramdaman kong napatigil si Blue sa pagtipa sa kan'yang laptop at si Sylvester naman ay mataman akong tinitigan. Tila nag-aabang ng isasagot ko."Tinatakot n'yo na naman ba si Kai?" Mabuti na lamang a
Magbasa pa

Chapter 7

Posible ba na malagyan ka ng tracker sa loob ng katawan mo nang hindi mo nalalaman? O sa mga pelikula lang iyon nangyayari?Pilit kong inaalala kong may naramdaman ba akong masakit o may kakaiba ba sa katawan ko nang magising ako sa bahay ni Zid at ng mga kaibigan niya. Pero wala akong maalala. Pasimple kong kinapa ang aking tiyan, batok at likod pero wala naman akong napansin na tahi mula doon.Napasulyap sa'kin si Zid na abalang magmaneho ng sasakyan. Wala akong nagawa nang pilitin niya akong sumakay. Kung walang mga pulis na nasa paligid kanina ay nagsisisigaw na ako doon para kunin ang atensyon ng mga tao at makatakas ako sa lalaking ito. Natakot kasi akong baka isuplong niya ako sa pulis kung gagawin ko iyon.Pinagmasdan ko ang dinaraanan namin at napagtantong hindi iyon ang daan patungo sa bahay.Pinalo ko ang kan'yang braso kaya nabigla siya at saglit na gumewang ang sasakyan."Ano ba Kai! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo," naii
Magbasa pa

Chapter 8

'What is one big mistake you've made in your life and what did you do to make it right?'Paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ko ang tanong na iyan kay Venus Raj nang sumali siya sa Miss Universe. Dahil kung ako ang sasagot ay sasabihin kong, 'ang pagpapairal ng aking prinsipyo sa gitna ng nakakatakot na sitwasyon ang pinakapinagsisihan ko'. Kung tinanggap ko na noon pa ang offer niyang isang milyon, sana'y milyonaryo at malaya na ako ngayon. Hindi katulad nito na tila ako isang gamit kung bitbitin ni Zid kung saan niya gusto.Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Blue ay basta-basta niya na lamang ako hinila palabas ng condo. Hindi ko man lang natapos ang kinakain ko at higit sa lahat ay hindi ko nagawa ang plano kong mag-eskandalo sa labas ng condo.Mabilis siyang nagmaneho kaya mahigpit ang kapit ko sa aking seatbelt.Nang makarating sa tapat ng bahay ay dali-dali siyang pumasok sa loob. Iniwanan niya ako sa labas, ako na kidnap niya. Hind
Magbasa pa

Chapter 9

Pakiramdam ko'y nasa isang mystery crime movie ako. 'Yong tipong naghahanap ako ng ebidensya sa isang madilim na kwarto na tanging liwanag ng aking cellphone ang nagsisilbing ilaw. Idagdag pang nasa labas lamang ang kontrabida sa pelikulang ito, si Zid.Napatigil ako sa pag-i-imagine nang makita ang isang whiteboard kung saan nandoon ang larawan ng ilang kilalang politiko. Ang ilan sa kanila ay hindi na makilala dahil mayroong guhit na kulay pulang ekis ang mukha. Bakit mayroon silang ganito?Kahit na kinukutuban ako ng masama ay inilibot ko pa din ang aking paningin hanggang sa mapahinto ako sa tapat ng isang lamesa kung nasaan ang isang malaking dyaryo.  'The Veracity. We bring your shady dealings to light.' Iyon ang nakasulat sa pinakaunang pahina. Kulay pula ang mga letra at itim naman ang background. Para itong isang cover ng libro na ang tema ay horror o mystery.Hindi ako mahilig magbasa ng mga balita dahil wala nama
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status