"ATE?"Hindi natinag sa patagilid na pagkakahiga si Jamilla. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang pag-upo ni Lala sa tabi ng kanyang kama. Mas pinili niyang tumitig sa kawalan."Kumain ka na.""Hindi ako nagugutom.""Ikaw, hindi. Pero ang bata sa tiyan mo siguradong-""Natutulog siya kaya huwag mong istorbohin," maagap niyang putol sa pagsasalita ng kapatid."Ate...""Sinabi nang hindi ako nagugutom!" Hinawi ni Jamilla ang pagkain na pilit isinusubo sa kanya ng kapatid at galit siyang bumangon. "Bakit ba ang kulit mo?""Ano bang problema mo?" sigaw ni Lala. "Kung nahihirapan ka, nahihirapan din kami ni Kuya Von! Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan kami! Akala mo ba ikaw lang ang nagdurusa? Ginusto mo naman iyan kaya bakit pati kami dinamay mo?"Napipilan si Jamilla nang makitang humagulhol ng iyak ang kapatid."Ayaw kitang sisihin! Ayokong magalit sa 'yo! Gusto ka naming intindihin ni Kuya Von! Pero sana intindihin mo rin kami! Hindi 'yong puro ikaw lang!"Bumalik sa pagkakahiga
"MOMMY, take your medicine and be healthy!"Ilang buwan ding naging masigla si Jamilla dahil sa makulit na manikang laging pinapatunog ni Lala kapag oras na ng pag-inom ng mga gamot. Sa pagkain at pagtulog, hindi rin nawawala si Angel sa tabi ng dalaga.Maayos na sana ang lahat. Nagsisimula nang bumangon ang magkakapatid mula sa pagkawala ng mga magulang nila.Lumipat sila ng tirahan upang makaiwas sa kontrobersiya lalo pa't naging usapin sa kanilang lugar na kaya namatay sina Cardo at Marta dahil sa pagbubuntis ni Jamilla.Nakahanap na ng permanente at maayos na trabaho si Von. Ilang buwan na lang at magtatapos na rin sa pag-aaral si Lala.Tahimik na sila. Pinag-aaralan na nilang unti-unting makalimot sa sakit na dinulot ng nagdaang pangyayari sa buhay nila."Jamilla, mukhang malapit ka nang manganak."Ngumiti lang siya sa isa sa mga kapitbahay na nadaanan niya."Alam mo na ba ang kasarian ng magiging anak mo?""Hindi pa po.""Bakit naman?" usisa ng isa pa nilang kapitbahay.Hindi si
"MADAM."Nakangiting nagpaalam sa mga kausap si Amelita at kunot-noong hinarap ang personal assistant na habol ang paghinga habang nasa mukha ang pag-aalala. "Sia, anong problema?""Tumawag si Mr. Arellano, Madam.""The managing director of AbTv?" tukoy niya sa isang istasyon ng telebisyon. "Bakit daw? Akala ko busy siya sa trabaho?"Pinagala muna ni Sia ang tingin sa paligid at siniguro na walang tao sa malapit saka ito pabulong na nagsalita, "Pumunta raw po roon si Jamilla para magpa-interview.""What? That filthy woman!" bulalas na gigil ni Amelita. "Hindi pa rin pala siya tumitigil?""Hindi naman daw nila iyon ilalabas.""Put him on the line.""Yes, ma'am."Sinulyapan muna ni Amelita ang mga bagong kasal na nasa presidential table bago siya umalis sa reception area."Ma'am, heto na po."Kinuha ni Amelita ang cellphone na inilahad ni Sia at kinausap sa kabilang linya ang isa sa mga matalik niyang kaibigan na si Gray Arellano."I know, I know. Don't worry too much. Walang ibang naka
"BITIWAN niyo 'ko! Bitiwan niyo 'ko! Lala! Lala!"Ilang nagmamalasakit na kapitbahay ang pumipigil sa pagwawala ni Jamilla habang nakatunghay sa nasusunog nilang bahay."Ang kapatid ko nasa loob! Iligtas niyo ang kapatid ko! Lala! Lala! Parang awa niyo na! Nasa loob ang kapatid ko! Lala! Lala!""Jamilla," mangiyak-ngiyak na singit ng isang babae. "Sa tingin ko nasa loob din ang kuya mo kasi nakita ko siya kaninang dumating. Binati pa nga ako."Nanlaki ang mga mata ng dalaga na lalo pang nanlaban sa mga humahawak sa kanya. "Hindi! Hindi! Kuya! Lala! Bitiwan niyo 'ko! Tulungan niyo ang mga kapatid ko!" pagsusumamo niya sa mga taong nakapaligid.Mabilis na nagbigay-daan ang laht nang magkasunod na dumating ang tatlong fire truck at isang ambulansiya."Sir, sir!" Nagmamakaawang sinalubong ni Jamilla ang ilan sa mga bombero. "Ang mga kapatid ko po nasa loob! Iligtas niyo sila! Parang awa niyo na! Iligtas niyo sila!""Gagawin namin ang lahat nang aming makakaya." Natuon ang tingin nito sa t
HINDI malaman at maipaliwanag ni Jamilla ang kamalasang dumapo sa buhay niya. Tila ba galit sa kanya ang langit.Mabait naman siyang tao. Mapagmahal na anak at kapatid. Kahit marami siyang pangarap, pinagsisikapan niya iyon kahit nahihirapan siya sa pag-abot niyon."Hoy! Magpapakamatay ka ba?"Binalewala ni Jamilla ang galit at sigaw ng drayber ng van na muntik na sanang makabangga sa kanya. Tuluy-tuloy lang siya sa pagtawid ng kalsada.Wala na sigurong mas sasarap pa sa mga oras na iyon kundi ang mamatay. Malas siya. Dapat lamang siguro na mawala na siya sa mundo. Baka nga kung napaaga iyon, hindi na nadamay pa ang kanyang pamilya."Wala na ang mga kapatid mo. Pareho silang nasawi sa sunog..."Tahimik na bumubuhos ang luha sa mga mata ni Jamilla habang naririnig sa isip ang balitang inihatid sa kanya ng mga pulis nang mismong araw na magising siya sa ospital."Namatay ang anak mo dahil sa mga komplikasyon..."Paluhod na bumagsak si Jamilla nang maalala ang isa pang masamang balita na
"JAMILLA!"Lumingon ang dalaga. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. "Huwag kang lalapit!""Anong ginagawa mo riyan?" Iniunat niya ang kamay. "Halika. Baka mahulog ka.""Sinabi nang huwag kang lalapit!""Jamilla!" sigaw ni Jordan nang iamba ng dalaga ang isang paa sa ere. "Bumaba ka riyan!""Wala na siyang itinira sa akin! Ang lupit niya!" Humagulgol ito. "Kinuha niya lahat nang mga mahal ko! Wala siyang itinira! Wala siyang awa! Wala siyang puso!""Jamilla, huminahon ka.""Huwag kang lalapit!" pagbabanta nitong sigaw nang makitang humakbang palapit si Jordan."Pag-usapan natin ito. Hindi maaayos ang problema mo kung idadaan mo sa galit at pag-iyak. I will listen. And you know that I'm willing to help.""Sinungaling! Wala kang pinagkaiba kay Jerry! Manloloko! Hindi ka tumupad sa pangako!""Please, let's talk." Humakbang ulit siya, pero mabilis ding napahinto nang makita niyang niluwangan ni Jamilla ang hawak sa pinagkakapitan nito. Umuulan. Kaya siguradong madulas iyon. Isang maling
"GET OUT! Get out!""Daddy, I just want to play with you...""Sinabi nang lumabas ka!" Pinagulong ni Jerry ang kinauupuan na wheelchair patungo sa sidetable at dinampot doon ang remote control ng aircon. "Labas!"Lumakas ang pag-iyak ng walong taong gulang na bata nang tamaan sa braso ang binato ng ama."Malas ka! Labas! Labas!""I hate you, Daddy! I hate you!"Humahagulhol na tumakbo palabas ng silid ng ama si Amberlyn. Nakasalubong nito ang yaya na mahigpit naman itong niyakap."Anong nangyari sa 'yo?""I hate daddy, Yaya Erin! I don't like him! He's bad! He's bad!"Napansin ng ginang ang mapulang marka sa kaliwang braso ng alaga. "Pumasok ka na naman ba sa kuwarto niya?""Gusto ko lang makipaglaro sa kanya, yaya.""Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi nang huwag na huwag kang papasok doon!""Yaya Erin, galit ka na rin ba sa akin? Lahat na lang galit sa akin! Bad po ba ako?""No, Amberlyn. Mabuti kang bata. Tahan na. Tahan na. Hindi ako galit." Pinahid niya ang mga luha sa mata ng
"PHILIPPINE time is 1:45 in the afternoon. Temperature is 28 degrees Celsius. Stay dry as rain is in the forecast..."Tinanggal ni Jamilla ang sunglasses at napatingala sa makulimlim na kalangitan. Heaven knows she's coming back. Pero walang bagyo o anumang kalamidad ang puwedeng pumigil sa kanyang pagbabalik. Pinaghandaan niya iyon ng walong taon."Mabuhay! Thank you for flying with us! Enjoy your stay!"Tumayo na ang dalaga sa kinauupuan kasunod si Jordan. It was eight years ago that they had been on their first flight together. Napakabilis ng panahon. At marami nang nagbago sa kanyang buhay."Welcome back!" Nakangiting salubong ni Marco na naghihintay na sa labas ng NAIA. Bumati rin si Rex sa dalawa. "Kumusta naman ang biyahe?""Nakakapagod," tugon ni Jordan."Hindi masyadong halata. Siguro dahil sa magandang dilag na kasama mo."Namula pareho sina Jordan at Jamilla sa panunudyo ni Marco na sinabayan pa ng nakakalokong tawa."Look at that!" patuloy na pagbibiro nito. "Nagba-blush b
"ANONG ibig sabihin nito?"Bahagyang napapitlag si Gener nang pabagsak na ibinaba ng opisyal niya sa ibabaw ng mesa ang isang asul na folder."Kaya ka ba humingi ng leave para rito?"Nang buklatin ng lalaki ang folder, nakita niya roon ang ilang pahina ng mga papel at larawan ng kanyang grupo during their stakeout sa paghahanap kay Herman."You're trying to open a cold case? And you are doing it behind my back?"Muling napasulyap si Gener sa folder. Marahil ang mga papel na naroon ay tugon mula sa request nila ni Jamilla upang buksan uli ang kaso ng pamilya Angeles."What do you think you're thinking? Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Sir -""Hindi mangyayari ang pinaplano mo!"Hinablot ni Gener ang nakasukbit na tsapa sa uniporme kasama ng ang ID saka inilapag ang mga iyon sa mesa. "Dapat noon ko pa ito ginawa.""Where did you get that guts, huh?" panlalaki nito ng mga mata sa binata habang nakalarawan sa namumulang mukha ang galit."This is not simply just guts, but courage. Alam mo ba
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal
"SO, they started the counterpart..."Napahinto sa paghakbang si Jamilla na may tangan na tray ng apat na tasa ng umuusok na tsaa. Sandali muna siyang nanatili roon at pinakinggan ang usapan sa veranda."May mga tao pa rin ang tumutulong sa kanila," wika ni Vhen."Hindi sila madaling bumitiw," tugon ni Jordan. Kasama nito ang tatlo sa mga malalapit na kaibigan. "Not because of loyalty but fear na kapag nakabangon ulit ang mga Villar ay babalikan sila ng mga ito.""Anyway, may nakakatawang balitang nakarating sa akin."Natuon ang tingin ng lahat kay Jack-- the nosy one who loves interfering to other's people lives."Ano 'yon?" tanong ni Jordan."Hindi ko alam kung matatawa ba rito o magagalit ang Daddy mo.""Why?""He was linked to Jamilla.""I heard about it to my daughter," wika ni Dick na sinundan ng pagtawa. "At lalong ginagatungan ni Fred ang kumakalat na tsismis.""Ano ba kasi iyon?" pag-aapura ni Jordan."The Villar called Ella as your Dad's mistress," tugon ni Jack."WHAT?"Nag
"WHO are you?"Napatingin ang babaing nagkakabit ng dextrose sa pagpasok ni Corrie sa silid."Hello, Ma'am.""Tinatanong ko kung sino ka?" Napansin nito ang pagtaas ng isang kilay ng babae. "Aba! Parang gusto mo ng giyera!""Ako po si Monette. I was hired as a private nurse.""Private nurse?" Pinasadahan ng tingin nito ang kabuuan ng kaharap. "And why are you not wearing your uniform?"Napasuyod naman muna si Monette sa suot na white shirt, apricot skirt at itim na rubber shoes. "Uhm, hindi pa lang po ako nakakapagbihis. Inuna kong palitan kasi ang dextrose.""And you're planning to change your clothes in my husband's room?"Napasulyap si Monette sa walang malay na pasyente. At napangisi siya na lalong ikinainis ni Corrie. "Kung magigising man ang asawa niyo kapag naghubad ako rito, siguradong matutuwa si Madam Amelita.""You -""But I always respect my patients and my self kaya imposible ang iniisip ninyo. Sige po, Ma'am." Kinuha niya ang ipinatong na bag sa ibabaw ng isang silya. "M
"ANONG ginagawa mo rito?""Yaya.""Halika ngang bata ka!" Hinatak ni Erin si Amberlyn na inabutan niya sa kuwarto ni Corrie na nagkakalkal doon. "Ang tigas ng ulo mo!""Yaya, sandali lang po!""Hindi!""Please, Yaya?""Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan!"Wala nang nagawa si Amberlyn habang hatak-hatak ni Erin hanggang makabalik sa silid nito."Ayaw mo ba talagang makinig sa akin, ha?" asik niya nang maiupo ang bata sa kama nito. "Alam mong laging mainit sa 'yo ang ulo ng mga tao rito, bakit panay ang gawa mo ng mga bagay na ikaw rin lang ang masasaktan?"Nakayuko ito at nangingiid ang luha. "Sorry po, Yaya.""Sorry ka nang sorry, pero inuulit mo nang inuulit! Anong ginagawa mo sa kuwarta ng nanay mo?""I was looking for my phone."Sandaling napipilan si Erin. Noong isang araw kasi ay kinumpiska ng amo niyang babae ang cellphone ni Amberlyn dahil lang mainit ang ulo nito nang umuwi ng bahay. At nabalingan na naman nito ang bata."Puwede mo namang gamitin ang phone ko.""But Tita
"ALAM mo bang may nakilala akong bata na kapareho nang panlasa ko pagdating dito sa spaghetti."Napasulyap muna si Jordan sa pagkain na ibinibida ni Jamilla. "Really?""She's adorable and cute.""Who's adorable and cute? Me or that child?""What?""Ngayon lang kita narinig na nagbanggit ka nang tungkol sa bata. That's the topic you usually hate and avoid.""Iba si Amberlyn." Ngumiti si Jamilla habang nakatanaw sa kawalan. "Para kasing nakikita ko sa kanya ang anak ko."Hindi umimik si Jordan."Wait here."Tumayo si Jamilla at tumungo sa silid niya. Kinuha niya roon ang cellphone at agad ipinakita kay Jordan ang larawan nilang dalawa ni Amberlyn."Look. I gave her a hard copy. Gusto niya na i-display iyon sa sarili niyang silid.""I'm jealous," saad nito na sinabayan pa ng mahinang pag-iling. "Walong taon na rin tayong magkasama, pero hindi mo pa ginawang wallpaper ang mukha ko."Natawa si Jamilla. "She's just a kid, okay? Huwag mo siyang pagselosan.""Tsk!" Patuloy ito sa pag-iling,
NAMIMIGAT pa ang talukap ng kanyang mga mata. Ang gusto niya ay manatiling tulog upang wala siyang maalala at wala siyang iisipin. Pero ang haplod ng mainit na palad sa pisngi niya ay nag-iimbita sa kanyang kamalayan na gumising. She is longing for that touch since she felt it for the first time. Tila ang dantay niyon ay pumapawi sa mga problema't alalahanin niya sa buhay.Nang dumilat si Jamilla, ngumiti siya sa taong nagbibigay lagi ng kaligtasan at kasiyahan sa kanya. Without this man, she can't be on her own. Ito ang lakas niya, noon at ngayon."How are you?""Jordan.""You sleep like a princess.""Are you my Prince Charming who wakes me up from my deep sleep?"Nakangiting tumango si Jordan. "There's no witch around, so I easily found my way here.""Mabuti naman at hindi ka nahirapan. But for sure, pinagsawaan mo muna akong titigan."Ngumiti ulit ito. "May masakit ba sa 'yo? Do you feel better now?"Bumaba ang tingin ni Jamilla sa kumot na nakatabing sa kanyang katawan. At napamu
"TAHAN na, tahan na.""I want to see my Daddy!""Hindi pa nga puwede kasi nasa ospital pa siya," patuloy na pag-aalo ni Erin sa umiiyak na alaga."But children can go also to the hospital!""Oo, pero hindi papayag ang pamilya mo na pumunta tayo roon.""Bakit po?""Uhm..." Nag-isip siya ng idadahilan, "Baka kasi magkasakit ka rin.""No, Yaya. I'm strong. Please? I want to see my Daddy.""Amber -""Ano bang ingay rito, ha?"Parehong napapitlag sina Amberlyn at Erin nang dumating si Miguel. Halatang lasing ito.Nasa sala ang dalawa at hindi nila inaasahang darating ng maaga ang ginoo.Madalas hatinggabi o madaling-araw na ang buong pamilya umuuwi dahil kaliwa't kanan ang mga party na dinadaluhan ng mga ito. Pero iyon ay noong may DBK at Fab & Style pa.Baka lagi nang umuwi ng maaga ang mag-asawa. At delikado na ang alaga niya ang pagbuntunan ng galit ng mga ito."Lolo..." Lumapit ito sa matanda, "Where's Daddy?""Ikaw!" Hinablot nito sa damit ang apo, "Ikaw ang nagdala ng kamalasan sa bu