"MOMMY, take your medicine and be healthy!"Ilang buwan ding naging masigla si Jamilla dahil sa makulit na manikang laging pinapatunog ni Lala kapag oras na ng pag-inom ng mga gamot. Sa pagkain at pagtulog, hindi rin nawawala si Angel sa tabi ng dalaga.Maayos na sana ang lahat. Nagsisimula nang bumangon ang magkakapatid mula sa pagkawala ng mga magulang nila.Lumipat sila ng tirahan upang makaiwas sa kontrobersiya lalo pa't naging usapin sa kanilang lugar na kaya namatay sina Cardo at Marta dahil sa pagbubuntis ni Jamilla.Nakahanap na ng permanente at maayos na trabaho si Von. Ilang buwan na lang at magtatapos na rin sa pag-aaral si Lala.Tahimik na sila. Pinag-aaralan na nilang unti-unting makalimot sa sakit na dinulot ng nagdaang pangyayari sa buhay nila."Jamilla, mukhang malapit ka nang manganak."Ngumiti lang siya sa isa sa mga kapitbahay na nadaanan niya."Alam mo na ba ang kasarian ng magiging anak mo?""Hindi pa po.""Bakit naman?" usisa ng isa pa nilang kapitbahay.Hindi si
"MADAM."Nakangiting nagpaalam sa mga kausap si Amelita at kunot-noong hinarap ang personal assistant na habol ang paghinga habang nasa mukha ang pag-aalala. "Sia, anong problema?""Tumawag si Mr. Arellano, Madam.""The managing director of AbTv?" tukoy niya sa isang istasyon ng telebisyon. "Bakit daw? Akala ko busy siya sa trabaho?"Pinagala muna ni Sia ang tingin sa paligid at siniguro na walang tao sa malapit saka ito pabulong na nagsalita, "Pumunta raw po roon si Jamilla para magpa-interview.""What? That filthy woman!" bulalas na gigil ni Amelita. "Hindi pa rin pala siya tumitigil?""Hindi naman daw nila iyon ilalabas.""Put him on the line.""Yes, ma'am."Sinulyapan muna ni Amelita ang mga bagong kasal na nasa presidential table bago siya umalis sa reception area."Ma'am, heto na po."Kinuha ni Amelita ang cellphone na inilahad ni Sia at kinausap sa kabilang linya ang isa sa mga matalik niyang kaibigan na si Gray Arellano."I know, I know. Don't worry too much. Walang ibang naka
NAKANGITING sinalubong ni Jamilla pagbaba ng bus ang abalang lansangan ng Ayala. Makulimlim ang kalangitan, ngunit hindi niyon mabubura sa kanyang labi ang sobrang kaligayahan.Sumakay siya ng jeep at bumaba sa Rufino Avenue. Tinahak niya ang kahabaan ng Central Street Food Market kung saan nakahilera roon ang ilang kainan. Tila musika sa kanya ang ingay ng paligid. Sinasabayan niyon ang puso niyang bumibilis ang pintig sa pananabik.Hindi pumasok sa trabaho si Jamilla dahil inilaan talaga niya ang araw na iyon para sa isang espesyal na okasyon. Unang monthsarry nila ng kanyang nobyo. At nangako ito na magdiriwang silang dalawa.Humantong ang dalaga sa tapat ng Blue Western, isa iyong tagong restaurant na madalas nilang puntahan ni Jerry kapag sila'y magkikita.Lumapad ang ngiti niya nang matanaw ang nobyo. At lalo itong tumikas sa simpleng suot na high-collared red polo at ragged denim pants. Nakatabing sa mga mata nito ang aviator black sunglasses at mayroon ding sombrero na nagtata
"HUWAG mo nang pansinin...""Wala akong narinig," she lied. Ang totoo, pinipiga ang puso niya sa sakit dahil sa mga sinabing panghuhusga ng waitress. Tila kilalang-kilala siya nito para maliitin ang kanyang pagkatao. Mahirap man sila, pero alam niya sa sarili niyang mabuti at marangal siyang tao. "Saan nga pala tayo pupunta?"Sinagot ni Jerry ang tanong ng dalaga nang makapasok na sila ng sasakyan nito na nakahimpil lang sa unahan ng inalisan nilang restaurant. "Let's go to my place.""Sa condo mo?" mulagat ni Jamilla."Girlfriend kita kaya natural lang siguro na alam mo ang tinitirahan ko. And one day, ako naman ang pupunta sa inyo para makita ko rin ang bahay niyo at makilala ko ang pamilya mo."Napangiti si Jamilla. Sa sinabi ng nobyo, natitiyak na niyang seryoso ito sa kanya. And she will hold that sincerity deep in her heart.Minsan kasi ay nagdududa siya dahil sa malayong agwat ng estado nila sa buhay. Pero ngayon ay binigyan siya nito ng pag-asa na ang katulad niyang simple at
"CLEANER?"Tumango si Jamilla na itinaas pa ang biniling mop at toilet bowl brush para mas kapani-paniwala ang kanyang papel na gagampanan sa harap ng security guard na halata sa mukha ang pagiging istrikto. Hindi iyon nasabi ni Jerry. Mabuti na lang pala at naisipan niyang bumili ng mga props."Kumuha na naman siya ng bagong tagapaglinis. Malaki siguro ang ibinabayad ni Sir Jerry.""Gan'on na nga po," sang-ayon niya sa sinabi ng guwardiya. "Sayang din naman po kasi kung tatanggihan ko. Malaking tulong na po iyon sa pamilya ko.""Sabagay. Praktikal na nga ngayon ang panahon. Pero magaling siyang pumili. Magaganda at bata ang kanyang mga kinukuha," wika nito habang pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa ang kaharap."Ano pong ibig niyong sabihin, manong?"Hindi na nasagot ng lalaki si Jamilla dahil may dumating na isa ring bisita ng gusaling iyon. "Sige na. Akyat na.""Salamat po."Mabilis na niyang tinungo ang isa sa mga hilera ng elevator bago pa magbago ang isip ng guwardiya.
MASAKIT ang halos buong katawan ni Jamilla. Wala rin siyang lakas para bumangon. Matapos ang namagitan sa kanila ng nobyo kahapon ay hindi na siya makakilos nang maayos."Anak?""Ma.""Wala ka bang trabaho ngayon?""Meron po.""Anong oras na?" Sinulyapan pa ni Marta ang wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng dingding ng silid ng anak, "Baka ma-late ka na.""Parang hindi ko po kayang magtrabaho. Masama ang pakiramdam ko. Tatawag na lang siguro ako sa supervisor ko na hindi ako makakapasok ngayong araw."Lumapit at naupo ang ginang sa gilid ng higaan. "Mainit ka nga," wika nito nang sinalat ang noo ng anak. "Ibibili kita ng gamot." Tumayo ito, ngunit bigla ring napahinto sa akto sanang pagtalikod. "Wala nga pala akong perang pambili. Baka meron kang naitatabi riyan?"Naalala ni Jamilla ang inabot sa kanya kahapon ng nobyo. Mahigit limang daan lamang ang nabawas niya roon. Hindi na rin naman iyon tinanggap ni Jerry nang ibinabalik niya rito.Kinuha ng dalaga sa bag ang buong tatlo
NASAGOT ang pagtataka ni Jerry sa sinabi ng ina nang pumasok ang babaing halos magpaluwa sa kanyang mga mata."Hi, Tita.""Corrie, hija. Come here, come here."Nakaawang ang bibig ni Jerry habang nakasunod ng tingin sa umiindayog na makurbang balakang ng bisita. She's a perfect picture of a living goddess; from head to toe."Good to be here again," wika ni Corrie. Nagbeso-beso ang mga ito. "Thanks for coming, hija!" nasisiyahan namang pasasalamat ng ginang."Ehem!" pasimpleng tikhim ni Jerry upang kunin ang atensiyon ng dalawang babae. Tumayo siya at saka inilahad ang palad. "Hello."Nakangiting tinanggap ni Corrie ang pakikipagkamay na binata. "Hi,"Nice to see you.""Kailan ba kayo huling nagkita?" tanong ni Amelita."When I was fifteen, tita."Napakunot ng noo ang binata. "Magkakilala tayo?""It's me. Choco. Remember?"Muling napamulagat si Jerry. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng diyosang kaharap. "Ang kababata ko noon na mataba at kakulay ng tsokolate?""That was a long t
NAPATIGIL sa paglilibot-libot sa buong departamento ng men's section ang supervisor nang marinig at makita nito ang pagkalaglag ng sapatos na inaayos ni Jamilla sa metal shoe rack. Nakapameywang at nakataas ang isang kilay nito nang lapitan ang dalaga."Anong ginagawa mo?""Sorry po, ma'am!"Marahas nitong hinablot ang sapatos na dinampot ni Jamilla sa sahig. "Alam mo ba kung magkano ito, ha?"Sa halip na sumagot ay lalong ibinaba ng dalaga ang ulo sa pagkakayuko dahil ilang mga kostumer ang napapatingin sa kanilang direksyon."Apat na buwan mo lang namang sahod ang katumbas nito. Kaya mo bang bayaran 'yon kapag nagasgasan ito?""Sorry po, Ma'am Eds. Hindi na po mauulit.""Haist! Bakit kaya hanggang ngayon, nandito ka pa rin? Tatanga-tanga ka naman!"Lalong itinago ni Jamilla sa pagkakayuko ang namumula niyang mukha. Pigil din niya sa pagkagat ng ibabang labi ang pagpatak ng mga luha."Sa susunod, tatanggalin na kita sa trabaho." Inis nitong ibinalik sa istante ang hawak na sapatos. "