Share

Chapter 23

"MADAM."

Nakangiting nagpaalam sa mga kausap si Amelita at kunot-noong hinarap ang personal assistant na habol ang paghinga habang nasa mukha ang pag-aalala. "Sia, anong problema?"

"Tumawag si Mr. Arellano, Madam."

"The managing director of AbTv?" tukoy niya sa isang istasyon ng telebisyon. "Bakit daw? Akala ko busy siya sa trabaho?"

Pinagala muna ni Sia ang tingin sa paligid at siniguro na walang tao sa malapit saka ito pabulong na nagsalita, "Pumunta raw po roon si Jamilla para magpa-interview."

"What? That filthy woman!" bulalas na gigil ni Amelita. "Hindi pa rin pala siya tumitigil?"

"Hindi naman daw nila iyon ilalabas."

"Put him on the line."

"Yes, ma'am."

Sinulyapan muna ni Amelita ang mga bagong kasal na nasa presidential table bago siya umalis sa reception area.

"Ma'am, heto na po."

Kinuha ni Amelita ang cellphone na inilahad ni Sia at kinausap sa kabilang linya ang isa sa mga matalik niyang kaibigan na si Gray Arellano.

"I know, I know. Don't worry too much. Walang ibang naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
akosidee45
aguy corrie wag kang pa demure hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status