"BAKIT ang kalat dito?"Napapitlag si Amberlyn nang marinig ang sigaw ng ina. Pagapang itong nagtago sa likod ng malaking sofa."Ma'am..." Humahangos na dumating ang isang katulong na may tangan pang mga kurtina, "Bakit po?" tanong nito kahit na malinaw na narinig ang sinabi ng amo.Sinipa muna ni Corrie ang laruan na nasa may paanan. "Hindi ba't kabilin-bilinan ko sainyong lahat na ayokong naglalaro rito ang batang 'yon?"Nakita ng katulong ang pagsilip ni Amberlyn sa pinagtataguan nito. "Nasaan ang batang 'yon? Hanapin mo! At dalhin mo siya sa akin! Makakatikim na naman siya sa akin ng sakit ng katawan! Ngayon na!""Umakyat na po siya sa kuwarto. Ligpitin ko na lang po ang mga kalat.""Bingi ka ba o boba? Ang sabi ko, dalhin mo rito si Amberlyn! At huwag mo nga akong pangungunahan sa gusto ko!"Nataranta namang tumatakbo si Erin palabas ng kusina. Medyo maingay sa loob niyon kaya hindi niya agad narinig ang pagdating ng amo. Maaga ito. Kaya nga hinayaan niyang maglaro muna ang alag
"ARAY, Yaya Erin! Masakit po!""Dadahan-dahanin ko lang. Tiisin mo."Humihikbi ito. "Masakit po talaga, Yaya.""Alam ko. Pagkatapos kitang gamutin, matulog ka na. Paggising mo bukas ay wala na ang sakit.""Yaya.""Uhm?""Pinapalo ka po ba noon ng Mommy mo?""Oo naman. Halos lahat ng bata ay napapalo ng mga magulang nila.""Bakit po?"Nakatunghay lang si Erin sa ginagamot na mga pasa at sugat ng alaga mula sa pamamalo ng malupit nitong ina. Ayaw niya na iangat ang mukha at baka kasi tuluyan nang malaglag ang pinipigilan niyang mga luha kapag nakita niya ang hitsura nito. Awang-awa siya rito. Bata pa ito, pero nakakaranas na nang hindi magandang pagtrato sa sariling pamilya. "Siguro dahil pasaway sila. Matigas ang ulo. Hindi sumusunod sa mga magulang. Nakagawa sila ng kasalanan. Maraming dahilan kaya napapalo sila.""Namanalo rin ba ang Mommy, Daddy, Lolo at Lola kasi hindi nila mahal ang baby nila?"Sandaling napatigil si Erin sa ginagawa. Pero pinili uli niyang huwag mag-angat ng mukh
"HUWAG mo na akong ihatid. Go and meet him."Araw ng paglipad ni Jordan pabalik ng Switzerland. Inabot ng sampung araw ang dapat ay isang linggo lamang na pamamalagi nito sa Pilipinas.Mayroon itong mga responsabilidad na naiwan sa kompanya bilang presidente. Hindi puwedeng matagal na mabakante ang magkasunod na mataas na posisyon ng Magna kung saan ay bise-presidente rin si Jamilla."Is it really okay with you?""No worries." Buong paglalambing nitong pinisil ang baba ni Jamilla. "Alam ko ang dahilan nang pag-uwi mo rito. Matagal mong hinintay ang pagkakataong ito. I won't hinder you in any way.""I'm really lucky to have such a man as understanding as you. You're the best.""Mambobola ka muna ba bago ako umalis?" Sumulyap ito sa suot na relo. "Well, I still have two hours to hear your praises. Bring it on."Natawa si Jamilla. "Alam mo na 'yon. Sige na. Baka maipit ka pa sa traffic."Sumeryoso ang mukha nito. "Just take care of yourself. Sorry if I can't be with you this time."Ginag
"YOU'RE fifteen minutes early, Detective Reyes. Baka naman isipin ng mga tao na may traffic violator dito sa cafeteria."Halos liparin nga ni Gener ang pagtungo roon. At wala itong pakialam sa paligid. Ang tingin nito ay tanging nakatutok lang sa kaharap na babae."Take a seat, Detective."Iilan lang ang kostumer na naroon sa cafeteria. Inukupa ni Jamilla ang isang sulok na malayo sa counter's area. May nag-uumpukan doong ilang empleyado ng lugar."Matagal na akong wala sa serbisyo kaya tawagin mo na lang akong Gener." Naupo ito kaharap ng dalaga at saka ibinalik ang lisensiyang kinumpiska kanina. "Ikaw ang nag-iisang survivor ng pamilya Angeles, hindi ba?""Survivor?" Natawa si Jamilla na pilit ikinubli ang gumuhit na kirot sa puso dulot nang pagkakaalala sa mapait na nakaraan. "That one word sounds scary. But you're right. It was indeed me. Pinili ko talagang mabuhay para sa araw nang paghaharap-harap namin ng mga Villar.""Gaano ka na katatag para bumangga ng isang pader?""I don'
NAGPALIPAS muna ng ilang sandali si Jamilla sa cafeteria nang makaalis si Gener. Saka lang siya lumabas nang makaubos ng dalawang tasa ng kape."Thank you po, Ma'am. Balik po kayo."Ngumiti at tumango lang si Jamilla sa waiter na nagbukas sa kanya ng pinto.Tinungo niya ang pinagparadahan niya sa kotse at dinala iyon sa hourly parking lot na nasa unahan lang. Wala pa siya sa mood para magmaneho.Naglakad-lakad si Jamilla habang nasa malalim na pag-iisip. Kahit nailatag na niya ang mga plano sa loob ng walong taon niyang paninirahan sa Switzerland, she still wanted to make it sure that the execution must be flawless. Hindi dapat magkaroon iyon ng munting mali o butas. Because everything will be ruined.Hindi siya maaaring pumalpak. Matagal niyang hinintay ang pagkakataong iyon na makaharap ang mga taong sumira ng kanyang buhay, kinabukasan at pamilya.Sinimulan na niya ang unang hakbang. Gagamitin niya si Gener. Alam niya na malaki ang maitutulong nito. Iisa lang naman sila ng kalaban.
"JORDAN Guillermo. What a privilege!""Mr. Romeo, nice seeing you again."Magiliw na nagkamay ang dalawang lalaki. Parehong nasa mga mukha nila ang kasiyahan sa muli nilang pagtatagpo na iyon."Mira," tawag ni Al sa sekretarya."Yes, Sir?""Brewed the best coffee we had here. And cancel my appointments. Walang iistorbo sa amin. Maliwanag?""Yes, sir."Nang makalabas ang sekretarya ay nasisiyahan uling hinarap ni Al ang binata. "Have a seat, have a seat!""My apology for coming unannounced. I was on my way back to Switzerland. At naisipan kong daanan ka.""No worries. Masaya akong naalala mo ako. How long since the last time we've seen each other?""Ten years ago.""Yeah, right. I was with your grandpa, desperately offering him to buy his shares to Deynmark Limited. But he declined me, over and over again. He's really firm with his decisions."Sinundan ng tingin ni Jordan si Al sa pagtayo nang kumuha ito ng alak at kopita sa mini island counter ng sarili nitong opisina."You know, I'm
NATUON ang atensiyon ng nagsusugal na mga kalalakihan sa pagdating ni Gener at pabagsak na paglapag ng hindi kalakihan na itim na bag sa mesa na pinaglalatagan ng mga baraha."May trabaho tayo," wika ng binata.Isa sa anim na lalaki ang nagbukas ng bag. At napamulagat ang lahat nang makita sa loob ang bugkos-buskos na mga pera."Boss, lumihis ka na ba ng landas?""Anong klaseng ilegal na trabaho ang pumasa sa panlasa mo?""Baka dr○ga. Malakas ang pasok ng pera roon."Muling nadako ang tingin ng mga lalaki sa laman ng itim na bag. At tumango sa pagsang-ayon ang mga ito sa sinabi ng kanilang kasama."Puwede ring mga armas.""Oo nga. At smuggl!ng. Lalo na ng mga high-end na sasakyan.""Human traff!cking?""Puwede! Uso iyan ngayon sa iba't ibang bansa. At parang gatas kung bumuhos ang pera sa ganyang kalakaran."Habang nagpapalitan ng kanya-kanyang mga opinyon ang lahat, inabala naman ni Gener ang sarili sa pagpalakad-lakad sa loob ng kanilang hideout.Hindi mawala-wala sa isip niya si Ja
"I'LL take my leave. Thank you for your time, Mr. Romeo.""The pleasure is always mine. But are you sure you're not bringing this wine? This is the best among the best."Napasulyap muna si Jordan sa itinuro ni Al na nasa ibabaw ng centre table bago ngumiti. "I really wanted to -""Kung inaalala mo pa rin ang mga staff sa airport, worry not. I can make a quick call to their official.""It's really fine, Mr. Romeo. Hindi pa naman ito ang magiging huli nating pagkikita. You know, I still have lots of business to offer to you that will surely benefit yours."Natawa ito. "I like it, I like it! Alam na alam mo ang kahinaan ko!""Businessmen think alike. Sinu-sino ba naman ang magtutulungan, hindi ba?""True. You know, frankly, nakuha ng Magna ang interes ko. It kept soaring high, mighty, and powerful. Ano bang sekreto ng pamilya mo?""We just strive hard. At sinisiguro namin na wala kaming tinatapakan na mga tao. So, I think God favours those who walk in good and clean life. Don't you agree
HALOS madaling-araw nang nakatulog si Gener dahil pinag-aaralan niyang mabuti ang mga dokumento para sa pagbubukas ng Angeles case. He has been doing it for the whole week.Ang gusto sana niya ay magbabad pa sa higaan. Pero may mga matang nakadilat sa harapan niya. Ramdam niya iyon kahit nakapikit siya dahil sa mainit na hininga na dumadampi sa kanyang mukha.Dahan-dahang nagmulat si Gener. At tila humiwalay sa katawan niya ang kaluluwa niya nang una niyang mabungaran ang teddy bear ni Amberlyn. "Ano ba? Gusto mo ba akong atakehin sa puso?""Wala ka po bang trabaho ngayong araw?"Tumagilid siya ng higa sa sofa na may kasama pang pagsampay ng isang paa sa sandalan niyon. Doon na siya natulog dahil pinagamit niya ang kanyang silid sa kinupkop na bata na ngayon ay gusto na niyang pagsisihan dahil sinisira nito ang kanyang umaga."Huwag mo nga akong istorbohin!""It's nearly noon time, pero madilim pa rin sa buong bahay.""Hayaan mo lang na nakatabing ang mga kurtina para hindi pumasok an
MABABAKAS ang matinding lungkot sa mukha ni Jamilla nang lumabas siya sa maoseleum ng pamilya. Sinalubong siya ni Tere na may dalang payong.Sandali siyang huminto sa paghakbang at tumingala sa kalangitan. Makulimlim iyon at manaka-naka na ang pagpatak ng ulan. Tila nakikidalamhati rin ito sa kanyang nararamdaman.Eight years ago, she was left alone and broken. Hiniling niya noon sa Diyos na kunin na lang siya para makasama ang anak at pamilya. Gusto niyang mamatay na. Pero ngayon ay may dahilan na siya para mabuhay."Let's go," wika ni Jamilla kay Tere.Nang makapasok na ang dalawa sa kotse at umandar na iyon, hinayaan muna nila na mamayani ang katahimikan. Kahit si Rex ay nakikiramdam lang."May gusto ba kayong sabihin?" untag ni Jamilla.Nagkatinginan naman muna sina Rex at Tere. Sumenyas ang una sa huli na ito na ang magsabi."Fire away," utos ni Jamilla."Sigurado po kayo sa desisyon niyo, ma'am? Mabilis na paraan sana ang excavation at DNA test."Nagpakawala muna si Jamilla ng m
IBINABA ni Gener sa sopa ang kargang bata na hindi nakatulog sa biyahe kahit na panay ang hikab nito. Mayroon itong kinatatakutan na tila ba ang pagpikit ay katumbas ng bangungot.Nahuhuli rin niya na palinga-linga ito sa paligid; mula sa halos beinte minutos na biyahe nila hanggang sa makaayat sila ng kanyang inuupahang apartment."Pulis ka po ba?""Hindi. At ika-sampu mo nang tanong 'yan.""Twelve na po. Marunong po akong magbilang.""Marunong ka rin sanang tumahimik." Hinubad niya ang sapatos at itinabi sa gilid ng pinto. lsinuot niya ang tsinelas. "Ang daldal mo. Parang hindi napapagod ang bibig mo sa pagsasalita."Binalewala ni Amberlyn ang sinabi ni Gener. "Inaantok na po ako.""Uy, teka!" Pinigil niya ang bata sa aktong paghiga nito sa sofa. "Hindi ka matutulog nang marumi ang katawan at hitsura mo. Magkakalat ka pa rito. Kailangan mo ring sagutin ang mga itatanong ko.""Pulis ka po ba?""Bakit paulit-ulit ka na lang? Para kang sirang-plaka!""Pulis lang po ang maraming tanong.
MULA sa pagkakasampa ni Amberlyn sa ibabaw ng isa sa mga bintana ng silid ay pilit niyang inaabot ang mahabang water pipe na nakadikit sa dingding sa labas.Hindi siya puwedeng dumaan sa ibaba dahil naririnig niya ang pag-iingay roon ang kanyang ina. Kailangang makaalis siya ng bahay bago dumating ang mga pulis.Kagat-kagat ni Amberlyn sa tainga ang manika nang dumausdos siyq sa water pipe. Tinanggal na niya lahat nang kaba at takot sa katawan dahil kapag nahuli siya ay hindi niya alam ang gagawin sa kanya ng pamilya lalo na't wala na ang Yaya Erin niya sa tabi.Mababa lang naman ang pagitang una at ikalawang palapag kaya hindi naman siya nahirapan. Ang problema lang ay mataas ang nag-iisang puno sa likuran ng bahay na balak niyang akyatin para makalabas ng bakuran. Pero susubukan niya.Tulad nang ibinilin ni Erin, nagtago muna at naghintay ang bata ng pagkakataon. "AMBER?"Napatigil siya sa pag-akyat sa puno saka napalingon. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa pagkakataong iyon. "Ku
"LET'S play and be happy!""Daddy, Angel wants to play with me.""Let's play and be happy!" pag-iingay uli ng manika nang pindutin ang tiyan nito ni Amberlyn."But I can not play with her. Gusto ko po kasi kasama ka. Daddy, gising ka na po. Please? I really miss you. Angel, too.""Let's play and be happy!""Sorry, Angel. Let's play when Daddy wakes up, okay?" Pinatango niya ang manika. "Good girl."Inihiga ni Amberlyn ang ulo sa tabi ng ama habang nakatingala at nakayakap dito."Daddy, when you wake up, let's go and travel. Hindi na po kasi ako pinapalabas nina Lola at Mommy ng bahay."Naging komportable sa pagkakahiga si Amberlyn habang kausap at yakap ang ama. Kaya hindi na niya namalayan na unti-unti na siyang hinihila ng antok.Nagising na lamang ang bata dahil may marahas na humali sa kanya patayo. At nanlaki ang mga mata niya, "Mommy?!""Anong ginagawa mo rito?""Mommy, I just want to see Daddy.""Sinong nagbigay permiso sa 'yo na pumunta at pumasok dito, ha?""Sorry po, Mommy."
ITINULOS sa posisyon si Monette kahit nabugahan ng tubig ng taong matagal din niyang pinangarap na muling makita. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ito. If she could just stare him that way, pipiliin niyang pigilin ang pag-ikot ng mundo. And she will hold the time to remain right just in front of him.He never changed. He is still the most handsome man in her eyes. Pero hindi siya dapat magpahalatang masaya siya sa pagtatagpo nila na iyon. She has to control her emotions."I assume na magkakilala na kayo," wika ni Jamilla na palihim na pinandilatan si Gener nang tumingin ito sa kanya. Tila bata itong nagpapasaklolo. "Tama ba?""He's an old colleague," malamig na saad ni Monette. "Anyway, I came here to meet you. Hindi ko alam na may bisita ka pala.""No, no. Hindi siya bisita rito."Gusto sanang itaas ni Monette ang isang kilay, pero pinigil niya iyon. Baka maging rude siya sa paningin ng dalawa. "Sorry. Asawa mo?""What do you think?" Naupo si Jamilla sa tabi ni Gener at kum
"ANONG ibig sabihin nito?"Bahagyang napapitlag si Gener nang pabagsak na ibinaba ng opisyal niya sa ibabaw ng mesa ang isang asul na folder."Kaya ka ba humingi ng leave para rito?"Nang buklatin ng lalaki ang folder, nakita niya roon ang ilang pahina ng mga papel at larawan ng kanyang grupo during their stakeout sa paghahanap kay Herman."You're trying to open a cold case? And you are doing it behind my back?"Muling napasulyap si Gener sa folder. Marahil ang mga papel na naroon ay tugon mula sa request nila ni Jamilla upang buksan uli ang kaso ng pamilya Angeles."What do you think you're thinking? Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Sir -""Hindi mangyayari ang pinaplano mo!"Hinablot ni Gener ang nakasukbit na tsapa sa uniporme kasama ng ang ID saka inilapag ang mga iyon sa mesa. "Dapat noon ko pa ito ginawa.""Where did you get that guts, huh?" panlalaki nito ng mga mata sa binata habang nakalarawan sa namumulang mukha ang galit."This is not simply just guts, but courage. Alam mo ba
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal