NAPAKUNOT ng noo ni Jamilla. Malayo pa lang siya ay natanaw na niya si Tatay Rex na agad tumuwid ang pagkakatayo mula sa sinasandalan nitong kotse.Ipinarada muna niya ang sasakyan sa parking slot ng parking area sa ground floor ng City Royale. Pinagbuksan pa siya ng pinto ng matanda na bumati sa kanya."Tatay Rex, ano pong ginagawa niyo rito?" Sinulyapan niya ang relo sa bisig. "Nakaalis na po si Jordan.""Alam ko. Ikaw and sadya ko."Sandaling natigilan si Jamilla. "Ah, okay po. Mukhang mahalaga nga ang pakay niyo at hinintay niyo pa ang pagdating ko.""Hindi ba ako nakakaabala?"Umiling siya. "Umakyat muna tayo at makapagkape."Magkaabay na ang dalawa sa pagtungo at pagsakay sa elevator. Nakikiramdam si Jamilla. Hindi naman siya kinakabahan at nangangamba sa posibleng pag-usapan nila ni Tatay Rex. Matagal na ring tauhan ito ng pamilya ni Jordan at napatunayan naman niyang mapagkakatiwalaan ito sa lahat nang bagay."Pasok po kayo," imbitasyon niya nang makarating sila sa penthouse.
"LOOK! Yaya, it's a dragonfly!""Dahan-dahan lang! Huwag kang tumakbo! Baka madapa ka!""I want to catch it, Yaya!""Sandali, sandali! Pahinga muna tayo! Hinihingal na ako sa kasusunod sa 'yo!"Napahagikhik si Amberlyn. "I think because you're old, Yaya.""Tinatawag mo na akong matanda? Ikaw na bata ka!"Tumatawang tumakbo si Amberlyn habang habol-habol naman ito ni Erin."Catch me, Yaya! Catch me!"Malaya ang dalawa na makapaglaro sa hardin dahil nasa ibang bansa para sa business ang mag-asawang Miguel at Amelita. Si Corrie naman ay madalas na madaling-araw nang umuuwi."Ayoko na!" Humihingal na tumigil sa paghahabol si Erin. "Timeout muna!""I'll catch the dragonfly, Yaya. Wait for me here, okay?""Huwag kang lalayo!""Yes, Yaya! I'll bring you the dragonfly!""Baka madapa ka!"Mabilis nang tumakbo si Amberlyn at masayang hinahabol ang tutubi. "Got you!" wika nito nang mahuli iyon.Mula sa unahan ay natuon ang tingin ni Jerry sa naulinigan na tinig ng anak na nabaling naman sa kanya
SHE stepped out from her convertible red Mercedes Benz. Napatingala muna siya sa bughaw na langit bago isinuot ang Chanel sunglasses at inayos ang pagkakasukbit ng Hermes bag sa braso.Jamilla walked elegantly with her Gucci floral black dress. And a white coat was hung behind, covered her slim shoulders.Every clank of that red Prada heels she is wearing matches almost the sway of her curve hips. She made sure that all eyes would be looking at her.At nagtagumpay naman ang dalaga dahil karamihan sa mga taong nasa paligid ay napapatingin sa kanya. Nakalarawan ang pagtatanong at pagtataka sa mukha ng bawat isa kung artista ba ang kanilang nakikita.Huminto si Jamilla sa tapat ng Avalanche Shoe Mart. An old feeling clinched on her spine. She remembers those days going back and forth in that place next to hell. Mabigat sa kanya ang bawat araw noon. Kung hindi lang niya kailangan ng pera't trabaho, she would never stay in there.Hindi niya makakalimutan ang masasakit na mga salita at pang
SHE painted the most beautiful and sweetest smile on her lips. That mini reunion excites every vein in her body. She will surely go to a fancy restaurant after, for a celebration."Jamilla?" bulalas ni Ellie na napataas pa ng isang kilay matapos nitong hagurin ng baba-taas na tingin ang kaharap. "Mukha yatang mas naging ambisyosa ka dahil sa OOTD mo ngayon. Ano? Nakahanap ka ba ng Dirty Old Man na galante at mayaman para mayroong magbigay ng luho mo?"Natawa si Eds. "DOM? My gosh! May kalandian ka rin talaga!"Jamilla remained calm as she was still enjoying the show. "It's been eight long years, pero wala pa ring nagbago sa inyo. Forever a saleslady and a supervisor with distracting manners."Muling napataas ng kilay si Eds sa magandang bigkas ng mga salita ng kaharap. But it doesn't stop her. "Huwag na huwag mo kaming ikumpara saiyo. You're such a slut!""That's quite offensive. Alam niyo bang puwede kayo niyan mawalan ng trabaho?""Really?" Ellie crossed her arms. "At sino naman ang
"AMBER!"Hindi man lang huminto o lumingon ang tinawag na bata. Tuluy-tuloy lang ito sa paghakbang nang nakayuko habang ang mga mata ay nangingilid na sa mga luha."Amber! Amber!"Tinakpan nito ang makabilang tainga ng mga palad. Pero nanunuot pa rin doon ang nakakalokong tawa at tinig ng mga kaklaseng nakasunod sa likuran."Hindi na naman dumating ang Mommy at Daddy mo!""Wala naman kasi siyang Mommy at Daddy!""Ampon! Ampon! Ampon!"Huminto si Amberlyn na bigla ring nagpatigil sa apat na batang lagi na lamang tumutukso rito. "Hindi ako ampon! May Mommy at Daddy ako!""Nasaan sila? Bakit wala sila rito?"Napatingin si Amberlyn sa magandang dekorasyon sa paligid ng eskuwelahan. 112th Foundation Day sa araw na iyon.Nag-perform ito kanina sa stage para sa isang palabas. At bukod-tanging ito lang ang walang mga magulang na masayang pumapalakpak, tulad ng nagdaang ilang taon mula nang mag-umpisa itong mag-aral ng Pre-school, Kinder hanggang ngayon na tumuntong na ito ng Grade 2."Busy si
"HIJO?"Napukaw mula sa malalim na pag-iisip si Jordan. Hindi niya namalayang pumasok na ng opisina niya ang ina. "Ma.""Nakabukas ang pinto. At nakita kong tulala ka. Is everything okay?""Yes, Ma." Tumayo siya at inakay ang ina patungo sa isa sa dalawang bakanteng silya sa harap ng kanyang office table. Naupo rin siya sa katapat nito. "Why you're here?""I really can't stay long in the house. Nabo-boring ako mula nang umalis si Jamilla. When is she coming back?"Napakibit-balikat siya. "Maybe in a month or two.""Oh, I see. Masyado palang matagal ang bakasyon niya sa Pilipinas. Kaya ka ba nagkakaganyan? You missed her, too. Right?"Ngumiti lang si Jordan."Hijo..." Ginagap nito ang kamay ng anak, "You know how much we liked her since you brought her to us eight years ago.""I know, Ma. You all looked at me that very day like I brought a bride with me."Mahina itong natawa. "You can't blame us. Because that was the first time. You stayed single for too long.""Wala lang talagang baba
"MALAKAS sana ang laban natin sa kaso ng pamamaril sa iyong ina kung makukuha natin ang orihinal na kopya ng cctv malapit sa inyo.""Nasaan iyon?""Burado na ang unang kopya na nakalap ko noong araw na rumisponde ako. And as I have mentioned to you, binaliktad ang nangyari kaya tampered na lahat nang ebidensiyang isinumite sa husgado."Kasalukuyang nasa isang Japanese restaurant sina Gener at Jamilla. Umukupa ang dalaga ng pribadong silid para makapag-usap silang dalawa nang malaya."Ang ibig mo bang sabihin ay mayroon pang ibang kopya ang cctv na iyon?""Alam ng mga Villar na wala kayong laban sa kanila kaya baka tama ang naisip ko na hindi nila pinasok ang Red Intel Manila."Ipinaliwanag ni Gener ang binanggit na ahensiya ng gobyerno na nangangalaga sa lahat nang recording and data ng mga cctv sa buong Kamaynilaan."Mahirap pasukin ang Red Intel. Pero baka magawan ng paraan ng mga koneksyon mo."Napatingin ang dalaga sa maliit na papel na inilapag ni Gener sa harapan. Nakasulat doon
UMABOT pa nang mahigit isang oras sa pag-uusap sina Gener at Jamilla habang isinisingit na rin nila ang pagkain."Kailangan ko nang umalis. Tatawagan na lang kita kapag may balita na ako sa mga pinapahanap ko sa mga tauhan ko.""Go ahead. Salamat."Tumayo na si Gener matapos maitago sa likurang bulsa ng suot nitong jacket ang hawak na notebook, pero napatigil ito sa pagtalikod nang may maalalang usisain kay Jamilla. "Nakita mo ba ang labi ng mga kapatid mo bago sila inilibing?""It's a close casket. Nasunog ang buong katawan nila. At kahit makita ko, hindi ko na sila makikilala pa."Hindi na nito dinugtungan pa ang tanong nang lumarawan sa mukha ni Jamilla ang lungkot sa pagkakaalala sa masalimot na nakaraan. "I see. Sige. Bye."Tumango lang ang dalaga na pinili muna ang makipagtitigan sa kaharap na wine glass bago nag-angat ng tingin matapos marinig ang paglabas ni Gener ng silid."Kuya Von, Lala, please don't resent me. Ginagawa ko ang lahat para mabigyan kayo ng hustisya. Hang in t
"NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany
"MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si
"PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago
MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad
"KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama
"KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C
PALIPAT-LIPAT ang tingin ng immigration officer sa hawak na passport at may-ari niyon na makikita sa window glass ang nakalarawang iritasyon sa mukha."What took you so long?" asik ni Corrie. "Baguhan ka lang ba rito?""No. I've been here for more than twenty years.""Then you should retire! Ang bagal mo!"The man smirked. Tumango-tango rin ito at lalo pang binagalan ang pagkilos. "I'm really planning. At magiging memorable pa yata ang retirement year ko.""I don't have time for chit-chat, okay? Do your job. Sayang ang pinapasahod sa 'yo ng gobyerno.""Why such in a hurry, Mrs. Corrie Han Villar?""Gosh! You're annoying! Bilisan mo riyan!""Hindi mo puwedeng apurahin ang immigration officer. May sinusunod kaming protocol dito para sa checking and verification ng mga documents. But if you're really in a hurry, may kilala ka ba rito sa loob na puwedeng makatulong sa 'yo?"Lumapit na si Amelita mula sa likuran ng yellow line dahil sa tagal ni Corrie. Narinig na rin niya ang malakas niton
"MUM, stop it."Sandaling natigil sa pagtitipa ng mensahe sa cellphone si Amelita. Sinulyapan nito ang anak.Magkakasama sa mahabang police patrol vehicle ang buong pamilya. Naroon din si Monette. Nakahiwalay lang sa kanila sina Lodi, Baldo at Edna."Don't try to stop me." Sumulyap ito sa mga kasamang pulis. "Gusto mo ba na makulong, ha?""We've been free for too long..." Pinilit ni Jerry na makapagsalita. He's still weak, but he has to voice out his sentiments that his been keeping it deep within his broken heart. "Dapat nga noon pa natin pinagbayaran lahat nang mga kasalanan natin."Maraming dahilan kaya pakiramdam niya ay durog na durog ang puso niya. He's an unworthy man, a worthless father, not a so-good husband and son.Minsan hindi niya maiwasan na hilinging hindi na lang sana siya nakaligtas noong gabing maaksidente siya. Because living is pointless anymore."We did nothing wrong!" madiing saad ni Amelita. "Ang babae na iyon ang dahilan kaya nandito tayo sa sitwasyon na ito! I
"DOC, anong nangyari? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang anak ko?"Lumipas na ang mahigit apat na oras na sinabi ng doktor na dapat ay bumalik na ang malay ni Amberlyn, pero nagpalit na ang bagong araw ay nanatili pa rin itong tulog. Hindi man lang ito nagbibigay ng senyales kahit ang dumikat kahit saglit."Normal na ang kanyang mga vital signs. There is no indication of any infection or side effects and even the postoperative complication. We're confused, too.""No explanation at all? It can't be," wika ni Jamilla nang naiiling habang puno ng pag-aalala. "There might be something wrong with her.""Did your child have any traumatic experience?"Napakunot ng noo si Jamilla. "Why?""During her operation, I noticed some old scars from her body. And some are deep na para bang galit na galit ang sinumang tao na gumawa niyon."Napahagulhol si Jamilla."Who did it?"Umiling si Jamilla. "Not me. But someone who is evil!" saad niya na puno ng galit sa pagkakaalala kay Corrie