UMABOT pa nang mahigit isang oras sa pag-uusap sina Gener at Jamilla habang isinisingit na rin nila ang pagkain."Kailangan ko nang umalis. Tatawagan na lang kita kapag may balita na ako sa mga pinapahanap ko sa mga tauhan ko.""Go ahead. Salamat."Tumayo na si Gener matapos maitago sa likurang bulsa ng suot nitong jacket ang hawak na notebook, pero napatigil ito sa pagtalikod nang may maalalang usisain kay Jamilla. "Nakita mo ba ang labi ng mga kapatid mo bago sila inilibing?""It's a close casket. Nasunog ang buong katawan nila. At kahit makita ko, hindi ko na sila makikilala pa."Hindi na nito dinugtungan pa ang tanong nang lumarawan sa mukha ni Jamilla ang lungkot sa pagkakaalala sa masalimot na nakaraan. "I see. Sige. Bye."Tumango lang ang dalaga na pinili muna ang makipagtitigan sa kaharap na wine glass bago nag-angat ng tingin matapos marinig ang paglabas ni Gener ng silid."Kuya Von, Lala, please don't resent me. Ginagawa ko ang lahat para mabigyan kayo ng hustisya. Hang in t
MULA sa pagtanaw sa labas ng bintana ay nabaling ang tingin ni Jerry sa pinto nang magbukas iyon. Pumasok si Corrie nang nakangiti, pero namumungay ang mga mata dahil sa kalasingan. Paika-ika rin maging ang paglalakad nito."Ops! I forgot. This is no longer my room.""Then, leave."Sa halip na tumalima si Corrie sa madiin na pagtaboy ni Jerry ay humakbang ito palapit sa asawa. "Don't be so cold. I am still your wife. And I'm going to be your wife hanggang sa huling hininga mo. It was our wedding vow. Right?""Get out.""Later, honey. Don't be in a hurry. I know you despise me. But I missed you today."Mabilis na hinawi ni Jerry ang kamay ni Corrie na aktong hahaplos sa kanyang pisngi. "You're drunk. Wala ka sa sariling katinuan ngayon. So, sober up first bago ka humarap sa akin.""Why? Because you know I feel terrible looking at your incapability as a man?"Napansin niya na tumingin ang kanyang asawa sa mga paa niya kaya agad niyang hinatak paitaas ang kumot na nakatakip doon na bahag
"HOW do I look?""Just fine," tugon ni Jordan sa kapatid sa unang araw nito sa Magna.Napabuga naman ng hangin sa bibig si Fred at pabagsak itong naupo sa swivel chair nang i-unbutton ang suot na suit. "You know I hate wearing this stuff.""You need to look formal and normal kapag nasa kompanya ka. To earn the respect from your subordinates.""Nangako ka. Two months ka lamang mawawala. Kapag lumagpas ka riyan, pasasabugin ko ang Magna at abo mo itong dadatnan."Mahinang natawa si Jordan. "Yeah, yeah.""Pero huwag kang babalik nang hindi kasama si Ate Jamilla. Nang hindi ako ang kinukulit ni Mama.""Oo na."Fred is an MD graduate and also took MBA dahil iyon na ang mga kurso ng buong pamilya. He paved his career in Magna for 2 years, pero bigla na lamang itong nahilig sa sports as a Triathletes or triathlon athlete.Their Dad is still the chairman. But the position for president can't be emptied dahil sa ilang senior official na mayroong pagnanasa na makaupo sa puwesto. Even most of t
"MOMMY?"Pabagsak na ibinaba ni Corrie ang binabasang aklat nang makita si Amberlyn na pumasok ng silid."How many times I told na matuto kang kumatok at huwag kang basta-basta na lang pumupunta rito nang wala akong permiso? Bobo ka ba o matigas lang talaga ang ulo mo?"Napayuko si Amberlyn. "Mommy, sorry po. Nakita ko po kasing nakabukas ang pinto kaya puma-"Hindi na naituloy ng bata ang iba pang sasabihin na napapitlag pa nang marinig ang marahas na hampas ng kinikilalang ina sa mesa."Sumasagot ka pa talaga? Saan mo iyan natutunan? Ganyan ba ang itinuturo sa eskuwelahan mo, ha?""Hindi ko na po uulitin, mommy. Sorry po.""Anong kailangan mo?" pasigaw uli nito.Mahigpit na nakukulong sa nanginginig na mga maliliit na palad ni Amberlyn ang bagong gintong medalya na nakuha nito bilang unang parangal sa paligsahan na sinalihan nito sa larangan ng pagguhit sa paaralan. Ang mga naunang natanggap nito noong foundation day ay hindi na nito naipakita. But today, she has to show it because
"MOMMY, take your medicine and be healthy!"Nakasapo sa tiyan si Jamilla habang pinapatunog nang paulit-ulit ang hawak na manika. Napapangiti siya sa alaala ng batang dinala niya sa sinapupunan ng siyam na buwan, pero naghahatid din ng lungkot ang pagkawala nito.Sabay silang lumaban. Mula nang malaman niyang buntis siya ay napansin na niya ang pagkapit ng anak para lang mabuhay. She experienced depression, malnourishment, stress, physical injuries— at lahat nang iyon ay matapang na nilagpasan nilang dalawa. Kaya mahirap paniwalaan na namatay ito sa komplikasyon noong araw na ipinanganak niya ito. But the doctor himself told her about it. She needs to believe.Marami siyang pagsisisihan habangbuhay. Kung puwede lang sanang ibalik ang panahon, babaguhin niya ang kahapon.Napatingala si Jamilla sa kalangitan. Maganda man ang panahon, pero hindi niyon naibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman.If only God exist and could hear her prayers, hihilingin niya na sana may ipadala itong isang
"TITA, who are they?"Napatingin si Jamilla sa portrait na nakasabit sa dingding ng sala. "Ang pamilya ko.""Nasaan na po sila?""They are also in heaven with Angel.""Magkakasama na po pala sila roon, pero mag-isa ka lang dito.""Nasanay na rin naman ako," pinasigla ni Jamilla ang tinig."Tita, who is he?"Nadako ang mga mata ng dalaga sa larawan ni Jordan na nakahilera sa mga picture frame na nasa ibabaw ng marble platform. "He's someone special to me.""As special as Angel?"Ngumiti siya. "Yes.""Is he your husband?""No.""Your boyfriend?"Natawa si Jamilla sa pagiging madaldal at usyusera ng bata. "No.""Bakit po magkasama kayo sa mga picture?""I like him..." Namula si Jamilla sa pagtatapat na iyon na hindi pa niya kailanman nagawa kay Jordan, "A lot.""Are you going to marry him someday?""Amber!" pagsaway ni Erin sa kadaldalan ng alaga."It's okay," wika ng dalaga. "Yes,” tugon ni Jamilla nang nakangiting balingan ang bata. “I'm going to marry him someday.""I want to meet him
"MUKHANG maganda yata ang mood mo ngayon?"Napatingin si Jamilla kay Gener na naupo sa tapat ng kanyang puwesto sa resto na madalas nilang puntahan. "Oh, hi. Bakit mo naman nasabi?""Sa labas pa lang, natanaw na kita na nakangiti.""I just met someone. And she's really adorable.""You should meet that person often. Para maganda lagi ang mood mo.""I was really thinking of visiting her at school.""But to remind you, better to stay away from anyone lalo na kapag magsisimula ka na sa mga Villar. They may use those people around you as your weakness.""Hindi ko naisip iyan. Thank you for reminding me. Um-order ka na."Kinawayan ni Gener ang isang waiter."Yes, sir?""Dati. 'Yong speciality niyo. Dalawa.""Noted, sir. Any drinks?""Pareho na rin."Dahil napapadalas nga roon ang dalawa, kilala na sila doon ng mga empleyado. At kapag nagpapa-reserba sila, alam na rin ang ibibigay sa kanilang puwesto. It was in a corner na hindi masyadong inuupuan ang paligid. Usually, they went there in a d
"THOSE two old fool! How can they do this to me! I've been loyal to them until the very end, tapos ito lang ang igaganti nila sa akin?"Hindi lang pagmumura ang pinakawalan ni Amelita sa bibig. Marahas din niyang ibinagsak ang mga hawak na papeles.Malinaw na nakasulat sa mga natanggap niyang papel ang notice of statement ng dalawa niyang leading investor. They are pulling out their shares for betterment ayon sa rason na ibinigay ng mga ito.Fab & Style has been in the world of fashion for more than three decades. She is the designer herself; from footwear, gowns and tuxedo, cocktail dress to brassiere. Kapag nawala ang kompanyang pinaglaan niya ng pera't panahon, para na ring siyang pinatay."Betterment? Huh! No one is better than my company!""M-Ma'am?""What?" salubong na singhal ni Amelita sa pumasok na sekretarya."May dumating pong tao na gusto kayong makausap.""Sinabi ko sa 'yo na i-cancel mo lahat nang appointment at schedule ko ngayong araw, hindi ba?""Sorry po, ma'am.""Na
ITINULOS sa posisyon si Monette kahit nabugahan ng tubig ng taong matagal din niyang pinangarap na muling makita. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ito. If she could just stare him that way, pipiliin niyang pigilin ang pag-ikot ng mundo. And she will hold the time to remain right just in front of him.He never changed. He is still the most handsome man in her eyes. Pero hindi siya dapat magpahalatang masaya siya sa pagtatagpo nila na iyon. She has to control her emotions."I assume na magkakilala na kayo," wika ni Jamilla na palihim na pinandilatan si Gener nang tumingin ito sa kanya. Tila bata itong nagpapasaklolo. "Tama ba?""He's an old colleague," malamig na saad ni Monette. "Anyway, I came here to meet you. Hindi ko alam na may bisita ka pala.""No, no. Hindi siya bisita rito."Gusto sanang itaas ni Monette ang isang kilay, pero pinigil niya iyon. Baka maging rude siya sa paningin ng dalawa. "Sorry. Asawa mo?""What do you think?" Naupo si Jamilla sa tabi ni Gener at kum
"ANONG ibig sabihin nito?"Bahagyang napapitlag si Gener nang pabagsak na ibinaba ng opisyal niya sa ibabaw ng mesa ang isang asul na folder."Kaya ka ba humingi ng leave para rito?"Nang buklatin ng lalaki ang folder, nakita niya roon ang ilang pahina ng mga papel at larawan ng kanyang grupo during their stakeout sa paghahanap kay Herman."You're trying to open a cold case? And you are doing it behind my back?"Muling napasulyap si Gener sa folder. Marahil ang mga papel na naroon ay tugon mula sa request nila ni Jamilla upang buksan uli ang kaso ng pamilya Angeles."What do you think you're thinking? Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Sir -""Hindi mangyayari ang pinaplano mo!"Hinablot ni Gener ang nakasukbit na tsapa sa uniporme kasama ng ang ID saka inilapag ang mga iyon sa mesa. "Dapat noon ko pa ito ginawa.""Where did you get that guts, huh?" panlalaki nito ng mga mata sa binata habang nakalarawan sa namumulang mukha ang galit."This is not simply just guts, but courage. Alam mo ba
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal
"SO, they started the counterpart..."Napahinto sa paghakbang si Jamilla na may tangan na tray ng apat na tasa ng umuusok na tsaa. Sandali muna siyang nanatili roon at pinakinggan ang usapan sa veranda."May mga tao pa rin ang tumutulong sa kanila," wika ni Vhen."Hindi sila madaling bumitiw," tugon ni Jordan. Kasama nito ang tatlo sa mga malalapit na kaibigan. "Not because of loyalty but fear na kapag nakabangon ulit ang mga Villar ay babalikan sila ng mga ito.""Anyway, may nakakatawang balitang nakarating sa akin."Natuon ang tingin ng lahat kay Jack-- the nosy one who loves interfering to other's people lives."Ano 'yon?" tanong ni Jordan."Hindi ko alam kung matatawa ba rito o magagalit ang Daddy mo.""Why?""He was linked to Jamilla.""I heard about it to my daughter," wika ni Dick na sinundan ng pagtawa. "At lalong ginagatungan ni Fred ang kumakalat na tsismis.""Ano ba kasi iyon?" pag-aapura ni Jordan."The Villar called Ella as your Dad's mistress," tugon ni Jack."WHAT?"Nag
"WHO are you?"Napatingin ang babaing nagkakabit ng dextrose sa pagpasok ni Corrie sa silid."Hello, Ma'am.""Tinatanong ko kung sino ka?" Napansin nito ang pagtaas ng isang kilay ng babae. "Aba! Parang gusto mo ng giyera!""Ako po si Monette. I was hired as a private nurse.""Private nurse?" Pinasadahan ng tingin nito ang kabuuan ng kaharap. "And why are you not wearing your uniform?"Napasuyod naman muna si Monette sa suot na white shirt, apricot skirt at itim na rubber shoes. "Uhm, hindi pa lang po ako nakakapagbihis. Inuna kong palitan kasi ang dextrose.""And you're planning to change your clothes in my husband's room?"Napasulyap si Monette sa walang malay na pasyente. At napangisi siya na lalong ikinainis ni Corrie. "Kung magigising man ang asawa niyo kapag naghubad ako rito, siguradong matutuwa si Madam Amelita.""You -""But I always respect my patients and my self kaya imposible ang iniisip ninyo. Sige po, Ma'am." Kinuha niya ang ipinatong na bag sa ibabaw ng isang silya. "M
"ANONG ginagawa mo rito?""Yaya.""Halika ngang bata ka!" Hinatak ni Erin si Amberlyn na inabutan niya sa kuwarto ni Corrie na nagkakalkal doon. "Ang tigas ng ulo mo!""Yaya, sandali lang po!""Hindi!""Please, Yaya?""Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan!"Wala nang nagawa si Amberlyn habang hatak-hatak ni Erin hanggang makabalik sa silid nito."Ayaw mo ba talagang makinig sa akin, ha?" asik niya nang maiupo ang bata sa kama nito. "Alam mong laging mainit sa 'yo ang ulo ng mga tao rito, bakit panay ang gawa mo ng mga bagay na ikaw rin lang ang masasaktan?"Nakayuko ito at nangingiid ang luha. "Sorry po, Yaya.""Sorry ka nang sorry, pero inuulit mo nang inuulit! Anong ginagawa mo sa kuwarta ng nanay mo?""I was looking for my phone."Sandaling napipilan si Erin. Noong isang araw kasi ay kinumpiska ng amo niyang babae ang cellphone ni Amberlyn dahil lang mainit ang ulo nito nang umuwi ng bahay. At nabalingan na naman nito ang bata."Puwede mo namang gamitin ang phone ko.""But Tita
"ALAM mo bang may nakilala akong bata na kapareho nang panlasa ko pagdating dito sa spaghetti."Napasulyap muna si Jordan sa pagkain na ibinibida ni Jamilla. "Really?""She's adorable and cute.""Who's adorable and cute? Me or that child?""What?""Ngayon lang kita narinig na nagbanggit ka nang tungkol sa bata. That's the topic you usually hate and avoid.""Iba si Amberlyn." Ngumiti si Jamilla habang nakatanaw sa kawalan. "Para kasing nakikita ko sa kanya ang anak ko."Hindi umimik si Jordan."Wait here."Tumayo si Jamilla at tumungo sa silid niya. Kinuha niya roon ang cellphone at agad ipinakita kay Jordan ang larawan nilang dalawa ni Amberlyn."Look. I gave her a hard copy. Gusto niya na i-display iyon sa sarili niyang silid.""I'm jealous," saad nito na sinabayan pa ng mahinang pag-iling. "Walong taon na rin tayong magkasama, pero hindi mo pa ginawang wallpaper ang mukha ko."Natawa si Jamilla. "She's just a kid, okay? Huwag mo siyang pagselosan.""Tsk!" Patuloy ito sa pag-iling,
NAMIMIGAT pa ang talukap ng kanyang mga mata. Ang gusto niya ay manatiling tulog upang wala siyang maalala at wala siyang iisipin. Pero ang haplod ng mainit na palad sa pisngi niya ay nag-iimbita sa kanyang kamalayan na gumising. She is longing for that touch since she felt it for the first time. Tila ang dantay niyon ay pumapawi sa mga problema't alalahanin niya sa buhay.Nang dumilat si Jamilla, ngumiti siya sa taong nagbibigay lagi ng kaligtasan at kasiyahan sa kanya. Without this man, she can't be on her own. Ito ang lakas niya, noon at ngayon."How are you?""Jordan.""You sleep like a princess.""Are you my Prince Charming who wakes me up from my deep sleep?"Nakangiting tumango si Jordan. "There's no witch around, so I easily found my way here.""Mabuti naman at hindi ka nahirapan. But for sure, pinagsawaan mo muna akong titigan."Ngumiti ulit ito. "May masakit ba sa 'yo? Do you feel better now?"Bumaba ang tingin ni Jamilla sa kumot na nakatabing sa kanyang katawan. At napamu