HINDI malaman at maipaliwanag ni Jamilla ang kamalasang dumapo sa buhay niya. Tila ba galit sa kanya ang langit.Mabait naman siyang tao. Mapagmahal na anak at kapatid. Kahit marami siyang pangarap, pinagsisikapan niya iyon kahit nahihirapan siya sa pag-abot niyon."Hoy! Magpapakamatay ka ba?"Binalewala ni Jamilla ang galit at sigaw ng drayber ng van na muntik na sanang makabangga sa kanya. Tuluy-tuloy lang siya sa pagtawid ng kalsada.Wala na sigurong mas sasarap pa sa mga oras na iyon kundi ang mamatay. Malas siya. Dapat lamang siguro na mawala na siya sa mundo. Baka nga kung napaaga iyon, hindi na nadamay pa ang kanyang pamilya."Wala na ang mga kapatid mo. Pareho silang nasawi sa sunog..."Tahimik na bumubuhos ang luha sa mga mata ni Jamilla habang naririnig sa isip ang balitang inihatid sa kanya ng mga pulis nang mismong araw na magising siya sa ospital."Namatay ang anak mo dahil sa mga komplikasyon..."Paluhod na bumagsak si Jamilla nang maalala ang isa pang masamang balita na
"JAMILLA!"Lumingon ang dalaga. Nag-aapoy sa galit ang mga mata nito. "Huwag kang lalapit!""Anong ginagawa mo riyan?" Iniunat niya ang kamay. "Halika. Baka mahulog ka.""Sinabi nang huwag kang lalapit!""Jamilla!" sigaw ni Jordan nang iamba ng dalaga ang isang paa sa ere. "Bumaba ka riyan!""Wala na siyang itinira sa akin! Ang lupit niya!" Humagulgol ito. "Kinuha niya lahat nang mga mahal ko! Wala siyang itinira! Wala siyang awa! Wala siyang puso!""Jamilla, huminahon ka.""Huwag kang lalapit!" pagbabanta nitong sigaw nang makitang humakbang palapit si Jordan."Pag-usapan natin ito. Hindi maaayos ang problema mo kung idadaan mo sa galit at pag-iyak. I will listen. And you know that I'm willing to help.""Sinungaling! Wala kang pinagkaiba kay Jerry! Manloloko! Hindi ka tumupad sa pangako!""Please, let's talk." Humakbang ulit siya, pero mabilis ding napahinto nang makita niyang niluwangan ni Jamilla ang hawak sa pinagkakapitan nito. Umuulan. Kaya siguradong madulas iyon. Isang maling
"GET OUT! Get out!""Daddy, I just want to play with you...""Sinabi nang lumabas ka!" Pinagulong ni Jerry ang kinauupuan na wheelchair patungo sa sidetable at dinampot doon ang remote control ng aircon. "Labas!"Lumakas ang pag-iyak ng walong taong gulang na bata nang tamaan sa braso ang binato ng ama."Malas ka! Labas! Labas!""I hate you, Daddy! I hate you!"Humahagulhol na tumakbo palabas ng silid ng ama si Amberlyn. Nakasalubong nito ang yaya na mahigpit naman itong niyakap."Anong nangyari sa 'yo?""I hate daddy, Yaya Erin! I don't like him! He's bad! He's bad!"Napansin ng ginang ang mapulang marka sa kaliwang braso ng alaga. "Pumasok ka na naman ba sa kuwarto niya?""Gusto ko lang makipaglaro sa kanya, yaya.""Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi nang huwag na huwag kang papasok doon!""Yaya Erin, galit ka na rin ba sa akin? Lahat na lang galit sa akin! Bad po ba ako?""No, Amberlyn. Mabuti kang bata. Tahan na. Tahan na. Hindi ako galit." Pinahid niya ang mga luha sa mata ng
"PHILIPPINE time is 1:45 in the afternoon. Temperature is 28 degrees Celsius. Stay dry as rain is in the forecast..."Tinanggal ni Jamilla ang sunglasses at napatingala sa makulimlim na kalangitan. Heaven knows she's coming back. Pero walang bagyo o anumang kalamidad ang puwedeng pumigil sa kanyang pagbabalik. Pinaghandaan niya iyon ng walong taon."Mabuhay! Thank you for flying with us! Enjoy your stay!"Tumayo na ang dalaga sa kinauupuan kasunod si Jordan. It was eight years ago that they had been on their first flight together. Napakabilis ng panahon. At marami nang nagbago sa kanyang buhay."Welcome back!" Nakangiting salubong ni Marco na naghihintay na sa labas ng NAIA. Bumati rin si Rex sa dalawa. "Kumusta naman ang biyahe?""Nakakapagod," tugon ni Jordan."Hindi masyadong halata. Siguro dahil sa magandang dilag na kasama mo."Namula pareho sina Jordan at Jamilla sa panunudyo ni Marco na sinabayan pa ng nakakalokong tawa."Look at that!" patuloy na pagbibiro nito. "Nagba-blush b
"PHILIPPINE time is 1:45 in the afternoon. Temperature is 28 degrees Celsius. Stay dry as rain is in the forecast..."Tinanggal ni Jamilla ang sunglasses at napatingala sa makulimlim na kalangitan. Heaven knows she's coming back. Pero walang bagyo o anumang kalamidad ang puwedeng pumigil sa kanyang pagbabalik. Pinaghandaan niya iyon ng walong taon."Mabuhay! Thank you for flying with us! Enjoy your stay!"Tumayo na ang dalaga sa kinauupuan kasunod si Jordan. It was eight years ago that they had been on their first flight together. Napakabilis ng panahon. At marami nang nagbago sa kanyang buhay."Welcome back!" Nakangiting salubong ni Marco na naghihintay na sa labas ng NAIA. Bumati rin si Rex sa dalawa. "Kumusta naman ang biyahe?""Nakakapagod," tugon ni Jordan."Hindi masyadong halata. Siguro dahil sa magandang dilag na kasama mo."Namula pareho ang mukha nina Jordan at Jamilla sa panunudyo ni Marco na sinabayan pa nito ng nakakalokong tawa."Look at that!" patuloy na pagbibiro ng bi
NAGISING ang nahihimbing na si Jamilla sa mahihinang yugyog sa balikat niya. At nagmulat siya nang marinig ang tinig ni Rex."Ma'am, nandito na tayo.""Tatay Rex, Jamilla na lang po."Napakamot ito sa ulo. "Naku-""Marami mang nagbago at lumipas man ang mahabang panahon, ikaw pa rin po ang Tatay Rex ko noon."Ngumiti ang matanda saka tumango."Bakit nandito tayo?" pagtataka niya nang tumanaw sa labas ng binata.Hindi ang Talisay Public Cemetery ang kanilang kinaroroonan. Sa halip, nakikita niya ang magandang pagkakalilok ng pangalang MEMORIAL PARK sa kulay kremang marmol."Pinalipat dito ni Sir Jordan ang pamilya mo para maayos ang kanilang himlayan."Napangiti si Jamilla. Lahat na lang nang magpapasaya sa kanya ay ibinibigay ng binata. Masuwerte siyang nakilala ito. Darating ang araw na makakabawi rin siya sa mga kabutihan nito."Pinabili niya rin po sa akin."Bumaba ang tingin ni Jamilla sa limang tangkay ng pulang rosas. "Salamat."Sinamahan ni Rex hanggang sa labas ng mausoleum an
"HOW was it?"Ngumuya muna si Jamilla. At kunwaring ninanamnam ang lasa ng kinakain. Saka siya ngumiti. "Always the best!""I know. Kaya nga hindi mo ako maiwan-iwan dahil sa galing ko sa pagluluto.""Ang yabang!"Natawang ginulo ni Jordan ang buhok ni Jamilla na ikinatuwa naman nito. "Finish it all.""Sure. Baka nga kulang pa ito."Muling natawa si Jordan nang hatakin ni Jamilla palapit dito ang malaking bowl na pinaglalagyan ng spaghetti. "Tsk! Walang mang-aagaw sa 'yo.""Anyway," singit nito sa pagitan nang maganang pagkain. "Hindi ko alam na pinalipat mo pala ang pamilya ko.""They deserve a good place to rest.""Salamat.""Salamat lang?" paglalambing ni Jordan.Nangingiti namang hinalikan ni Jamilla ang inilapit na pisngi ng binata. Nilagyan nito iyon ng tunog."Ah!" Napasapo siya sa tapat ng dibdib. "That was always the best reward."Nasisiyahang hinalikan pa ni Jamilla ang kabilang pisngi ni Jordan. "At hindi ako magsasawang bigyan ka lagi ng reward. You're worthy of it.""Bast
"BAKIT ang kalat dito?"Napapitlag si Amberlyn nang marinig ang sigaw ng ina. Pagapang itong nagtago sa likod ng malaking sofa."Ma'am..." Humahangos na dumating ang isang katulong na may tangan pang mga kurtina, "Bakit po?" tanong nito kahit na malinaw na narinig ang sinabi ng amo.Sinipa muna ni Corrie ang laruan na nasa may paanan. "Hindi ba't kabilin-bilinan ko sainyong lahat na ayokong naglalaro rito ang batang 'yon?"Nakita ng katulong ang pagsilip ni Amberlyn sa pinagtataguan nito. "Nasaan ang batang 'yon? Hanapin mo! At dalhin mo siya sa akin! Makakatikim na naman siya sa akin ng sakit ng katawan! Ngayon na!""Umakyat na po siya sa kuwarto. Ligpitin ko na lang po ang mga kalat.""Bingi ka ba o boba? Ang sabi ko, dalhin mo rito si Amberlyn! At huwag mo nga akong pangungunahan sa gusto ko!"Nataranta namang tumatakbo si Erin palabas ng kusina. Medyo maingay sa loob niyon kaya hindi niya agad narinig ang pagdating ng amo. Maaga ito. Kaya nga hinayaan niyang maglaro muna ang alag
"NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany
"MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si
"PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago
MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad
"KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama
"KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C
PALIPAT-LIPAT ang tingin ng immigration officer sa hawak na passport at may-ari niyon na makikita sa window glass ang nakalarawang iritasyon sa mukha."What took you so long?" asik ni Corrie. "Baguhan ka lang ba rito?""No. I've been here for more than twenty years.""Then you should retire! Ang bagal mo!"The man smirked. Tumango-tango rin ito at lalo pang binagalan ang pagkilos. "I'm really planning. At magiging memorable pa yata ang retirement year ko.""I don't have time for chit-chat, okay? Do your job. Sayang ang pinapasahod sa 'yo ng gobyerno.""Why such in a hurry, Mrs. Corrie Han Villar?""Gosh! You're annoying! Bilisan mo riyan!""Hindi mo puwedeng apurahin ang immigration officer. May sinusunod kaming protocol dito para sa checking and verification ng mga documents. But if you're really in a hurry, may kilala ka ba rito sa loob na puwedeng makatulong sa 'yo?"Lumapit na si Amelita mula sa likuran ng yellow line dahil sa tagal ni Corrie. Narinig na rin niya ang malakas niton
"MUM, stop it."Sandaling natigil sa pagtitipa ng mensahe sa cellphone si Amelita. Sinulyapan nito ang anak.Magkakasama sa mahabang police patrol vehicle ang buong pamilya. Naroon din si Monette. Nakahiwalay lang sa kanila sina Lodi, Baldo at Edna."Don't try to stop me." Sumulyap ito sa mga kasamang pulis. "Gusto mo ba na makulong, ha?""We've been free for too long..." Pinilit ni Jerry na makapagsalita. He's still weak, but he has to voice out his sentiments that his been keeping it deep within his broken heart. "Dapat nga noon pa natin pinagbayaran lahat nang mga kasalanan natin."Maraming dahilan kaya pakiramdam niya ay durog na durog ang puso niya. He's an unworthy man, a worthless father, not a so-good husband and son.Minsan hindi niya maiwasan na hilinging hindi na lang sana siya nakaligtas noong gabing maaksidente siya. Because living is pointless anymore."We did nothing wrong!" madiing saad ni Amelita. "Ang babae na iyon ang dahilan kaya nandito tayo sa sitwasyon na ito! I
"DOC, anong nangyari? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang anak ko?"Lumipas na ang mahigit apat na oras na sinabi ng doktor na dapat ay bumalik na ang malay ni Amberlyn, pero nagpalit na ang bagong araw ay nanatili pa rin itong tulog. Hindi man lang ito nagbibigay ng senyales kahit ang dumikat kahit saglit."Normal na ang kanyang mga vital signs. There is no indication of any infection or side effects and even the postoperative complication. We're confused, too.""No explanation at all? It can't be," wika ni Jamilla nang naiiling habang puno ng pag-aalala. "There might be something wrong with her.""Did your child have any traumatic experience?"Napakunot ng noo si Jamilla. "Why?""During her operation, I noticed some old scars from her body. And some are deep na para bang galit na galit ang sinumang tao na gumawa niyon."Napahagulhol si Jamilla."Who did it?"Umiling si Jamilla. "Not me. But someone who is evil!" saad niya na puno ng galit sa pagkakaalala kay Corrie