Share

Chapter 16

MAHIHINANG yugyog ang nagpamulat sa nahihimbing na si Jamilla na nakatulog sa likurang upuan ng sinakyang kotse. Inaantok pa sana siya, pero hindi siya nilulubayan ng taong pilit gumigising sa kanya.

"Nandito na tayo."

Inisip muna ng dalaga ang kinaroroonan bago naalala ang nagdaang pangyayari.

"Tumingin ka sa labas," utos ng drayber. "Tama ba ang pinagdalhan ko sa 'yo?"

Kinusot muna ni Jamilla ang mga mata at tumanaw sa labas ng bintana. "Opo," tugon niya nang makita ang pamilyar na paligid. "Hay'un ang bahay namin," sabay turo sa tinukoy na nalagpasan na nila sa unahan.

"Teka't iaatras ko."

"Huwag na po. Baka magtaka ang pamilya ko kapag nakita akong bumaba rito. Salamat po sa paghatid. At pasensiya na sa abala."

"Rex ang pangalan ko. Tatay Rex. Iyon na lang ang itawag mo sa akin."

"Salamat po, Tatay Rex."

"Si Sir Jordan ang dapat mong pasalamatan."

"Hindi na rin po siguro kami magkikita pa kaya pakisabi na lang po sa kanya na hindi ko makakalimutan lahat nang ginawa niyang tulong p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status