Kwarenta anyos na si Romana ngunit never na sumagi sa kaniyang isip ang pag-a-asawa. Nasa kaniya na halos ang lahat; talino, ganda, marangyang buhay, at koneksiyon . . . kabiyak na lamang ang kulang. Hanggang sa nakilala niya si Vincent. Isang lalaki na namasukan bilang dancer sa bar upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang asawang may sakit sa puso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napukaw ang interes ni Romana ng isang lalaki. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay nakatali na. Nalagay sa peligro ang asawa ni Vincent. Ginamit ni Romana ang pagkakataon na iyon upang makuha ang nais. Binayaran niya nang malaking halaga ang lalaki kapalit ang isang kasunduan; ang maging kaniyang fvck buddy. Pumayag si Vincent sa kagustuhan ni Romana upang maisalba ang buhay ng asawa. Sapat nga ba ang pera at galing sa kama upang makuha ang puso ng taong minamahal? Paano kung ang pag-ibig na nais ay makasisira ng isang masaya at buong pamilya? Handa bang maging makasarili o pipiliin na magpaubaya?
view more1.) MATUTONG MAGHINTAY. Hindi kailanman magiging masaya ang taong nanira ng pamilya. Dahil sa mga desisyong hindi pinag-iisipan, kapalit ay mga masasamang pangyayari na di inaasahan.2.) MATUTONG MAKONTENTO. Hindi kailanman naging sapat na dahilan ang problema para ipagpalit mo ang taong mahal mo at lubos ka ring minamahal sa iba. Hindi kailanman matutumbasan ng libog ang wagas na pagmamahal.3.) MONEY IS NOT EVERYTHING. Sa totoong buhay, alam naman natin sa ating mga sarili na pera talaga ang pangunahing pangangailangan para mabuhay. Pero sa story na 'to, siguro naman ay nakuha niyo ang gusto kong iparating. Aanuhin mo ang maraming pera kung mag-isa ka? Pamilya pa rin ang kailangan mo sa kahuli-hulihan.4.) MATUTONG MAGMOVE ON. Kapag inayawan ka, huwag sanang umabot sa puntong ibaba mo sa sukdulan ang sarili mo katulad ng ginawa ni Lalaine. Huwag mong lugmukin ang sarili mo dahil lang iniwan ka ng isang tao. Tumayo ka, lumaban at magpatuloy.5.) HUWAG IPAGPALIT ANG PAMILYA SA PANANDAL
"Hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. May kasintahan ka na. Ayaw kong makasira ng relasyon sa pangalawang pagkakataon."Nag-iwas siya ng tingin kay Evo. Gustong-gusto man niyang madugtungan ang kanilang nakaraan ay hindi na maaari. Kasuklam-suklam kung mauulit na naman ang kaniyang kamalian."Hindi mo kailangan alalahanin si Thea.""Hindi mo ba talaga maintindihan? Ayaw ko na isang babae na naman ang magdusa nang dahil sa akin! Ganiyan lang ba talaga kadali sa'yo ang magpalit ng girlfriend? Matapos mong pakinabangan ay iiwan mo na lang na parang isang basura?!" nanggagalaiti niyang tanong.Dahil sa lakas ng kaniyang boses ay nagising na umiiyak si Baby Rebecca. Sinubukan niya itong patahanin ngunit hindi ito tumigil. Lumapit si Roman sa kaniya para kuhain ito saglit."Ako na muna ang bahala sa pamangkin ko. Sa palagay ko ay kailangan niyong mag-usap nang maayos."Nang makalabas sa pintuan ang kaniyang kapatid bitbit ang kaniyang anak, nagtaka siya nang i-lock ni Evo ang silid.
"H-Huwag, L-Lalaine! M-Maawa ka! S-Sabihin mo sa akin kung ano ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan noon! G-Gagawin ko ang lahat!"Ngumisi si Lalaine. Muling niyakap nito nang mahigpit ang sanggol. Nag-aapoy ang mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin."Lahat ay gagawin mo? Tama ba ang narinig, Romana?"Mabilis siyang tumango sa kabila ng panginginig ng kaniyang buong katawan."K-Kahit ano pa 'yan ay ibibigay ko! H-Huwag mo lang kunin sa akin ang pinakamahalagang yaman na mayroon ako!"Taas-noong inangat nito ang hintuturong daliri. Sinundan ng kaniyang mga mata ang galaw ng kamay nito at ganoon na lamang ang kabog ng kaniyang dibdib nang ituro nito ang ibaba ng building."Tumalon ka," patay-emosyong utos nito sa kaniya."A-Ano?" tigalgal niyang tugon.Maging ang dalawang lalaki ay napatuwid sa kani-kanilang kinatatayuan sa hiniling ni Lalaine."Tama na, Lalaine!" pigil ni Tristan sa ipinapagawa nito kay Romana."Bakit? Hindi mo ba kaya?
"R-Romana . . . " Sinubukan ni Evo na hawakan ang kamay nito at ihayag ang katotohanan na ang lahat ay palabas lamang ngunit pinahinto siya ng isang malakas na sampal sa mukha.Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balat ngunit para sa kaniya ay balewala lang ang sakit na 'yon kumpara sa sakit na nararamdaman ngayon ni Romana na idinulot niya."A-Akala ko maiintindihan mo ako . . . B-Binigo mo ako . . . A-Ayaw na kitang makita pa, E-Evo Xylon. M-Mas pinahihirapan mo lang ako sa tuwing ipinapakita mo 'yang mukha mo. Umalis ka na!"Nagbaba siya ng tingin. Nawala sa isip niya na sobrang bigat ng pinagdaraanan ng babae ngunit sa halip na damayan ito ay mas pinili niyang lumayo.Marahang tinapik ni Roman ang kaniyang balikat. "Sige na, man. Ako na ang bahala sa kapatid ko. Maraming salamat sa paghatid mo sa amin."Nanlalata na tinungo niya ang pintuan papalabas ng bahay. All this time, ang gusto niya lang naman ay ang maranasang ipaglaban ng taong mahal niya ngunit hindi niya akalain na sa gin
"Kitty! H-Hanapin natin si Baby Rebecca! H-Hindi siya pwedeng mawala!" nag-he-hysterical na sabi niya sa kasama.Para siyang mababaliw sa mga oras na 'yon. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng mga tao sa paligid kahit na halos maglupasay na siya sa sahig sa takot sa maaaring mangyari sa baby."Ma'am, relax lang po. Hihingi tayo ng tulong."May agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng krimen. Lumapit ang isa sa mga security guard ng establismentong 'yon upang usisain ang nangyari. Ang isang staff naman ay tumawag na ng otoridad na mag-ha-handle ng kaso.Kitty even contacted Roman, hindi na niya kasi makuhang mag-isip nang matino."Hello, Kitty?" sagot ni Roman mula sa kabilang linya."S-Sir . . ." pautal-utal na sambit nito, hindi maitago ang takot sa tinig.Nangunot ang noo ni Roman. "May problema ba?"Maging ang kasama niyang si Evo ay nahinto saa ginagawa. Kasalukuyan silang naglalaro ng billiards sa lugar ng kaniyang kaibigan."Ano? Sige! Diyan lang kayo! Papunta na
Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id
"E-Evo . . . "Walang nabago sa itsura nito, kung mayroon man ay ang bahagyang pagmatured lang ng mukha nito. Gayunpaman, hindi nabawasan ang tikas ng tindig at ang gandang lalaki nito. Kung siya ang tatanungin ay mas lalo nga itong naging guwapo sa kaniyang paningin."Evo!" muling tawag niya na may himig nang pananabik.Dagli siyang lumakad palapit upang mayakap ito nang mahigpit ngunit . . ."Honey . . ." malambing na tawag ng babaeng kalalabas lang mula sa banyo.Litong tinignan niya ito. Nasisigurado niya na ngayon niya lamang nakita ang babae ngunit ang mas nagpagulo sa kaniyang isip ay kung sino ang tinawag nitong honey? Si Roman ba? Si Tyrone? O si Evo?"H-Honey?" tinanong niya ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tingin."A-Ah, R-Romana . . . S-Si Thea nga pala . . . Fiancèe ni Evo," pakilala ni Roman sa babae."H-Huh?" Iyon lamang ang tanging salitang lumabas mula sa bibig niya.Nawala sa isip niya ang naging usapan ni Evo at Roman noon. Sinabi nga pala nito na mayroon na ito
Bumukas ang pintuan ng silid. Sabay silang napalingon ni Doc Tyrone sa gawi nito. Pumasok ang kapatid niyang si Roman na naabutan sila sa ganoong posisyon."Hay! Tinatakot mo ba pati ang kapatid ko? Layuan mo nga siya!" parang wala lang na sabi nito sa doktor.Pumasok ito bitbit ang isang malaking tote bag na mayroong sari-saring laman tulad ng tinapay, prutas, fresh milk at iba pa. Kaagad lumayo ang lalaki, walang emosyon na tinignan ang kaniyang kapatid."Next time, huwag mo akong asahan sa mga ganitong bagay, okay? Doktor ako at isa ring businessman, hindi caregiver! Aalis na ako."Napailing na lang si Roman sa ugali ng kaibigan."Kaibigan mo ba talaga 'yon? Napakasama ng ugali niya!" pinid ang ngusong tanong niya.Tumawa lang naman si Roman. "Pagpasensiyahan mo na lang. Bugnutin talaga ang isang 'yon pero mabait siya. Nakita mo naman . . . Binantayan ka pa rin kahit labag sa loob niya," sagot nito.Hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na 'yon. Sandali na lang ay makalalabas na
"R-Roman! M-Malayo pa ba tayo?!" tanong ni Romana sa pagitan ng mga impit na daing. Nasa backseat siya habang seryosong nakatutok naman ang mga mata ng kaniyang kapatid sa daan. Minsan-minsa'y sinusulyapan siya nito."Kaunting tiis na lang, Romana. Mararating na natin ang pinakamalapit na ospital."Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang tinatahak na lugar. Nang makababa si Roman mula sa kotse ay kaagad siyang sinalubong ng dalawang nurse."Ano po ang problema?" tanong ng isa."Nasa loob ng kotse ang kapatid ko. Manganganak na siya . . . P-Please, paki-assist kami."Patakbong bumalik sa loob ng ospital ang isa sa dalawang nurse na lumapit sa kanila at pagbalik nito ay may tulak-tulak na itong stretcher."Sir, ililipat na namin siya dito," sabi ng isa.Inalalayan siyang makababa ng mga ito pababa sa kotse at saka buong pag-iingat na inilipat sa stretcher. Panay ang higop niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga."Relax lang tayo, Ma'am. Don't wor
Sa edad na kwarenta, hindi naisipan ni Romana Lichauco na magpatali na sa kasal. Bakit pa ba? Mayaman na siya at na-e-enjoy niya ang buhay na mag-isa. At isa pa, kaya niyang makuha ang lahat ng nais gamit ang kaniyang yaman. Kaya niyang bilihin kahit ang puso ng sino mang lalaki."Hi! Mag-isa ka na naman, Mommy?" tanong ng lalaking half-naked na lumapit sa kaniya. Dancer ito sa bar na kaniyang kinaroroonan.Tanging ang balot lang nito sa katawan ay ang hapit na boxer shorts. Halata na ibinabalandra nito sa lahat ang kaniyang mabato na katawan at bakat na malaking pag-aari.She rolled her eyes. "Palagi mo na lang itinatanong 'yan sa tuwing nagkikita tayo," aniya sa lalaki.Sa kaniyang pagkakatanda, Billy ang pangalan nito. Isang beses na niyang nakasalo ang binata sa kama at malaking tip ang kaniyang ibinigay, 'sing laki ng k*****a nito. Kaya marahil binabalik-balikan siya ng lalaki para makahuthot muli ng pera."Ang sungit mo naman today, Mommy. Sige ka, madadagdagan ang wrinkles mo ni
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments