Married to the Prominent Family's Adopted Son

Married to the Prominent Family's Adopted Son

last updateHuling Na-update : 2023-12-27
By:  Zxoul49  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings. 3 Rebyu
83Mga Kabanata
9.8Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Arranged-marriage sa isang kilalang angkan sa bansa, ang mga Lopelion. Ngunit sa halip na matuwa ay nadismaya pa si Luna Fajardo nang makasal sa huwad na Lopelion. Si Marcus, ang adopted son ng pamilya. Isang warden prison, hindi tanyag at walang pangalan sa lipunan. Sa paanong paraan mapapakinabangan ng pamilya niya ang isang ampon? May mabuti bang maidudulot ang pagpapakasal niya rito? O, kamalasan lamang ang hatid nito sa pamilya at buhay niya?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Kabanata Uno

SA ISANG MALAYO at maliit na isla sa Pilipinas ay matatagpuan ang pinaka-special at delikadong kulungan sa bansa. Dahil nandito ang mga kriminal na sangkot sa pagpatay sa mga kilalang personalidad na nagsisilbi sa bansa.Droga, na ibinibenta sa black market at rape victim lalo na sa mga minorde edad.At higit sa lahat, mga teroristang gustong pabagsakin ang gobyerno at sakupin ang bansa.Dito sa kulungang tinatawag na ‘Heaven’ ay inilayo at itinapon sa kabihasnan ang mga kriminal na ito. Itinago sa mga mamamayan ng Pilipinas upang manatili ang kaligtasan at kapayapaan ng lahat.Sa islang napapalibutan ng dagat ay wala ni isang barko o bangka ang nakadaong man lang sa paligid. Sinadya ito upang walang makatakas sa lugar… maliban na lamang kung may magtatangkang lumangoy paalis ng isla, na sadyang mahirap gawin dahil kalahating araw ang aabutin bago marating ang pinakamalapit na isla, gamit ang pandagat na transportasiyon. Wala ring nakakalapag na kahit anong sasakyang himpapawid ng hind

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Sutcac Traeh
Ang ganda po ...️...️...️
2024-01-03 01:21:36
0
user avatar
Michael Obligar
tagal nman ng chapter na kasunod
2023-06-27 16:09:52
0
user avatar
Denmark Rapal Aragon Andres
Wala nabang chapter to
2023-09-07 00:11:25
0
83 Kabanata

Kabanata Uno

SA ISANG MALAYO at maliit na isla sa Pilipinas ay matatagpuan ang pinaka-special at delikadong kulungan sa bansa. Dahil nandito ang mga kriminal na sangkot sa pagpatay sa mga kilalang personalidad na nagsisilbi sa bansa.Droga, na ibinibenta sa black market at rape victim lalo na sa mga minorde edad.At higit sa lahat, mga teroristang gustong pabagsakin ang gobyerno at sakupin ang bansa.Dito sa kulungang tinatawag na ‘Heaven’ ay inilayo at itinapon sa kabihasnan ang mga kriminal na ito. Itinago sa mga mamamayan ng Pilipinas upang manatili ang kaligtasan at kapayapaan ng lahat.Sa islang napapalibutan ng dagat ay wala ni isang barko o bangka ang nakadaong man lang sa paligid. Sinadya ito upang walang makatakas sa lugar… maliban na lamang kung may magtatangkang lumangoy paalis ng isla, na sadyang mahirap gawin dahil kalahating araw ang aabutin bago marating ang pinakamalapit na isla, gamit ang pandagat na transportasiyon. Wala ring nakakalapag na kahit anong sasakyang himpapawid ng hind
Magbasa pa

Kabanata Dos

SA KALAGITNAAN ng biyahe pabalik sa siyudad ay tinawagan ni Scarlette ang Ama. “Nakausap ko na siya,” ang bungad niya pa.“Kamusta—”“Ayoko sa kanya, ‘Pa, hindi ako magpapakasal sa kanya.”“Ano?!”“Basta. Hindi kami nagkasundo kaya ayokong magpakasal sa kanya.”“Teka lang, Scarlette—”“Sige, ‘Pa, at magpapahinga muna ako. And please, ‘wag mo nang uulitin ‘to. Ayokong nirereto sa iba.” At saka tinapos tawag upang kausapin naman si army general Maximo Lopelion.Sa opisina ng General ay nakatanggap ito ng tawag mula kay Scarlette, na anak ng kaibigang si Allan. “Hello, Captain Rodriguez,” sagot ni Maximo sa kabilang linya. Medyo maingay sa kabilang linya ngunit mauulinigan naman ang boses ng dalaga.“Pasensiya na sa pang-iistorbo, General. Nakausap ko na si warden Marcus Lopelion kanina, hindi nga lamang ako nagpakilala sa kanya. Sa pag-uusap namin kanina ay isa lang ang na-realize ko. Pareho kaming ma-otoridad at nagka-clash ang personalidad namin. Kaya ipagpaumanhin ninyo kung hindi ako
Magbasa pa

Kabanata Tres

MUKHANG napansin naman ni Artemio kung saan siya nakatingin. "Kasama mo ba sila, Boss?” ang tanong niya kay Marcus.“Hindi. Nakasabay ko lang sa eroplano. Saka, ‘wag mo na ‘ko tawaging ‘boss’, wala ka na sa kulungan.”Nangiti naman si Artemio at saka umiling-iling. “Naku, mukhang mahihirapan ako n’yan, dahil nasanay na ako tawaging ‘boss’.”“Ayos lang, kung hindi ka sanay,” ani Marcus at sumulyap sa driver na kanina niya pa napapansing nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror.“Magandang araw, Boss,” ang magalang na bati naman nito sa kanya.“Siya nga pala ang driver ko, mahigit sampung taon na siyang nagtatrabaho sa ‘kin.” Ang pakilala naman ni Artemio.“Madalas ho kayong nakukuwento ni Sir no’ng makabalik siya. Maraming-maraming salamat sa pagtulong niyo sa kanya,” ang pahagay ng driver na labis na ipinagpapasalamat ni Artemio. Dahil kung hindi siya tinulungan ni Marcus ay wala siya ngayon dito, kasama ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.Isa siyang dating bilanggo sa ‘He
Magbasa pa

Kabanata Cuatro

SA ‘HEAVEN’, habang pabalik na si warden Torres sa kanyang quarters ay narinig niya ang dalawang inmate na nag-uusap sa kanilang selda.Ang pinag-uusapan ng dalawa ay ang naganap na away sa pagitan ni inmate-4687 at Uno. At kung gaano kaawa-awa ang itsura ni 4687.“Kasalanan niya naman!” ang sabi ng isang inmate. “Bakit niya kasi sinabihan ng gano’n si Uno?”“Bakit, ano bang problema? Balita ko, dating sundalo ‘yung si Uno, totoo ba?”“Ay, oo naman! Sobrang daming tao ang natulungan no’n.”Na-curious si warden Torres kaya sumandal siya sa pader upang mas lalong makinig sa usapan ng dalawang preso.“E, ano bang nangyari at nakulong siya rito?” ang tanong ng pangalawang inmate.“A’yun! Biglang nabaliw at pinagpapata*y ang kasamahan niyang sundalo.”“Mga ogag!” May isang inmate ang sumabat sa usapan. “Hindi siya nabaliw. At kung ako ang nasa posisiyon no’ng si Uno? Aba’t papatay*n ko rin ‘yung mga sundalong 'yun!"“Bakit, ano ba talagang nangyari? Bakit niya pinat*y ang mga kaibigan niya
Magbasa pa

Kabanata Cinco

MATAPOS ang dinner sa mansion ng Fajardo ay nag-usap pa nang matagal si Fausto at Leonardo, kasama si Liliane.Si Marcus naman ay umakyat sa taas patungo sa kwarto upang palihim na makinig sa usapan ng tatlo. Inaya naman siya ni Leonardo na sumama sa mga ito at makipagkwentuhan ngunit hindi na lamang siya sumalo nang tingnan siya ng masama ni Liliane.Una niyang madadaanan ang kwarto ni Luna na saktong bumukas ang pinto. Bahagya itong natigilan nang makita siya at pagkatapos ay mabilis na sinara ang pinto at humarang pa sa hamba. “I won’t allow you to enter my room.”“Bakit?”“What? Anong bakit? Do you expect me to invite you inside just because you’re my husband?"“That’s not what I mean. Alam ko namang off-limits ako, kahit pa kasal na tayo. I ask, kasi bakit mo naisip na I will go to your room… if I have my own?” Sabay turo sa guest room na noong umpisa pa lang ay kwarto na niya. “Dadaan lang naman ako.”“Oh, really? Do you expect me to believe that? First night ng kasal natin ngay
Magbasa pa

Kabanata Seis

NANATILING may ngiti sa labi si Spencer habang nakatingin kay Marcus. Iniisip na kaya wala itong reaksyon ay dahil kinakabahan na ito nang maghamon siya ng laban.Ngunit ang totoo ay hindi lang makuha ni Marcus ang dahilan kung bakit ito naghahamon na makipag-fencing sa isang club, kung saan ay may party at maraming tao na posibleng madamay.Walang duda na may alam si Spencer sa fencing dahil hindi naman ito maghahamon kung hindi nito kayang iyabang ang kakayahan, pero hanggang maaari'y ayaw ng pumatol ni Marcus.“Pasensya na pero ayoko,” ang tipid niyang sagot na ikinalawak ng ngiti ni Spencer sa puntong nagpipigil pa ito ng tawa.Si Luna naman na nalilito at hindi alam ang gagawin ay lumapit kay Spencer. “Spencer, please stop this nonsense. ‘Wag mo namang gawin ‘to,” pakiusap niya.Ang kaninang naaaliw na eskpresyon ni Spencer ay bigla na lang sumeryoso at naging iritado. “Bakit, Luna? Concern ka ba rito sa manliligaw mo? Natatakot ka na magmukhang kawawa once na matalo ko?”“That’s
Magbasa pa

Kabanata Siete

ABALA si Marcus sa pag-aayos ng isa sa mga surveillance camera at audio na itinago niya sa library room sa mansion nang dumating si Fausto.Agad siyang kumuha ng isang libro at nagkunwaring nagbabasa nang lumapit ito sa kanya.“Narito ka pala,” ang komento nito. “Interesado ka ba sa pagninegosyo?” aniya nang mapansin ang hawak nitong libro.Sinara ni Marcus ang libro at saka tiningnan ang pamagat. “Hindi naman masiyado,” aniya habang nasa surveillance camera ang atensyon dahil hindi pa naitatago nang maayos.Mabuti na lamang at sa kanya nakaharap si Fausto kaya hindi pa ito napapansin.“Sabagay, magaling na businessman ang Lolo mo, kaya nasisiguro kong may interes ka rin sa pagninegosyo.” Tumalikod si Fausto kaya mabilis niyang sinamantala ang pagkakataon na matakpan ang surveillance camera sa pamamagitan ng hawak na libro.At pagkatapos ay sumunod siya sa may study area. Pinindot ni Fausto ang maliit na buzzer sa may table matapos itong umupo sa swivel chair at ilang sandali pa ay kum
Magbasa pa

Kabanata Ocho

Chapter 8 ILANG SEGUNDONG nagkatitigan si Marcus at Scarlette. At ramdam ni Kurt ang namumuong tensyon sa dalawa. Kaya bago pa magkainitan ay humarang na siya sa gitna at pinigilan si Scarlette. “Captain, ba’t ka naman nagtatanong ng ganyan sa kanya?” aniya at saka bumulong, “Pinagmumukha mo naman siyang suspek.” Matalim na tingin ang pinukol ni Scarlette bago ito hinawi para muling harapin si Marcus. “Uulitin ko, nasa’n ka no’ng—” “Nasa bahay ng in-law’s ko, nagdi-dinner.” “Talaga?” Muling pinigilan ni Kurt si Scarlette dahil nakakakuha na sila ng atensyon ng iba. At kahit nga ang mga kasamahan na warden nito ay nagbubulungan na. “Walang dahilan para magsinungaling ako. Kaya kung tapos ka ng magtanong ay mauuna na ‘ko.” Nagpatuloy si Marcus upang samahan na ang kapwa warden na naghihintay. “Sino ‘yun? Girlfriend mo?” tanong ng isang warden na kanina’y nililibak siya. “Hindi, kakilala ko lang,” tipid niyang sagot at saka nauna upang maiwasan ang kung ano-anong mga tanong. Si S
Magbasa pa

Kabanata Nueve

PAUWI na mula sa trabaho si Marcus ng isang tawag mula kay Fausto ang kanyang natanggap.Una niyang narinig ang hiyaw mula sa kabilang linya kasunod ang boses ni Fausto. “Nasa’n ka ngayon?”“Pauwi na, bakit ho?”May kaingayan sa kabilang linya at rinig na rinig ang hikbi ng kung sino mang kasama ni Fausto. “Pumunta ka muna rito sa police station," ang utos nito saka tinapos ang tawag.Hindi man lang nagawang makapagtanong ni Marcus kung anong nangyari at kailangan niyang pumunta sa police station. Magkagano'n man ay mabilis pa rin siyang nagtungo ro'n.Pagkarating sa estasyon ay natigilan siya nang makita si Luna sa loob ng selda. Nakaupo’t umiiyak tulad ni Liliane na humihikbi habang nakatingin sa anak.Agad na lumapit si Fausto sa kanya upang humingi ng tulong o kung may magagawa ba siya upang mailabas agad si Luna. Matapos ay lumapit siya sa asawa upang kausapin ito, “Anong nangyari?” tanong ni Marcus.Hindi sumagot si Luna. Nakatungo lang ito at ayaw man lang siyang tingnan.“Sabih
Magbasa pa

Kabanata Diez

KAHIT AKAY-AKAY na ng mga pulis ay pilit pa ring nagpupumiglas at nagdadahilan si Spencer. Nariyang nag-iingay siya upang makatawag pansin sa ibang tao dahil kilala siya sa lugar. Mabilis na kakalat ang balita na narito siya sa police station at inaasahang darating agad ang kanyang pamilya upang tulungan siya.Dalawang pulis ang nakahawak sa magkabila niyang braso at may dalawa pang nakabantay sa likod upang hindi niya magawang makatakas.Ipinasok at iniwan siya sa interrogation room upang imbestigahan. “Baka pwedeng tanggalin mo naman ‘to?” aniya sa pulis na nagpaiwan upang magbantay, ngunit hindi siya nito pinansin na ikinainis niya. “Hindi mo ba ‘ko naririnig?!”Walang epekto at nanatiling nakatayo ang pulis hanggang sa pumasok si Scarlette kasama ang isang pang pulis.Tila naman nabuhayan si Spencer ng makita ito. Dahil kaibigan ng kanyang pamilya ang nagpakitang pulis. Sigurado na ang tiyak niyang pag-alis sa lugar.Ngunit agad ring nawala ang tuwa sa kanyang mukha nang hindi man
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status