SA ISANG MALAYO at maliit na isla sa Pilipinas ay matatagpuan ang pinaka-special at delikadong kulungan sa bansa. Dahil nandito ang mga kriminal na sangkot sa pagpatay sa mga kilalang personalidad na nagsisilbi sa bansa.
Droga, na ibinibenta sa black market at rape victim lalo na sa mga minorde edad.At higit sa lahat, mga teroristang gustong pabagsakin ang gobyerno at sakupin ang bansa.Dito sa kulungang tinatawag na ‘Heaven’ ay inilayo at itinapon sa kabihasnan ang mga kriminal na ito. Itinago sa mga mamamayan ng Pilipinas upang manatili ang kaligtasan at kapayapaan ng lahat.Sa islang napapalibutan ng dagat ay wala ni isang barko o bangka ang nakadaong man lang sa paligid. Sinadya ito upang walang makatakas sa lugar… maliban na lamang kung may magtatangkang lumangoy paalis ng isla, na sadyang mahirap gawin dahil kalahating araw ang aabutin bago marating ang pinakamalapit na isla, gamit ang pandagat na transportasiyon. Wala ring nakakalapag na kahit anong sasakyang himpapawid ng hindi nakikipag-coordinate sa Head warden.Si Marcus Lopelion, ang kasalukuyang Head warden sa naturang kulungan. Na sa unang araw niya sa trabaho ay inutusan siya nang noo’y dating Head warden, na si Maximo Lopelion na languyin ang isla.Ito ang hamon ni Maximo bago iwan sa kanya ang pamamahala sa kulungan. At matapos mapagtagumpayan ang hamon ay ipinasa ni Maximo, ang taong nag-ampon sa kanya ang pamamahala sa ‘Heaven’, na tatlong taon na ang nakakalipas.Nailipat ito sa ibang departmento na ngayon nga ay si army general Maximo Lopelion. Bagama’t hindi na nito sakop ang ‘Heaven’ ay ipinagkatiwala pa rin ng Pangulo kay Maximo ang pamamahala sa kulungan dahil sa labis na pagpapahalaga sa dating trabaho. Si Maximo pa rin ang nagpapasiya sa mga kriminal na pinapadala sa isla.At kahapon nga’y tumawag ito kay Marcus upang ipaalala ang bagong kriminal na ihahatid ngayong gabi.Sa madilim at malamig na gabi ay tahimik na naghihintay si Marcus sa pagdating ng bagong inmate. Limang minuto na siyang naghihintay sa tabing dagat nang makarinig ng ingay. Ugong ito ng paparating na helicopter.Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa buhangin at tinanaw mula sa malayo ang paparating na helicopter na ilang sandali pa ay maingat na lumapag hindi kalayuan.Mula sa helicopter ay bumaba si warden Torres habang hawak nito ang kriminal. Hindi na mabilang kung ilang beses itong naghatid ng kriminal sa isla ngunit gano’n pa rin ang naabutan.Isang madilim at tahimik na isla.Hindi maintindihan ni Torres kung bakit hindi man lang nilalagyan ng kahit anong ilaw ang lugar. Paano nito malalaman kung sila lang ba ang tao sa lugar o kung may iba pa?Kakampi ba o kalaban? Mga tanong sa isip na mahirap sagutin dahil sa sobrang dilim ng paligid.“Kamusta?” ani Marcus mula sa dilim.Agad na-alerto si Torres at naglabas ng baril. Mahigpit ang kapit at handang iputók ang hawak sa taong nagsalita.Unti-unti naman nitong naaninag ang paglapit na si Marcus at sa tulong ng liwanag na nagmumula sa helicopter ay napagsino ni Torres ang papalapit na pigura. Tila gusto na lamang ibato ni Torres ang hawak na baril kay Marcus na malawak ang ngiti sa labi.“Tang*na mo, Lopelion! Akala ko kung sino na,” saad pa Torres saka itinago ang hawak na baril.“Ilang beses ka ng nakapunta rito pero hanggang ngayon, nerbiyoso ka pa rin? Tigil-tigilan mo na kasi ang pagkakape,” wika naman ni Marcus.“Ikaw ang tumigil, Lopelion. Kailan mo ba kasi palalagyan ng mga ilaw ‘tong isla? Kulungan ba talaga binabantayan mo o nagpaplano kang magtayo ng hunted island?” ani Torres sa biro niya.“Sinadya ko talaga na walang ilaw para takutin ka.”Ngunit hindi naman talaga ito ang totoong rason ni Marcus. Dahil nais niyang walang makaalam na may itinatagong kulungan sa isla. Para na rin maiwasang may mang-usisang sibilyan.Umiling-iling naman si Torres at hindi na pinatulan ang biro ni Marcus.Ngunit ang kasama naman nitong kriminal ang ngumiti, ngiting nakakaloko. Naaaliw kay Marcus at tila iniisip na isang mahina at pipitsuging warden ang sa wakas ay magbabantay. Na makakalaya na sa kamay ni Torres na walang ibang ginawa kundi ang pahirapan ito nang palihim.Hindi na nabigla si Marcus sa pinapakita ng kriminal dahil ganitong-ganito rin ang mga ginagawa ng iba pa kapag bagong dating sa isla. Lahat ng bagong salta sa ‘Heaven’ ay mayabang na akala mo ay ito na ang pinakamalakas at malalang kriminal na itinapon sa lugar.Kaya hindi niya na lamang pinapansin ang kayabangan ng mga ito dahil magbabago rin ang mga ito sa paglipas ng araw o linggong pananatili sa ‘Heaven’. Resulta kapag nakasama na sa kulungan ang iba pang kriminal.Isang malakas na batok sa ulo ang natanggap ng kriminal kay Torres. “Ang lakas ng loob mong ngumiti-ngiti. Hoy! Ikukulong ka at mabubulok dito tapos kung makaasta parang akala mo’y ipinasiyal ka lang sa amusement park?”“Hayaan mo na,” awat naman ni Marcus dahil hindi magtatagal ang ngiti ng kriminal sa oras na dumating na sa kulungan.Sandali silang nag-usap ni Torres bago ito tuluyang magpaalam na babalik na sa kabihasnan. Tinanaw ni Marcus ang helicopter na papalayo sa isla at matapos ay sinuotan ang bagong salta na si inmate-1030 ng night vision eyeglasses. Dahil sa dilim ng isla ay kinakailangan nitong gumamit ng ganitong uri ng kagamitan upang makarating sa ‘Heaven’ nang hindi nahihirapan sa paglalakad.“Ibang klase! Sigurado ka bang sa kulungan ang bagsak ko? Para kasing magna-night hunt pa muna tayo,” ang natutuwang komento ng kriminal. Tuwang-tuwa ito habang pinagmamasdan ang paligid gamit ang night-vision eyeglasses. Tuluyang nawala sa isip ang planong tumakas sa isla.Hindi naman nagkomento si Marcus at tahimik na naglakad sa likod ng kriminal habang hawak ang isang braso nito. Pumasok sila sa loob ng kakahuyan at naglakad ng ilang minuto papunta sa pinakamalaking puno na makikita sa isla.Kakaiba ang naturang puno sa iba. Dahil may malaking biyak sa ibabang bahagi ng katawan na nagsisilbing lagusan papunta sa ‘Heaven’.Huminto sa paglalakad ang kriminal nang itulak ni Marcus papasok sa lagusan. Inis itong lumingon nang matigilan. “P-pa’nong wala kang suot na….”Hindi ito makapaniwalang wala ma lamang suot na night vision si Marcus. Sa sobrang dilim ng lugar ay hindi maaaring makapaglakad nang maayos ang kahit sino ng wala ang tulong ng naturang kagamitan.Ngunit iba si Marcus na nginitian lang ang kriminal saka muling tinulak papasok sa lagusan. Teritoryo niya ang lugar kaya kabisado niya ang lalakaran kahit gaano pa kadilim ang paligid. Siya at hindi ang mga kriminal na ito ang dapat nabibigla.‘Ang lalakas ng loob maging kriminal ngunit umaasa sa night-vision eyeglasses.’, Sa isip-isip ni Marcus.Nang nasa loob na ay agad naramdaman ni Marcus na may iba pa silang kasama. Nilanghap niya ang hangin sa paligid at matapos ay agad nakilala kung sino ito. “Hindi ka na dapat sumunod,” aniya kay Yulo, isa sa mga kasamahan niyang warden sa kulungan.“Sinong kausap mo?” ang tanong ng kriminal. Nagtaka nang biglang magsalita si Marcus.Sinagot ni Yulo ang tanong ni Marcus na ikinagulat ng kriminal at napagtanto na hindi normal ang lugar, lalo na ang mga nakatalagang warden sa naturang kulungan.Agad naisip ni inmate-1030 na gawin ang planong tumakas kaya agad nitong binunggo nang malakas ang katabi sa pag-aakalang si Marcus ito. Pagkatapos ay kumapa-kapa sa paligid upang hanapin ang labasan at hindi na napansin si Marcus na nasa likuran lang nito.Sa isang galaw lang ay pinatamaan ni Marcus ang batok ng kriminal na agad nawalan ng malay.“Ako na ang magbubuhat,” ani Yulo na pinagpagan lang ang brasong binunggo kanina ng kriminal.Hinayaan naman ito ni Marcus at kinapa ang switch-button na nakatago sa katawan ng puno. Isang mahinang ugong ang maririnig kasabay nang unti-unting pagliwanag ng lupang kinatatayuan. Bumuka ang lupa na siyang daan patungo sa elevator na magdadala sa kanila sa ‘Heaven’.Ang kulungang ito na para sa mga espesyal at napakadelikadong kriminal sa bansa ay matatagpuan sa mismong ilalim ng lupa. Twenty-feet underground na walang ibang entrance at exit kundi ang daang tinahak nila. Nagkalat ang sandamakmak na surveillance camera sa buong isla na in-install sa mga puno at bato sa tabing-dagat. Bantay-sarado rin ang buong lugar na sa oras na tumapak ang kahit sinong kriminal ay hindi na makakaalis ng walang pahintulot ni Marcus… maliban na lang kung hindi na ito humihinga.PUMASOK sila sa elevator at pinindot ni Marcus ang level 4 button. “Hindi ba dapat ay level 5?” ang tanong ni Yulo habang buhat-buhat si inmate-1030 sa balikat na parang sako ng bigas.“Level 4 lang siya para sa ‘kin, kahit halos inubos niya ang lahat ng tao sa lugar na kanyang pinanggalingan.”Ang buong building ng ‘Heaven’ ay nasa limang palapag. Ang unang floor ay ang monitoring area at office. Dito rin ang receiving area kapag may bumibisitang officials. Sa level 2 naman ang kitchen, clinic at iba pang facilities. Ang quarters nilang mga warden ang level 3. Habang ang level 4 at 5 ang pinakamalaki sa buong building dahil ito ang selda ng mga inmate. Pinaghiwalay lamang ang mga delikado sa mas delikadong kriminal upang maiwasan ang mga patayan.Ayon sa record na natanggap niya ay isang high-caliber murderer si inmate-1030. Hindi bababa sa tatlumpu ang napatáy nito sa probinsiyang pinanggalingan. Ang mga biktima nito ay mga bata at matatanda na pawang mahihina at walang kakayahang lumaban. Sa madaling salita ay mahihina na madaling patumbahin ang biniktima nito. Malayo sa mga kriminal na nasa level 5 na mas malala at mas matindi ang ginawa kumpara kay inmate-1030.Huminto ang elevator at kahit hindi pa bumubukas ang pinto ay rinig na ni Marcus ang ingay mula sa labas. Mas lalo lang naging klaro pagtapak niya at nakitang may nagkukumpulan sa kaliwang bahagi ng lunch area.Tiningnan niya ang oras sa suot na relo. Hindi pa tapos ang dinner time ngunit kalokohan na ang inaatupag ng iba. Dismayado niyang tiningnan ang mga naiwan na pagkain. May iba namang inmate na hindi na nakisali sa pinagkakaguluhan.Mula sa mga nagkukumpulan ay may lumingon sa gawi niya na agad sumigaw, “Bumalik na si Boss!” Ito ang tawag ng lahat sa kanya. Mismong ang mga kriminal na matagal na sa ‘Heaven’ ang nagbigay ng alyas na ito sa kanya.Matapos ay biglang nagsi-atrasan ang lahat ng nasa kumpulan. Tumambad sa kanya ang dalawang preso na nagsusuntukan. Nang makita siya ay agad ring nagsitigil at lumayo sa isa’t isa.“Ibalik ninyong lahat ang tray sa counter. Wala ng kakain, maliban sa mga nanatili sa table nila!” utos niyang sigaw sa lahat.Marami ang umangal ngunit nang bumuntong-hininga siya ay biglang natahimik ang lahat at sinunod ang utos niya sa takot na maparusahan.Binalingan niya si Yulo na buhat-buhat pa rin ang walang-malay na inmate at inutusan itong dalhin na ang naturang kriminal sa selda nito.Tumango naman si Yulo at pagkatapos ay umalis na.Ang mga inmate na hindi na nagawang makakain ay bumalik sa kanya-kanyang selda. Sakto namang lumapit sa kanya si inmate-098. “Boss, pwede ba kitang makausap kahit saglit lang?” anito.“Anong kailangan mo?”Pansin ni Marcus ang pagdadalawang-isip nito ngunit ilang sandali pa ay may dinukot na kung ano sa bulsa. “Baka pwede mo ‘tong maipadala sa pamilya ko? Kahit anong kapalit, basta lang ay matanggap nila.”“Alam mo ang rules dito,” wika ni Marcus at akmang tatalikod na nang humarang ito sa daraanan niya."Sige na, Boss. Parang awa mo na, miss na miss ko na ang pamilya ko. Handa akong magbayad kahit na magkano makarating lang ‘tong sulat sa kanila.”Kitang-kita ang pagmamakaawa sa mga mata ni inmate-098, ngunit tulad ng sinabi ni Marcus ay hindi ipinapahintulot sa kulungang ito ang makipag-contact sa kahit sinong nasa labas. Magkaganoon man ay kinuha niya ang letter at saka umalis.Matapos makarating sa sariling opisina ay pinunit ni Marcus ang letter at itinapon sa basurahan. Sakto namang may kumatok at pumasok si Yulo. “Naihatid ko na si inmate-1030," pagpapaalam pa nito."Okay... siya nga pala. Gusto ko ng latest update sa pamilya ni inmate-098. Kung anong ginagawa nila. Samahan mo na rin ng mga pictures," utos niya pa."Para sa’n, Sir?” tanong ni Yulo.Hindi sinagot ni Marcus ang tanong nito at tumitig lang. Agad namang naunawaan ni Yulo ang sinyales na wala siyang balak sumagot kaya tumango na lamang ito at saka nagpaalam na gagawin ang iniutos niya.Hindi mapagbibigyan ni Marcus ang hiling ni inmate-098 dahil labag ito sa rules ng kulungan, ngunit puwede niya namang ipaalam dito kung ano ang kalagayan ng asawa at anak nito sa labas. Tanging ito lamang ang magagawa niya ng hindi lumalabag sa patakaran.NAKAILANG buntong-hininga na si Scarlette Rodriguez habang pinapakinggan ang galit na boses ng Ama. Sa kadahilanang hindi siya nagpaalam na tutungo sa ‘Heaven’ dala ang isang napakadelikadong kriminal.Ang ama niyang si Allan Rodriguez ay isang General sa police department. At iniutos sa iba ang paghahatid sa naturang kriminal ngunit hindi niya pinakinggan at tumuloy pa rin sa plano.Bakit? Dahil bukod sa napakadelikado ng nahuli nilang kriminal ay gusto niya ring makita ang lalakeng tinutukoy ng Ama. Si Marcus Lopelion.Isang warden sa hindi kilalang kulungan. Ito ang unang beses na pupunta siya sa lugar at gusto niyang malaman kung anong klase ng tao ang gusto ng kanyang Ama na mapangasawa niya.Patuloy naman ang paninermon ni Allan kay Scarlette nang bigla na lamang napuputol ang mga sinasabi nito. “Hello? Naririnig mo ba ‘ko, Scarlette?”Hanggang sa tuluyan na ngang naputol ang kumunikasyon. Naiiling na tumingin si Allan sa kaibigang si Maximo na kasalukuyang kasama sa office. “Napakapasaway talaga ng batang ‘yun,” ani Allan.“Hayaan mo na, gusto lang niyang makilala si Marcus,” komento naman ni Maximo.“May naisip ka na bang araw ng kasal?” biglang tanong ni Allan.Natawa si Maximo. “Ngayon pa lang sila magkikita, pero kasal na agad ang iniisip mo? Hayaan mo muna silang magkakilala saka tayo magdesisiyon,” mungkahi pa ni Maximo.Sa kabilang banda naman, matapos patayan ng tawag ni Scarlette ang Ama ay ang kanyang Ina naman ang tinawagan. Ipinaalam niya ritong malapit na silang magkita ni Marcus Lopelion.“Okay, balitaan mo ‘ko. Basta tandaan mo, pagdating sa usaping kasal. Puso ang pinapairal,” ang payo ng kanyang ina na si Amelia.“Pa’no kung hindi ko siya magustuhan, ‘Ma?”“Edi, ‘wag kang pumayag sa planong kasal ng Ama mo.”“Pa’no si Papa? Hindi ko lang pinaalam na nagpunta ako rito pero galit na.”“Lagi namang galit ang Papa mo.” At saka natawa si Amelia.“Okay. Thank you, ‘Ma, buti na lang talaga at sinabi ko sa’yo ang plano ni Papa.”“Wala ‘yun, anak, basta secret lang natin na may alam ako sa plano ni Allan, ha?”“Of course. Ayokong sa ‘yo mabaling ang inis ni Papa sa ‘kin. Love you, ‘Ma.”“Love you too,” ani Amelia.Matapos ang pag-uusap nila ni Amelia ay pumasok siya sa loob ng inarkilang barko upang silipin ang kriminal na pinaghirapan niya at ng kanyang team na hulihin.Sa loob ng cabin ay may human-size cage kung saan nakakulong ang kriminal upang hindi makatakas. May kakayahan kasi itong maalis ang suot na posas ng hindi nila napapansin.Sa katunayan nga’y bago sila bumiyahe ngayong araw ay gumawa muna ito ng eksena.“Kumusta? Mahapdi na ba?” ang patuya nitong tanong kay Scarlette habang nakatingin sa balikat niyang may bandage.Pinasadahan niya nang tingin ang sugat na likha nito. “Hindi naman.” Sabay pisil ng natamo niyang sugat sa harap ng kriminal. “Sana pala, mas nilaliman mo ang paghiwa para umaray naman ako,” pang-uuyam pa niya. Ayaw ipakita na unti-unti na niyang nararamdaman ang kirot.“Tsk!” ang react nito at saka siya tinalikuran. Halatang dismayado ang kriminal kaya hindi na niya ginalit at tahimik na lamang umupo sa sulok. Siya na mismo ang magbabantay at baka may gawin itong hindi tama kung ipapasa niya sa kasamahan ang pagbabantay.Isang oras ang dumaan nang pumasok sa cabin ang isa niyang kasamahan upang palitan siya sa pagbabantay. Pumayag na si Scarlette dahil nag-uumpisa ng magmanhid ang balikat dahil sa sugat. Kailangan na niya itong tingnan at palitan ng bandage. “Bantayan mo nang mabuti at baka kung ano na naman ang gawin niyan,” ang utos niya bago tuluyang umalis.Matapos niyang malinisan ang sugat at mapalitan ng bandage ay sakto namang malapit na sila sa isla. Sa pagdaong ay walang ni isang sumalubong sa kanila. Walang kahit anong bangka, kubo o kahit ano sa paligid. Tanging buhangin at mga puno lamang ang meron.“Captain, ibababa na namin siya sa barko,” ang pagpapaalam ng kasamahan niya sa kriminal na tinutukoy.Tumango lang si Scarlette at patuloy na tumitingin sa paligid. “Nasaan ang tinatawag nilang ‘Heaven’?”Mayamaya pa ay nakaramdam siya nang tila may kung anong nanunuod sa kanya. Naging alerto siya at hinamon na lumabas kung sino man ang taong ito.Hindi nga nagtagal ay nagpakita si Marcus sa pinagtataguan nitong puno. “Sino kayo?”Tumaas ang kilay ni Scarlette. Hindi makapaniwalang hindi man lamang siya nakilala nito. Samantalang siya ay halos mapuno na ang storage ng cellphone sa kakaalam ng tungkol kay Marcus.Hinagod niya pa ng tingin ang suot nitong t-shirt at sweatpants. Naka-tsinelas lang din ito na tila isang tourista sa naturang isla.Saglit siyang tiningnan ni Marcus at pagkatapos ay nabaling ang tingin sa kasama nilang kriminal na nasa human-size cage pa rin.“Bukas pa ang dating ng bagong inmate pero bakit nandito na siya agad?”Naninggkit ang mga ni Scarlette dahil sa sinabi ni Marcus at doon pa lang ay buo na ang pasyang hinding-hindi siya papayag sa gusto ng kanyang Ama na makasal sa binata. "Busy ako sa trabao kaya hinatid ko nang maaga,” ang sagot niya at pinantayan ang tono ng boses nito.“Wala akong natanggap na report na ngayon siya ihahatid kaya bumalik na lang kayo bukas.”Hindi makapaniwala si Scarlette sa inasta ni Marcus, na akala mo ay siya ang may-ari nitong buong isla at bawal silang dayo. “Alam mo ba kung ilang oras ang nasayang sa ‘kin at sa team ko nang dahil sa paghatid lang sa kriminal na ‘to?”“Half-day.”‘Wow! Alam naman pala niya tapos gusto niya pang bumalik kami at bukas na lang ihatid ang kriminal na kasama namin?’, Sa isip-isip ni Scarlette.“At another half-day ulit pabalik. Isang buong araw ang nasayang sa‘kin tapos pababalikin mo lang dahil hindi ka na-inform sa pagdating namin?”Pinakatitigan muna siya ni Marcus bago tumango-tango. “Okay, iwan niyo na lang siya d’yan at bumalik na kayo.”“Iwan? Sa‘yo?! Hindi mo ba alam kung ga’no kahirap hulihin ang kriminal na ‘to?” Sabay turo ni Scarlette sa human-size cage kung saan nakakulong ang kriminal na tinutukoy.“Kaya na akong tulungan ng kasamahang warden,” balewalang sabi ni Marcus.Muling naningkit ang mga mata ni Scarlette. May pakiramdam siyang iniiwasan nitong malaman niya kung nasaan ang ‘Heaven’.“Okay, ikaw ang bahala.” At tumalikod na siya upang bumalik sa barko. “Pero binabalaan kita. Hindi siya basta-basta. Ilang beses na siyang nakapatay ng kilalang personalidad.”Ang mga kasamahan naman ni Scarlette ay agad umangal, “Captain, hahayaan mo lang siya? Baka makawala ‘yung kriminal.”“Hindi na natin problema ‘yun. Masiyado siyang mayabang. Kasalanan niya kung mapatay siya.”Pero ang totoong dahilan kung bakit niya hahayaan sa kamay ni Marcus ang kriminal ay dahil sigurado siyang wala itong kakayahang makatakas sa isla. Wala kahit ni isang transportasyon siyang nakita papunta at paalis sa lugar. Kung magawa nga nitong makaalis ay mahuhuli pa rin dahil sa tagal ng biyahe paalis.Nang lumarga na sila paalis ay kinausap niya ang kapitan ng barko at tinanong kung nakikilala ba nito si Marcus. Hindi kasi sapat ang mga nakalap niyang impormasiyon tungkol sa binata. Hindi niya alam kung ano ang kakayahan nito bilang isang warden.“Ilang beses na akong naghatid ng mga bilanggo at laging ang warden na ‘yun ang sumusundo,” kuwento ng kapitan ng barko.“’Yun lang ba? wala kang ibang nalalaman?”Umiling ang kapitan kaya napabuntong-hininga na lamang si Scarlette dahil kakaunti lang din ang alam nitong tulad niya.MALAYO na ang barkong sinasakyan ng babaeng hindi niya man lang nakuha ang pangalan dahil sa taglay nitong kasungitan. Ngunit base sa pag-aanalisa ni Marcus at sa paraan ng pag-address ng kasamahan nito ay maaaring isa itong police na may mataas na ranggo. At leader ng unit kaya ganoon na lamang kung umasta.“Sir, baka pwede makalabas rito?” ang tawag pansin ng kriminal kay Marcus. Kanina pa ito nakikinig sa usapan ng police na humuli at sa lalakeng mukhang bagong gising lang base na rin sa suot.Ibinaling ni Marcus ang atensiyon sa kriminal. Inaanalisa ang itsura at aura nito. At base sa sinasabi ng babaeng kausap kanina ay delikado ito kaya mananatili siyang alerto. Muntik namang humalakhak sa tuwa ang kriminal nang binuksan ni Marcus ang kulungan. “Maraming salamat, Sir,” ani pa ng kriminal upang kunin ang loob ni Marcus. At kapag nakahanap ng tiyempo ay saka kikilos at patutumbahin si Marcus para makaalis sa lugar.Ngunit alam na alam na ni Marcus ang ganitong klaseng kriminal. Hindi na siya madadaya ng magalang nitong pananalita. Ngayon pa nga lang ay naiisip na niyang ilagay ito sa level 5 kung nasaan ang mas delikadong kriminal.Naunang maglakad si Marcus at sa isang iglap ay sakál-sakál na siya ng kriminal sa leeg gamit ang posas na nasa kamay nito. Masiyadong abala ang kriminal sa pagsakál kaya hindi na nito napansin na nakaharang pala ang isang kamay ni Marcus sa leeg upang hindi maidiin nang husto ang posas.Nanatiling kalmado si Marcus kahit malakas ang kriminal. Agad siyang nag-isip ng ibang paraan upang mapabagsak ito.Pinatid niya patalikod ang kriminal dahilan upang magawa niyang maihagis ito palayo.Patalikod namang bumagsak ang kriminal sa buhangin at mabilis na dinaganan ni Marcus sabay ganti ng sakál gamit ang braso. Kailangan niya itong patulugin bago dalhin sa ‘Heaven’. “Sa dami ng kriminal na na-encounter ko ay hindi iisang beses na may kagaya mong magaling umarte. Sa madaling salita ay hindi mo ko maloloko niyang pagbabait-baitan mo.”Namimilipit at hirap na hirap na ang kriminal sa ginagawa niya ngunit hindi pa rin ito binibitawan ni Marcus hangga’t hindi nawawalan ng malay.Nang sa wakas ay nawalan na ito ng ulirat ay saka niya ito binuhat at binitbit papasok sa kakahuyan. “Welcome sa ‘Heaven’,” ang bulong niya pa.At pagkarating sa loob ng kulungan ay agad siyang sinalubong ni warden Ocampo na siyang naka-assign sa level 1, kung nasaan ang monitoring area. “May mensaheng pinadala si General Lopelion sa inyo, Sir.”Nagtaka naman si Marcus kung bakit nagpadala pa ng mensahe ang Ama sa halip na tumawag na lamang sa telepono. “Ano’ng sabi?”“Hindi ko pwedeng buksan, Sir.”Na ang ibig sabihin ay confidential ito. At tanging siya lang ang maaring magbukas at bumasa sa mensahe. Ano kaya ang sadya ng Ama at bakit sa account ng ‘Heaven’ pinadala?Kung saan ay tanging siya lamang ang nakakaalam ng password.SA KALAGITNAAN ng biyahe pabalik sa siyudad ay tinawagan ni Scarlette ang Ama. “Nakausap ko na siya,” ang bungad niya pa.“Kamusta—”“Ayoko sa kanya, ‘Pa, hindi ako magpapakasal sa kanya.”“Ano?!”“Basta. Hindi kami nagkasundo kaya ayokong magpakasal sa kanya.”“Teka lang, Scarlette—”“Sige, ‘Pa, at magpapahinga muna ako. And please, ‘wag mo nang uulitin ‘to. Ayokong nirereto sa iba.” At saka tinapos tawag upang kausapin naman si army general Maximo Lopelion.Sa opisina ng General ay nakatanggap ito ng tawag mula kay Scarlette, na anak ng kaibigang si Allan. “Hello, Captain Rodriguez,” sagot ni Maximo sa kabilang linya. Medyo maingay sa kabilang linya ngunit mauulinigan naman ang boses ng dalaga.“Pasensiya na sa pang-iistorbo, General. Nakausap ko na si warden Marcus Lopelion kanina, hindi nga lamang ako nagpakilala sa kanya. Sa pag-uusap namin kanina ay isa lang ang na-realize ko. Pareho kaming ma-otoridad at nagka-clash ang personalidad namin. Kaya ipagpaumanhin ninyo kung hindi ako
MUKHANG napansin naman ni Artemio kung saan siya nakatingin. "Kasama mo ba sila, Boss?” ang tanong niya kay Marcus.“Hindi. Nakasabay ko lang sa eroplano. Saka, ‘wag mo na ‘ko tawaging ‘boss’, wala ka na sa kulungan.”Nangiti naman si Artemio at saka umiling-iling. “Naku, mukhang mahihirapan ako n’yan, dahil nasanay na ako tawaging ‘boss’.”“Ayos lang, kung hindi ka sanay,” ani Marcus at sumulyap sa driver na kanina niya pa napapansing nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror.“Magandang araw, Boss,” ang magalang na bati naman nito sa kanya.“Siya nga pala ang driver ko, mahigit sampung taon na siyang nagtatrabaho sa ‘kin.” Ang pakilala naman ni Artemio.“Madalas ho kayong nakukuwento ni Sir no’ng makabalik siya. Maraming-maraming salamat sa pagtulong niyo sa kanya,” ang pahagay ng driver na labis na ipinagpapasalamat ni Artemio. Dahil kung hindi siya tinulungan ni Marcus ay wala siya ngayon dito, kasama ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.Isa siyang dating bilanggo sa ‘He
SA ‘HEAVEN’, habang pabalik na si warden Torres sa kanyang quarters ay narinig niya ang dalawang inmate na nag-uusap sa kanilang selda.Ang pinag-uusapan ng dalawa ay ang naganap na away sa pagitan ni inmate-4687 at Uno. At kung gaano kaawa-awa ang itsura ni 4687.“Kasalanan niya naman!” ang sabi ng isang inmate. “Bakit niya kasi sinabihan ng gano’n si Uno?”“Bakit, ano bang problema? Balita ko, dating sundalo ‘yung si Uno, totoo ba?”“Ay, oo naman! Sobrang daming tao ang natulungan no’n.”Na-curious si warden Torres kaya sumandal siya sa pader upang mas lalong makinig sa usapan ng dalawang preso.“E, ano bang nangyari at nakulong siya rito?” ang tanong ng pangalawang inmate.“A’yun! Biglang nabaliw at pinagpapata*y ang kasamahan niyang sundalo.”“Mga ogag!” May isang inmate ang sumabat sa usapan. “Hindi siya nabaliw. At kung ako ang nasa posisiyon no’ng si Uno? Aba’t papatay*n ko rin ‘yung mga sundalong 'yun!"“Bakit, ano ba talagang nangyari? Bakit niya pinat*y ang mga kaibigan niya
MATAPOS ang dinner sa mansion ng Fajardo ay nag-usap pa nang matagal si Fausto at Leonardo, kasama si Liliane.Si Marcus naman ay umakyat sa taas patungo sa kwarto upang palihim na makinig sa usapan ng tatlo. Inaya naman siya ni Leonardo na sumama sa mga ito at makipagkwentuhan ngunit hindi na lamang siya sumalo nang tingnan siya ng masama ni Liliane.Una niyang madadaanan ang kwarto ni Luna na saktong bumukas ang pinto. Bahagya itong natigilan nang makita siya at pagkatapos ay mabilis na sinara ang pinto at humarang pa sa hamba. “I won’t allow you to enter my room.”“Bakit?”“What? Anong bakit? Do you expect me to invite you inside just because you’re my husband?"“That’s not what I mean. Alam ko namang off-limits ako, kahit pa kasal na tayo. I ask, kasi bakit mo naisip na I will go to your room… if I have my own?” Sabay turo sa guest room na noong umpisa pa lang ay kwarto na niya. “Dadaan lang naman ako.”“Oh, really? Do you expect me to believe that? First night ng kasal natin ngay
NANATILING may ngiti sa labi si Spencer habang nakatingin kay Marcus. Iniisip na kaya wala itong reaksyon ay dahil kinakabahan na ito nang maghamon siya ng laban.Ngunit ang totoo ay hindi lang makuha ni Marcus ang dahilan kung bakit ito naghahamon na makipag-fencing sa isang club, kung saan ay may party at maraming tao na posibleng madamay.Walang duda na may alam si Spencer sa fencing dahil hindi naman ito maghahamon kung hindi nito kayang iyabang ang kakayahan, pero hanggang maaari'y ayaw ng pumatol ni Marcus.“Pasensya na pero ayoko,” ang tipid niyang sagot na ikinalawak ng ngiti ni Spencer sa puntong nagpipigil pa ito ng tawa.Si Luna naman na nalilito at hindi alam ang gagawin ay lumapit kay Spencer. “Spencer, please stop this nonsense. ‘Wag mo namang gawin ‘to,” pakiusap niya.Ang kaninang naaaliw na eskpresyon ni Spencer ay bigla na lang sumeryoso at naging iritado. “Bakit, Luna? Concern ka ba rito sa manliligaw mo? Natatakot ka na magmukhang kawawa once na matalo ko?”“That’s
ABALA si Marcus sa pag-aayos ng isa sa mga surveillance camera at audio na itinago niya sa library room sa mansion nang dumating si Fausto.Agad siyang kumuha ng isang libro at nagkunwaring nagbabasa nang lumapit ito sa kanya.“Narito ka pala,” ang komento nito. “Interesado ka ba sa pagninegosyo?” aniya nang mapansin ang hawak nitong libro.Sinara ni Marcus ang libro at saka tiningnan ang pamagat. “Hindi naman masiyado,” aniya habang nasa surveillance camera ang atensyon dahil hindi pa naitatago nang maayos.Mabuti na lamang at sa kanya nakaharap si Fausto kaya hindi pa ito napapansin.“Sabagay, magaling na businessman ang Lolo mo, kaya nasisiguro kong may interes ka rin sa pagninegosyo.” Tumalikod si Fausto kaya mabilis niyang sinamantala ang pagkakataon na matakpan ang surveillance camera sa pamamagitan ng hawak na libro.At pagkatapos ay sumunod siya sa may study area. Pinindot ni Fausto ang maliit na buzzer sa may table matapos itong umupo sa swivel chair at ilang sandali pa ay kum
Chapter 8 ILANG SEGUNDONG nagkatitigan si Marcus at Scarlette. At ramdam ni Kurt ang namumuong tensyon sa dalawa. Kaya bago pa magkainitan ay humarang na siya sa gitna at pinigilan si Scarlette. “Captain, ba’t ka naman nagtatanong ng ganyan sa kanya?” aniya at saka bumulong, “Pinagmumukha mo naman siyang suspek.” Matalim na tingin ang pinukol ni Scarlette bago ito hinawi para muling harapin si Marcus. “Uulitin ko, nasa’n ka no’ng—” “Nasa bahay ng in-law’s ko, nagdi-dinner.” “Talaga?” Muling pinigilan ni Kurt si Scarlette dahil nakakakuha na sila ng atensyon ng iba. At kahit nga ang mga kasamahan na warden nito ay nagbubulungan na. “Walang dahilan para magsinungaling ako. Kaya kung tapos ka ng magtanong ay mauuna na ‘ko.” Nagpatuloy si Marcus upang samahan na ang kapwa warden na naghihintay. “Sino ‘yun? Girlfriend mo?” tanong ng isang warden na kanina’y nililibak siya. “Hindi, kakilala ko lang,” tipid niyang sagot at saka nauna upang maiwasan ang kung ano-anong mga tanong. Si S
PAUWI na mula sa trabaho si Marcus ng isang tawag mula kay Fausto ang kanyang natanggap.Una niyang narinig ang hiyaw mula sa kabilang linya kasunod ang boses ni Fausto. “Nasa’n ka ngayon?”“Pauwi na, bakit ho?”May kaingayan sa kabilang linya at rinig na rinig ang hikbi ng kung sino mang kasama ni Fausto. “Pumunta ka muna rito sa police station," ang utos nito saka tinapos ang tawag.Hindi man lang nagawang makapagtanong ni Marcus kung anong nangyari at kailangan niyang pumunta sa police station. Magkagano'n man ay mabilis pa rin siyang nagtungo ro'n.Pagkarating sa estasyon ay natigilan siya nang makita si Luna sa loob ng selda. Nakaupo’t umiiyak tulad ni Liliane na humihikbi habang nakatingin sa anak.Agad na lumapit si Fausto sa kanya upang humingi ng tulong o kung may magagawa ba siya upang mailabas agad si Luna. Matapos ay lumapit siya sa asawa upang kausapin ito, “Anong nangyari?” tanong ni Marcus.Hindi sumagot si Luna. Nakatungo lang ito at ayaw man lang siyang tingnan.“Sabih
KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s
PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang
MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na
NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General
DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga
NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa
THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are