MUKHANG napansin naman ni Artemio kung saan siya nakatingin. "Kasama mo ba sila, Boss?” ang tanong niya kay Marcus.
“Hindi. Nakasabay ko lang sa eroplano. Saka, ‘wag mo na ‘ko tawaging ‘boss’, wala ka na sa kulungan.”Nangiti naman si Artemio at saka umiling-iling. “Naku, mukhang mahihirapan ako n’yan, dahil nasanay na ako tawaging ‘boss’.”“Ayos lang, kung hindi ka sanay,” ani Marcus at sumulyap sa driver na kanina niya pa napapansing nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror.“Magandang araw, Boss,” ang magalang na bati naman nito sa kanya.“Siya nga pala ang driver ko, mahigit sampung taon na siyang nagtatrabaho sa ‘kin.” Ang pakilala naman ni Artemio.“Madalas ho kayong nakukuwento ni Sir no’ng makabalik siya. Maraming-maraming salamat sa pagtulong niyo sa kanya,” ang pahagay ng driver na labis na ipinagpapasalamat ni Artemio. Dahil kung hindi siya tinulungan ni Marcus ay wala siya ngayon dito, kasama ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.Isa siyang dating bilanggo sa ‘Heaven’ na tinulungan noon ni Marcus na makalaya. At dati pa man matapos mapunta sa pangangalaga ni Marcus ang isla ay sinusuri na niya ang bawat kriminal na pinapasok o nililipat sa ‘Heaven’. Pinag-aaralang mabuti ang kriminal case at kung bakit ikukulong ang mga ito.At napag-alaman ni Marcus base na rin sa kanyang pag-iimbistiga ay na-frame up si Artemio. Na ang totoong kriminal ay malayang namumuhay sa labas upang angkinin ang yamang naiwan ni Artemio matapos makulong.Dahil sa ginawang pagtulong ni Marcus ay nakalaya ito mahigit dalawang taon na ang nakakalipas. At kahit nakalaya na ito ay nananatili pa rin ang kumunikasiyon ni Artemio sa kanya.“Bago ko pala makalimutan, Boss—” Mula sa passenger seat sa tabi ng driver ay may kinuha si Artemio na binigay sa kanya. “I bought this two bottle of wine from London, no’ng magpunta ako ro’n.”Agad na tinanggihan ni Marcus ang ibinibigay ni Artemio. Hindi niya nais na tumanggap ng kahit anong bigay nito lalo pa’t hindi naman siya mahilig uminom. Wala rin siyang kahit anong pasalubong na maibibigay kay Artemio bilang kapalit sa dalawang bote ng wine. “Thank you, pero wala akong dalang kahit na ano. Nakakahiya, pero salamat na lang.”Ngunit hinawakan na ni Artemio ang palapulsuhan ni Marcus at pinahawak ang strap ng paper bag na naglalaman ng regalong wine. Hindi na muling humindi si Marcus at kusa ng tinanggap ang bigay nito.Mabuti na lamang at hindi nabanggit ni Artemio kung sa paanong paraan niya nakuha at nabili ang wine. At baka isauli ni Marcus ang bigay niya sa oras na malamang sa isang private auction nabili ang dalawang alak sa halagang hindi bababa sa isang bilyon. “’Wag mo ng isipin ‘yun, Boss, hindi ko naman ‘yan binibigay sa ‘yo ng may kapalit. Saka, bukod sa mura ay napakaraming ganyan do’n sa London, kahit saang store, meron niyan. Pasasalamat ko sa laki ng naitulong mo sa akin.”Dahil kung hindi siya tinulungan ni Marcus ay malamang na nasa kulungan pa rin siya hanggang ngayon. Hinihimas ang malamig na rehas habang iniisip ang pamilyang naiwan. Kung magkataon ay baka nasiraan na siya ng bait sa kakaisip sa asawa at dalawa niyang anak.Hindi na nagkomento si Marcus kahit alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo. Bukod sa napakamahal ay hindi totoong makikita sa kahit saang store sa London ang wine. Dahil minsan na niya itong nakita mula sa koleksiyon ni Timoteo Lopelion, ama ni army general Maximo Lopelion. Hindi niya makakalimutang halos magwala sa sobrang tuwa si Timoteo nang mabili ang naturang wine sa isang auction noon sa Hongkong.Naikuwento nga nito na ang nabiling wine sa auction ang pinakahuling alak na nabenta kaya may hinala si Marcus na sa isang auction din nakuha ni Artemio ang dalawang wine. May muling nagbenta sa mas mataas na halaga.ISANG babae na may mala-diyosang ganda at porselanang balat ang tahimik na nakaupo sa sofa habang ang ama na si Fausto Fajardo at inang si Liliane ay nagtatalo sa kanyang harapan.Labis ang pagtutol ni Liliane na ipakasal ang nag-iisang anak kay Marcus nang malaman na isa lamang itong warden. Ang buong akala niya kasi ay isang mayaman at kilalang tao ang napili ng asawang si Fausto na ipakasal para kay Luna. “Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Pa’nong naipagkasundo mo sa isang mababang-uri si Luna?”“Huminahon ka muna. Hindi ko naman kasi akalaing hindi pala ito totoong anak ni General Lopelion,” ang balik ni Fausto.“Bakit kasi hindi mo muna inalam? Ah, basta! Hindi ako papayag na makasal si Luna sa lalakeng ‘yan. Hindi ang baby ko.”“Anong gusto mong mangyari? Ang mag-back-out sa kasal at ipahiya si General? Pa’no na ang mga plano natin? Saka ikaw na mismo ang nag-suggest na ipakasal ang dalawa no’ng makausap natin si General Lopelion.”Hindi na nagawang sumagot ni Liliane dahil aminado siyang siya mismo ang nag-isip ng ideya na ipakasal ang anak sa isang Lopelion. Sa labis na inis ay hindi na niya napigilan ang maiyak na agad namang dinaluhan ni Luna. "Don’t cry, Mom.”“Sinasadya mo ‘to!” ang sumbat ni Liliane kay Fausto sabay hagulhol sa bisig ni Luna. “My poor baby.”“Listen to me, Liliane. Sa oras na hindi na natin kailangan ang lalakeng 'yun ay ako na mismo ang magpapalayas sa kanya. Kaya sa ngayon ay hayaan mo munang gawin ko ang matagal na nating pinaplano.”Muling nag-iiiyak si Liliane dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa, dahil sila mismong mag-asawa ang nagplano nito.Habang si Luna ay nalulungkot at masama ang loob, dahil ayaw na ayaw niyang nakikitang malungkot ang Ina ng dahil lang sa isang hindi kilalang lalake na kailangan niyang pakasalan.Nasa gano’n silang sitwasiyon nang pumasok ang mayordoma nila. “Nasa labas na ho ang bisita.”Ang bisitang tinutukoy ay walang iba kundi si Marcus. “Okay, papasukin mo,” ang utos ni Fausto rito at pagkatapos ay inutusan si Liliane na ayusin ang sarili at punasan ang mga luha. Hindi magandang makita ng bisita na galing ito sa pag-iyak. Dahil kailangan ni Fausto si army general Maximo Lopelion sa pamamagitan ni Marcus.Si Luna sa kabilang banda ay hindi gusto ang nangyayari. Bakit nila kailangang ayusin ang mga sarili dahil lang sa dumating na ang bisita na animo’y napaka-espesiyal. Eh, hamak na warden lang naman ito sa kulungan ng mga kriminal. Na baka nga ay malupit at masamang tao rin na tulad ng mga binabantayang kriminal.Sa pagbalik ng mayordoma ay kasama na nito si Marcus. Pinagmasdan ito ni Luna. May itsura at masasabing gwapo ito, ngunit hindi sapat ang mukha lamang. Dapat ay perpekto ito na nararapat lang sa mataas niyang standard.“Oh my gosh, ano ba ‘yang suot niya?” ang bulong ni Liliane. Hindi makapaniwalang mukhang pulubi ang lalakeng pakakasalan ng anak.At kahit si Fausto ay natigilan din nang makita si Marcus na naka-black-hoodie jacket at black-cap na madalas i-get-up ng mga kawatan. Sana ay hindi mali ang kanyang pasya na ipakasal si Luna sa lalakeng ito.Agad na lumapit si Fausto kay Marcus na may pekeng ngiti sa labi. “Finally, you’re here. Kanina ka pa namin hinihintay.” Sinadya niyang akbayan si Marcus upang maramdamang ‘welcome’ ito sa pamamahay niya. “Kumusta ang naging biyahe?”“Ayos lang, Sir,” ang tipid na sagot ni Marcus. Hindi niya pa alam kung anong itatawag dito. Bilin pa naman sa kanya ng Ama ay kailangan niyang maging ‘mabait' at ‘magalang’ upang hindi mag-isip ng kakaiba ang mga Fajardo.Napansin ni Fausto ang dalang paper bag ni Marcus. “Ano ‘yang dala mo?” Hinawakan niya ito at tiningnan ang loob. “Para sa amin ba ‘to?”Napansin ni Marcus ang totoong ngiti ni Fausto nang makita ang laman ng paper bag. Naalala niyang mahilig sa wine si Fausto base sa impormasyon na natanggap niya kaya tumango siya. At hinayaang isipin ni Fausto na para sa kanya ang wine kahit hindi naman talaga.“Mayordoma,” ang tawag ni Fausto. “Dalhin mo nga ito sa dining area at ng mainom mamaya.”Tumayo naman si Luna at nagpresintang siya na lamang ang magdadala sa dining area dahil hindi na niya matagalang makita si Marcus at ang pangit nitong kasuotan.Sumama naman si Liliane sa anak at baka kung magtatagal pa siya roon ay hindi niya mapigilan ang sariling makapagsalita ng hindi maganda kay Marcus.Nanatili ang tingin ni Marcus sa mag-inang Fajardo. Ramdam niya ang disgusto ng dalawa sa kanya ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at itinuon ang atensiyon sa sinasabi ni Fausto. Iniyayabang ang mga mamahaling gamit na nabili sa iba’t ibang bansa.Matapos ang pag-uusap nila ni Fausto ay hinatid naman siya ng mayordoma sa magiging kuwarto niya. At pagkasarang-pagkasara ng pinto ay agad nag-lock si Marcus at nilabas ang audio surveillance na ikakalat niya sa buong kabahayan.Habang naglalagay siya ng isa sa kanyang kwarto ay halos magtalo naman ang mag-asawang Fajardo sa dining area. “Hindi ako makapaniwalang ikakasal ang anak ko sa lalakeng ‘yun. Nakikita mo ba ang itsura niya? At ‘yan! ‘yang dala niyang wine. Sigurado akong sa isang cheap na store niya lang ‘yan nabili.” Nilabas ni Liliane ang dalawang bote ng alak sa paper bag. “Mas mabuting gamitin na lamang ito sa lulutuing pagkain ng hindi naman masayang.” Pagkatapos ay inutusan ang cook na gamitin ang dalawang bote ng wine para sa pagkain.Si Fausto naman ay kanina pa nagpipigil ng inis dahil sa mga pinagsasasabi ni Liliane. “Hinaan mo nga ‘yang boses mo at baka marinig ka ni Marcus. Anong gusto mong sabihin ko kay General Lopelion, na hindi na matutuloy ang kasal dahil hindi pasok sa standard mo ang ampon niya? Tandaan mo, anak pa rin siya ni General Lopelion kahit hindi sila magkadugo.""Pa’no sa kasal? Ayokong iharap sa mga amiga at kamag-anak natin ang lalakeng ‘yun sa simbahan. Nakakahiya!”“Ako nang bahala,” ani Fausto upang matigil na ang karereklamo ni Liliane.MAKALIPAS ang isang buwan ay kinasal ngayong araw si Marcus at Luna. Isang civil wedding ceremony ang naganap sa kagustuhang itago sa mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ang pagpapakasal ng dalawa.Simula nang mag-umpisa at matapos ang ceremony ay masama ang loob ni Liliane. Hindi maipinta ang mukha sa labis na pagkadismaya. Ni sa hinuha ay hindi niya kailanman naisip na ikakasal si Luna sa isang mababang-uri ng tao sa kabila ng pangarap niyang makapag-asawa ito ng bilyonaryo. At ang magarbong kasal sa simbahan ay mauuwi lang sa isang civil wedding sa munisipyo. Ang pangarap niyang ipagyabang ang mamahaling wedding dress ni Luna sa mga amiga ay naglaho na parang bula ng dahil kay Marcus.Sa sobrang sama ng loob ay dali-dali siyang umalis nang matapos ang ceremony. Sinundan naman ito ni Fausto upang pakalmahin. Habang naiwan si Luna kasama ni Marcus.“The marriage is over kaya mauuna na ‘ko sa ‘yo.”“Sa’n ka pupunta?” ang tanong ni Marcus.“Work.”“Hindi ba muna natin isi-celebrate ang kasal?” Alam ni Marcus na tulad ni Liliane ay hindi rin nais ni Luna na makasal sa kanya, ngunit hindi niya naman akalaing ganito katindi na matapos ang seremonyas ay basta na lamang siyang iiwan. Bukod pa roon ay wala man lang ibang dumalo sa kasal kundi ang mayordoma ng pamilya.Tumaas ang kilay ni Luna at hindi na nagpigil. “You’re still not satisfied na kinasal ka sa ‘kin at gusto mo pang mag-celebrate? Do you have a money o baka ako pa ang pagbayarin mo?” Tutal naman ay kasal na siya kay Marcus kaya hindi na niya pipigilan ang sarili sa nais sabihin.Nabigla si Marcus sa sinabi nito at hindi na nagawang pigilan si Luna nang tuluyang umalis. Sa isang buwan niyang pananatili sa puder ng pamilya Fajardo ay ramdam niya ang pagkadisgusto ni Luna kahit hindi man nito sabihin. Sa tingin pa lang nito na animo’y may nakakahawa siyang sakit ay alam na niyang hindi magtatagal at lalabas ang totoo nitong pag-uugali. Ngunit hindi niya inaasahang ngayon niya ito mararanasan, pagkatapos ng kasal.Yamot namang nag-drive si Luna papunta sa office. “The nerve na magyayang mag-celebrate? For what, kasi kinasal siya sa ‘kin? Eh, ako ba, happy na sa kanya ako nakasal?” Dahil sa inis ay nawalan siya ng focus sa pagda-drive at muntik nang mabangga ang kotse sa unahan. Mabuti na lang at agad niyang naapakan ang break. Habang nasaisip na si Marcus pa ata ang magdadala sa kanya sa hukay kahit wala itong ginagawa. “Ang malas ko talaga!”“SINABI mo pa!” ang nanunuyang sabi ni inmate-4687 kay inmate-2439 o mas kilala sa alyas na Uno. Isang kilalang kriminal na nakakulong sa ‘Heaven’ at nasa level 5. “Sinong matinong tao ang ibibigay ang mahigit one hundred eighteen billion na villa do’n sa siraulong warden Lopelion? Nakalimutan mo na ba kung anong pinaggagagawa no’n sa ‘tin tapos—”Hindi nagustuhan ni Uno ang sinabi ni inmate-4687 at agad itong pinagsususúntok hanggang sa dumúgo na ang mukha nito. “Ga*o ka?! Walang matinong tao rito!” ang balik ni Uno na patuloy na sumusuntok.Ang ibang inmate naman ay agad na kumilos at inawat si Uno hanggang sa dumating ang mga warden. “Anong nangyayari? Ba’t kayo nagkakagulo?” ang tanong ni warden Torres.“Wala, Warden. Nangati lang ang kamay ko. Matagal na kasing hindi nakakapag-boxing,” ang sagot ni Uno na nakuha pang dumurá sa tabi.Ngunit hindi bumenta ang sinabi ni Uno at ikinulong siya sa solitary confinement. Habang si inmate-4687 ay dinala sa clinic upang agad na magamot.“Anong pinag-awayan no’ng dalawang preso?” ang tanong ni warden Torres sa isa pang kasamahan na warden. Dahil wala siyang ideya sa nangyari kanina sa dalawang inmate.“Isa sa pinakamayamang inmate rito si 2439. May ni-request siya noon kay Sir Lopelion at pagkatapos ay binigay niya ang isa sa mga property, na nagkakahalaga ng 2 billion dollars o mahigit one hundred eighteen billion bilang kapalit.”“Wow! Ibang klase pala rito. Ang swerte naman ng taong ‘yun,” ang reaksiyon ni warden Torres patungkol kay Marcus.“Dapat lang, dahil si Sir Lopelion ang pinakamagaling sa lahat. Walang makakatalo sa kanya,” ang pagyayabang ng Warden kay Torres.SA VILLA ni Uno na pagmamay-ari na ngayon ni Marcus ay magalang siyang sinalubong ng guard na nagbabantay. Agad niya ring napansin na may ibang guest sa villa na marahil ay nagbabakasyon sa lugar. Matapos kasing ibigay ni Uno sa kanya ang villa ay ginawa niya itong resort upang mapakinabangan naman ang lugar. At dahil wala siyang kakayahang pangalagaan ang villa ay pinagkatiwala niya ito kay Artemio na siyang umasikaso sa lahat.Wala sana sa plano ni Marcus ang magpunta rito ngunit matapos ng mga sinabi ni Luna ay naisipan niyang dito na tumuloy. At least dito sa villa ay makakapag-relax pa siya kumpara roon sa mansion ng Fajardo.“Pakisabihan ang cook na magluto ng masarap na pagkain at ipamigay sa mga taong naninirahan malapit sa resort,” ang utos ni Marcus sa staff na namamahala sa villa na ngayon ay resort na.“Pwede pong malaman kung anong occasion, Sir?”“Gusto ko lang mag-celebrate. Kasal ko kanina.”“Congratulation, Sir,” ang masayang bati ng staff.At matapos umalis ng staff ay tinawagan ni Marcus ang Ama. “Kumusta?” ang tanong ni Maximo.“Tapos na ang kasal at magsi-celebrate na ako ngayon.”“Celebrate?” Tila naman naguluhan si Maximo sa sinabi ni Marcus.“Yes, ‘Pa, dahil natapos na ang first step, ang makasal kay Luna Fajardo. But don’t worry, susunod na ang main goal natin. Pinapangako kong mahahanap natin si Mrs. Dahlia Lopelion. At ibabalik ko siya sa inyo.”SA ‘HEAVEN’, habang pabalik na si warden Torres sa kanyang quarters ay narinig niya ang dalawang inmate na nag-uusap sa kanilang selda.Ang pinag-uusapan ng dalawa ay ang naganap na away sa pagitan ni inmate-4687 at Uno. At kung gaano kaawa-awa ang itsura ni 4687.“Kasalanan niya naman!” ang sabi ng isang inmate. “Bakit niya kasi sinabihan ng gano’n si Uno?”“Bakit, ano bang problema? Balita ko, dating sundalo ‘yung si Uno, totoo ba?”“Ay, oo naman! Sobrang daming tao ang natulungan no’n.”Na-curious si warden Torres kaya sumandal siya sa pader upang mas lalong makinig sa usapan ng dalawang preso.“E, ano bang nangyari at nakulong siya rito?” ang tanong ng pangalawang inmate.“A’yun! Biglang nabaliw at pinagpapata*y ang kasamahan niyang sundalo.”“Mga ogag!” May isang inmate ang sumabat sa usapan. “Hindi siya nabaliw. At kung ako ang nasa posisiyon no’ng si Uno? Aba’t papatay*n ko rin ‘yung mga sundalong 'yun!"“Bakit, ano ba talagang nangyari? Bakit niya pinat*y ang mga kaibigan niya
MATAPOS ang dinner sa mansion ng Fajardo ay nag-usap pa nang matagal si Fausto at Leonardo, kasama si Liliane.Si Marcus naman ay umakyat sa taas patungo sa kwarto upang palihim na makinig sa usapan ng tatlo. Inaya naman siya ni Leonardo na sumama sa mga ito at makipagkwentuhan ngunit hindi na lamang siya sumalo nang tingnan siya ng masama ni Liliane.Una niyang madadaanan ang kwarto ni Luna na saktong bumukas ang pinto. Bahagya itong natigilan nang makita siya at pagkatapos ay mabilis na sinara ang pinto at humarang pa sa hamba. “I won’t allow you to enter my room.”“Bakit?”“What? Anong bakit? Do you expect me to invite you inside just because you’re my husband?"“That’s not what I mean. Alam ko namang off-limits ako, kahit pa kasal na tayo. I ask, kasi bakit mo naisip na I will go to your room… if I have my own?” Sabay turo sa guest room na noong umpisa pa lang ay kwarto na niya. “Dadaan lang naman ako.”“Oh, really? Do you expect me to believe that? First night ng kasal natin ngay
NANATILING may ngiti sa labi si Spencer habang nakatingin kay Marcus. Iniisip na kaya wala itong reaksyon ay dahil kinakabahan na ito nang maghamon siya ng laban.Ngunit ang totoo ay hindi lang makuha ni Marcus ang dahilan kung bakit ito naghahamon na makipag-fencing sa isang club, kung saan ay may party at maraming tao na posibleng madamay.Walang duda na may alam si Spencer sa fencing dahil hindi naman ito maghahamon kung hindi nito kayang iyabang ang kakayahan, pero hanggang maaari'y ayaw ng pumatol ni Marcus.“Pasensya na pero ayoko,” ang tipid niyang sagot na ikinalawak ng ngiti ni Spencer sa puntong nagpipigil pa ito ng tawa.Si Luna naman na nalilito at hindi alam ang gagawin ay lumapit kay Spencer. “Spencer, please stop this nonsense. ‘Wag mo namang gawin ‘to,” pakiusap niya.Ang kaninang naaaliw na eskpresyon ni Spencer ay bigla na lang sumeryoso at naging iritado. “Bakit, Luna? Concern ka ba rito sa manliligaw mo? Natatakot ka na magmukhang kawawa once na matalo ko?”“That’s
ABALA si Marcus sa pag-aayos ng isa sa mga surveillance camera at audio na itinago niya sa library room sa mansion nang dumating si Fausto.Agad siyang kumuha ng isang libro at nagkunwaring nagbabasa nang lumapit ito sa kanya.“Narito ka pala,” ang komento nito. “Interesado ka ba sa pagninegosyo?” aniya nang mapansin ang hawak nitong libro.Sinara ni Marcus ang libro at saka tiningnan ang pamagat. “Hindi naman masiyado,” aniya habang nasa surveillance camera ang atensyon dahil hindi pa naitatago nang maayos.Mabuti na lamang at sa kanya nakaharap si Fausto kaya hindi pa ito napapansin.“Sabagay, magaling na businessman ang Lolo mo, kaya nasisiguro kong may interes ka rin sa pagninegosyo.” Tumalikod si Fausto kaya mabilis niyang sinamantala ang pagkakataon na matakpan ang surveillance camera sa pamamagitan ng hawak na libro.At pagkatapos ay sumunod siya sa may study area. Pinindot ni Fausto ang maliit na buzzer sa may table matapos itong umupo sa swivel chair at ilang sandali pa ay kum
Chapter 8 ILANG SEGUNDONG nagkatitigan si Marcus at Scarlette. At ramdam ni Kurt ang namumuong tensyon sa dalawa. Kaya bago pa magkainitan ay humarang na siya sa gitna at pinigilan si Scarlette. “Captain, ba’t ka naman nagtatanong ng ganyan sa kanya?” aniya at saka bumulong, “Pinagmumukha mo naman siyang suspek.” Matalim na tingin ang pinukol ni Scarlette bago ito hinawi para muling harapin si Marcus. “Uulitin ko, nasa’n ka no’ng—” “Nasa bahay ng in-law’s ko, nagdi-dinner.” “Talaga?” Muling pinigilan ni Kurt si Scarlette dahil nakakakuha na sila ng atensyon ng iba. At kahit nga ang mga kasamahan na warden nito ay nagbubulungan na. “Walang dahilan para magsinungaling ako. Kaya kung tapos ka ng magtanong ay mauuna na ‘ko.” Nagpatuloy si Marcus upang samahan na ang kapwa warden na naghihintay. “Sino ‘yun? Girlfriend mo?” tanong ng isang warden na kanina’y nililibak siya. “Hindi, kakilala ko lang,” tipid niyang sagot at saka nauna upang maiwasan ang kung ano-anong mga tanong. Si S
PAUWI na mula sa trabaho si Marcus ng isang tawag mula kay Fausto ang kanyang natanggap.Una niyang narinig ang hiyaw mula sa kabilang linya kasunod ang boses ni Fausto. “Nasa’n ka ngayon?”“Pauwi na, bakit ho?”May kaingayan sa kabilang linya at rinig na rinig ang hikbi ng kung sino mang kasama ni Fausto. “Pumunta ka muna rito sa police station," ang utos nito saka tinapos ang tawag.Hindi man lang nagawang makapagtanong ni Marcus kung anong nangyari at kailangan niyang pumunta sa police station. Magkagano'n man ay mabilis pa rin siyang nagtungo ro'n.Pagkarating sa estasyon ay natigilan siya nang makita si Luna sa loob ng selda. Nakaupo’t umiiyak tulad ni Liliane na humihikbi habang nakatingin sa anak.Agad na lumapit si Fausto sa kanya upang humingi ng tulong o kung may magagawa ba siya upang mailabas agad si Luna. Matapos ay lumapit siya sa asawa upang kausapin ito, “Anong nangyari?” tanong ni Marcus.Hindi sumagot si Luna. Nakatungo lang ito at ayaw man lang siyang tingnan.“Sabih
KAHIT AKAY-AKAY na ng mga pulis ay pilit pa ring nagpupumiglas at nagdadahilan si Spencer. Nariyang nag-iingay siya upang makatawag pansin sa ibang tao dahil kilala siya sa lugar. Mabilis na kakalat ang balita na narito siya sa police station at inaasahang darating agad ang kanyang pamilya upang tulungan siya.Dalawang pulis ang nakahawak sa magkabila niyang braso at may dalawa pang nakabantay sa likod upang hindi niya magawang makatakas.Ipinasok at iniwan siya sa interrogation room upang imbestigahan. “Baka pwedeng tanggalin mo naman ‘to?” aniya sa pulis na nagpaiwan upang magbantay, ngunit hindi siya nito pinansin na ikinainis niya. “Hindi mo ba ‘ko naririnig?!”Walang epekto at nanatiling nakatayo ang pulis hanggang sa pumasok si Scarlette kasama ang isang pang pulis.Tila naman nabuhayan si Spencer ng makita ito. Dahil kaibigan ng kanyang pamilya ang nagpakitang pulis. Sigurado na ang tiyak niyang pag-alis sa lugar.Ngunit agad ring nawala ang tuwa sa kanyang mukha nang hindi man
[FEW MINUTES AGO]NAIINIS at kanina pa mainit ang ulo ni Spencer. Paano ba naman ay tatlong araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya magawang ilabas ng sariling lawyer.At kahit ang mga magulang niya’y hindi na nagpakitang muli simula no’ng huling dalaw ng mga ito. Tila pinabayaan na lang siyang mag-isa dahil sa kahihiyang dulot niya sa pamilya.Nayayamot na siya sa kahihintay sa pangako ng lawyer na mailalabas siya sa kulungan. Puro salita lang ito at kahit nga ang inutos itong ipahuli rin si Marcus ay hindi pa nito nagagawa.“Inutíl!” ang bulong niya nang makitang palapit ang lawyer sa selda na kinalalagyan niya. “Ano na? kailan ba ‘ko makakalabas dito?!”“Masiyadong mabigat—”“Sinasabi mo bang hindi mo ‘ko magagawang ilabas dito? Aba’t, para sa’n pa ang ibinabayad ko sa ‘yo?!” Gigil na gigil siyang nakahawak sa rehas at gusto na itong hablutin sa sobrang galit.“Hoy! Tumahimik ka nga.” Si Scarlette na palapit din sa selda ay agad itong sinaway. “Hindi pa ba nasasabi sa ‘yo ng—”
KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s
PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang
MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na
NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General
DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga
NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa
THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are