Chapter 8
ILANG SEGUNDONG nagkatitigan si Marcus at Scarlette. At ramdam ni Kurt ang namumuong tensyon sa dalawa. Kaya bago pa magkainitan ay humarang na siya sa gitna at pinigilan si Scarlette. “Captain, ba’t ka naman nagtatanong ng ganyan sa kanya?” aniya at saka bumulong, “Pinagmumukha mo naman siyang suspek.”
Matalim na tingin ang pinukol ni Scarlette bago ito hinawi para muling harapin si Marcus. “Uulitin ko, nasa’n ka no’ng—”
“Nasa bahay ng in-law’s ko, nagdi-dinner.”
“Talaga?”
Muling pinigilan ni Kurt si Scarlette dahil nakakakuha na sila ng atensyon ng iba. At kahit nga ang mga kasamahan na warden nito ay nagbubulungan na.
“Walang dahilan para magsinungaling ako. Kaya kung tapos ka ng magtanong ay mauuna na ‘ko.” Nagpatuloy si Marcus upang samahan na ang kapwa warden na naghihintay.
“Sino ‘yun? Girlfriend mo?” tanong ng isang warden na kanina’y nililibak siya.
“Hindi, kakilala ko lang,” tipid niyang sagot at saka nauna upang maiwasan ang kung ano-anong mga tanong.
Si Scarlette naman ay nanatili ang tingin sa papalayong si Marcus. Hindi maalis sa isip na tila may inililihim ito.
“Grabe ka naman, Captain. Ako ‘tong kinakabahan sa ‘yo. Ba’t ka naman nagtatanong ng gano’n do’n kay warden Lopelion? Mapapahamak tayo sa ginagawa mo, e.”
“Nagtanong lang ako. Wala siyang dapat ikatakot kung wala naman siyang ginagawang masama. Pero nakita mo ba ‘yung ekspresyon niya kanina?... parang may kakaiba.”
“Ayan ka na naman sa mga hinala mo, e." Tapos ay napakamot sa likod ng ulo. Muntik na siyang pagpawisan ng malamig sa ginagawa ni Scarlette. Ito talaga ang magdadala ng kapahamakan sa kanila. “Kaya ka napapahamak, e,” ang bulong niya pa.
“Anong sabi mo?”
“Wala, sabi ko, kalimutan mo na siya. May Luna Fajardo na ‘yun,” ang pagbibiro niya pa at saka mabilis na lumayo.
NAG-USAP si Maximo at Marcus sa cellphone upang i-report ang mga nangyayari habang nasa puder ng pamilyang Fajardo. Nasabi rin ni Marcus ang tungkol sa engkwentrong naganap sa pagitan ng miyembro ng grupong X.M. at ang pagpaslang sa mga ito.
“Sinasabi mo bang may sumusunod sa ‘yo at pinatay ang grupo matapos mo itong makalaban?” ani Maximo.
“Sigurado ako, ‘Pa,” ang sagot ni Marcus sa kabilang linya. “Kanina ko lang nalaman nang kausapin ako ni Scarlette Rodriguez. Hindi lang ‘yun… mukhang pinaghihinalaan niya akong suspek.”
“Alibi?”
“Meron, ‘Pa. Walang alam ang mag-asawang Fajardo na umalis ako ng gabing ‘yun, maliban kay Luna. But don’t worry, duda akong magsasalita ito once na kausapin ni Rodriguez.”
“Sa tingin ko’y hindi ito maglalakas ng loob na kausapin ang asawa mo. Hindi ko pa nasasabi sa ‘yo pero ang totoo’y kay Scarlette Rodriguez ka dapat makasal. Nagkasundo kami ni Allan na i-engage kayong dalawa ngunit dahil siya na mismo ang humindi ay hindi na namin pinagpilitan pa.”
Bahagya namang natigilan si Marcus sa nalaman. Hindi niya akalaing muntik na siyang ma-engage rito. “Kaya siguro mainit ang dugo niya sa ‘kin no’ng una naming pag-uusap ay dahil sa engagement.”
“Nasabi nga niya sa ‘kin no’ng tumawag siya na hindi kayo magkasundo. Well, mabuti na rin ‘yun dahil kung nagkataon ay wala ka r’yan. Ayoko namang ang kapatid mo na si Lucas ang ipadala.”
“Hindi pwede si Lucas, wala siyang alam sa trabahong ‘to. Mas mabuting kasama niya si Lolo at mina-manage ang business.”
“Tama ka…” Saglit na nahinto nang may kumatok sa pinto ng office. “Come in,” ang udyok ni Maximo sa taong nasa kabilang dako ng pinto.
Pumasok ang secretary ni Maximo. “General, nasa labas na ho si Corazon Dacapio.”
Sumenyas si Maximo na papasukin na ito. “Marcus, saka na lang kita kakausapin, may bisita ako,” pahayag niya at agad ng tinapos ang tawag. Matapos ay tumayo siya upang salubungin si Corazon. Ang kapatid ng asawa niyang si Dahlia.
Ilang buwan niyang pinag-isipan kung dapat bang sabihin at ipaalam ang natanggap na sulat. Hanggang sa napagpasyahan na nga niyang sabihin kay Corazon ngayon.
Sa muling pagbukas ng pinto ay pumasok ang isang babaeng kahawig ng pinakamamahal niyang asawa. “Corazon.” Ang salubong niya rito. Huli niya itong nakita noong isang taon sa death anniversary ni Dahlia. “Kumusta?”
Isang masiglang ngiti ang iginawad ni Corazon sa kanya. “Mabuti naman. Ba’t mo nga pala ako gustong makausap?”
Huminga nang malalim si Maximo bago kinuha ang sulat upang iabot kay Corazon. “Natanggap ko ‘tong sulat ilang buwan na’ng nakakalipas.”
Binuksan ni Corazon ang sulat at unang salita pa lang ay natigilan na siya. Dahil napakapamilyar sa kanya ng sulat-kamay. Hanggang sa tuluyan na niyang binasa nang binasa. Paulit-ulit.
Nahinto lang siya nang magsimulang manlalabo ang kanyang paningin dahil sa namumuong luha. “K-kanino galing ang sulat?” aniya ng hindi inaalis ang tingin.
“Pamilyar ba sa ‘yo ang sulat-kamay?” ang balik ni Maximo. “Pati na kung pa’no niya ako tawagin sa sulat na ‘yan?”
Agad na pinahiran ni Corazon ang tumulong luha sa mga mata. At matapos ay diretsong tiningnan sa mga mata si Maximo. “S-si ate Dahlia lang ang tumatawag sa ‘yo ng gan’to, ‘di ba? Kaya… pa’nong...” Hirap dahil sa unti-unting pagbigat ng hininga.
“Nang matanggap ko ‘yang sulat ay agad kong pina-test ang abo sa bahay. At nakompirmang hindi nga labi ni Dahlia ang naro’n sa urn. Kung sana’y pina-check ko na noon pa ang abo ay hindi na sana tayo nagsayang ng oras at agad siyang hinanap.”
“I-imposible,” wala sa sariling naisatinig ni Corazon. Naguguluhan ngunit may parte sa utak niyang naniniwala rito. Dahil hindi basta gagawa ng kuwento si Maximo kung hindi ito sigurado. “Kung totoo, nasa’n siya?”
“Hindi pa rin namin siya nahahanap. Natanggap ko ang sulat mula sa sender na nagngangalang Luna Fajardo. Ngunit kahit anong gawin kong pag-iimbestiga ay wala akong makalap na impormasyon na kumukonekta kay Dahlia…"
“Baka may gusto lang na guluhin ka, tayo?”
“Pero walang dudang sulat-kamay ni Dahlia ang nasa liham. Gustuhin ko mang ako na mismo ang magpunta kay Luna Fajardo at personal na tanungin kung nasa’n si Dahlia ay hindi maaari. Lalo pa’t hanggang ngayon ay wala pa rin tayong ideya kung nasaan si tiyo Ramon.”
Biglang dumilim ang ekspresyon ni Corazon nang marinig ang pangalan ng taong siyang dahilan ng kaguluhan na nararanasan ng pamilyang Lopelion. “Sinasabi mo bang maaring hawak ni Ramon ang Ate ko?” Mabigat pa rin ang paghinga at tila gustong sumigaw habang iniisip na maaring tama ang hinala niya.
Hinawakan ni Maximo ang magkabilang balikat ni Corazon. “’Wag muna tayong mag-isip ng masama. Nasisiguro kong ligtas siya,” aniya kahit minsan na ring sumagi sa isip niya ang gano’ng bagay.
“Kung gano’n ay bakit hindi pa rin siya bumabalik sa ‘tin? Ba’t tanging sulat lang ang pinadala niya upang malaman natin na buhay pa siya?”
Tanong na mahirap bigyan ng sagot. “Pinadala ko ro’n si Marcus upang mahanap si Dahlia,” at sa halip ay ito na lang ang nasabi ni Maximo.
“Sa’n mo pinadala si Marcus?”
“Kung nasa’n si Luna Fajardo.”
Hindi makapaniwala si Corazon. “Bakit? Pa’no pala kung delikado ang taong ‘yan?”
“’Wag kang mag-alala. Sinisigurado kong hindi mapapahamak si Marcus habang naro’n. Malinis ang background ni Luna pati na ang mga magulang nito…”
“Ang dapat nating alalahanin ay baka palihim ng nagmamatiyag at kumikilos si tiyo Ramon,” dagdag pa ni Maximo.
Tumango-tango at lubos na nauunawaan ang punto nito. Matapos ay muling tiningnan ni Corazon ang hawak na sulat at muling naging emosyonal.
Mahigit isang dekada ang nagdaan ngunit ni minsan ay hindi matanggap ni Corzon na wala na ang kanyang kapatid. Ang taong nagpalaki at bumuhay sa kanya nang parehong pumanaw ang mga magulang. Ang kapatid na siyang matalik niyang kaibigan at tumayong magulang, ay buhay! Hindi siya iniwan ni Dahlia.
“Kailangan nating magtulungan upang agad siyang mahanap. Sabihin mo sa ‘kin kung anong dapat kong gawin para makatulong?”
“Wala kang dapat gawin, kami na’ng bahala ni Marcus,” pagsisiguro ni Maximo. Ayaw na niyang idamay pa si Corazon sa misyon. Sapat ng alam nito ang totoo, na buhay si Dahlia.
PAPIKIT-PIKIT at kanina pa humihikab si Kurt sa may passenger-seat. Paiba-iba na rin ang puwesto sa kinauupuan.
Kaya si Scarlette na katabi si Kurt mula sa driver-seat ay naiirita na sa ginagawa nito. “Tumigil ka nga sa ginagawa mo, baka may makapansin pa satin dito.”
Umayos naman ng upo si Kurt sa kabila ng muling paghikab. “Sorry, Captain.” At pinilit ang sariling dumilat ng maayos na may kasama pang pasampal-sampal sa pisngi.
Matalim ang tingin na napabuntong-hininga si Scarlette at saka binalik ang atensyon sa kung saan siya kanina pa nakamasid…
Sa isang lumang warehouse kung saan nagtatago ang target nilang grupo.
Ilang araw silang nangalap ng impormasyon tungkol sa grupo at dito sila dinala ng informant na nakausap nila kapalit ng nais nitong halaga.
Ayon pa sa informant ay may illegal na pasugalan sa loob ng warehouse at ang pakay na grupo nila Scarlette ang nagpapatakbo nito.
Hindi lang druga kung hindi illegal na pasugalan pa ang ginagawang krimen ng grupo. Patong-patong na parusa ang matatanggap ng mga ito sa oras na mahuli nila.
Hindi niya tuloy mapigilang matuwang isipin na may panibagong grupo siyang huhulihin upang ikulong.
At ang una niyang target bago hulihin ang pinakahuling miyembro ay ang—
“Sigurado bang nand’yan sa loob ang sinasabing leader? Baka niloloko lang tayo ng informant, a,” ang komento ni Kurt.
“Kaya nga nagmamatyag tayo rito para malaman natin kung nasa loob ba ang sadya natin o wala. Kailangan nating mahuli muna ang leader para wala ng kawala ang iba pa.”
Ang leader ang nais na hulihin ni Scarlette dahil siguradong tapos ang illegal na ginagawa ng grupo sa oras na ito ang madakip nila. Hindi basta magsasalita ang isang pipitsuging miyembro dahil buhay rin nila ang kapalit.
“Kailangan ko ng kape,” ang bulong ni Kurt.
"Kunting tiis na lang, malapit na nating mahuli ang leader,” aniya pa. Dahil sa oras na lumabas ito sa warehouse ay aaksyon na si Scarlette at wala na itong kawala. “Umidlip ka muna at ako na ang bahala.”
Thirty-eight hours na kasi silang nakabantay sa lugar kaya hindi niya masisisi si Kurt na kanina pa inaantok. Paubos na rin ang binili nilang pagkain kaya hindi niya alam kung kailan tatagal na mulat ito. Ayos lang naman siya dahil nakapagpahinga siya bago magpunta rito sa lugar ngunit si Kurt ay ilang araw ng walang ayos na tulog dahil ito ang laging lumalabas kapag may kailangang lakarin.
“Hindi ko na talaga kaya, Captain. Gisingin mo na lang ako kung lumabas na ‘yung leader.” In-adjust ni Kurt ang kinauupuan kaya bumaba ang sinasandalan nito kaya nagmistulang higaan. Matapos ay tumalikod sa direksyon niya upang matulog.
Makalipas ng halos kalahating oras ay may lumabas sa warehouse. Hindi nga lang niya matukoy kung sino dahil gabi na at madilim ngunit sa tingin niya ay isa itong lalake, base na rin sa pigura nito.
Tila nabunutan ng tinik sa dibdíb si Scarlette nang sa wakas ay may lumabas na ng warehouse. Puro lang kasi mga pumapasok na tao ang nakikita nila ngunit wala pang isa ang lumabas, maliban ngayon.
Inaninag ng mabuti ni Scarlette kung sino ang lalake. Kung ito ba o hindi ang leader na hinihintay nila.
Kinuha niya ang cellphone saka muling tiningnan ang picture ng leader na sinasabi ng informant. Matapos ay binalik ang tingin sa lalakeng naglalakad na patungo sa nakaparadang sasakyan hindi kalayuan sa warehouse.
Nagpalinga-linga ito sa paligid bago pumasok sa sasakyan. Lumingon din ito sa banda nila kaya naging klaro sa paningin ni Scarlette ang itsura ng lalake.
“Huli ka ngayon,” ang bulong niya at saka mas lalong hindi nilubayan ng tingin ang lalake.
Pagkaalis ng kotse sa lugar ay agad na sinundan ito ni Scarlette. Sa daan ay ginising niya si Kurt upang ipaalam na sinusundan na nila ang leader.
Ilang minuto lang din ang naging biyahe nang huminto ang sasakyan nito sa isang mamahaling restaurant. “Wow, ang lakas ng loob magpunta sa ganitong lugar, e, illegal naman ang negosyo,” ang komento ni Kurt.
“Tara, pumasok tayo sa loob. Tingnan natin kung sinong ka-meet niya.” Pagkatapos ay agad ng lumabas sa sasakyan bago pa mawala sa paningin ang leader.
Sa entrance ay nilapitan sila ng staff upang tanungin kung may reservation ba sila o wala. Matapos ay iginiya sa bakanteng table na medyo malapit sa puwesto ng leader at ang ka-meet nitong babae.
“Mukhang girlfriend niya pa ata ang kasama,” muling komento ni Kurt.
Panaka-naka ang tingin ni Scarlette upang hindi makahalata ang leader ng grupo.
"Ang ganda pa naman ng girlfriend niya. Kawawa naman,” muling komento ni Kurt habang tumitingin sa menu.
“Um-order ka na lang d’yan at baka mahalata pa tayo.”
“Yes, Captain.”
Nang makapili na ay tinawag nila ang waiter at matapos sabihin ang order ay nagtanong si Kurt, “Pwedeng magtanong? Kilala mo ba ‘yung magandang babaeng ‘yun—” sabay turo sa puwesto kung saan ang table ng leader at kasama nitong babae.
“Kurt!” ang mahinang saway ni Scarlette. Hindi sila pwedeng magpahalata at baka makawala pa ito.
“Type ko kasi siya,” ang dagdag pa ni Kurt na hindi pinansin ang saway ni Scarlette.
“Ah, si miss Luna po?”
“Luna ang pangalan niya? Wow, pati pangalan maganda.”
Naiirita na si Scarlette sa ginagawa ni Kurt kaya sinisipa-sipa na niya ang paa nito sa ilalim ng table.
“Anak po siya ni Fausto Fajardo, ang may ari ng F.A. company.”
“Fajardo? Luna Fajardo?!” At saka napatingin kay Kurt na nabigla ring tulad niya.
PAUWI na mula sa trabaho si Marcus ng isang tawag mula kay Fausto ang kanyang natanggap.Una niyang narinig ang hiyaw mula sa kabilang linya kasunod ang boses ni Fausto. “Nasa’n ka ngayon?”“Pauwi na, bakit ho?”May kaingayan sa kabilang linya at rinig na rinig ang hikbi ng kung sino mang kasama ni Fausto. “Pumunta ka muna rito sa police station," ang utos nito saka tinapos ang tawag.Hindi man lang nagawang makapagtanong ni Marcus kung anong nangyari at kailangan niyang pumunta sa police station. Magkagano'n man ay mabilis pa rin siyang nagtungo ro'n.Pagkarating sa estasyon ay natigilan siya nang makita si Luna sa loob ng selda. Nakaupo’t umiiyak tulad ni Liliane na humihikbi habang nakatingin sa anak.Agad na lumapit si Fausto sa kanya upang humingi ng tulong o kung may magagawa ba siya upang mailabas agad si Luna. Matapos ay lumapit siya sa asawa upang kausapin ito, “Anong nangyari?” tanong ni Marcus.Hindi sumagot si Luna. Nakatungo lang ito at ayaw man lang siyang tingnan.“Sabih
KAHIT AKAY-AKAY na ng mga pulis ay pilit pa ring nagpupumiglas at nagdadahilan si Spencer. Nariyang nag-iingay siya upang makatawag pansin sa ibang tao dahil kilala siya sa lugar. Mabilis na kakalat ang balita na narito siya sa police station at inaasahang darating agad ang kanyang pamilya upang tulungan siya.Dalawang pulis ang nakahawak sa magkabila niyang braso at may dalawa pang nakabantay sa likod upang hindi niya magawang makatakas.Ipinasok at iniwan siya sa interrogation room upang imbestigahan. “Baka pwedeng tanggalin mo naman ‘to?” aniya sa pulis na nagpaiwan upang magbantay, ngunit hindi siya nito pinansin na ikinainis niya. “Hindi mo ba ‘ko naririnig?!”Walang epekto at nanatiling nakatayo ang pulis hanggang sa pumasok si Scarlette kasama ang isang pang pulis.Tila naman nabuhayan si Spencer ng makita ito. Dahil kaibigan ng kanyang pamilya ang nagpakitang pulis. Sigurado na ang tiyak niyang pag-alis sa lugar.Ngunit agad ring nawala ang tuwa sa kanyang mukha nang hindi man
[FEW MINUTES AGO]NAIINIS at kanina pa mainit ang ulo ni Spencer. Paano ba naman ay tatlong araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya magawang ilabas ng sariling lawyer.At kahit ang mga magulang niya’y hindi na nagpakitang muli simula no’ng huling dalaw ng mga ito. Tila pinabayaan na lang siyang mag-isa dahil sa kahihiyang dulot niya sa pamilya.Nayayamot na siya sa kahihintay sa pangako ng lawyer na mailalabas siya sa kulungan. Puro salita lang ito at kahit nga ang inutos itong ipahuli rin si Marcus ay hindi pa nito nagagawa.“Inutíl!” ang bulong niya nang makitang palapit ang lawyer sa selda na kinalalagyan niya. “Ano na? kailan ba ‘ko makakalabas dito?!”“Masiyadong mabigat—”“Sinasabi mo bang hindi mo ‘ko magagawang ilabas dito? Aba’t, para sa’n pa ang ibinabayad ko sa ‘yo?!” Gigil na gigil siyang nakahawak sa rehas at gusto na itong hablutin sa sobrang galit.“Hoy! Tumahimik ka nga.” Si Scarlette na palapit din sa selda ay agad itong sinaway. “Hindi pa ba nasasabi sa ‘yo ng—”
Chapter 12 MATAPOS makita ang itsura ni Spencer sa picture ay nasisiguro ni Marcus na kilala niya ang pumatáy. “Kilala mo? Sino?” agad nagka-interes si Scarlette. Lumingon naman si Marcus kay Kurt na nasa may hamba ng pinto. Kaya sumunod rin ang tingin ni Scarlette. “Kurt?” “Isara mo’ng pinto,” ang utos ni Marcus. “Hindi pwedeng may makarinig na ibang tao sa sasabihin ko.” Agad kumilos si Kurt at sinara ang pinto. Matapos ay saka sila naupong lahat sa sofa na katapat ang table ng Police Captain. Napaisip si Scarlette kung tatanungin niya bang muli si Marcus tungkol sa killer. Hangga’t maaari kasi’y ayaw niya itong isali sa kaso. Pero aminado siyang malaking tulong ang maibibigay ni Marcus sa oras na sabihin nito kung sino ang suspek. “Chief, ayos lang ba na isali siya sa kaso?” ang pagpapaalam ni Scarlette. Tumango ang Police Captain. “Naipakita ko na sa kanya ang ilang information regarding sa kaso, kaya hindi mo na kailangang magpaalam pa.” Binalik ni Scarlette ang tingin k
ILANG TAON siyang walang narinig na balita tungkol kay Matthew matapos itong magpunta sa ibang bansa. Sa pagkakaalam niya’y hindi na ito babalik at doon na mamumuhay.“Maupo ka muna, Luna,” ang utos ni Fausto.Saglit na tumingin si Luna sa suot na relo. May ilang minuto pa naman bago matapos ang lunch-break kaya naupo na siya sa sofa, kaharap si Matthew.“Tapos mo na ba’ng interview-hin ang mga aplikante?”“Yes, Dad.”“Ilan ang posibleng matanggap?”“Four or three, depende dahil may final interview pa with the panel.”Tumango-tango si Fausto saka sumulyap kay Matth
SABAY silang nagtungo ni Luna sa living area matapos sabihin ng Mayordoma na dumating ang kanyang Lolo’t kapatid.Nakaupo sa sofa ang mga ito nang lapitan niya. Naroon na rin ang mag-asawang Fajardo na pawang tahimik sa isang tabi na bagaman nakangiti’y mapapansin ang kaba sa mga mukha.Lumapit si Marcus upang magmano sa matandang Lopelion at saka tinapik si Lucas sa balikat bilang pagbati. Binati niya rin ang kasamang bodyguard ng dalawa.Hindi siya nasabihan ng Ama na darating pala ang mga ito. O, marahil ay wala talaga itong ideya sa pagpunta ang dalawa sa mansion ng Fajardo.Si Luna na nakasunod ay napiling tumabi sa magulang. “Do’n ka tumabi kay Marcus,” ang pabulong na utos ni Liliane.Kahit kabado dahil sa mga bisita ay pinili pa rin ni Luna na sundin ang utos ng Ina. Matapos niyang lumipat at maupo sa tabi ni Marcus ay nagsalubong ang tingin nila ng matandang Lopelion. Wala mang reaksyon na mababasa sa mukha ng matanda ay ramdam ni Luna ang intense ng titig nito. Tila pinag-aar
PAGPASOK ni Liliane sa dining area ay naabutan niya ang asawa at si Matthew na nag-aalmusal. Lumapit siya kay Fausto saka tumabi. “Si Luna?” ang tanong niya pa matapos maupo.“Hindi pa bumababa,” ang sagot ni Fausto.Napatingin naman siya kay Matthew nang ngumisi ito. “Baka napagod,” ang komento pa nito.Kunot-noong binalewala ni Liliane ang sinabi nito at saka napatingin sa asawa. Iniisip na kausapin ito mamaya tungkol kay Matthew.Halos mag-iisang linggo na ito sa puder nila at wala ng ibang ginawa kundi ang maglakwatsa. Tapos ay uuwi pang lasing.Ang napag-usapan nila ay magtatrabaho ito sa kompanya at pagkatapos ay titira sa apartment. Pero hindi natuloy dahil hindi pumayag si Luna na basta na lamang itong ipasok sa kompanya ng hindi dumadaan sa tamang proseso.Magkagano’n man ay dapat gumawa ito ng paraan upang makapagtrabaho o hindi kaya ay mag-apply sa ibang kompanya. Hindi iyong tatambay na lang at walang gagawin.Pagkatapos niyang kumain ay nagpasiya siyang puntahan si Luna. S
[PAST]SA EDAD na labing-walo ay pumasok sa military camp si Timoteo upang tuparin ang pangarap na mag-serbisyo sa bansa.Tutol man ang mga magulang dahil siya ang panganay at inaasahang hahawak sa kompanya ng pamilya balang araw, ay hindi siya nagpapigil.At inihabilin sa nakababatang kapatid na si Ramon ang pagtulong sa magulang na palaguin pang lalo ang kompanya.Sa unang taon niya sa kampo ay hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa pagkumbinsi sa kanya na lumabas ng kampo at tumulong sa pamamahala ng kompanya.Ngunit ang pagiging sundalo talaga ang gusto niya noon pa man. Ito ang nakatadhana sa kanya at wala ng magbabago pa.At dahil sa paulit-ulit na pangungulit ng kanyang Ama’t Ina ay tatlong taon niya ring hindi hinarap ang mga ito kapag nagtutungo sa kampo upang siya’y makausap.Hanggang sa isang araw ay ang Mayordoma na nila mismo ang nagtungo sa kampo dala ang isang masamang balita.Naaksidente ang kanyang Ama’t kapatid at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.At dahil sa labi
KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s
PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang
MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na
NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General
DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga
NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa
THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are