[PAST]SA EDAD na labing-walo ay pumasok sa military camp si Timoteo upang tuparin ang pangarap na mag-serbisyo sa bansa.Tutol man ang mga magulang dahil siya ang panganay at inaasahang hahawak sa kompanya ng pamilya balang araw, ay hindi siya nagpapigil.At inihabilin sa nakababatang kapatid na si Ramon ang pagtulong sa magulang na palaguin pang lalo ang kompanya.Sa unang taon niya sa kampo ay hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa pagkumbinsi sa kanya na lumabas ng kampo at tumulong sa pamamahala ng kompanya.Ngunit ang pagiging sundalo talaga ang gusto niya noon pa man. Ito ang nakatadhana sa kanya at wala ng magbabago pa.At dahil sa paulit-ulit na pangungulit ng kanyang Ama’t Ina ay tatlong taon niya ring hindi hinarap ang mga ito kapag nagtutungo sa kampo upang siya’y makausap.Hanggang sa isang araw ay ang Mayordoma na nila mismo ang nagtungo sa kampo dala ang isang masamang balita.Naaksidente ang kanyang Ama’t kapatid at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.At dahil sa labi
[PAST]BIGLANG DUMATING si Ramon at hinihingi ang parte ng mana na dapat ay sa kanya.Ngunit hindi iyon agad naibigay ni Timoteo dahil ilang taon itong nawala. At wala siyang ideya kung ano na ang naging buhay nito sa mga panahong ‘yun. Hindi naman niya maaring basta na lang ibigay ang ilang parte ng ari-ariang iniwan ng Ama dahil pinagpaguran niya itong palaguin.Bukod ro’n ay may sama pa rin siya ng loob kay Ramon. Sa ginawa nito kay Milagros.Hindi niya pinagbigyan ang kapatid sa nais nito at sa halip ay nagbigay muna ng pera.Ngunit iba ang naging dating nito kay Ramon. Pinaratangan siyang nagdadamot at sakim, ngunit kinuha pa rin ang perang binigay niya sabay bitiw ng salitang babalik muli para
[PAST]HABANG HINAHABOL sa labas ng warehhouse ang mga kalaban ay narinig ni Maximo ang iyak ni Lucas malapit sa mga nakaparadang sasakyan. Kaya agad silang napasugod ni Timoteo at nakitang umiiyak itong mag-isa, wala na si Dahlia. Ang mga pulis na naiwan sa labas para magbantay ay nakahandusay na sa sahig, walang-malay.“H-hindi, hindi ‘to maaari! Kinuha nilang muli si Dahlia!” ani Maximo. At walang ano-ano’y sumakay sa kotse upang sundan ang kampo ni Ramon upang mailigtas ang asawa.Halos paliparin na niya ang kotseng sinasakyan maabutan lang ang kalaban. Hindi naman siya nahirapang mahanap ang kotseng gamit ng mga ito at dali-daling bumuntot sa likod.Ang plano niya ay harangin ang mga ito sa unahan. Ngunit hindi pa man siya nakakadikit nang biglang magpaputok ang mga ito at pilit pinapatamaan ang gulong ng kotseng kanyang minamaneho.Nagpakawala ang mga ito ng ilang putok ng baril hanggang kusa ring tumigil. Naisip ni Maximo na maaaring naubusan na ng bala ang mga ito.Kaya muli ni
DINO-DOUBLE check ni Luna kung kompleto na ba ang gamit niya sa loob ng bag bago ibigay sa katulong. Paalis sila ngayon para dumalo sa birthday celebration ng kanyang lola Karidad.Kung matatawag niya nga bang Lola ito, gayong hindi naman siya totoong Fajardo. At dahil kaarawan ng matanda ay muli na naman niyang makikita ang mga hilaw na pinsan, dahil awtomatik na reunion din ng buong pamilya ang magaganap sa selebrasyon.Walang problema sa kanya ang mag-reunion, ang hinihiling lang niya ngayong taon ay sana’y magbago na ang mga ito at hindi na siya pagkatuwaan na taon-taon na lang niyang nararanasan.“Excuse, Ma’am Luna,” ang tawag ng katulong. “Ito po ba ang damit na dadalhin niyo?” Sabay pakita ng dress na personal niyang pinili para sa birthday celebration. Ang dress na napili niya’y Dusty blue overskirt with a long sleeve lace dress.“Yes, pakilagay na lang sa kotse.” Sinara niya ang bag at muling tiningnan ang katulong na palabas ng kwarto habang maingat na dala-dala ang dress.
BIGLANG dumating ang Head Warden bago pa man masabi ni Marcus ang dahilan kung bakit si Hipolito Bautista ang pumatay sa grupong X.M..Hinarap muna ito ni Scarlette at Olga bilang pagbibigay galang. “Magandang araw, Sir,” ang bati ni Olga.“Sa inyo rin. Anong ginagawa niyo rito sa hallway?” Matapos ay tiningnan si Marcus. “Ba’t hindi mo sila dalhin sa office?”“Hindi na ho kailangan, Sir. Hindi na rin kami magtatagal,” ang tanggi ni Scarlette. Ayaw ng makaabala pa.“I insist. Mga bisita kayo kaya nararapat lang na sa office na kayo mag-usap. Marcus, samahan mo na sila sa opisina ko,” utos pa nito saka umalis.“Tara,” ani Marcus na nauna ng maglakad
NANLAKI ang mga mata ni Luna nang makita ang lalakeng bumaba sa helicopter, na ngayong kasabay na ni Joshua pabalik sa venue.Titig na titig siya sa lalake habang palapit ang mga ito. Iniisip kung hindi ba siya namamalik-mata?Paanong ang lalakeng kasama ng may-ari ng hotel ay walang iba kundi ang asawa niya?!Ang suot na tuxedo at ayos ng buhok ay ibang-iba sa Marcus na nakilala niya. Ni minsan ay hindi niya ito nakita na nagsuot ng mamahaling damit. At kahit ayaw niyang aminin ay bumagay kay Marcus ang itsura nito ngayon.Tila ibang tao ang nakikita niya at hindi ang asawa niyang si Marcus.Tuloy-tuloy ang lakad ng dalawa patungo sa stage upang harapin ang birthday celebrant, si Karidad.
PAGKASARA ng pinto ay hindi na gumalaw sa kinatatayuan si Luna. Nablangkong tuluyan ang isip at hindi malaman ang sunod na gagawin.Hanggang sa nilingon siya ni Marcus na nauna sa kanyang pumasok. “Okay ka lang?”Agad naman siyang tumango saka tuluyang gumalaw upang itago ang kabang nararamdaman at saka pinagmasdan ang kabuuan ng suite.Malawak, na doble o triple ata kaysa sa sariling kwarto ang laki ng suite na binigay sa kanya. Ang high-class ng dating at maaliwalas sa paningin ang ayos ng gamit pati ang decoration. Napatingala pa nga siya sa chandelier na agaw pansin sa lahat.Matapos ay napatingin kay Marcus nang mapansin itong tumuro sa bandang kaliwa kung nasa’n ang glass-partition. “Nando’n ang kama at banda ro’n—” At muling tumuro sa bandang kanan naman kung nasa’n ang isa pang glass-partition. “—ang banyo.”Hindi na iyon kailangang sabihin ni Marcus dahil kitang-kita naman ni Luna dahil sa transparent ang partition-glass nito.Napakagat-labi si Luna nang pagmasdan ang bath-tub
IKAHULING ARAW na ng pamilyang Fajardo sa Monteclaro Hotel. At matapos mag-agahan ay naghanda na ang lahat sa pag-alis.Samantalang hindi naman makakasama si Marcus sa kadahilanang kailangan niyang umuwi upang personal na makausap ang Ama tungkol kay Hipolito Bautista.Kahit na nagkausap na sila kanina sa telepono at nasabi na nga ni Maximo na patay na ito.“Hindi ka makakasama?” ani Liliane.Magpapaalam siya sa mag-asawa na uuwi muna pansamantla sa kanila."Uuwi ka ba sa inyo?” kuryusong tanong ni Fausto.“Opo, tumawag si Papa at gusto niya ‘kong bumalik saglit.”Nagkatinginan ang mag-asawa sa isa’t isa at saka nangiti. “Ikamusta mo kami kay General at sa Lolo mo,” ani Fausto.Tumango si Marcus matapos na sumagi sa isip ang ginawa ng Ama. Nagpahiram ito ng malaking pera para sa kompanya ni Fausto.Sa laki ng halagang nilabas ng Ama ay napapaisip si Marcus kung maibabalik pa ba sa kanila ang hiniram na pera?Mahanap lang talaga niya si Dahlia ay sisiguruhin niyang maibabalik ang pera
KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s
PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang
MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na
NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General
DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga
NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa
THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are