Share

Kabanata Veintidós

Author: Zxoul49
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
PAGKASARA ng pinto ay hindi na gumalaw sa kinatatayuan si Luna. Nablangkong tuluyan ang isip at hindi malaman ang sunod na gagawin.

Hanggang sa nilingon siya ni Marcus na nauna sa kanyang pumasok. “Okay ka lang?”

Agad naman siyang tumango saka tuluyang gumalaw upang itago ang kabang nararamdaman at saka pinagmasdan ang kabuuan ng suite.

Malawak, na doble o triple ata kaysa sa sariling kwarto ang laki ng suite na binigay sa kanya. Ang high-class ng dating at maaliwalas sa paningin ang ayos ng gamit pati ang decoration. Napatingala pa nga siya sa chandelier na agaw pansin sa lahat.

Matapos ay napatingin kay Marcus nang mapansin itong tumuro sa bandang kaliwa kung nasa’n ang glass-partition. “Nando’n ang kama at banda ro’n—” At muling tumuro sa bandang kanan naman kung nasa’n ang isa pang glass-partition. “—ang banyo.”

Hindi na iyon kailangang sabihin ni Marcus dahil kitang-kita naman ni Luna dahil sa transparent ang partition-glass nito.

Napakagat-labi si Luna nang pagmasdan ang bath-tub
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Veintitrés

    IKAHULING ARAW na ng pamilyang Fajardo sa Monteclaro Hotel. At matapos mag-agahan ay naghanda na ang lahat sa pag-alis.Samantalang hindi naman makakasama si Marcus sa kadahilanang kailangan niyang umuwi upang personal na makausap ang Ama tungkol kay Hipolito Bautista.Kahit na nagkausap na sila kanina sa telepono at nasabi na nga ni Maximo na patay na ito.“Hindi ka makakasama?” ani Liliane.Magpapaalam siya sa mag-asawa na uuwi muna pansamantla sa kanila."Uuwi ka ba sa inyo?” kuryusong tanong ni Fausto.“Opo, tumawag si Papa at gusto niya ‘kong bumalik saglit.”Nagkatinginan ang mag-asawa sa isa’t isa at saka nangiti. “Ikamusta mo kami kay General at sa Lolo mo,” ani Fausto.Tumango si Marcus matapos na sumagi sa isip ang ginawa ng Ama. Nagpahiram ito ng malaking pera para sa kompanya ni Fausto.Sa laki ng halagang nilabas ng Ama ay napapaisip si Marcus kung maibabalik pa ba sa kanila ang hiniram na pera?Mahanap lang talaga niya si Dahlia ay sisiguruhin niyang maibabalik ang pera

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Veinticuatro

    SA UMAGANG ‘yun ay paalis si Scarlette at Olga upang magtungo sa lugar kung saan kasalukuyan ‘daw’ nakatira si Hipolito Bautista. Kamakailan kasi’y nakausap nila ang malayong kamag-anak nito at nasabi nga kung saan naninirahan si Hipolito. “Hindi ba muna natin sasabihan si Kurt, Captain?” ani Olga. Nasa hagdanan sila’t pababa na ng building. “Imi-message na lang natin. Kababalik niya lang kaninang madaling araw, kaya ‘wag na nating istorbohin.” Tumango si Olga saka nagpadala ng mensahe kay Kurt. Matapos ay saka sila umalis sa lugar sakay ng kotse. Ilang oras ang nilakbay nila nang sa wakas ay nakarating na rin sa destinasiyon. “Ito na ba’ng address?” tanong ni Scarlette matapos bumaba sa sasakyan. “Ito na nga, Captain.” Pagkumpirma ni Olga na lumabas din matapos iparada ang sasakyan sa tabi ng bakanteng lote. Narito sila ngayon sa isang maliit na baranggay sa dulong bahagi ng siyudad. Kapansin-pansin ang isang babae na nagwawalis sa bakuran ng bahay. “Magandang araw ho!” ang taw

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Veinticinco

    LIMANG MINUTO. Limang minuto na silang nakamasid sa abandonadong building ng walang ginagawa. Matapos maibigay ni General Rodriguez ang lokasiyon kung saan naroro’n si Scarlette at Olga ay agad nilang pinuntahan ang lugar... para lang tumunganga sa labas?! Panay ang sulyap ni Kurt kay Marcus na nakatitig lang sa building. Nag-uumpisa na siyang mainip. "Wala ba tayong gagawin? Tumatakbo ang oras.” Narito sila sa isang abandonadong bahay na nasa tapat ng building, nagtatago at nagmamasid. “Hindi tayo pwedeng sumugod ng basta-basta. Siguradong pauulanan tayo ng bala sa oras na makita tayo.” “Alam ko ‘yun, pero kasi….” Sumuko si Kurt. Walang maidahilan dahil tama si Marcus. “Kanina pa walang nagbabantay sa labas ng building,” ang sambit ni Marcus. Maaaring nakatago at inaabangan na ang pagdating ng inaasahan ng mga ito, si General Allan. “Pansin ko rin, sa tingin mo’y makakalapit tayo?” ani Kurt. Dahil walang kahit na anong makikitang drums o kahit ano man lang na maaaring mapagtagu

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Veintiséis

    NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Olga sa dalawa. Naguguluhan kung anong nangyari sa mga ito. “Captain!” Lumapit si Kurt para ilayo ito kay Marcus sa takot na baka ulitin nito ang ginawa. Dahan-dahan namang tumingin si Marcus kay Scarlette. Walang mababakasang ekspresiyon kaya hindi matukoy ni Olga kung galit ba ito o hindi. Pero umiling lang si Marcus saka sila iniwan na litong-lito pa rin. “Ano ba talaga ang nangyari sa inyo, Captain?” tanong ni Olga habang nakasunod ang tingin kay Marcus na nakalayo na. “May ginawa bang masama si Warden Lopelion sa ‘yo?” si Kurt, saka tiningnan ang braso't balikat nito. “Wala—!" Muntik nang mabuwal si Scarlette sa biglaang kilos. Mabuti na lamang at agad na umalalay si Kurt. Saktong napatingin si Olga sa hita ni Scarlette. “Nagdudugo ka, Captain!” Agad siyang lumapit dito at sinuri ang sugat. Umurong si Scarlette at mangiwi-ngiwing kinagat ang ibabang labi. “Tinamaan ako ng bala kanina. Pero mukha namang mababaw lang—!” Walang ano-ano’y binuha

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Veintiseiti

    SAKAY NG HELICOPTER ay nilisan ni Marcus ang lugar. Tapos na ang kanyang misyong iligtas si Scarlette at Olga kaya babalik na siya.At habang nasa himpapawid ay mag-isa niyang nilinis ang sugat sa braso. Hindi gano’n ka lalim ang daplis ng bala kaya sigurado siyang makakaya niya ang kirot hanggang sa trabaho.“Sir, ayos lang kayo? Gusto niyo bang tumawag ako ng medic pagbaba natin?” tanong ng piloto.“Hindi na kailangan.” Sabay punas sa pinagpapawisang noo.Hindi na rin nagkomento ang piloto sa pagtanggi niya’t nag-focus na sa pagmamaneho.Mabilis silang nakabalik at agad rin siyang umalis matapos makapagpasalamat sa piloto.Sumakay siya sa kotse at mabagal na pinatakbo ito. Dahil na

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Veintiocho

    MABILIS ANG LAKAD na sumunod si Luna sa staff’s personnel na tumulong sa kanyang maihatid si Marcus sa emergency room.May lumapit agad na doctor upang tingnan si Marcus. “Sinong guardian—”“Ako po! I'm the w-wife.” At lumapit si Luna.“Sa'n niya nakuha ‘tong sugat?”“I-I don’t know. Umuwi siya ng bahay na may sugat na.”“Halatang na-infection ‘to dahilan kung bakit ganto kataas ang lagnat niya. Dumaan ka na ba sa counter?”Umiling si Luna.“Ibigay mo muna ang information mo sa staff na naka-assign.” Tapos ay muling tiningnan si Marcus. “And I think, tama ‘to ng baril. May mga galos din siya at kaunting bugbog sa ibang parte ng katawan. We need to call a police and report this.”“No need—” agap ni Luna. “He's a warden. B-baka nakuha niya ang sugat sa trabaho.”Tumango ang doctor at hindi na nagtanong pa.Kinapa ni Luna ang bulsa at naalalang naiwan niya ang cellphone sa kotse. Kailangan niya ‘tong balikan para matawagan ang magulang.Hindi na pwedeng ilihim ang sitwasyon ngayon ni Mar

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Veintinueve

    KALAHATING TAON na ang nakakalipas, nang makilala ni Luna ang Ginang na lumapit sa kanya habang nasa business trip siya no'n sa Singapore.Sa may mall kung saan siya namimili ng bagong bag sa isang well-known brand store. Ina-assist siya that time ng sales lady nang may isang babaeng lumapit at nagtanong sa sales lady’ng kausap niya.Sa damit pa lang at suot na alahas ay alam na ni Luna na mayaman ang babae o tamang sabihin na Ginang.Ramdam niyang hindi nalalayo ang edad nito sa kanyang Ina.Saglit na umalis ang sales lady upang magtawag ng ibang staff na siyang mag-a-assist sa Ginang.At habang naghihintay ay inabala ni Luna ang sarili sa pagtingin sa mga bag na naka-display. Hanggang sa kinausap siya ng Ginang. Doon ay nalaman niyang Pinay rin itong tulad niya.Magkagano'n man ay isa pa rin itong estranghera kaya’y ngumingiti at tumatango lang siya kapag kinakausap nito hanggang sa makabalik ang sales lady.Matapos mabili ang kailangan ay umalis din siya agad. Ilang minutong pag-ii

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Treinta

    NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Lucas sa dalawa matapos ‘yung tanungin ni Corazon.“Baka sa mga social-politics gatherings?” tugon ni Allan. “Siya kasi ang uma-attend kapag hindi ko magawang pumunta dahil sa trabaho.”“Yes, Tita,” sang-ayon ni Lucas. “And very sociable pa kaya madalas na siya ang gusto ng iba na uma-attend, no offense meant, General.”Natawa naman si Allan sa pahayag ni Lucas. “Totoo ‘yan, kaya nga ayoko na talagang nagpupunta sa mga party na ‘yan dahil ang asawa ko ang laging hinahanap.” At muling natawa.Kahit si Amelia at Lucas ay natawa rin sa komento ni Allan.Kaya nakisabay na rin si Corazon kahit pa malakas ang kutob niyang hindi pa niya nakita ni minsan noon si Amelia.Hindi rin naman nagtagal ang usapan dahil kailangan ng umalis nila Allan. At habang nasa sasakyan ay kapansin-pansin ang pananahimik ni Amelia.Pansin ‘yun ni Allan. “May problema ba?”Umiling siya. “Napagod lang siguro ako sa biyahe. Medyo kulang ako sa tulog ngayon.”Umusog palapit si Allan. “G

Latest chapter

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y tres

    KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y dos

    PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y uno

    MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta

    UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y nueve

    NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y ocho

    NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y siete

    DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y seis

    NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y cinco

    THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are

DMCA.com Protection Status