NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Lucas sa dalawa matapos ‘yung tanungin ni Corazon.“Baka sa mga social-politics gatherings?” tugon ni Allan. “Siya kasi ang uma-attend kapag hindi ko magawang pumunta dahil sa trabaho.”“Yes, Tita,” sang-ayon ni Lucas. “And very sociable pa kaya madalas na siya ang gusto ng iba na uma-attend, no offense meant, General.”Natawa naman si Allan sa pahayag ni Lucas. “Totoo ‘yan, kaya nga ayoko na talagang nagpupunta sa mga party na ‘yan dahil ang asawa ko ang laging hinahanap.” At muling natawa.Kahit si Amelia at Lucas ay natawa rin sa komento ni Allan.Kaya nakisabay na rin si Corazon kahit pa malakas ang kutob niyang hindi pa niya nakita ni minsan noon si Amelia.Hindi rin naman nagtagal ang usapan dahil kailangan ng umalis nila Allan. At habang nasa sasakyan ay kapansin-pansin ang pananahimik ni Amelia.Pansin ‘yun ni Allan. “May problema ba?”Umiling siya. “Napagod lang siguro ako sa biyahe. Medyo kulang ako sa tulog ngayon.”Umusog palapit si Allan. “G
TININGNAN ni Andrew si Mr. Roces, mula ulo hanggang paa. Sa suit at relo na suot, hanggang sa mamahaling sapatos. Lahat ay sumisigaw ng karangyaan kaya nagduda si Andrew kung bakit gusto nitong tulungan sila? Sila na pinaghahahanap ng alagad ng batas. “Gusto mo kaming tulungan? Anong kapalit?” diretsahan niyang tanong. Matalim ang tingin ni Alberto at saka tiningnan ang kasamang lawyer. Ito ang magpapaliwanag ng dapat na gawin ng grupo. Inumpisahang ipaliwanag ng lawyer ang plano at kondisyon. Ngunit hindi nagustuhan ni Andrew ang sinabi nito. “Ano?! Hindi ko binuong muli ang grupo para lang maging alipin ng kung sino lang.” Nagkatinginan si Alberto at Mr. O. “Masiyadong hambog ang pinakilala mo sa ‘min. Ayokong mag-aksaya ng oras kaya aalis na lang kami.” Tumalikod si Alberto upang umalis. Tumango naman si Mr. O at hindi ito pinigilan. “Pasensiya sa istorbo, ihahatid ko na kayo sa labas.” “S-sandali lang!” pigil ni Andrew. “P-pa’no kami Mr. O.?” “Tulad ng sinabi ko. Hindi ko
SA MAY KAKAHUYAN ay tinungo nila Scarlette ang lugar kung sa'n sinasabing natagpuan ang patay na katawan ng isang lalake. At kahit paakyat ang daang tinatahak ay hindi niya iyon alintana, makita lang sa malapitan ang sinasabing bangkay ni Andrew. May ilang sibilyan ang nais makiisyoso sa nangyayari na pinapauwi ng ilang pulis na nakaharang. Pinapasok naman sila agad matapos magpakilala. Nakaalalay sa magkabilang bahagi ni Scarlette ang dalawa dahil malubak at matalahib ang daan. Napalingon ang kasamahan nilang pulis. “O, anong ginagawa niyo rito?” Ito ang kausap kanina ni Scarlette na nagsabing magtutungo sa kabilang bayan. “Anong sabi? Si Andrew ba talaga ang bangkay?” balik tanong niya. “Inaalam pa ng SOCO. Masiyadong wasak ang pagmumukha kaya baka matagalan ang pagkumpirma. Siya ba ‘yung na-encounter niyo?” Tumango si Scarlette pero ang tingin ay nasa nakataob na katawan ‘di umano ni Andrew. Nakapaling ang mukha sa kabilang direksyon pero makikitang dumanas ito nang paghihira
PIGIL ANG HININGANG naghintay si Luna.Pero wala siyang naramdaman.Ang inaasahan niyang halik ay hindi nangyari.Pagmulat ng mata'y malayo na ang mukha ni Marcus.Napahiya siya sa pag-iisip na hahalikan siya nito!Matalim siyang tumingin at marahang tinulak upang itago ang hiyang nararamdaman. Pero kalaunan ay nawala rin agad ang inis nang mapansin ang pamumula ng tenga nito.Nakaiwas ang mga mata at hindi siya matingnan nang diretso.Tumikhim pa ito at bahagyang lumikot ang mga mata na nagbigay tuwa sa kanya. Ibig sabihin ay apektado ito. May epekto siya kay Marcus!“G-gusto ko lang sanang tanungin kung pwede ba akong sumama?” napahagod pa sa batok si Marcus nang tanungin ‘yun.Kumibot ang labi ni Luna sa pagpipigil na mangiti. “Bakit?” pero trinaydor siya ng sariling nararamdaman at tuluyan na ngang napangiti.“Day off ako ng ilang araw at wala naman akong ibang gagawin kaya...” Natigil si Marcus nang makita ang matamis nitong ngiti.Hindi napalis ang ngiti niya nang tumango. “Of c
NILAPAG ni Luna ang dalang bag sa kama at pagtapos ay nilingon si Marcus, na sinusuri ang banyo na transparent glass ang style.Kumunot ang kanyang noo. Bakit lagi silang napupunta sa ganitong klaseng style ng banyo?Nabaling tuloy ang tingin niya kay Marcus at napatitig hanggang sa muling mahuli nito.Pambihira! Strike two na siya!Kaya mabilis niyang tinuro ang bag nito na nasa sofa bilang pantatakip sa hiyang nararamdaman. “Ilagay m-mo na rito ang bag mo.”“Hindi na kailangan, sa sofa ako matutulog.”Napaturo naman si Luna sa kama. “Maluwag ‘tong kama, kasya tayong dalawa.”Lumamlam ang tingin ni Marcus. “Sigurado ka?”Tumango si Luna at saka lang na-realize ang nasabi. Nanlaki ang mata niya.Yes! Nagkasama na sila sa iisang kwarto. Pero ibang usapan na ang magtabi sa kama!Napaurong siya sa kaba. Hindi na niya mababawi pa ang nasabi na kahit gusto niyang bawiin. Bukod pa ro'n ay kinuha na ni Marcus ang bag at nilipat sa tabi ng kama.Nakasunod ang tingin ni Luna dahil hindi na gum
HINDI ITO ANG UNANG BESES na may hahalikan siyang babae. Hindi rin unang beses na naakit siya ng ganito. Lalong hindi unang beses na may babaeng nagpasabik sa natutulog niyang diwa.Pero alam niyang iba si Luna sa mga babaeng nakilala at nakasama. Hindi ito nagkaro'n ng boyfriend at sigurado siyang wala itong experience pagdating sa ganitong bagay.Sa madaling salita'y inosente pa ito’t puro.Kaya labis-labis ang pagpipigil niya upang hindi ito mabigla at matakot. Dahil isang maling galaw lang ay baka kumaripas ito ng takbo palayo sa kanya.Pero talagang sinusubok siya ng pasensiya. Pasensiyang kanina pa napigtas.Kaya kahit todo-todo ang pagpipigil ay nagpasawalang bahala na lamang siya. Hindi naman siguro masamang damhin kung gaano kalambot ang labi nito. Hindi naman siguro masamang hawakan ang makinis nitong pisngi pababa sa balingkinitan nitong katawan.May mali ba sa gagawin niya?Wala.Asawa niya ‘to. At alam niyang pareho nilang gusto ang susunod na mangyayari. Kitang-kita ‘yun
SA PAGBALIK ay nakiusap si Luna na ‘wag silang magsabay na umuwi sa mansiyon. At kahit hindi nito sabihin ang dahilan ay nauunawaan ni Marcus na inaalala lang nito ang magiging reaksiyon ng mga magulang sa oras na maabutan silang magkasama.Nagawa na niyang makuha ang loob ng asawa at ngayon nga'y nagkakamabutihan na sila. Kaya ang nais niya'y isunod ang mga magulang nito. Kung kinakailangan na ligawan niya ang mga ito ay gagawin niya, makuha lamang ang pagsang-ayon ng mga ito sa relasiyon. Ngunit hindi muna ngayon. Hindi niya nais biglain ang mga ito at makatanggap ng masamang reaksiyon.Paunti-unti niyang kukunin ang loob ng mga ito para pagdating ng araw ay matanggap na siya at sumang-ayon sa relasyon nila ni Luna.At dahil nga sa pakiusap ng asawa ay pinauna na niya itong umuwi at naglakad na lamang siya pagkarating sa subdivision.Wala pa ngang five minutes ay nakarating na siya sa gate para lang hilahin ni Benjie palayo. “Sir, nag-report sa ‘kin ang kasamahan kong nakabantay sa
ANG BUHAY NI LILIANE ay masaya at perpekto. Mula siya sa mayamang angkan at nakapagtapos sa isa sa mga tanyag na unibersidad sa bansa. May nobyo na talagang mahal na mahal siya, si Fausto Fajardo.Apat na taon na silang magkasintahan at hinihintay na lamang na makasal. At ang bahay na pinapatayo para sa pagbuo ng masayang pamilya.Isang gabi sa birthday party ng kaibigan ay may mga grupo ng kalalakihan ang lumapit sa table kung saan siya naro'n kasama ang mga kaibigan.Wala siyang kilala kahit na isa sa grupo ng mga kalalakihang lumapit. Magkagano'n man ay naging casual pa rin siya sa pakikipag-usapan. Hanggang sa may nag-offer sa kanya ng inumin. Tinanggap niya ito pero hindi niya ininom bilang pag-iingat sa bagong kakilala.Hanggang sa dumating si Fausto na galing pa sa trabaho at humabol na lamang sa party. Pero unti-unti siyang nakaramdam ng antok kaya agad niyang niyaya ang nobyo na umuwi matapos nitong makakain ng handa.“Nasa may dulo pa ang kotse,” ani Fausto nang lumabas sila
KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s
PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang
MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na
NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General
DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga
NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa
THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are