ANG BUHAY NI LILIANE ay masaya at perpekto. Mula siya sa mayamang angkan at nakapagtapos sa isa sa mga tanyag na unibersidad sa bansa. May nobyo na talagang mahal na mahal siya, si Fausto Fajardo.Apat na taon na silang magkasintahan at hinihintay na lamang na makasal. At ang bahay na pinapatayo para sa pagbuo ng masayang pamilya.Isang gabi sa birthday party ng kaibigan ay may mga grupo ng kalalakihan ang lumapit sa table kung saan siya naro'n kasama ang mga kaibigan.Wala siyang kilala kahit na isa sa grupo ng mga kalalakihang lumapit. Magkagano'n man ay naging casual pa rin siya sa pakikipag-usapan. Hanggang sa may nag-offer sa kanya ng inumin. Tinanggap niya ito pero hindi niya ininom bilang pag-iingat sa bagong kakilala.Hanggang sa dumating si Fausto na galing pa sa trabaho at humabol na lamang sa party. Pero unti-unti siyang nakaramdam ng antok kaya agad niyang niyaya ang nobyo na umuwi matapos nitong makakain ng handa.“Nasa may dulo pa ang kotse,” ani Fausto nang lumabas sila
NALILITO NA SI FAUSTO sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa sa opisina kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niya pang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha sa ‘tin si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto
SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod. Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo. Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo. Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?” Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik. Ilang sandali pa'y muling lumapit si
NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang
SA PAGMULAT NG MATA ay inakala pa ni Luna na nananaginip siya. Ang makitang katabing natutulog sa sariling kwarto ang asawa'y tila isang panaginip.Tila nagbalik ang mga araw na naro'n pa sila sa Cebu at magkatabing matulog. Pero mas higit na kasaya-saya ang tagpong ito na sa pagmulat ng mata'y ang mukha nito ang siyang unang makikita.Dahan-dahan ay inangat niya ang isang kamay upang haplusin ang pisngi nito. Gusto niyang siguruhin na totoo at hindi isang panaginip ang lahat.“Mabuti't gising ka na.”Sa pagkabigla'y natampal ni Luna ang pisngi ng asawa. Mabilis siyang bumangon pagkarinig sa boses ng Ina.Sa ginawa niyang ‘yun ay bigla na lang sumakit na may dalang kirot ang kanyang ulo. Naramdaman niyang gumalaw ang katabi hanggang sa tuluyang bumangon.“Ayos ka lang? Masakit bang ulo mo?” tanong ni Marcus kahit na dapat ay siya ang nagtatanong.“Anong nakain mo't naglasing ka kagabi?” ani Liliane na nakasandal pa sa hamba ng pintuan.Hindi nakasagot si Luna dahil sa kirot ng ulo san
MAKALIPAS LANG NG ILANG MINUTO ay lumapit ang lawyer at may binulong kay Alberto.Iritado ang naging ekspresyon na pinuna agad ni Ramon, “Anong nangyayari?”“May kaunting aberya lang sa bahay.” Pinili ni Alberto na ‘wag ng ipaalam kay Ramon kung ano man ang sinabi ng lawyer.Pero hindi kumbinsido si Ramon at tinanong ang lawyer, “Ano ‘yun?”Nagkatinginan muna ang dalawa bago tuluyang sumagot si Alberto, “Pasensiya na, may dumating na pulis sa bahay at hinahanap ako. Ayoko sanang ipaalam ‘to dahil—”Bigla'y hinugot ni Ramon ang baril at itinutok kay Alberto. “Wala kang balak sabihin sa ‘kin? Bakit, may binabalak ka?”Mabilis ang taas ng kamay ni Alberto sinyales na wala siyang balak lumaban. “A-ayoko lang na masira ang magandang umpisa ng plano ‘pag nalaman niyong pinaghahahanap ako.”Matagal bago tuluyang ibaba ni Ramon ang baril. “Inaasahan ko ng kikilos ang Lopelion, pero mas maaga sa inaasahan ko. 'Wag kang mag-alala wala tayong dapat na ipangamba.”“Pero pa'no ‘pag hinuli nila ako
LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Luna para mapigilan ang nagaganap na meeting sa conference room.Napakawalang respeto na mag-appoint ng CEO ngayon habang ang kanyang Ama ay nasa ospital at wala pang malay. Isang malaking kabastusan para sa kanila ang ginagawa ng mga ito!Ang pagbagsak ng Ama ba ang hinihintay ng mga ito para makapagtraydor?Mga walang puso!Nagpupuyos siya sa galit at mabigat ang hakbang. Pagdating sa pintuan ay bigla na lamang siyang pinigilan ni Marcus. “Huminahon ka muna, masiyado kang emosiyonal,” sambit pa nito.Tumitig si Luna ng ilang segundo pero hindi niya maintindihan ang asawa. “How?! Pa'no ako kakalma kung—” At saka mariing pumikit.Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.May punto ang asawa. Kung hindi siya hihinahon ay mapupunta lang sa wala ang lahat.Ilang beses huminga nang malalim si Luna at nang sa tingin niya'y medyo kalmado na siya'y binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang gulat na mukha ng ilang chief-director at shareholder.Ngayon niya nasisigurong ang sh
PANIBAGONG ARAW na walang kasiguraduhan. May kaba at takot para sa lahat ng malapit sa kanya.Iyon ang nararamdaman ni Luna pagpasok sa kompanya. Dahil may iba ng humahawak sa kompanya ng pamilya ay mas lalo niyang ayaw pumasok ngunit pinilit siya ng Ina at ni Marcus.Na hindi dapat siya sumuko sa laban dahil wala pang nananalo.Sa katunayan ay pwede nilang idaan ang lahat sa batas dahil wala sa proseso ang ginawang pag-appoint kay Alberto. Pwede nilang kontrahin ito at idaan legally kung hindi lang sila nangangamba sa kahahantungan kung malalaman ni Fausto ang nangyari sa kompanya.Pagtapak sa loob ay tinginan agad ng ibang empleyado ang napansin niya. May mga nagbubulungan at natatawa.Sa isip ni Luna ay baka kumalat na sa lahat ang nangyari sa meeting… pero mali siya.Dahil nakita niya na lamang si Jenny na mabilis na lumapit sa kanya. Puno ng pag-aalala ang mukha at tila mangiyak-ngiyak pa.“What happen?” tanong niya agad nang mapagtanto na may hindi tama.“May announcement galing
KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s
PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang
MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na
NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General
DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga
NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa
THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are