HINDI ITO ANG UNANG BESES na may hahalikan siyang babae. Hindi rin unang beses na naakit siya ng ganito. Lalong hindi unang beses na may babaeng nagpasabik sa natutulog niyang diwa.Pero alam niyang iba si Luna sa mga babaeng nakilala at nakasama. Hindi ito nagkaro'n ng boyfriend at sigurado siyang wala itong experience pagdating sa ganitong bagay.Sa madaling salita'y inosente pa ito’t puro.Kaya labis-labis ang pagpipigil niya upang hindi ito mabigla at matakot. Dahil isang maling galaw lang ay baka kumaripas ito ng takbo palayo sa kanya.Pero talagang sinusubok siya ng pasensiya. Pasensiyang kanina pa napigtas.Kaya kahit todo-todo ang pagpipigil ay nagpasawalang bahala na lamang siya. Hindi naman siguro masamang damhin kung gaano kalambot ang labi nito. Hindi naman siguro masamang hawakan ang makinis nitong pisngi pababa sa balingkinitan nitong katawan.May mali ba sa gagawin niya?Wala.Asawa niya ‘to. At alam niyang pareho nilang gusto ang susunod na mangyayari. Kitang-kita ‘yun
SA PAGBALIK ay nakiusap si Luna na ‘wag silang magsabay na umuwi sa mansiyon. At kahit hindi nito sabihin ang dahilan ay nauunawaan ni Marcus na inaalala lang nito ang magiging reaksiyon ng mga magulang sa oras na maabutan silang magkasama.Nagawa na niyang makuha ang loob ng asawa at ngayon nga'y nagkakamabutihan na sila. Kaya ang nais niya'y isunod ang mga magulang nito. Kung kinakailangan na ligawan niya ang mga ito ay gagawin niya, makuha lamang ang pagsang-ayon ng mga ito sa relasiyon. Ngunit hindi muna ngayon. Hindi niya nais biglain ang mga ito at makatanggap ng masamang reaksiyon.Paunti-unti niyang kukunin ang loob ng mga ito para pagdating ng araw ay matanggap na siya at sumang-ayon sa relasyon nila ni Luna.At dahil nga sa pakiusap ng asawa ay pinauna na niya itong umuwi at naglakad na lamang siya pagkarating sa subdivision.Wala pa ngang five minutes ay nakarating na siya sa gate para lang hilahin ni Benjie palayo. “Sir, nag-report sa ‘kin ang kasamahan kong nakabantay sa
ANG BUHAY NI LILIANE ay masaya at perpekto. Mula siya sa mayamang angkan at nakapagtapos sa isa sa mga tanyag na unibersidad sa bansa. May nobyo na talagang mahal na mahal siya, si Fausto Fajardo.Apat na taon na silang magkasintahan at hinihintay na lamang na makasal. At ang bahay na pinapatayo para sa pagbuo ng masayang pamilya.Isang gabi sa birthday party ng kaibigan ay may mga grupo ng kalalakihan ang lumapit sa table kung saan siya naro'n kasama ang mga kaibigan.Wala siyang kilala kahit na isa sa grupo ng mga kalalakihang lumapit. Magkagano'n man ay naging casual pa rin siya sa pakikipag-usapan. Hanggang sa may nag-offer sa kanya ng inumin. Tinanggap niya ito pero hindi niya ininom bilang pag-iingat sa bagong kakilala.Hanggang sa dumating si Fausto na galing pa sa trabaho at humabol na lamang sa party. Pero unti-unti siyang nakaramdam ng antok kaya agad niyang niyaya ang nobyo na umuwi matapos nitong makakain ng handa.“Nasa may dulo pa ang kotse,” ani Fausto nang lumabas sila
NALILITO NA SI FAUSTO sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa sa opisina kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niya pang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha sa ‘tin si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto
SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod. Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo. Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo. Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?” Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik. Ilang sandali pa'y muling lumapit si
NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang
SA PAGMULAT NG MATA ay inakala pa ni Luna na nananaginip siya. Ang makitang katabing natutulog sa sariling kwarto ang asawa'y tila isang panaginip.Tila nagbalik ang mga araw na naro'n pa sila sa Cebu at magkatabing matulog. Pero mas higit na kasaya-saya ang tagpong ito na sa pagmulat ng mata'y ang mukha nito ang siyang unang makikita.Dahan-dahan ay inangat niya ang isang kamay upang haplusin ang pisngi nito. Gusto niyang siguruhin na totoo at hindi isang panaginip ang lahat.“Mabuti't gising ka na.”Sa pagkabigla'y natampal ni Luna ang pisngi ng asawa. Mabilis siyang bumangon pagkarinig sa boses ng Ina.Sa ginawa niyang ‘yun ay bigla na lang sumakit na may dalang kirot ang kanyang ulo. Naramdaman niyang gumalaw ang katabi hanggang sa tuluyang bumangon.“Ayos ka lang? Masakit bang ulo mo?” tanong ni Marcus kahit na dapat ay siya ang nagtatanong.“Anong nakain mo't naglasing ka kagabi?” ani Liliane na nakasandal pa sa hamba ng pintuan.Hindi nakasagot si Luna dahil sa kirot ng ulo san
MAKALIPAS LANG NG ILANG MINUTO ay lumapit ang lawyer at may binulong kay Alberto.Iritado ang naging ekspresyon na pinuna agad ni Ramon, “Anong nangyayari?”“May kaunting aberya lang sa bahay.” Pinili ni Alberto na ‘wag ng ipaalam kay Ramon kung ano man ang sinabi ng lawyer.Pero hindi kumbinsido si Ramon at tinanong ang lawyer, “Ano ‘yun?”Nagkatinginan muna ang dalawa bago tuluyang sumagot si Alberto, “Pasensiya na, may dumating na pulis sa bahay at hinahanap ako. Ayoko sanang ipaalam ‘to dahil—”Bigla'y hinugot ni Ramon ang baril at itinutok kay Alberto. “Wala kang balak sabihin sa ‘kin? Bakit, may binabalak ka?”Mabilis ang taas ng kamay ni Alberto sinyales na wala siyang balak lumaban. “A-ayoko lang na masira ang magandang umpisa ng plano ‘pag nalaman niyong pinaghahahanap ako.”Matagal bago tuluyang ibaba ni Ramon ang baril. “Inaasahan ko ng kikilos ang Lopelion, pero mas maaga sa inaasahan ko. 'Wag kang mag-alala wala tayong dapat na ipangamba.”“Pero pa'no ‘pag hinuli nila ako