KAHIT AKAY-AKAY na ng mga pulis ay pilit pa ring nagpupumiglas at nagdadahilan si Spencer. Nariyang nag-iingay siya upang makatawag pansin sa ibang tao dahil kilala siya sa lugar. Mabilis na kakalat ang balita na narito siya sa police station at inaasahang darating agad ang kanyang pamilya upang tulungan siya.
Dalawang pulis ang nakahawak sa magkabila niyang braso at may dalawa pang nakabantay sa likod upang hindi niya magawang makatakas.Ipinasok at iniwan siya sa interrogation room upang imbestigahan. “Baka pwedeng tanggalin mo naman ‘to?” aniya sa pulis na nagpaiwan upang magbantay, ngunit hindi siya nito pinansin na ikinainis niya. “Hindi mo ba ‘ko naririnig?!”Walang epekto at nanatiling nakatayo ang pulis hanggang sa pumasok si Scarlette kasama ang isang pang pulis.Tila naman nabuhayan si Spencer ng makita ito. Dahil kaibigan ng kanyang pamilya ang nagpakitang pulis. Sigurado na ang tiyak niyang pag-alis sa lugar.Ngunit agad ring nawala ang tuwa sa kanyang mukha nang hindi man lang magawang tumingin sa kanya ng pulis. Tila kabado rin ito at panay ang tingin sa kasamang babae na hindi niya kilala.Naupo si Scarlette at gano’n din ang pulis. Saglit lang niyang tiningnan si Spencer saka binuksan ang laptop na dala. “Spencer Felicimo, 26 years old. Former fencer athlete at kasalukuyang Vice-President ng kompanyang pagmamay-ari ng pamil—”Walang ano-ano’y bigla na lamang hinampas ni Spencer ang table na pumapagitna sa kanilang dalawa ni Scarlette. “Ano bang kailangan mo?!” sigaw pa niya sa kaharap na babae.Nagulat ang pulis dahil sa lakas nang pagkakahampas ni Spencer sa table pero hindi natinag si Scarlette. Ni ang kumurap ay hindi nito ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ng pulis sa dalawa hanggang sa tumayo na ito upang pigilan at pakalmahin si Spencer. Kinakabahan sa maaaring mangyari kung patuloy na hahamunin si Scarlette.“Maupo ka na muna at maghintay. Tinawagan ko na ang lawyer para tulungan ka,” ang bulong pa ng pulis kay Spencer.“Ba’t ko kailangang maghintay? Hindi mo ba magagawan ng paraan?”Saglit na tumingin ang pulis kay Scarlette dahil hindi man lang nagawang bumulong ni Spencer na sinadyang lakasan ang boses. “Hindi ko hawak ang kaso. Malalagot ako kung mangingialam pa ‘ko, kaya umupo ka na lang d'yan at manahimik kung ayaw mong mas lalo kang mapasama!” ang inis na bulong nito dahil hindi nagustuhan ang ugaling pinapakita ni Spencer.“Hindi ko alam na close pala kayo?” ang biglang sabat ni Scarlette sa dalawa.Pahapyaw naman na natawa ang pulis saka muling naupo. “K-kaibigan ako ng pamilya kaya gano’n.” Pilit na itinatago ang nararamdamang kaba. Ayaw niyang magkamali lalo pa’t anak ito ni Police General Allan Rodriguez.“So, alam mo na drug dealer siya at nag-o-operate ng ilegal na casino sa lugar?"Mabilis ang iling ng pulis. “N-ngayon ko lang narinig na may ilegal na casino rito sa lugar,” ang halos mautal-utal na tanggi niya. “Saka drugs? Pinakaayaw ko ng ganyan,” ang dagdag niya pa na may matalim na tinging ipinupukol kay Spencer.May naririnig siyang ilegal na pasugalan sa lugar ngunit dahil malapit siya sa pamilyang Felicimo ay hindi siya nagtangkang mangialam at nanatiling tahimik. Ngunit ibang usapan na pagdating sa druga. Hinding-hindi niya ito mapapalampas. “Ikaw na ang bahala sa kanya.” Tumayo na siya upang umalis.“Sandali! Sa’n ka pupunta?” ani Spencer.Matalim lang siyang tiningnan ng pulis saka tuluyang lumabas sa interrogation room. “Tarant*do, muntik pa ‘kong ipahamak. Hindi ko isusugal ang trabaho ko sa ‘yo, kaya bahala ka na sa buhay mo,” aniya sa labas ng pinto.Mariing nakakuyom ang mga kamay habang nagngingitngit sa galit si Spencer. Hindi makapaniwalang basta na lamang siyang iniwan sa ere ng pulis.Muling binalikan ni Scarlette ang pag-i-interrogate kay Spencer ngunit hindi man lang siya sinasagot nito.Kaya tinapik-tapik niya ang table upang kunin ang atensiyon ni Spencer. “Hindi tayo matatapos kung hindi mo sasagutin ang tanong ko.”Nanatiling tikom ang bibig ni Spencer sa mga tanong at sa halip ay hinanap ang kanyang lawyer.“Okay, hintayin natin ang lawyer mo. Tingnan natin kung kaya ka ba niyang ilabas dito,” ang hamon ni Scarlette.Mula naman sa kabilang kwarto kung saan ay mino-monitor ang pinag-uusapan nina Spencer at Scarlette ay pinapanuod sila ni Kurt na panay ang iling. Dahil baka magawa ngang mailabas ng lawyer si Spencer at mapahiya si Scarlette. Kaya tinawagan niya ito. “Captain, hinay-hinay lang sa paghahamon at baka mapahiya tayo,” ang paalala niya.Lumingon si Scarlette sa kabilang kwarto at kahit hindi naman nakikita dahil sa one-way glass ay tila nanunuot sa kalamnan ni Kurt ang matalim nitong titig. Nagsisitaasan tuloy ang balahibo niya sa katawan. “’Wag ka namang ganyan, Captain. Nakakatakot ka tumingin, e.”Binaba ni Scarlette ang cellphone at binalik ang atensiyon kay Spencer. Hindi na siya nagsalita at piniling hintayin na lamang ang lawyer nito.“Sinong nagdala sa ‘kin dito?” ang bulong ni Spencer na tila kinakausap ang sarili nang maalala ang nangyari ro’n sa bahay na kanyang pinagtataguan.“May sinasabi ka?” ang tanong naman ni Scarlette nang mapansin na may binubulong ito.Nag-angat ng tingin si Spencer. “May nagpunta sa bahay na hindi ko kilala. Hinahabol niya ‘ko, ikaw ba ‘yun?”“Kung ako ‘yun, hindi kita ilalagay sa kahon. Diretso ka sa sako.”“May nagtangka sa buhay ko tapos wala man lang kayong ginawa?! Umamin ka, ikaw ba ‘yun o isa sa inyo ng mga kasamahan mong pulis?” Sabay lingon sa one-way glass na animo’y nasa kabilang kwarto ang tinutukoy na tao.“Kung sino man ‘yang tinutukoy mo‘y salamat sa kanya, dahil hindi na kami nahirapang hanapin ka. Saka, wala ka sana rito’t humihinga kung pinagtangkaan ang buhay mo.”Lumikot ang mga mata ni Spencer at walang ano-ano'y sinigaw ang pangalan ni, “Marcus! Siya ang lalakeng ‘yun, sigurado ako.”Napabuntong-hininga si Scarlette. Pagod na sa pinagsasasabi nito at bumabanggit na ng pangalan ng ibang tao upang pagbintangan.“Alam mo bang pwedeng idagdag sa kaso ‘yang pinagsasasabi mo? Nambibintang ka ng ibang tao.”“Totoo ang sinasabi ko! Gumaganti siya dahil sa ginawa ko kay Luna. Kaya hulihin mo ang kriminal na ‘yun!”Malapit nang maubos ang pasensiya ni Scarlette. Kanina pa siya nagtitimpi sa bastos na pag-uugali ng kaharap. “Hoy! Kung may kriminal man dito, ikaw ‘yun.” Saka nilabas ang litrato ni Luna na kuha mula kahapon habang nasa loob ng selda. “Nakikita mo ‘to? Isang inosenteng tao ang muntik ng makulong dahil sa 'yo. Kaya tumigil ka na!”Nagtagal ang tingin ni Spencer sa litrato saka unti-unting nanghina ang tuhod hanggang sa tuluyang mapaupo. Hindi makapaniwalang makikita niya sa litrato si Luna na nasa loob ng selda at nakatungong umiiyak. “K-kumusta na siya?” nanginginig ang labing tanong niya kay Scarlette.“Nakauwi na. Mabuti na lang talaga at may CCTV sa restaurant at napatunayan na hindi sa kanya ang drugs. Dahil kung nagkataon ay baka—”“Tama na!” Tuluyan nang nilamon ng sariling konsensiya si Spencer. “Hindi ko naman gustong gawin ‘yun sa kanya.”“Naririnig mo ba ang sarili mo?” Muling lumingon si Scarlette sa one-way glass at saka umiling. Ayaw na niyang kausapin ito at baka hindi na niya mapigilan ang sarili’t masaktan pa ‘to.“Hindi ka ba naniniwala?” ang mahinahon na tanong ni Spencer na ipinagtaka ni Scarlette.Kanina lang ay galit ito at grabe kung makasigaw, tapos ay bigla na lamang naging mahinahon.“Ba’t hindi ka naniniwala?!” Isang nakakabinging sigaw mula rito na nag-echo pa sa buong interrogation room. “Alam ng lahat kung ga’no ko kamahal si Luna kaya ba’t ayaw mong maniwala na hindi ko ‘yun sinasadya!”Naging alerto si Scarlette dahil mukhang ano mang sandali ay baka bigla siyang sugurin at saktan nito. Bigla ring bumukas ang pinto at pumasok si Kurt na agad tumabi kay Scarlette.“Naniniwala kami sa ‘yo,” ani Kurt na nais pakalmahin si Spencer. Ayaw na magwala itong bigla at magkagulo pa sila sa loob dahil paniguradong masasaktan lang ito kapag kumilos na si Scarlette.“T-talaga? Naniniwala ka?” Sumilay ang ngiti sa labi ni Spencer. "Siyempre, alam ng lahat kung ga’no ko kamahal si Luna kaya imposibleng hindi niyo ‘yun makita.”“Mukhang mentally unstable siya,” ang bulong ni Kurt kay Scarlette. “Kailangan nating itigil ang pag-i-interrogate.”“Baka umaarte lang ‘yan para hindi natin tanungin.”“Mas mabuti na’ng sigurado, Captain. Mahirap na at baka mahirapan na tayong magtanong sa susunod.”Ngunit ayaw na ni Scarlette na patagalin pa ang kaso kaya binalewala niya ang sinabi ni Kurt. “Kung hindi mo sinasadya at mahal na mahal mo si Miss Fajardo, ay ba’t mo nagawa sa kanya ‘yun?”Tumitig si Spencer ngunit halatang-halata ang likot ng mga mata. Naghahanap ng sagot sa tanong ni Scarlette.Bakit nga ba? Hanggang sa maalala ang pinapangarap kasama si Luna.“Para sa future namin. Pumayag ako sa deal para mabigyan ng magandang buhay si Luna.”“Deal? Nino? May iba ka pa bang kasamahan?” muli niyang tanong. Hindi inaasahan na may iba pang tao silang dapat hulihin.Hindi sumagot si Spencer hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang lawyer nito. “Anong ginagawa niyo?” ang tanong pa nito.Binalewala ni Scarlette ang lawyer at nanatili ang tingin kay Spencer. “Sagutin mo ang tanong ko. Sinong tinutukoy mong ka deal?”Humarang na ang lawyer upang tuluyang pigilan si Scarlette sa pagtatanong. At hanggang sa huli ay hindi na nagawang masagot ang kanyang tanong.“Kainis! Malapit na sana nating malaman kung sino ‘yung tinutukoy na taong ka-deal niya, kung ‘di lang nangialam ang lawyer na ‘yun,” asar na pahayag ni Scarlette matapos lumabas sa interrogation room.“Hayaan mo na, Captain. Ang importante ay malakas ang hawak nating ebidensiya. Siguradong wala na siyang kawala satin,” ang komento ni Kurt na ngingiti-ngiti pa.BIGLANG PINATAWAG si Marcus sa police station upang tanungin tungkol sa nangyari no’ng gabing dinala si Spencer sa estasyon ng hindi pa nakikilalang lalake.Kinasuhan siya ng abduction and damages of property ng lawyer ni Spencer sa utos din nito mismo.Ngunit dahil wala namang patunay na siya ang may kagagawan ng kasong ibinibintang ay pinauwi rin siya agad. Bukod pa ro’n ay may matibay siyang alibi ng gabing iyon. Sinabi niyang kasama niya si Artemio sa restaurant na pagmamay-ari nito ng mga oras na iyon.Kaya kinabukasan ay nakatanggap siya ng message mula kay Artemio at sinabing pinatawag din ito sa police station upang tanunging hinggil sa alibi na kanyang sinasabi.Sakto namang papunta rin siya ro’n upang sunduin ang isang bilanggo kasama ng iba pa niyang kapwa warden.Sa may entrance pa lang ay napansin na niya si Artemio na papalabas kasama ang secretary nito. Ang lawak nga ng ngiti nang mapansin siya at dahil nasa gitna ng trabaho ay bahagya lang siyang tumango at nagpatuloy na.At ilang sandali pa’y naramdamang nag-vibrate ang cellphone. Hindi niya ito pinansin hanggang sa nagkaro’n siya ng pagkakataong tingnan bago umalis sa police station.Artemio:Okay na, Boss.Ito ang laman ng mensahe. Na ang ibig sabihin ay tapos na ang pag-i-imbestiga tungkol sa kasong isinampa ni Spencer. Hindi na siya paghihinalaan… na inaasahan na niya.Dahil sinigurado niya na walang butas ang ginawa at hinding-hindi siya mahuhuli ng kahit na sino.Pulido niyang plinano ang lahat kaya walang mag-iisip na siya ang lalakeng humuli at nagdala kay Spencer sa police station.Sinadya niyang makipagkita kay Artemio sa restaurant nito na puno ng CCTV sa loob at labas. May kinuha rin silang double na magpapanggap na siya sa loob lamang ng ilang minuto.At matapos na iwan si Spencer sa estasyon ay bumalik siya sa restaurant na parang walang nangyari.Matapos na mabasa ang mensahe nito ay binalik niya ang cellphone sa bulsa. Nasa loob na ng sasakyan ang sinundo nilang bilanggo at pasakay na rin sila nang matigilan.May naamoy kasi siyang dugo sa hangin. Kaya napatingin siya sa lalakeng kadaraan lang na nakasuot ng itim na jacket at cap.“Warden Lopelion, tara na,” ang tawag naman ni warden Cruz.Kaya binalewala niya ang naamoy at sumakay na sa sasakyan. Hanggang sa bigla na lamang may sumigaw sa loob ng estasyon. At kasunod nito ay nagsisitakbuhan ang mga pulis na tila may hinahanap.“Anong nangyayari?” si warden Cruz na siyang unang nakababa at tinanong ang pulis na siyang lumabas sa estasyon.“Si Spencer Felicimo, natagpuang nakahandusay at duguan sa restroom!” ang pahayag naman nito saka umalis.Sa narinig ay bigla na lang lumabas sa sasakyan si Marcus at tumakbo kung saan papunta ang lalakeng napansin niya kanina.Samantalang sa loob ng estasyon ay nabalitaan din ni Scarlette ang nangyari at agad na pumunta sa restroom upang tingnan si Spencer. “May tumawag na ba ng ambulansya?” aniya pa habang iniisip kung pa’no nangyari ito sa loob ng police station?Saka, wala pang limang minuto niya itong iniwan saglit tapos ay maaabutan ng naliligo sa sariling dugo?!“Anong nangyari?!” si Kurt na kababalik lang matapos kunin ang sasakyan.“Akin na ang susi, isugod na natin siya ngayon sa ospital.” Si Scarlette na nakalahad pa ang kamay.“Wala na siyang pulso,” ang pahayag ng isang pulis na tumingin kay Spencer.Kinuha na ni Scarlette ang susi mula kay Kurt. “Hindi siya pwedeng mamatay!” aniya habang nakatingin sa dilat na mga mata ni Spencer na ngayong wala ng buhay.[FEW MINUTES AGO]NAIINIS at kanina pa mainit ang ulo ni Spencer. Paano ba naman ay tatlong araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya magawang ilabas ng sariling lawyer.At kahit ang mga magulang niya’y hindi na nagpakitang muli simula no’ng huling dalaw ng mga ito. Tila pinabayaan na lang siyang mag-isa dahil sa kahihiyang dulot niya sa pamilya.Nayayamot na siya sa kahihintay sa pangako ng lawyer na mailalabas siya sa kulungan. Puro salita lang ito at kahit nga ang inutos itong ipahuli rin si Marcus ay hindi pa nito nagagawa.“Inutíl!” ang bulong niya nang makitang palapit ang lawyer sa selda na kinalalagyan niya. “Ano na? kailan ba ‘ko makakalabas dito?!”“Masiyadong mabigat—”“Sinasabi mo bang hindi mo ‘ko magagawang ilabas dito? Aba’t, para sa’n pa ang ibinabayad ko sa ‘yo?!” Gigil na gigil siyang nakahawak sa rehas at gusto na itong hablutin sa sobrang galit.“Hoy! Tumahimik ka nga.” Si Scarlette na palapit din sa selda ay agad itong sinaway. “Hindi pa ba nasasabi sa ‘yo ng—”
Chapter 12 MATAPOS makita ang itsura ni Spencer sa picture ay nasisiguro ni Marcus na kilala niya ang pumatáy. “Kilala mo? Sino?” agad nagka-interes si Scarlette. Lumingon naman si Marcus kay Kurt na nasa may hamba ng pinto. Kaya sumunod rin ang tingin ni Scarlette. “Kurt?” “Isara mo’ng pinto,” ang utos ni Marcus. “Hindi pwedeng may makarinig na ibang tao sa sasabihin ko.” Agad kumilos si Kurt at sinara ang pinto. Matapos ay saka sila naupong lahat sa sofa na katapat ang table ng Police Captain. Napaisip si Scarlette kung tatanungin niya bang muli si Marcus tungkol sa killer. Hangga’t maaari kasi’y ayaw niya itong isali sa kaso. Pero aminado siyang malaking tulong ang maibibigay ni Marcus sa oras na sabihin nito kung sino ang suspek. “Chief, ayos lang ba na isali siya sa kaso?” ang pagpapaalam ni Scarlette. Tumango ang Police Captain. “Naipakita ko na sa kanya ang ilang information regarding sa kaso, kaya hindi mo na kailangang magpaalam pa.” Binalik ni Scarlette ang tingin k
ILANG TAON siyang walang narinig na balita tungkol kay Matthew matapos itong magpunta sa ibang bansa. Sa pagkakaalam niya’y hindi na ito babalik at doon na mamumuhay.“Maupo ka muna, Luna,” ang utos ni Fausto.Saglit na tumingin si Luna sa suot na relo. May ilang minuto pa naman bago matapos ang lunch-break kaya naupo na siya sa sofa, kaharap si Matthew.“Tapos mo na ba’ng interview-hin ang mga aplikante?”“Yes, Dad.”“Ilan ang posibleng matanggap?”“Four or three, depende dahil may final interview pa with the panel.”Tumango-tango si Fausto saka sumulyap kay Matth
SABAY silang nagtungo ni Luna sa living area matapos sabihin ng Mayordoma na dumating ang kanyang Lolo’t kapatid.Nakaupo sa sofa ang mga ito nang lapitan niya. Naroon na rin ang mag-asawang Fajardo na pawang tahimik sa isang tabi na bagaman nakangiti’y mapapansin ang kaba sa mga mukha.Lumapit si Marcus upang magmano sa matandang Lopelion at saka tinapik si Lucas sa balikat bilang pagbati. Binati niya rin ang kasamang bodyguard ng dalawa.Hindi siya nasabihan ng Ama na darating pala ang mga ito. O, marahil ay wala talaga itong ideya sa pagpunta ang dalawa sa mansion ng Fajardo.Si Luna na nakasunod ay napiling tumabi sa magulang. “Do’n ka tumabi kay Marcus,” ang pabulong na utos ni Liliane.Kahit kabado dahil sa mga bisita ay pinili pa rin ni Luna na sundin ang utos ng Ina. Matapos niyang lumipat at maupo sa tabi ni Marcus ay nagsalubong ang tingin nila ng matandang Lopelion. Wala mang reaksyon na mababasa sa mukha ng matanda ay ramdam ni Luna ang intense ng titig nito. Tila pinag-aar
PAGPASOK ni Liliane sa dining area ay naabutan niya ang asawa at si Matthew na nag-aalmusal. Lumapit siya kay Fausto saka tumabi. “Si Luna?” ang tanong niya pa matapos maupo.“Hindi pa bumababa,” ang sagot ni Fausto.Napatingin naman siya kay Matthew nang ngumisi ito. “Baka napagod,” ang komento pa nito.Kunot-noong binalewala ni Liliane ang sinabi nito at saka napatingin sa asawa. Iniisip na kausapin ito mamaya tungkol kay Matthew.Halos mag-iisang linggo na ito sa puder nila at wala ng ibang ginawa kundi ang maglakwatsa. Tapos ay uuwi pang lasing.Ang napag-usapan nila ay magtatrabaho ito sa kompanya at pagkatapos ay titira sa apartment. Pero hindi natuloy dahil hindi pumayag si Luna na basta na lamang itong ipasok sa kompanya ng hindi dumadaan sa tamang proseso.Magkagano’n man ay dapat gumawa ito ng paraan upang makapagtrabaho o hindi kaya ay mag-apply sa ibang kompanya. Hindi iyong tatambay na lang at walang gagawin.Pagkatapos niyang kumain ay nagpasiya siyang puntahan si Luna. S
[PAST]SA EDAD na labing-walo ay pumasok sa military camp si Timoteo upang tuparin ang pangarap na mag-serbisyo sa bansa.Tutol man ang mga magulang dahil siya ang panganay at inaasahang hahawak sa kompanya ng pamilya balang araw, ay hindi siya nagpapigil.At inihabilin sa nakababatang kapatid na si Ramon ang pagtulong sa magulang na palaguin pang lalo ang kompanya.Sa unang taon niya sa kampo ay hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa pagkumbinsi sa kanya na lumabas ng kampo at tumulong sa pamamahala ng kompanya.Ngunit ang pagiging sundalo talaga ang gusto niya noon pa man. Ito ang nakatadhana sa kanya at wala ng magbabago pa.At dahil sa paulit-ulit na pangungulit ng kanyang Ama’t Ina ay tatlong taon niya ring hindi hinarap ang mga ito kapag nagtutungo sa kampo upang siya’y makausap.Hanggang sa isang araw ay ang Mayordoma na nila mismo ang nagtungo sa kampo dala ang isang masamang balita.Naaksidente ang kanyang Ama’t kapatid at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.At dahil sa labi
[PAST]BIGLANG DUMATING si Ramon at hinihingi ang parte ng mana na dapat ay sa kanya.Ngunit hindi iyon agad naibigay ni Timoteo dahil ilang taon itong nawala. At wala siyang ideya kung ano na ang naging buhay nito sa mga panahong ‘yun. Hindi naman niya maaring basta na lang ibigay ang ilang parte ng ari-ariang iniwan ng Ama dahil pinagpaguran niya itong palaguin.Bukod ro’n ay may sama pa rin siya ng loob kay Ramon. Sa ginawa nito kay Milagros.Hindi niya pinagbigyan ang kapatid sa nais nito at sa halip ay nagbigay muna ng pera.Ngunit iba ang naging dating nito kay Ramon. Pinaratangan siyang nagdadamot at sakim, ngunit kinuha pa rin ang perang binigay niya sabay bitiw ng salitang babalik muli para
[PAST]HABANG HINAHABOL sa labas ng warehhouse ang mga kalaban ay narinig ni Maximo ang iyak ni Lucas malapit sa mga nakaparadang sasakyan. Kaya agad silang napasugod ni Timoteo at nakitang umiiyak itong mag-isa, wala na si Dahlia. Ang mga pulis na naiwan sa labas para magbantay ay nakahandusay na sa sahig, walang-malay.“H-hindi, hindi ‘to maaari! Kinuha nilang muli si Dahlia!” ani Maximo. At walang ano-ano’y sumakay sa kotse upang sundan ang kampo ni Ramon upang mailigtas ang asawa.Halos paliparin na niya ang kotseng sinasakyan maabutan lang ang kalaban. Hindi naman siya nahirapang mahanap ang kotseng gamit ng mga ito at dali-daling bumuntot sa likod.Ang plano niya ay harangin ang mga ito sa unahan. Ngunit hindi pa man siya nakakadikit nang biglang magpaputok ang mga ito at pilit pinapatamaan ang gulong ng kotseng kanyang minamaneho.Nagpakawala ang mga ito ng ilang putok ng baril hanggang kusa ring tumigil. Naisip ni Maximo na maaaring naubusan na ng bala ang mga ito.Kaya muli ni
KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s
PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang
MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na
NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General
DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga
NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa
THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are