Share

Kabanata Dos

Author: Zxoul49
last update Last Updated: 2022-10-10 06:43:47

SA KALAGITNAAN ng biyahe pabalik sa siyudad ay tinawagan ni Scarlette ang Ama. “Nakausap ko na siya,” ang bungad niya pa.

“Kamusta—”

“Ayoko sa kanya, ‘Pa, hindi ako magpapakasal sa kanya.”

“Ano?!”

“Basta. Hindi kami nagkasundo kaya ayokong magpakasal sa kanya.”

“Teka lang, Scarlette—”

“Sige, ‘Pa, at magpapahinga muna ako. And please, ‘wag mo nang uulitin ‘to. Ayokong nirereto sa iba.” At saka tinapos tawag upang kausapin naman si army general Maximo Lopelion.

Sa opisina ng General ay nakatanggap ito ng tawag mula kay Scarlette, na anak ng kaibigang si Allan. “Hello, Captain Rodriguez,” sagot ni Maximo sa kabilang linya. Medyo maingay sa kabilang linya ngunit mauulinigan naman ang boses ng dalaga.

“Pasensiya na sa pang-iistorbo, General. Nakausap ko na si warden Marcus Lopelion kanina, hindi nga lamang ako nagpakilala sa kanya. Sa pag-uusap namin kanina ay isa lang ang na-realize ko. Pareho kaming ma-otoridad at nagka-clash ang personalidad namin. Kaya ipagpaumanhin ninyo kung hindi ako papayag sa usapan niyo ni Papa.”

“Naiintindihan ko, Captain Rodriguez. I respect your decision,” ani Maximo.

“Maraming salamat, General.”

Matapos ang pag-uusap ay agad nagpadala si Maximo ng mensahe kay Marcus gamit ang account ng ‘Heaven’. Tila nabunutan ng tinik sa díbdíb si Maximo nang sa wakas ay natapos na ang isa sa mga problema.

Ang dapat na lamang gawin ay ipaliwanag kay Allan ang nais ng anak na si Scarlette.

SAMANTALANG hindi naman inaasahan ni Marcus na ang mensaheng matatanggap mula sa Ama ay tungkol sa babaeng dapat niyang pakasalan. Naka-attach na rin ang pangalan at basic information ng babae at ang mga magulang nito.

Si Luna Fajardo, 25 years old. Kasalukuyang nagtatrabaho sa kompanya ng pamilya at tinaguyod ng amang si Fausto Fajardo. Habang ang ina naman nitong si Liliane ay mula sa angkan ng mga mayayaman.

Mga basic na information ngunit may napansin si Marcus sa data ni Luna Fajardo. Dati rin itong mag-aaral sa elementaryang pinasukan niya. Maaaring noon pa man ay magkakilala na sila, ngunit hindi niya na matandaan sa tagal ng panahon.

Ang labis nga lang na ipinagtataka ni Marcus ay bakit? Bakit nais ng kanyang Ama na ikasal siya kay Luna?

Ni minsan ay hindi nanghimasok si Maximo sa personal niyang buhay, lalo na sa usaping pangkasal. Kaya bakit tila ngayon ay pinipilit na siya nitong mag-settle down?

Sawa na ba itong mainggit sa iba at nais ng magka-apo?

Kinagabihan ay tinawagan ni Marcus ang Ama tungkol sa pinadalang mensahe.

“Bukas, ay lumuwas ka. Kailangan nating mag-usap sa personal,” ito lamang ang sinabi ni Maximo at pagkatapos ay pinatay na ang tawag.

Hindi na pinagpabukas ni Marcus ang lahat at tinawagan ang kakilala niyang pilot upang sunduin siya sa isla.

At nang umagang iyon ay nalaman niya ang totoong dahilan kung bakit niya kailangang pakasalan si Luna Fajardo.

Iyon ay upang magmanman at alamin kung anong connection nito at ng pamilya kay Dahlia Lopelion, ang yumaong asawa ng Ama.

Binuksan ni Maximo ang drawer ng desk at binigay kay Marcus ang letter na may mensahe.

“I miss you, Simosi,” ang basa ni Marcus sa sulat.

“Walang ibang tumatawag sa akin ng ganyan kundi si Dahlia lamang. Ang sulat kamay rin ay katulad nang sa kanya. Pero pa’nong nangyari na….” hindi magawang tapusin ni Maximo ang sasabihin. Dahil hanggang ngayon, kahit lumipas na ang dalawampu’t tatlong taon ay hindi nito nilimot kahit na kailan ang asawa.

“Nasisiguro mo bang sulat kamay niya talaga ‘to, ‘Pa?” ani Marcus.

“Siguradong-sigurado ako, kay Dahlia galing ang sulat. Pero ang address na nakalagay sa sender ay galing sa probinsiya. Sa mismong tahanan ng mga Fajardo.” Matapos ay muling binuksan ang drawer. “At kahit anong gawin ko ay wala akong makitang connection ni Dahlia sa mga taong ‘yan.” Sabay lapag ng makakapal na papel na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pamilyang Fajardo.

“Kailan mo natanggap ang sulat?”

“Dalawang buwan na ang nakakaraan. At kung totoo nga ang hinala ko ay maaaring buhay pa rin si Dahlia hanggang ngayon. At may kutob akong nasa panganib siya,” ani Maximo habang nakakuyom ang mga kamao. “Iba sana ang ipapadala ko. Ngunit sa mundong ginagalawan natin… mahirap magtiwala. Kaya Marcus… maaari ba kitang asahan sa misyong ‘to?”

Tumindig nang maayos si Marcus at buong pusong sinagot ang Ama, “Makakaasa kayo, army general Maximo Lopelion.”

Dahil sa misyon na iniatas ng Ama ay kailangan niyang iwan ang ‘Heaven’ at ipasa pansamantala ang pamamahala kay Yulo na siyang labis niyang pinagkakatiwalaan. Inilipat na rin siya sa probinsiya kung saan nakatira ang mga Fajardo.

At dahil kulang na ang magbabantay sa isla ay inilipat naman ni Maximo si warden Torres na nais magtrabaho sa ‘Heaven’.

Sa araw ng pag-alis ni Marcus ay una siyang nagpaalam sa mga kasamahang warden. Nakikita niya ang lungkot sa mga mukha ng mga ito at matapos ay sa mga inmate naman habang kumakain ang mga ito ng ahagan.

Labis nga ang saya ng ilan sa mga bilanggo sa kanyang pag-alis habang ang iba ay tahimik lang na nanunuod sa mga nagsasaya. Kasama sa mga tahimik ay si inmate-098, na minsang humiling kay Marcus na ipadala sa pamilya nito ang ibinigay na sulat.

“Tahimik!” ang sigaw ni Yulo at agad namang nagsitahimik ang mga nag-iingay.

“’Wag kayong masiyadong magsaya dahil may papalit sa‘kin. Ang ilan sa inyo ay kilala siya, si warden Torres.” Na kilalang malupit at brutal ang paraan nang pagdidisiplina.

Pigil ang tawa ng kasamahan niya matapos banggitin si Torres. Ang iba kasi sa mga inmate ay halos mamutla na sa narinig.

“Good luck,” ang huli niyang sinabi sa mga ito. At pagkatapos ay lumapit kay inmate-098 upang ibigay ang envelop na naglalaman ng mga pictures ng pamilya nito sa labas. Kalakip na rin ang impormasyon kung kamusta na ang mga ito.

Bitbit ang duffel bag ay pumasok si Marcus sa elevator. At bago tuluyang magsara ang pinto ay nakita niya pang nakahilera ang mga kasamahan sa labas ng elevator upang magpaalam. At isang malakas na sigaw, “Salamat!” Mula kay inmate-098 habang nakayuko. “Maraming, maraming salamat, Boss!” dagdag pa nito.

Nakangiting naglakad palabas si Marcus sa lagusan papunta sa tabing dagat kung saan ay naghihintay na ang helicopter na siyang magdadala sa kanya sa siyudad.

Pagkarating ay agad siyang nag-book ng flight papunta sa probinsiya. Habang naghihintay ay napansin niyang dumaan sa kanyang tabi ang babaeng pulis na nagtungo noon sa isla. Hindi niya inaasahang makikita niya itong muli.

May kasama itong isang lalake na hindi niya nakitang kasama nito noon sa isla. At hindi kalayuan sa kinauupuan ng mga ito ay may tatlong lalake ang kakatwa ang mga ikinikilos at maya’t maya ang tingin sa gawi ng babaeng pulis.

Sa palagay ni Marcus ay sinusundan ng tatlong lalake ang babaeng pulis at ang kasama nitong lalake.

NATIGILAN si Scarlette nang makita si Marcus sa tabi ng kanyang upuan. “Anong ginagawa mo rito?” ang hindi niya napagilang tanong.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Scarlette nang hindi man lang sumagot si Marcus sa tanong niya. Ni makuhang tumingin ay hindi rin nito ginawa. Nagmistula siyang invisible sa harap nito na ikinapitik ng ugat niya sa sintido.

Isang hindi kilalang warden ang naglakas ng loob na ipahiya siya sa loob ng eroplano na maraming tao ang makakarinig. “Ang lakas naman ng loob mong hindi ako pansinin.”

Muli ay hindi kumibo si Marcus na napansin ni Kurt, ang assistant ni Scarlette. Isa ring police officer at kasamahan sa team. Hindi ito nakasama sa pagpunta sa isla upang hindi makahalata si Allan na magtutungo si Scarlette roon, ngunit sa huli ay nabisto pa rin.

“Anong problema, Captain?” ang tanong ni Kurt sabay tingin kay Marcus, mula ulo hanggang paa.

“Wala,” aniya.

Ngunit iba ang nakikita ni Kurt sa mukha ni Scarlette. Hindi simpleng ‘wala’ ang lahat. Pinakatitigan niya nang mabuti si Scarlette at napagtantong inis na inis ito sa lalakeng katabi. Tulad ng inis nito matapos magpunta sa isla.

“Siya ba ‘yung nakuwento ni Ramirez?” ang tanong ni Kurt. Tinutukoy ang isa nilang kasamahan na wagas kung dumaldal. Na-i-tsismis kasi ang paghaharap ng dalawa sa isla.

Hindi sumagot si Scarlette ngunit nakuha naman agad ni Kurt ang sagot nang magtaas na ito ng kilay.

Nanininggkit ang mga mata ni Kurt habang nakatingin kay Marcus. Kinuha ang cellphone at nagtipa ng mensahe. Pagkatapos ay pinakita kay Scarlette. ‘Anong ginagawa niya rito?’

Kinuha ni Scarlette ang cellphone at nagtipa rin ng mensahe. ‘Hindi ko alam dahil hindi naman ako sinasagot no’ng tanungin ko.’

‘Hindi ba okay na? hindi na tuloy ang plano ni General na engagement? Baka nagbago isip? Tapos ay sinundan ka hanggang dito.’

‘Pa’no mo naman nasabi?’ ang balik mensahe niya kay Kurt.

‘Baka alam na niya kung sino ka? ‘Di ba sabi mo, hindi ka nagpakilala do’n sa isla?’

‘Oh, tapos?’, ang balik ni Scarlette na nag-uumpisa nang mainis sa paligoy-ligoy na usapan.

‘Anak ka ni general Allan Rodriguez, sigurado akong magbi-benefits siya ng malaki once na maging kayo.’

“Anak din siya ng General, remember?’

Hindi na nakatiis si Kurt at kusa nang lumapit sa kanya upang bumulong, “Adopted lang siya. He’s not worthy of that title.”

Hindi nagustuhan ni Scarlette ang sinabi ni Kurt pero aminado siyang may punto ito. Hindi nagtagal ay natigil ang palihim nilang usapan dahil lilipad na ang eroplano.

Ngunit kahit nasa himpapawid na ay hindi mawala-wala sa isip niya ang sinabi ni Kurt. ‘Sinusundan niya kaya talaga ako?’, Sa isip-isip ni Scarlette.

Hanggang sa napagtanto niyang baka nagkakamali lang si Kurt. “Parang hindi naman. Baka nagkataon lang.”

Muling nilabas ni Kurt ang cellphone at nagtipa ng panibagong mensahe. ‘Talaga? Matapos mong ma-promote dahil sa huling mission natin?’

Muli na namang napaisip si Scarlette ng dahil sa ginawang paghuli sa kriminal na dinala niya sa isla. Na-promote siya sa trabaho pagbalik niya. Siya na si Police executive master sergeant Scarlette Rodriguez.

At may posibilidad na kumalat na sa buong police department ang balita sa kanyang promotion.

Nagkatinginan sila ni Kurt na tumango-tango at sigurado sa conclusion kay Marcus. Kaya hanggang sa makababa sa eroplano ay ito ang nasa isip ni Scarlette.

Palabas na sila sa airport nang hindi na siya makatiis at inis na bumulong, “Ano bang problema niya? Ba’t sunod siya nang sunod?”

“Ang alin?” ang nalilitong tanong ni Kurt.

“Sino pa ba? Hindi mo ba napapansin na kanina pa niya tayo sinusundan?”

Lumingon naman sa likod si Kurt at saka lang napansin si Marcus na naglalakad hindi kalayuan sa kanila. “Ibang klase ka talaga, Captain. Ni hindi ko nga naramdamang sinusundan pala tayo. Teka lang.” Bigla itong bumalik at hinarangan si Marcus. “Anong kailangan mo? Ba’t mo kami sinusundan?”

“Hindi ko kayo sinusundan.”

“Ah, talaga ba?” Kitang-kita ang nanunuyang ekspresyon sa mukha ni Kurt. “Sa tingin mo ba ay maloloko mo kami?”

Hindi na makatiis si Scarlette at saka lumapit sa dalawa upang pigilan si Kurt. “Tama na ‘yan, nakaka-istorbo na tayo sa ibang tao.” May mga ibang pasahero kasi ang napapatingin na sa gawi nila.

Ayaw na ayaw niya pa naman na nakakaabala sa iba. May pagbabanta ang tinging ipinukol niya kay Marcus upang hindi na magtangkang sumunod at pagkatapos ay hinila si Kurt palayo.

Dahil sa pagiging abala ay hindi na napansin ni Scarlette na bukod kay Marcus ay may iba pang sumusunod sa kanila ni Kurt. At nang makakuha ng tiyempo ay walang ano-ano’y pinatumba si Kurt.

Paglingon ni Scarlette ay wala na itong malay at nakahandusay na sa sahig. May isang hindi kilalang lalake ang tinutukan si Kurt ng maliit na kutsilyo sa leeg. Akma siyang lalapit nang biglang may kung anong dumikit sa kanyang tagiliran. “Subukan mong gumalaw at butas ‘tong tiyan mo,” ang wika ng isa pang lalake sa kanyang likod.

Habang ang pangatlong lalake ay hinawakan naman siya sa kabilang braso upang hindi siya magtangkang gumalaw.

“Anong kailangan niyo?” tanong ni Scarlette upang i-distract ang mga ito. Kailangan niyang kumuha ng sapat na oras upang mapag-isipan ang susunod na hakbang. Hindi siya pwedeng magpadalos-dalos dahil baka masaktan si Kurt.

“Sa’n mo dinala ang Boss namin?”

“Sinong tinutukoy niyo?”

‘Ang kriminal ba na dinala niya sa isla ang tinutukoy nito’, Sa isip-isip ni Scarlette. Nagpalinga-linga siya sa paligid upang alamin kung may nakakapansin ba sa kanila na ibang tao. Ngunit mukhang eksperto ang mga armadong lalake dahil bukod sa hindi kahina-hinala ang mga galaw ay tagong-tago rin ang gamit na kutsilyo sa kamay nito at baril kanyang sa tagiliran.

Tila nakahawak lang kasi sa leeg ang nagbabantay kay Kurt na nakuha pang itayo ito upang maisakay sa humintong sasakyan sa harap nila.

Bahagya siyang gumalaw at sumubok na manlaban ngunit mas lalo lang humigpit ang kapit ng mga ito sa kanyang braso. Dumiin ang baril mula sa tagiliran na inilipat na sa kanyang batok. “Last warning na ‘to. Isa pang galaw, sabog ‘tong bungo mo,” ani ng armadong lalake na may hawak ng baril.

Unti-unti na siyang inaakay papasok sa kotse nang mapatingin kay Marcus na malapit lang sa kanila. Nakatingin ito sa kanya kaya agad naman siyang nagpadala ng sinyales upang matulungan… ngunit nakatitig lang ito. Hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan.

“Duwag,” aniya.

“Ano? May sinasabi ka?” ang tanong ng isa sa mga armadong lalake.

Napansin ni Scarlette na na-distract ito kaya agad niyang kinuha ang pagkakataon at bigla siyang yumuko sabay atras. Ang baril na kanina’y nasa batok ay nasa harap na niya ngayon. Sa isang mabilis na galaw ay nagawa niya itong mahawakan at maagaw sa lalake. Pagkatapos ay nag-crouch siya sabay bitaw sa baril na bumagsak sa kanyang hita. Ang dalawa niyang kamay ay hinawakan ang braso ng dalawang lalake sabay hila palapit, sanhi upang magbungguan ang katawan ng mga nito.

Isa uling mabilis na galaw at nagawa niyang maisuksok sa likod ng suot na pantalon ang baril sabay tayo habang hawak ang ulo ng dalawa. Pinag-umpog niya ang dalawang lalake sa ulo at pagkatapos ay niyuko. Ginamitan niya ng tuhod ang ulo ng lalake sa kanan at siko naman ang lalakeng nasa kaliwa.

Sa lakas ng impact ay halos mahilo-hilo ang dalawa na kalaunan ay natumba. Alam niyang ilang segundo lang bago makabalik sa wisyo ang dalawa kaya iniwan niya muna pansamantala ang mga ito upang iligtas si Kurt. Ngunit huli na siya dahil nauna na itong lumabas sa sasakyan.

“Ayos ka lang?” ang tanong ni Scarlette nang makitang wala namang nakatarák na kutsílyo sa leeg nito.

Tumango si Kurt. “Eh, ikaw?”

“Ayos lang.” Sabay silip sa isa pang armadong lalake na nasa sasakyan. Nakita niya itong tulog. “Kailan ka nagising?” ang tanong niya kay Kurt.

“Kanina, no’ng itayo ako. Sa inis ko nga pinatikim ko ng sampung suntok,” pagyayabang pa nito.

Ang dalawang lalakeng iniwan niya ay nakatayo na. Akmang susugod pa nga nang bigyan ni Scarlette ng sipa, at nagsabay pa sila ni Kurt. Muling natumba ang dalawa at hindi na nakatakas nang dumating ang mga security guard upang hulihin ang mga ito. Binitbit rin ang isa pa ngunit wala na ang driver sa sasakyan.

Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid na nakasaksi sa pangyayari. Tanging tango at ngiti ang binigay ni Scarlette at Kurt sa mga ito bago tuluyang umalis.

At saktong nahagip ng kanyang paningin si Marcus na naroon pa rin sa lugar. Nilapitan niya ito ng may panunuya sa mga mata. “Alam mo, hindi ka dapat pumasok sa ganitong klase ng trabaho kung duwag ka naman pala. At sana, sa susunod nating pagkikita, kung magkita pa tayo, iba na trabaho mo. Dahil hindi ka bagay sa larangang ‘to.”

Nabigla naman si Marcus sa talas ng dila ng babaeng pulis. Ngunit saglit lang at balik uli sa dati. “Okay,” ang tipid na sagot ni Marcus nang mahagip ng paningin ang papalapit na sasakyan.

Napatingin si Scarlette sa tinitingnan nito na mas lalo niyang ikinainis dahil sa kawalan ng respeto habang kaharap siya. 

At walang ano-ano pa ay biglang umalis si Marcus. Mabilis ang hakbang papunta sa mamahaling kotseng tinitingnan kaya hindi na napansin na may nahulog itong maliit na envelop.

Si Kurt na siyang unang nakapansin sa envelop ay pinulot ito. Sinabihan naman ni Scarlette na huwag mangialam ngunit hindi siya sinunod ni Kurt. Tiningnan nito ang loob ng envelop at nakitang isa ‘yong wedding invitation.

“Akala ko ba, ikaw ang fiancée, Captain? Ba’t ibang pangalan ang nakalagay sa card?” ani Kurt.

Kaya tumingin na rin siya at tama nga ito. Hindi ang pangalan niya kundi pangalan ng ibang babae ang nakalagay sa invitation card. “Hindi pa lumilipas ang isang buwan ay may naipalit na siya sa ‘kin?”

“O, baka ito talaga ang fiancée at gusto ka lang gawing kabit?” ang biro ni Kurt na hindi niya nagustuhan kaya sinikmuraan niya ito. Mahina lang naman ngunit may impact pa rin kaya ito umaray.

“Isuli mo at baka kailangan niya ‘yan.” Muli siyang tumingin kung saan niya huling nakita si Marcus na ngayon ay papasakay na sa kotse.

Marahil ay ang babaeng nasa invitation card ang sakay ng mamahaling kotse at sinusundo si Marcus. “Itapon mo na lang pala. Sinundo na siya ng soon-to-be-wife niya.”

HANGGANG sa makasakay sa kotse ay hindi maalis sa isip ni Marcus ang mga sinabi ng babaeng pulis. Talagang hinusgahan siya nito dahil lang sa hindi siya tumulong nang muntikan nang mapahamak dahil sa mga armadong lalake.

Hindi siya ‘duwag’ na tulad ng inaakala nito. Sadyang hindi siya kumilos nang humingi ito ng tulong dahil alam niyang may kakayahan ang babaeng pulis na patumbahin ang mga kalaban.

Nagawa nga nitong mapansin siyang sumusunod kaya alam niyang hindi ito basta-basta. Ngunit kung pagbabasehan ang kakayahan nito kumpara sa kanya, ay kulang pa ito sa insayo at focus.

Hindi kasi nito napansin na kanina pa mula sa loob ng eroplano ay may sumusunod na. At madali ring napatumba ng mga kalaban ang kasama nitong lalake na ikinadismaya ni Marcus.

Hindi nag-iingat ang mga ito na animo ay hindi mga pulis. Na dapat sa lahat ng oras ay alerto sa paligid at sa mga taong nakakasalamuha.

“Welcome sa probinsiya, Boss,” ani Artemio Lopez matapos niyang makalapit. Isang kilalang businessman at pinakamayamang tao sa buong probinsiya.

May mga hotel at farm na nagkalat sa buong probinsiya at sa ibang bansa. Bukod roon ay tumutulong pa ito sa mga taong nangangailangan.

Sa kabila ng pagiging abala sa negosyo ay hindi nito pinalampas na masundo si Marcus sa airport nang malaman na magtutungo sa lugar na sinasakupan. Personal pang sinundo kahit na marami itong tauhan na mauutusan.

Ang mga tao ngang naroroon na kilala si Artemio ay namamangha nang makitang yumuko pa ito kay Marcus bago magyayang sumakay sa kotse.

“Sigurado akong magugustuhan mo rito, Boss.”

“Sana nga,” ang tipid na sagot ni Marcus at sumulyap sa labas kung saan ay makikitang nakatingin ang babaeng pulis sa kanya.

Related chapters

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Tres

    MUKHANG napansin naman ni Artemio kung saan siya nakatingin. "Kasama mo ba sila, Boss?” ang tanong niya kay Marcus.“Hindi. Nakasabay ko lang sa eroplano. Saka, ‘wag mo na ‘ko tawaging ‘boss’, wala ka na sa kulungan.”Nangiti naman si Artemio at saka umiling-iling. “Naku, mukhang mahihirapan ako n’yan, dahil nasanay na ako tawaging ‘boss’.”“Ayos lang, kung hindi ka sanay,” ani Marcus at sumulyap sa driver na kanina niya pa napapansing nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror.“Magandang araw, Boss,” ang magalang na bati naman nito sa kanya.“Siya nga pala ang driver ko, mahigit sampung taon na siyang nagtatrabaho sa ‘kin.” Ang pakilala naman ni Artemio.“Madalas ho kayong nakukuwento ni Sir no’ng makabalik siya. Maraming-maraming salamat sa pagtulong niyo sa kanya,” ang pahagay ng driver na labis na ipinagpapasalamat ni Artemio. Dahil kung hindi siya tinulungan ni Marcus ay wala siya ngayon dito, kasama ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.Isa siyang dating bilanggo sa ‘He

    Last Updated : 2022-10-10
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Cuatro

    SA ‘HEAVEN’, habang pabalik na si warden Torres sa kanyang quarters ay narinig niya ang dalawang inmate na nag-uusap sa kanilang selda.Ang pinag-uusapan ng dalawa ay ang naganap na away sa pagitan ni inmate-4687 at Uno. At kung gaano kaawa-awa ang itsura ni 4687.“Kasalanan niya naman!” ang sabi ng isang inmate. “Bakit niya kasi sinabihan ng gano’n si Uno?”“Bakit, ano bang problema? Balita ko, dating sundalo ‘yung si Uno, totoo ba?”“Ay, oo naman! Sobrang daming tao ang natulungan no’n.”Na-curious si warden Torres kaya sumandal siya sa pader upang mas lalong makinig sa usapan ng dalawang preso.“E, ano bang nangyari at nakulong siya rito?” ang tanong ng pangalawang inmate.“A’yun! Biglang nabaliw at pinagpapata*y ang kasamahan niyang sundalo.”“Mga ogag!” May isang inmate ang sumabat sa usapan. “Hindi siya nabaliw. At kung ako ang nasa posisiyon no’ng si Uno? Aba’t papatay*n ko rin ‘yung mga sundalong 'yun!"“Bakit, ano ba talagang nangyari? Bakit niya pinat*y ang mga kaibigan niya

    Last Updated : 2022-10-10
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Cinco

    MATAPOS ang dinner sa mansion ng Fajardo ay nag-usap pa nang matagal si Fausto at Leonardo, kasama si Liliane.Si Marcus naman ay umakyat sa taas patungo sa kwarto upang palihim na makinig sa usapan ng tatlo. Inaya naman siya ni Leonardo na sumama sa mga ito at makipagkwentuhan ngunit hindi na lamang siya sumalo nang tingnan siya ng masama ni Liliane.Una niyang madadaanan ang kwarto ni Luna na saktong bumukas ang pinto. Bahagya itong natigilan nang makita siya at pagkatapos ay mabilis na sinara ang pinto at humarang pa sa hamba. “I won’t allow you to enter my room.”“Bakit?”“What? Anong bakit? Do you expect me to invite you inside just because you’re my husband?"“That’s not what I mean. Alam ko namang off-limits ako, kahit pa kasal na tayo. I ask, kasi bakit mo naisip na I will go to your room… if I have my own?” Sabay turo sa guest room na noong umpisa pa lang ay kwarto na niya. “Dadaan lang naman ako.”“Oh, really? Do you expect me to believe that? First night ng kasal natin ngay

    Last Updated : 2022-10-10
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Seis

    NANATILING may ngiti sa labi si Spencer habang nakatingin kay Marcus. Iniisip na kaya wala itong reaksyon ay dahil kinakabahan na ito nang maghamon siya ng laban.Ngunit ang totoo ay hindi lang makuha ni Marcus ang dahilan kung bakit ito naghahamon na makipag-fencing sa isang club, kung saan ay may party at maraming tao na posibleng madamay.Walang duda na may alam si Spencer sa fencing dahil hindi naman ito maghahamon kung hindi nito kayang iyabang ang kakayahan, pero hanggang maaari'y ayaw ng pumatol ni Marcus.“Pasensya na pero ayoko,” ang tipid niyang sagot na ikinalawak ng ngiti ni Spencer sa puntong nagpipigil pa ito ng tawa.Si Luna naman na nalilito at hindi alam ang gagawin ay lumapit kay Spencer. “Spencer, please stop this nonsense. ‘Wag mo namang gawin ‘to,” pakiusap niya.Ang kaninang naaaliw na eskpresyon ni Spencer ay bigla na lang sumeryoso at naging iritado. “Bakit, Luna? Concern ka ba rito sa manliligaw mo? Natatakot ka na magmukhang kawawa once na matalo ko?”“That’s

    Last Updated : 2022-11-02
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Siete

    ABALA si Marcus sa pag-aayos ng isa sa mga surveillance camera at audio na itinago niya sa library room sa mansion nang dumating si Fausto.Agad siyang kumuha ng isang libro at nagkunwaring nagbabasa nang lumapit ito sa kanya.“Narito ka pala,” ang komento nito. “Interesado ka ba sa pagninegosyo?” aniya nang mapansin ang hawak nitong libro.Sinara ni Marcus ang libro at saka tiningnan ang pamagat. “Hindi naman masiyado,” aniya habang nasa surveillance camera ang atensyon dahil hindi pa naitatago nang maayos.Mabuti na lamang at sa kanya nakaharap si Fausto kaya hindi pa ito napapansin.“Sabagay, magaling na businessman ang Lolo mo, kaya nasisiguro kong may interes ka rin sa pagninegosyo.” Tumalikod si Fausto kaya mabilis niyang sinamantala ang pagkakataon na matakpan ang surveillance camera sa pamamagitan ng hawak na libro.At pagkatapos ay sumunod siya sa may study area. Pinindot ni Fausto ang maliit na buzzer sa may table matapos itong umupo sa swivel chair at ilang sandali pa ay kum

    Last Updated : 2022-11-03
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ocho

    Chapter 8 ILANG SEGUNDONG nagkatitigan si Marcus at Scarlette. At ramdam ni Kurt ang namumuong tensyon sa dalawa. Kaya bago pa magkainitan ay humarang na siya sa gitna at pinigilan si Scarlette. “Captain, ba’t ka naman nagtatanong ng ganyan sa kanya?” aniya at saka bumulong, “Pinagmumukha mo naman siyang suspek.” Matalim na tingin ang pinukol ni Scarlette bago ito hinawi para muling harapin si Marcus. “Uulitin ko, nasa’n ka no’ng—” “Nasa bahay ng in-law’s ko, nagdi-dinner.” “Talaga?” Muling pinigilan ni Kurt si Scarlette dahil nakakakuha na sila ng atensyon ng iba. At kahit nga ang mga kasamahan na warden nito ay nagbubulungan na. “Walang dahilan para magsinungaling ako. Kaya kung tapos ka ng magtanong ay mauuna na ‘ko.” Nagpatuloy si Marcus upang samahan na ang kapwa warden na naghihintay. “Sino ‘yun? Girlfriend mo?” tanong ng isang warden na kanina’y nililibak siya. “Hindi, kakilala ko lang,” tipid niyang sagot at saka nauna upang maiwasan ang kung ano-anong mga tanong. Si S

    Last Updated : 2022-11-04
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Nueve

    PAUWI na mula sa trabaho si Marcus ng isang tawag mula kay Fausto ang kanyang natanggap.Una niyang narinig ang hiyaw mula sa kabilang linya kasunod ang boses ni Fausto. “Nasa’n ka ngayon?”“Pauwi na, bakit ho?”May kaingayan sa kabilang linya at rinig na rinig ang hikbi ng kung sino mang kasama ni Fausto. “Pumunta ka muna rito sa police station," ang utos nito saka tinapos ang tawag.Hindi man lang nagawang makapagtanong ni Marcus kung anong nangyari at kailangan niyang pumunta sa police station. Magkagano'n man ay mabilis pa rin siyang nagtungo ro'n.Pagkarating sa estasyon ay natigilan siya nang makita si Luna sa loob ng selda. Nakaupo’t umiiyak tulad ni Liliane na humihikbi habang nakatingin sa anak.Agad na lumapit si Fausto sa kanya upang humingi ng tulong o kung may magagawa ba siya upang mailabas agad si Luna. Matapos ay lumapit siya sa asawa upang kausapin ito, “Anong nangyari?” tanong ni Marcus.Hindi sumagot si Luna. Nakatungo lang ito at ayaw man lang siyang tingnan.“Sabih

    Last Updated : 2022-11-07
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Diez

    KAHIT AKAY-AKAY na ng mga pulis ay pilit pa ring nagpupumiglas at nagdadahilan si Spencer. Nariyang nag-iingay siya upang makatawag pansin sa ibang tao dahil kilala siya sa lugar. Mabilis na kakalat ang balita na narito siya sa police station at inaasahang darating agad ang kanyang pamilya upang tulungan siya.Dalawang pulis ang nakahawak sa magkabila niyang braso at may dalawa pang nakabantay sa likod upang hindi niya magawang makatakas.Ipinasok at iniwan siya sa interrogation room upang imbestigahan. “Baka pwedeng tanggalin mo naman ‘to?” aniya sa pulis na nagpaiwan upang magbantay, ngunit hindi siya nito pinansin na ikinainis niya. “Hindi mo ba ‘ko naririnig?!”Walang epekto at nanatiling nakatayo ang pulis hanggang sa pumasok si Scarlette kasama ang isang pang pulis.Tila naman nabuhayan si Spencer ng makita ito. Dahil kaibigan ng kanyang pamilya ang nagpakitang pulis. Sigurado na ang tiyak niyang pag-alis sa lugar.Ngunit agad ring nawala ang tuwa sa kanyang mukha nang hindi man

    Last Updated : 2022-11-07

Latest chapter

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y tres

    KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y dos

    PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y uno

    MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta

    UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y nueve

    NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y ocho

    NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y siete

    DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y seis

    NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y cinco

    THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status