Share

Kabanata Cinco

Author: Zxoul49
last update Huling Na-update: 2022-10-10 06:47:07

MATAPOS ang dinner sa mansion ng Fajardo ay nag-usap pa nang matagal si Fausto at Leonardo, kasama si Liliane.

Si Marcus naman ay umakyat sa taas patungo sa kwarto upang palihim na makinig sa usapan ng tatlo. Inaya naman siya ni Leonardo na sumama sa mga ito at makipagkwentuhan ngunit hindi na lamang siya sumalo nang tingnan siya ng masama ni Liliane.

Una niyang madadaanan ang kwarto ni Luna na saktong bumukas ang pinto. Bahagya itong natigilan nang makita siya at pagkatapos ay mabilis na sinara ang pinto at humarang pa sa hamba. “I won’t allow you to enter my room.”

“Bakit?”

“What? Anong bakit? Do you expect me to invite you inside just because you’re my husband?"

“That’s not what I mean. Alam ko namang off-limits ako, kahit pa kasal na tayo. I ask, kasi bakit mo naisip na I will go to your room… if I have my own?” Sabay turo sa guest room na noong umpisa pa lang ay kwarto na niya. “Dadaan lang naman ako.”

“Oh, really? Do you expect me to believe that? First night ng kasal natin ngayon, tapos sasabihin mo na hindi mo ‘ko papasukin sa room?”

Muntik nang matawa si Marcus kung hindi lang siya nagpigil. Gusto lang naman niyang pumunta sa sariling kwarto para gawin ang kanyang misyon ngunit ganito pa ang mangyayari? Ano ba ang tingin ni Luna sa kanya? Ma*yak?

“No. And para maniwala ka… aalis ako, hindi ako rito matutulog.”

Bahagyang kumalma ang ekspresyon ni Luna sa kanyang sinabi. “Okay,” ang sagot nito at saka siya nilagpasan.

Ang planong pakikinig sa usapan ng matatanda sa ibaba ay hindi na lamang niya tinuloy at umalis muli sa mansiyon upang doon na lamang matulog sa resort.

Malapit ng maghating-gabi ng makabalik siya sa resort. May mangilan-ngilan na turista ang gising pa rin na nasa may pool nang dumaan siya. Sa front desk ay pinaalam niya na bumalik siya upang doon na magpalipas ng gabi.

Nag-alok ang isang staff na ihahatid siya sa kanyang kwarto nang mapansin ang apat na lalakeng nilagpasan siya. “Hindi na kailangan,” ang sagot niya sa staff. Paalis na sana si Marcus nang maalala ang nakitang tattoo na nasa braso ng isa sa apat na lalakeng dumaan.

Pamilyar sa kanya ang imahe sa tattoo ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. Nang nasa tapat na ng kwarto ay saka lang rumehistro sa kanyang utak na ang tattoo’ng nakita ay mula sa isang grupo ng mga kriminal. At noong isang taon ay may hinatid na kriminal sa isla na may ganoong tattoo, walang iba kundi ang leader ng grupo.

Dali-daling bumalik si Marcus upang alamin kung anong ginagawa ng isa sa miyembro ng grupong iyon. At nakita niyang tumambay ang mga ito sa may pool, nag-uusap.

Hindi niya inaalis ang tingin sa lalakeng may tattoo hanggang sa napapansin niyang panaka-naka itong tumitingin sa itaas ng resort, sa mga kwarto.

Kaya bumalik siya at tinanong sa front desk kung sino-sino ang mga naka-check-in sa itaas… at doon ay nalamang dalawa sa guest ay ang babaeng pulis at ang kasama nitong lalake. Ilang beses na niyang na-encounter ito ngunit ngayon niya lang nalaman ang pangalan ng babaeng pulis.

May kutob si Marcus na ang pakay ng lalakeng may tattoo ay si Scarlette. Sa dami na ng kriminal na nakasalamuha ay hindi siya maaaring magkamali sa kutob.

Sa kulungan lang maaaring magtagpo sa iisang lugar ang pulis at kriminal. Maliban doon ay maaaring nagkataon lang o sinadya.

Dali-dali siyang tumawag sa isla upang tanungin si warden Torres kung alam ba nito kung sino-sino ang mga miyembro ng naturang grupo. Sa isla na siya tumawag upang maiwasan ang maraming tanong kung sa police station siya kakalap ng impormasyon.

“Hello? Alam mo ba kung anong oras na?” ang sagot ni warden Torres sa kabilang linya. Yamot dahil naantala ang tulog.

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Marcus at agad tinanong ang tungkol sa grupo at kung ano ang kinalaman ni Scarlette sa grupo?

“Kung hindi ako nagkakamali ay siya at ang kanyang team ang nakahuli sa leader, bakit mo naman naitanong?” ani warden Torres na hindi matukoy kung saan papunta ang usapan dahil sa antok.

Kaya pinaalam ni Marcus ang maaring mangyari.

“Teka! ‘wag mo sabihing huhulihin mo ‘yang mga ‘yan ng mag-isa?” ani warden Torres na tila nawala ang antok sa sinabi ni Marcus. “Napakadelikado ng mga ‘yan!” ang babala pa nito.

“Salamat sa impormasyon.” At saka binaba ang tawag. Walang pakialam si Marcus sa babala nito tungkol sa grupo ng mga kriminal.

Bumalik siya sa may pool upang magmasid pa sa apat na lalake na hindi nagtagal ay bumalik na papasok sa resort. Umakyat ang mga ito sa itaas na kapansin-pansin na ang mga kakaibang ikinikilos.

Huminto ang apat sa tapat ng kwarto ni Scarlette. Ang dalawa sa grupo ay agad nagmasid sa paligid.

Mabilis na nakapagtago sa pader si Marcus. Matapos ay dumukot sa bulsa upang ibato sa mga ito ang barya na agad lumikha ng ingay. Naagaw niya ang atensiyon ng grupo dahil sa ginawa.

“Hoy!” ang sigaw ng isa matapos tumakbo ni Marcus upang magpahabol at mailayo ang grupo sa resort.

Sa madilim at likod na parte ng resort huminto si Marcus sa pagtakbo. Ang ilaw na nagmumula sa resort ay hindi na abot sa parte kung nasaan siya at ang grupo. Sinadya niya ito upang mas maging lamang sa kalaban.

Madamo ang lupang inaapakan at malamig din ang simoy ng hangin. Hindi niya man makita ngunit alam niyang nasa paligid lang ang apat na lalake. Bentaha na sanay siya sa dilim ngunit hindi pa rin gano’n kadaling alamin kung nasaan eksakto ang apat.

Yumuko siya at bumunot ng damo sabay bato sa kanyang harapan. Agad na nagsalita ang dalawa sa grupo at hindi na nag-aksaya ng oras. Mabilis na sumugod si Marcus bago pa gumalaw at mawala sa puwesto ang mga ito.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Marcus na agad ikinatumba ng isa sa grupo. Matapos ay may kung anong dumaplis sa kaliwa niyang balikat. Agad niyang naramdaman ang hapdi kaya mabilis siyang umatras.

“Sa tingin mo ba ay hindi kita mararamdaman?” ang sabi ng isa. “Kumusta? Nahíwa ko ba ang braso mo?”

Sa isip-isip ni Marcus ay tama nga si warden Torres na delikado ang grupong ito. Wala na siyang magagawa pa kundi ang magseryoso. Dahan-dahan siyang umatras at nang naging sapat na ang distansya niya sa lalakeng nagsalita ay saka siya sumipol.

May mga hawak na sandata ang grupo at mahihirapan siyang sumugod kung hiwa-hiwalay ang mga ito. Kaya ang paraan na naisip niya’y sila na lamang ang pasusugurin papunta sa kanya.

“Aba! At talagang nakuha mo pang sumipol? Mukhang gusto mo na yatang mamatáy?”

Patuloy lang si Marcus sa pagsipol hanggang sa may lumapit. Sinadya niyang ipain ang sarili hindi upang masaktan, kundi dahil alam niyang madali niya lang maipapanalo ang laban sa ganitong paraan.

Magagaling nga ang mga kriminal na ito, walang duda. Ngunit may isang napansin si Marcus. Tulad niya ay malakas ang pakiramdam at mabibilis ang kilos ng mga ito ngunit… mabibigat ang galaw na agad niyang napansin.

Ramdam niya ang mabibigat na hakbang ng apat sa madamong lupa. At hindi nga nagtagal ay may isang pares ng paa ang patakbong sumugod sa kanya.

“Katapusan mo na!” ang sigaw ng lalakeng sumugat kay Marcus.

Hinanda ni Marcus ang cellphone at pinailawan ito malapit sa mukha na agad nitong ikinasilaw. Kinuha niya ang pagkakataong na-distract ito sa ginawa niya at mabilis na inagaw ang hawak na patalim.

Matapos ay hiníwa ni Marcus ang balikat nito bilang ganti sa ginawa sa kanya. Hindi pa siya nakuntento at ilang beses pinadaan ang patalim sa iba’t ibang parte ng katawan ng lalake.

Sa madilim at tahimik na gabi ay maririnig ang mahihinang hiyaw ng lalake ng dahil sa ginawa ni Marcus. At ang tatlo namang lalakeng natitira ay biglang nakaramdam ng kaba.

Hindi nila akalain na makakasagupa sila ng malakas na tao. Sa dami ng mga nakalaban at napatáy nila ay ngayon lang sila nakaharap ng taong nagbigay kaba at kilabot sa buong parte ng kanilang katawan, nang dahil lang sa narinig nila ang hiyaw ng kasamahan.

Ngunit magkagano’n man ay tatlo pa rin sila kumpara kay Marcus na mag-isa lang. Kayang-kaya nila itong pagtulungan.

Iyon ang iniisip ng mga kriminal ngunit nang mainip si Marcus ay bigla na siyang sumugod sa tatlo. Sa bilis ng pangyayari ay huli na rin ang naging reaksyon ng tatlong kriminal.

Tulad ng ginawa ni Marcus sa unang lalake ay pinaghihíwa niya rin ang ilang parte ng katawan ng tatlo, lalo na sa paa at kamay. Sa ginawang ‘to ni Marcus ay pansamantalang mahihirapan ang apat sa pagamit ng paa at kamay. Kaya kung ano man ang binabalak nila kay Scarlette ay hindi nila magagawa, sa ngayon.

Matapos ay tinawagan ni Marcus ang staff ng resort na naka-assign sa front desk upang magpadala ng mensahe kay Scarlette. Naisip niyang mas mabuting ito na rin ang humuli sa grupo tulad ng ginawang pagdakip sa leader.

Pagkatapos ay muli niyang binalikan ang apat na lalake at saka pinatulog gamit ang kamao upang hindi makatakas sa oras na umalis siya.

MALAKAS na katok ang ginawa ni Scarlette sa labas ng pinto ng kwarto ni Kurt, matapos niyang matanggap ang mensahe na sinabi ng staff ng resort. Dali-dali siyang lumabas sa kwarto upang gisingin ito.

“Bakit?” ang tanong ni Kurt na pipikit-pikit pa ang mga mata. Naka-topless at nagkakamot ng tiyan.

“Magbihis ka’t may pupuntahan tayo, bilis!”

Wala ng maraming tanong ay sumunod si Kurt dahil alam niyang may nangyari kapag nagmamadali si Scarlette. Paglabas ay hinila siyang agad nito papunta sa front desk.

“Ikaw ‘yung tumawag sa ‘kin kanina ‘di ba?” ang tanong ni Scarlette na tinanguan ng staff. “Sinong nagpadala ng message?”

“Sorry, Ma’am pero hindi ko po alam. Tumawag lang din po rito ang caller to relay the message,” ang sagot naman ng staff.

Hindi na pinilit ni Scarlette ang staff. Muli niyang hinila si Kurt papunta sa labas ng resort.

“Sa’n tayo pupunta, Captain?”

Hindi sumagot si Scarlette at saka nilabas ang cellphone para ilawan ang kanilang daraanan. “May natanggap akong tip na narito ang ilang member ng grupong X.M.”

“Ano?” Hindi makapaniwala si Kurt na narito lang pala sa lugar ang member ng grupong matagal na nilang pinaghahanap. “Sino ang nag-tip?”

“’Yan ang dapat nating alamin pero sa ngayon ay unahin muna natin ang pagtunton sa kanila at baka makawala pa—!" Natigilan si Scarlette sa nakita.

Katawan ng apat na lalake ang makikita sa lugar na nakahandusay sa damuhan at naliligo sa sariling dugo.

“Tumawag ka ng pulis,” ang utos bigla ni Kurt. Matapos ay lumapit sa apat upang alamin kung humihinga pa ba ang mga ito.

“K-kumusta?”

Umiling si Kurt. “Ang dami nilang saksák sa katawan. Sa dibdib, tiyan at likod. Kung sino man ang gumawa nito ay mukhang walang balak na buhayin ‘tong apat.”

Lumapit pa nang husto si Scarlette upang inspeksyunin din ang mga katawan. “Sariwa pa, kung sino man ang gumawa nito’y nasisiguro kong hindi pa nakakalayo.” 

Biglang tumayo si Kurt upang sana’y hanapin sa paligid ang salarin nang pigilan ni Scarlette.

“Sa’n ka pupunta? ‘wag mo sabihing hahanapin mo ang gumawa nito?” Mahigpit ang kapit ni Scarlette sa braso nito.

“Hindi ko pwede hayaang nagpagala-gala ang kriminal na ‘yun!”

Nabitawan ni Scarlette ang cellphone nang pilit na inaalis ni Kurt ang kamay nito mula sa kanya. Dahil doon ay panandaliang dumilim ang paligid.

Kalmadong pinulot ni Scarlette ang cellphone at itinutok sa pagmumukha ni Kurt na agad nasilaw sa liwanag. “Hahanapin natin, ‘pag dumating na ang mga pulis.”

Tila naman natauhan si Kurt. “Pasensiya na, nakalimutan kong hindi ‘to ang mission natin sa lugar."

“Tumawag na ‘ko ng pulis, maghintay na lamang tayo.”

Muling tinutok ni Scarlette ang ilaw sa apat na bangkáy. Iniisip kung isa ba itong babala mula sa taong pumatay sa apat na miyembro ng X.M.?

Hindi nagtagal ay dumating ang mga pulis sa lugar. Agad naman silang nakipagtulungan upang matunton ang posibleng salarin sa pagpatay.

Bumalik pa sila sa resort upang magtanong sa mga turistang gising pa ng mga oras na iyon at ibang staff, kung may napansin ba silang kahina-hinala.

Ngunit wala silang nakalap na impormasyon at kahit ang nakausap ni Scarlette na staff sa front desk ay wala ring alam.

Pero may kutob siyang… nasa malapit lang ang gumawa nito at maaaring nagtatago sa isa sa mga kwarto sa resort.

“Kailangan kong inspeksyunin ang lahat ng kwarto rito sa resort,” ang pahayag ni Scarlette sa staff.

“I’m sorry, Ma’am, but it’s a bit too late. You might disturb the other guest.”

Mabigat ang buntong-hininga ni Scarlette. Hindi niya pwedeng ipilit ang gusto at baka mapaalis pa sila sa resort. “Tingnan ko na lang ang list ng guest na nag-check-in dito pati na rin ang CCTV.”

Sandaling pinaalam ng staff sa iba pang staff ang request niyang makita ang CCTV footage nang dumating si Kurt na nagpaiwan sa pinangyarihan ng insidente.

“Kumusta? Anong balita sa imbestigasyon?”

“May nakitang patalim malapit sa mga katawan. Mukhang ito ang ginamit sa pagpatáy ngunit nang makita ay malinis na at walang bahid ng dugo.”

“Marahil ay nilinis muna niya ang patalim bago itinapon sa malapit.” Ang hinala ni Scarlette. Mayamaya pa ay tinawag na siya ng staff upang ihatid sa surveillance room habang nasa isip na hindi na isa kung hindi’y dalawa na ang magiging mission niya sa lugar.

Ang hulihin ang grupo na sangkot sa drugs at ang taong pumatay sa apat na miyembro ng X.M.

KINAUMAGAHAN ay ni-report ng staff ang nangyari sa pagpatáy sa apat na lalake kay Artemio na siyang namamahala sa resort.

“Si Marcus?” ang tanong niya matapos malaman ang nangyari kagabi.

“Nasa room niya po, Sir. Hating-gabi na po siya pumunta rito at sandaling lumabas sa resort,” ang sagot ng staff.

“Alam niya na ba ang nangyari kagabi?”

“Hindi, Sir. Ipapaalam ko po ba pag-alis niya?”

“Ako nang bahala,” aniya at saka nagtuloy-tuloy patungo sa room ni Marcus.

Pagpasok niya ay gising na si Marcus na kagagaling lang sa pagligo. “Good morning, Boss,” ang bati niya at saka nilibot ang tingin sa paligid.

Walang kakaiba… maliban sa sugat sa braso ni Marcus. “Good morning din,” ang bati ni Marcus na tiningnan pa ang sugat na natamo.

“Napa’no ‘yan, Boss?”

“May muntik lang manggulo rito kaya niyaya ko sa likod nitong resort. Kaya ito—” Sabay pakita ng sugat. “Nadaplisan ako sa braso, pero okay na. Siniguro kong makukulong ang mga ‘yun sa ‘Heaven’ kasama ng leader nila.”

Napahinga nang malalim si Artemio habang pinag-iisipan kung sasabihin niya ba ang totoong nangyari?

May tiwala siya kay Marcus at alam niyang hindi ito papatáy ng tao ng walang malalim na dahilan. Kaya kung sino man ang may kagagawan sa pagpatáy sa apat na kriminal kagabi ay kailangan niya pang alamin bago niya ipaalam kay Marcus. Sisiguraduhin niyang hindi ito madadawit sa gulo.

“Ah, gano’n ba, Boss? Dapat pala’y lalo pang higpitan ang security rito sa resort,” sa halip ay ito na lamang ang sinabi ni Artemio.

Sandaling bumalik si Marcus sa banyo upang magbihis. Ngunit napansin ni Artemio ang mantsa ng dugo sa damit nito. “Magpapadala ako ng ibang damit, Boss.”

“Sige, salamat.” Kanina pa nga iniisip ni Marcus ang damit niyang may mantsa ng dugo. Hindi siya pwedeng umuwi sa mansion ng Fajardo na suot niya ang damit. At baka kung ano ang isipin ng mga tao roon.

Kinuha naman ni Artemio ang damit na may mantsa. “Anong gusto mong gawin ko rito sa damit mo, Boss?”

“’Kaw nang bahala.”

Tumango lang si Artemio at saka lumabas ng kwarto. Nang may makitang staff ay agad niyang inutusan na itapon ang naturang damit.

At nang umalis ang inutusang staff ay nakabunggo nito si Kurt sa hallway. Nabitawan ang dalang damit na agad namang pinulot ni Kurt sabay balik. “Sorry, hindi kita napansin.”

“Okay lang, Sir.” At saka nagpatuloy ang staff.

Habang si Kurt ay nakasunod pa rin ang tingin, lalo na sa hawak nitong damit.

SA MANSION ng Fajardo ay abala si Luna sa paglalagay ng make-up. Dahil mamaya ay aalis siya upang makipag-meet up sa mga kaibigan.

Matapos lagyan ng kolorete ang mukha ay ang mamahaling damit naman ang hinanda. Isang light-pink layered dress ang nilapag niya saglit sa kama bago suotin.

At habang isinusuot na niya ang peep-toe high heels ay kumatok at pumasok ang katulong para sabihin na handa na ang sasakyan niya paalis.

“Okay, bababa rin ako mamaya,” ang sagot niya at kinuha saglit ang shoulder bag.

“Kararating lang din po ni Sir Marcus.”

Saglit na natigilan si Luna sa sinabi ng katulong. Ang buong akala niya kasi ay nakalimutan na ni Marcus ang address ng mansion dahil buong araw itong wala matapos umalis kagabi.

At sa kanyang pagbaba ay nakasalubong niya ito na iba na ang suot na damit. “Sa’n ka nag-stay kagabi?” Hindi sa curious o nag-aalala siya pero ayaw niyang baka maging usap-usapan sila sa lugar ng dahil kay Marcus.

“Sa kaibigan.”

Tiningnan ni Luna ang asawa mula ulo hanggang paa na may halong pagdududa. “Kaibigan, pero iba na ang suot?”

“Nadumihan kasi ang damit ko kaya bumili ako ng bago.”

“Whatever.” Akmang lalagpasan na niya ito nang humarang si Marcus.

“Sa’n ka pupunta? Maggagabi na.”

“I’ll meet my friends.”

“Ihahatid na kita.”

“No need, my driver naman.” Muli niyang lalagpasan si Marcus nang muli rin itong humarang sa kanyang daraanan.

“I insist. Ihahatid na kita kung sa’n man ang meeting place niyo ng mga kaibigan mo.” Ngunit ang totoo ay nais talagang sumama ni Marcus upang makilala ang kaibigan na tinutukoy ni Luna. Kailangan niyang alamin kung may koneksyon o kinalaman ba ang mga ito kay Dahlia Lopelion.

“No.”

“Sige na, promise wala akong gagawin o sasabihin na hindi mo gusto. Hayaan mo lang akong sumama sa lakad mo.”

Nagdadalawang-isip pa no’ng una si Luna pero kalaunan ay hinayaan na rin niya si Marcus sa gusto. Iniisip niya kasing mas mabuting may makasama siya ngayong gabi lalo pa’t nabalitaan nila kaninang umaga na may pinatáy na kalalakihan sa likod ng resort na malapit lang sa kanilang lugar.

Paglabas sa bahay ay agad na sumakay si Luna sa likod ng sasakyan habang si Marcus ay pinalitan na ang driver.

Pagkaupo ni Marcus sa driver seat ay nilingon siya nito ngunit hindi naman nagkomento na tulad ng pinangako.

Sa isang club na pagmamay-ari ng isa niya pang kaibigan ang napiling meeting place. Akala ni Luna ay isang simpleng hang-out lang ang mangyayari pero pagpasok sa loob ay may party pala.

“Gosh, Luna!” Ang tili ni Cathy nang makita siya. “We’ve been waiting for you! Bakit ang tagal mo?”

“Traffic, by the way. Kaninong party ‘to?” ang tanong niya na halos hindi na maaninag si Cathy dahil sa smoke effect ng party.

“Well, kanino pa ba. Kay Spencer! Kauuwi lang niya kanina at nagpa-party na agad."

"Really?" agad umaliwalas ang mukha ni Luna nang malaman na umuwi na si Spencer galing sa isang business trip abroad. “I talk to him the other day yet he didn’t say na uuwi na pala siya.”

Nakaramdam ng excitement si Luna na nakauwi na pala ang kaibigan niya. Na simula pagkabata ay magkakilala na at naging malapit sa isa’t isa.

“Parang hindi mo naman ‘yun kilala. Mahilig mang-surprise….” Natameme na lamang si Cathy nang makita ang lalake sa likod ni Luna. “Oh my gosh,” ang bulong niya pa.

Nahalata ni Luna na nakatitig ang kaibigan sa kanyang likuran kaya lumingon siya at nakitang nakatayo si Marcus. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ka dapat sumunod.”

Tumingin-tingin si Marcus sa paligid bago ibigay ang atensiyon sa asawa. “Pinapasok ako ng guard.” Kahit ang totoo ay naghanap siya ng ibang daan para makapasok.

Paaalisin na sana ni Luna ito nang bigla na lamang kumapit si Cathy sa braso niya sabay bulong, “Who is he?” Kiitang-kita ang kislap sa mga mata nito.

Gusto sanang sabihin ni Luna na ‘driver’ niya ngunit sa klase pa lang ng tingin ng kaibigan ay alam na niyang type nito si Marcus. At kahit hindi niya pa rin ito tanggap ay wala siyang magagawa dahil pagbalik-baliktarin man ang mundo ay asawa niya ito. “S-suitor,” ang sa halip ay sagot niya. Ayaw niyang sabihin na asawa niya ito dahil nakakahiya at baka kung ano-ano pa ang ibatong tanong sa kanya about sa social status at wealth ni Marcus na wala naman.

“Favor. Bastedin mo, then, ipakilala mo ‘ko,” ang pangungulit pa ni Cathy.

Mabuti na lang at biglang dumating ang iba pa niyang kaibigan kaya nawala sila sa usapan.

Dinala siya at si Marcus sa isang malaking table at pinaupo. Agad na nakipagkwentuhan si Luna pero naisip na baka magtanong ang mga kaibigan niya tungkol kay Marcus. At baka may masabi pa ito na hind tama kaya lumapit muna siya rito. “’Wag mo sasabihing kasal na tayo. Suitor ang pakilala ko sa ‘yo, ‘kay?” Hindi na hinintay ni Luna ang sagot ni Marcus at agad ng bumalik sa puwesto.

Samantalang si Marcus ay patuloy pa rin ang tingin sa paligid kahit madilim at nakakainis ang patay sindi na ilaw. Pasimple niya ring pinagmamasdan ang mga kaibigan ni Luna na kasama niya sa table.

“Hi, ako nga pala si Cathy. Vey close friend ni Luna.”

Napaatras pa nang upo si Marcus nang bigla na lamang magpakilala ang kaibigan ni Luna. At dahil hindi naman pagpa-party ang sadya niya rito ay tumango-tango lang siya sa mga sinasabi ni Cathy.

“True ba na nililigawan mo si Luna?” ang bulong nito sa kanyang tenga.

At tulad ng bilin ni Luna na dapat ay ‘suitor’ lang siya ngayong gabi ay tumango siya sa tanong ni Cathy.

“Naku, ‘wag ka ng magpagod dahil may boyfriend na si Luna.”

Nagtataka man sa sinabi ay hindi na ito pinagtuonan ng pansin ni Marcus.

“Totoo! As a matter of fact ay narito siya—” Sabay turo sa isang direksyon. “See that man there? That’s Spencer, Luna’s boyfriend.”

Tumingin naman siya direksyong tinuro ni Cathy hindi dahil sa ‘boyriend’ kuno ito ni Luna. Kundi dahil naalala niya ang pangalan ng lalake na minsang pinag-usapan ng mag-ina.

Ito ang nagsabi na pinalayas siya ng Ama. Gusto niyang alamin kung bakit ito nagkakalat ng balitang hindi naman totoo.

Habang kausap ni Luna ang mga kaibigan ay napapatingin siya banda kay Marcus. Ang lapit at tila may kung anong binubulong si Cathy. At nang tumuro ito sa kung saan ay saka lang siya napatayo sa puwesto upang ipaglayo ang dalawa. “Anong sinabi mo kay Marcus?" ang bulong niya kay Cathy nang mailayo.

Natawa muna ito bago siya sinagot, “Na boyfriend mo si Spencer.”

Hindi makapaniwala si Luna na sasabihin ‘yun ni Cathy kay Marcus. Alam ng lahat na hindi niya boyfriend si Spencer. Yes, nanliligaw ito but, it’s a total different story!

Tiningnan niya si Marcus na hindi mababakasan ng kahit anong reaksyon. Hindi niya tuloy alam kung masama ba ang loob nito o hindi. Well, wala naman siyang pakialam kung anong mararamdaman nito pero ayaw lang niya na may maisip itong masama tungkol sa kanya. Hindi siya pinalaki ng parents niya na kahit may asawa na’y malapit pa rin sa manliligaw.

SA KABILANG DAKO ng club ay makikita si Spencer na nakikipagkuwentuhan sa mga inimbitahang bisita. Pangiti-ngiti at iniyayabang ang napuntahan niyang lugar abroad.

Pero habang kausap ang mga bisita ay nahagip ng paningin ang kaibigang si Cathy. Mabilis ang lakad at tila galit.

At bago pa ito makalampas ay humarang siya upang tanungin kung anong problema? Party niya ito at ayaw niyang masira ang magandang gabi dahil lang kay Cathy.

“Tanungin mo si Luna. The nerve na dalhin dito ang suitor niya sa party mo.” Matapos ay saka ito umalis.

Nagtaka naman si Spencer sa sinabi ni Cathy. Pa’nong may ibang suitor si Luna kung alam naman ng lahat ng tao sa lugar na nililigawan niya ito?

Saglit siyang nagpaalam sa kausap na bisita upang hanapin si Luna at ang tinutukoy ni Cathy na ‘suitor’.

Hindi naman siya nahirapan dahil kahit pa siguro ga’no kadilim ang paligid ay madali niyang makikilala si Luna.

Pasimple siyang lumapit mula sa likod habang abala ito sa kausap na lalake. Marahil ay ito ang tinutukoy ni Cathy dahil hindi niya naman ito nakikilala.

Ang tingin ng lalake ay napunta sa kanya kaya kinuha niya ang pagkakataong ipamukha rito na wala na itong pag-asa kay Luna. Isang mabilis na halik sa pisngi ang ginawa ni Spencer habang nakatingin sa lalake.

Sa gulat ni Luna ay naitulak niyang bigla si Spencer sabay baling ng tingin kay Marcus. “It’s not what you think,” ang paliwanag niya ngunit dahil sa background music ng club ay hindi na ito narinig ni Marcus.

Kumunot lamang ang noo ni Marcus nang makita ang ginawa ni Spencer kay Luna. Alam niyang sinadya nito ang ginawa, dahil nakita niyang nag-usap ito saglit at si Cathy na maaaring ipinaalam kung ‘sino’ siya sa buhay ni Luna.

“Hi,” biglang pakilala ni Spencer sabay lahad ng kamay sa kanya. “Spencer nga pala.” Ipinapakita ang suot na r*lex.

Sumulyap muna si Marcus kay Luna bago tinanggap ang kamay ni Spencer. Nakipag-shake hands rito. Matapos ay naglabas ng handkerchief si Spencer para punasan ang kamay na ginamit.

Tiim-bagang na ngumiti si Marcus. Habang iniisip na hindi kataka-takang magkaibigan ang dalawa. Hanggang sa naramdaman niya ang haplos ni Luna sa kanyang braso.

“Sorry,” ang sabi pa nito. Hindi ito rinig ni Marcus dahil sa background music ngunit sigurado siyang ito ang sinabi ni Luna.

Bahagya nga siyang nabigla na humingi ng paumanhin si Luna dahil sa inasal ni Spencer.

Habang si Luna ay nais sanang sawayin si Spencer sa ginawa nito ngunit naisip niyang baka magtampo naman ito at masira ang sariling party kaya kay Marcus na lamang siya bumaling.

Si Spencer naman ay tuwang-tuwa sa ginawa. Hindi pa siya nakuntento at gusto pang ipahiya sa maraming tao si Marcus. Aniya, “It’s my party. So, I can do whatever I want." Ngumisi pa kay Marcus bago ito hinamon. “Fencing tayo? Pampapawis lang."

Kaugnay na kabanata

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Seis

    NANATILING may ngiti sa labi si Spencer habang nakatingin kay Marcus. Iniisip na kaya wala itong reaksyon ay dahil kinakabahan na ito nang maghamon siya ng laban.Ngunit ang totoo ay hindi lang makuha ni Marcus ang dahilan kung bakit ito naghahamon na makipag-fencing sa isang club, kung saan ay may party at maraming tao na posibleng madamay.Walang duda na may alam si Spencer sa fencing dahil hindi naman ito maghahamon kung hindi nito kayang iyabang ang kakayahan, pero hanggang maaari'y ayaw ng pumatol ni Marcus.“Pasensya na pero ayoko,” ang tipid niyang sagot na ikinalawak ng ngiti ni Spencer sa puntong nagpipigil pa ito ng tawa.Si Luna naman na nalilito at hindi alam ang gagawin ay lumapit kay Spencer. “Spencer, please stop this nonsense. ‘Wag mo namang gawin ‘to,” pakiusap niya.Ang kaninang naaaliw na eskpresyon ni Spencer ay bigla na lang sumeryoso at naging iritado. “Bakit, Luna? Concern ka ba rito sa manliligaw mo? Natatakot ka na magmukhang kawawa once na matalo ko?”“That’s

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Siete

    ABALA si Marcus sa pag-aayos ng isa sa mga surveillance camera at audio na itinago niya sa library room sa mansion nang dumating si Fausto.Agad siyang kumuha ng isang libro at nagkunwaring nagbabasa nang lumapit ito sa kanya.“Narito ka pala,” ang komento nito. “Interesado ka ba sa pagninegosyo?” aniya nang mapansin ang hawak nitong libro.Sinara ni Marcus ang libro at saka tiningnan ang pamagat. “Hindi naman masiyado,” aniya habang nasa surveillance camera ang atensyon dahil hindi pa naitatago nang maayos.Mabuti na lamang at sa kanya nakaharap si Fausto kaya hindi pa ito napapansin.“Sabagay, magaling na businessman ang Lolo mo, kaya nasisiguro kong may interes ka rin sa pagninegosyo.” Tumalikod si Fausto kaya mabilis niyang sinamantala ang pagkakataon na matakpan ang surveillance camera sa pamamagitan ng hawak na libro.At pagkatapos ay sumunod siya sa may study area. Pinindot ni Fausto ang maliit na buzzer sa may table matapos itong umupo sa swivel chair at ilang sandali pa ay kum

    Huling Na-update : 2022-11-03
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ocho

    Chapter 8 ILANG SEGUNDONG nagkatitigan si Marcus at Scarlette. At ramdam ni Kurt ang namumuong tensyon sa dalawa. Kaya bago pa magkainitan ay humarang na siya sa gitna at pinigilan si Scarlette. “Captain, ba’t ka naman nagtatanong ng ganyan sa kanya?” aniya at saka bumulong, “Pinagmumukha mo naman siyang suspek.” Matalim na tingin ang pinukol ni Scarlette bago ito hinawi para muling harapin si Marcus. “Uulitin ko, nasa’n ka no’ng—” “Nasa bahay ng in-law’s ko, nagdi-dinner.” “Talaga?” Muling pinigilan ni Kurt si Scarlette dahil nakakakuha na sila ng atensyon ng iba. At kahit nga ang mga kasamahan na warden nito ay nagbubulungan na. “Walang dahilan para magsinungaling ako. Kaya kung tapos ka ng magtanong ay mauuna na ‘ko.” Nagpatuloy si Marcus upang samahan na ang kapwa warden na naghihintay. “Sino ‘yun? Girlfriend mo?” tanong ng isang warden na kanina’y nililibak siya. “Hindi, kakilala ko lang,” tipid niyang sagot at saka nauna upang maiwasan ang kung ano-anong mga tanong. Si S

    Huling Na-update : 2022-11-04
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Nueve

    PAUWI na mula sa trabaho si Marcus ng isang tawag mula kay Fausto ang kanyang natanggap.Una niyang narinig ang hiyaw mula sa kabilang linya kasunod ang boses ni Fausto. “Nasa’n ka ngayon?”“Pauwi na, bakit ho?”May kaingayan sa kabilang linya at rinig na rinig ang hikbi ng kung sino mang kasama ni Fausto. “Pumunta ka muna rito sa police station," ang utos nito saka tinapos ang tawag.Hindi man lang nagawang makapagtanong ni Marcus kung anong nangyari at kailangan niyang pumunta sa police station. Magkagano'n man ay mabilis pa rin siyang nagtungo ro'n.Pagkarating sa estasyon ay natigilan siya nang makita si Luna sa loob ng selda. Nakaupo’t umiiyak tulad ni Liliane na humihikbi habang nakatingin sa anak.Agad na lumapit si Fausto sa kanya upang humingi ng tulong o kung may magagawa ba siya upang mailabas agad si Luna. Matapos ay lumapit siya sa asawa upang kausapin ito, “Anong nangyari?” tanong ni Marcus.Hindi sumagot si Luna. Nakatungo lang ito at ayaw man lang siyang tingnan.“Sabih

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Diez

    KAHIT AKAY-AKAY na ng mga pulis ay pilit pa ring nagpupumiglas at nagdadahilan si Spencer. Nariyang nag-iingay siya upang makatawag pansin sa ibang tao dahil kilala siya sa lugar. Mabilis na kakalat ang balita na narito siya sa police station at inaasahang darating agad ang kanyang pamilya upang tulungan siya.Dalawang pulis ang nakahawak sa magkabila niyang braso at may dalawa pang nakabantay sa likod upang hindi niya magawang makatakas.Ipinasok at iniwan siya sa interrogation room upang imbestigahan. “Baka pwedeng tanggalin mo naman ‘to?” aniya sa pulis na nagpaiwan upang magbantay, ngunit hindi siya nito pinansin na ikinainis niya. “Hindi mo ba ‘ko naririnig?!”Walang epekto at nanatiling nakatayo ang pulis hanggang sa pumasok si Scarlette kasama ang isang pang pulis.Tila naman nabuhayan si Spencer ng makita ito. Dahil kaibigan ng kanyang pamilya ang nagpakitang pulis. Sigurado na ang tiyak niyang pag-alis sa lugar.Ngunit agad ring nawala ang tuwa sa kanyang mukha nang hindi man

    Huling Na-update : 2022-11-07
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Once

    [FEW MINUTES AGO]NAIINIS at kanina pa mainit ang ulo ni Spencer. Paano ba naman ay tatlong araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin siya magawang ilabas ng sariling lawyer.At kahit ang mga magulang niya’y hindi na nagpakitang muli simula no’ng huling dalaw ng mga ito. Tila pinabayaan na lang siyang mag-isa dahil sa kahihiyang dulot niya sa pamilya.Nayayamot na siya sa kahihintay sa pangako ng lawyer na mailalabas siya sa kulungan. Puro salita lang ito at kahit nga ang inutos itong ipahuli rin si Marcus ay hindi pa nito nagagawa.“Inutíl!” ang bulong niya nang makitang palapit ang lawyer sa selda na kinalalagyan niya. “Ano na? kailan ba ‘ko makakalabas dito?!”“Masiyadong mabigat—”“Sinasabi mo bang hindi mo ‘ko magagawang ilabas dito? Aba’t, para sa’n pa ang ibinabayad ko sa ‘yo?!” Gigil na gigil siyang nakahawak sa rehas at gusto na itong hablutin sa sobrang galit.“Hoy! Tumahimik ka nga.” Si Scarlette na palapit din sa selda ay agad itong sinaway. “Hindi pa ba nasasabi sa ‘yo ng—”

    Huling Na-update : 2022-11-09
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Doce

    Chapter 12 MATAPOS makita ang itsura ni Spencer sa picture ay nasisiguro ni Marcus na kilala niya ang pumatáy. “Kilala mo? Sino?” agad nagka-interes si Scarlette. Lumingon naman si Marcus kay Kurt na nasa may hamba ng pinto. Kaya sumunod rin ang tingin ni Scarlette. “Kurt?” “Isara mo’ng pinto,” ang utos ni Marcus. “Hindi pwedeng may makarinig na ibang tao sa sasabihin ko.” Agad kumilos si Kurt at sinara ang pinto. Matapos ay saka sila naupong lahat sa sofa na katapat ang table ng Police Captain. Napaisip si Scarlette kung tatanungin niya bang muli si Marcus tungkol sa killer. Hangga’t maaari kasi’y ayaw niya itong isali sa kaso. Pero aminado siyang malaking tulong ang maibibigay ni Marcus sa oras na sabihin nito kung sino ang suspek. “Chief, ayos lang ba na isali siya sa kaso?” ang pagpapaalam ni Scarlette. Tumango ang Police Captain. “Naipakita ko na sa kanya ang ilang information regarding sa kaso, kaya hindi mo na kailangang magpaalam pa.” Binalik ni Scarlette ang tingin k

    Huling Na-update : 2022-11-18
  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Trece

    ILANG TAON siyang walang narinig na balita tungkol kay Matthew matapos itong magpunta sa ibang bansa. Sa pagkakaalam niya’y hindi na ito babalik at doon na mamumuhay.“Maupo ka muna, Luna,” ang utos ni Fausto.Saglit na tumingin si Luna sa suot na relo. May ilang minuto pa naman bago matapos ang lunch-break kaya naupo na siya sa sofa, kaharap si Matthew.“Tapos mo na ba’ng interview-hin ang mga aplikante?”“Yes, Dad.”“Ilan ang posibleng matanggap?”“Four or three, depende dahil may final interview pa with the panel.”Tumango-tango si Fausto saka sumulyap kay Matth

    Huling Na-update : 2022-11-21

Pinakabagong kabanata

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y tres

    KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y dos

    PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta y uno

    MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Ochenta

    UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y nueve

    NANLALABO AT NAGDIDILIM na ang paningin ni Kurt. Nanghihina na rin siya at habol-habol ang sariling hininga. Sa lagay niyang ‘to ay tila ‘di na siya magtatagal.“H-Hindi man lang ako…nakapag…paalam kay…Captain,” nasambit niya ngunit wala ng tinig ang lumalabas mula sa kanyang bibig.Unti-unti na siyang pumipikit…mukhang ito na yata ang katapusan niya…Hanggang isang sampal sa pisngi ang nagpamulat sa kanya. Nang tingnan niya kung sino ang gumawa no'n ay napangiti na lamang siya. “Dumating ka,” aniya kahit wala namang boses na lumalabas sa kanya.“Gumising ka, ‘di ka pwedeng mamatáy dahil ikukulong pa kita,” wika ni Marcus. Tumulong na siya sa pagbuhat ng stretcher upang madala ito sa yate.Matapos maisakay si Kurt ay hinanap niya naman ang warden na pinag-iwanan niya kay Ramon. “Dito! kaladkarin niyo ‘yan dito!” utos niya nang makitang palapit na ang mga ito sa yate.“Bitawan niyo ko, mga walangh*ya!” sigaw ni Ramon. “Papatay*n ko kayong lahat!” Ngunit ilang sandali pa ay natigilan na

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y ocho

    NAKAILANG TAWAG na si Ocampo kay Major General Perez ngunit hindi ito sumasagot. Malalim na rin kasi ang gabi kaya sa palagay niya ay natutulog na ito.“Ano, ayaw pa ring sumagot?” tanong ni Mr. O sa kapatid.“Ayaw pa rin.”“Tawagan mo lang nang tawagan. ‘Wag mong titigilan hanggat ‘di sumasagot,” utos naman ni Ramon na hindi na mapakali sa kinauupuan.Ginawa naman ni Ocampo ang utos ni Ramon ngunit bigo pa rin itong masagot ang tawag. Hanggang sa tuluyan na ngang hindi matawagan ang numero ni Major General Perez. Sa palagay niya ay sinadyang i-off ang cellphone.“Cannot be reach na, in-off ata ang cellphone,” pahayag ni Ocampo.Impit na sumigaw si Ramon sa sobrang inis. “P*tang*nang Perez 'yan! Matapos kong tulungan na makarating kung nasa’ng puwesto man siya ngayon ay ganito ang gagawin niya sa’kin?!” Halos magwala siya sa sobrang galit.Wala man lang kaide-ideya na hawak na ngayon ng kampo nila Maximo si Major General

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y siete

    DAHIL SA BIGLAANG KILOS ni Torres ay nadaplisan sa panga si Kurt nang umilag ito sa suntok. Nang makabawi ay nagpakawala rin ng suntok bilang ganti.Ngunit dahil sanay at bihasa sa pakikipaglaban dahil na rin sa ilang taong training na magkasama ay gamay na ng dalawa ang kakayahan ng isa’t isa. Madali lang kay Torres na iwasan ang suntok ni Kurt at gano’n din ito sa tuwing nagpapakawala ng suntok ang Warden.Dahil may alam sa mix martial arts ay nagawang malusutan ni Kurt ang depensa ni Torres sa pamamagitan ng sipa. Sa lakas ng sipa ay natumba ito pero nakabawi rin agad na mabilis gumulong patayo.“Madaya!” akusa ni Torres.“Kailangan kong manalo, e,” anas naman ni Kurt na nangingiti pa, tila nag-eenjoy sa nangyayari.Sumugod muli si Torres pero binigla agad ni Kurt. Umatras siya para linlangin ito at para na rin maghabol ito sabay bitaw niya ng suntok sa tiyan. Dumaing si Torres pero hindi pa rin tumigil sa pagpapakawala ng suntok hanggang sa bigla na lang dumating si warden Yulo ga

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y seis

    NANG MAUNAWAAN ni Scarlette ang sinabi ni Lucas ay mabilis siyang humabol sa kabila ng panghihina. Hinarangan pa siya ng ilang tauhan na nakabantay ngunit ayaw niyang magpapigil. Buong lakas niyang sinigaw ang pangalan nito, “Lucas! Sandali lang!”Kahit malayo ay huminto naman si Lucas upang lingunin si Scarlette. “Bakit? Na gets mo na ba? Ang bilis naman.”“Anong ginagawa ni Kurt sa lugar na ‘yun?! Napakadelikado ng pinagawa niyo sa kanya!”“Personal request niya ‘yun at pinagbigyan lang namin.”“Kahit na, dapat ibang tao ang pinadala niyo, hindi siya. Si Marcus? Ako! Dapat ginising niyo ako para gawin ang misyon." Nagpumiglas si Scarlette at nagawang makalapit sa binata. “Mapapahamak si Kurt do’n.”“Baka nakakalimutan mo kung sino siya? Tandaan mong hindi basta-basta si Kurt. At nasisiguro ko ring bago pa may mangyaring masama sa kanya sa lugar na ‘yun ay naubos na niya ang kalahati ng mga bilanggo.” Matapos ay pinasadahan ng tingin ang ulo at paa ni Scarlette. “Kahit gisingin ka pa

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Kabanata Setenta y cinco

    THREE DAYS AGOPINAGMASDAN ni Kurt ang orasan sa itaas ng pader. Isang minuto na ang nagdaan nang umalis si Marcus at naiwan ang Vietnam pulis para magbantay.Sa ganitong pagkakataon siya dapat kumilos. Kailangan na niyang tumakas at puntahan si Scarlette. Pero masiyadong alerto ang pulis na maya’t maya ang sulyap upang siguruhin na wala siyang ginagawang kakaiba.Nang magtama ang tingin nilang dalawa ay agad siyang umarteng nasasaktan. “C-Can you please help me?” aniya pa sa aktong nahihirapan sa pag-upo.Akma namang tutulong ang pulis nang matigilan. “No, you can’t fool me,” wika pa nito na muling naupo.Bakas ang iritasiyon sa mukha ni Kurt nang hindi niya nagawang linlangin ang pulis. Mukhang nasabihan na ito nang husto ni Marcus kaya hindi na u-obra ang pag-arte niya.Pero kung hindi um-obra ang plan A… may plan B pa naman. Magkukunwari siyang aalisin ang gapos sa kamay upang mapilitan na lumapit ang pulis. At kapag nangyari ‘yun ay patutumbahin niya ito gamit ang paa.“What are

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status