Chained with my boy bestfriend

Chained with my boy bestfriend

last updateLast Updated : 2022-10-04
By:   ArEnJayne   Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
3Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

"Alam mo ikaw ha, masyado kang pala-desisyon. Buhay ko ito kaya huwag kang makialam lalo pa at wala naman ako’ng naging say sa love life mo,” naiinis na pahayag ko kay Franco. Naiinis kasi ito nang malaman na gusto ko ng magkaanak. Lagpas na ako sa kalendaryo at sa takot ko na mapag-iwanan ay ito ang naisip ko na solusyon. Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa dahil na rin sa naging karanasan ng nanay ko at sa nakikita ko sa paligid ko kaya nawalan na ako ng interes lalo na sa mga lalaki. Maraming nanliligaw subalit lahat sa akin ay red flags. Dagdagan pa nitong kaibigan ko na walang inaayawan basta naka-palda sa paningin nito lahat ay maganda. Mabait naman ito, matalino, responsable, masipag at madiskarte subalit sadyang palikero. “Ako ha, concern lang ako sa iyo. Huwag sanang masamain. Mamaya sa kagustuhan mo ay mapahamak ka pa.” Patuloy na litanya ni Franco sa akin. “Kaya nga bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na. Hindi ako mai-inlove, hindi ako magiging martir at lalong hindi ko hahayaan na masaktan lang ako ng kagaya mo. Kaya nga anak lang ang gusto ko at iyon na ang pupuno sa pangarap ko. Hindi ako mag-aasawa at sakit lang iyan sa ulo,” masungit na sagot ko. “Ganun ba? Bakit ka pa maghahanap sa malayo at hindi mo kilala kung mayroon naman sa harapan mo? Ako na lang kaya, ano? Makakasiguro ka pa na galing sa magandang lahi at pamilya ang magiging anak mo,” tugon ni Franco. Napamaang ako sa naging sagot n’ya. Pwede kaya o baka magiging mitsa lang ito ng bagong kalbaryo sa buhay namin? Mas makapagpapatibay o makakasira kaya ito sa aming pagkakaibigan? Subalit hindi ko maiwasan kiligin at makadama ng challenge na baka ako lang pala ang makapagpapatino kay Franco.

View More

Latest chapter

Free Preview

Birthday

"Happy birthday! I love you!" mensahe mula kay Franco. Sinadya ko na tanggalin sa aking social media accounts ang araw ng aking kapanganakan dahil ayaw ko na may babati sa akin. Maalala ko lang naman na ako ay lalagpas na sa kalendaryo. Na-depress na ako sa kakaisip. May sarili na akong bahay at lupa, sasakyan at ilang properties. Ngunit sa edad na trenta uno ay ito at single pa rin ako. May naging boyfriend din naman ako pero ewan ko ba at walang nagtatagal. Kaunting red flag lang ay nakikipaghiwalay na agad ako. Maalala ko lang kasi ang matalik ko na kaibigan na si Franco pati ang mga kalokohan nito. Ngayon ay sa ibang bansa na ito nagtatrabaho. Kahit magkakalayo kami subalit hindi nawawala ang aming communication. Madalas ito pa ang mag-initiate ng tawag o chat. "Birthday ko ba today?" reply ko sa kanyang pagbati. "Oo, bakit hindi ka masaya? Ano ba ang gusto mo sa birthday mo?" tugon ng kaibigan ko. "Wala na akong mahihiling pa. Siguro ay ang magkaroon ng sariling anak at masa...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
3 Chapters
Birthday
"Happy birthday! I love you!" mensahe mula kay Franco. Sinadya ko na tanggalin sa aking social media accounts ang araw ng aking kapanganakan dahil ayaw ko na may babati sa akin. Maalala ko lang naman na ako ay lalagpas na sa kalendaryo. Na-depress na ako sa kakaisip. May sarili na akong bahay at lupa, sasakyan at ilang properties. Ngunit sa edad na trenta uno ay ito at single pa rin ako. May naging boyfriend din naman ako pero ewan ko ba at walang nagtatagal. Kaunting red flag lang ay nakikipaghiwalay na agad ako. Maalala ko lang kasi ang matalik ko na kaibigan na si Franco pati ang mga kalokohan nito. Ngayon ay sa ibang bansa na ito nagtatrabaho. Kahit magkakalayo kami subalit hindi nawawala ang aming communication. Madalas ito pa ang mag-initiate ng tawag o chat. "Birthday ko ba today?" reply ko sa kanyang pagbati. "Oo, bakit hindi ka masaya? Ano ba ang gusto mo sa birthday mo?" tugon ng kaibigan ko. "Wala na akong mahihiling pa. Siguro ay ang magkaroon ng sariling anak at masa
last updateLast Updated : 2022-10-04
Read more
The fruit
Ilang araw na sumasama ang pakiramdam ko ngunit binabalewala ko lang ito. Paminsan-minsan ay inaatake ako ng acid reflux kaya tila normal na sa akin ang naduduwal at nahihilo. Tuloy pa rin ako sa pagpasok sa trabaho. Isa akong manager sa isang call center company. Dahil sa Australia naka-base ang aming kliyente kaya maswerte na sa umaga ang aking duty. Alas singko ng umaga ang simula ng aking trabaho at lalabas ako ng alas dos ng hapon. Alas kwatro pa lang ay nasa opisina na ako. Sanay na ako sa maaga nagigising at sa trabaho na ako kumakain. Wala naman akong kasama sa bahay kaya wala akong iisipin maliban sa aking sarili."You don't look okay. How do you feel?" bungad na tanong ng kasamahan ko sa trabaho."I have been feeling ill for the past few days. I think because of my reflux," sagot ko."You better have it checked with a specialist. You look pale," puna nito."I will drop by at the doctor's office after work," tugon ko.Habang tumatagal ay mas lalong nagiging masama ang aking n
last updateLast Updated : 2022-10-04
Read more
Eyeball
Nasa labas ako ng hotel kung saan ay magkikita kami ng ka-chat ko. Lakas ng loob at kakapalan ng mukha kaya ako napasok sa ganitong sitwasyon. Dahil sa tulak ng kaibigan at pressure sa paligid kaya ako napadpad sa isang dating website. Doon ko nakilala si Frank. Nagpunta ito sa Pilipinas upang i-meet up ako. Nais sana nito na sa airport ako susundo sa kanya subalit tumanggi ako. Iba naman kasi ang talagang pakay ko. Ang nais ko lang naman sana ay ang matupad ang misyon at pina-plano ko. Gusto ko na magbuntis at wala akong balak na i-obliga ang responsibilidad sa lalaki pagkatapos. Kabado ako at ipinagdarasal ko na sana ay magtagumpay ako. Sana ay makakauwi ako na ligtas. First time ko itong gagawin kaya matinding kaba ang nananalasa sa akin ngayon."I am here outside the hotel!" saad ko sa chat.Nagkaka-usap lang kami sa website dahil ayaw ko naman na ipaalam ang social media accounts ko at personal number. Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang kaba ko. "Come in! Someone will as
last updateLast Updated : 2022-10-04
Read more
DMCA.com Protection Status