"ATE?"Dahan-dahang nagmulat ng namimigat pang mga mata si Jamilla. Sandali muna siyang nakipagtitigan sa puting kisame bago bumaling kay Lala. Binalewala niya ang pag-aalala sa mukha nito dahil may mas bumabagabag sa kanyang kalooban. "Ang sama-sama ng panaginip ko.""Ate-""Puwede mo ba akong ikuha ng tubig?"Tumango-tango ito. "Oo, ate.""Teka!" Nanginginig ang kamay na pinigilan niya ang pagtayo ng kapatid. "Nasaan tayo?""Ate!"Napatitig siya sa kapatid na bigla na lang humagulgol. "Sabihin mong panaginip lang 'yon! Isang masamang bangungot! Sabihin mo!""Ate, wala na sina Mama at Papa!""Hindi! Hindi!" Nagmamadaling lumapit sa higaan ni Jamilla ang mga nurse na nagtakbuhan papasok at pinigilan siya sa pagwawala. "Bitiwan niyo ako! Mama! Papa!""Ate!""Lala, tawagin mo sina Mama at Papa! Sabihin mo sa kanila na magiging mabuti na akong anak! Sige na! Makikinig sila sa akin! Patatawarin nila ako! Tawagin mo sila! Mama! Papa!""Ate, huminahon ka!""Bingi ka ba? Tawagin mo sila!""P
NAPUKAW ang atensyon ng karamihang naroon sa burol dahil sa tunog ng baston sa sahig. Nadako ang tingin nila sa pagpasok ng tatlong lalaki na ang dalawa sa likuran ng nauuna ay mayroong dalang bulaklak na korona.Dere-deretso lang si Jordan sa unahan na ang mga mata ay nakapako kay Jamilla na tila wala sa sariling nakatitig sa kawalan. Nakaupo ito sa tabi ng mga kabaong habang nakatayo naman sa kabilang direksyon ang panganay at bunso nitong kapatid."Nakikiramay kami.""Ipinadala ba kayo rito ng mga Villar?" asik ni Von.Napaigtad si Jamilla sa silya nang marinig ang apelyido ng dating nobyo. Mabilis itong napatayo nang makilala ang binata. "Sir!""Kilala mo ba siya?"Sa halip na sagutin si Von ay nilapitan nito ang bisita. "Sir, tulungan mo ako! Tulungan mo ako!"""Hindi ka pa rin sumusuko?""Ipaghihiganti ko sina Mama at Papa! Papatayin ko lahat nang Villar!""Jamilla!" saway ni Von. "Alam mo ba ang pinagsasabi mo, ha?"Kumawala ito sa pagpigil ng kapatid at mahigpit nitong hinawak
"THE companies kept on pestering me..."Mula sa pagiging abala sa pagbubuklat ng mga kaharap na papeles ay natuon ang atensiyon ni Jordan kay Marco na kapapasok lang sa kanyang opisina. "I assure them already that I will not pull out my shares once I leave the country.""Hindi mo naman maiaalis sa kanila ang mag-alala." Pabagsak itong naupo sa isa sa dalawang bakanteng upuan katapat ng office table. "They are businessmen, after all. At isa pa, alam nila na marami pang puwedeng mangyari kapag nasa Switzerland ka na. Their worries is that you might start anew there and you'll decide to use the money you have with them."Napailing si Jordan. Ibinalik uli niya ang tingin sa mga papeles. "How come they don't trust me? I've been loyal to them since I started in business.""I know.""Forget about them." Muli siyang nag-angat ng mukha. "How is she?""Sino?""That woman.""Si Jamilla?""May iba pa ba akong babaing pinapabantayan sa 'yo?"Napakamot ito sa ulo. "She's doing fine. Well, hindi siy
"ATE?"Hindi natinag sa patagilid na pagkakahiga si Jamilla. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang pag-upo ni Lala sa tabi ng kanyang kama. Mas pinili niyang tumitig sa kawalan."Kumain ka na.""Hindi ako nagugutom.""Ikaw, hindi. Pero ang bata sa tiyan mo siguradong-""Natutulog siya kaya huwag mong istorbohin," maagap niyang putol sa pagsasalita ng kapatid."Ate...""Sinabi nang hindi ako nagugutom!" Hinawi ni Jamilla ang pagkain na pilit isinusubo sa kanya ng kapatid at galit siyang bumangon. "Bakit ba ang kulit mo?""Ano bang problema mo?" sigaw ni Lala. "Kung nahihirapan ka, nahihirapan din kami ni Kuya Von! Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan kami! Akala mo ba ikaw lang ang nagdurusa? Ginusto mo naman iyan kaya bakit pati kami dinamay mo?"Napipilan si Jamilla nang makitang humagulhol ng iyak ang kapatid."Ayaw kitang sisihin! Ayokong magalit sa 'yo! Gusto ka naming intindihin ni Kuya Von! Pero sana intindihin mo rin kami! Hindi 'yong puro ikaw lang!"Bumalik sa pagkakahiga
"MOMMY, take your medicine and be healthy!"Ilang buwan ding naging masigla si Jamilla dahil sa makulit na manikang laging pinapatunog ni Lala kapag oras na ng pag-inom ng mga gamot. Sa pagkain at pagtulog, hindi rin nawawala si Angel sa tabi ng dalaga.Maayos na sana ang lahat. Nagsisimula nang bumangon ang magkakapatid mula sa pagkawala ng mga magulang nila.Lumipat sila ng tirahan upang makaiwas sa kontrobersiya lalo pa't naging usapin sa kanilang lugar na kaya namatay sina Cardo at Marta dahil sa pagbubuntis ni Jamilla.Nakahanap na ng permanente at maayos na trabaho si Von. Ilang buwan na lang at magtatapos na rin sa pag-aaral si Lala.Tahimik na sila. Pinag-aaralan na nilang unti-unting makalimot sa sakit na dinulot ng nagdaang pangyayari sa buhay nila."Jamilla, mukhang malapit ka nang manganak."Ngumiti lang siya sa isa sa mga kapitbahay na nadaanan niya."Alam mo na ba ang kasarian ng magiging anak mo?""Hindi pa po.""Bakit naman?" usisa ng isa pa nilang kapitbahay.Hindi si
"MADAM."Nakangiting nagpaalam sa mga kausap si Amelita at kunot-noong hinarap ang personal assistant na habol ang paghinga habang nasa mukha ang pag-aalala. "Sia, anong problema?""Tumawag si Mr. Arellano, Madam.""The managing director of AbTv?" tukoy niya sa isang istasyon ng telebisyon. "Bakit daw? Akala ko busy siya sa trabaho?"Pinagala muna ni Sia ang tingin sa paligid at siniguro na walang tao sa malapit saka ito pabulong na nagsalita, "Pumunta raw po roon si Jamilla para magpa-interview.""What? That filthy woman!" bulalas na gigil ni Amelita. "Hindi pa rin pala siya tumitigil?""Hindi naman daw nila iyon ilalabas.""Put him on the line.""Yes, ma'am."Sinulyapan muna ni Amelita ang mga bagong kasal na nasa presidential table bago siya umalis sa reception area."Ma'am, heto na po."Kinuha ni Amelita ang cellphone na inilahad ni Sia at kinausap sa kabilang linya ang isa sa mga matalik niyang kaibigan na si Gray Arellano."I know, I know. Don't worry too much. Walang ibang naka
NAKANGITING sinalubong ni Jamilla pagbaba ng bus ang abalang lansangan ng Ayala. Makulimlim ang kalangitan, ngunit hindi niyon mabubura sa kanyang labi ang sobrang kaligayahan.Sumakay siya ng jeep at bumaba sa Rufino Avenue. Tinahak niya ang kahabaan ng Central Street Food Market kung saan nakahilera roon ang ilang kainan. Tila musika sa kanya ang ingay ng paligid. Sinasabayan niyon ang puso niyang bumibilis ang pintig sa pananabik.Hindi pumasok sa trabaho si Jamilla dahil inilaan talaga niya ang araw na iyon para sa isang espesyal na okasyon. Unang monthsarry nila ng kanyang nobyo. At nangako ito na magdiriwang silang dalawa.Humantong ang dalaga sa tapat ng Blue Western, isa iyong tagong restaurant na madalas nilang puntahan ni Jerry kapag sila'y magkikita.Lumapad ang ngiti niya nang matanaw ang nobyo. At lalo itong tumikas sa simpleng suot na high-collared red polo at ragged denim pants. Nakatabing sa mga mata nito ang aviator black sunglasses at mayroon ding sombrero na nagtata
"HUWAG mo nang pansinin...""Wala akong narinig," she lied. Ang totoo, pinipiga ang puso niya sa sakit dahil sa mga sinabing panghuhusga ng waitress. Tila kilalang-kilala siya nito para maliitin ang kanyang pagkatao. Mahirap man sila, pero alam niya sa sarili niyang mabuti at marangal siyang tao. "Saan nga pala tayo pupunta?"Sinagot ni Jerry ang tanong ng dalaga nang makapasok na sila ng sasakyan nito na nakahimpil lang sa unahan ng inalisan nilang restaurant. "Let's go to my place.""Sa condo mo?" mulagat ni Jamilla."Girlfriend kita kaya natural lang siguro na alam mo ang tinitirahan ko. And one day, ako naman ang pupunta sa inyo para makita ko rin ang bahay niyo at makilala ko ang pamilya mo."Napangiti si Jamilla. Sa sinabi ng nobyo, natitiyak na niyang seryoso ito sa kanya. And she will hold that sincerity deep in her heart.Minsan kasi ay nagdududa siya dahil sa malayong agwat ng estado nila sa buhay. Pero ngayon ay binigyan siya nito ng pag-asa na ang katulad niyang simple at