Share

Chapter 11

Author: EL Nopre
last update Huling Na-update: 2024-10-08 11:57:41

"ANAK, saan ka na naman pupunta sa ganito kaagang oras?"

Hindi napansin ni Jamilla na naroon na sa kusina ang kanyang ama. Tahimik at patingkayad siyang naglalakad upang hindi maistorbo ang natutulog pang pamilya. "Pa."

"Ilang araw ko nang napapansin na halos inuunahan mo sa pag-alis ang pagsikat ng araw."

Alam ng kanyang ama ang oras ng pasok niya sa Avalanche. "Naghahanap po ako ng bagong trabaho," pagsisinungaling ni Jamilla.

"Ha? Umalis ka na ba sa dati mong pinapasukan?" pagtatakang tanong ng ginoo. "Bakit wala yata kaming alam?"

"Ayoko po kasing dumagdag pa sa mga isipin niyo rito sa bahay."

"Anak, ano bang pinagsasasabi mo?"

"Umalis po ako kasi hindi kami magkasundo ng supervisor ko."

"Gan'on ba?" Hindi na nito pinansin ang pag-iwas ni Jamilla sa nais sana nitong pag-usisa sa naunang pahayag ng anak. "Okay lang iyan. Kung hindi ka na masaya roon, bakit nga naman magtitiyaga ka pa at magtitiis? Halika rito. Sabayan mo ako sa almusal. Kailangang may laman lagi ang tiyan mo para hindi ka magkasakit. Napakahirap maghanap ng trabaho nang gutom."

Tumalima naman ang dalaga na ipinaghila pa ng upuan ng ama at ipinagtimpla ng kape.

"Mainit iyan kaya hihipan mo muna."

Tumango lang si Jamilla na tahimik nakipagtitigan sa kaharap na tasa at tinapay.

"May problema ka ba, anak?"

Napukaw ang naglalakbay na isip ni Jamilla at napatingin sa nag-aalalang ama. Pinilit niyang ngumiti rito. "Wala po, pa. Ipinagdarasal ko lang po na sana matagpuan ko na ang hinahanap ko ngayong araw."

"Hayaan mo at tutulungan kitang magdasal. Sasabihan ko na rin ang dalawa mong kapatid at mama mo. Kukulitin namin nang kukulitin ang Diyos na pakinggan ang panalangin mo. Ayos ba?"

Tumayo si Jamilla at niyakap sa likuran ang ama. "Papa, salamat po sa lahat."

"Anong ipinagpapasalamat mo? Natural lang sa pamilya ang magtulungan. Sige na, upo na. Ayoko ng drama sa umaga. Nagsasawa na ako sa kapapanood niyan sa hapon at gabi."

Natatawang bumalik sa silya si Jamilla. Pinagaan ng ama ang kanyang nararamdaman na ilang araw at linggo na rin niyang dinadala sa dibdib.

"Baunin mo na ito." Ibinalot ni Cardo sa plastic bag ang tatlong pirasong pandesal. "Kainin mo kapag nagutom ka. Pero mas mainam pa rin ang kanin, ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom. At magdala ka ng tubig."

"Opo."

"Mag-iingat ka. Huwag kang magpapagabi."

Umalis na si Jamilla matapos niyang makapag-almusal at makapagpaalam sa ama. Hindi na siya mahihirapan sa araw na iyon na maghanap dahil alam na niya ang pupuntahan.

Kahapon nang tumakas siya sa pinagdalhang ospital ng taong nagmalasakit sa kanya ay natagpuan na lang niya ang sarili sa loob ng computer shop.

Hindi nabigo ang dalaga sa pagkalap ng mga impormasyon na puwedeng makatulong sa paghahanap sa nobyo.

Sa wakas, maghaharap na rin silang dalawa ni Jerry. Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang katotohanan. Pero umaasa pa rin siya na mali lang ang balitang kumakalat.

Sana.

Mahigit isang oras din ang naging biyahe ni Jamilla bago niya narating ang matayog na gusali ng Green Light East. Isa iyong establisyamento na pagmamay-ari ng pamilya ni Jerry. Ayon sa impormasyon ay madalas nang lumagi roon ang binata mula nang ibalita na ikakasal na ito sa anak ng kilala ring businessman.

"Miss, saan ang punta mo?"

Napatigil sa paghakbang si Jamilla nang sitahin siya ng dinaanang guwardiya. Akala niya ay makakalusot na siya lalo na't nakapaskil sa harap ang NO ID, NO ENTRY.

"Hindi ka nagtatrabaho rito. Anong kailangan mo?"

"Boss, gusto ko po sanang makausap si Jerry."

"Si Sir Jerry?"

Tumango si Jamilla. "Importante lang po sana na makausap ko siya."

"Hay'un siya..."

Sinundan ng tingin ni Jamilla ang itinurong direksyon ng guwardiya. At nagliwanag ang mukha niya nang makita ang nobyo na abala sa pakikipag-usap sa isang grupo ng mga empleyado.

Pero ang kaligayahan na naramdaman ng dalaga sa pagkakasilay kay Jerry ay biglang nabura nang matuon sa kanya ang mga mata nito at lumarawan doon ang matinding galit.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
hay naku Jamilla ginawa mo lng kaawaawa ang sarili mo umpisa pa lng Green flag na ginawa kng cleaner ni Jerry
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 12

    NAPANGIWI si Jamilla nang marahas siyang isandal ni Jerry sa tagiliran ng kotse matapos niyang makababa roon."Ano ba? Nasasaktan ako!""Talagang masasaktan kita sa oras na pumunta ka uli sa kompanya."Napatitig siya sa nag-aapoy na mga mata ng nobyo. Hindi na iyon ang dating Jerry na nakilala niyang maginoo at mahinahon. "Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag at text ko kaya nag-alala ako.""Manhid ka ba o tanga? You should clearly know na kaya hindi ako sumasagot dahil pinutol ko na ang anumang relasyon natin!"Nag-init ang magkabilang tainga ni Jamilla sa narinig. "Ganoon lang kasimple 'yon? May nangyari sa atin. At isa pa, nangako ka na hanggang sa pagtanda ay magkasama tayong dalawa."Natatawang binitiwan nito ang dalaga. "You're insane! Naniwala ka? I mean, everything I said is a joke. And everything happened to us is just for fun.""Anong ibig mong sabihin?""Those sweet lines, those promises, I have said it to countless women."Tila rebultong nanigas sa kinatatayuan si Jamilla

    Huling Na-update : 2024-10-08
  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 13

    "MR. Dela Rivas, wala kang dapat na ipag-alala. Hindi ko naman plano na kuhain ang forty percent ng shares ko sa kompanya mo once I migrated to Switzerland. Yes, please be at ease. Afterall, I have been a loyal investor. So, set aside your worries. Hindi ko kayo ilulubog sa problema. Just send me on my email an annual report for my shares' status. Okay, okay. Magkikita pa tayo bago ako umalis para mapag-usapan natin itong mabuti. See you, then. Bye."Matapos ibaba ni Jordan ang cellphone, pinasadahan niya ang ilan pang papeles na nasa loob ng nakabukas na attaché case.He's been finalizing his assets before leaving the country. Hindi niya alam kung kailan siya makakabalik. Sigurado na matatagalan iyon."Rex, dumaan muna tayo sa banko. I almost forgot na may appointment pala ako roon ng alas diyes.""Yes, sir!" tugon ng drayber.Maayos na ibinalik ni Jordan sa loob ng attaché case ang mga papeles at ipinahinga sa sandalan ng backseat ang pagal na likod. Aktong pipikit sana ang binata n

    Huling Na-update : 2024-10-09
  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 14

    NAKANGIWI at sumisigaw sa sakit si Jamilla habang hila-hila ang kanyang buhok ng nadatnang babae sa bahay nina Jerry."Wala kang hiya na ikaw pa mismo ang pumunta rito para maghanap ng gulo!""Gusto ko lang makausap ang mga magulang ni Jerry! Aray! Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!""Guard, buksan mo ang gate! Kapag pinapasok mo ulit ang babaing ito, bukas na bukas din, wala ka nang trabaho! Maliwanag?""Opo, Ma'am Corrie!"Patulak nitong binitiwan ang nasasabunutang buhok na nagpabagsak kay Jamilla sa semento. "Huwag ka nang babalik dito kung ayaw mong kalbuhin kita! Alis!" Pinagpag nito ang kamay, "Gross! Such a filthy b*tch!""Hindi ako aalis! Kailangan kong makausap ang pamilya ni Jerry! Pananagutan niya ang ipinagbubuntis ko!""Leech!" sigaw ni Corrie. "Hindi ang lintang katulad mo ang sisipsip sa dugo ng pamilyang ito! You're nothing but a worthless scumbag!""Kahit ano pang sabihin mo, hindi ako aalis! Maghihintay ako rito hanggang hindi nila ako hinaharap!"Natigil sa sagutan an

    Huling Na-update : 2024-10-09
  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 15

    "HINDI ko alam na bata pa pala ang nagmamay-ari ng Regal Oasis..."Nabaling ang tingin ni Jordan kay Miguel nang makabalik na ito sa sala matapos linisin ang sugat."I was really surprised. And honoured, of course."Nadala na ng katulong ang tatlong tasa ng kape at halos nangangalahati na ni Jordan ang kanyang inumin habang si Corrie ay mas pinili siyang sulyap-sulyapan na para bang sinusuri ang kanyang pagkatao."It's an inheritance from my grandfather after retiring to business."Humigop muna sila ng kape. At tulad ni Corrie ay hindi rin maiwasan ng ginoo na panay sulyapan ang binata."Mukhang malaki ang tiwala sa 'yo ng lolo mo para hayaan niyang pamahalaan mo ang tanyag na Regal Oasis.""I was just twenty-two when he handed it to me.""Really?""And for the past ten years na hawak ko ito, umabot na rin sa dalawampu't anim na lugar sa buong Pilipinas ang sakop nito."Lumapit si Marco at sumingit sa usapan. "Sir, twenty-seven na.""Yeah, right. I almost forgot my last project in Bat

    Huling Na-update : 2024-10-10
  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 16

    MAHIHINANG yugyog ang nagpamulat sa nahihimbing na si Jamilla na nakatulog sa likurang upuan ng sinakyang kotse. Inaantok pa sana siya, pero hindi siya nilulubayan ng taong pilit gumigising sa kanya."Nandito na tayo."Inisip muna ng dalaga ang kinaroroonan bago naalala ang nagdaang pangyayari."Tumingin ka sa labas," utos ng drayber. "Tama ba ang pinagdalhan ko sa 'yo?"Kinusot muna ni Jamilla ang mga mata at tumanaw sa labas ng bintana. "Opo," tugon niya nang makita ang pamilyar na paligid. "Hay'un ang bahay namin," sabay turo sa tinukoy na nalagpasan na nila sa unahan."Teka't iaatras ko.""Huwag na po. Baka magtaka ang pamilya ko kapag nakita akong bumaba rito. Salamat po sa paghatid. At pasensiya na sa abala.""Rex ang pangalan ko. Tatay Rex. Iyon na lang ang itawag mo sa akin.""Salamat po, Tatay Rex.""Si Sir Jordan ang dapat mong pasalamatan.""Hindi na rin po siguro kami magkikita pa kaya pakisabi na lang po sa kanya na hindi ko makakalimutan lahat nang ginawa niyang tulong p

    Huling Na-update : 2024-10-10
  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 17

    MARAMING beses nang napanood ni Cardo sa telebisyon si Amelita Villar. Kaya kahit sa kalayuan ay nakilala nito ang isa sa pinakamakapangyarihang babae ng bansa sa larangan ng negosyo."Sino siya?" pag-uulit na tanong ni Lala."Walang iba kundi ang ina ng lalaking nanloko sa ate mo," ngitngit na tugon ng ginoo."Sa aura pa lang ng mukha niya, mukhang hindi siya mabuting tao."Tumango-tango si Lala bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Von. "Para siyang witch sa mga fairy tale book. Ate..." Binalingan nito si Jamilla, "Hindi magandang maging biyenan ang tulad niya."Lumabas ng bahay ang lahat na pinangunahan nina Cardo at Marta. Nadatnan pa nila na itinutulak ng isang armadong lalaki ang gate na yari lang sa kahoy habang nakatakip naman sa ilong ang pumasok doon na eleganteng babae na tila ayaw pang ihakbang ang mga paa. Ang ilan nitong kasama na bodyguard ay nagpaiwan sa labas para harangin ang mga taong gustong makiusyuso."What an awful place," pagkutya ni Amelita habang pinapagala ang ti

    Huling Na-update : 2024-10-10
  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 18

    "ATE?"Dahan-dahang nagmulat ng namimigat pang mga mata si Jamilla. Sandali muna siyang nakipagtitigan sa puting kisame bago bumaling kay Lala. Binalewala niya ang pag-aalala sa mukha nito dahil may mas bumabagabag sa kanyang kalooban. "Ang sama-sama ng panaginip ko.""Ate-""Puwede mo ba akong ikuha ng tubig?"Tumango-tango ito. "Oo, ate.""Teka!" Nanginginig ang kamay na pinigilan niya ang pagtayo ng kapatid. "Nasaan tayo?""Ate!"Napatitig siya sa kapatid na bigla na lang humagulgol. "Sabihin mong panaginip lang 'yon! Isang masamang bangungot! Sabihin mo!""Ate, wala na sina Mama at Papa!""Hindi! Hindi!" Nagmamadaling lumapit sa higaan ni Jamilla ang mga nurse na nagtakbuhan papasok at pinigilan siya sa pagwawala. "Bitiwan niyo ako! Mama! Papa!""Ate!""Lala, tawagin mo sina Mama at Papa! Sabihin mo sa kanila na magiging mabuti na akong anak! Sige na! Makikinig sila sa akin! Patatawarin nila ako! Tawagin mo sila! Mama! Papa!""Ate, huminahon ka!""Bingi ka ba? Tawagin mo sila!""P

    Huling Na-update : 2024-10-11
  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 19

    NAPUKAW ang atensyon ng karamihang naroon sa burol dahil sa tunog ng baston sa sahig. Nadako ang tingin nila sa pagpasok ng tatlong lalaki na ang dalawa sa likuran ng nauuna ay mayroong dalang bulaklak na korona.Dere-deretso lang si Jordan sa unahan na ang mga mata ay nakapako kay Jamilla na tila wala sa sariling nakatitig sa kawalan. Nakaupo ito sa tabi ng mga kabaong habang nakatayo naman sa kabilang direksyon ang panganay at bunso nitong kapatid."Nakikiramay kami.""Ipinadala ba kayo rito ng mga Villar?" asik ni Von.Napaigtad si Jamilla sa silya nang marinig ang apelyido ng dating nobyo. Mabilis itong napatayo nang makilala ang binata. "Sir!""Kilala mo ba siya?"Sa halip na sagutin si Von ay nilapitan nito ang bisita. "Sir, tulungan mo ako! Tulungan mo ako!"""Hindi ka pa rin sumusuko?""Ipaghihiganti ko sina Mama at Papa! Papatayin ko lahat nang Villar!""Jamilla!" saway ni Von. "Alam mo ba ang pinagsasabi mo, ha?"Kumawala ito sa pagpigil ng kapatid at mahigpit nitong hinawak

    Huling Na-update : 2024-10-11

Pinakabagong kabanata

  • HEAL MY BROKEN HEART   Finale

    "NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany

  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 128

    "MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si

  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 127

    "PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago

  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 126

    MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad

  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 125

    "KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama

  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 124

    "KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C

  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 123

    PALIPAT-LIPAT ang tingin ng immigration officer sa hawak na passport at may-ari niyon na makikita sa window glass ang nakalarawang iritasyon sa mukha."What took you so long?" asik ni Corrie. "Baguhan ka lang ba rito?""No. I've been here for more than twenty years.""Then you should retire! Ang bagal mo!"The man smirked. Tumango-tango rin ito at lalo pang binagalan ang pagkilos. "I'm really planning. At magiging memorable pa yata ang retirement year ko.""I don't have time for chit-chat, okay? Do your job. Sayang ang pinapasahod sa 'yo ng gobyerno.""Why such in a hurry, Mrs. Corrie Han Villar?""Gosh! You're annoying! Bilisan mo riyan!""Hindi mo puwedeng apurahin ang immigration officer. May sinusunod kaming protocol dito para sa checking and verification ng mga documents. But if you're really in a hurry, may kilala ka ba rito sa loob na puwedeng makatulong sa 'yo?"Lumapit na si Amelita mula sa likuran ng yellow line dahil sa tagal ni Corrie. Narinig na rin niya ang malakas niton

  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 122

    "MUM, stop it."Sandaling natigil sa pagtitipa ng mensahe sa cellphone si Amelita. Sinulyapan nito ang anak.Magkakasama sa mahabang police patrol vehicle ang buong pamilya. Naroon din si Monette. Nakahiwalay lang sa kanila sina Lodi, Baldo at Edna."Don't try to stop me." Sumulyap ito sa mga kasamang pulis. "Gusto mo ba na makulong, ha?""We've been free for too long..." Pinilit ni Jerry na makapagsalita. He's still weak, but he has to voice out his sentiments that his been keeping it deep within his broken heart. "Dapat nga noon pa natin pinagbayaran lahat nang mga kasalanan natin."Maraming dahilan kaya pakiramdam niya ay durog na durog ang puso niya. He's an unworthy man, a worthless father, not a so-good husband and son.Minsan hindi niya maiwasan na hilinging hindi na lang sana siya nakaligtas noong gabing maaksidente siya. Because living is pointless anymore."We did nothing wrong!" madiing saad ni Amelita. "Ang babae na iyon ang dahilan kaya nandito tayo sa sitwasyon na ito! I

  • HEAL MY BROKEN HEART   Chapter 121

    "DOC, anong nangyari? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang anak ko?"Lumipas na ang mahigit apat na oras na sinabi ng doktor na dapat ay bumalik na ang malay ni Amberlyn, pero nagpalit na ang bagong araw ay nanatili pa rin itong tulog. Hindi man lang ito nagbibigay ng senyales kahit ang dumikat kahit saglit."Normal na ang kanyang mga vital signs. There is no indication of any infection or side effects and even the postoperative complication. We're confused, too.""No explanation at all? It can't be," wika ni Jamilla nang naiiling habang puno ng pag-aalala. "There might be something wrong with her.""Did your child have any traumatic experience?"Napakunot ng noo si Jamilla. "Why?""During her operation, I noticed some old scars from her body. And some are deep na para bang galit na galit ang sinumang tao na gumawa niyon."Napahagulhol si Jamilla."Who did it?"Umiling si Jamilla. "Not me. But someone who is evil!" saad niya na puno ng galit sa pagkakaalala kay Corrie

DMCA.com Protection Status