NAPANGIWI si Jamilla nang marahas siyang isandal ni Jerry sa tagiliran ng kotse matapos niyang makababa roon.
"Ano ba? Nasasaktan ako!" "Talagang masasaktan kita sa oras na pumunta ka uli sa kompanya." Napatitig siya sa nag-aapoy na mga mata ng nobyo. Hindi na iyon ang dating Jerry na nakilala niyang maginoo at mahinahon. "Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag at text ko kaya nag-alala ako." "Manhid ka ba o tanga? You should clearly know na kaya hindi ako sumasagot dahil pinutol ko na ang anumang relasyon natin!" Nag-init ang magkabilang tainga ni Jamilla sa narinig. "Ganoon lang kasimple 'yon? May nangyari sa atin. At isa pa, nangako ka na hanggang sa pagtanda ay magkasama tayong dalawa." Natatawang binitiwan nito ang dalaga. "You're insane! Naniwala ka? I mean, everything I said is a joke. And everything happened to us is just for fun." "Anong ibig mong sabihin?" "Those sweet lines, those promises, I have said it to countless women." Tila rebultong nanigas sa kinatatayuan si Jamilla na sinabayan pa nang pagtulo ng kanyang mga luha. "You heard it right. Marami na kayong pinangakuan ko, but I just can't believe na may isang maniniwala. You're such a fool!" Pinadapuan ng sampal ni Jamilla ang nakangising kaharap. "Paano mong nagawa sa akin 'yon? Minahal kita nang totoo! Bakit mo ako niloko? Bakit?" Gigil nitong pinigilan ang mga nakakuyom na kamao ng dalaga na bumabayo sa dibdib nito. "Because you're flirting with me. Ikaw ang nagbigay ng motibo. At dahil lalaki lang ako kaya pinatulan kita." "Hindi 'yan totoo! Hindi 'yan totoo!" Muntikan nang mawalan ng balanse si Jamilla nang patulak siyang bitiwan ni Jerry. "Stop making a scene. Wala nang tayo. Maliwanag na 'yan kaya huwag na huwag mo na akong guguluhin. I'm getting married. At ayokong sisirain mo ang pangalan ng pamilya ko." Lumuhod sa harap ni Jerry ang dalaga at yumakap sa mga binti nito. "Nakikiusap ako. Huwag mo itong gagawin sa akin. Buntis ako." Marahas nitong itinayo si Jamilla. "Never ever say that trash!" "Totoong buntis ako! At ikaw ang ama!" Muli itong natawa. "Alam mo bang marami nang babae ang nagsabi niyan sa akin? Pero sa huli, iba pala ang ama." "Ikaw lang ang umangkin ng katawan ko!" "How would I know? Kung naibigay mo nga iyon sa akin, posible rin na gawin mo ulit iyon sa iba." "Hindi ako ganoong klaseng babae!" "And what kind of woman are you na ipinagkatiwala ang sarili sa lalaking mahigit isang buwan palang na nakikilala?" Napipilan ang dalaga. "See? Hindi ka makasagot dahil ang totoo, wala kang ipinagkaiba sa mga babaing naikama ko na naghahanap lang ng panandaliang ligaya. Tama ba ako?" "Malinis akong babae nang makuha mo!" "And I paid it well." Itinaas nito ang daliri ni Jamilla na may suot ng singsing. "This costs a fifty thousand pesos." "Sa tingin mo gan'on lang ang halaga ng dangal ko?" sigaw niya habang kuyom ang mga kamao. "Then, how much is it?" ngisi nitong tanong na nasa tono ang pang-uuyam. "Kulang pa ang kayamanan ng buo mong pamilya!" Umugong ang nakakalokong tawa ni Jerry. "Kaya gusto mong akuin ko ang dinadala mo dahil sa yaman ng aking pamilya? Wow! Ang taas ng pangarap mo!" "Wala akong pakialam sa kayamanan mo! Ang gusto ko lang ay panagutan mo ang ipinagbubuntis ko dahil anak mo ito!" "You can't deceive me. I will never ever accept that child. Hindi ko anak iyan." "Sinungaling! Manloloko!" Galit na pinagbabayo ulit ni Jamilla sa dibdib ang binata. At sa ikalawang pagkakataon nang pagtulak ni Jerry, tuluyan na siyang bumagsak. "Leave me alone. Huwag mo na akong guguluhin." Nakangiwi si Jamilla at nakasapo sa tiyan nang makaramdam ng kirot doon. "At sa oras na gumawa ka uli ng eksena lalo na sa mismong teritoryo ko, magsisisi ka. I warned you. So, don't you dare try your luck again. Siguradong mamalasin ang buhay mo." "Hindi ako natatakot!" Gigil na hinawakan sa baba ni Jerry ang dalaga. "Matakot ka! Hindi mo alam ang kaya kong gawin!" "Hayop ka! Mas nagsisisi ako na nakilala kita! Tandaan mo na hindi pa ito ang huli nating pagkikita!" "Try me!" Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Jamilla nang sundan ng tingin ang pagtalikod ng binata at pagsakay nito sa kotse. "Hayop ka, Jerry! Magsisisi ka!" Napahagulhol ang dalaga nang humarurot na palayo ang sasakyan. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay mas masarap ang mamatay kaysa patuloy na huminga."MR. Dela Rivas, wala kang dapat na ipag-alala. Hindi ko naman plano na kuhain ang forty percent ng shares ko sa kompanya mo once I migrated to Switzerland. Yes, please be at ease. Afterall, I have been a loyal investor. So, set aside your worries. Hindi ko kayo ilulubog sa problema. Just send me on my email an annual report for my shares' status. Okay, okay. Magkikita pa tayo bago ako umalis para mapag-usapan natin itong mabuti. See you, then. Bye."Matapos ibaba ni Jordan ang cellphone, pinasadahan niya ang ilan pang papeles na nasa loob ng nakabukas na attaché case.He's been finalizing his assets before leaving the country. Hindi niya alam kung kailan siya makakabalik. Sigurado na matatagalan iyon."Rex, dumaan muna tayo sa banko. I almost forgot na may appointment pala ako roon ng alas diyes.""Yes, sir!" tugon ng drayber.Maayos na ibinalik ni Jordan sa loob ng attaché case ang mga papeles at ipinahinga sa sandalan ng backseat ang pagal na likod. Aktong pipikit sana ang binata n
NAKANGIWI at sumisigaw sa sakit si Jamilla habang hila-hila ang kanyang buhok ng nadatnang babae sa bahay nina Jerry."Wala kang hiya na ikaw pa mismo ang pumunta rito para maghanap ng gulo!""Gusto ko lang makausap ang mga magulang ni Jerry! Aray! Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!""Guard, buksan mo ang gate! Kapag pinapasok mo ulit ang babaing ito, bukas na bukas din, wala ka nang trabaho! Maliwanag?""Opo, Ma'am Corrie!"Patulak nitong binitiwan ang nasasabunutang buhok na nagpabagsak kay Jamilla sa semento. "Huwag ka nang babalik dito kung ayaw mong kalbuhin kita! Alis!" Pinagpag nito ang kamay, "Gross! Such a filthy b*tch!""Hindi ako aalis! Kailangan kong makausap ang pamilya ni Jerry! Pananagutan niya ang ipinagbubuntis ko!""Leech!" sigaw ni Corrie. "Hindi ang lintang katulad mo ang sisipsip sa dugo ng pamilyang ito! You're nothing but a worthless scumbag!""Kahit ano pang sabihin mo, hindi ako aalis! Maghihintay ako rito hanggang hindi nila ako hinaharap!"Natigil sa sagutan an
"HINDI ko alam na bata pa pala ang nagmamay-ari ng Regal Oasis..."Nabaling ang tingin ni Jordan kay Miguel nang makabalik na ito sa sala matapos linisin ang sugat."I was really surprised. And honoured, of course."Nadala na ng katulong ang tatlong tasa ng kape at halos nangangalahati na ni Jordan ang kanyang inumin habang si Corrie ay mas pinili siyang sulyap-sulyapan na para bang sinusuri ang kanyang pagkatao."It's an inheritance from my grandfather after retiring to business."Humigop muna sila ng kape. At tulad ni Corrie ay hindi rin maiwasan ng ginoo na panay sulyapan ang binata."Mukhang malaki ang tiwala sa 'yo ng lolo mo para hayaan niyang pamahalaan mo ang tanyag na Regal Oasis.""I was just twenty-two when he handed it to me.""Really?""And for the past ten years na hawak ko ito, umabot na rin sa dalawampu't anim na lugar sa buong Pilipinas ang sakop nito."Lumapit si Marco at sumingit sa usapan. "Sir, twenty-seven na.""Yeah, right. I almost forgot my last project in Bat
MAHIHINANG yugyog ang nagpamulat sa nahihimbing na si Jamilla na nakatulog sa likurang upuan ng sinakyang kotse. Inaantok pa sana siya, pero hindi siya nilulubayan ng taong pilit gumigising sa kanya."Nandito na tayo."Inisip muna ng dalaga ang kinaroroonan bago naalala ang nagdaang pangyayari."Tumingin ka sa labas," utos ng drayber. "Tama ba ang pinagdalhan ko sa 'yo?"Kinusot muna ni Jamilla ang mga mata at tumanaw sa labas ng bintana. "Opo," tugon niya nang makita ang pamilyar na paligid. "Hay'un ang bahay namin," sabay turo sa tinukoy na nalagpasan na nila sa unahan."Teka't iaatras ko.""Huwag na po. Baka magtaka ang pamilya ko kapag nakita akong bumaba rito. Salamat po sa paghatid. At pasensiya na sa abala.""Rex ang pangalan ko. Tatay Rex. Iyon na lang ang itawag mo sa akin.""Salamat po, Tatay Rex.""Si Sir Jordan ang dapat mong pasalamatan.""Hindi na rin po siguro kami magkikita pa kaya pakisabi na lang po sa kanya na hindi ko makakalimutan lahat nang ginawa niyang tulong p
MARAMING beses nang napanood ni Cardo sa telebisyon si Amelita Villar. Kaya kahit sa kalayuan ay nakilala nito ang isa sa pinakamakapangyarihang babae ng bansa sa larangan ng negosyo."Sino siya?" pag-uulit na tanong ni Lala."Walang iba kundi ang ina ng lalaking nanloko sa ate mo," ngitngit na tugon ng ginoo."Sa aura pa lang ng mukha niya, mukhang hindi siya mabuting tao."Tumango-tango si Lala bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Von. "Para siyang witch sa mga fairy tale book. Ate..." Binalingan nito si Jamilla, "Hindi magandang maging biyenan ang tulad niya."Lumabas ng bahay ang lahat na pinangunahan nina Cardo at Marta. Nadatnan pa nila na itinutulak ng isang armadong lalaki ang gate na yari lang sa kahoy habang nakatakip naman sa ilong ang pumasok doon na eleganteng babae na tila ayaw pang ihakbang ang mga paa. Ang ilan nitong kasama na bodyguard ay nagpaiwan sa labas para harangin ang mga taong gustong makiusyuso."What an awful place," pagkutya ni Amelita habang pinapagala ang ti
"ATE?"Dahan-dahang nagmulat ng namimigat pang mga mata si Jamilla. Sandali muna siyang nakipagtitigan sa puting kisame bago bumaling kay Lala. Binalewala niya ang pag-aalala sa mukha nito dahil may mas bumabagabag sa kanyang kalooban. "Ang sama-sama ng panaginip ko.""Ate-""Puwede mo ba akong ikuha ng tubig?"Tumango-tango ito. "Oo, ate.""Teka!" Nanginginig ang kamay na pinigilan niya ang pagtayo ng kapatid. "Nasaan tayo?""Ate!"Napatitig siya sa kapatid na bigla na lang humagulgol. "Sabihin mong panaginip lang 'yon! Isang masamang bangungot! Sabihin mo!""Ate, wala na sina Mama at Papa!""Hindi! Hindi!" Nagmamadaling lumapit sa higaan ni Jamilla ang mga nurse na nagtakbuhan papasok at pinigilan siya sa pagwawala. "Bitiwan niyo ako! Mama! Papa!""Ate!""Lala, tawagin mo sina Mama at Papa! Sabihin mo sa kanila na magiging mabuti na akong anak! Sige na! Makikinig sila sa akin! Patatawarin nila ako! Tawagin mo sila! Mama! Papa!""Ate, huminahon ka!""Bingi ka ba? Tawagin mo sila!""P
NAPUKAW ang atensyon ng karamihang naroon sa burol dahil sa tunog ng baston sa sahig. Nadako ang tingin nila sa pagpasok ng tatlong lalaki na ang dalawa sa likuran ng nauuna ay mayroong dalang bulaklak na korona.Dere-deretso lang si Jordan sa unahan na ang mga mata ay nakapako kay Jamilla na tila wala sa sariling nakatitig sa kawalan. Nakaupo ito sa tabi ng mga kabaong habang nakatayo naman sa kabilang direksyon ang panganay at bunso nitong kapatid."Nakikiramay kami.""Ipinadala ba kayo rito ng mga Villar?" asik ni Von.Napaigtad si Jamilla sa silya nang marinig ang apelyido ng dating nobyo. Mabilis itong napatayo nang makilala ang binata. "Sir!""Kilala mo ba siya?"Sa halip na sagutin si Von ay nilapitan nito ang bisita. "Sir, tulungan mo ako! Tulungan mo ako!"""Hindi ka pa rin sumusuko?""Ipaghihiganti ko sina Mama at Papa! Papatayin ko lahat nang Villar!""Jamilla!" saway ni Von. "Alam mo ba ang pinagsasabi mo, ha?"Kumawala ito sa pagpigil ng kapatid at mahigpit nitong hinawak
"THE companies kept on pestering me..."Mula sa pagiging abala sa pagbubuklat ng mga kaharap na papeles ay natuon ang atensiyon ni Jordan kay Marco na kapapasok lang sa kanyang opisina. "I assure them already that I will not pull out my shares once I leave the country.""Hindi mo naman maiaalis sa kanila ang mag-alala." Pabagsak itong naupo sa isa sa dalawang bakanteng upuan katapat ng office table. "They are businessmen, after all. At isa pa, alam nila na marami pang puwedeng mangyari kapag nasa Switzerland ka na. Their worries is that you might start anew there and you'll decide to use the money you have with them."Napailing si Jordan. Ibinalik uli niya ang tingin sa mga papeles. "How come they don't trust me? I've been loyal to them since I started in business.""I know.""Forget about them." Muli siyang nag-angat ng mukha. "How is she?""Sino?""That woman.""Si Jamilla?""May iba pa ba akong babaing pinapabantayan sa 'yo?"Napakamot ito sa ulo. "She's doing fine. Well, hindi siy