"SIGE na po, manong."
"Bakit ba ang kulit mo? Kanina pa kita pinapaalis, ah?" "Saglit lang naman po ako. Kailangan na kailangan ko po talagang makausap si Sir Jerry." "Hindi nga puwede dahil iyon ang mahigpit niyang bilin sa amin na huwag tataganggap ng bisita para sa kanya." "Sampung minuto. Please?" "Umalis ka na lang. Huwag nang makulit." "Limang minuto. Sige na po, manong. Please?" "Ano ba kasing kailangan mo sa kanya?" Mabilis na nag-isip ng irarason si Jamilla. "Sisingilin ko lang po siya sa kabuuang bayad ng paglilinis ko sa kanyang condo. Naalala niyo po ba ako? Ikaw ang duty nang araw na pumunta ako rito." "Oo, naalala kita. Pero hindi ganyan si Sir Jerry. Mayaman siya kaya bakit naman niya babayaran ng instalment ang serbisyo mo. Maraming cleaner sa penthouse, pero ikaw lang ang bukod-tanging nagreklamo." "Maniwala po kayo sa akin, manong. Kahit tawagan niyo pa at itanong sa kanya." "Ayaw niyang magpaistorbo. Sige na. Umalis ka na." "Manong..." "Kapag nangulit ka nang nangulit, mapipilitan akong tumawag ng pulis." Laglag-balikat na umalis na lamang siya sa loob ng lobby, pero pinili niyang mamalagi muna sa labas ng gusali dahil baka sakaling magkita silang dalawa roon ni Jerry. Matiyagang naghintay at nag-abang si Jamilla. Inabot na siya ng gabi sa gilid ng City Royale Condominium na tubig at biscuit lang ang laman ng tiyan. Wala pa sanang balak umuwi ang dalaga kahit mangilan-ngilan na lang ang mga tao at sasakyan sa paligid kung hindi tumawag sa kanya ang nag-aalalang ina. Pero kinabukasan hanggang umabot ng dalawang linggo ay hindi sumuko si Jamilla sa paghihintay. Hindi na siya halos pumapasok sa trabaho. Mula madaling-araw hanggang hatinggabi, nanatili siya sa parehong puwesto sa City Royale Condominium. Kulang na nga lang ay bilangin niya paisa-isa ang mga kotse na dumaraan at humihinto sa driveway, pero kahit na mahilo siya't maduling ay walang kahit na anino ni Jerry ang nagpapakita. Nawawalan na siya ng pag-asa. Kung hindi dahil sa bata na nasa sinapupunan, siguro mas pipiliin na lang niya ang mamatay. Eksaktong ika-tatlong linggo nang masilip ni Jamilla sa loob ng lobby na iba na ang guwardiya na nagbabantay roon. Mabilis siyang pumasok at inulit ang kanyang eksena tungkol sa paniningil. "Naku, wala na rito si Sir Jerry." "Ho? Anong wala na?" "Ibinenta na niya ang condo at lumipat na." Napatda si Jamilla. Hindi naman siya pumalya sa araw ng paghihintay at pag-aabang sa labas, pero wala sa kanyang nakarating na balita. "Alam niyo po ba kung saan siya lumipat?" "Balita ko naninirahan na siya ngayon sa bahay ng mga magulang niya sa Makati." "May address po ba siyang iniwan?" "Wala. Pasensiya na. At kung meron man, hindi namin iyon puwedeng i-disclose sa mga outsider nang walang pahintulot mula sa tenant." Nakaramdam ng panghihina si Jamilla habang palabas ng gusali. Sa mahigit dalawang buwan nilang magkakilala ni Jerry ay wala siyang alam sa pagkatao o pagkakakilanlan nito. Inuna niyang pinairal ang pag-ibig. Nagtiwala siya. Umasa. Nagmahal. At ngayon ay labis siyang nasasaktan. Pinakawalan ng dalaga ang mga luha habang binabayo ang naninikip na dibdib. Muli ay hiniling niyang sana ay isa lang iyong panaginip na kinabukasan ay magigising din siyang nasa tabi uli ang pinakamamahal na lalaki. "Are you okay?" Wala sa sariling tinabig ni Jamilla ang humawak na kamay sa kanyang braso at paika-ikang naglakad palayo. Naiiling habang hatid-tanaw ni Jordan ang dalaga. "It's her again." Pumasok ang binata sa gusali ng City Royale Condominium at dumiretso sa reception. "Good morning, sir." "Manong, anong kailangan ng babaing kalalabas lang dito?" "Hinahanap po si Sir Jerry. 'Yong may-ari ng penthouse na lilipatan niyo. May kulang pa raw na bayad sa kanya sa paglilinis." Napakunot ng noo si Jordan dahil sa pagkakaalam nito ay saleslady si Jamilla sa Avalanche Shoe Mart. Imposibleng ang dahilan ng nakita nitong luha at panlulumo sa mukha ng dalaga ay pera. "Titingnan niyo po ang pe-" "Babalik ako." Kahit may kapansanan sa paa si Jordan, mabilis pa rin itong nakalabas at sinundan agad ang direksyong tinahak kanina ni Jamilla. "Darn!" Napamura ang binata nang makitang nakahandusay na sa daan ang hinahanap. He hurriedly came to the rescue just like what he did on the first day they met. "Miss?" Nanghihina man ay pinilit ni Jamilla na imulat ang mga namimigat na mata. "Jerry? Jerry!" sabay humahagulhol na yakap sa lalaking nasa tabi. "Huwag mo akong iiwan! Nakikiusap ako! Kailangan na kailangan kita!" "Miss..." Natahimik ang paligid. "Miss?" Tuluyan nang nawalan ng ulirat ang dalaga. Agad na tinawagan ni Jordan ang driver nito at tumungo sila sa pinakamalapit na ospital."HOW'S the baby?""Maayos ang lagay ng bata. But I'm more worried about the mother.""Bakit, doc?""Sa lumabas na resulta ng kanyang mga lab test, she's malnourished.""Malnourished?" pag-uulit na tanong ni Jordan.Tumango naman ang doktor. "At hindi lang iyon. She's under stress, depression and over fatigue. Maaaring malagay sa panganib ang buhay niya lalo na ang sanggol sa oras na magpatuloy ito. Magkakilala ba kayo?""No. We're just an acquaintance. I personally don't know her.""Nasaan ang pamilya niya?"Umiling si Jordan. "I think hindi niya gustong malaman ng kanyang pamilya ang tungkol sa kalagayan niya.""You mean, wala silang alam na buntis ang pasyente?"Tumango si Jordan. "It's better to wait for her na magising at hayaang siya na lang ang magdesisyon. In the meantime, can you please take care of her?""Don't worry. We will give her the best care.""Salamat, doc.""Anyway, in any case, just for the record, kakailanganin ko pa rin na makuha ang contact details ng kanyang pam
"ANAK, saan ka na naman pupunta sa ganito kaagang oras?"Hindi napansin ni Jamilla na naroon na sa kusina ang kanyang ama. Tahimik at patingkayad siyang naglalakad upang hindi maistorbo ang natutulog pang pamilya. "Pa.""Ilang araw ko nang napapansin na halos inuunahan mo sa pag-alis ang pagsikat ng araw."Alam ng kanyang ama ang oras ng pasok niya sa Avalanche. "Naghahanap po ako ng bagong trabaho," pagsisinungaling ni Jamilla."Ha? Umalis ka na ba sa dati mong pinapasukan?" pagtatakang tanong ng ginoo. "Bakit wala yata kaming alam?""Ayoko po kasing dumagdag pa sa mga isipin niyo rito sa bahay.""Anak, ano bang pinagsasasabi mo?""Umalis po ako kasi hindi kami magkasundo ng supervisor ko.""Gan'on ba?" Hindi na nito pinansin ang pag-iwas ni Jamilla sa nais sana nitong pag-usisa sa naunang pahayag ng anak. "Okay lang iyan. Kung hindi ka na masaya roon, bakit nga naman magtitiyaga ka pa at magtitiis? Halika rito. Sabayan mo ako sa almusal. Kailangang may laman lagi ang tiyan mo para h
NAPANGIWI si Jamilla nang marahas siyang isandal ni Jerry sa tagiliran ng kotse matapos niyang makababa roon."Ano ba? Nasasaktan ako!""Talagang masasaktan kita sa oras na pumunta ka uli sa kompanya."Napatitig siya sa nag-aapoy na mga mata ng nobyo. Hindi na iyon ang dating Jerry na nakilala niyang maginoo at mahinahon. "Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag at text ko kaya nag-alala ako.""Manhid ka ba o tanga? You should clearly know na kaya hindi ako sumasagot dahil pinutol ko na ang anumang relasyon natin!"Nag-init ang magkabilang tainga ni Jamilla sa narinig. "Ganoon lang kasimple 'yon? May nangyari sa atin. At isa pa, nangako ka na hanggang sa pagtanda ay magkasama tayong dalawa."Natatawang binitiwan nito ang dalaga. "You're insane! Naniwala ka? I mean, everything I said is a joke. And everything happened to us is just for fun.""Anong ibig mong sabihin?""Those sweet lines, those promises, I have said it to countless women."Tila rebultong nanigas sa kinatatayuan si Jamilla
"MR. Dela Rivas, wala kang dapat na ipag-alala. Hindi ko naman plano na kuhain ang forty percent ng shares ko sa kompanya mo once I migrated to Switzerland. Yes, please be at ease. Afterall, I have been a loyal investor. So, set aside your worries. Hindi ko kayo ilulubog sa problema. Just send me on my email an annual report for my shares' status. Okay, okay. Magkikita pa tayo bago ako umalis para mapag-usapan natin itong mabuti. See you, then. Bye."Matapos ibaba ni Jordan ang cellphone, pinasadahan niya ang ilan pang papeles na nasa loob ng nakabukas na attaché case.He's been finalizing his assets before leaving the country. Hindi niya alam kung kailan siya makakabalik. Sigurado na matatagalan iyon."Rex, dumaan muna tayo sa banko. I almost forgot na may appointment pala ako roon ng alas diyes.""Yes, sir!" tugon ng drayber.Maayos na ibinalik ni Jordan sa loob ng attaché case ang mga papeles at ipinahinga sa sandalan ng backseat ang pagal na likod. Aktong pipikit sana ang binata n
NAKANGIWI at sumisigaw sa sakit si Jamilla habang hila-hila ang kanyang buhok ng nadatnang babae sa bahay nina Jerry."Wala kang hiya na ikaw pa mismo ang pumunta rito para maghanap ng gulo!""Gusto ko lang makausap ang mga magulang ni Jerry! Aray! Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!""Guard, buksan mo ang gate! Kapag pinapasok mo ulit ang babaing ito, bukas na bukas din, wala ka nang trabaho! Maliwanag?""Opo, Ma'am Corrie!"Patulak nitong binitiwan ang nasasabunutang buhok na nagpabagsak kay Jamilla sa semento. "Huwag ka nang babalik dito kung ayaw mong kalbuhin kita! Alis!" Pinagpag nito ang kamay, "Gross! Such a filthy b*tch!""Hindi ako aalis! Kailangan kong makausap ang pamilya ni Jerry! Pananagutan niya ang ipinagbubuntis ko!""Leech!" sigaw ni Corrie. "Hindi ang lintang katulad mo ang sisipsip sa dugo ng pamilyang ito! You're nothing but a worthless scumbag!""Kahit ano pang sabihin mo, hindi ako aalis! Maghihintay ako rito hanggang hindi nila ako hinaharap!"Natigil sa sagutan an
"HINDI ko alam na bata pa pala ang nagmamay-ari ng Regal Oasis..."Nabaling ang tingin ni Jordan kay Miguel nang makabalik na ito sa sala matapos linisin ang sugat."I was really surprised. And honoured, of course."Nadala na ng katulong ang tatlong tasa ng kape at halos nangangalahati na ni Jordan ang kanyang inumin habang si Corrie ay mas pinili siyang sulyap-sulyapan na para bang sinusuri ang kanyang pagkatao."It's an inheritance from my grandfather after retiring to business."Humigop muna sila ng kape. At tulad ni Corrie ay hindi rin maiwasan ng ginoo na panay sulyapan ang binata."Mukhang malaki ang tiwala sa 'yo ng lolo mo para hayaan niyang pamahalaan mo ang tanyag na Regal Oasis.""I was just twenty-two when he handed it to me.""Really?""And for the past ten years na hawak ko ito, umabot na rin sa dalawampu't anim na lugar sa buong Pilipinas ang sakop nito."Lumapit si Marco at sumingit sa usapan. "Sir, twenty-seven na.""Yeah, right. I almost forgot my last project in Bat
MAHIHINANG yugyog ang nagpamulat sa nahihimbing na si Jamilla na nakatulog sa likurang upuan ng sinakyang kotse. Inaantok pa sana siya, pero hindi siya nilulubayan ng taong pilit gumigising sa kanya."Nandito na tayo."Inisip muna ng dalaga ang kinaroroonan bago naalala ang nagdaang pangyayari."Tumingin ka sa labas," utos ng drayber. "Tama ba ang pinagdalhan ko sa 'yo?"Kinusot muna ni Jamilla ang mga mata at tumanaw sa labas ng bintana. "Opo," tugon niya nang makita ang pamilyar na paligid. "Hay'un ang bahay namin," sabay turo sa tinukoy na nalagpasan na nila sa unahan."Teka't iaatras ko.""Huwag na po. Baka magtaka ang pamilya ko kapag nakita akong bumaba rito. Salamat po sa paghatid. At pasensiya na sa abala.""Rex ang pangalan ko. Tatay Rex. Iyon na lang ang itawag mo sa akin.""Salamat po, Tatay Rex.""Si Sir Jordan ang dapat mong pasalamatan.""Hindi na rin po siguro kami magkikita pa kaya pakisabi na lang po sa kanya na hindi ko makakalimutan lahat nang ginawa niyang tulong p
MARAMING beses nang napanood ni Cardo sa telebisyon si Amelita Villar. Kaya kahit sa kalayuan ay nakilala nito ang isa sa pinakamakapangyarihang babae ng bansa sa larangan ng negosyo."Sino siya?" pag-uulit na tanong ni Lala."Walang iba kundi ang ina ng lalaking nanloko sa ate mo," ngitngit na tugon ng ginoo."Sa aura pa lang ng mukha niya, mukhang hindi siya mabuting tao."Tumango-tango si Lala bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Von. "Para siyang witch sa mga fairy tale book. Ate..." Binalingan nito si Jamilla, "Hindi magandang maging biyenan ang tulad niya."Lumabas ng bahay ang lahat na pinangunahan nina Cardo at Marta. Nadatnan pa nila na itinutulak ng isang armadong lalaki ang gate na yari lang sa kahoy habang nakatakip naman sa ilong ang pumasok doon na eleganteng babae na tila ayaw pang ihakbang ang mga paa. Ang ilan nitong kasama na bodyguard ay nagpaiwan sa labas para harangin ang mga taong gustong makiusyuso."What an awful place," pagkutya ni Amelita habang pinapagala ang ti
MULA sa pagkakasampa ni Amberlyn sa ibabaw ng isa sa mga bintana ng silid ay pilit niyang inaabot ang mahabang water pipe na nakadikit sa dingding sa labas.Hindi siya puwedeng dumaan sa ibaba dahil naririnig niya ang pag-iingay roon ang kanyang ina. Kailangang makaalis siya ng bahay bago dumating ang mga pulis.Kagat-kagat ni Amberlyn sa tainga ang manika nang dumausdos siyq sa water pipe. Tinanggal na niya lahat nang kaba at takot sa katawan dahil kapag nahuli siya ay hindi niya alam ang gagawin sa kanya ng pamilya lalo na't wala na ang Yaya Erin niya sa tabi.Mababa lang naman ang pagitang una at ikalawang palapag kaya hindi naman siya nahirapan. Ang problema lang ay mataas ang nag-iisang puno sa likuran ng bahay na balak niyang akyatin para makalabas ng bakuran. Pero susubukan niya.Tulad nang ibinilin ni Erin, nagtago muna at naghintay ang bata ng pagkakataon. "AMBER?"Napatigil siya sa pag-akyat sa puno saka napalingon. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa pagkakataong iyon. "Ku
"LET'S play and be happy!""Daddy, Angel wants to play with me.""Let's play and be happy!" pag-iingay uli ng manika nang pindutin ang tiyan nito ni Amberlyn."But I can not play with her. Gusto ko po kasi kasama ka. Daddy, gising ka na po. Please? I really miss you. Angel, too.""Let's play and be happy!""Sorry, Angel. Let's play when Daddy wakes up, okay?" Pinatango niya ang manika. "Good girl."Inihiga ni Amberlyn ang ulo sa tabi ng ama habang nakatingala at nakayakap dito."Daddy, when you wake up, let's go and travel. Hindi na po kasi ako pinapalabas nina Lola at Mommy ng bahay."Naging komportable sa pagkakahiga si Amberlyn habang kausap at yakap ang ama. Kaya hindi na niya namalayan na unti-unti na siyang hinihila ng antok.Nagising na lamang ang bata dahil may marahas na humali sa kanya patayo. At nanlaki ang mga mata niya, "Mommy?!""Anong ginagawa mo rito?""Mommy, I just want to see Daddy.""Sinong nagbigay permiso sa 'yo na pumunta at pumasok dito, ha?""Sorry po, Mommy."
ITINULOS sa posisyon si Monette kahit nabugahan ng tubig ng taong matagal din niyang pinangarap na muling makita. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ito. If she could just stare him that way, pipiliin niyang pigilin ang pag-ikot ng mundo. And she will hold the time to remain right just in front of him.He never changed. He is still the most handsome man in her eyes. Pero hindi siya dapat magpahalatang masaya siya sa pagtatagpo nila na iyon. She has to control her emotions."I assume na magkakilala na kayo," wika ni Jamilla na palihim na pinandilatan si Gener nang tumingin ito sa kanya. Tila bata itong nagpapasaklolo. "Tama ba?""He's an old colleague," malamig na saad ni Monette. "Anyway, I came here to meet you. Hindi ko alam na may bisita ka pala.""No, no. Hindi siya bisita rito."Gusto sanang itaas ni Monette ang isang kilay, pero pinigil niya iyon. Baka maging rude siya sa paningin ng dalawa. "Sorry. Asawa mo?""What do you think?" Naupo si Jamilla sa tabi ni Gener at kum
"ANONG ibig sabihin nito?"Bahagyang napapitlag si Gener nang pabagsak na ibinaba ng opisyal niya sa ibabaw ng mesa ang isang asul na folder."Kaya ka ba humingi ng leave para rito?"Nang buklatin ng lalaki ang folder, nakita niya roon ang ilang pahina ng mga papel at larawan ng kanyang grupo during their stakeout sa paghahanap kay Herman."You're trying to open a cold case? And you are doing it behind my back?"Muling napasulyap si Gener sa folder. Marahil ang mga papel na naroon ay tugon mula sa request nila ni Jamilla upang buksan uli ang kaso ng pamilya Angeles."What do you think you're thinking? Nasisiraan ka na ba ng ulo?""Sir -""Hindi mangyayari ang pinaplano mo!"Hinablot ni Gener ang nakasukbit na tsapa sa uniporme kasama ng ang ID saka inilapag ang mga iyon sa mesa. "Dapat noon ko pa ito ginawa.""Where did you get that guts, huh?" panlalaki nito ng mga mata sa binata habang nakalarawan sa namumulang mukha ang galit."This is not simply just guts, but courage. Alam mo ba
PATINGKAYAD ang mga hakbang ni Amberlyn maging ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang silid.Dahan-dahan din ang pagbaba niya sa hagdan, palinga-linga sa paligid. Hindi niya pa naririnig ang boses ng kanyang lolo't lola. Wala ang Mommy niya.Tumungo si Amberlyn sa kusina. Naroon ang Yaya Erin niya. Abala ito sa pagkain habang nakikipagkuwentuhan sa isang bagong katulong.Nang masiguro niyang may oras pa siya bago bumalik ang Yaya niya ay saka niya tinahak ang patungo sa silid ng kanyang ama.Sandali munang huminto si Amberlyn nang tumapat sa pinto. Nang walang marinig na ingay sa loob ay marahan niyang pinihit ang seradura.Dere-deretso na siyang pumasok at tumungo sa higaan ng ama."Daddy, when will you wake up? Let's play.""Let's play and be happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ng bata ang tiyan nito."Daddy, Angel also wants to play with you. We miss you. Please, wake up."Biglang naalarma si Amberlyn nang makarinig siya ng mga yabag sa labas. Nasundan iyon ng tinig ng
"MAGALING magtago si Herman. Mukhang magaling din ang taong tumutulong sa kanya..."Pasimple namang napasulyap si Jamilla kay Jordan. Blangko ang reaksiyon nito. Marahil mali talaga siya ng hinala. Hindi nito magagawang maglihim sa kanya."Ang ipinagtataka ko, anong rason bakit siya itinatago?" patuloy na kumento ni Gener."It's either he will be used as a bomb na pasasabugin sa tamang oras o posibleng may kailangan silang protektahan," saad ni Jamilla na hindi naiwasan na sulyapan uli si Jordan."Kung mangyari man iyan o totoo iyan, then it is against the Villar. Kalaban ng mga ito ang tumutulong sa kanya," ani Jack. "Magandang senyales iyan, hindi ba?"Tumango-tango si Jordan. "If that's the case, should we stop looking for him?""Wala rin namang progress ang stakeout ng grupo dahil nga magaling magtago si Herman," wika ni Gener. "How about we focused on the three musketeers?"Natuon ang tingin ng lahat kay Jack."Sina Miguel, Amelita at Corrie Villar ang tinutukoy ko. Sa pagkakaal
"SO, they started the counterpart..."Napahinto sa paghakbang si Jamilla na may tangan na tray ng apat na tasa ng umuusok na tsaa. Sandali muna siyang nanatili roon at pinakinggan ang usapan sa veranda."May mga tao pa rin ang tumutulong sa kanila," wika ni Vhen."Hindi sila madaling bumitiw," tugon ni Jordan. Kasama nito ang tatlo sa mga malalapit na kaibigan. "Not because of loyalty but fear na kapag nakabangon ulit ang mga Villar ay babalikan sila ng mga ito.""Anyway, may nakakatawang balitang nakarating sa akin."Natuon ang tingin ng lahat kay Jack-- the nosy one who loves interfering to other's people lives."Ano 'yon?" tanong ni Jordan."Hindi ko alam kung matatawa ba rito o magagalit ang Daddy mo.""Why?""He was linked to Jamilla.""I heard about it to my daughter," wika ni Dick na sinundan ng pagtawa. "At lalong ginagatungan ni Fred ang kumakalat na tsismis.""Ano ba kasi iyon?" pag-aapura ni Jordan."The Villar called Ella as your Dad's mistress," tugon ni Jack."WHAT?"Nag
"WHO are you?"Napatingin ang babaing nagkakabit ng dextrose sa pagpasok ni Corrie sa silid."Hello, Ma'am.""Tinatanong ko kung sino ka?" Napansin nito ang pagtaas ng isang kilay ng babae. "Aba! Parang gusto mo ng giyera!""Ako po si Monette. I was hired as a private nurse.""Private nurse?" Pinasadahan ng tingin nito ang kabuuan ng kaharap. "And why are you not wearing your uniform?"Napasuyod naman muna si Monette sa suot na white shirt, apricot skirt at itim na rubber shoes. "Uhm, hindi pa lang po ako nakakapagbihis. Inuna kong palitan kasi ang dextrose.""And you're planning to change your clothes in my husband's room?"Napasulyap si Monette sa walang malay na pasyente. At napangisi siya na lalong ikinainis ni Corrie. "Kung magigising man ang asawa niyo kapag naghubad ako rito, siguradong matutuwa si Madam Amelita.""You -""But I always respect my patients and my self kaya imposible ang iniisip ninyo. Sige po, Ma'am." Kinuha niya ang ipinatong na bag sa ibabaw ng isang silya. "M
"ANONG ginagawa mo rito?""Yaya.""Halika ngang bata ka!" Hinatak ni Erin si Amberlyn na inabutan niya sa kuwarto ni Corrie na nagkakalkal doon. "Ang tigas ng ulo mo!""Yaya, sandali lang po!""Hindi!""Please, Yaya?""Naghahanap ka talaga ng sakit ng katawan!"Wala nang nagawa si Amberlyn habang hatak-hatak ni Erin hanggang makabalik sa silid nito."Ayaw mo ba talagang makinig sa akin, ha?" asik niya nang maiupo ang bata sa kama nito. "Alam mong laging mainit sa 'yo ang ulo ng mga tao rito, bakit panay ang gawa mo ng mga bagay na ikaw rin lang ang masasaktan?"Nakayuko ito at nangingiid ang luha. "Sorry po, Yaya.""Sorry ka nang sorry, pero inuulit mo nang inuulit! Anong ginagawa mo sa kuwarta ng nanay mo?""I was looking for my phone."Sandaling napipilan si Erin. Noong isang araw kasi ay kinumpiska ng amo niyang babae ang cellphone ni Amberlyn dahil lang mainit ang ulo nito nang umuwi ng bahay. At nabalingan na naman nito ang bata."Puwede mo namang gamitin ang phone ko.""But Tita