"CONGRATS. Three weeks ka nang nagdadalang-tao."
Napaawang ang bibig niya sa kaharap. Resident doctor ito ng Avalanche Shoe Mart. At kasalukuyan siyang nasa loob ng clinic nito. Nagising siyang naroon na matapos siyang mawalan ng malay. "Ho?" "Hindi mo ba inaasahan ang ibinalita ko? I mean, siguro may asawa ka naman." Nahihiya siyang yumuko at marahang umiling. "I see. But for sure, may boyfriend ka." Tumango si Jamilla. "Good. Anyway, I don't know if this is good news." "Maganda po iyong balita, doc." "So, dapat masaya ka." "U-uhm, masaya naman po ako." Nabuhayan ng pag-asa si Jamilla sa balitang narinig. Ang pagkakaroon nila ng anak ni Jerry ay sapat nang dahilan para ipaglaban niya rito ang kanyang karapatan. "Umuwi ka muna. Kinausap na ng manager mo ang iyong supervisor for your sick leave today. Bibigyan kita ng mga prescription para manatiling malusog kayong mag-ina." "Salamat po, doc." Nagsulat sa prescription pad ang doktor. At pagkatapos niyon ay iniabot kay Jamilla ang papel. "Make sure na mabibili mo at masusunod mo ang pag-inom ng mga gamot. You have to take care of your health dahil anaemic ka. Hindi iyon maganda sa sanggol na dinadala mo. Umiwas ka rin sa stress. Makakasama ang lanis na problema at pag-iisip sa katawan mo. Naiintindihan mo ba?" Tumango lang ulit si Jamilla. "Good. Hintayin mo na ang pagsundo sa' yo rito ng iyong pamilya. Tinawagan na sila ng HR." Biglang napatayo si Jamilla. Walang dapat makaalam ng kanyang kondisyon nang hindi niya pa iyon nasasabi kay Jerry. Kailangang ma-surprise niya ang nobyo. Siguradong matutuwa ito. "Are you okay?" puna ng doktor sa naging reaksiyon ng dalaga. "Opo. Aalis na ako. Salamat." "No. You can't go alone. Baka bigla ka na namang mawalan ng malay. Masuwerte ka lang kanina dahil may kostumer na maagap kang nahawakan. Mahirap iyan kung mabubuwal o babagsak ka. Baka mawala ang batang dinadala mo." "Mag-iingat po ako." "Hintayin mo na rito sa loob ang pamilya mo." "Hindi na po. Kaya ko na ang sarili ko. Bye." Tumalikod na si Jamilla at tinungo na ang pinto, pero napatigil siya nang may maalala. "Doc." Nilingon niya ang doktora, "Puwede po bang walang makakaalam ng pagbubuntis ko." "Your supervisor needs to know your condition para-" "Please?" "Okay, fine. Pero kailangan mong mag-ingat kapag nasa trabaho ka. Or else, ako ang sisisihin sa oras na mayroong mangyari sa 'yo." "Tatandaan ko po lahat nang paalala niyo." Tuluy-tuloy nang lumabas ng klinika ang dalaga matapos muling makapagpasalamat sa mabait na doktora. Hindi siya dumaan sa main hallway dahil baka may makakita sa kanya roon na mga kasama sa trabaho. Tinahak ni Jamilla ang exit staircase patungo sa ibaba ng tatluhang palapag ng shoe mart. Hindi niya inaasahan na madadatnan niya sa ibaba ang kanyang manager kasama ang kostumer na pinaghintay na niya, iniyakan pa. Marahil ay nagreklamo ito. "Miss Angeles!" Bahagya siyang yumukod para bumati. "Hello po, sir." "Okay ka na ba?" "Opo, sir." Hinarap niya ang lalaking kostumer. "Sorry po talaga sa nangyari. Hindi na po iyon mauulit." "There's no need for an apology. Kumusta na ang pakiramdam mo?" "Okay naman po. Kailangan ko lang daw ng pahinga." "I will personally file a three-day sick leave for you," singit ni Keith. "Magpahinga kang mabuti." "Salamat po, sir." Napatingin ang tatlo sa bungad ng entrada nang humahangos na pumasok doon ang nag-aalalang ina at bunsong kapatid ni Jamilla. "Anak, anong nangyari?" "Wala po iyon, ma. Anaemic lang daw ako sabi ng doktor." Nakahinga nang maluwang si Marta. "Akala namin kung napaano ka na!" "Pero namumutla ka, ate!" puna ni Lala. "Okay lang ako. Kailangan ko lang ng pahinga." Matapos ipakilala ni Jamilla sa dalawang lalaki ang ina at kapatid ay mabilis na niyang inakay palabas ang mga ito. Hindi napansin ng dalaga na sa pagmamadali ay nahulog niya ang prescription na ibinigay sa kanya ng doktor. "I'll go ahead, pare. See you next time," paalam ni Jordan sa kaibigan. "Okay. Just give me a call." "Bye." Dinampot ni Jordan ang papel na hindi rin napansin Keith. Binasa nito ang mga nakasulat doon. "So, she is hiding her real condition." Jordan is a licensed pharmacist kaya alam nito kung para saan ang mga gamot na nasa resita."SIGE na po, manong.""Bakit ba ang kulit mo? Kanina pa kita pinapaalis, ah?""Saglit lang naman po ako. Kailangan na kailangan ko po talagang makausap si Sir Jerry.""Hindi nga puwede dahil iyon ang mahigpit niyang bilin sa amin na huwag tataganggap ng bisita para sa kanya.""Sampung minuto. Please?""Umalis ka na lang. Huwag nang makulit.""Limang minuto. Sige na po, manong. Please?""Ano ba kasing kailangan mo sa kanya?"Mabilis na nag-isip ng irarason si Jamilla. "Sisingilin ko lang po siya sa kabuuang bayad ng paglilinis ko sa kanyang condo. Naalala niyo po ba ako? Ikaw ang duty nang araw na pumunta ako rito.""Oo, naalala kita. Pero hindi ganyan si Sir Jerry. Mayaman siya kaya bakit naman niya babayaran ng instalment ang serbisyo mo. Maraming cleaner sa penthouse, pero ikaw lang ang bukod-tanging nagreklamo.""Maniwala po kayo sa akin, manong. Kahit tawagan niyo pa at itanong sa kanya.""Ayaw niyang magpaistorbo. Sige na. Umalis ka na.""Manong...""Kapag nangulit ka nang nangul
"HOW'S the baby?""Maayos ang lagay ng bata. But I'm more worried about the mother.""Bakit, doc?""Sa lumabas na resulta ng kanyang mga lab test, she's malnourished.""Malnourished?" pag-uulit na tanong ni Jordan.Tumango naman ang doktor. "At hindi lang iyon. She's under stress, depression and over fatigue. Maaaring malagay sa panganib ang buhay niya lalo na ang sanggol sa oras na magpatuloy ito. Magkakilala ba kayo?""No. We're just an acquaintance. I personally don't know her.""Nasaan ang pamilya niya?"Umiling si Jordan. "I think hindi niya gustong malaman ng kanyang pamilya ang tungkol sa kalagayan niya.""You mean, wala silang alam na buntis ang pasyente?"Tumango si Jordan. "It's better to wait for her na magising at hayaang siya na lang ang magdesisyon. In the meantime, can you please take care of her?""Don't worry. We will give her the best care.""Salamat, doc.""Anyway, in any case, just for the record, kakailanganin ko pa rin na makuha ang contact details ng kanyang pam
"ANAK, saan ka na naman pupunta sa ganito kaagang oras?"Hindi napansin ni Jamilla na naroon na sa kusina ang kanyang ama. Tahimik at patingkayad siyang naglalakad upang hindi maistorbo ang natutulog pang pamilya. "Pa.""Ilang araw ko nang napapansin na halos inuunahan mo sa pag-alis ang pagsikat ng araw."Alam ng kanyang ama ang oras ng pasok niya sa Avalanche. "Naghahanap po ako ng bagong trabaho," pagsisinungaling ni Jamilla."Ha? Umalis ka na ba sa dati mong pinapasukan?" pagtatakang tanong ng ginoo. "Bakit wala yata kaming alam?""Ayoko po kasing dumagdag pa sa mga isipin niyo rito sa bahay.""Anak, ano bang pinagsasasabi mo?""Umalis po ako kasi hindi kami magkasundo ng supervisor ko.""Gan'on ba?" Hindi na nito pinansin ang pag-iwas ni Jamilla sa nais sana nitong pag-usisa sa naunang pahayag ng anak. "Okay lang iyan. Kung hindi ka na masaya roon, bakit nga naman magtitiyaga ka pa at magtitiis? Halika rito. Sabayan mo ako sa almusal. Kailangang may laman lagi ang tiyan mo para h
NAPANGIWI si Jamilla nang marahas siyang isandal ni Jerry sa tagiliran ng kotse matapos niyang makababa roon."Ano ba? Nasasaktan ako!""Talagang masasaktan kita sa oras na pumunta ka uli sa kompanya."Napatitig siya sa nag-aapoy na mga mata ng nobyo. Hindi na iyon ang dating Jerry na nakilala niyang maginoo at mahinahon. "Hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag at text ko kaya nag-alala ako.""Manhid ka ba o tanga? You should clearly know na kaya hindi ako sumasagot dahil pinutol ko na ang anumang relasyon natin!"Nag-init ang magkabilang tainga ni Jamilla sa narinig. "Ganoon lang kasimple 'yon? May nangyari sa atin. At isa pa, nangako ka na hanggang sa pagtanda ay magkasama tayong dalawa."Natatawang binitiwan nito ang dalaga. "You're insane! Naniwala ka? I mean, everything I said is a joke. And everything happened to us is just for fun.""Anong ibig mong sabihin?""Those sweet lines, those promises, I have said it to countless women."Tila rebultong nanigas sa kinatatayuan si Jamilla
"MR. Dela Rivas, wala kang dapat na ipag-alala. Hindi ko naman plano na kuhain ang forty percent ng shares ko sa kompanya mo once I migrated to Switzerland. Yes, please be at ease. Afterall, I have been a loyal investor. So, set aside your worries. Hindi ko kayo ilulubog sa problema. Just send me on my email an annual report for my shares' status. Okay, okay. Magkikita pa tayo bago ako umalis para mapag-usapan natin itong mabuti. See you, then. Bye."Matapos ibaba ni Jordan ang cellphone, pinasadahan niya ang ilan pang papeles na nasa loob ng nakabukas na attaché case.He's been finalizing his assets before leaving the country. Hindi niya alam kung kailan siya makakabalik. Sigurado na matatagalan iyon."Rex, dumaan muna tayo sa banko. I almost forgot na may appointment pala ako roon ng alas diyes.""Yes, sir!" tugon ng drayber.Maayos na ibinalik ni Jordan sa loob ng attaché case ang mga papeles at ipinahinga sa sandalan ng backseat ang pagal na likod. Aktong pipikit sana ang binata n
NAKANGIWI at sumisigaw sa sakit si Jamilla habang hila-hila ang kanyang buhok ng nadatnang babae sa bahay nina Jerry."Wala kang hiya na ikaw pa mismo ang pumunta rito para maghanap ng gulo!""Gusto ko lang makausap ang mga magulang ni Jerry! Aray! Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!""Guard, buksan mo ang gate! Kapag pinapasok mo ulit ang babaing ito, bukas na bukas din, wala ka nang trabaho! Maliwanag?""Opo, Ma'am Corrie!"Patulak nitong binitiwan ang nasasabunutang buhok na nagpabagsak kay Jamilla sa semento. "Huwag ka nang babalik dito kung ayaw mong kalbuhin kita! Alis!" Pinagpag nito ang kamay, "Gross! Such a filthy b*tch!""Hindi ako aalis! Kailangan kong makausap ang pamilya ni Jerry! Pananagutan niya ang ipinagbubuntis ko!""Leech!" sigaw ni Corrie. "Hindi ang lintang katulad mo ang sisipsip sa dugo ng pamilyang ito! You're nothing but a worthless scumbag!""Kahit ano pang sabihin mo, hindi ako aalis! Maghihintay ako rito hanggang hindi nila ako hinaharap!"Natigil sa sagutan an
"HINDI ko alam na bata pa pala ang nagmamay-ari ng Regal Oasis..."Nabaling ang tingin ni Jordan kay Miguel nang makabalik na ito sa sala matapos linisin ang sugat."I was really surprised. And honoured, of course."Nadala na ng katulong ang tatlong tasa ng kape at halos nangangalahati na ni Jordan ang kanyang inumin habang si Corrie ay mas pinili siyang sulyap-sulyapan na para bang sinusuri ang kanyang pagkatao."It's an inheritance from my grandfather after retiring to business."Humigop muna sila ng kape. At tulad ni Corrie ay hindi rin maiwasan ng ginoo na panay sulyapan ang binata."Mukhang malaki ang tiwala sa 'yo ng lolo mo para hayaan niyang pamahalaan mo ang tanyag na Regal Oasis.""I was just twenty-two when he handed it to me.""Really?""And for the past ten years na hawak ko ito, umabot na rin sa dalawampu't anim na lugar sa buong Pilipinas ang sakop nito."Lumapit si Marco at sumingit sa usapan. "Sir, twenty-seven na.""Yeah, right. I almost forgot my last project in Bat
MAHIHINANG yugyog ang nagpamulat sa nahihimbing na si Jamilla na nakatulog sa likurang upuan ng sinakyang kotse. Inaantok pa sana siya, pero hindi siya nilulubayan ng taong pilit gumigising sa kanya."Nandito na tayo."Inisip muna ng dalaga ang kinaroroonan bago naalala ang nagdaang pangyayari."Tumingin ka sa labas," utos ng drayber. "Tama ba ang pinagdalhan ko sa 'yo?"Kinusot muna ni Jamilla ang mga mata at tumanaw sa labas ng bintana. "Opo," tugon niya nang makita ang pamilyar na paligid. "Hay'un ang bahay namin," sabay turo sa tinukoy na nalagpasan na nila sa unahan."Teka't iaatras ko.""Huwag na po. Baka magtaka ang pamilya ko kapag nakita akong bumaba rito. Salamat po sa paghatid. At pasensiya na sa abala.""Rex ang pangalan ko. Tatay Rex. Iyon na lang ang itawag mo sa akin.""Salamat po, Tatay Rex.""Si Sir Jordan ang dapat mong pasalamatan.""Hindi na rin po siguro kami magkikita pa kaya pakisabi na lang po sa kanya na hindi ko makakalimutan lahat nang ginawa niyang tulong p
"NAKIKITA mo ba ang taong 'yon?"Sinundan naman ng tingin ni Amberlyn ang itinuro ng ina at saka tumango nang matanaw sa unahan ang isang lalaking nakatalikod habang nakatanaw sa malawak na karagatan."Ibigay mo ito sa kanya..."Nabaling ang mga mata ng bata sa singsing na iniangat ng ina sa harapan nito. "Are you going to marry him?"Buong paglalambing na ginulo ni Jamilla ang buhok ng anak. "You're really smart.""Ibig pong sabihin magiging daddy number two ko na siya?""He's going to be the best daddy in the whole world." Napansin ni Jamilla ang lumarawang lungkot sa mukha ng anak. "Why?""Daddy number one is still my best daddy from Pluto to Earth."Napipilan si Jamilla."Mommy?""Hmm?""Mommy has Daddy number two. Tito Gener has Tita Money. Me, I have Angel and Yaya Erin. But Daddy Jerry has no one."Muling natigilan si Jamilla. Hindi niya inilihim sa anak ang mga nangyari lalo na sa pamilya ng ama nito."Mommy, I want to live with Daddy.""Baby..." Iniharap niya ang anak sa kany
"MOMMY, I'm so happy today. Can we do this again?"Nakangiting sinulyapan ni Jamilla ang anak matapos maupo sa harapan ng manibela. "Sure, anak. Gagawin natin lahat nang makapagpapasaya sa 'yo.""Yeheyyy!" Natutuwa nitong itinaas ang yakap-yakap na manika. "Did you hear that, Angel? She's the best mommy in the world!"Pinaandar na ni Jamilla ang kotse. Nagsisimula na siyang bumawi sa ilang taon na nawala sa kanila ng anak. Pero mas makukumpleto ang kaligayahan niya kung masasabi na niya rito ang buong katotohanan sa relasyon nilang dalawa. At isasakatuparan na niya ang pagtatapat sa araw na iyon."Mommy, where are we going now?""Gutom ka na ba?""Opo.""Then, let's eat first.""You're also hungry, Angel?" Hinawakan nito sa ulo ang manika at pinatango. "We really are sisters."Inunat ni Jamilla ang braso at masuyong hinaplos ang pisngi ng anak. "I love you, baby.""I love you more, Mommy."Mula sa Enchanted Kingdom ay dumiretso ang dalaga sa Paseo de Santa Rosa. Noong isang araw pa si
"PUMUNTA ka sa mga tita at tito mo sa Amerika. Alam ko na hindi ka nila pababayaan doon.""No," salungat ni Jerry sa suhestiyon ng ina. "I want to stay here para lagi ko kayong madadalaw.""Forget about us."Napatingin si Jerry sa ama. "Dad, what are you saying?""Kalimutan mo nang may mga magulang kang tulad namin. Go on with your own life. Huwag mo lang uling tatahakin ang daan na nagdala sa amin sa buhay na ito."Pinatatag ni Jerry ang kanyang sarili kahit nakakaramdam siya ng awa sa ama't ina.Hindi man lamang pumasok sa isip niya minsan na makikita ang mga magulang niya sa ganoong sitwasyon.Nahatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo sina Miguel at Amelita sa kasong murder, arson at kidnapping. No bail and parole. Sa loob ng selda na nila gugugulin ang ilang taon na natitira na lang sa kanilang buhay."Hindi ako naging mabuting anak. I'm sorry.""No." Ginagap ng ginang ang kamay ni Jerry, "Wala kang dapat na sisihin kundi kami ng papa mo. Pero tadaan mo lang lagi na hindi mababago
MABILIS ang naging usad ng pagdinig sa patong-patong na mga kasong isinampa sa pamilya Villar.Malakas ang nakalap na mga ebidensiya ni Gener. Idinawit nito ang mga dating opisyal at katrabaho na sangkot sa tampering ng Angeles Murder case.Mas lumakas pa ang pagdidiin ng kampo ni Jamilla sa pamilya Villar dahil sa CCTV footage na nakuha sa mismong Red Intel Manila na sinuportahan ng testimonya ni Aurora Pulatis.Isa sa mabigat na kaso na kinaharap nina Miguel at Amelita ay kidnapping. Tumayo bilang testigo sina Dra. Delda Ancheta at Zeraida Capisano.Natanggalan ng lisensiya ang direktor ng Miracle Hope na tumulong sa pag-kidnap kay Amberlyn at pinatawan ito ng pitong taon na pagkakabilanggo.Dumagdag ang kasong child abuse na nagdiin kay Corrie nang akusahan ito ni Erin ng labis na pagmamaltrato sa hindi naman pala nito anak. Sampung taon na sentensiya ang iginawad dito ng hurado at sampung taon naman sa naudlot na plano nitong pagtakas sa batas kasama ang kalaguyo nitong pulis.Mad
"KUKUHA lang ako ng mainit na tubig. Huwag kang lalabas ng silid, ha?"Hinawakan ni Amberlyn sa ulo ang nilalarong manika at pinatango iyon. "Opo," tugon niya sa maliit na tinig."Promise?"Muli niyang pinagalaw ang ulo ni Angel. "Promise, Tita Tere. I will be a good girl.""Okay. Babalik agad ako."Sinundan ng pagbangon ni Amberlyn sa higaan ang paglapat ng isinarang pinto ni Tere."Angel, ikaw ang nangako sa kanya kaya huwag na huwag kang lalabas ng silid.""Let's play and happy!" pag-iingay ng manika nang pindutin ni Amberlyn ang tiyan nito."Okay. Let's play and be happy when I come back. Sandali lang ako." Inihiga ni Amberlyn sa kama ang manika. "Miss ko na kasi si Yaya Erin kaya sisilipin ko lang siya.""Let's play and be happy!""I'll be back."Pinakiramdaman muna ni Amberlyn ang likod ng pinto bago marahang pinihit ang seradura at sumilip sa maliit na nilikhang siwang niyon. Natutulog sa hilera ng mga upuan ang dalawang bantay habang ang isang gising ay nakalikod at abala nama
"KAYA mo na ba uli silang harapin?""Kakayanin ko," tugon ni Jamilla sa naging tanong ni Jordan. "I've been waiting for this day.""Kung sigurado ka na at handa ka na, then go ahead. I'll be right here."Nag-iwan muna nang huling sulyap si Jamilla sa mga taong naroon sa loob ng interrogation room bago siya humakbang patungo sa pinto ng extension room.Sandali munang nakipagtitigan ang dalaga sa seradura at saka unti-unti 'yong pinihit.Marahan na tinapik ni Jordan sa balikat ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng control panel kung saan nakakonekta iyon sa loob ng silid na napapagitnaan lang ng malapad na kuwadradong one-way glass wall. "Please, start."Tumalima naman agad ang operator na pansamantalang tinanggal ang audio at video sa interrogation room.Wala mang naririnig na tinig o ingay sa labas, malinaw na malinaw naman na nakikita ni Jordan sa loob ng silid ang iisang reaksyon sa mukha ng pamilya Villar nang pumasok na roon si Jamilla."Masaya ka na ba?" asik na salubong ni C
PALIPAT-LIPAT ang tingin ng immigration officer sa hawak na passport at may-ari niyon na makikita sa window glass ang nakalarawang iritasyon sa mukha."What took you so long?" asik ni Corrie. "Baguhan ka lang ba rito?""No. I've been here for more than twenty years.""Then you should retire! Ang bagal mo!"The man smirked. Tumango-tango rin ito at lalo pang binagalan ang pagkilos. "I'm really planning. At magiging memorable pa yata ang retirement year ko.""I don't have time for chit-chat, okay? Do your job. Sayang ang pinapasahod sa 'yo ng gobyerno.""Why such in a hurry, Mrs. Corrie Han Villar?""Gosh! You're annoying! Bilisan mo riyan!""Hindi mo puwedeng apurahin ang immigration officer. May sinusunod kaming protocol dito para sa checking and verification ng mga documents. But if you're really in a hurry, may kilala ka ba rito sa loob na puwedeng makatulong sa 'yo?"Lumapit na si Amelita mula sa likuran ng yellow line dahil sa tagal ni Corrie. Narinig na rin niya ang malakas niton
"MUM, stop it."Sandaling natigil sa pagtitipa ng mensahe sa cellphone si Amelita. Sinulyapan nito ang anak.Magkakasama sa mahabang police patrol vehicle ang buong pamilya. Naroon din si Monette. Nakahiwalay lang sa kanila sina Lodi, Baldo at Edna."Don't try to stop me." Sumulyap ito sa mga kasamang pulis. "Gusto mo ba na makulong, ha?""We've been free for too long..." Pinilit ni Jerry na makapagsalita. He's still weak, but he has to voice out his sentiments that his been keeping it deep within his broken heart. "Dapat nga noon pa natin pinagbayaran lahat nang mga kasalanan natin."Maraming dahilan kaya pakiramdam niya ay durog na durog ang puso niya. He's an unworthy man, a worthless father, not a so-good husband and son.Minsan hindi niya maiwasan na hilinging hindi na lang sana siya nakaligtas noong gabing maaksidente siya. Because living is pointless anymore."We did nothing wrong!" madiing saad ni Amelita. "Ang babae na iyon ang dahilan kaya nandito tayo sa sitwasyon na ito! I
"DOC, anong nangyari? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang anak ko?"Lumipas na ang mahigit apat na oras na sinabi ng doktor na dapat ay bumalik na ang malay ni Amberlyn, pero nagpalit na ang bagong araw ay nanatili pa rin itong tulog. Hindi man lang ito nagbibigay ng senyales kahit ang dumikat kahit saglit."Normal na ang kanyang mga vital signs. There is no indication of any infection or side effects and even the postoperative complication. We're confused, too.""No explanation at all? It can't be," wika ni Jamilla nang naiiling habang puno ng pag-aalala. "There might be something wrong with her.""Did your child have any traumatic experience?"Napakunot ng noo si Jamilla. "Why?""During her operation, I noticed some old scars from her body. And some are deep na para bang galit na galit ang sinumang tao na gumawa niyon."Napahagulhol si Jamilla."Who did it?"Umiling si Jamilla. "Not me. But someone who is evil!" saad niya na puno ng galit sa pagkakaalala kay Corrie