Share

Chapter 6

NAPATIGIL sa paglilibot-libot sa buong departamento ng men's section ang supervisor nang marinig at makita nito ang pagkalaglag ng sapatos na inaayos ni Jamilla sa metal shoe rack. Nakapameywang at nakataas ang isang kilay nito nang lapitan ang dalaga.

"Anong ginagawa mo?"

"Sorry po, ma'am!"

Marahas nitong hinablot ang sapatos na dinampot ni Jamilla sa sahig. "Alam mo ba kung magkano ito, ha?"

Sa halip na sumagot ay lalong ibinaba ng dalaga ang ulo sa pagkakayuko dahil ilang mga kostumer ang napapatingin sa kanilang direksyon.

"Apat na buwan mo lang namang sahod ang katumbas nito. Kaya mo bang bayaran 'yon kapag nagasgasan ito?"

"Sorry po, Ma'am Eds. Hindi na po mauulit."

"Haist! Bakit kaya hanggang ngayon, nandito ka pa rin? Tatanga-tanga ka naman!"

Lalong itinago ni Jamilla sa pagkakayuko ang namumula niyang mukha. Pigil din niya sa pagkagat ng ibabang labi ang pagpatak ng mga luha.

"Sa susunod, tatanggalin na kita sa trabaho." Inis nitong ibinalik sa istante ang hawak na sapatos. "Maliwanag?"

"Opo. Pasensiya na po."

Nabaling ang atensyon ng dalawa sa isang saleslady na bumagsak ang tangan nitong mga kahon-kahon na sapatos.

"Cristel, mag-iingat ka."

Mabilis na iniiwas ni Jamilla ang tingin nang tinulungan pa ng supervisor ang kanyang katrabaho. Apat na pares ng sapatos ang naibagsak nito sa sahig samantalang siya ay isang piraso lamang, pero umani siya rito ng sermon.

Hindi niya alam kung bakit laging mainit sa kanya ang dugo ni Ma'am Eds. Mabait naman ito sa lahat halos ng kanyang mga kasamahan.

Aaminin niyang sa dumaan na tatlong linggo ay wala siya lagi sa sarili. Hindi na kasi nagpaparamdam si Jerry mula nang may namagitan sa kanilang pagniniig.

Ilang ulit niyang tinawagan at pinadalhan ng mensahe ang nobyo, pero hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang nakukuhang sagot dito.

Naaapektuhan na ang kanyang trabaho kaya lalo siyang pinag-iinitan ng malditang supervisor.

"Uy!"

Muling nabitiwan ni Jamilla ang inaayos na sapatos dahil sa gulat nang bigla na lang sumulpot sa tabi niya ang isa pang kontrabida. Mabuti na lamang ay nakalayo na ang kanyang supervisor.

"Ang aga-aga mong sinabon, ah? Bakit ba kasi hindi ka na lang maghanap ng ibang trabaho? Kahit ako, umiinit ang ulo ko kapag nakikita ka. Sinisira mo lagi ang araw ko. Sana tubuan ka naman ng kahit kaunting pakiramdam."

Dinampot muna niya ang sapatos at inayos iyon sa metal shoe rack. "Hindi ko maintindihan kung bakit ang init ng ulo niyo sa akin? May ginawa ba ako sainyong mali? Puwedeng paki-explain nang maintindihan ko naman?"

"Huh!" Napangisi ito, "At may guts ka na ngayong magsalita? Fine. Gusto mong marinig? Baguhan ka pa lang dito, pero sa unang araw mo ay nakuha mo na agad ang atensyon ni Sir Jerry."

"Tatlong buwan nang nagyari ang sinasabi mo."

"At tatlong buwan mo na ring pinapainit ang ulo namin."

Tumalikod na si Jamilla para hindi na humaba pa ang pakikipagtalo kay Ellie, pero sa paghakbang niya ay pinatid nito ang kanyang paa dahilan upang mawalan siya ng panimbang. Mabuti na lang may maagap na kamay na pumigil sa braso niya bago siya mabuwal.

"Sorry po, sir! Sorry po!"

"Hindi ikaw ang dapat na humihingi ng tawad," wika ng lalaki na bumaling kay Ellie. "Nakita ko ang ginawa mo?"

Namutla ito. "Sir, hindi ko naman po 'yon sinasadya."

"I have keen eyes. It was intentional. Don't you dare lie to me."

"Hindi po. Aksidente lang po talaga iyon, sir."

"Isa pang ibuka mo iyang bibig mo, and I'll tell the manager of this shop to fire you."

Bahagya lang yumukod si Ellie sa lalaki at mabilis nang umalis matapos palihim na pukulin ng matalim na tingin si Jamilla.

"Are you okay?"

"Opo, sir. Salamat."

"May size 5 at 10 ba kayo nito?"

Napasulyap naman muna si Jamilla sa baston ng lalaki at magkaibang laki ng mga paa nito bago tinugon ng tango ang pagtukoy nito sa hawak na rubber shoes.

"Kukuha lang po ako sa stockroom."

Aktong tutulungan sana ng dalaga ang kostumer na akayin sa mahabang upuan nang pigilan na naman siya nito sa braso.

"I can manage. Go ahead. I'll wait here."

"Okay po, sir."

Nagmamadali nang umalis si Jamilla matapos makita ang pag-upo ng lalaki na siniguro munang maayos ito.

"Jordan!"

"Keith." Tinanggap niya ang pakikipagkamay ng lumapit na kaibigan. "Long time, no see."

"Ikaw lang naman ang laging mailap sa gathering ng tropa. But at least, tinanggap mo ngayon ang imbitasyon ko na bumisita rito. May umasikaso na ba sa 'yo?"

Keith is the manager of the store. Kaya malakas ang loob niya kanina nang bantaan ang isa sa mga empleyado nito. "Meron na."

"Good. Balita ko may plano ka nang mag-migrate sa Switzerland? Siguradong ikatutuwa iyan ng pamilya mo. You've been away from them for almost a decade."

"Mas gusto ko lang kasing tumira sa sarili nating bansa."

Natawa ito. "You're still the patriot of this country. But what makes you change your mind, then?"

"I just feel tired running alone." Napangiti siya nang matuon ang tingin ni Keith sa kanyang mga paa. Anim na taon lang siya noon nang dapuan ng sakit na polio. "Hindi nga pala ako nakakatakbo."

Tinabihan nito ang kaibigan. "Go and live with your family. Malaki ang maitutulong nila sa iyo."

"Ang totoong rason kaya hindi ako sumusunod doon dahil ayokong ituring nila akong inutil."

"C'mon. Hindi naman iyan ang gusto kong sabihin. Your family missed you a lot. At mahal na mahal ka rin nila, so don't misunderstood them-- us."

"I can manage myself without any help."

"I know." Tinapik-tapik nito ang balikat ng kaibigan. "But anyway, naalala ko na sinabi mo noon na pupunta ka lang ng Switzerland kapag may maisasama at maihaharap ka nang babae sa pamilya mo. Meron na bang bumihag sa puso mo?" nanunukso nitong tanong.

"Shut up!"

Muling natawa si Keith. "Bro, ipakilala mo naman ako nang makilatis ko. Baka mamaya niyan, tine-take advantage lang niya ang gandang-lalaki mo."

Naiiling siya na nakangiti sa patuloy na pagbibiro ni Keith. "There's no one. Wala naman sigurong matinong babae ang papatol sa tulad ko."

"Hindi 'yan totoo. You just need to believe and wait for the right time."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status